You are on page 1of 596

The Bachelor's Vices

37.1K 764 83
by CengCrdva

I won't allow spoilers in the comment section. Your comment will be deleted and
you'll be muted. Respect
other readers dahil ayaw ko sa mga taong bida bida. Thank you!
This is the third last installment of the bachelor series. Thank you all for
staying with me!
If you want to know the latest news about my stories, just follow me and be part of
our growing family. See
you there!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing,
please
remove it or upload a different image.
This is a work of fiction. Names, characters, places, events or any incidents are
only a products of the
author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual
persons, living or dead, or
actual events are purely coincidental.
This story may not be reproduced in any material form or transmitted to any persons
without permission from
the author.
-----------------------------------------------------------------------------------
--------It also contains strong language, sexual scenes and references from the
outset and throughout. (R-18)
Read at your own risk!

The Bachelor Series 3


201 9 © CengCrdva
All rights reserved
lets begin?? Back to you

P 1-1
DEDICATION
21.2K 625 70
by CengCrdva

To those who are breathing but not actually living.


To those who are being a prisoner of life and circumstances.
Remember, someone out there is fighting the hell for a life that most of us are
just taking for granted. Life is
short and it makes it shorter when you're not doing the things that you love.
Take a step back. Think about what you deserve. Think about your purpose and always
choose to be happy.
Live...
Just live before it's too late.
;
Dedication pa lang nakakaiyak na. Ang bigat :g @CengCrdva dedication pa lang po
pero parang anlalim nah ah??..babasahin ko palang po
ito??

P 2-1
SYNOPSIS
23.3K 740 68
by CengCrdva

KF believe that life must be live to the fullest. She always believe that you can
make your life beautiful no
matter what circumstances you are in. Naniniwala siyang tayo ang nagdedesisyon sa
mga mangyayari sa ating
buhay. Tayo ang may hawak sa ating mga emosyon at kaya nating maging masaya kung
gugustohin natin kahit
na napakaraming negatibo sa mundo.
With the deaths of the people she love, she decided to quit medical school to seek
for her own purpose. For
her true happiness... and life let her stumble upon serendipity.
Dahil sa isang masalimuot na aksidente ay mabilis na umikot ang buhay niya. She
became an instant celebrity.
Instead of operating tables and dying patients, she found herself being an
influencer, a vlogger–kasama nang
lalaking sumalba sa kanya sa kamatayan.
Sa muli nilang pagsasama ay nabago ang mga pananaw niya at nakita nalang ang
sariling unti-unti nang
nalululong sa bisyo ng pag-ibig na ni minsan ay hindi sumagi sa utak niya dahil sa
maraming dahilan na ayaw
niyang ibahagi sa mga taong sumusuporta sa kanya maging sa lalaking 'yon.
Pero ano pa nga bang magagawa niya kung nahumaling na siya?
Kaya nga kayang baguhin ng pagmamahal ang lahat ng plano niya sa buhay?
Kaya nga kaya siyang impluwensiyahan ng lalaking ito na ibahagi ang lahat sa buhay
niya maging ang
nakaraan niya?
Kaya nga bang baguhin nito hindi lang ang puso't isip niya kung hindi pati na rin
ang tadhana para sa kanilang
dalawa?
Will love conquer the vices of life? O tuluyan nalang silang malulunod at hindi na
makakaalpas sa guhit ng
tadhanang kahit na sino ay hindi makakaligtas?
Totoo?? Grabi umpisa plng...

P 3-1
CHAPTER 1
29.9K 646 82
by CengCrdva

CHAPTER ONE
KF Rivas Sy
"Are you really sure about quitting med school?" Nakataas ang isang kilay na tanong
ni Zydney sa akin
habang inaayos ko ang aking mga gamit na ilang taon ko ring iningatan para sa
pangarap kong maging isang
ganap na surgeon.
I mean sino nga ba kasing may matinong pag-iisip na tatalikuran ang lahat ng
pangarap at pinaghirapan nang
basta nalang?
Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan niya pero hindi ko alam kung paano ko
ipapaliwanag sa kanya
ang kabuuan ng aking desisyon sa paraang matatanggap niya.
Imbes na pahabain ang usapan ay tumango nalang ako bago isilid ang mga librong mga
nagamit ko sa ilang
taong pag-aaral sa kolehiyo.
"But why? I don't understand, Karsyn... You're the brightest in your class. Ikaw
ang may pinaka-potential na
unang maging surgeon sa batch niyo. Everyone is rooting for you and-"
"Zyd..."
Isinara ko ang kahon pagkatapos ng mga huling librong inilagay ko sa loob bago siya
harapin.
Hindi ko naiwasang mapalunok ng mabanaag ang panghihinayang na nakapaloob sa
kanyang mga mata.
"I'm okay..."
"Is this because of Katie?" Tukoy niya sa sanggol na anak ng malayo naming kamag-
anak.
Umiling ako at pagkatapos ay inangat ang box sa aking kama bago niyakap at dalhin
ito sa isang gilid kung
saan naroon ang ilan pang mga box na naayos na namin kanina.
"Karsyn, it's just an accident. Wala namang may gustong mangyari ang sunog-"
Sa muli kong pagharap ay nahinto siya sa pagsasalita. Heto na naman kami. It's been
two weeks since she's
been trying to drag me out of my decision. Isang buwan na rin simula noong sinabi
ko sa kanya ang desisyon
kong ihinto ang pag-aaral at magpahinga na muna pero hanggang ngayon ay hindi niya
pa rin matanggap ang
mga plano ko.
Maingat akong bumalik sa kama upang tabihan siya.

P 4-1
"This is not about Katie or the accident. My decision has nothing to do with her
death or even with my
brother's death. Maging ang kay Mommy... Zyd, ito lang talaga ang plano ko sa
ngayon."
"A plan to ruin your life?"
Kahit na walang nakakatawa sa sinabi niya ay kumawala ang tawa ko.
"You're being too negative. I'm not ruining my life," Binitiwan ko ang pagtitig sa
kanya at hinayaan ang
katawan kong bumagsak pahiga sa kama.
"I... I just want to live a more meaningful life. I just want it to be simple.
Simpleng kasiyahan lang and I know
this decision is just the beginning of it." Makahulugan kong sambit.
"Anong sabi ni Tito Menardo?"
"You know that Dad has been convincing me to change my career since day one and
he's actually happy that
I'm not pursuing it anymore."
"But that just mean one thing, right? So sa corporate world pa rin ang bagsak mo
kung gano'n?"
"No. Never." Nakangisi kong sambit.
I get it. Mahirap nga talagang paniwalaan na susukuan ko ang pinaghirapan ko ng
ilang taon pero anong
magagawa ko? I want to live a new life. Hindi man literal na mababago ang lahat sa
isang iglap pero gusto
kong may magbago sa aking mga nakasanayan alinsunod sa kasiyahan ko.
I'm craving for more and I will never find it in the corporate world. Kahit na
pakiramdam ko ay nasa akin
naman na ang lahat ay kulang na kulang pa rin. Pakiramdam ko ay hindi ko pa rin
natatagpuan kung ano ang
misyon ko sa buhay na ito. I want to seek for my purpose. I want to be someone who
I wanted to be... Kahit
na sa puntong ito ay hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa
maiksing buhay na ito.
Siguro nga totoong ang oras ay kayang baguhin ang lahat dahil kung hindi ay sana'y
hindi ako dumating sa
puntong ito.
Umalog ang kama ng gawin niya ang ginawa ko kaya naman nang makaayos siya sa aking
tabi ay
awtomatikong lumihis ang aking mukha para titigan siya.
"I know you are still thinking about what I'm thinking right now."
"Zyd, I'm fine. I'm okay."
Sumusuko siyang bumuntong hinga at nag iwas nalang ng tingin sa akin. Nanatili
akong nakatitig sa kanya
habang siya naman ay sa ceiling na ngayon nakatingin habang naroon pa rin ang
malalim na pag-iisip.
"Really..." Dagdag kong muling nagpabuntong-hinga sa kanya.
Inangat ko ang aking kamay at seryosong inilapat ang aking hintuturo sa kanyang
pisngi bago tinusok tusok
iyon.

P 4-2
"Alright... Maybe you are right about Katie. Siguro nga dahil sa kanya kung bakit
ako humantong sa ganitong
desisyon," Hindi siya sumagot o gumalaw kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita at
pagsundot sa pisngi ng
aking pinsan. "Pero hindi lang naman iyon..."
Nakita ko ang pag nguso niya't pagpikit. Parang gusto ko tuloy ma-guilty dahil
kahit na gusto kong ipaliwanag
sa kanya ang lahat ay hindi ko magawa dahil alam kong sarado na ang utak niya.
Tama siya. Matalino ako. Masipag at lahat ay mataas ang tingin sa akin pero ano nga
bang magagawa ko kung
ayaw ko ng sundin ang mga unang plano ko?
What if I'll be happier with just being simple? With just doing the things most
people are doing? Paano kung
mas sasaya ako sa pagtalikod ko sa mga pinangarap ko noon? Paano kung mas sasaya
ako sa mas magaang
responsibilidad? Hindi ba iyon naman ang pinaka-impotante? Ang maging masaya?
"You are just scared..." She commented.
Napahinto ako sa pagtusok sa kanyang pisngi ng dumilat siya't humarap sa aking
gawi.
"But I'm telling you that you don't have to be scared. Hindi naman dahil iyon ang-"
"Zyd..." Nagmamadali akong umahon sa kama para pigilan siya sa mga sunod na
sasabihin.
Dahil sa ginawa ko ay napatayo na rin siya.
"Karsyn-"
Pagod kong hinawakan ang kanyang kamay para lang pigilan siya. I don't want to hear
any of it. Sa buong
araw kong pagliligpit ay parang sa usapan lang na ito ako napagod. Ang malungkot
niyang mga mata ay
walang nagawa kung hindi ang titigan ako.
Hinawi niya ang kanyang mahaba't tuwid na kulay itim niyang buhok patungo sa
kanyang likuran para mas
maharap akong mabuti.
"I don't want to talk about it... Sa ngayon ay gusto ko lang sabihin sa'yong ito
talaga ang gusto ko. Oo mahirap
paniwalaan pero gusto kong malaman mo na ito na ang desisyon ko. You know how much
I value your
opinion pero sa pagkakataong ito ay hindi ko 'yon matatanggap. This decision will
make me happy. Trust me
Zyd, please?"
Bigo siyang napapikit na parang ang desisyon ko ay ikamamatay niya kaya muli kong
pinisil ang kanyang
kamay.
"I know it's hard to understand everything but please, just trust me with this
one..."
Dumilat siya at hirap akong tinignan pero sa huli ay wala na ring nagawa kung hindi
ang sang ayunan ako't
tumango nalang.
"Just be happy, okay? Kung iyon ang gusto mo sa ngayon then so be it," Pinakawalan
niya ang lahat ng bigat
sa kanyang dibdib bago ako pilit na nginitian. "Just be happy, Karsyn..."

P 4-3
Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya! Pakiramdam ko'y tumalon ng
ilang beses ang puso ko
dahil sa sobrang kasiyahan ngayon dahil sa pagpayag niya sa akin.
Sa lahat kasi ay alam kong mahihirapan ako sa kanya kaysa kay Daddy kaya naman
ngayong alam kong
pumapayag na siya't susuportahan na ako sa gagawin ay wala nang naging pagsidlan
ang tuwa sa aking puso!
Ilang linggo matapos ang tagpong iyon ay naging magaan na sa akin ang lahat. Pormal
na rin akong nagpaalam
sa hospital kung saan ako nagti-training at kahit na gaya ni Zydney noong una ang
mga reaksiyon nila ay
nagawa rin nila akong pakawalan dahil iyon na ang desisyon ko.
"What do you need again?" Inayos ng pinsan ko ang hawak na listahang ginawa ko
kagabi para sa pagsashopping ng mga panibagong gamit para sa pina-renovate kong
kwarto.
"I need a new bed and stuff for my new room."
Kumunot ang noo niya habang nakapirmi ang mga mata sa hawak na papel.
"New bed, new pillows..." Nagpatuloy siya sa pagsasalita at pagbabasa kaya naman
nadalian akong hilahin
siya papasok sa shop na puno ng paintings.
Binitiwan ko ang kanyang kamay matapos lapitan ang pinaka-malaking painting na
nakasabit sa gitna ng shop.
It was a colorful abstract painting na kahit hindi ko maintindihan ang malalim na
kahulugan ay ramdam ko
kaagad ang kagustuhang maiuwi ang bagay na iyon!
"Karsyn..." Maingat at pigil na sambit ng pinsan ko sa aking likuran na para akong
batang isang hakbang
nalang ay malalaglag na sa bangin.
Gaya ng bagay na nasa aking harapan ay tila sumabog ang iba't-ibang kulay sa aking
utak habang nakatitig
doon!
"Karsyn... Don't ever think about-"
"I want this, Zyd."
"No no no no no!"
Natatawa akong umiwas sa kanya at hindi pa man ako nakakahanap ng empleyadong
pwedeng makausap ay
kusa nang nagsilapitan sa akin ang ilang mga lalaking hindi ko alam kung saan
nanggaling.
"I'll buy that one," Nakangiting sabi ko sa naunang lalaki sabay turo sa painting
na nasa likuran nang
hinahapong si Zydney dahil sa paghabol sa akin.
Sa pagbalik ko ng tingin sa lalaki ay nalaglag na ang kanyang panga pero imbes na
bigyan siya ng
pagkakataong mag-isip ay inilabas ko nalang ang isang card ko't iwinagayway iyon sa
nalilito niyang mukha.
"Ma'am... Iyon po ba?" Tuliro niya pa ring sabi.
"No! Hindi!" Nagmamadaling kumapit sa akin si Zydney at bahagya akong hinila palayo
pero dahil desidido
na ako ay hindi niya ako napigilan.

P 4-4
Hinawi ko ang kanyang kamay at muling hinarap ang lalaking ang pangalan ay David
ayon sa nakasulat sa
name tag na kanyang suot.
Lumawak ang ngisi ko ng lumapit ang isa pa dala ang isang binder na inabot nito kay
David.
"Are you sure ma'am?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa hawak kaya
tumango ako kaagad.
Hell yeah! I've never been this sure all my life! Hindi rin ako naging ganito ka-
reckless and I actually love
being one, just for once.
"No!" Muli akong hinila ni Zydney.
"Zyd, stop!" Natatawa ko siyang pinagalitan pero nanatili siyang desidido para
pigilan ako sa mga bagay na
kabaliwan na naman para sa kanya kaya para kaming mga batang naghihilahan sa loob
ng shop sa isang buong
minuto.
Kung hindi nga lang tumikhim ang limang lalaki ay baka hindi na kami nahinto.
"It's eighty five thousand pesos, ma'am..."
"Eighty fucking what?!"
Nilawakan ko ang ngiti ko at binalewala ang napalakas na hiyaw ni Zyd habang pilit
pa ring pumipiglas sa
pagkakahawak niya. Nang matanggal ko ang kamay niya sa akin ay tinanguan ko na si
David.
"I'll get it."
"No, Karsyn! You're out of your mind!"
Sa huling pagkakataon ay hinarap ko ang pinsan kong gusto nang magwala mailayo lang
ako sa kabaliwang
naisip ko.
"Zyd! Look!" Inangat ko ang aking kamay at itinuro ang painting. "It's love at
first sight and I don't think I can
go home without it-"
"Shut up! You don't even know what love is! This is not love at first sight because
there's no such thing as
that! Kalokohan iyon dahil hindi gano'n kababaw ang pagmamahal! You need to know
the person first before
you can actually say that you are in love with them because love is supposed to be
emotional and deeprooted! Hindi iyon basta basta nararamdaman sa isang kita lang at
kaunting panahong interaksiyon!" Maagap
at mahaba niyang depensang nagpa-atras sa akin kasabay ng paghawak ko sa aking
dibdib.
Wow, I can't believe that her mouth can hurt me real bad!
Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang aura dahil sa naging reaksiyon ko
kaya naman naitikom niya
kaagad ang kanyang bibig.
"Well... That's not nice, ZF..." Malungkot kong sabi dahil sa pamemersonal niyang
hindi naman sinasadya.
Nakita ko ang paglunok niya dahil sa pagbanggit ko ng kanyang initials. When things
get real, alam na niya

P 4-5
and now she looks guilty.
"Karsyn... I'm sorry but think about it first-"
"Nag-isip na ako and I want it now," Tinalikuran ko siya at sa pagharap ko ay
naging anim na ang mga taong
nanunuod sa aming pagtatalo pero hindi ako nagpaapekto.
"I will buy it." Muli kong sabi sa pinal na tono kaya naman mabilis pa sa alas
kwatro ang naging
pagmamadali nila.
Hindi ko napigilan ang mapangisi ng marinig ang mahina't paulit-ulit na pagmumura
ni Zydney sa aking
likuran.
Who doesn't love arts? I mean, I'm not an artsy person pero sino ba namang
makakatanggi sa isang obrang
ito? The colors were vibrant at masarap sa mata. Parang candy na kahit titigan mo
palang ay parang
nalalasahan mo na. And I want that. Gaya ng painting ay gusto kong maging makulay
rin at nakakatakam ang
mga susunod na ganap sa buhay ko.
I feel like my life is a canvas. God is my artist and I am his masterpiece. Blangko
sa umpisa pero kusang
kumukulay at gumaganda sa pagtagal ng panahon. Sa bawat pilantik ng kanyang kamay
na nagdudulot ng
pagsubok ay tumatatag ako at bawat kulay sa aking buhay ay nagkakaroon ng mas
malalim na kahulugan. And
like an abstract, kahit magulo at minsan ay hindi alam ang direksiyon, sa huli'y
magiging maganda pa rin at
makulay.
Malawak ang ngiti ko habang nakatingala sa bagay na nasa pinakagitna at nasa uluhan
ng aking bagong kama.
My room is newly decorated. Parang gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil punong
puno ng buhay na kulay
ang aking kwarto. Malayo sa purong puti na nakasanayan ko sa ilang taon kong
namalagi sa loob nito.
It's way different. Dagdagan pa ng magandang art na pinagtalunan namin ni Zydney
noong nakaraang araw.
Napapitlag ako't nahinto sa pagsipat ng marinig ko ang sunod sunod na pagkatok ng
kung sino sa aking
pintuan. Nagmamadali akong tumapat doon.
"Miss Karsyn, nasa baba na po si Miss Zydney."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng aming kasambahay.
"So?" I tried not to sound rude pero gano'ng tono pa rin ang lumabas sa aking bibig
kaya madali siyang
napayuko.
"I-I mean bakit hindi niya ako puntahan rito?" Maagap kong bawi.
Muli siyang nag-angat ng tingin at tipid akong nginitian.
"Tinatamad na raw po siyang umakyat kaya kayo nalang raw po ang bumaba."
Umikot ang mga mata ko pero wala na akong nagawa kung hindi ang sundan nalang siya
para puntahan ang
aking pinsan. Naabutan ko ito sa living room na yakap ang isang throw pillow at
nakapikit ang mga mata.

