You are on page 1of 14

PAKIKINIG (Pag-unawa sa Napakinggan)

1. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto (2/


G3)
2. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento (2/ G3) / Nasasagot ang
mga tanong tungkol sa napakinggang tula/ Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang balita/anunsiyo / Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang /
usapan (G3)
3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan sa pamamagitan
ng larawan / Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan (2/
G3)
4. Naisasakilos ang tulang napakinggan (2/ G3)
5. Nakasusunod sa panutong may 2 – 3 hakbang (2/ G3) / Nakasusunod sa panutong may
3 – 4 hakbang (2/ G3)
6. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng larawan / Naisasalaysay muli
ang napakinggang teksto sa tulong ng pamatnubay na tanong / Naisasalaysay muli ang
napakinggang teksto sa tulong ng balangkas / Naisasalaysay muli ang napakinggang
teksto ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod (G3)
7. Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang parabula / alamat / Naiguguhit ang mensahe
ng napakinggang teksto (G3)
8. Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento (2 / G3)
9. Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang teksto (G3)
10. Nasasabi ang sariling ideya tungkol sa tekstong napakinggan (G3)
11. Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan (3 / G3)
12. Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento (3 / G3)
13. Natutukoy ang mahahalagang detalye kaugnay ng paksang narinig (2 / G3)
14. Naibibigay ang sariling hinuha bago, habang at pagkatapos mapakinggang teksto (G3)

1. Nakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang maulit at mabigyang-kahulugan ang mga


pahayag (G4)
2. Natutukoy ang damdamin ng tagapagsalita ayon sa tono,diin,bilis at intonasyon (4 /G4)
3. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa mahahalagang detalye ng napakinggang balita
(3/G4) / / Nasasagot ang mga tanong tungkol sa mahahalagang detalye ng napakinggang
teksto o SMS (Short Messaging Text)/ Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa
napakinggang opinyon mula sa binasang pahayagan (G4)
4. Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang opinyon mula sa binasang
pahayagan / Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang tula /
Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang tekstong pampanitikan
- alamat (G4)
5. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa isyung ipinahahayag sa isang editorial cartoon
(G4)
6. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pagpupulong (pormal at di-pormal) /
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang debate / Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa napakinggang script ng teleradyo/ Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang argumento/ Nasasagot ang mga tanong batay sa tekstong napakinggan
(G4)
7. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano / Nasasagot ang mga tanong na bakit at
paano batay sa tekstong napakinggan (2 / G4)
8. Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang ng isang gawain (2 / G4) / Nakasusunod
sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang gawain / Nakasusunod sa napakinggang
panuto (G4)
9. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan sa pamamagitan ng
tanong (pangungusap) / Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong
napakinggan sa pamamagitan ng paggamit ng una, pangalawa, sumunod at panghuli /
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa napakinggang
radio broadcasting (G4)
10. Napagsusunod-sunod ang mga detalye ayon sa tekstong napakinggan (G4)
11. Naisasalaysay ang mahahalagang detalye sa napakinggang editorial (G4)
12. Naisasakilos ang bahagi ng kuwento na nagustuhan / Naisasakilos ang napakinggang awit
(G4)
13. Naibibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa napakinggang teksto / Naibibigay
ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa napakinggang ulat (G4)
14. Naibibigay ang paksa ng napakinggang teksto (2 / G4)
15. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggang teksto
(G4)
16. Nakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang maulit at mabigyang-kahulugan ang mga
pahayag (G4)
17. Nailalarawan ang elemento ng kuwento
- tagpuan
- tauhan
- banghay
- pangyayari (G4)
18. Naibibigay ang sariling wakas ng napakinggang tekstong pang-impormasyon
- talambuhay (G4)
19. Natutukoy ang damdaming ipinahihiwatig ng napakinggang paliwanag (G4)
20. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa napakinggang teksto (G4)

Pagsasalita
1. Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng isang kilos o gawi (6 / G3-G4)

1. Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng sarili (G3)


2. Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng ibang tao (G3)
3. Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa
paligid (4 / G3) / Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar
at bagay at mga pangyayari sa paligid (G3)
4. Nagagamit ang magalang na pananalita na angkop sa sitwasyon (pagbati, pakikipag–
usap, paghingi ng paumanhin) / Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na
sitwasyon pakikipag usap sa matatanda at hindi kakilala
/ Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon (pagpapaliwanag) /
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagtanggap ng panauhin / Nagagamit ang
magalang na pananalita na angkop sa sitwasyon (panghihiram ng gamit) / Nagagamit ang
magagalang na pananalita sa pag-anyaya (G3)
5. Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya) /
Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao kami, tayo, kayo at sila
(3/ G3) /
6. Nagagamit ang panghalip bilang pamalit sa pangngalan may panandang ang
(ito/iyan/iyon) (G3)
7. Nagagamit ang panghalip bilang pamalit sa pangngalan anyong ng (nito/niyan/ (noon)
niyon) (2/ G3)
8. Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa pamayanan / Naiuulat
nang pasalita ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayanan (G3)
9. Naiuulat nang pasalita ang mga napakinggang balita (G3)
10. Naiuulat nang pasalita ang mga napanood na patalastas (G3)
11. Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari
ano, sino, saan, ilan, kailan, ano- ano, sino-sino / Nagagamit ang angkop na pagtatanong
tungkol sa mga tao, bagay, at lugar sa pamayanan (G3)
12. Nakapaglalarawan ng mga tao, hayop, bagay at lugar sa pamayanan (3 / G3)
13. Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu (2/ G3)
14. Nagagamit ang tamang salitang kilos/ pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal na
karanasan (2/ G3)
15. Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan, at pamayanan (G3)
16. Nagagamit nang wasto ang pang-ukol (laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa) / Nagagamit
nang wasto ang pang-ukol (laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa, tungkol sa) (3 / G3)

2. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon tulad ng pagsasabi ng


puna / pagbili sa tindahan / (pagsasabi ng panga ngailangan) / sa pagbibigay ng
mungkahi o suhestyon / paghingi ng pahintulot / (pagpapahayag ng pasasalamat) / sa
pakikipag-argumento o pakikipagdebate / Pagbibigay ng puna sa editorial cartoon /
pakikipag talastasan sa text (SMS), pagbati sa sarili sa mga tao, sa mga hayop sa paligid
sa lugar, bagay at pangyayari sa paligid (G4)
3. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa a.) sarili, b. ibang
tao sa paligid / Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa
mga a.) hayop b.) lugar c.)sa paligid / Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa
pagsasalita tungkol sa mga a. bagay b. pangyayari sa paligid (G4)
4. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili,sa mga tao,
lugar, bagay at pangyayari sa paligid / sa sarili sa mga tao, sa mga hayop sa paligid
sa lugar, bagay at pangyayari sa paligid (G4)
5. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang mga larawan ( 2 /G4 )
6. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang mga pangungusap ( 2 /G4 )
7. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita ( 2 /G4 )
8. Naikukuwentong muli ang napakinggang kuwento na wasto ang pagkakasunod-sunod at
gumagamit ng signal words: una, pangalawa (G4)
9. Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto ( 3 /G4 )
10. Nakapagbibigay ng panuto na may dalawa hanggang tatlong hakbang gamit ang
pangunahing direksyon / Nakapagbibigay ng panuto gamit ang pangunahin at
pangalawang direksiyon (G4)
11. Nakapagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon / Nakapagbibigay ng panuto na may tatlo
hanggang apat na hakbang gawain / Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain (G4)
12. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol sa
sariling karanasan (2 / G4)
13. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pananong)
i. isahan
ii. maramihan usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan
14. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panaklaw)
- tiyakan
- Isahan/Kalahatan
- di-tiyakan
- sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan (G4)
15. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pamatlig)
- Patulad
- pahimaton
- paukol
- Paari
- panlunan
- paturol sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan (G4)
16. Nagagamit nang wasto ang pang-uri
- paghahambing
- pasukdol
- sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari, sa sarili,ibang tao katulong sa
pamayanan (2/ G4)
17. Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay) sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at
pangyayari
- sa sarili
- ibang tao
- katulong sa pamayanan (G4)
18. Nagagamit ang uri ng pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng nasaksihang
pangyayari (G4)
19. Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi , sinabi at naging damdamin (3 / G4)
20. Nagagamit ang aspekto (panahunan) ng pandiwa n sa pagsasalaysay ng
- nasaksihang pangyayari (G4)
21. Nagagamit ang panagano ng pandiwa: pawatas, pautos sa pagsasalaysay ng
napakinggang usapan (G4)
22. Nagagamit ang panagano
- paturol
- pasakali ng pandiwa sa pagsasalaysay ng sariling karanasan (G4)
23. Nagagamit nang wasto ang pang-abay at pandiwa sa pangungusap (G4)
24. Nagagamit nang wasto ang pang-abay at pang-uri sa pangungusap / Nagagamit ang
pang-abay at pang-uri sa paglalarawan (G4)
25. Nagagamit ang pang-abay, pariralang pang-abay sa paglalarawan ng kilos / Nagagamit
ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng kilos (G4)
26. Nagagamit ang pariralang pang-abay at pandiwa, pariralang pang-abay at pang-uri sa
paglalarawan (G4)
27. Nagagamit sa pagpapahayag ng sariling opinyon ang magagalang na pananalita
sitwasyon/ Nagagamit pagpapahayag ng hindi pagsang-ayon ang magagalang na
pananalita (G4)
28. Natutukoy ang kaibahan ng pang-abay at pang-uri (G4)
29. Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na (na, ng –g) / Nagagamit nang wasto ang
pang-angkop ( ng, g, na) sa pakikipagtalastasan (G4)
30. Nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig
- o, ni, maging, man
- kung, kapag, pag, atbp.
- ngunit, subalit atbp.
- dahil sa, sapagkat, atbp.
- sa wakas atbp.
- kung gayon atbp.
- daw, raw atbp.
- kung sino, kung ano, siya rin atbp. (G4)
31. Nakapagbibigay ng reaksiyon sa isyu mula sa napakinggang ulat / sa napakinggang
paliwanag (G4)
32. Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa pangungusap (2 /G4 )
33. Naipahahayag ang sariling opinyon o reaskyon batay sa napakinggang pagpupulong
(pormal at di-pormal) (G4)
34. Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu/
Naipahahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang napakinggang isyu o
usapan/paksa / Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang
isyu o usapan (3 /G4 )
35. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasagawa ng radio broadcast/ sa
pagsasalaysay ng sariling karanasan / sa pakikipag-usap / sa pormal na pagpupulong / sa
pagsasabi ng pananaw (G4)
36. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang isyu
(2 /G4 )
37. Nagagamit sa panayam ang iba’t ibang uri ng pangungusap (G4)
38. Nagagamit sa pakikipagtalastasan ang mga uri ng pangungusap (G4)
39. Nagagamit sa pagpapakilala ng produkto ang uri ng pangungusap (G4)
40. Naibabahagi ang obserbasyon sa iskrip ng radio broadcasting / sa napakinggang script
ng teleradyo / sa mga taong kabahagi ng debate (G4)
Pagbasa

1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tekstong pang-impormasyon (5 / G3-G4)


2. Nakakagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan (kasingkahulugan / kasalungat)
(3/ G3-G4)
3. Nakakagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan (pormal na depinisyon ng
salita) (3/ G3-G4)
4. Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari (4 / G3-G4)

1. Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pagtingin sa larawan (2/


G3)
2. Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa (G3)
3. Natutukoy ang mga salitang magkakatugma (3 / G3)
4. Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma (2/ G3)
5. Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan (4 / G3) / Naiuugnay ang sariling karanasan
sa binasa (G3)
6. Nababasa ang mga salitang may tatlong pantig pataas (G3)
7. Nahahati nang pabigkas ang isang salita ayon sa pantig (G3)
8. Naikukumpara ang mga aklat sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakatulad at
pagkakaiba batay sa tema (G3)
9. Naikokompara ang mga aklat sa pamamagitan ng pagkakatulad at pagkakaiba batay sa
pisikal na anyo (tauhan tagpuan tema) (2 / G3) / Naikukumpara ang mga aklat sa
pamamagitan ng pagkakatulad at pagkakaiba batay sa pisikal (G3)
10. Naikokompara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakatulad at
pagkakaiba (3 / G3)
11. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa tekstong pang-impormasyon
pagpapaliwanag (G3)
12. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa tula (G3)
13. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa balita (G3)
14. Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng bagong salita (3 /
G3) / Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita
(G3)
15. Nakakagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan (kasalungat) (3 / G3)
16. Nakakagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan (katuturan o kahulugan ng
salita) / Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita
paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan (kasingkahulugan) (G3)
17. Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita paggamit
ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugahan (context clues) kasingkahulugan/
kasalungat / Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
magkasingkahulugan at magkasalungat na mga salita (2/ G3)
18. Nakakagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan (sitwasyong pinag gamitan) (2/
G3)
19. Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng maikling salitang
matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita (2 / G3)
20. Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga bagong salita
mula sa salitang-ugat (2 / G3)
21. Nailalarawan ang elemento ng kuwento (tauhan, tagpuan, banghay) bigkas (2 / G3)
22. Nababasa ang mga salitang may klaster (2 / G3)
23. Nababasa ang mga salitang hiram / Nababasa ang mga salitang hiram/natutuhan sa aralin
24. Nakasusunod sa nakasulat na panuto (2 / G3)
25. Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas (2 / G3)
26. Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa
tulong ng pamatnubay na tanong / tulong ng balangkas /
27. Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento (3 / G3)
28. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang teksto (G3)
29. Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto
(G3)
30. Naibibigay ang maaaring pahina ng aklat batay sa pamagat at pabalat (G3)
31. Nasasabi ang paksa o tema ng binasang teksto (G3)
32. Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan ng tekstong
binasa (G3)
33. Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto (G3)
34. Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na nananatili ang kahulugan (4 / G3)
35. Naibibigay ang buod o lagom ng tesktong binasa (2 / G3)
36. Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliraning nabasa sa isang teskto o
napanood (G3)
37. Napagsasama ang mga katinig at patinig upang makabuo ng salitang may diptonggo
(G3)

1. Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon (5 / G4)


