You are on page 1of 3

Unang mga taon

Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong 2 Abril 1788 sa Panginay, Biguaa


(ngayon ay Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga
magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay
sina Felipe, Concha at Nicolasa. Sa gulang na 11, lumuwas ng Maynila,upang
makahanap ng trabaho at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang, Parokyal sa
Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging katulong siya ni Donya
Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila.
Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro
niya si Padre Mariano Pilapil.
Buhay bilang isang manunulat
Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria
Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya
ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at
Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang
taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw
kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni Selya.
Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-
ibig na nadarama si Selya para kay Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya
ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.
Trabaho at Pamilya
Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa hukuman si
Kiko noong 1840 sa Udyong, Bataan. Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na
kanyang naging asawa. Nagpakasal sila noong 1842. Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas
naman ay 54. Sa kauna-unahang pagkakataon, ginamit niya ang Baltazar sa kanyang
sertipiko ng kasal. Doon, nagkaroon siya ng apat na anak kay Juana Tiambeng.
Humawak din siya ng mataas na tungkulin sa Bataan-tenyente mayor at juez de
semantera.
Huling mga Araw
Nabilanggo muli si Kiko sa Balanga, Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya ang
buhok ng katulong na babae ni Alferez Lucas. Nakalaya siya noong 1861.
Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay
lumaya. Bago mamayapa, ibinilin niya sa kanyang asawa na "Huwag mong hahayaan
na maging makata ang alin man sa ating mga anak. Mabuti pang putulin mo ang
mga daliri nila kaysa gawin nilang bokasyon ang paggawa ng tula." Namayapa
siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at mga anak noong 20 Pebrero
1862. Namatay siya sa gulang na 74, dahil sa sakit na pulmonya at dahil narin sa
kanyang katandaan.
Sinasabing ang mga pagsubok sa buhay ni Balagtas, at ang kaniyang pagsusumikap
upang malagpasan ang mga ito, ang pumanday sa kaniya upang maging isang mabisa
at matagumpay na makata.
Mga Mitolohiyang Salita o Pangalan
Musa
isa sa 9 na Diyos ng mitolohiyang Griyego
Nimpas
mitolohiyang Griyego at Romano
Sirenas
mga diwata ng karagatan na lumilitaw sa mga batuhang baybayin at naringgan
Pebo
and tawag sa araw ng mga makatang Griyego at Romano
Sipres
isang malaki at tuwid na punong-kahoy
Higera
isang mayabong na puno
Siyerpe
ahas o siyerpente
Basilisko
isang halimaw na may mukhang tulad ng butiki; ang hininga sa kislap ng mata nito ay
namatay
Hiyena
isang uri ng hayop sa Asya
Aberno
impyerno, ayon sa mitolohiyang Romano
Pluton
siyang itinuturing na hari ng impiyerno
Kosito
ilog sa Epiro
Narciso
anak ni Cefisino at Lirope
Adonis
isang binatang sakdal kisig at ganda
Nimpas Oreadas
mga diyosa sa kagubatan na sinasamba noong unang panahon ng mga Gentil
Harpias
mababangis na mga Diyosa ng mga Gentil
Albanya
isa sa malaking siyudad sa impyernong gresya
Persiya
isang malaking kaharian sa Asya
Adarga
panangga o kalasag
Panggabing-ibon
ang mga ibong Malabo ang mata
Purias
mga diyosa sa impyerno, anak ni Akeronte at ng gabi
Marte
diyos ng pakikidigma ng mga Romano
Parkas
tatlong diyosa ng tadhana o kapalaran ng tao
Apolo
anak nina Nupiter at Latona
Sekta
relihiyon o ang sinasampalatayanan ng isa't-isa o ang sinusunod na utos ng kani-
kaniyang diyo
Lei
kutusan o batas sa salitang kastila
Aurora
anak ng araw at buwan
Krotona
Isang siyudad sa Gresya Mayor at Italya
Buwitre
isang napakalaking ibon na kumakain ng bangkay ng hayop
Arkon
isang malaki at matakaw na ibon na dumaragit sa mga buto ng mga hayop-bundok

You might also like