P 4-6
Pasalampak akong naupo sa tabi niya kaya naman nang mapapitlag siya dahil sa gulat
ay napahalakhak ako!
"Anong nangyari sa'yo at mukhang pagod na pagod ka?!"
Inis na rumolyo ang kanyang mga mata pagkatapos ay kinuha ang bagay na nasa lamesa
bago ibigay sa akin.
"Hindi lang mukha. Totoong pagod ako at iyan na. That's the camera that you asked
me to buy."
Naudlot ang pagpikit niyang muli dahil sa pagyakap ko!
"Thank you, thank you! You're the best cousin that I've ever had, Zyd!"
"That's an insult." Mataray niyang bulong sa akin at madaling nagpumiglas sa yakap
ko.
Lalo akong natawa dahil sa pagtataray niya!
"I'm your only cousin here, Karsyn. Nakaka-insulto."
Humagikhik ako at umayos ng upo para buksan na ang camerang pinabili ko.
"It's not an insult. Dapat ka pa ngang magpasalamat dahil nag-iisa ka at pinaka the
best para sa akin. 'Yung
iba nga maraming pinsan pero walang the best!"
"Psh!" Patuloy niyang pagtataray.
Halos lumuwa ang mga mata ko ng mahawakan ko na ang camera.
"Para saan ba kasi 'yan? Ang dami mo namang camera bakit kailangan mo pa ng bago?"
Humilig ako sa upuan at sinimulan nang buksan ang hawak. Ayaw ko mang sabihin sa
kanya ang desisyon ko
dahil alam kong tatawanan niya lang ako pero ang relasyon namin ni Zydney ay walang
filter. Isa sa mga
dahilan ng matatag naming relasyon ay ang pagiging bukas namin sa isa't-isa.
Though we're not first cousins, nananatili at masasabi kong siya ang karugtong ng
buhay ko. Ang Daddy ko at
ang daddy ni Zyd ay mag pinsan na parehong may dugong Chinese. Ang mga nanay naman
namin ay matalik
na magkaibigan kaya ang buong pamilya namin ay hindi na rin nalayo sa bawat isa.
When I'm happy, she's happy. Kapag nagluluksa naman ako ay gano'n rin siya dahil
daig pa namin ang
magkakambal na ramdam ang lahat ng emosyong dumaraan sa aming dalawa.
"Do you really wanna know?" Tanong ko habang nakangisi.
I know this idea may sound crazy coming from me but what can I do?!
Tumuwid siya ng upo at lito akong tinitigan.
"Promise me first that you will not laugh."
"No. You don't just say such thing, Karsyn. I will laugh if it's funny-"

P 4-7
"It's not funny. It's ridiculous in every way possible. Nakakatanga at hindi
nakakatawa kapag galing sa akin."
"Then let me be the judge. Come on, spill the beans."
Pinatunog-tunog niya ang mga daliri niya sa mukha ko para apurahin ako pagkatapos
ay naghalukipkip at
kumurap kurap sa aking harapan. Sa pagtaas ng kilay niya ay saglit akong napapikit
ng mariin.
"Well... I want to vlog."
"Vlog?"
Tumango tango ako.
Nagsalubong ang makapal at natural niyang kilay na tila hindi kuntento sa naging
sagot ko.
"You mean vlog as in vlog? You want to become a vlogger now?!"
"No! I mean yes, but no!" Giit ko.
Ipinilig ni Zydney ang kanyang lukot na mukha para mas suriin ang kabuuan ko maging
ang laman ng
nababaliw ko nang utak!
"Listen, kung ano man ang nakain mo ngayong araw pwede pa naman nating tabunan para
mas makapag-isip
ka ng mas matino–"
Inirapan ko siya ng matindi at agad na tumayo.
"Enough, Zyd! Okay fine! I want to be a Vlogger. And yes, it's a person who vlog
things but I don't know! I
don't want fame. I just want to record things from this day forward. I just want to
do things differently! I want
to be out of my comfort zone! I want to be out there! Like, ugh!" Nanggigigil kong
ikinumo ang mga kamay ko
sa kanyang harapan. "It's hard to explain because I know that you're being close
minded about my ideas!"
Naglakad nalang ako palayo sa kanya at dali-daling pumanhik sa taas. Narinig ko
naman ang pagkukumahog
niyang sundan ako kaya mas binilisan ko ang aking mga hakbang.
"Are you sure you didn't ate any panis today?! Baka naman may nakain ka lang kaya
kung ano ano na naman
ang naiisip mo!"
Napangiwi ako sa narinig pero hindi ako huminto sa paglalakad bagkus ay mas
diniinan ko pa ang bawat
hakbang ko sa hagdan! Nakakainis talaga!
"Karsyn, listen to me..."
Sa pagtapak ko sa huling baitang ay huminto ako't hinarap siya kaya natigilan rin
siya.
"Zyd you listen! Ilang beses ko na bang sinabing gusto ko naman ng bago? Gusto kong
maiba naman ang lahat.
Gusto kong baliktarin lahat dahil baka sakaling dito ako mas sumaya and you know
what? I am actually
happy. Simula nang mag-quit ako sa school. Simula ng mabago ang kwarto ko, simula
ng mabili ko 'yung
painting and now this... I am happy, Zyd. So far mas ramdam kong masaya ako."

P 4-8
Lutang niyang inangat ang dalawa niyang kamay matapos mapakinggan ang lahat ng
hinanaing ko.
"O-Okay, I'm just asking... I'm sorry." Pagsuko niyang sambit.
Inirapan ko siya at muling binilisan ang mga hakbang ko patungo sa aking kwarto!
"I'm sorry, okay?! Gusto ko lang makasiguro na masaya ka at sigurado sa mga naiisip
mo ngayon at hindi lang
ito basta trip mo lang dahil... Wow..."
Ang inis ko'y napalitan ng ngiti ng marinig ang pagkamangha niya nang makapasok na
rin sa loob ng aking
bagong kwarto.
"Wow, what?" Ako naman ang naghalukipkip at nag taray ng harapin siya.
Madali niyang itinikom ang kanyang bibig habang nagpapatuloy ang pagka-mangha sa
aking kwarto.
"This is beautiful... Different."
"See? This is what I'm talking about. This makes me happy. This is now my
happiness."
Lumapit ako sa kama at naupo doon bago tapikin ang gilid ko. Nahihibang naman
siyang sumunod sa gusto
kong ipahiwatig.
"I know it's hard to understand me right now but look at this... Alam kong
naiinggit ka na ngayon."
"True," Lumingon siya sa aking likuran at pagkatapos ay huminto sa pagsipat sa
bagay na nakakabit sa itaas
ng aking head board. "That painting is a gem. Ang ganda pala..." She commented.
"I know,"" Kinuha ko ang kamay niya at marahan iyong pinisil kaya bumalik sa akin
ang kanyang atensiyon.
"Can you just be happy for me, Zyd?"
"Karsyn..."
Pinagdiin ko ang aking labi at tipid siyang nginitian. I want her to understand
that this is really what makes
me happy now. Na kahit simple lang ang mga ito ay sobrang masaya ako, totoong
kasiyahan ang
nararamdaman ko.
Sa marahan niyang pagtango ay lumawak na ang aking ngiti. Huminga siya ng malalim
at sandaling pumikit ng
mariin bago dagdagan ang sinabi.
"Okay, from now on kukunsintihin nalang talaga kita kung ito na nga ang mga
kasiyahan mo. And again, I'm
sorry... Ayaw ko lang kasing nabibigla ka pero sige. I will trust you more. If this
is what really makes you
happy then when will I create your vlogging account?"
Lumiwanag ang mukha ko sa mga sinabi niya at muli ay nayakap siya dahil sa sobrang
tuwa!
"Fine, I'll create mine too just to show my support. Ako na ang unang magiging
follower at best supporter
mo!" Ginantihan niya ang aking yakap.

P 4-9
"Thank you, Zydney! I love you!"
Humagikhik siya at marahan akong inilayo matapos tapikin ang aking balikat.
"Mabuti nalang talaga at kilala kita dahil kung hindi ay baka isipin kong kasali ka
na ngayon sa LGBT
community!" Aniyang abot hanggang tenga na ang ngiti. "Look at your room! Mas
colorful pa 'to sa buhay ng
mga baklang kilala ko!"
Natatawa ko siyang inirapan.
"You're just jealous!" Palatak kong ikinatawa niya.
Pagod niyang ibinagsak ang katawan sa aking kama at agad na pumikit.
"I'll sleep here tonight. Pagod na akong umuwi."
Tumango ako kahit na hindi niya naman ako nakikita. Kahit yata utusan niya ako
ngayon na paliguan siya't
pagsilbihan ay gagawin ko! I'm happy!
I'm just happy na kahit alam kong hindi pa rin siya hundred percent na kumbinsido
sa mga kabaliwan ko ay
susuportahan na niya ako at dito palang ay buong puso na akong nagpapasalamat!

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Yeah, i want to be a surgeon in the future heehe Excited napo ako dita sa Story mo
author ????

P 4-10
CHAPTER 2
15.5K 556 105
by CengCrdva

CHAPTER TWO
Crosswalk
"Where are you?!" Gulantang na tanong ni Zydney sa kabilang linya na halatang
kakagising lamang.
Maaga akong nagising at umalis sa bahay kanina. Gustohin ko man siyang gisingin
pero mukha yata talagang
pagod na pagod siya kaya nauna nalang ako't hinayaan siyang magpahinga.
It's past twelve pm. Tirik na ang araw pero ang daang tinatahak ko ay walang
katapusan.
"Talagang gano'n kalakas dapat ang boses kapag nagtatanong?"
"Karsyn, I'm not even joking. Where are you? Bakit mo ako iniwan!"
Natatawa kong inilapag sa dashboard ang aking cellphone at inilagay siya sa
speaker.
"I'm sorry. Sobrang himbing kasi ng tulog mo tsaka sabi mo pagod ka kaya hindi na
kita ginising. Besides,
babalik rin naman ako mamayang gabi. I'm just driving around-"
"You what?!" Mas lalong lumakas ang boses niyang halos ikabingi ko.
Sinasabi ko na nga bang ganito ang magiging reaksiyon niya. Ilang beses ko mang
sabihin sa kanya o maging
kay daddy na kaya ko ay hirap pa rin talaga silang paniwalaan. Palibhasa kasi ay
nasanay silang bantay
sarado ako kahit saan man ako magpunta at ni minsan ay hindi ako nawalan ng kasama.
Simula paglabas ko palang kay Mommy noon ay may body guard na ako gano'n na rin ang
mga kapatid ko.
Mabuti na nga lang at noong nasa kolehiyo na ako ay pinayagan na rin akong kahit
driver nalang ang kasama.
I can drive. Bago ako pumasok sa kolehiyo noon ay tinuruan na ako at kaya ko naman
pero hindi ko lang
talaga magawa dahil wala silang tiwala sa akin. Or maybe they're just being over
protective of me.
Naiintindihan ko naman iyon pero gusto ko pa ring subukan, gaya nalang ngayon.
It's nice to drive around the city alone. Hindi man ako bihasa sa pagmamaneho dahil
wala akong matagal na
experience pero maingat ako. I'm always on the right side of the road because slow
moving vehicles should
always be on that side.
Gaya na rin ng mga tao sa escalator, sa mga tamad at hindi nagmamadali ay dapat
palaging nasa kanang
bahagi para bigyang daan ang mga taong maraming ipinaglalaban sa buhay.
Hindi naman siguro masamang sumunod sa mga simpleng patakaran para sa ikasasaayos
ng lahat 'di ba?

P 5-1
"I'm driving, Zyd-"
"Where are you exactly? Oh my God, nag-aalala na ako!"
Natatawa akong napailing na parang kaharap ko siya.
"I'm kinda stuck in the traffic but I'm okay."
"And why there's a traffic? Naaksidente ka? What happened?!"
"Zyd, no! Traffic lang talaga kahit saang parte ng Pilipinas at alam mo naman
'yon!"
Of course, every traffic is bad. Hassle at nakakainit ng ulo pero ngayon, I'm
actually enjoying it. Kung noon
ay isinusumpa ko ang traffic kapag nale-late ako sa klase at sa duty ay ngayon
nama'y nagbubunyi ang puso
ko.
I realized that there's so much beauty with getting stuck and moving slow. Sa
mabagal mong pag-usad ay mas
nakikita at napapanuod mo ang bawat paggalaw ng mga bagay at tao.
Simula sa mga taong naiinitan at nauusukan habang naghihintay ng masasakyan patungo
sa trabaho hanggang
sa mga nagmamadali at nagtitiis nalang na makipag-siksikan sa punong puno nang bus
huwag lang mahuli sa
kung saan man patungo.
Sa bawat mabagal na pag-usad ng aking sasakyan habang pinanunuod ang mga taong nasa
labas ay naisip
kong napakabilis ng buhay.
Halos lahat sa atin ay nagmamadali na tila mauubusan na ng oras but I can't blame
them. Kasi kung tutuusin ay
dapat naman gano'n 'di ba? Dapat may oras tayong magmadali dahil maiksi lang ang
buhay pero nagiging mali
iyon kung pagmamadali nalang ang lahat ng nasa utak natin.
We should also learn how to take things slow. Lahat ng bagay ay may tamang oras at
eksaktong pagkakataon.
Gaya ko, kung noon ay nagmamadali akong makatapos at makamit ang mga pangarap ko...
Ngayon naman ay
mas gusto kong namnamin muna ang lahat ng kung anong meron ako. I want to slowly
manuever my life
towards my undefined happiness. Nang sa gayon ay wala akong makaligtaan sa mga
detalyeng babaunin ko
hanggang dulo.
I want to take things slowly but surely and with precaution.
"Just tell me where you are, okay? Pupuntahan kita."
"Zyd, I'm fine. I'll meet you later, okay? Hintayin mo ako, Bye!" Hindi ko na siya
binigyan ng pagkakataong
makasagot sa akin para hindi na humaba pa ang usapan.
Sa pagkawala niya ay nag text nalang akong huwag nang mag-alala kahit na alam ko
namang hindi niya ako
susundin.
I know ZF more than she think she know herself. Simula pagkabata ay kami na ang
naging malapit sa isa't-isa
dahil bukod sa dikit ang aming mga pamilya ay hindi rin nagkakalayo ang agwat ng
aming edad. We are only

P 5-2
five months apart at kaming dalawa lang ang tanging babae sa aming pamilya. She's
an only child
samantalang ako naman ay nagkaroon ng dalawang kapatid na lalaki ngunit madali ring
binawi sa amin and
that leads me to being an only child just like her.
Both families labeled us as the miracle babies. Ako, dahil nakahabol pa ako kay
Mommy noon bago siya
mag-menopause at siya naman dahil limang beses nang nakunan noon si Tita Carmen
bago siya nabuo.
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay iniliko ang sasakyan sa paparating na exit
para kumawala na sa
traffic. I don't exacly know where I am going but it doesn't matter. Ang mahalaga
ngayon sa akin ay ang
kasiyahan ko sa ginagawa.
Sinulyapan ko ang aking repleksiyon sa rear view mirror at pagkatapos ay buong
pusong ngumiti.
Simula sa araw na ito ay pag-aaralan kong tumayo sa sarili kong mga paa. I want to
see an independent
version of me. Iyon bang gaya ng mga matatatag na babae sa lipunan na walang
inasahan kung hindi ang
kanilang mga sarili.
I want myself to finally say that behind a successful woman is herself and nothing
else because everyone
should always learn not to depend on others. Sa huli ay mas kailangan nating
pagtiwalaan ang ating mga
sarili dahil kahit ano pa man ang sabihin ng iba ay tayo at tayo pa rin ang unang
makakatulong sa atin.
Nagpatuloy ako sa pagmamaneho. I didn't stop the car kahit na may nadaanan akong
mga mamahaling shop na
noon ay paborito naming puntahan ni Zyd.
Patuloy kong sinuyod ang kahabaan ng kalsada at um-order lang ng pagkain sa isang
drive through kaya
naman nang medyo humupa na ang init ay nagpasya na akong pumunta sa Parissiene para
doon naman
maglakad-lakad gaya ng mga normal na tao.
Hindi ko maiwasang matawa at mapailing habang naiisip ko ang mga bagay na nasa
aking utak.
I am a normal human being. Wala namang mali sa akin pero dahil sa estado ng buhay
kong hawak ang lahat at
madaling makontrol ang isang bagay dahil sa perang pinaghirapan ng mga magulang ko
ay tingin ko'y iba ako
sa karamihan.
I'm pretty sure that the country has tons of millionaires and even billionaires
pero mas marami pa rin ang mga
simple lang at kuntento na sa buhay na ibinigay sa kanila.
Some of the poor people remains poor not because they are being consistent but
because they don't have
enough knowledge on how to make their life easier. On the other hand, some rich
gets even richer because
they know how to play with their wealth.
Kaya kung minsan ay nakakabaliw nalang ang mind set ng iba na ang tingin sa ibang
mayayaman ay masama.
In my opinion, nagiging masama lang naman ang lahat kung galing sa mali ang
pinagkukunan ng kayamanan
pero kung dugo't pawis naman ang naging puhunan ng mga ito ay walang mali.
But then again, I am just hungry. Gutom lang siguro ako kaya marami na naman akong
naiisip!
Ipinilig ko ang aking ulo at ipinasada ang tingin sa mga taong masayang
nagpaparoo't-parito patungo sa loob
ng pinaka-malaking mall sa lugar.
P 5-3
Hindi ko maiwasang kabahan dahil kahit na hindi na ako bata ay kinakabahan pa rin
akong mag-isa. I'm
blaming my father for this.
Kung hindi niya sana ako ginawang prinsesa ay baka hindi ako nahihirapang isipin
ang bagay na normal lang
naman!
Kumawala ang malalim kong buntong hinga nang mapatitig ako sa crosswalk.
This is one of the things that I truly truly hate. Hindi ako marunong tumawid sa
tawiran kahit na may mga
kasabay naman ako ngayon. Halos buong buhay ko kasi ay palagi akong pinalilibutan
ng mga tauhan ni Daddy
kaya ngayong walang magpo-protekta sa akin sa mga sasakyan ay pakiramdam ko'y
balewala ang talino ko
dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.
I feel so dumb just by thinking about it! It's just a freaking crosswalk! Ano bang
dapat kong katakutan?! I
mean aside sa pwede akong mabangga at mamatay ay wala naman 'di ba? Oh God! I'm
overreacting!
Ipinilig ko ang aking ulo at sinimulan nalang ihakbang ang aking mga paa patungo sa
crosswalk, sa gitna ng
mga tao upang makisabay sa kanilang pagtawid kahit na ilang beses akong pinigilan
ng utak ko!
Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang magsihinto sila matapos makatawid sa
paunang lane at bigyang
daan ang mga sasakyan sa kabila.
Yumuko ako at hinintay silang magpatuloy kaya naman nang tuluyan na kaming tumawid
ulit at makatapak na
ang mga paa ko sa kabilang banda ay parang gusto kong tawagan kaagad si Zydney at
magyabang sa nagawa
pero imbes na iyon ang gawin ay binilisan ko nalang ang aking mga hakbang patungo
sa loob ng mall.
Ilang oras akong nagpaikot-ikot doon para maghanap ng mura at hindi ko pa
nakakainang restaurant kaya nang
makahanap ako ay nag take-out na ako kaagad.
Walang tigil ang naging pagpalakpak ng utak ko ng marinig ang salitang one hundred
fifty pesos para sa mga
pagkaing binili ko dahil murang mura na iyon at marami pa!
Hindi naman sa nagtitipid ako pero gusto ko kasing gumastos ng perang pinaghirapan
ko pero dahil wala pa
naman akong source of income ngayon ay tinitipid ko ang natirang allowance ko
nitong mga nakaraan.
Ang mga credit card ko rin ay iniwan ko na sa bahay dahil wala na talaga akong
balak na gamitin ang mga
iyon. Kung alam lang ni Daddy ang plano kong maging independent ay sigurado kong
matutuwa iyon pero
hindi rin ako sasang-ayunan sa desisyon kong tipirin ang sarili.
"Thank you!" Masayang pasalamat ko sa lalaking nag-abot ng aking order pagkatapos
ay muli nang lumabas
sa mall para maglakad-lakad ng kaunti bago umuwi.
Inilabas ko ang camerang ibinigay ni Zydney sa akin kagabi at wala nang pakialam na
binuksan iyon at
itinutok sa aking mukha.
"Hi, Zyd!" Inangat ko ang aking hawak na take out at ipinakita ito sa camera, wala
nang kiber kung may nagiisip sa akin ng kung ano dahil sa kabaliwang ginagawa ko
ngayon.
"I just bought my first take out and look!" Inalis ko sa aking mukha ang camera at
itinutok naman iyon sa
P 5-4
harapan ko kung saan nakabalandra ang mga mamahaling shop na palagi naming
pinupuntahan noon.
"I'm at the mall. Wala akong kasama. Mag-isa lang ako ngayon. Mag-isa..." Madiin at
proud kong sabi at
nawi-weirduhan sa sariling ibinalik sa mukha ang camera. "You should be proud of
me..."
Nagsimula akong maglakad at hindi na tinanggal ang hawak sa pagtutok sa akin habang
nagsasalita ng mga
walang ka-kwenta kwentang bagay.
This is what vloggers do right? You talk endless just to entertain your viewers
pero dahil para lang naman
kay Zyd ito ay kung ano ano na ang mga pagyayabang na sinabi ko. Para akong baliw
na natatawa habang
nagkukwento at kahit na marami ang napatingin sa akin ay hindi man lang ako
natinag.
Pakiramdam ko ay hindi na ako ang sarili ko. I hate talking to someone over the
phone at hindi ko akalain
ngayon na magagawa kong makipag-usap at magkwento pa sa camerang hawak ko kahit na
wala namang
kasalukuyang m nakikinig!
"This is the hardest part of this trip," Muli ay ipinakita ko ang crosswalk na di
gaya kanina na maraming tao,
ngayon naman ay wala nang tumatawid.
Pababa na rin ang araw at sa parteng ito ay wala masyadong nagagawi kaya naramdam
ko ulit ang pamumuo
ng kaba sa aking puso.
"Tatawid ako..." Inangat ko ang camera at itinutok naman sa sign kung saan
hinihintay ko nalang ang hudyat na
pwede na akong tumawid. "Alam kong naiinggit ka na naman sa akin ngayon pero huwag
kang mag-alala. I'll
teach you how to do this someday para may ika-proud naman ako sa'yo."
Napayuko ako at nahihiyang ibinalik sa akin ang focus ng hawak ng makita ko ang
isang buntis na nakahinto at
naghihintay rin sa tawirang nasa kabilang banda ng kinaroroonan ko. Nahihiya akong
napangiti ng tipid niya
akong ngitian.
"Now Zyd, hindi pandadaya 'to ha? Wala naman siya sa lane ko kaya ako pa rin ang
tatawid para sa sarili ko.
Ready ka na ba?"
Sinulyapan ko ang paubos na oras doon at wala nang hiyang itinaas muli ang camera
nang maubos ito.
Nagsihintuan ang mga sasakyang nasa gawi ko kaya tumawid na ako.
Pakiramdam ko'y bumabagal ang oras sa bawat hakbang ko kaya natatawa akong umikot.
"Zyd, I'm doing it! Tumatawid na ako kahit para akong tanga habang kausap ka kahit
na hindi ko naman alam
kung kailan mo 'to mapapanuod! I bet you're now jealous! See? Kaya ko! Kaya ko!"
Marahan at mabagal akong nagpaikot-ikot kahit na sigurado akong pinagtatawanan na
ako ng mga taong nasa
loob ng mga kotseng nasa aking harapan.
"I can't wait for you to see this, Zyd!"
Lumawak ang ngiti ko nang maharap ang aking camera sa gawi ng buntis na babaeng
tumatawid.
Nahagip ng hawak ko ang pag ngiti niya't pagkaway rito pero ang lahat ng kasiyahang
nararamdaman ko ay
P 5-5
mabilis na hinablot sa akin dahil sa pagsulpot ng isang rumaragasang van na mabilis
na umararo sa lane ng
babaeng nakisama sa aking vlog!
Isang nakakabinging pagsalpok ang dumaloy sa aking tenga kasabay ng pagkawala ng
babae at ang pagtalsik
ng dugo nito sa akin hanggang sa kabuuan ng kanina'y malinis na kalsada!