2. Natutukoy ang mga elemento ng kuwento
- tagpuan
- tauhan
- banghay (G4)
3. Nagagamit ang mga pamatnubay sa salita ng diksiyonaryo (G4)
4. Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling
karanasan / Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling karanasan (5 / G4)
5. Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pamapanitikan
- kuwento (G4)
6. Nasasagot ang mga tanong sa binasang teksto/ Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
binasang teksto (2 / G4)
7. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang editorial (G4)
8. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa tekstong pang-impormasyon / Nasasagot
ang mga tanong na bakit at paano (4 / G4 ) / Nasasagot ang mga tanong sa binasang
tekstong pang-impormasyon recount (G4)
9. Naasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tekstong pangimpormasyon – balita (G4)
10. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto ng awit (G4)
11. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano batay sa tekstong pang-impormasyon
(procedure) (G4)
12. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa editorial cartoon
- kapaligiran
- pangarap (G4)
13. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa minutes ng pagpupulong (pormal at di -pormal)
(G4)
14. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang iskrip ng radio broadcasting (G4)
15. Nagagamit ang diksiyonaryo (G4)
16. Nababasa ang maikling tula nang may tamang bilis, diin, ekspresyon at intonasyon
- pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng
palatandaang nagbibigay ng kahulugan
- -kasingkahulugan (G4)
17. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan
- kasingkahulugan (1.4)
- kasalungat (1.5)
- paglalarawan (1.13)
- pormal na depinisyon (1.10) (G4)
18. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan
- kasingkahulugan (1.4)
- Pormal na depinisyon (1.10)
- Pagbibigay ng halimbawa (1.11) (G4)
19. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan
– kasalungat (1.5) (2 / G4)
20. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan -kasingkahulugan (1.4) (3 / G4)/
Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng palatandaang nagbibigay ng
- kahulugan
- kasingkahulugan (1.4) (G4)
21. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng palatandaang nagbibigay ng
- kahulugan
- sitwasyong pinaggamitan (1.8) (G4)
22. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng palatandaang nagbibigay ng
- Kahulugan
- katuturan o kahulugan ng salita (1.7) (G4)
23. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan
- paglalarawan (1.13) (3 / G4)
24. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan
- paglalarawan (1.13) (G4)
25. Nakasusulat ng balangkas ng binasang teksto sa anyong pangungusap o paksa ( 2 / G4)
26. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa binasang teksto / Napagsusunod-sunod ang
mga pangyayari sa kuwento
- mga larawan (G4)
27. Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkasunod-sunod ng mga
pangayayari
- (larawan) (G4)
28. Nababasang muli ang teksto upang makuha ang impormasyong kinakailangan (G4)
29. Natutukoy ang elemento ng kuwentong binasa
- tagpuan
- tauhan
- banghay (G4)
30. Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento
- simula
- kasukdulan
- katapusan (G4)
31. Naisasalaysay muli ang nabasang teksto gamit ang mga pangungusap (G4)
32. Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng aklat tulad ng talaan ng nilalaman,
talahuluganan (G4)
33. Nakababasa para kumuha ng impormasyon (G4)
34. Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/ kaalaman (G4)
35. Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa nabasang pahayag (G4)
36. Nabibigyang-kahulugan ang bar grap/dayagram/talahanayan/tsart (G4)
37. Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa ugnayang salita-larawan (4 / G4)
38. Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng nakalarawang balangkas (2
/ G4) / Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng nakalarawang
balangkas ang kahulugan ng salita batay sa ugnayang salita-larawan (G4)
39. Natutukoy ang mga sumusuportang detalye sa mahalagang kaisipan sa nabasang teksto
(G4)
40. Nagagamit nang wasto ang -card catalog, -OPAC (Online Public Access Catalog) (2 / G4)
/ Nagagamit nang wasto ang card catalog -OPAC (Online Public Access Catalog)
41. Naisasalaysay muli ang nabasang teksto sa sariling pangungusap (G4)
42. Nakagagamit ng pangkalahatang sanggunian ayon sa pangangailangan: diksiyonaryo,
almanac, atlas 3/ G4)
43. Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng nakalarawang balangkas o
dayagram (3/ G4) / Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng
nakalarawang balangkas (kuwadradong pagkukuwento) / Naipakikita ang nakalap na
impormasyon sa pamamagitan ng nakalarawang balangkas o dayagram
- (mula sa binalangkas na binasang opinyon) (G4)
44. Nakakukuha ng tala buhat sa binasang teksto (3/ G4)
45. Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng
pag-uugnay sa sariling karanasan (8 / G4)
46. Nakakukuha ng impormasyon sa editoryal sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa
paliwanag (2 / G4)
47. / Nakakukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa sa paliwanag
(3/ G4)
48. Natutukoy ang mga sumusuportang detalye sa mahalagang kaisipan sa nabasang teksto (3
/ G4)
49. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat bahagi ng pahayagan (G4)
50. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto (G4)
51. Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng pahayagan (4 / G4)
52. Nagagamit nang wasto ang kagamitan sa silid-aralan batay sa pangangailangan (G4)
53. Nagagamit ang kagamitan ng silid-aklatan para sa pangangailangan (G4)
54. Nakapagbibigay ng wakas sa binasang teksto (G4)
55. Nasusuri kung opinyon o katotohanan ang pahayag (G4)
56. Naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto (G4)
57. Nakapagtatala ng impormasyong kinakailangan (G4)
58. Naibibigay ang buod o lagom ng debateng binasa (G4)
59. Naibibigay ang buod o lagom ng tekstong script ng teleradyo (G4)
60. Nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa (G4)

