html https://pdfcoffee.com/talambuhay-ni-francisco-balagtas-pdf-free.html
Si Francisco Balagtas, ay isang kilalang Pilipinong
makata at may-akda. Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.
Si Francisco Baltazar (na may palayaw na Kikong
Balagtas o Kiko) ay isinilang noong Abril 2, 1788 kina Juana dela Cruz at Juan Baltazar sa Barrio Panginay, Bigaa (na kilala ngayon bilang Balagtas sa kanyang karangalan), sa lalawigan ng Bulacan. Siya ang bunso ng kanyang mga kapatid na sina Felipe, Concha, at Nicholasa. Nag-aral si Francisco sa isang parochial school sa Bigaa kung saan pinag-aralan niya ang mga panalangin at katekismo, at kalaunan ay nagtrabaho bilang houseboy para sa pamilyang Trinidad sa Tondo, Manila kung saan siya ay pinag-aral ng kanyang tiyahin sa Colegio de San Jose. Noong 1812, nagtapos siya sa degree ng Crown Law, Spanish, Latin, Physics, Christian Doctrine, Humanities, and Philosophy. Ang kanyang dalawang dating guro na si Dr. Mariano Pilapil at José de la Cruz na isang bantog na Tondo Poet ang nagturo sa kanya kung paano magsulat ng mga tula.
Hinamon ni Jose de la Cruz si Balagtas upang mapabuti ang kanyang
pagsusulat, at noong 1835 ay natagpuan niya ang kanyang musa na si Maria Asuncion Rivera nang lumipat siya sa Pandacan. Nagsalita siya tungkol sa kanya sa Florante sa Laura bilang 'Celia' at 'MAR'.
Si Balagtas ay pinabilanggo Mariano Capule, isang maimpluwensya
at mayamang lalaking kalaban niya sa pagmamahal kay Celia. Habang nasa kulungan ay isinulat ni Balagtas ang kanyang makasaysayang piraso ng Florante at Laura na inspirasyon ang mga elemento ng kanyang kasalukuyang buhay.
Ang kanyang tula ay nakasulat sa Tagalog bagaman sa panahong
iyon, ang Espanyol ay ang dominanteng wika sa pagsulat sa Pilipinas. Pinalaya si Balagtas mula sa bilangguan noong 1838 at inilathala niya ang Florante at Laura noong panahong iyon.
Naging katulong siya sa Katarungan ng Kapayapaan nang lumipat
siya sa Balanga, Bataan noong 1840, at pagkatapos ng labing anim na taon ay naging Major Lieutenant at punong tagasalin ng hukuman.
Dalawang taon matapos niyang makilala si Juana Tiambeng ng
Orion, Bataan, sila ay nagpakasal noong Hulyo 22, 1842. Nagkaroon sila ng labing-isang anak- limang lalaki at anim na babae. Gayunpaman, pito lamang sa kanila ang nabuhay.
Noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na ang
bawat katutubong Pilipino ay magkaroon ng apelyidong Espanyol. Pagkatapos nito ay naging kilala si Balagtas bilang Francisco Baltazar. Si Balagtas ay nabilanggo sa ikalawang pagkakataon noong 1856 nang ipahayag ang reklamo ng isang kasambahay na pinutol niya ang buhok nito. Siya ay napalaya noong 1860 at ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat ng tula. Namatay si Balagtas noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74. Ang kanyang huling hangarin ay walang sinuman sa kanyang mga anak ang sumunod sa kanyang mga yapak sa takot na sila ay dumaan sa parehong mga paghihirap na kanyang dinanas. Sinabi pa niya na mainam pang maputol ang kanilang mga kamay kaysa ang mga ito ay maging manunulat. Si Balagtas ay lubos na pinahahalagahan sa Pilipinas na ang Pilipinong termino para sa debate gamit ang ekstemporanyong taludtod ay ipinangalan sa kanya: ang balagtasan. Ipinangalan din ang isang paaralang elementarya sa kanyang karangalan, ang Francisco Balagtas Elementary School (FBES), na matatagpuan sa kahabaan ng Alvarez Street sa Santa Cruz, Maynila. Ang buhay pag-ibig ni Balagtas
Naging makulay ang buhay pag-ibig ni Balagtas, binata pa lamang
ay natuklasan na niya ang panliligaw. Sa pamamagitan ng kanyang mga tula ay ipinapahayag ni Balagtas ang kanyang damdamin. Si Magdalena Ana Ramos, ang unang babaeng nakapagpatibok ng kanyang puso. Sa paggawa ng tula, sumasangguni si Balagtas sa mahusay na manunulang si Huseng Sisiw o Jose Dela Cruz. Nang mabigo si Balagtas na magdala ng sisiw kay Huseng sisiw, hindi na nito tinulungan na gumawa ng tula si Balagtas na dapat sana’y iaalay nito kay Magdalena. Simula noon, sinumpa ni Balagtas na paghuhusayan niya ang kanyang paglikha ng tula. Hindi naman nabigo ang binata sa kanyang pangarap. Sumali si Balagtas sa mga panulaan at maraming nahusayan sa kanya kaya