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Indeed. True

P 5-6
CHAPTER 3
12.5K 615 118
by CengCrdva

CHAPTER THREE
Blood
Na-istatwa ako sa aking kinatatayuan. Nanginginig ang aking mga kamay at mas
malakas pa sa ingay ng mga
busina, sigawan at karambola ng mga sasakyan ang naging pagkalabog ng aking puso.
The air smells blood and fear. Dama ko ang malagkit na bagay sa aking likuran,
buhok, maski sa aking mga
kamay at hawak na camera pero ang katawan ko ay hindi makagalaw. Ni hindi ako
makahinga ng maayos
dahil sa mabagal ng pagproseso ng aking utak sa nangyari.
I feel like my world is spinning slowly. Ang mga sigawan ay unti-unting nawala sa
aking tenga at napalitan
ng nakakabinging katahimikan. My heart is pounding inside my chest and my mind is
screaming so loud.
Nakakabingi!
Gustohin ko mang magtakip ng aking tenga pero hindi ko magawa. Sa nanlalabo kong
paningin dahil sa
pagkawala ng aking mga luha ay mas lalo akong hindi na nakagalaw. Ramdam ko ang
pagdiin at pagbigat ng
bawat hugot ko sa aking paghinga na parang mayroong taling nakapulupot sa aking
leeg para pigilan ako sa
ginagawa.
I can't breathe but I need to breathe... Breathe Karsyn... Breathe...
Sa nanghihina at tuliro kong pagkatao ay nagawa kong igalaw ang aking kamay para
sana takpan ang aking
mukha pero bago ko pa tuluyang mailapit iyon sa akin ay sunod ko nalang naramdaman
ang pagyakap ng kung
sino sa akin at ang paghila ng mabilis palayo sa aking kinatatayuan!
Nanatiling bukas ang aking mga mata habang nasasaksihan ang pag-ikot at dahan-dahan
naming pagbagsak sa
simentadong kalsada kasabay ng mas malalakas pang ingay ng mga sasakyan sa aking
likuran.
Napangiwi ako ng hilahin ako sa kasalukuyang oras dahil sa marahas na paglagapak ng
aking tagiliran na
hindi na naiwasan ng kung sino mang humila sa akin.
Naramdaman ko ang panginginig ng aking buong pagkatao dahil sa matinding takot at
kalituhan sa bilis ng
mga pangyayari.
I want to scream but I couldn't. Maging ang boses ko ay iniwan na rin ako kasabay
ng lakas ko. Napakislot
ako't napapikit ng mariin nang muling marinig ang sigawan ng mga tao. Kumawala na
ang aking mga hikbi.
Sa pagpikit ko't pagdilim ng aking paningin ay muling umulit sa aking utak ang
mala-anghel na mukha ng
babaeng kanina lang ang buhay pa't nginitian ako... Naramdaman ko ang patuloy na
pag-ikot ng aking utak.
Ang pag-ikot ng lahat ng aking katinuan kasabay ng dumadagundong na kaguluhan.
P 6-1
Habang lumilipas ang segundong nakasadlak kami ng kalsada ay mas nagiging magulo
ang paligid. I'm sure of
it. Sigurado rin akong hindi lang iisa ang nasaktan. Marami pa. Maraming marami pa
kabilang na ako at ang
taong kasama ko.
When I realized that I am with someone, a manly scent invades my sense of smell.
Natalo ng kanyang bango
ang amoy ng dugo na kumalat sa kabuuan ng lugar pero ang kaguluhan at ingay sa
paligid namin ay hindi
natigil. The thought of hugging a man aside from my father did not concern me. Sa
pagkakataong ito ay wala
na akong maisip kung hindi ang mga huling sandali ng babaeng kanina lang ay masaya
pa.
Is she... Kumawalang muli ang aking mga hikbi ng maisip iyon dahilan para mas
humigpit ang yakap ng lalaki
sa akin.
"I'm sorry..." A baritone voice murmured gently as pulls me closer to his chest.
Nanatiling pikit ang aking mga mata at wala ng lakas ang aking buong katawan kaya
naman hindi na ako
nakapag-reklamo sa kanyang ginawa. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib
kasabay ng pag-angat ng
aking mga kamay patungo sa aking tenga.
"Are you okay?" Bulong niya sa akin pero hindi ako nakahugot ni isang salita para
sagutin siya.
"Hey..."
Mas idiniin ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. My head is screaming and I feel
like my thoughts already
escaped me. Wala na...
"Hey..." Marahan niya akong inilayo pagkatapos ay maingat na niyugyog sa balikat.
Ang mga ingay ay muling lumapit sa akin pero hindi kagaya kaninang marami pa ring
mga bakal na
nagsasalpukan, ngayong naman ay tanging mga ingay ng ambulansiya ang naririnig
ko... pati na rin ang
malinaw na boses ng lalaki.
"Hey, you are fine... We are fine. It's okay..."
Naramdaman ko na ang pag-ahon niya kaya napadilat ako. Nang makita niya ang
pagbukas ng aking mga mata
ay siya namang paghawak niya sa aking kamay upang ilayo sa aking tenga at alalayan
akong makaahon na rin.
"Look at me and tell me that you are fine..." Aniya pagkatapos ay madiing pinisil
ang aking mga kamay.
Nakipagtitigan ako sa mga madilim na mga matang iyon na tila isang napakalalim na
bangin. His eyes brings
no comfort. Parang mas lalo akong nalulunod sa mga iyon. I want to tell him that I
am fine but I just couldn't
speak.
Imbes na hintayin akong sumagot ay inangat niya ang aking kamay at tinignan ang mga
posibleng galos.
Pagkatapos masigurong wala ang mga kamay ko ay ang mukha ko naman ang inusisa niya.
Wala sa sariling
napalunok ako ng maramdaman ang pagdampi ng kanyang mainit na kamay sa aking pisngi
kasabay ng
paghawi niya sa iilang hibla nang buhok na dumikit sa aking mukha dahil sa mga
luhang patuloy ang
pagkawala. Mabilis na umangat ang aking magkabilang balikat nang ikulong niya ang
aking mukha gamit ang
mga palad.

P 6-2
Kung kanina ay tanging mga galos lang ang sinisipat niya, ngayon naman ay hinahawi
na niya ang mga luha sa
mukha ko.
I see him open his mouth but before he could speak, a lady interrupted him.
"Sir, Ma'am... I need you to clear the road. Kailangan po muna nating gumilid..."
Nagpatuloy sa pagsasalita
ang babae pero hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi niya.
Nanatili akong tulala sa lalaking kaharap ngunit ng alalayan niya akong makatayo ay
sumunod naman ako.
Alam ko kung gaano kalala ang nangyari kanina at ang posibleng pagkamatay ng buntis
sa kabilang lane pero
ang nasa isip ko ay mas malala pa pala ng balingan ko na ang gulo sa lane na
tinawiran ko kanina. Sa bilis ng
nangyari ay hindi ko na maisip kung ano ang eksaktong naganap ng mga sandaling
iyon.
I was just busy filming my first vlog and... And...
Napatingala ako sa lalaking nakaagapay sa akin na iginigiya ako patungo sa isang
ambulansiya pero bago pa
kami makarating doon ay huminto na ako sa paglalakad.
"I-Is she dead?" Ang pag-aalinlangan sa mga matang bumaba para titigan ako ay
naging isang malinaw na
sagot sa aking katanungan.
"Let's go to the-"
"I-I'm fine. I'm fine..." Sinubukan kong bawiin ang aking kamay pero hindi niya ako
binitiwan.
"You are still in shock and I need you to sit for a bit-"
Imbes na sagutin siya ay muli kong nilingon ang parte ng lugar na pinaka-abala sa
lahat. Napasinghap ako ng
makita ang sasakyang iyon na sumalpok mismo sa loob ng isang restaurant. Maraming
tao. Maraming sugatan.
Naramdaman ko ulit ang pagkasimento sa aking kinatatayuan pero bago pa ako muling
mawala sa sarili ay
hinila na ulit ako ng lalaki.
"No!" I screamed when I remember my camera.
Hinagilap ng aking mga mata ang bagay pero dahil sa muli niyang paghila sa akin ay
hindi ko na nagawa.
"My camera! I-I need my camera!"
"No-"
"Please! I need it!" Nakipaghilahan ako sa kanya kaya naman ng huminto siya at
mabilis akong binalingan
gamit ang mga matang walang kasing tigas ay dumagundong nang muli ang aking puso.
Ang lahat ng pagpupumilit ko ay kusang nilamon ng presensiya niya at sa mga sumunod
na segundo ay tila
naging isang dahon nalang akong sumasabay na sa kung saan man siya patungo.
Inalalayan niya ako sa pag-upo at ipinasa sa mga rumesponde sa trahedya. Akmang
bibitiwan na niya ang
aking mga kamay pero humigpit ang hawak ko rito.

P 6-3
Nagsalubong ang mga mata namin kaya naman madali akong umiling. I'm still shaking
and I'm sure that he can
feel it.
"D-Don't leave..." Tuliro kong pagmamakaawa kahit na hindi naman dapat.
I want to curse myself for asking a complete stranger to stay with me but I can't
help myself. Kahit na alam
kong shock lang ako dahil sa nangyari ay ramdam kong mas magiging maayos ako kapag
sinamahan niya ako.
I need him now. Ang pagpisil niya sa aking kamay. Ang boses niyang hanggang ngayon
ay umuulit sa utak ko't
sinasabing maayos lang ako ang nagbibigay sa akin ng katinuan at hindi ko alam kung
ano na ang mangyayari
sa akin kapag umalis siya.
"You need your camera, right?" Binitiwan niya ang kamay ko. "I'll find it, babalik
rin ako. You stay here,
okay? Don't go anywhere."
Naitikom ko ang aking bibig at hindi na siya napigilan dahil sa pagpalit ng babaeng
ngayon ay naging abala
na sa pagtatanong sa akin.
Ang ilang minutong pananatili ko sa aking kinauupuan habang nakadungaw sa
pinanggalingan ko kanina ang
tingin ko'y pinakamatagal nang oras sa tanang buhay ko.
I am okay. Nasiguro na rin iyon ng sumuri sa akin kanina pero kahit na gano'n ay
hindi ako umalis sa pwesto
ko. Nakakatangang isipin ang posibilidad na hindi na siya bumalik pagkatapos makuha
ang camera ko pero
naghintay pa rin ako. Nag-iwas ako ng tingin sa mga tao at ipinagpatuloy nalang ang
pagtanggal sa mga
dugong nasa aking mga kamay.
Lumipas ang pa ang ilang minuto na parang gusto ko nang batukan ang sarili ko. I am
still waiting for him
kahit na ilang ulit na akong pinagalitan ng utak ko. Isang malalim na paghinga ang
aking pinakawalan ng
tumagal pa ang oras na walang estrangherong bumabalik.
Siguro nga umalis na siya pagkatapos mahanap ang camera ko at ang tanga kong sinabi
ko pa iyon sa kanya
kanina. Sana kung nag-isip lang ako ng matino at hindi nagpadala sa nangyari ay
baka nabalikan ko pa iyon.
Napailing ako ng muli kong maalala ang mga huling sandali ng kapayapaan kanina...
And then realized that
it's impossible for me to not feel this way. A pregnant woman died right in front
of my very eyes. She is
healthy. She has a family... A husband and now... Naikumo ko ang aking mga kamay
dahil sa muling
panginginig ng mga ito.
"Is this the one?"
Napapitlag ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon kasabay ng mabilis niyang
pagsulpot sa aking
harapan.
Dama ko ang patuloy na pagtalon ng aking puso sa loob ng aking dibdib ng makita ko
ang kanyang hawak
ngunit imbes na kunin iyon sa kanyang kamay ay nahinto ako ng makitang may mga dugo
rin ito sa paligid
maliban sa lente.
Binawi niya ang inilahad sa akin at pagkatapos ay inabot ang isang telang Ibinigay
sa akin ng babae kanina
bago punasan ang hawak.
P 6-4
"It's still working perfectly," Pinanuod ko siyang linisin ang camera ko.
Pagkatapos suriin at inikot para
masigurong nakuha na niya ang lahat ng dumi ay muli niya itong inilahad sa akin.
"There's a little dent but it's
still looks brand new. Mabuti nalang nailayo kaagad kita kanina." He added.
Tahimik kong kinuha sa kanyang kamay ang camera ko. Naupo naman siya sa aking tabi
at hinayaan akong
suriin rin iyon. Natigil lang ako ng luminaw sa utak ko ang mga sinabi niya.
I almost forgot about that. This man... Sinulyapan ko ang lalaking ngayon ay
prenteng nakaupo sa gilid ko.
He saved me and I should be thanking him right now.
"Thank you... T-Thank you for saving me."
Pinagdiin niya ang kanyang mga labi bago marahang tumango. Napalunok ako ng maisip
ko kung gaano
katikas ang lalaking nasa aking harapan. Sa pagbalik ng katinuan ko ay parang gusto
kong pamulahan ng
mukha lalo na ng dumako ang aking paningin sa kanyang mga matang pinupugay ng
mahahabang pilik samahan
pa ng makakapal niyang kilay. His deep set of eyes were mysteriously enough to give
me the rush of heat.
Nahihiya kong ibinaba ang akong titig pabalik sa hawak ko dahil kahit wala sa hulog
ang sitwasyon ay hindi
ko maiwasang purihin ang kanyang hitsura.
"You are welcome."
Napalunok ako ng muling marinig ang boses niyang malalim at kay gandang pakinggan.
"So... Did the pregnant woman..." Humina ang paglabas ng huling salita sa aking
bibig dahil kahit na alam ko
na namang walang pag-asa na mabuhay siya dahil sa lakas ng impact ng aksidente ay
gusto ko pa ring
kumpirmahin niya iyon.
"She did not make it," my eyes instantly shuts at that. "I'm sorry..."
"Me too." Bigo kong bulong . It's my fault...
"Mabuti naman at hindi ka umalis. The police will be right here any moment." Aniya
kaya napadilat ako.
So kaya niya ako sinagip at sinabihang manatili rito ay dahil sa mga pulis? Dahil
alam niya ring kasalanan ko
ang mga nangyari at ngayon ay iniligtas niya lang ako para may isuko siya at maging
bayani sa lahat?
Nagmamadali akong tumayo sa pagkakaupo sa likod ng sasakyan pero ang mga kamay niya
ay maagap na
humawak sa akin.
"Where are you going?" His brow furrows when I step back, trying to make him let go
of me but his grip
tightens around my wrist.
"B-Bitiwan mo ako. Susuko ako, hindi naman ako tatakbo, e!" Singhal ko at muling
hinigit ang kamay ko pero
hindi niya ako binitiwan.
Napatayo na siya dahil buong lakas kong inulit ang mga unang paghila.
"Hindi nga ako tatakas! Alam kong kasalanan ko at haharapin ko kaya let me call my
lawyer!" Nanginig muli

P 6-5
ang aking boses dahil sa pagtitig niya sa aking hindi ko mahulaan kung ano ang nasa
isip!
I'm not going anywhere! Kung makukulong ako dahil sa pagkamatay ng babaeng iyon ay
haharapin ko pero
gusto kong tawagan si Daddy at Zyd! I want them to know what happened before I go
to jail!
Diniinan ko ang pagkagat sa aking pang-ibabang labi ng hinila niya ako palapit sa
kanya.
"Who told you that you are going to jail?"
"Liar! Kaya mo ako sinabihang maghintay dahil isusuko mo ako 'di ba?! Pwes gusto
kong sabihin sa'yo na
kaya kong sumuko ng mag-isa. It's my fault and I get it! Kung hindi ko siya na-
distract ay baka hindi siya
namatay. Sana nakaiwas siya pero dahil sa pagvi-video ko, hindi na namin napansin
ang-"
"Can you just calm down?! No one said that you are going to jail because it's not
your fault at kung mayroon
mang dapat sisihin," Lumihis ng tingin niya sa aking likuran dahil sa pag-ingay ng
isang dakong kinaroroonan
ng mga pulis.
Napalapit ako sa pabalik sa tabi ng lalaki ng makita ang paghawi ng mga tao't
paglabas ng mga pulis kasama
ang isang lalaking tuliro na rin dahil sa nagawa.
"He is the one who's going to jail," Pinisil niya ang kamay ko para kunin muli ang
aking atensiyon. "Gusto ko
lang sabihin na kakausapin ka ng mga pulis para hingan ng statement sa huling
nasaksihan mo."
Napakurap-kurap ako't naitikom ang bibig. Niluwagan niya ang hawak sa aking
palapulsuhan bago tumuwid
ng tayo sa aking harapan.
"It's not your fault." Pag-uulit niya.
Kumawala ang malalim kong paghinga kasabay ng lutang kong pagtango tango. Gusto ko
mang patuloy na
sisihin ang sarili ko sa mga nangyari pero ang paulit-ulit niyang pagpisil sa kamay
ko ang kusang nagtanggal
ng aking mga agam-agam.
Hinayaan ko siyang samahan akong kausapin ang mga pulis upang isalaysay ang mga
huling nangyari. He is
very helpful. Kapag nauutal ako't hindi na nakakapagsalita ay siya ang nagdurugtong
ng kwento ko kaya
mabilis rin iyong natapos.
Nang mawala na ang mga kalalakihan ay nakita ko ang paghubad niya sa kanyang suot
na coat.
"There's a blood on the back of your shirt," Tinanggap ko ang Ibinigay niya at
walang sabi na isinuot iyon.
"Let's go back inside the mall. You need to at least wash it before we head home."
Mabilis akong tumango at wala ng tanong na nagpatianod sa kanya pabalik sa loob.
Pumasok kami sa pinakaunang coffee shop saka dumiretso sa banyo pero dahil iisa
lang iyon ay pinauna na niya ako.
Tahimik kong itinabi ang coat ng hindi ko pa nakikilalang lalaki bago hubarin ang
suot kong damit matapos
masigurong naka-lock na ang pintuan.
Sinimulan kong hugasan ang aking buhok sunod ang damit na hinubad ko. Wala sa
sariling napalunok ako ng
makitang halos naging kulay pula ang buong likod ng aking puting damit dahil sa
dugo. Ang kabuuan ng CR ay
P 6-6
nangamoy dugo na rin lalo na ng itapat ko ang aking damit sa gripo. Kinusot ko iyon
ng kaunti bago pigain at
tumalikod sa harapan ng salamin para abutin naman nag likod kong marami pa ring
bakas ng pulang likido.
Nanghihina ang kamay kong pinunasan ang lahat ng aking naaabot at paulit-ulit iyong
ginawa hanggang sa
makita ko na ang paglitaw ng tunay na kulay ng balat ko. Mas binilisan ko na ang
ginagawa pero bago pa ako
tuluyang matapos ay nakarinig na ako ng mahihinang pagkatok sa pintuan.
"I'm not finished yet." Sigaw ko sa kumakatok.
"It's me. Open the door."
Awtomatikong nahinto ang mga kamay ko sa pagkusot ng marinig ang parehong lalaking
nasa kabilang banda
pa rin pala ng pinto.
Kinuha ko ang coat niya sa gilid ng lababo at ibinalot iyon sa aking katawan
pagkatapos ay iniawang ng
maliit ang pintuan. Nakita ko siyang nakatalikod at bago pa ako makapagtanong ay
inangat na niya ang isang
paper bag habang iniiwasan pa ring humarap sa akin.
"I don't know your size but I think this will fit you." Aniya sabay galaw ng paper
bag.
Napaawang ang labi ko ng mapatitig ulit doon.
"B-Binilhan mo ako ng damit?"
"Yeah, you can wear it if you like unless you still want to wear your bloody
shirt."
Marami mang tanong na naglaro sa utak ko pero sa huli ay kinuha ko pa rin ang
Ibinigay niya.
"You can look. I'm not naked."
He nodded and turns around to face me.
"I can't let you have my coat. Hindi naman sa madamot ako but I think may dugo rin
'yan." Aniya sabay nguso
sa ibabang bahagi ng suot ko.
I swallowed the lump on my throat and nodded at him.
"O-Okay... Thank you. Sandali nalang ako."
Tumango nalang siya imbes na magsalita pa. Sa paglapat ko ng pintuan sa hamba nito
ay parang gusto kong
magsisi dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Gustohin
ko mang unahin iyon ay
mas inuna ko nalang ang sarili.
He is right. He doesn't know my size but this sweatshirt fits me so well. Parang
mas bumagay pa nga ang
damit na ito sa suot kong pantalon kaysa sa suot ko kanina. Ang weird nga lang
dahil isang malaking bubuyog
ang nakaburda sa damit na pinili niya pero sinuot ko pa rin. Ilang segundo kong
tinitigan ang sarili ko sa
salamin at habang tumatagal ay nagustohan ko na rin iyon.
"Thank you," Muli kong pasalamat nang makalabas na ako sa banyo. Ibinigay ko sa
kanya ang kanyang coat.