Pagsulat

1. Nasisipi nang wasto at maayos ang isang talata (4 / G3)


2. Nasisipi nang wasto at maayos ang mga liham (2 / G3)
3. Nababaybay nang wasto ang batayang talasalitaan (G3)
4. Nababaybay nang wasto ang mga salitang hiram (2 / G3)
5. Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o apat na pantig (G3)
6. Nababaybay nang wasto ang mga salita di-kilala batay sa bigkas (G3)
7. Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutunan sa aralin/ Nababaybay nang wasto
ang mga salitang natutunan sa aralin/ batayang talasalitaang pampaningin (G3)
8. Nababaybay nang wasto ang mga salita natutuhan sa aralin / Nababaybay nang wasto ang
mga salita natutunan sa aralin/ batayang talasalitaan/ salitang dinaglat/ salitang hiram (2 /
G3)
9. Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, at gamit ng malaki at maliit na letra
upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa o isyu (G3)
10. Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng; mga salitang
natutunan sa aralin parirala pangungusap / Nagagamit ang malaki at maliit na letra at
mga bantas sa pagsulat ng mga parirala/ pangungusap (G3)
11. Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng talata (2 / G3)
12. Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
dinaglat (3 / G3)
13. Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napakinggan/napanood /
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napakinggan / Nakasusulat ng
isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napanood (2 / G3)
14. Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan sa kapaligiran
(G3)
15. Nakasusulat ng liham pangangalakal (G3)
16. Nakasusulat ng isang talata (G3)
17. Nakasusulat ng talata nang may wastong baybay, bantas at gamit ng malaki at maliit na
letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa o isyu (2 / G3)

1. Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili (G4)


2. Nakasusulat ng talatang naglalarawan (G4)
3. Nakasusulat ng talata na may sanhi at bunga (G4)
4. Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa pamayanan (G4)
5. Nakasusulat ng kuwento na may angkop na wakas (G4)
6. Nakasusulat ng tugma o maikling tula (G4)
7. Nakasusulat ng balita na may huwaran/ padron/ balangkas (G4)
8. Nakasusulat ng balitang napakinggan nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari (G4)
9. Nakasusulat ng balitang napakinggan ayon sa ginawang balangkas (G4)
10. Nakasusulat nang wastong text (SMS) (G4)
11. Nakasusulat ng maikling usapan na gumagamit ng magagalang na pagbati sa iba’t ibang
okasyon o pagdiriwang
- Maligayang kaarawan/ pasko/ pagdating ... (G4)
12. Nakasusulat ng usapan (G4)
13. Nakasusulat ng liham pangkaibigan bilang tugon sa imga nakalap sa kuwentong binasa
(G4)
14. Nakasusulat ng liham na humihingi ng pahintulot na magamit ang silid-aklatan (G4)
15. Nakasusulat ng talaan ng mga salitang katutubo at ang mga kahulugan nito
Halimbawa
ibon – langgam 1. (G4)
16. Naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin at salitang hiram
kaugnay ng ibang asignatura (G4)
17. Nakasusulat ng reaksiyon/opinyon tungkol sa napapanahong isyu (G4)
18. Nakasusulat ng recount (G4)
19. Nakasusulat ng timeline tungkol sa mga pangyayari sa binasang teksto (G4)
20. Nakasusulat ng panuto gamit ang dayagram (G4)
21. Nakasusulat ng mga panuto gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon (G4)
22. Nakasusulat ng sariling talambuhay (G4)
23. Nakasusulat ng impormasyong hinihingi sa card catalog (G4)
24. Nakasusulat ng simpleng resipi (G4)
25. Nakasusulat ng isang awit tungkol sa nagustuhang bahagi ng binasang teksto (G4)
26. Nakasusulat ng buod/lagom ng binasang teksto / Nakasusulat ng buod o lagom (G4)
27. Nakasusulat ng editorial (G4)
28. Nakasusulat ng paliwanag (G4)
29. Nakasusulat ng argumento / Nakasusulat ng mga isyu/argumento para sa isang debate
(G4)
30. Naiguguhit ang paksa ng binasang teksto (G4)
31. Nakasusulat ng isang balangkas mula sa mga nakalap na impormasyon mula sa binasa
(G4)
32. Nakasusulat ng mga puna tungkol sa isang isyu ( 2 / G4 )
33. Nakaguguhit ng sariling editorial cartoon (G4)
34. Nakasusulat ng patalastas (G4)
35. Nakasusulat ng minutes ng pagpupulong (G4)
36. Nakasusulat ng script para sa radio broadcasting (G4)
37. Nakasusulat ng script para sa teleradyo (G4)