naman siya ay mabilis na naging tanyag. Natalo niya ang kasikatan ni Huseng Sisiw. Nang lumipat ng tirahan si Balagtas sa Pandakan, dito niya nakilala ang dalagang ubod ng ganda, kay husay umawit at dalumbhasa sa pagtugtod ng Alpa walang iba kundi si Maria Asuncion Rivera. Kilala rin siya sa panimulang titik na M.A.R. tinawag rin na Celia ni Balagtas si MAR dahil sa Santa ng Musikang si Cecilia. Sa panliligaw sa dalagang si MAR mayroon siyang matinding karibal na isa sa mayaman ng Pandakan, ito ay si Nanong Kapule. Maraming naka- aalam na binigay na ni MAR ang kanyang pag-ibig kay Balagtas. Nalaman ito ni Nanong Kapule kaya naman gamit ang yaman at impluwensya nito, siniraan nito si Balagtas na naging sanhi ng pagkakulong nito. Sa loob ng bilangguan, lalong tumindi ang kanyang paghihirap nang nalaman ni Balagtas na ikinasal na si MAR kay Nanong Kapule. Sa matinding pagmamahal ni Balagtas kay MAR nasulat niya ang FLORANTE at LAURA, habang nakabilanggo. Ang unang yugto ng tulang Florante at Laura ay kanyang naipalimbag at may panulat na Francisco Baltazar. Nang makalaya na si Balagtas, upang makalimot sa matinding kalungkutan sa pag- ibig. Lumayo siya at nagtungo sa Bataan. Sa Udyong, Bataan nakilala ni Balgtas ang magandang dalagang si Juana Tiambeng ng Orion. Niligawan niya ito at hindi naman siya nabigo. Malaki ang naging agwat ng edad nila sa isa’t isa, 54 si Balagtas samantalang si Juana ay 20. Naikasal ang dalawa noong Hulyo 22, 1842. Sa panahong iyon, sa utos ni Gob. Hen. Narciso Claveria ang lahat ng apelyido ay kailangan maging tunog kastila kaya naman ang Balagtas ay naging Baltazar. Sa loob ng 19 na taon na pagsasama ni Kiko at Juana ay nagkaroon sila ng 11 anak, limang lalaki at anim na babae. Subalit ang pito rito ay namatay na sanggol pa lamang. Muling nabilanggo si Balagtas dahil sa sumbong na umano’y pinutol niya ang buhok ng aliping babae ng mayamang Alperes Lucas. Sa pagtatangol sa sarili sa pagkakabilanggo, naubos ang kayamanan ng pamilya ni Balagtas. Upang mabuhay, bumalik ito sa pagsusulat at kakaunti pa lamang ang kinikita nito. Lalong naghirap ang buhay nito. Namatay si Balagtas noong Pebrero 20, 1862, sa edad na 74. Samantala, matinding sunod naman ang nangyari sa Udyong, Bataan at kabilang sa nasunog ang bahay nina Balagtas. Ang baul ng mga dula at mahigit 100 tulang isinulat niya ay natupok ng apoy. Ang ilang tula niya tulad ng Florante at Laura ay nanatili dahil sa ito ay nasaulo ng mga mamamayan.
Isinulat ng isa sa mga pinakadinadakilang manunulat sa kasaysayan ng Pilipinas na si Francisco ‘Baltazar’ Balagtas ang awit na Florante at Laura. Isinulat ito ni Balagtas noong 1838 o nang siya ay edad 50 na.
Sinasabi ng mga historyador na ang orihinal na bersiyon ng awit at
naisulat ni Balagtas sa wikang Tagalog habang ang mga unang kopya naman na muling inilathala ay nasa wikang Filipino at English na nawasak daw ang orihinal na kopya ng gawa ni Balagtas ngunit nakapagtago naman daw ang isang palimbagan ng kopya na ginagamit na batayan hanggang ngayon.
Ayon din sa mga eksperto ng kasaysayan, ang
Florante at Laura ay hango sa kuwento ng pag-ibig ni Balagtas. Siya raw si Florante habang si Laura naman ay ang sinisinta niyang si Maria Asuncion Rivera.
Hindi naman nakatuluyan ni Balagtas si
Asuncion at nakasal ang dalaga sa isang Mariano Capule na naging si Adolfo sa pamosong awit ni Balagtas. Ang masukal na kagubatan na kinaroroonan ni Florante ay hango naman sa gubat ng Quezonaria.
Hindi rin Florante at Laura ang tunay na
pamagat ng akdang ito Balagtas. Ito ay mayroong buong pamagat na “Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang cuadro historico o pinyurang nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahon sa imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog.”
Ang mga paksa na matatalakay sa Florante at Laura ay tungkol sa
pagmamahal sa kanyang kabiyak at pamilya, mayroon ring diskriminasyon at pagkakaibigan ng dalawang magkaaway. Relihiyon at ang paglalaban ng mga moro at Kristiyano ang ginamit na tema ni Francisco Balagtas bagamat naiugnay niya ito sa pag- iibigan nina Florante at Laura. Ito ang naging dahilan kaya nailusot niya ang Obra sa mahigpit na sensura ng mga Espanyol.