P 6-7
"Ikaw na." Sulyap ko sa bathroom pero imbes na sundin ako ay umiling lang siya at
inayos ang coat na
ibinalik ko.
"Tapos na ako. Hinintay lang kitang matapos."
Nagsimula na siyang maglakad palayo sa banyo kaya sumunod naman ako.
Dahil nauuna siya ay hindi ko na naiwasan ang sariling mapatitig sa malapad at
matikas niyang tindig.
Ayaw ko mang aminin sa sarili ko dahil naniniwala akong dapat ay sa panloob
tumitingin ang isang tao pero
hindi ko rin maipagkakailang ang lalaking ito ay parang lumabas sa isang men's
magazine para lang sagipin
ako ngayong araw. He's gorgeous. Sa tangkad niya ay parang gusto kong manliit dahil
hanggang balikat
lamang ako nito.
I wonder if he is a model. Ngayon kasing wala siyang suot na coat ay kitang kita ko
ang katamtaman niyang
kulay at katawang nagsusumigaw ng kakisigan. He doesn't look like a pure blooded
Filipino. Sa tingin ko ay
may lahi siyang Greek or something...
Holy smokes!
Tumalon ang puso ko ng huminto siya sa aking harapan! Mabuti nalang at mabilis ang
naging paggalaw ng
aking mga paa kaya napahinto rin ako't naudlot ang posibilidad ng pagbangga ko sa
kanyang mukhang matigas
na likod.
"You want something before we leave this place?" He asked while glancing back at
forth at me and the
register of the Café.
Umiling ako.
"I don't want anything but can I ask you a favor?"
Pakiramdam ko'y sinilaban ang magkabila kong pisngi ng muling tumuon sa akin ang
mga matang iyon.
"What is it?"
Oh God! Ilang beses akong napalunok at natahimik dahil damang dama ko ang kahihiyan
sa gusto kong
hilingin sa kanya ngayon pero dahil wala na akong choice ay kinapalan ko na ang
mukha ko.
"P-Pwede mo ba akong ihatid sa sakayan ng taxi? I don't think I still can drive
so..."
"Where is your place?"
"Buenavidez-"
"Alright, then. Ihahatid nalang kita." Aniya sabay talikod sa akin at muling
paglalakad palayo.
Gusto kong tumanggi dahil alam kong kalabisan na ang gagawin niya at hindi ko pa
siya lubusang kilala pero
ang puso ko ay iba ang idinidikta!

P 6-8
Parang gusto ko nalang tuloy lumayo sa kanya at kastiguhin ang sarili dahil para
akong baliw na tila ngayon
lang nakakita ng lalaking katulad niyang alam kong pasok na pasok sa standards ni
Zyd! Ang standards na
'yon na papunta na sa langit pero anong magagawa ko? Paano ko nga ba matatanggihan
ang mga matang isang
titig lang ay napapasunod na ako?
Ilang beses ko pang kinastigo ang aking sarili bago nagkumahog na sundan siya.
"Hindi na! Ihatid mo nalang ako sa sakayan! Sobrang abala na ako sa'yo at isa pa,
hindi ko nga alam ni
pangalan mo-"
Kusang prumeno ang mga paa ko nang huminto siyang muli para lang harapin ako. Ang
kaninang pagpipigil ng
pag-iinit ng buo kong mukha ay tuluyang kumawala ng makita ang kanyang pag ngiti.
"Alright. Then let me introduce myself," Pormal niyang sabi dahilan para mas lalong
mawindang ang
talipandas na bagay sa aking dibdib!
"I-I... I don't-"
"Asher... My name is Asher Miguel."
Nalaglag ang mga mata ko sa kanyang mga kamay na agarang inilahad sa aking harapan.
Hindi ako kaagad
nakapag-salita. Imbes na sagutin siya at magpakilala ng maayos ay lutang akong
napatitig nalang sa kanyang
palad.
Tumikhim siya para gisingin ako sa kalutangan.
"This is the time where you will tell me your name because I think that is how
introduction works, miss?"
Ibinitin niya ang huling salita dahilan para magkumahog akong sumagot.
"K-Karsyn... I-I'm Karsyn..." Tuliro kong sabi at nahihipnotismo nang inabot ang
kanyang nakalahad na palad.
"Nice to meet you, Karsyn."
Pinilit kong ibalik ang tingin sa kanyang mukha kahit na alam kong mali iyon dahil
alam kong magwawala na
naman ang utak ko sa kakapuri kung gaano siya kagwapo! Nagbaba ako ng tingin.
I can't. I just can't. This is not me. Kahit kailan ay hindi ako nagwapuhan sa
isang lalaki ng ganito kabilis!
God! I feel like I am Zyd right now and I hate it!
"N-Nice to meet you too, Asher... Nice to meet you, Miguel..." Nababaliw kong pag-
uulit kahit hindi
nakatingin sa kanya.
Nadama ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso ng marinig ang kanyang mahinang
pagtawa kasabay ng
pagpisil niya sa aking kamay kaya wala sa sariling napapikit ako ng mariin!
What the heck Karsyn! What the freaking heck!

P 6-9
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Shittt c ashhh pala to.. My ghaaddd Ooohhh si Asher baby naman...

P 6-10
CHAPTER 4
11.4K 603 66
by CengCrdva

CHAPTER FOUR
Life Is Short
Tahimik ang bibig ko sa mga sumunod na minuto. Simula sa pagkalutang ko ng sundan
siya sa kanyang
sasakyan hanggang sa baybayin na namin ang daan patungo sa bahay. Ayaw ko man
siyang payagang gawin
ang suhestiyon pero wala na akong nagawa. I can't convince him that I am okay
because even when I'm now
seated beside him, I can still taste my fears. Hindi lang iyon. Maging ang patuloy
na kabang nananalaytay sa
aking buong sistema ay damang dama ko pa rin.
Napangiwi ako ng makita ko ang sariling kong wala sa huwisyong nakatitig sa kanyang
gawi na abala naman
sa pagmamaneho at pagsulyap-sulyap sa teleponong kanyang hawak.
"Y-You know you should not text and drive, right?" Hindi ko na napigilang ibulalas
lalo pa't sinalakay na
naman ang utak ko ng mga nangyari kanina.
The police said earlier that the driver is texting while beating the red light at
dahil sa paghagip nito sa buntis
kanina'y nawalan na ito ng kontrol at napunta sa lane ko't diretso sa isang
restaurant.
"I'm not. I'm just checking my messages."
Iniwas ko ang titig sa kanyang gawi at umayos ng upo sa aking upuan.
"Parehas lang 'yon," Mahina kong bulong. "Delikado pa rin." Dagdag ko.
Hindi siya nagsalita pero sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagtanggal ng
atensiyon sa kanyang
telepono at agad itong inilapag sa dashboard pero kahit na naroon na ito ay patuloy
pa rin siya sa pagsulyap,
tila may hinihintay na mensaheng sobrang importante.
I should just thank him and mind my own business but I can't. Using phone while
driving is dangerous.
Mamalikmata ka lang ay marami ka ng masasaktan. Hindi lang ang taong maaaksidente
mo kung hindi pati na
rin ang mga pamilya ng mga ito.
Ipinilig ko nalang ang aking ulo sa direksiyon ng bintana. Nagsimula ng umilaw ang
mga poste sa kalsada
habang padilim naman ng padilim ang paligid.
Nanahimik ako ulit. Tahimik lang rin siya kaya hindi na ako nagsalita. Ipipikit ko
na sana ang aking mga mata
ng makaramdam ako ng pagod pero imbes na 'yon ang gawin ay mas lumaki ang
pagkakadilat ko ng makita
ang pagliko niya sa isang kalsadang hindi pamilyar sa akin.
Mabilis ang naging paglingon ko sa kanya pero bago pa ako nakapag-reklamo at
pagbintangan siya ng kung

P 7-1
ano-anong masasama ay agad na siyang nagpaliwanag na tila nabasa na ang gusto kong
sabihin.
"Shortcut." Tipid niyang sabi pagkatapos akong sulyapan ng mabilis.
"Alam mo ba talaga kung saan ako ihahatid? Kasi baka maligaw lang tayo." Napahinto
ako ng makita ang
paglipad ng tingin niya pabalik sa kanyang telepono imbes na pakinggan ako.
I cleared my throat and that forces him to look at me again.
"Alam ko ang daan."
Kinunutan ko siya ng noo.
"Paano? Doon ka rin ba nakatira kaya alam mo?"
Mabilis ang naging pag-iling niya at pagkatapos ay pinag-igi ulit ang ginagawa.
"I know some people who live in that place."
Napakurap-kurap ako ng maisip na hindi malabong doon rin siya nakatira. Hindi rin
malabong totoo ang mga
sinasabi niya dahil mukha naman siyang disenteng tao at walang gagawing masama... I
mean, kung may
gagawin man... Sayang naman.
It's rare to find a good looking man who's genuinely good inside. Sa panahon kasi
ngayon kahit 'yung mga
hindi kagwapuhan ay mas masama pa ang ugali kaysa sa mga taong may ibubuga.
Kumbaga, kahit na hindi ko
pa siya kilala at pagbabasehan lang ang hitsura, ang kanyang ayos, at ang ginawa
niyang pagliligtas sa buhay
ko kanina ay masasabi kong pwede na siyang humigit pa sa sinasabing perfect man ni
Zydney.
Pero seryoso? Seryosong iyon pa ang naiisip ko ngayon sa dami ng nangyari? Nakuha
ko pang purihin siya at
ang kabuuan niya gayong wala naman akong ideya sa totoo niyang pagkatao maliban sa
kanyang pangalan na
tunog palang pwede mo nang iulam sa kanin?
Asher Miguel...
Pasimple kong inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng kanyang sasakyan. Hindi naman
ito mukhang bago pero
malinis. Walang masyadong kalat hindi gaya ng personal na sasakyan ni Daddy na
minsan ay mas makalat pa
sa kanyang opisina dahil sa mga gamit lalo na't ayaw niya ring pinapalinis iyon sa
iba.
Napukol ng tingin ko sa likuran ng sasakyan ni Asher kung saan prenteng nakapatong
ang dalawang rim ng
sigarilyong mukhang ang isa ay kalahati nalang ang natira.
He's a smoker.
Binalik ko ang tingin sa kanya and for some reason, pakiramdam ko ay may ilang
maliliit na langgam ang
kumagat sa loob ng sikmura ko sa isiping naninigarilyo siya.
I'm not a fan of someone who smokes. Kung tutuusin nga ay lahat ng bisyo ay ayaw na
ayaw ko. Palibhasa ay
isa rin iyon sa bilin ni Daddy sa akin at maging sa mga kapatid ko noon. Gano'n rin
ang pamilya ni Zydney
kaya kami na siguro ang pinaka-huling nakatikim ng alak sa buong angkan namin.

P 7-2
Naalala kong noong nalaman ni Daddy na nagpa-tattoo ang kuya ko noon sa kamay ay
galit na galit ito. Bilang
isang business man raw ay dapat maayos ka at malinis sa katawan lalo pa't negosyo
ang mga hahawakan mo.
He said na paano ka pagkakatiwalaan ng isang tao kung gano'n na ang hitsura mo. No
one will take you
seriously, he said. Maybe Dad is just too old to accept the modern culture pero
kahit na gano'n ay
naiintindihan ko naman ang kanyang punto.
Para sa akin ay ayos lang naman ang magkaroon ng tattoo pero kung nasa poder ka pa
rin ng mga magulang
mo't sila pa rin ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan mo ay kailangan mo pa
ring magbigay ng respeto.
Kahit iyon nalang.
Napakurap ako ng makita ang pagbaba't taas ng kanyang adams apple gawa ng paglunok.
Siya kaya... May
tattoo rin kaya siya gaya ni Kuya? And if he really smoking... Bakit naiintriga
ako? It's just smoking for Christ
sake! And I see people who smokes everyday, kahit sa daan marami pero hindi naman
ako naintriga ng
ganito.
Ni minsan hindi ako natulala sa isang taong naninigarilyo pero bakit ngayon parang
gusto kong sabihin sa
kanyang manigarilyo siya sa harap ko para lang matapos na ang pagiging kuryoso ng
utak ko!
"Y-You smoke?" Buong tapang kong tanong ko ng hindi ko na mapigilan ang sarili kong
isipin na ginagawa
niya nga 'yon.
Oh my God Karsyn! What the heck are you doing?!
Napalunok ako ng sumulyap siya sa akin at pagkatapos ay sinulyapan niya rin ang
nasa likod. Gumuhit ang
arko sa gilid ng kanyang labi bago tumango.
"Yeah."
"Sa'yo 'yan?"
He nodded.
"Lahat?"
Muli siyang tumango.
"Why? Do you want some?" Tanong niyang hindi naman ako sinulyapan.
"N-No. I don't smoke."
"Good for you."
"Kung good para sa'kin, eh 'di bad para sa'yo? Can I ask anong benefits ang
nakukuha sa paninigarilyo?"
I swear... Gusto kong pagsisihan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko pero hindi
ko na magawa. Napasubo
na ako sa usapan at hindi ko na alam kung paano pa hihinto.
Nagkibit siya ng balikat.

P 7-3
"Anong benefits kapag sinagot ko 'yang tanong mo?" Tanong niya pabalik imbes na
sagutin ako ng matino.
Napalunok ako't napahugot ng isang mabilis na paghinga. Mabuti nalang at abala siya
sa daan at madilim na
kaya hindi niya nakita iyon.
"W-Wala." Nahihiya kong sagot.
"Then my answer is the same."
Oh. Okay. Okay. I understand. Gusto ko sanang idagdag pero natigil na ako ng
pumasok na ang sasakyan sa
village.
He is right. Alam niya nga ang daan at ang pasikot-sikot patungo sa lugar na 'to na
parang siya mismo ay
nakatira sa lugar. Oo nga at hindi naman ako nagda-drive pero ni minsan yata ay
hindi ko nadaanan ang mga
dinaan ng sasakyan niya.
I shut my mouth. Wala ng gusto pang sabihin ang bibig ko at kahit na alam kong
dapat kong ipagpasalamat na
makakarating na ako sa bahay at maisasalba ko na ang sarili ko sa kahihiyan dahil
sa pang-uusisa ay parang
sa bawat galaw ng sasakyan niya ay mas dama ko pa ang panghihinayang na hindi ko
maintindihan.
Kapag naihatid na niya ako ay makakapagpahinga na ako at iyon ang mas dapat kong
pagtuonan ng pansin
ngunit sa kabilang banda ay mas lumamang ang pag-iisip kong kapag naihatid na niya
ako ay hindi ko na siya
makikita. Alam kong hindi ko na siya makikilala pa at hindi ko na maitatanong pa
kung ano ang totoong alam
niyang makukuha niya sa paninigarilyo.
"D-Diyan nalang ako." Turo ko sa gate namin.
Hindi na siya nagsalita at ginawa nalang ang dapat gawin.
Bago pa kami umalis kanina sa Parissiene ay tinawagan ko na si Zydney kaya hindi na
ako magtataka kung
naghihintay na ito sa akin sa loob.
"Thank you." Buong puso kong pasasalamat ng huminto na ito sa harapan ng bahay
namin.
"You're welcome."
Tinanggal ko na ang aking seat belt at muli siyang hinarap.
"D-Do you want to have some coffee or something?" Tanong ko para naman sana
makabawi sa ginawa
niyang pagliligtas sa akin kanina kahit na alam kong ang malinis kong intensiyong
pasalamatan siya ay
nabahiran na ng kagustuhan kong mas makilala pa siya.
I mean who wouldn't want to know the person who saves them from death? Right?
Isa pa, pakiramdam ko rin kasi ay hindi sapat ang pasasalamat lang para magantihan
siya sa ginawa. I feel
like I need to introduce him to Zyd or even to my father.
"Nah, I'm good. I need to go home now. Thanks for the invite though."

P 7-4
Tuliro akong napatango.
"Malapit lang ba dito ang bahay mo?"
Narinig ko ang mga boses ng mga pagalit sa loob ng aking utak dahil kahit na dapat
ay umalis na ako't
magpahinga ay narito pa rin ako ngayon sa harapan niya at hindi man lang makakilos.
God, I don't even know
how to get out of his car!
Umiling siya.
"Batangas."
"B-Batangas?!" Laglag panga kong bulalas dahil sa narinig.
Sinulyapan niya ang kanyang telepono at kinuha na ito. Actually kanina pa iyon
tumutunog dahil sa mga texts
pero dahil nahiya siguro siya sa paninita ko kanina ay hindi niya tinangkang
basahin kahit isa.
"Yeah."
"O-Okay," Inilakad ko ang aking mga kamay patungo sa pintuan at binuksan na iyon.
"Thank you, Asher..."
He smiled and nodded.
"Don't worry about it."
"No... I mean, you saved my life and thanking you is not enough..." Napayuko ako ng
hindi ko na makayanan
ang titigan ang kanyang mga matang nagsusumigaw ng iba't-ibang emosyon.
"Babawi ako," Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay tinanggal na ang lahat ng
kabang nararamdaman
bago muling salubungin ng tingin ang kanyang mga matang madiing nakatitig pa rin sa
akin.
Buong giliw ko siyang nginitian bago sabihin ang mga huling salita ng pamamaalam.
"I'll pray for you... Kung ayaw ng coffee, ipagpi-pray nalang kita."
Tumango tango siya pero hindi pa rin ako nakuntento.
"Tapos kapag nagkita ulit tayo... Ililibre kita para makabawi ako sa'yo."
"Kung magkikita pa tayo," Maagap niyang sagot.
"Then I'll pray for that too," Nilawakan ko pa ang ngiti ko dahil ramdam ko na
naman ang unti-unting
paglamon sa akin ng kahihiyan.
Bago pa siya makasagot ay nagsalita na ulit ako para kahit paano ay maisalba pa ang
sarili sa lahat ng mga
salitang lumabas sa aking labi ngayong araw.
"Thank you ulit, Asher." Binuksan ko na ang pintuan at mabilis na lumabas doon.