Estratehiya sa Pag-aaral

1. Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon (5 / G3)


2. Nakakagamit ng diksyunaryo (2 / G3)
3. Nabibigyang-kahulugan ang isang table (2 / G3)
4. Nabibigyang-kahulugan ang dayagram (G3)
5. Nabibigyang-kahulugan ang graph (4 / G3)
6. Nagagamit ang mga nakalarawang balangkas sa pagtatala ng impormasyon o datos na
kailangan (3 / G3) / Nagagamit ang mga nakalarawang balangkas sa pagkalap ng
impormasyon o kailangan (G3)
7. Nagagamit nang wasto ang silid-aklatan para sa nakalimbag na kagamitan at electronic na
kagamitan / Nagagamit nang wasto ang silid-aklatan nakalimbag at electronic na
kagamitan / Nagagamit nang wasto ang silid-aklatan kagamitang electronic at nakalimbag
/ Nagagamit nang wasto ang silid-aklatan kagamitang electronic / Nagagamit nang wasto
ang silid-aklatan nakalimbag na kagamitan (G3)
8. Nagagamit pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan (G3)

PANONOOD
1. Naibibigay ang kahalagahan ng media (hal. pang-impormasyon, pang-aliw, panghikayat)
(G4)
2. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa pinanood (2 / G4) / Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa napanood na patalastas / Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napanood na
argumento (G4)
3. Naisasadula ang nagustuhang bahagi ng napanood (G4)
4. Naisasalaysay nang may tamang pagkakasunod-sunod ang nakalap na impormasyon mula sa
napanood (G4)
5. Nakapagbibigay ng reaksyon sa napanood (2 / G4)
6. Nasasabi ang paksa ng napanood na maikling pelikula (G4)
7. Nasusuri ang damdamin ng mga tauhan sa napanood (G4)
8. Naipakikita ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pagsasakilos nito / Naipakikita
ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang pagwawakas ayon sa
sariling saloobin o paniniwala (G4)
9. Naiuugnay sa pinanood ang sariling karanasan / Naiuugnay ang sariling karanasan sa
pinanood (G4)
10. Nakapaghahambing ng iba’t ibang patalastas na napanood / Nakapaghahambing ng iba’t
ibang debateng napanood (G4)

Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan

1. Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon (18 / G3-G4)
2. Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng may akda ng tekstong
napakinggan o nabasa (15 / G3-G4 )
3. Naipakikita ang hilig sa pagbabasa sa pamamagitan ng pagpili ng mga babasahing
angkop sa edad (2 / G3-G4 )
4. Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng pagmamahal sa pagbasa
ng panitikan (13 / G3- G4 )
5. Naipakikita ang pagtanggap sa mga ideya ng nabasang teksto/akda (6 / G3-G4 )

1. Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan (3 / G3)


2. Nauunawaan ang kahalagahan ng mga nilalaman ng panitikan / teksto (G3)
3. Naibabahagi ang karanasan at kaalaman mula sa pagbasa upang makahikayat ng iba na
magbasa (G3)
4. Naipakikita ang aktibong pakikilahok sa usapan at gawaing pampanitikan (2 / G3)
5. Nababago ang sariling damdamin at pananaw sa mga bagay-bagay batay sa binasang
teksto (G3)

6. Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito (9 / G4)


7. Napahahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng aktibong
pakikilahok sa usapan at gawaing pampanitikan (2 / G4 ) / Napahahalagahan ang mga
tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng pagsulat ng reaksyon o saloobin ukol dito /
Napahahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng pagpapakita ng
sigasig/interes sa pagbasa (G4)
8. Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng pagkahilig ng iba sa
pagbabasa ng panitikan / Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng
iba na magbasa ng panitikan (G4)
9. Naipakikita ang hilig sa pagbasa sa pamamagitan ng paggamit ng mga kagamitan sa silid-
aklatan (3 / G4 )

You might also like