You are on page 1of 1

Alamat ng Ampalaya

Noong unang panahon, sa bayan ng


mga gulay, ang lahat ay may kanya
kanyang katangian.
Ang kalabasa ay may kakaibang
tamis, ang kamatis ay may asim at makinis
na kutis, ang luya ay may kakaibang
anghang, ang labanos ay may sobrang
kaputian, ang talong ay may lilang kulay,
ang mustasa ay luntian.
Ngunit may isang gulay na may
kakaibang anyo. Ito ay si ampalaya. Siya ay
may maputla at may lasang di
maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si
ampalaya kundi ikumpara ang sarili sa
ibang gulay.
Isang araw, nagplano si ampalaya
na kuhanin ang taglay na katangian ng
ibang gulay. Nang sumapit ang gabi,
naisakatuparan nya ang balak. Isinuot nya
ang taglay na katangian ng lahat ng gulay.
Tuwang tuwa si ampalaya
sakapagkat ang dating di pinapansin ay
pinagkakaguluhan na ngayon.
Ngunit walang lihim na di
mabubunyag, napagkasunduan ng lahat ng
gulay na sundan ang kakaibang gulay.
Dito nila nalaman na ang
magandang gulay ay walang iba kundi si
ampalaya. nagalit ang lahat at si ampalaya
ay iniharap sa diwata ng lupain.
Bilang parusa, ang balat ni
ampalaya ay kumulubot at ang lasa sa loob
ng kanyang katawan ay naging mapait na
dulot ng pag hahalo halo ng lasa ng ibang
gulay.

You might also like