P 7-5
Ang lahat ng panghihinayang ko sa sitwasyon ay nadagdagan pa ng harapin ko siya
ulit.
"See you around, Karsyn."
I nodded and smiled at him.
"And be careful next time you'll pass a crosswalk."
Pinagdiin ko na ang aking labi.
"Salamat sa paghatid at sa lahat. Mag-iingat ka." Isinara ko na ang pintuan at
kahit na hindi ko na siya
natanaw sa loob ay kumaway pa rin ako bilang huling pamamaalam.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Umalis na rin siya kaagad at kahit na
bakanteng kalsada nalang ang
tinatanaw ko sa pagkawala ng kanyang sasakyan ay hindi pa rin ako natinag sa aking
kinatatayuan.
Sa pagkawala niya ay parang muli kong naramdaman ang lahat ng pagod, takot at
trauma sa lahat ng nangyari
kanina. Diniinan ko ang pagkagat sa aking labi ng maalala ko ulit iyong buntis. Ang
pagkamatay niya. Ang
paggulo ng paligid. Ang lahat... Lahat.
Napapikit ako ng mariin at ilang beses na nagpakawala ng ilang malalalim na
paghinga upang mapigilan ang
muling pagbigat ng aking dibdib. Nang maramdaman kong kaya ko ng maglakad ulit ay
pumasok na ako sa
loob ng bahay.
"What the hell happened Karsyn!" Pakiramdam ko ay muling nanginig ang buo kong
pagkatao ng maramdaman
ko na ang mabilis na pagyakap sa akin ni Zydney ng makapasok ako sa bahay.
"Are you okay? Bakit ngayon ka lang? Nag drive ka ba? Bakit ngayon ka lang?" Sunod
sunod niyang tanong
pero imbes na sumagot pa ako ay inilagay ko nalang sa kamay niya ang camera ko.
"I'm tired, Zyd... But I am okay. Si Daddy ba nandito na?"
Malungkot niya akong tinignan bago umiling. Bumagsak ang aking balikat at naglakad
para lagpasan siya't
pumanhik na sa itaas. Totoong pagod na ako pero mas lalo yata akong napagod dahil
sa isiping hindi man
lang umuwi si Daddy kahit na may nangyari na sa akin.
Naiintindihan ko naman. He is a business man at hindi madaling pagsabayin ang
pamilya at ang negosyo. He
is still grieving. Naiintindihan ko. Kahit ako rin naman ay minsan ayaw na ring
umuwi dahil parang wala na
rin naman akong uuwian. Our home is now empty. Kung hindi nga lang dahil kay Zyd ay
baka matagal na rin
akong umalis sa bahay na ito.
Hinayaan ko si Zyd na sundan ako hanggang sa makarating na kami sa aking kwarto.
Hindi naubos ang mga
katanungan niya at kahit na hawak niya naman ang sagot sa mga iyon ay gusto niya pa
ring sa bibig ko
manggaling ang lahat.
I didn't answer her questions. Imbes na 'yon ang gawin ay inuna kong ayusin ang
sarili. I want to sleep now.
Gusto ko ring matapos na ang araw na ito at magsimula nalang ulit bukas kahit na
mahirap simulan iyon
pagkatapos ng trahedyang ito.

P 7-6
"Karsyn..." Nakita ko ang pamumutla niya't maluha-luhang mga mata dahil sa
nasaksihan sa camerang
kanyang hawak.
Tahimik akong naupo sa kanyang tabi.
"Do you think it's my fault, Zyd?"
"No. Of course not!"
Napabuntong hinga ako't napayuko.
"Because I feel like it's my fault. She is perfectly fine and then..." Napapikit
ako ng mariin at hindi na
maituloy ang sasabihin.
Sunod kong naramdaman ang pagyakap ng aking pinsan.
"It's not your fault... Hindi, okay?" Napatingin ako sa kanya ng marinig ang
kanyang pagbuntong hinga na tila
nabunutan ng isang malalim na tinik sa dibdib. "I'm relieved to know that you are
fine," Inilayo niya ako.
Ang kanina'y pag-aalala sa kanya ay nabahiran na ngayon ng pagalit.
"Sa susunod huwag mo na akong iti-text ng bitin! Sana sa susunod sabihin mo ring
maayos ka, okay? Tuloy
tuloy at nasa iisang message lang dapat! You don't know how scared I am reading
that text."
Tumango tango ako.
"I'm sorry..."
"And be careful next time, okay?"
Muli akong tumango. Marami pang sinabi si Zydney pero ang utak ko ay tinatangay na
naman patungo sa isang
malalim na pag-iisip.
"Ang iksi ng buhay 'no?" Wala sa sariling sabi ko dahilan para mahinto siya sa
kanyang mga litanya.
Ilang beses siyang napalunok ng mapatitig ako ulit ng mataman sa kanya.
"Karsyn-"
"Sobrang iksi..." Lutang kong pagpapatuloy. Pakiramdam ko'y hindi siya ang kausap
ko kung hindi ang aking
sarili. "One moment you are happy and perfectly fine, the next you are fighting for
your life... It's too short,
Zyd. Too short..."

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


P 7-7
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
HAHAHAHAHAHAH she's so nice and innocent! ?

P 7-8
CHAPTER 5
11K 529 62
by CengCrdva

CHAPTER FIVE
Life Changing Event
"Are you sure you don't want to go out with me today?" Tanong ni Zyd sa akin pero
imbes na sagutin siya ay
muli kong binalot ng kumot ang aking katawan.
Sunod ko nalang naramdaman ang pagyugyog ng kama dahil sa pag-upo niya.
"Karsyn, it's been five days. Sigurado ka bang gusto mo nalang magmukmok dito?"
"I'm tired."
"Hanggang ngayon?!"
"Uh-hmm." Ungot ko.
"Karsyn naman!"
"Umuwi na ba si Dad?"
Natigil siya sa pagyugyog.
"K-Kahapon yata umuwi."
"Okay." I heard her sigh.
"Come on, KF... Labas naman tayo." Aniya sa boses na punong puno na ngayon ng
pagmamakaawa.
Ang plano kong buong araw manatili sa kwarto ko gaya ng mga nagdaang araw ay hindi
ko hahayaang
mapurnada niya kaya umahon na ako sa pagkakahiga para harapin siya.
"I'm tired, Zyd. Isa pa, hindi ko alam kung handa na ba ako ulit na lumabas sa
bahay. Alam kong sinabi ko
namang susubukan ko pero hindi ko pa kaya. I'm still being haunted by the accident.
Naiisip ko palang na
lalabas ako sa bahay ay naiisip ko na 'yung nangyari. What if mangyari ulit? I
couldn't handle another death,
Zyd."
"You are thinking too much, Karsyn," Umayos siya ng upo paharap sa akin at hinuli
ang aking kamay.
"What if today is going to be a good day? What if today is the day where your life
is going to change for the
better but you're missing the opportunity because you are still letting your
thoughts be stuck on the accident?
Karsyn, it's just one accident. It happens. People die but that doesn't mean that
it's the end of the world for
P 8-1
you. You see, someone saved you. Ibig sabihin hindi mo pa oras dahil buhay ka pa.
You are lucky."
"Zyd..."
"Kung may dapat kang isipin sa pagkakataong ito na galing sa aksidente ay kung ano
ang dahilan at bakit
hanggang ngayon ay narito ka pa rin. You should thank God for that."
"I am thanking him every single day-"
"Alam ko pero hindi mo naman ginagawa ang mga dapat mong gawin sa bagong buhay mo.
Hindi ba gusto
mong mahanap kung ano ang kasiyahan mo? Kung ano ang gusto mo pang gawin? You said
it yourself, life is
too short. Tama ka do'n at bagong buhay mo na ito! Not all are given another chance
to live."
Napalunok ako lalo na ng makita ang nag-uumapaw na determinasyon sa kanyang mga
matang gusto akong
gisingin sa lahat ng pagkalunod ko sa aksidente.
"I know and you're right."
Nakahinga siya ng maluwag. "Saan banda do'n?"
"The last part. Not everyone are given another chance to live. Sila Kuya... Si
Mommy, si Katie, ang buntis at
ang anak niya..."
Ang lahat ng kaluwagan sa kanyang mukha ay madaling napawi dahil sa sinabi ko.
"Karsyn, that's not what I mean-"
Pinagdiin ko ang aking labi at saka siya nginitian.
"It's okay, Zyd. Nakuha ko naman ang gusto mong sabihin."
Naitikom niya ang kanyang bibig at ang pagpisil sa aking kamay ay tuluyan na ring
nahinto. Gaya ko ay hindi
ko na ulit alam ang dapat ko pang sabihin sa kanya. Hindi ko rin kasi akalaing mas
lalalim ang usapan naming
ito. Naiintindihan ko namang nag-aalala lang siya sa akin at tama naman ang mga
sinabi niya pero sadyang
wala pa talaga ako sa normal kong sarili. I think that I still need to rest and
contemplate about life.
"Na sa'yo pa rin ba ang camera ko?" Pagbabago ko nalang ng topic para maputol ang
katahimikan sa pagitan
naming dalawa.
"Oo."
"Napanuod mo na lahat?"
"N-No..."
"So ibig sabihin hindi mo pa rin nabubura?"
Umiling siya. "Gusto kong panuorin but I can't stop thinking about you."

P 8-2
"Just watch everything and delete it." Sabi kong hindi nakikiusap kung hindi nag-
uutos.
Tumango siya. Sa huli ay siya na itong hindi umalis para lang samahan ako't
masigurong ayos lang ako. Ilang
beses ko mang sabihin sa kanyang pwede niya na akong iwan ay hindi niya pa rin
ginawa.
"Ano bang dapat kong gawin para lang bumalik ka na sa pagiging masigla?"
Nagkibit ako ng balikat at nagpatuloy sa pagkain ng mansanas na hawak ko.
"Masigla naman ako. I'm eating fruits too kaya mas healthy ako ngayon kumpara last
week."
"That's not what I'm talking about," She pouted and then grabs the bowl of fruits
from the table.
Ngumata rin siya ng prutas galing doon. Ipinilig ko ang aking ulo patungo sa
kanyang gawi.
"What if I'm destined in saving lives? Paano kung mali pala ako ng pinili?"
"But you said that you'll be happier outside the hospital."
"I know but how can I be sure that I made the right decision?"
"Karsyn, that's why I'm trying to convince you to go out with me. Paano mo
malalaman kung wala ka namang
ginagawa para simulan 'yung mga bagay na hindi mo nakasanayan? Paano mo malalaman
kung ano ang mas
makapagpapasaya sa'yo kung nandito ka lang sa bahay at nanunuod?"
Dumiin ang titig ko sa kanya at pinagtaasan niya naman ako ng kilay.
"K, fine. You won."
"So lalabas na tayo?"
"Nope." Iniwas ko ang titig sa kanya at ibinalik ito sa TV. Narinig ko ang ilang
mga palatak niya. "I'm not
ready yet pero malay mo may himala. Malay mo isang araw ayos na ulit ako."
"At hanggang kailan naman ako maghihintay sa mga malay mo't himala?"
Napahagikhik ako't napailing nalang. Hindi ko na siya sinagot bagkus ay nagpatuloy
nalang sa panunuod.
Hindi naman ako emosyonal na tao noon pero dahil sa nangyari ay pakiramdam ko ay
napaka-sensitibo ko na.
Natapos ang palabas na iyon na umiiyak ako habang si Zyd naman ay nakatulala lang
sa akin.
"Zydney, the dog died! He died!"
"I know. I watched the whole thing with you, remember?" Pinagtaasan niya ako ng
isang kilay.
Pupungas pungas kong inayos ang aking sarili sa kanyang harapan. Binalewala ko ang
mga mata niyang puno
ng awa at nalilito habang pinapanuod akong humagulgol.
Ilang minuto kaming gano'n. Hinayaan niya akong umiyak at ibuhos ang lungkot sa
aking unan. Tahimik lang

P 8-3
siyang nakikinig. Nang medyo nahimasmasan na ako ay hinarap ko siya ulit.
"The guy moved on and look at things differently. Imbes na isipin ang pagkamatay ng
aso niya, inisip niya
nalang 'yung mga bagay na meron siya. Kung ano ang dapat niyang ipagpasalamat kahit
na malaking bagay ang
nawala sa kanya. Some events are going to change your life. Minsan sa masama pero
minsan sa mas mabuti
rin. Please be that guy, Karsyn." Makahulugan niyang sambit.
Napakurap-kurap ako.
"Sa tingin mo magkakaroon ulit ng life changing event ang buhay ko ngayon? Iyong
para sa mas mabuti?"
Marahan siyang tumango.
"Oo naman."
"How can you be so sure? Nangyari na ba sa'yo ang gano'n? Like you just wake up and
everything is
different?"
Sandali siyang nag-isip pero kalaunan ay umiling rin.
"But I'm always praying for better things to come."
Huminga ako ng malalim. Zyd is very positive. Ganito ko siya nakilala noon pa man.
Siya nga ang
cheerleader ng buhay ko and that's what I admire the most from her. Walang espasyo
ang ka-negahan sa kanya
at kung nagkakaroon man ay mas lamang pa rin ang kanyang pagiging positibo.
"Thank you for everything, Zyd..."
Her lips curved a smile.
"Ikaw pa ba? It's okay kahit na hindi ako naka-attend sa birthday ng crush ko. It's
okay kung hindi ako
nakasama sa Singapore para sana magpahinga ng ilang araw pagkatapos ng nakakapagod
na buwan sa pagaaral. Okay lang, Karsyn. Okay lang talaga. Wala 'yon."
Napahagikhik ako't napanguso.
"I'm sorry."
"Wala 'yon! Okay lang ako. Wala 'to."
"Zydney naman... Babawi ako sa'yo."
Huminto siya at tinitigan ako ng mabuti.
"So ibig sabihin lalabas na ulit tayo?"
"Hmm, depende."
Umikot ang mga mata niya. Pinigilan kong matawa dahil ang kaninang pasaya na niyang
aura ay napawi muli.

P 8-4
"Depende saan?!"
"I don't know. Sa life changing events?" Napangisi ako ng marinig ang pagalit niya.
Nasanay na ako sa routine kong bahay, Zydney, movie, kain at tulog lang. Wala rin
namang sumisita sa akin
maliban kay Zydney na kayang kaya ko namang kontrahin kaya nagpatuloy lang ako sa
ginagawa pero nang
dumating ang panibagong linggo ay doon na nagbago ang lahat ng routine ko.
"Ano nga kasi 'yon? You're making me confused. Nag-aalala na rin ako!" Kinuha ko
ang kamay niya at
inilagay sa aking kaliwang dibdib. "Look, hindi na normal ang tibok ng puso ko at
baka kapag hindi mo pa
sinabi ang ginawa mo ay baka atakihin na ako sa puso-"
"Shh!" Nagmamadali niyang tinanggal ang kanyang kamay sa aking dibdib pagkatapos ay
tumayo sa kama at
wala sa sariling nagpabalik-balik ng lakad sa aking harapan.
Ang pagkalukot ng mukha ko ay tiyak akong hindi na maipipinta ngayon habang
pinapanuod siya.
"Zyd, ano ba kasi? Tell me. I promise hindi ako magagalit." She stops pacing.
Ilang beses ang naging paglunok niya at maingat na bumalik sa aking tabi.
"So?"
Huminga siya ng malalim.
"Promise hindi ka magagalit?"
Nagsalubong ang kilay ko dahil ramdam ko at kitang kita ko ngayon ang takot niyang
parang may nagawang
mortal na kasalanan.
"Why do you have to say that? Gusto ko tuloy magdalawang-isip-"
"No. You don't have to! Isa pa, wala ka ng magagawa kung hindi ang patawarin nalang
ako kasi wala na rin
naman. Nangyari na. Tapos na."
Kumawala ang tawa kong may halong kaba at pagkatapos ay inangat ang mga kamay para
hawakan ang
magkabila niyang balikat.
"Zydney, come on? Sabihin mo na."
"Okay...." She said while looking at me with unsure eyes. "I have your camera,
right?" I nodded. "And you
ask me to watch the whole thing, right?"
Again, I nodded at her.
"So, listen. The video..."
"The video?"

P 8-5
"Okay, you know what? I'm telling you now. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa.
Sasabihin ko na-"
"Zyd!"
"I uploaded the video on the youtube account that I made for you and it's now
viral!" Hiningal siya
pagkatapos ng huling salita.
Hindi ako nakapag-react kaagad dahil kung ano ang bilis ng paglabas ng mga iyon sa
kanyang bibig ay siya
namang bagal ng pagpasok ng mga ito sa aking utak.
Pinisil niya ang kamay ko.
"I'm sorry! I didn't know that it will gone viral! Hindi ko naman ini-expect na
gusto ng mga taong makakita ng
pagtatapos ng buhay at pagsibol ng magandang bagay dulot trahedya-"
"W-What?!" Ang malakas kong hiyaw ang nagpa-putla sa kanya't nagpalayo ng kaunti sa
akin.
Ang utak ko ay mabilis na naging buhol-buhol! Unang una, hindi ko alam na ginawan
na niya ako ng account.
Pangalawa, ang sinabi ko ay burahin niya iyon pagkatapos mapanuod! Pangatlo at
panghuli, anong pagtatapos
ng buhay at pagsibol ng isang magandang bagay?!
"Karsyn, I'm sorry! Okay, I maybe hope that it will be viral but I don't have any
idea that it's gonna be this
big! It's freaking big and I don't know what to say to you anymore besides I'm
sorry!"
Natataranta akong tumayo para puntahan ang aking lamesa kung saan naroon ang aking
laptop.
"Come on!" Ilang beses kong pinindot ang pagbukas no'n kahit na hindi naman
kailangan.
"Karsyn, I'm sorry... You are not mad, right? I mean, you promised me at bawal ng
bawiin 'yon!"
I ignored her. Umupo ako sa harap ng laptop at nagmamadaling pinuntahan ang site.
Hindi ko na kailangan
pang hanapin ang video dahil pagpunta ko palang doon ay iyon na ang bumugad sa
akin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang title at nalaglag naman ang panga ko ng
makitang sa loob pa lamang
ng ilang oras ay halos nasa tatlong milyon na ang views nito.
"An unfortunate death that leads a girl to Mr. Right?! Seriously, Zydney?!"
"People digs everything that involves Mr. Right." Depensa niya.
Nasapo ko ang aking noo at sinimulan nang panuorin ang ginawa niya.
"This is not right, Zyd." I commented.
"I blurred the girl's face and I edited the part where it was hard to watch but
look," lumapit siya sa akin at
sinamahan akong manuod.
Pakiramdam ko'y nanlamig ang buong katawan ko ng makita ang pagtilapon ng aking
camera sa ere at ang
pagtalbog nito ng dalawang beses sa kalsada kasabay ng pagpirmi nito't pagtutok sa
gawi namin at sa lalaking

P 8-6
nakayakap sa akin.
Pinigilan kong mapapikit ng makitang muli ang mukha ng lalaking iyon! I didn't have
any idea that my camera
is still recording! Wala sa sariling napalunok ako ng makita ang pagkalma nito sa
akin habang tuliro sa
aksidenteng nangyari.
Parang gusto ko nang pagalitan ang pinsan ko dahil talagang ginawa niyang romantiko
ang scene kahit na ang
totoo ay tanging takot lang ang naramdaman ko ng mga panahong iyon. Ni hindi ko
naisip na pwedeng maging
ganito ang kalalabasan ng trahedyang kumitil sa isang buhay.
"I'm sorry, Karsyn but I can't delete it now. At kahit siguro burahin ko ay kalat
na 'yan ngayon sa mundo ng
social media. People can even download it and re-upload it without getting my
permission."
Nagpatuloy sa pagsasalita si Zydney pero ang utak ko ay huminto na sa pag-iisip sa
tagpong iyon. Kung noon
ay mas tumatatak sa isip ko ang babae, ngayon naman ay parang natabunan na ang
lahat dahil sa presensiya
ng lalaking tinawag niya pang Mr. Right.
Parang gusto kong matawa sa inis. Hindi ko naisip na gagawin ito ni Zydney pero mas
hindi ko maisip na
nagawang panuorin ito ng mga tao.
"Uy..."
Napakurap-kurap ako sa harapan ng screen. Tapos na ang mga pinapanuod ko at sa kada
refresh ko ng site ay
mas parami naman ng parami ang views, likes at maging ang subscribers ko.
"Karsyn, I'm really really sorry," Dahan dahan niyang sambit.
Sa pagtitig ko sa kanya ay nakita ko ang purong kaseryosohan sa kanyang mga mata
ngunit wala akong
nakitang pagsisisi doon.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" Bigo kong sambit. "I think people really digs
finding Mr. Right." Pinigilan
kong mapangiwi sa naisip at tumayo nalang para bumalik sa aking kama. Sumunod naman
siya sa akin.
I'm lost. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
"I stopped myself from watching it the first time after the girl was hit and you
didn't even tell me about the
guy."
"I told you to just watch the whole thing."
Natahimik siya na tila may malalim na iniisip.
"Do you even know his name?"
Umiling ako para magsinungaling sa kanya dahil ngayon palang ay parang nakikita ko
na ang laman ng utak
niya.
"He just saved me and that's just it. Hindi ko na natanong ang pangalan niya."