Nakaapekto ang “alegorya” sa pagkakalikha ng obra sa panahon
kung kailan ito nalikha sa pamamagitan ng paggamit ng alegorya sa pagsasalamin ng mga nakatagong simbolismo at mensahe na kakikitaan ng pagtuligsa sa kalupitan ng mga Espanyol. Pinatupad ng mga Kastila ang sensura kaya ipinagbabawal nila ang paglabas ng mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis kalupitan ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang mga tauhan at pangyayari sa Albanya ang naging daan ni Francisco Balagtas upang ipahayag ng indirekta ang pang-aabuso at pagmamalupit sa Pilipinas ng mga Kastila.
Noong 1995, si Lope K. Santos ay naglagom ng kaniyang “Ang Apat
na Himagsik ni Francisco Balagtas”. Ito ay ang mga himagsik laban sa malupit na pamahalaan; himagsik laban sa hidwang pananampalataya; himagsik laban sa maling kaugalian; at himagsik laban sa mababang uri ng pantikan. Ang mga himagsik na ito ni Balgtas ayon kay L.K Santos ay isa ring lagom sa ideolohiyang pampanitikan at pangkaisipan ng Balagtasismo.
Ayon kay Lope K. Santos
Nakaapekto ang buhay ni Balagtas sa kanyang obra
sa pamamagitan nang dito niya nailalabas ang kanyang saloobin patungkol sa mga nangyayari sa kanya at sa paligid niya. Dahil sa kanyang mag pinagdadaanan ang kanyang obra ay mas gumaganda, mas nagkakaroon ng makabuluhang ideya at mga kaalamang nakapagtataka. Dahil sa buhay na kanyang nararanasan nagagawa niyang ipamahagi sa iba ang pinagdadaanan niya at mas napapaunlad niya ang tulang kanyang ginawa. Ang kanyang karanasan ay naging daan upang makapagsagawa o makapaglabas ng isang obra na nanaising basahin ng lahat na kung saan maraming aral rin ang matututunan.
Nagkaroon ng epekto sa panahon ng himagsikan ang obrang ito ni
Balagtas sa kadahilanang ang tula ay may itinatagong mensahe na kung saan ay pagtuligsa o nag rereporma. Kung kaya’t nahirapan siyang ilabas ito upang mabasa ng lahat dahil sa sensura. Subalit, nakagawa pa rin siya ng paraan. Ang Himagsikan na ito ay nakatulong na mas maraming aral ang mapupulot sa obrang kanyang ginawa. Makikiliti talaga ang iyong isip ukol sa nais nitong iparating. Samantala, dito talaga natin makikita kung gaano kahusay na makata si Francisco Balagtas Baltazar na ang kanyang mga obra ay di lang basta-basta na sumasalamin sa kanyang buhay ngunit ito din ay nakabagay sa panahon at nakakatulong upang magbukas ang mga isip ng tao sa panahong iyon.
Pinaghanguang Sanggunian: 4. Menandro
https://noypi.com.ph/florante-at-laura- tauhan/ Kaibigan ni Florante; mabait, matapat, at laging kasama ni Mga Pangunahing Tauhan sa Florante sa mga digmaan; Florante at Laura madalas iligtas si Florante mula 1. Florante sa binggit ng kamatayan Dukeng katipan ni Laura; 5. Aladin matalino, matapang, at Prinsipe ng Persiya; anak ni matipunong binata; anak ni Sultan Ali-Adab; katipan ni Duke Briseo at Prinsesa Flerida; nagligtas kay Florante; Floresca; isang kristiyano isang moro 2. Laura Prinsesang katipan ni Florante; 6. Flerida anak ni Haring Linceo; iniligtas Katipan ni Aladin; ang ni Flerida mula kay Adolfo babaeng pinag-aagawan ng 3. Adolfo mag-amang Sultan Ali- Kondeng kaagaw ni Florante Adab at Aladin; nagligtas kay kay Laura; taksil; may lihim na Laura; isang moro. inggit kay Florante; anak ni Konde Sileno; umagaw sa trono ni Haring Linceo ng Albanya Iba pang mga Tauhan sa 6. Menalipo Florante at Laura Pinsan ni Florante; ang nagligtas kay Florante mula sa 1. Duke Briseo buwitre na muntik nang Tagapayo ni Haring Linceo; dumagit sa kanya noong siya’y ama ni Florante; asawa ni sanggol pa lamang Prinsesa Floresca 7. Osmalik 2. Prinsesa Floresca Heneral na Persiyano; napatay Anak ng hari ng Krotona; ina ni ni Florante Florante; asawa ni Duke Briseo 8. Antenor 3. Sultan Ali-Adab Mabait na guro sa Atenas; Ama ni Aladin; umiibig kay amain ni Menandro Flerida 9. Miramolin 4. Haring Linceo Heneral na turko; lumusob sa Hari ng Albanya; ama ni Laura Albanya. 5. Konde Sileno Konde ng Albanya; ama ni Adolfo