You are on page 1of 1

BUOD NG TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS

Si Francisco ‘Kiko” Balagtas Baltazar ay ipinanganak sa Panginay,


Bigaa, Bulacan noong Abril 2, 1788. Bunso sa mga supling nina Juan
Balagtas at Juana dela Cruz. Maralita ang angkan ni Kiko. Musmos
pa lamang si Kiko ay kinakitaan na ng angking galing at talino. Ang
kanyang gawi, kilos at hilig ay di tulad ng ibang bata. Nag-aral si
Kiko sa Parochial School sa Bigaa. Dito niya natutuhan ang Kartilya
at iba pang may kinalaman sa relihiyon. Taong 1799, sa gulang na 11
ay lumuwas ng Tondo, Maynila upang makapag- aral. Namasukan
bilang katulong sa kamag-anak na si Donya Trinidad. Sa Colegio de
San Jose niya natutuhan ang Gramatika Castellana, Gramatika
Latina, Heyograpiya, Pisika, at Doctrina Christiana. Sa Colegio de
San Juan de Letran niya naman natutuhan ang Teolohiya,
Humanidades, Pilosopiya at Mitolohiya. Naging makulay ang buhay
pag-ibig ni Kiko. Una niyang nakilala ang dalagang si Magdalena
Ana Ramos kasabay ang pagpapaturo niya ng pagsulat ng mga tula
kay Jose dela Cruz o mas kilala sa bansag na Huseng Sisiw na
itinuturing na pinakamahusay noong panahon na iyon. Nakagawian
niyang magpadala ng sisiw sa mga nagpapaturo sa kaniya ng tula
ngunit nang walang madalang sisiw si Kiko, hindi siya naturuan nito.
Kaya ipinangako niya sa sarili niyang huhusayan niyang magsulat ng
tula sa sarili niyang sikap. At makalipas nga ang maraming taon,
nahigitan niya pa sa pagsulat si Huseng Sisiw. Lumipat siya ng
Pandacan taong 1833 at dito niya nakilala ang Selya at MAR ng
kaniyang buhay, si Maria Asuncion Rivera. Hindi naging maganda
ang wakas ng kanilang pag-iibigan dahil sa matindi nitong karibal na
si Mariano Kapule. Ipinakulong siya nito at dahil sa mga karanasang
ito, naisulat niya ang Florante at Laura. Taong1840 matapos ang
paglaya, nagtungo siya sa Balanga, Bataan. Dito niya nakilala ang
kanyang asawa na si Juana Tiambeng. Nagkaroon sila ng 11 anak.
Nakilala ang galing ni Kiko sa pagtula sa Udyong, Bataan. Naging
kawani siya sa hukuman, naging Tenyente Mayor at Juez de
Sementera. Muling nakulong dahil sa paratang na pamumutol ng
buhok ng isang katulong ng mayamang si Alferes Lucas. Pinalaya
siya taong 1860 sa gulang na 72 at namatay noong Pebrero 20, 1862
sa gulang na 74.

You might also like