P 8-7
Nasapo niya ang kanyang noo at dinaluhan na rin ako sa pagkakahiga sa kama.
"Do you believe in destiny?"
Her question made me chuckled.
"Are you really asking me that?"
"Just answer it."
"I believe in life and death but fate and destiny? Nah. We're the one who's
responsible for our destiny. That's
why God gave us the gift of free will. Tayo ang mamimili. Tayo ang magdedesisyon
and I think that by
making decisions, we are molding our own destiny and fate just follows through it.
Sa kagustuhan natin at
kung saan tayo mas komportable't magiging masaya."
"I can't argue with that but don't you think it's kind of romantic when someone
saves you from death? I mean
it's a work of fate and destiny."
"It's just a part of life and events... Unfortunate ones."
She heave a sigh. "Can you at least admit that Mr. Right is handsome?"
Naisara ko ang aking bibig at agad siyang nilingon. Nakita ko kaagad sa mga mata ni
Karsyn ang namumuong
paghanga at tuwa sa kabila ng masalimuot na pangyayari.
"Okay ka lang ba? Ilang romantic movies ba ang pinanuod mo bago ginawa ang video?"
"Just one and we should watch it right now!" Umahon siya at madaling binuksan ang
TV. "Baka sakaling
mabahiran ka ng pag-ibig ngayong araw."
"I'm still mad at you."
Natatawa siyang bumalik sa tabi ko.
"Kailan ka ba nagalit sa akin? Isa pa, hindi ba life changing na ito para sa'yo?
You're still trending kahit na
wala pang isang araw at sigurado akong-"
"Zyd, please," I cut her off. "Ayaw ko na munang isipin 'yan." Pinigilan ko ang
sarili kong lingunin ang
lamesang kinalalagyan ng aking laptop.
Sa totoo lang ay hindi naman ako galit kay Zydney, ang sa akin lang ngayon ay ayaw
ko na munang isipin ang
lahat. It's too overwhelming. It's like Zydney is turning my misery into something
that I should be more
worried about. Ang ginagawa niya ngayon ay isa rin sa mga bagay na napag-usapan na
naming kahit kailan ay
hindi ko na papasukin.
"Fine," Kinuha niya ang comforter at pagkatapos ay ibinaon ang kalahati ng katawan
rito. "But I think you
should at least say hi to your seventy thousand plus followers..."
Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag bagkus ay ngumisi pa.

P 8-8
"And counting." She added.

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
??? Napaka insensitive ng tittle ??

P 8-9
CHAPTER 6
10K 541 71
by CengCrdva

CHAPTER SIX
Life Is Not Perfect
"We're still doing it together, right?" Tanong ni Zydney sa akin pagkatapos niya
akong daanan para bigyan ng
prutas bago siya bumalik sa university.
Tumango ako.
"Next week?" She asked.
Kinuha ko sa kanya ang mga prutas at muli siyang tinanguan.
Dahil nasa medical field ako noon ay nakagawian na naming sabay kami palagi sa
annual physical exam na
sinimulan kong iimplimenta kahit sa mga kasama namin sa bahay. Kapag nga naman nasa
medical field ka ay
health conscious ka pero kahit na wala na ako doon ay gusto ko pa ring ipagpatuloy
ang mga nakasanayan
namin ni Zydney.
"Good! Hindi mo ba nami-miss ang med school?" Tanong niya pagkatapos ay sabay na
kaming naupo sa
couch, siya sa harapan ko.
"Sakto lang." Balewalang sagot ko.
"Hmm, okay." Anito at pagkatapos ay agad na nanahimik pero nanatili pa rin ang
tingin sa akin.
Kumunot ang noo ko dahil alam kong pinag-iisipan na naman niya ako ng kung ano.
"What?" Hindi ko na napigilang itanong.
Nagkibit siya ng balikat at kinuha ang kanyang bag na nasa gilid pagkatapos ay
inilabas doon ang aking
camera.
"Your camera."
Napatitig ako sa bagay ng ilang segundo at tumagal pa. Kung hindi niya pa iyon
iginalaw ay baka muli na
naman akong malunod sa masalimuot na nangyari.
"Binura mo na?"
She nodded slowly.
"Tinignan mo na ba ulit ang vlogging account mo?"

P 9-1
Kinuha ko sa kamay niya ang camera.
"Hindi pa."
"Bakit?! Do you have any idea kung ilang views na at ilan na ang subscribers mo?!"
"Hindi ko nga tinignan 'di ba? Kaya wala." Walang amor kong sabi sabay bukas ng
camerang hawak ko.
Wala na ngang laman iyon at bagong bago na naman.
Ibinaba ko ang hawak ng marinig ang kanyang malalim na pagbuntong hinga. Sa pag-
angat ko ng tingin
pabalik sa kanya ay hawak na niya ang kanyang telepono.
"One hundred five thousand subscribers, almost five million views and three hundred
thousand plus
comments asking about Mr. Right!" She exclaimed.
Pinatay ko ang aking camera at binalewala siya pero hindi nagpaawat si Zydney.
Hindi naman talaga siya
magpapaawat kaya wala na rin akong nagawa nang magsimula na siyang magbasa ng ilang
mga comments
doon.
"Ang gwapo ni Mr. Right." Aniya sa mataas na tonong tila ginagaya ang boses ng nag
comment sabay kumpas
ng hintuturo para isulat sa ere ang maraming exclamation point.
"This is sad but exciting! Mahahanap pa nga kaya ni KF si Mr. Right?" Sabi niya
naman ngayon sa ibang
boses at tono gawa ng ibang komento.
Pinagtaasan ko siya ng kilay nang sulyapan niya ako. Alam kong inaatat niya lang
ako dahil alam niyang kahit
na ayaw ko pa ring intindihin ang malaking kabaliwang ito ay nagiging curious na
rin ako kung paano naging
ganito kabilis ang lahat.
Napailing ako ng tumawa siya.
"Now this one is funny," Aniya tukoy sa comment na sunod na babasahin pero imbes na
basahin nalang iyon
ay tumayo siya at lumipat sa aking tabi pagkatapos ay ibinalandra sa aking mukha
ang kanyang telepono para
ibahagi sa akin ang gagawin.
"Mr. Right saves Ms. Right and they are both gorgeous! Bagay na bagay!Wala pa bang
update KF?!"
Napatakip ako ng aking tenga ng marinig ang boses niyang malandi habang sinasabi
ang lahat ng iyon!
"Stop it, Zyd!"
"RIP sa buntis pero ako lang ba 'yung nakapansin na sobrang ganda ni Ate? Bagay na
bagay talaga kay Mr.
Right!"
Napanguso ako dahil imbes na huminto siya ay mas nagpatuloy lang siya sa pagbabasa.
"Ate, sana may next vlog ka pa. Nag-create pa talaga ako ng account para lang
masubaybayan ang
pangalawang buhay mo kaya sana ipagpatuloy mo pa rin kahit na alam kong trauma rin
para sa'yo ang
nangyari. I wish you well ate KF. Sana may bagong vlog kaming papanuorin!"
P 9-2
Napabuntong hinga ako. Nang makita ni Zydney ang reaksiyon ko ay doon na siya
tumigil sa pagbabasa at
inilahad na mismo sa harapan ko ang kanyang telepono.
"These comments are all positive, KF. May mga ilan lang na nangbabash pero normal
na 'yun sa mundo ng
social media at kapag nabasa mo 'wag kang magpapaapekto, okay? You don't need to
please everybody.
Alam mo naman siguro ang rule of life natin, kill them with kindness."
Tipid ko siyang nginitian. Alam ko naman na iyon kahit hindi pa nangyayari ang
lahat ng ito. You can't really
please everyone at kung may mga tao mang hindi ka talaga gusto ay hindi ibig
sabihing may mali na sa'yo.
May mga tao lang talaga na kahit ano pang gawin mo ay hindi ka gugustohin pero ayos
lang 'yon.
Sa buhay kailangan mo nang maging handa sa lahat ng mga posibilidad. Dapat marami
kang baong pasensiya,
tatag at sandata para sa lahat ng mga bagay na posibleng makasakit sa'yo dahil
darating at darating ang araw
na masasaktan ka.
Life is not perfect and it will never be. Kung minsan ay mas marami pa ang mga
pagsubok kaysa sa kasiyahan
pero kahit na gano'n ay dapat maging positibo ka pa rin, at imbes na isipin ang mga
kalungkutan ay mas
pagtuonan nalang ng pansin ang mga natitirang kasiyahan. Life should be lived with
positivity. Mawala na
ang lahat huwag lang iyon. Zyd is right, people don't have to like me and I don't
have to care.
Tipid ko siyang nginitian. Hindi ko na siya nasagot dahil naging abala na ang mga
mata ko sa pagbabasa ng
mga comments.
Sa kabila ng pagtutol ng isang parte ng aking utak ay taliwas naman ang isinigaw ng
aking puso. Parang sa
lahat ng nangyari sa akin nitong nakaraan ay ngayon lang ako nakaramdam ng
kaluwagan dulot ng saya dahil
sa mga nabasa ko.
Zydney is right, people really digs everything that involves romance. Lalo na iyong
mga bagay na may
kinalaman sa destiny at fate. Ayaw ko mang mabali ang paniniwala ko pero dahil sa
ginawa ni Zydney sa
videong iyon ay parang gusto kong magdalawang-isip.
Siguro nga kahit paano ay mayroon rin namang fate at destiny, hindi pa man malinaw
sa akin dahil talo pa rin
ng paniniwala ko ang mga iyon pero sana balang araw ay malaman ko rin. Sana balang
araw ay mas luminaw
sa akin ang lahat.
Alam kong kalat na sa social media o kahit sa telebisyon ang lahat kaya hindi na
rin ako nagtaka nang isang
araw ay ungkatin iyon ni Daddy sa hapag.
Dahil sa pagiging abala niya sa negosyo namin ay hindi na rin niya iyon naharap
noong unang beses kong
sabihin sa kanya ang aksidente kaya ngayong siya na mismo ang nakapanuod ay gano'n
nalang ang pag-aalala
niya sa akin.
"Karsyn?" Napapitlag ako ng marinig ang baritono niyang boses na pumukaw sa akin sa
malalim na pag-iisip.
Pagod ko siyang sinulyapan. Literal nga akong pagod dahil napuyat ako kagabi sa
kakabasa ng mga comments
sa youtube. Maging iyong mga negatibo ay binasa ko na rin pero hindi ako
naapektuhan kahit na isa. Isa pa,
mas marami nga roon ang mga mensaheng positibo kaya dinaig ko pa ang nagbasa ng
napaka-habang nobela
kagabi dahil sa tagal kong nagbabad doon.

P 9-3
"Dad?" Tumuwid ako ng upo at nagpatuloy sa pagkain.
Magana naman akong kumain at umiinom naman ako ng vitamins araw-raw para sumigla
pero dahil siguro sa
antok kaya wala akong masyadong gana.
"I'm asking if you know the guy. Maybe I can send him a thank you gift for saving
you."
Nginitian ko si Daddy kaya naman napangiti rin siya. Mas lalong nawala ang kanyang
mga matang singkit
dahil sa ginawa at kung siguro'y nakikita ko lang ang sarili ko ay ganito rin ako
ngayon. They say I look like
him. Maliban sa kanyang singkit na mata, matangos na ilong at pinkish na labi ay
nakuha ko rin ang kutis niya.
Gano'n na rin ang kanyang tangkad maging ang petite na pangangatawan. Bilang isang
half Chinese ay natural
na hindi rin kalakihan ang hinaharap ko pero kuntento naman ako. Hindi ko alam pero
ang laking big deal kasi
no'n sa panahon ngayon.
My mom has big boobs and she always complain about back pain because of it. Kaya
napapailing nalang ako
sa tuwing nakakabasa ako ng mga komento tungkol sa pagiging big deal ng dalawang
bundok sa dibdib.
Ipinilig ko ang aking ulo para sagutin si Daddy.
"I don't know him, Dad. Isa pa, okay lang 'yon. Matagal na rin naman."
"I'm sorry, Hija... I'm sorry kung masyado akong nagiging pabaya ngayon sa'yo. Alam
mo naman siguro ang
dahilan." Napawi ang ngiti niya kanina.
Kahit na singkit ang kanyang mga mata ay naaninag ko doon ang matinding lungkot.
Naiintindihan ko naman si
Daddy at hindi ko rin siya masisisi.
Ang nangyari sa pamilya namin ay parang sumpa dahil sa sunod-sunod na pagkawala
nila Mommy at ayaw
kong maging makitid sa sitwasyon dahil alam kong hindi iyon madaling tanggapin.
Tanging ang trabaho niya
lang ang nakakapagbigay sa kanya ng kaluwagan sa isip pagkatapos ng nangyari at
ayos lang iyon sa akin.
Maayos pa rin naman ako dahil nariyan naman si Zyd na hindi ako iniwan at hindi ako
iiwan kahit na ano pa
man ang mangyari.
"It's okay, Dad. I'm okay." Pinagdiin ko ang aking labi.
Nagkwento nalang ako sa kanya ng mga bagay-bagay. Ikinwento ko na rin kung paano
naibalita sa lahat ang
videong iyon para lang hindi na siya mag-alala sa akin at sa relasyon namin. I
don't want him to think that he
is not a good father to me because of his absence. Kung tutuusin ay malawak ang
pang unawa ko at dapat ko
pang ipagpasalamat na nagta-trabaho pa rin siya ngayon para sa aming dalawa.
Kung noon ay si Kuya na ang namamahala sa lahat at nagpapahinga nalang sila ni
Mommy, ngayon naman ay
balik na siya ng trabaho. I understand. Mabuti na ring may pinagkakaabalahan siya
kaysa ang magmukmok sa
pagkawala nila Kuya.
Nang sumapit ang araw ng schedule namin para sa physical examination ay maaga akong
nag-ayos kahit na
puyat pa rin ako sa araw-araw na pagbabasa ng mga komento ng mga nakapanuod ng
video.
Zyd:

P 9-4
You ready?
Basa ko sa text niya.
Ako:
Oo, saan ka na?
Zyd:
Malapit na. See you!
Ako:
Ingat ka. Baba na ako.
Zyd:
Okay.
Ako:
Nagda-drive ka? O kasama mo si Mang Apeng?
Zyd:
Driving.
Humigpit ang aking kapit sa aking hawak.
Ako:
Zyd, don't freaking text and drive! Sinabihan na kita!
Inis akong napabalik sa pagkakaupo sa kama dahil sa pag-iisip sa kanya. Kahit naman
noon ay ayaw ko na
ang gano'ng set-up kaya kung minsan ay napapagalitan ko talaga ang mga driver namin
kapag nakikita kong
nagpipipindot habang nagda-drive!
Zyd:
Don't reply if you don't want me to text back.
Napanguso ako sa nabasa. Gusto ko pa sana siyang pagalitan pero pinigilan ko nalang
ang sarili ko. Sa
pagdating niya nalang ako babawi.
Hindi naman tumagal ang paghihintay ko dahil mabilis naman siyang nakarating.
Sermon ang bungad ko sa
kanya at hindi ang nakagawiang yakap.
"Oo na, oo na. Tama ka naman palagi." Kumunot ang noo ko dahil may tono niya pang
sinabi iyon.

P 9-5
"Did you just Salbakuta our conversation?"
Humagikhik si Zydney at niyakap nalang ako.
"Mga inutos mo sa akin di ko sinuway mas sinusunod na nga kita kaysa sa aking
nanay." Seryoso niyang
bulong sa akin.
Natatawa akong lumayo sa kanya at mabilis siyang inilingan.
"LSS ka na naman?"
Ngumisi siya at pinagbuksan ako ng pinto bago tumango tango.
"May game kami kagabi na mga malalalim at tagalog tongue twister. Ayun, nauwi ako
sa mga rap."
Sumakay ako sa sasakyan niya at hinintay naman siyang makapasok. Ibinaba niya ang
sun visor para sulyapan
ang sarili. Ngumiti-ngiti pa siya sa kanyang repleksiyon bago simulan ang
pagmamaneho.
Napailing ako ng buksan niya ang stereo kasabay ng paglukob ng rap song sa kabuuan
ng kanyang sasakyan.
Hindi nawala ang ngiti ko habang pinapakinggan siyang sinasabayan ang bawat kanta
habang nasa biyahe
kami. Dahil maaga pa ay hindi kami naipit sa traffic. Madali rin kaming natapos sa
hospital. Habang palabas
doon ay hindi ko napigilan ang mapangiti ng mapait.
Nakaka-miss rin pala ang ganito. Nakasalubong ko pa ang ibang mga kakilala ko at
hinintuan pa ako pero
hindi para kumustahin at tanungin kung bakit hindi ko na talaga ipagpapatuloy ang
mga pangarap ko noon kung
hindi para tanungin tungkol sa video na hanggang ngayon ay pinagkakaguluhan pa rin
ng lahat.
"In fairness, Karsyn! Napaka-gwapo nga ng lalaking 'yon ano!"
Sabay kaming tumawa ng pilit ni Zyd dahil sa sinabi ng isang doctor na nakiusisa na
rin.
"Kayo talaga, Doc!"
"Oo nga, gwapo nga 'yun Karsyn!" Segunda naman ng isang intern.
Dahil naramdaman ni Zydney ang hindi ko pagiging komportable sa sitwasyon ay siya
na ang tumapos ng
usapan.
Ilang araw lang ang hinintay namin bago balikan ang resulta. Mabilis kong
pinasadahan ang lahat ng mga
nakasulat doon.
"All normal." Sabi ko't nginitian niya.
"Same." She replied.
Pagkatapos naming makita ang resulta ng lahat ay dumiretso kami sa mall para kumain
at mamili pero hindi
naman kami inabot ng gabi sa labas. Hinatid niya lang rin ako sa bahay at umalis na
rin dahil maaga pa ang
klase niya kinabukasan.

P 9-6
Kung minsan ay naiisip ko pa rin naman ang pag-aaral pero kusang nabubura iyon sa
utak ko at napapalitan ng
isipin kung paano ako napunta sa desisyong huminto. Sa tuwing naiisip ko rin sila
Mommy ay nauubos ang
pagkainggit ko sa mga patuloy na nag-aaral ngayon.
Tamad kong inilapat ang aking hinlalaki sa screen ng aking cellphone at inangat ang
mga komentong tapos ko
nang basahin. Tinakpan ko rin ang aking bibig ng mapahikab ako.
This is silly. I've been reading comments for the past week. Iyon ang naging
pampalipas oras ko. Kung
minsan nga ay parang gusto ko nalang ulit kunin ang camera ko at buksan iyon para
gawin ang mga request ng
iba.
I scrolled through the comments again. Halos pare-parehas naman ang bukambibig ng
mga tao at hindi ko na
sana bubuksan ang isang comment doon na maraming reply pero kusang umangat ang
daliri ko't pinindot ang
mga nakapaloob na reply sa isang comment.
Naputol ang paghinga ko ng mabasa ang unang comment na nakasulat.
FindingMrRight:
Mr. Right's name is Asher Miguel Vergara Tan! Schoolmate siya ng kapatid ko dati sa
CIU!
Wala sa sariling napaahon ako dahil sa nabasa! Daig ko pang tumakbo ng mabilis
dahil kahit na hindi ako
siguradong iyon nga ang buong pangalan ni Asher pero posible rin naman iyon dahil
alam niya ang first two
names nito!
Marami ang mga comments tungkol sa pagkakakilanlan ni Asher. Doon na nabuhos ang
lahat kuryosidad ko.
Jyrhte:
Totoo ba te? Sa Campbell rin nag-aral si Mr. Right?!
KaLaRaKaRlA:
Lahat talaga ng mga gwapo nasa Campbell! OMG!
FindingMrRight:
Yes. Add me on Facebook, may pinost akong picture niya!
Isinama niya pa sa comment niya ang kanyang personal account. Ilang beses akong
napalunok habang
pinagmamasdan ang Facebook application ko.
Don't do it Karsyn! Don't you dare search for the girl's profile and look for
Asher's picture! Don't you
dare! Paulit-ulit na pagalit ng utak ko.
Ramdam ko ang pakikipagtalo ng kaluluwa ko sa aking katinuan pero sa huli...
Ilang beses akong napakurap-kurap habang tinititigan ang litrato ng kumpirmadong si
Asher Miguel...

P 9-7
Pakiramdam ko ay bumibilis ang pagpintig ng puso ko habang nakikipagtitigan sa
kanyang mga matang
nakatitig rin pabalik sa akin. This is not an old photo. Hindi ko man alam kung
ilang taon na siya pero
sigurado akong halos magkasingtanda lang kami. I'm pretty sure we're both on our
twenties.
Inilipat ko ang litrato sa isa pang litratong naka-post at doon na napaawang ang
aking bibig. Isa itong
litratong wala siyang pang itaas na damit at kitang kita ang kanyang nagmumurang
mga abs habang kumikinang
pa sa pawis dahil katatapos lamang maglaro ng basketball.
"This is really him," I murmured. "Asher Miguel Vergara Tan... It's you." Lutang
kong sambit.

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
In reality pag may magvlog nga ng ganito ay for sure puro bash nasa comments
sasabihing ang insensitive kasi walang respeto sa namatay or
pinost for clout haha Omg asher!!!

P 9-8
CHAPTER 7
9.9K 502 67
by CengCrdva

CHAPTER SEVEN
His Purpose Prevails
"What's your plan na ba, Hija?" Tanong ni Tita Rosel sa akin, ang mama ni Zydney
habang nasa hapag kainan
kami.
Hindi na ako nakaiwas dahil sila na mismo ang bumisita sa akin dahil ang sabi ni
Zyd ay nag-aalala rin ito
dahil sa pananahimik ko at sa pagpiling huwag nang ipagpatuloy ang pangarap na
maging doctor.
Tinapos ko ang laman ng aking bibig bago siya sagutin.
"Magpapahinga lang po muna Tita tapos bahala na."
Nagkatinginan si Tita Rosel at ang asawa nitong si Tito Lucio dahil sa naging sagot
ko. Wala sa sariling
napatingin ako kay Zydney na inilingan ako.
"Mom, nagpapahinga lang si Karsyn. Hindi biro ang trauma pagkatapos ng aksidente.
Hayaan na muna natin
siyang magpahinga hanggang sa kaya na niyang isipin ulit kung ano talaga ang gusto
niyang gawin." Mahabang
pagsalba sa akin ni Zyd.
Nakita ko ang pagtaas baba ng paghinga ni Daddy na mukhang naintindihan at sinang-
ayunan kaagad ang
pinsan ko.
"Just let her figure herself out, Rosel." Si Daddy.
"Menardo, this is your daughter's future. Hindi naman pupwedeng ganyan-"
"Dad!" Maagap na suway ni Zydney sa kanyang ama.
Napapikit ako dahil sa naging takbo ng sana'y masayang pagkakataong ito.
Naiintindihan ko naman kung saan
sila nanggaling. Noon kasing ginusto kong maging doctor ay sila ang unang sumuporta
sa akin dahil
naniniwala silang kahit na taliwas iyon sa dapat kong pasukin gawa ng mga negosyo
namin ay maganda rin
iyon para sa kinabukasan ko kaya ngayong wala na akong plano ay hindi lang si Daddy
ang na-disappoint ko,
maging ang mga magulang rin ni Zyd.
"Karsyn-"
"Dad, enough already please! Tama na. Can we just talk about something else? Huwag
niyo nang pilitin si
Karsyn kung anong plano niya dahil hindi niya pa alam, okay? Huwag tayong magmadali
at makialam."

P 10-1
Pinagdiin ko ang aking labi ng sulyapan niya ako gamit ang mga matang punong puno
ng pagpapaumanhin.
"It's okay, Zyd."
Tinanggal niya ang tingin sa akin at binalingang muli ang mga magulang. I thank God
for giving me Zydney.
Siya ang dahilan kung bakit malakas pa rin ang loob ko at malawak ang pang-unawa ko
sa mga bagay. Alam
kong kung hindi rin dahil sa kanya ay baka tuluyan na rin akong nagpakain sa
depresyon gawa ng sunod-sunod
na pagkaubos ng pamilya ko. Kung wala si Zydney ay hindi ko na alam kung paano pa
haharapin ang mga
bukas na dumaraan sa akin. I thank God everyday...
Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na nasundan ang pang-uusisa nila dahil sa
pinsan ko. Dumiretso naman
kami ni Zyd sa aking kwarto at hindi na sila pinakialaman sa pagpunta sa opisina ni
Daddy.
Ilang beses humingi ng tawad sa akin si Zyd dahil sa pangingialam ng kanyang mga
magulang pero wala
akong masabi kung hindi 'ayos lang at naiintindihan ko'.
Seven million views and unending comments...
Wala sa sariling napatingin ako sa bagay na kinuha namin ni Zydney sa hospital
noong isang linggo.
Muling pumasok sa isip ko sila Mama. Umulit sa utak ko ang mga katagang 'Life is
short' at ang mga
katanungang ano ba talaga ang gusto kong ma-achieve sa maiksing buhay na ito.
Tama si Zyd. Kung hindi ko gagawin ang mga bagay na plano ko nang gawin bago pa ang
aksidente, paano ko
pa malalaman kung ano talaga ang purpose ko sa mundo? Hindi ko na rin madidiskubre
kung ano ang mga
bagay na tunay na magpapasaya sa akin.
Paano ko nga naman malalaman kung mananatili ako rito sa kwarto ko't magmumukmok
nalang at hintayin ang
himala na isang araw magiging okay ako?
Huminga ako ng malalim at binitiwan ang aking telepono bago puntahan ang aking
laptop. Ilang minuto akong
natulala doon at hindi na alam ang gagawin. Lumipad ang aking mga mata sa camerang
nasa gilid nito.
Nang mahawakan ko iyon ay wala sa sariling napapikit ako. Sa ilang linggong
pagbabasa ko ay tila umulit sa
aking utak ang mga komento ng taong nakapanuod sa video na pinost ni Zydney sa
aking youtube account. Ang
mga positibo nilang mensahe at mga encouraging words na tuluyan nang nagpadilat sa
akin kasabay ng
pagbukas ng aking camera.
Kinuha ko ang maliit na tripod sa aking drawer at inayos doon ang bagay saka in-on.
Ilang beses akong
napalunok habang nakatitig sa aking camerang ngayon ay alam kong nagri-record na.
Pinagdiin ko ang aking labi. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan at ang
panlalamig ng aking mga
kamay pero wala na akong inisip kung hindi ang gawin ang dapat noon ko pa
inumpisahan.
"H-Hi... It's KF..." Umayos ako ng upo at inayos rin ang aking buhok bago ngumiti
sa camera.
"Honestly, I don't know what to say to you guys..." I paused.
Iginalaw ko ang akin mga kamay pagkatapos ay muling nagpakawala ng isang malalim na
paghinga. Sa muling
P 10-2
pag-angat ko ng tingin ay nasipat kong muli ang bagay na nasa ibabaw ng aking
bedside table gamit ang lente
at doon na ako tuluyang nagkaroon ng sapat na lakas upang muling magpatuloy.
"I'm sorry if I went MIA after the accident. Tama kayo, na-trauma ako at hindi
magandang experience iyon
lalo na't bago sa akin ang lahat... I'm not really good at this. Ang video na
napanuod niyo ay para lang sa
pinsan ko at hindi ko akalaing malalagay rito but anyway..." Huminto akong muli
para kumuha pa ng tamang
mga salita sa aking utak.
I don't know how to do this properly o kung may guidelines man para sa tamang
pagba-vlog. Unang una ay
hindi ako mahilig mag-video o kahit na kunan ng litrato ang aking sarili ngunit sa
kabila ng mga balakid ay
nakita ko nalang ang sarili kong nagpapatuloy sa pagku-kwento kung paano at kung
gaano kabilis binago ng
aksidente ang buhay ko.
Ilang beses akong nagpaumanhin at nanghingi ng tawad sa mga pamilya ng nasaktan
kahit na malinaw na sa
aking wala akong kasalanan. I still want to say sorry for what happened.
"And about Mr. Right..." Hindi ko mapigilan ang mabaliw nang maisip ang parteng
'yon.
Kung hindi naman talaga sa ginawa ni Zydney ay hindi magiging ganito ka-romantiko
ang magiging kalabasan
ng trahedya pero ano pang magagawa ko? It's all in my face now. Narito na ang lahat
at nasa sa akin na kung
paano iha-handle ang lahat.
"I don't know him at hindi ko na alam kung nasaang lupalop na siya ng mundo sa mga
oras na ito. Hindi ko rin
alam kung mahahanap ko pa siya para man lang pasalamatan ulit kaya dito nalang ako
magpapasalamat," I
swallows the lump on my throat and smiles at the camera. "Thank you Asher Miguel...
Thank you for saving
my life." Buong puso kong sambit.
I ended my message with a thank you. Iyon lang. Para lang akong may in-announce sa
harapan ng madla na
sanay naman akong gawin dahil ilang beses akong naging presidente noon sa school.
I don't know what to expect. Honestly, kahit na ang tingin ng lahat ay vlogger na
nga ako, parang malabo pa
rin iyon sa aking utak.
Hindi ko na hinintay pa si Zydney para i-edit ang ginawa kong video. Napaka-plain
man no'n pero wala na
akong ginawang touch-up. Gusto kong raw ang lahat dahil ang mensahe ko ay totoong
galing mismo sa
kaibuturan ng aking puso. No filter at walang matamis na dagdag na salita.
Sa pag-click ko ng upload button ay naputol ang aking paghinga. Hindi ko man
naiisip ang mga sasabihin ng
tao pero wala na akong pakialam dahil pagkatapos ng lahat ng mga sinabi ko ay
naramdaman ko kaagad ang
pagluwag ng aking dibdib.
Pakiramdam ko ay malaking bigat ang natanggal sa akin. Hindi ko na hinintay na
matapos ang pag-upload
no'n. Tinulungan ko nalang ang lahat dahil parang ito na ang pinaka-makabuluhang
araw ko sa loob ng ilang
linggong pananahimik.
Kinabukasan ay inasahan ko nang marami ang manunuod no'n pero hindi ko inasahang sa
pagdilat ng aking
mga mata ay naroon na si Zydney at nakatunganga sa harapan ng aking laptop.
P 10-3
"Zyd..." Pupungas-pungas akong umupo sa kama at kinusot ang aking mga mata para
maaninag siya ng mas
mabuti.
Sa pagtanggal ko ng aking kamay ay palapit na siya sa akin habang may malawak na
ngiti sa kanyang mga
labi!
"You're making me proud, Karsyn!" Inangat niya sa akin ang kanyang telepono at
ipinakitang sa kada-refresh
niya no'n ay dumaragdag ang mga views ng bago kong video na lumagpas na rin sa
isang milyon.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Alam mo bang sa sobrang sikat mo at sa suporta ng lahat sa'yo ay pwede mo nang
gawin ang lahat ng plano
mong libutin ang buong Pilipinas maging ang buong mundo gamit ang sarili mong pera?
You can now travel
and earn money because of this, Karsyn!"
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Ano?"
Ipinakita niya sa akin ang lahat ng ginawa niyang paraan para ma-monetize ang mga
videos ko nang sa gayon
ay kumita ako ng pera.
"You can spend your own money, Karsyn. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho o
manghingi ng pera kay
Tito Menardo! Ito na ang trabaho mo ngayon! You're officially a vlogger!"
"Hey wait! What?!"
Inulit-ulit niya simula sa umpisa ang mga sinabi habang ako ay nagsimula naman sa
pagbabasa nga mga
comments na halos lahat ay positibo pa rin at hindi kuntento sa mga sinabi kong
pasalamat lang kay Mr.
Right.
Parang gusto kong batukan ang sarili ko para magising sa kabaliwan nang makita ang
thread na nagmistulang
petisyon upang hanapin ko si Mr. Right!
"Have you read this?"
Sinulyapan ni Zyd ang hawak ko pero imbes na sumagot ay ipinatong niya ang kanyang
telepono sa aking
hawak. Nakita ko doon ang isang Facebook page na may pamagat na 'Help KF finds Mr.
Right'.
"What the hell, Zyd!"
"Yeah, just what I thought!
Natataranta akong napatayo at agad na tinungo ang aking laptop para siguraduhin ang
mga ipinakita niya pero
mas lalo akong nagulat dahil hindi lang iisang page iyon. Marami at iba-iba pa!
Lutang akong napaharap ulit kay Zyd.
"Anong gagawin ko?! Zyd, this is a mistake-"

P 10-4
"No!" Tumayo siya at hinila ako pabalik sa kama. Hinawakan niya ang magkabila kong
balikat at pagkatapos
ay sinabayang kalmahin ang sarili. "Karsyn, this is what fate wants you to do-"
"Zyd-"
"Shut up and let me finish!" Ang lahat ng pagtutol ko ay muling nalunod sa aking
lalamunan dahil sa
determinasyon niyang patahimikin ako. "This is your life now. Alam mo ba kung ilang
tao ang gustong maging
sikat gaya mo na halos gawin na ang lahat pero hindi pa rin binibigyan ng chance?!"
"Pero ayaw kong sumikat-"
"You already are! Look, sana maisip mo naman 'yung mga taong pangarap ang kung
anong mayroon ka
ngayon. Don't take things for granted. Ito na ang buhay mo. You are now destined to
share your happiness
with the world. Hayaan mo ang sarili mong dumiskubre ng mga bagay na siyang totoong
magpapasaya sa'yo!
Ngayon hindi mo na kailangang matakot," Inangat niya pabalik sa mukha ko ang
kanyang telepono.
"Hindi lang ako ngayon ang kasama mo, marami na kaming susubaybay at gagabay sa'yo.
People loves you,
Karsyn. Let them help you find your peace and joy. Hindi ka na nag-iisa ngayon."
Pag-uulit niya sa huling
kataga sa mas makahulugang tono.
Nagpatuloy ang pangungumbinsi sa akin ni Zydney at ang pagpapaintindi niya sa akin
simula sa umpisa ng
nangyari.
She said that it's what was written in my book of life. Iyon ang sinasabi ng
tadhanang gawin ko.
"Jerimiah 29:11, For I know the plans I have for you, declares the Lord. Plans to
prosper you and not to harm
you, plans to give you hope and a future." Aniyang nagpatayo sa lahat ng aking
balahibo sa katawan!
"Zyd..."
"Proverbs 19:21, Many are the plans in a person's heart, but it is the Lord's
purpose that prevails."
Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib kasabay ng pagkawala ng isang
malalim kong paghinga.
Mabilis ang naging pagkalampag ng aking puso dahil sa mga sinabi ngayon ni Zydney.
Napakurap-kurap ako
nang maramdaman ang pangingilid ng aking mga luha sa hindi malamang dahilan.
Sa pag ngiti ni Zydney sa akin ay siyang pagtulo ng mga luha ko sa hindi ko
malamang dahilan. Her words hit
me. Ramdam ko, tagos sa akin ang lahat ng iyon at hindi ko maipaliwanag.
Lumapit siya sa akin at madali akong niyakap.
"You're now making people happy Karsyn, so please don't stop... This is your
purpose, you are destined to
make people happy and even believe in love. Kahit iyong mga malabong mangyari.
You're giving them
hope," Lumayo siya sa akin at pinunasan ang aking mga luha. "Please continue making
people happy... Pati
ikaw, alam kong simula palang ito kaya huwag kang huminto. Siguro hindi pa malinaw
sa ngayon pero balang
araw malalaman mo rin ang lahat ng rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.
Kung bakit biglaan ang
naging pagbabago ng buhay mo... This is your second chance in life so please don't
waste it."
Now I'm convinced. Hindi ko rin maintindihan pero isang bagay ang pinaka-malinaw sa
akin ngayon,
P 10-5
nakakapagbigay na ako ng saya sa ibang tao. Isn't that enough? I'm making people
happy...
Pinagdiin ko ang aking mga labi at emosyonal siyang tinanguan.
"P-Pwede mo ba akong turuan kung paano magsimulang magpasaya?"
Lumawak ang ngiti niya at muli akong niyakap ng mas mahigpit kumpara kanina! Sa
paglayo niya ay excited
niyang kinuha ang kanyang planner at ball pen, hinayaan ko siya.
"First, you need to ask yourself kung anong klaseng influencer ang gusto mong ma-
achieve? Anong gusto
mong ibahagi sa mga tao? Anong gusto mong matutunan nila galing sa'yo?"
Nablangko ako ng ilang segundo dahil sa lalim ng tanong niya.
"Because not everyone is a good vlogger. Mayroong kasikatan lang ang gusto o pera.
Maraming content na
wala namang substance, walang aral, walang kwenta in short. So do you want to be
that kind of influencer?
Iyong walang kwenta?"
"Of course not!"
Ngumisi siya at nagsulat ng kung ano.
"Okay, so tell me what is going on your mind when you hear the word influencer?"
Inayos ko ang aking sarili sa kanyang harapan.
"Good things. You're like a role model to this generation and honestly, wala man
akong alam kung paano
magwo-work 'to at kung paano sila matututo sa akin pero susubukan kong bigyan sila
ng kasiyahan sa ngayon.
Kahit iyon nalang muna. I'm still learning, I have so much to learn..."
Sinulat ni Zyd ang lahat ng sinabi ko, or baka iyong mga highlights lang.
"This is a good start. Be a source of happiness and positivity, I like it."
Napangiti na rin ako dahil kahit paano ay marami nang nabubuo sa aking utak.
Nagpatuloy ang mga plano
naming panimula. Marami siyang ideya sa mga content na dapat kong gawin pero unang
una roon ang
paghahanap kay Mr. Right. Hindi man iyon ang unang plano ko pero ipinaliwanag niya
namang iyon ang
gustong makita ng tao sa ngayon at pagkakataon ko na ring magpasalamat sa kanya
kaya hindi na ako tumutol.
Zydney created another twitter account na madali namang nasundan ng mga tao. Lahat
ng social media
account ko ay ginawa na rin niya para sa akin.
"KarsynFSy, same lang lahat ng username kahit sa twitter. We can create polls there
para sa mga content na
gusto nilang makita sa'yo."
Tumango tango lang ako at pinakinggang muli ang mga idea ni Zydney hanggang sa
maalala ko kung bakit ako
umalis sa Med-school, kung ano ang gusto kong matagpuan at asahan sa mga susunod na
bukas sa buhay ko.
"Actually..."

P 10-6
"Hmm?" Itinigil ni Zyd ang pagsusulat pagkatapos ay buong atensiyon akong binigyan
ng pansin.
"Aside from making people happy, I also want them to realize how short life is,"
Tulala kong sambit
pagkatapos ay inangat na ang tingin sa kanya. "I want them to realize how fast the
clock ticks. How fast life
happens in front of us... I want them to change their mind set about doing the
things that should matter the
most. Their joy, their peace and contentment. Gusto kong ipaintindi sa abot ng
aking makakaya kung paano
gawing mas makabuluhan ang maiksing buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos at huwag
itong i-take for
granted."
Nakita ko ang paglunok ni Zyd at ang tuluyan niyang pagtabi sa kanyang hawak para
pakinggan ako.
"Changing your career or even your lifestyle is hard. Sa buhay hindi natin magagawa
lahat lalo na kung
marami tayong responsibilidad. May mga taong ipinagpapalit nalang ang totoong
kasiyahan dahil sa
kakulangan ng pera. Some people stop pursuing their ambitions and dreams not
because they are losers but
because they choose the most practical way in the eyes of our society. May mga
taong ginagawa nalang ang
pagta-trabaho kahit na labag iyon sa kanilang mga kalooban dahil sa maraming
dahilan. Some people are
lucky to have the opportunity to do the things that they really want to do in life
pero kadalasan hindi gano'n.
Mahirap ang buhay pero marami pa ring paraan para makamit iyon. Marami pa ring
paraan upang hindi
sukuan ang mga bagay na alam nating totoong magpapasaya sa atin."
"I know..." Malungkot na sambit ni Zydney.
"I want that, Zyd. Gusto kong maintindihan nila kung gaano kaiksi ang buhay para
gawin ang mga bagay na
napipilitan lang silang gawin at hindi nakapagbibigay sa kanila ng kasiyahan. I
want them to realize that they
deserve to do things that will make them truly happy, or maybe help them find their
joy. Because life is being
a business partner of God. You pray and ask for things that you want in life and
he'll give you fifty percent of
that at ang kalahati ay nasa sa'yo na para isakatuparan ang lahat ng mga kahilingan
mo."
"Hard work and faith." Pagsang-ayon niya.
Ganado niyang kinuha ang kanyang planner para muling magsulat. Napangiti ako dahil
alam kong marami na
kaming nabubuo sa pag-uusap na ito.
Hard work and faith... No, Hard work and faith to God. Muling bulong ng aking utak.

~~~~~~~~~~~~

Booklat account : Ceng Crdva


Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
P 10-7
Twitter : CengCrdva
? True

P 10-8
CHAPTER 8
8.9K 472 52
by CengCrdva

CHAPTER EIGHT
Habang Buhay May Pag-asa
Pagkatapos ng lahat ng plano namin ni Zydney ay nagsimula na ako sa pag-upload ng
aking mga video kung
saan unti-unti kong ipinapakilala ang aking sarili at sinasagot ang mga katanungan
ng ilan sa comment section.
"I've decided..." Sandali akong natigil para huminga ng malalim. "The day after
tomorrow will be the start of
my vlogging career. I know. It's weird because I'm already into this pero hindi pa
kasi siya totally na nagsisink in sa utak ko. I don't know if my next videos will
still entertain you guys but I will try."
Umayos ako ng upo. Inayos ko rin ang aking buhok bago muling nagpatuloy sa
pagsasalita.
"It's official. Dahil sa mga requests ninyo, sa mga susunod na bukas ay sisimulan
ko na ang paghahanap kay
Asher," Itinaas ko ang aking magkabilang kamay upang kumumpas ng quotation marks.
"Or Mr. Right. But you
guys... I don't want to romanticized everything because I personally don't know the
guy and his life so let's
don't expect for anything, okay? Isa pa, Oh God I hate to say this but to be
honest, I'm not really after any
relationship right now. Yes I may have been single since forever but I don't think
that I want to be in that
position because there's so much going on in my life right now. Marami rin akong
gustong gawin at wala sa
listahan ko ang pagkakaroon ng boyfriend at ayaw ko rin kayong paasahin. Gagawin ko
lang ito dahil unang
una, request ninyo at pangalawa ay gusto ko siyang pasalamatan ulit."
Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita na hindi ko na naiisip na weird ang ginagawa ko.
Pakiramdam ko kasi sa
tuwing ginagawa ko ito ay para na akong mayroong kaibigang mahihingahan ko sa lahat
ng problema ko sa
buhay.
Pagkatapos kong mag film ay in-upload ko rin iyon kaagad at gaya ng mga nauna,
marami pa ring tumangkilik
doon. Nakakamangha man na ganito kabilis pero gaya nga ng sabi ni Zydney, dapat ay
ipagpasalamat ko
nalang ito dahil totoong biyaya ito para sa akin.
Pagkatapos kong mag film ay pinuntahan ko naman si Daddy sa kanyang opisina para
sabihin na ang mga
plano ko.
"Karsyn..."
Napalunok ako ng marinig ang bagsak niyang boses nang matapos ako. I know this is
hard for him but what
can I do?
"Daddy, this is what I want to do right now."
Nakita ko ang marahas na pagbuntong hinga niya habang ang kanyang mga mata ay
nakitaan ko na rin ng
P 11-1
pagkabigo.
"What have I done, Karsyn? Alam kong marami akong pagkukulang-" Mabilis akong
tumayo para tumabi sa
kanya kaya natigil siya sa pagsasalita.
"This has nothing to do with you, Dad. Ito lang talaga ang gusto kong gawin sa
ngayon. I know hindi madaling
tanggapin sa ngayon na ito lang ang gusto ko. Na road-trip at liwaliw lang sa
ngayon ang plano ko sa buhay
ko but this is what I really want."
Nakipagtitigan ako sa kanyang mga matang puno pa rin ng lungkot.
"I'm sorry if I failed to be your father, Karsyn."
"Dad, hindi!" Maagap kong sagot. Pinilit kong ngumiti kahit na sa totoo lang ay
bigla akong nalungkot dahil
sa pagtingin niya ngayon sa kanyang sarili. "Daddy, you are an amazing father to me
and I wouldn't trade that
for anything. Huwag mong isipin na kaya ako ganito ngayon dahil nawalan ka ng oras
sa akin at hindi ako
natutukan. Hindi, Dad. It's just that there's so much going on in my life right now
and I won't get answers if I
just stay here. I need to be out there, Dad. I need to explore things on my own and
discover myself more.
Walang kinalaman ang pagiging busy mo sa desisyon ko, okay?"
"Hija..." Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ng marahan ang aking buhok.
"I'm not asking your permission, Dad. Narito ako para magpaalam sa'yo but we'll
still get in touch, okay?
You can call me if you miss me at ako rin. Tatawagan kita palagi kasi palagi naman
kitang nami-miss."
Naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha ng yakapin niya ako at halikan sa
aking buhok.
"Patawarin mo pa rin ako dahil sa mga pagkukulang ko. Marami akong pagkukulang lalo
na sa'yo, Karsyn."
"I'm fine, Dad... You raised me well. Kaming lahat."
Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang yakap kaya imbes na dagdagan pa ang
sasabihin tungkol sa
pamilya namin ay niyakap ko na lamang siya.
"Ayos na?" Nakangiting tanong ni Zydney sa akin tungkol sa aking mga gamit
pagkatapos ng pinal kong
desisyon.
Ngumiti ako at tumango.
"I'm all set."
"Are you sure you don't want me to come with you?"
Umiling ako kaagad. Ngayong araw ang araw na tuluyan ko nang babaguhin ang aking
sarili. Change may be
difficult pero alam kong doon tayo mas matututo.
"Sure?"
"Sure na sure. Kaya ko, Zyd." Tinapik ko ang kanyang balikat pero imbes na mawala
ang pag-aalala sa

P 11-2
kanyang mukha ay mas lalo ko lang iyong naaninag.
Napangiti ako ng bigla niya akong yakapin. Hinaplos ko ang kanyang likod.
"Para naman 'tong sira. Hindi naman ako lalabas ng bansa. Tsaka araw-araw pa rin
naman tayong mag-uusap.
Isipin mo nalang na nasa school ako or something kaya hindi na muna tayo magkikita,
okay?"
Kumawala siya sa akin. Gustohin man niyang samahan ako pero may natitira pa siyang
klase ngayon kaya
hindi pa pwede. Tinalikuran ko siya saglit para isara ang likuran ng aking
sasakyan. I'll be driving today and
probably for the rest of my life. Iyon ang plano sa ngayon.
Hindi na nagtagal ang pagpapaalaman namin ni Zyd. Umalis na rin ako. Si Daddy naman
at tinawagan ko
nalang bago tuluyang magmaneho. Itinaas ko ang volume ng kanta sa loob ng aking
sasakyan pero nang may
maalala ako ay sandali kong itinabi ang aking sasakyan sa gilid bago lumabas sa
village. Kinuha ko ang aking
camera at masaya iyong binuksan.
"Hi it's KF and it's day one of our operation find Mr. Right! Katatapos kong lang
magpaalam sa mga mahal
kong nasa bahay and now I'm on my way to Batangas because someone message me about
Asher's possible
location..." Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
Hindi na ako nagduda sa mga nagsabing naroon siya ngayon dahil alam ko namang nasa
Batangas lang ito
gaya nang sabi niya nang gabing inihatid niya ako. Madali rin akong nakakuha ng
idea sa kanyang
pagkakakilanlan gawa ng internet.
I ended the video after I told them that I'm now driving. Habang nasa daan ay hindi
nawala ang ngiti ko. Sa
bawat pagtapak ko sa gas ay ramdam ko ang paglakas ng tibok ng aking puso dahil ito
ang kauna-unahang
pagkakataon na bumibilis ako sa kalsada ng ganito. Ang lahat ng pag-iisip kong
negatibo ay isinantabi ko
nalang para magawa ng maayos ang pagmamaneho.
I shot some videos on the car. Mga clips lang para maidagdag sa kabuuan ng vlog at
para na rin hindi ako ma
bored sa daan. Sa haba ng biyahe ay naka-ilang stop over ako hindi para mag
bathroom break kung hindi para
ipagpatuloy ang pagva-vlog.
Imbes na mag take-out ay pinili ko ring um-order at kumain ng mag-isa na ni minsan
sa dalawampung taon ko
sa mundo ay hindi ko nagawa. I can't help but to feel proud of myself. Siguro kung
narito si Mommy at sila
Kuya ay matutuwa rin ang mga 'yon sa mga nagagawa ko para sa sarili ko.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ang pagsasalita ng app na malapit na ako
sa aking destinasyon.
Pasimple kong sinulyapan ang aking telepono pero bago ko pa iyon makuha ay namatay
na iyon.
Inis kong tinampal ang manibela dahil ngayong tuluyan na iyong nawalan ng baterya
ay wala na akong guide
papunta sa resort na 'yon! Minabuti kong hintuan ang isang matandang naglalakad sa
gilid ng kalsada habang
buhat ang isang sako ng kopra.
Ibinaba ko ang salamin sa kanyang gawi.
"Hello po tatay! Magtatanong lang po sana..." Panimula kong hindi ko alam kung tama
ba dahil mukha na
siyang hirap na hirap tapos iistorbohin ko pa ngayon!
P 11-3
Hirap niyang ibinaba ang kanyang hawak at nag-inat bago ako bigyan ng atensiyon.
"Pwede po bang magtanong kung saan ang Paraiso De Vergara Tan? Malapit na po ba
ako?" Kumurap kurap
siya sandali habang mukhang inaanalisa ang sinabi ko pero hindi naman iyon
nagtagal.
Agad siyang tumango.
"Aba'y oo! Medyo malapit ka na nga, hija. Pagliko mo diyan sa kurba ey dire-diretso
ka na laang! Makikita
mo roon iyong resort ng mga Tan. May mga paskil doon at hindi ka na maliligaw."
Magiliw niyang sabi.
"Salamat po!"
"Walang anuman!"
Nginitian ko siya pagkatapos ay inangat na ulit ang bintana para magpatuloy na.
Nagsimula na ulit akong magdriver pero ang aking mga mata ay imbes na sa daan na
tumitig ay naiwan iyon sa matandang ngayon ay
nahihirapan nang buhatin ang kanyang sakong dala kanina. Imbes na magpatuloy ay
inilagay ko iyon sa
reverse at ibinabang muli ang salamin para balikan si Tatay.
Nang makita niya ulit ako ay muli niyang ibinaba ang kanyang sakong hirap na
binuhat kanina.
"May katanungan ka pa?" Sa pag-inat ng kanyang katawan ay naramdaman ko na ang
pagka-guilty.
Isa akong malaking istorbo sa buhay niya.
"Sorry ho, ha? Pero itatanong ko nalang rin ho kung saan ba kayo papunta? Sabay na
po kayo sa akin."
Agad siyang umiling.
"Hindi na. Kaya ko na ito-"
"Sige na po! O kaya ituro niyo nalang po sa akin ang resort tapos ihahatid ko kayo.
Malabo na po kasi ang
paningin ko, baka malagpasan ko." Nagmamadali akong bumaba sa kabila ng mga
pagtutol niya.
"Sige na po!" Binuksan ko ang likod ng aking sasakyan pero nanatili siyang nakatayo
at hindi sigurado sa
gagawin.
"Sigurado ka ba? Madudumihan ang sasakyan mo. Aba'y mukhang bagong bago pa are."
"Okay lang po!" Lumapit ako sa sako at akmang hahawakan na iyon pero mabilis niya
akong sinaway at
pagkatapos ay wala nang nagawa kung hindi ang pagbigyan nalang ako.
Nang maayos na niya sa likuran ang sako ay pinasakay ko na rin siya sa aking tabi.
Halata man sa kanya ang
hiya dahil siguro sa kanyang ayos at hitsurang pawis na pawis pa pero hindi ko siya
hinayaang maramdaman
iyon. Simple man ang gagawin ko ngunit ramdam ko ang tuwa sa aking puso kaya alam
kong tama lang ito. Isa
pa, Tatay is definitely too old to do such work like this.
"Araw-araw niyo po bang ginagawa ito?" Tanong ko pagkatapos niyang ibigay ang
kanyang direksiyon at
maibalik ko ang aking sarili sa pagmamaneho.

P 11-4
"Oo."
"Buti ho kaya niyo pa?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa daan.
Payak siyang natawa sa tanong ko na parang palagi na niyang naririnig.
"Wala naman akong pagpipilian. Kailangan pa ring magtrabaho kahit matanda na dahil
kung hindi ay wala
kaming kakainin ng asawa ko." Aniyang parang may agad na humaplos sa aking puso
pero mas lalo akong
naapektuhan sa sunod niyang sinabi.
"Wala rin akong naging anak kaya kaming dalawa nalang ng asawa ko ngayon ang
magkasama sa buhay,"
Napalunok ako ng marinig ang lungkot sa kanyang boses. "Kailangang magtrabaho lalo
na't kailangan ng
pambili ng gamot namin ni Misis."
"P-Po? May sakit po kayo?"
Marahan siyang tumango.
"Mga sakit dahil sa katandaan lang itong sa akin pero iyong sa Misis ko ang malala.
Matagal na siyang nasa
higaan nalang. Hindi na makatayo at makakilos. Wala namang pang pagamot kaya
tumagal nalang nang
gay'on," Sinulyapan niya ang koprang nasa likuran ng aking sasakyan. "Are ang
ikinabubuhay naming dalawa
kaya pag tumigil ako, ano nalang ang mangyayari sa amin? Mamamatay kaming parehas
sa gutom."
Napahugot ako ng malalim na paghinga.
"K-Kaya niyo pa po ba? Wala po ba kayong malapit na kamag-anak o sinong pwede
kayong matulungan?"
Ngumiti siya at pagkatapos ay umiling.
"Ganire ang buhay na ibinigay sa akin hija at wala akong dapat gawin kung hindi ang
tanggapin are. Kayang
kaya ko pa naman. Sabi nga hindi ba? Habang buhay ay may pag-asa? Kailangan ring
kayanin dahil kung
susuko ako, ano pang mangyayari?"
Tumango tango nalang ako. Sa bagal ng pagmamaneho ko ay ang ilang minuto lang
sanang paghatid kay Tatay
ay umabot ng ilan pang minuto. Sa lahat ng mga sinabi niya tungkol sa hirap ay
marami akong naisip. Maliban
sa maiksing buhay, naisip ko rin kung gaano ito ka-unfair kung minsan at totoong
may mga sirkumstansiyang
hindi kailanman malalagpasan.
"Iyan ang resort hija at doon lamang ako sa kanto." Aniya nang malagpasan namin ang
pakay ko.
Hinatid ko si Tatay na walang humpay ang naging pasasalamat sa akin bago ko balikan
ang resort. This is just
my first day pero parang ang dami ko nang natututunan sa pakikipag-usap sa ilang
taong malayo sa buhay na
nakagisnan ko.
Huminga ako ng malalim ng makita ang ngayo'y malaking pangalan ng resort. Muli kong
kinunan ang lugar
para maisali sa video bago magpatuloy.
Lumiko ako papasok doon pero wala pa man ako sa bukana ay agad na akong naalarma ng
makita ang
dalawang security guard na nagkukumahog para lang pigilan ako.
P 11-5
Ibinaba ko ang salamin sa aking gawi ng matapat ako sa isa.
"Saan ho kayo Ma'am?"
"Dito ho, Kuya." Pakiramdam ko ay nagtutumalon ang aking puso lalo na't umibis na
rin ang isa sa gawi ko.
"Ano hong kailangan ninyo rito?"
Dalawang beses akong napalunok dahil hindi ko alam kung paano sasabihin kung ano ba
talaga ang pakay ko.
Should I say that I'm looking for Mr. Right? Baka batutain nila ako! Oh my God,
hindi ko napaghandaan ito!
Nang mahagip kong muli ang sign ay nakaisip ako ng kasinungalingan.
Taas noo akong ngumiti at confident na nagpatuloy sa pagsasalita.
"May booking ako rito ngayong araw. Paraiso De Vergara Tan," Tinuro ko pa ang sign
ng resort pero agad na
napahigpit ang kapit ko sa manibela dahil imbes na papasukin nalang nila ako ay mas
lalo lang nila akong
sinamaan ng tingin!
Tumikhim ako at ipinagpatuloy pa rin ang kasinungalingan kahit na sobrang lakas na
ng kaba ko't nanlalamig
na rin ang mga kamay ko! Oo nga at wala naman akong booking pero bahala na mamaya
sa reception! Hindi
naman siguro peak season ngayon kaya sigurado akong may kwarto pa rin sila. I just
need to find Asher so
that people can move on. Ako rin!
"Late check in po ako. Na-traffic kasi pero wala naman sa booking confirmation na
bawal na ang late checkin 'di po ba?"
Nagkatinginan ang dalawa. I swear, this is the worst conversation I had. Ni minsan
ay hindi ako nagkaroon ng
pagkakataong makipag-usap sa mga security guard, ano pa kaya ang magpaliwanag sa
kanila ng ganito?
"Kuya, sige na. Pagod na kasi ako at kailangan ko nang magpahinga-"
"Private property po ito Miss. Wala pong early o late check in rito."
Ang lahat ng tapang at tatag ko kanina ay mabilis na napawi at napalitan ng
matinding kahihiyan dahil sa
sinabi ng isa! Parang gusto ko nang maglaho agad agad pero ang natitirang tapang sa
akin ay kusa akong
inudyukan para magsalita ulit ng kabaliwan!
"But this is Asher Tan's property, right? Dito ko siya mahahanap?"
Natawa ang isa dahil sa sinabi ko.
"Sabi ko na nga ba, e! Isa ka rin sa kanila! Miss, kung ako sa'yo tigilan mo na ang
paghahanap kay Sir Asher
dahil imposibleng makita mo 'yon rito."
"Oo nga. Hindi niyo 'yon makikita rito."
"Bakit hindi? Hindi na ba siya nakatira dito?" Pilit kong tanong sa kabila ng mga
sinasabi nila't malakas na
kalampag ng puso ko.

P 11-6
I need to find Asher kahit na mukha akong desperada ngayon sa harapan ng dalawang
ito! Para sa mga tao!
Para sa mga umaasang makikita ulit si Asher!
"Dito pa rin naman pero-"
"Pare!" Mabilis na naitikom ng isa ang kanyang bibig.
"Hindi na dito! Sige na Miss at nakaharang kayo sa daan! Baka masibak pa kami rito.
Alam naming tagahanga niya kayo pero ang utos sa amin ay walang papapasukin kahit
isang maghahanap kay Sir Asher."
Nanlaki ang mga mata ko at dahil sa narinig ay parang nabigyan ako ng pag-asa.
Tama! Hindi lang ako ang
naghahanap kay Asher! Sa pagsikat ng video ay alam kong marami na ring naghahanap
sa kanya at hindi
malabong napanuod na rin nitong dalawa iyon!
"Napanuod niyo 'yung video?!"
"Oo. Sige na ma'am. Alis na kayo."
Kinatok niya ang sasakyan ko.
Inayos ko ang aking upo para humarap sa kanila ng mas maayos. Kahit na wala sa
personalidad kong
nagpapa-cute ay ginawa ko pa rin, baka sakaling makilala nila ako.
"Kuya! Hindi niyo ba talaga ako kilala?" Ipinilig-pilig ko ang aking mukha sa
kanilang harapan at patuloy na
ipinaskil ang matamis na ngiti pero parang mas lalo lang yata silang nairita sa
akin.
"Sige na ho!"
Parang gusto kong batukan ang sarili ko ng mapakindat pa ako sa isa! What the hell!
"No offense Miss ganda pero taken na ho kaming dalawa. Pasensiya na talaga kayo
ma'am pero mahal ko ang
asawa ko."
Nalaglag ang panga ko sa narinig pero dahil mukhang naubos ko na ang pasensiya nila
sa akin ay wala na
akong nagawa kung hindi ang iangat ang bintana at umalis gaya ng utos nila pero
hindi ako lumayo sa lugar.
Nag-park ako sa hindi kalayuan, umaasang makita ko si Asher doon! I'm sure na
kilala niya pa rin naman ako!
Ilang buwan pa lang naman ang nakalipas!
Mabuti nalang at marami akong nabiling pagkain dahil kung hindi ay gutom ang inabot
ko. Namatay nalang rin
ang camera sa paghihintay ko sa lalaking 'yon at dumilim nalang rin ang paligid
pero bigo ako. Ni hibla ng
buhok nito ay hindi ko nasilayan. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga at
nagpasya nang umalis
nalang. Gabi na rin at kailangan ko pang maghanap ng resort na malapit lang rin
rito para tuluyan.
Ikinabit ko ulit ang aking seat belt bago maniobrahin ang sasakyan palayo. Nang
matapat ako sa lugar ay
naroon pa rin ang dalawang lalaki na bantay sarado ang lugar. Napabuntong hinga
ako.
"Ang dadamot naman kasi!" Bagsak ang balikat kong itinuon sa daan ang mga mata pero
bago pa ako tuluyang
makalayo ay nahagip na nito ang isang itim na SUV na umibis papasok sa loob pero
dahil sa bilis ng takbo ko

P 11-7
ay madali rin iyong nawala sa aking paningin!
Is that him?! Pinapasok ang sasakyan na 'yon at ibig sabihin lang no'n ay Tan o
Vergara ang sakay!
Gigil kong tinapakan ang gas. Nakakainis! Akala ko kapag nandito na ako magiging
madali lang lahat!
Ngayong bantay sarado pala ang resort na at gano'n na rin siguro si Asher, paano pa
ako makakalapit sa
kanya?!
Walang humpay ang pagkawala ng malalalim kong buntong hinga. Habang lumiliko sa
isang resort na malapit
lang rin sa inalisan ko ay naisip kong muli ang mga sinabi ni Tatay Tensio kanina,
'Habang buhay ay may
pag-asa.' Narito na rin ako at hindi ako titigil sa paghahanap kay Asher!
Hindi bale, may bukas pa. Maraming marami pa!
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Jusme hehehe ????

P 11-8
CHAPTER 9
8.5K 523 136
by CengCrdva

CHAPTER NINE
Santong Paspasan At Santong Dasalan
Maaga akong gumising kinabukasan para maghanda kung paano malulusutan ang mga
lalaking iyon at kung
paano magtatagpong muli ang landas namin ni Asher Miguel.
Suot ang isang puti't simpleng t-shirt, itim na pantalon at puting sneakers ay
tumulak na ako. Ang aking mga
gamit ay iniwan ko nalang sa resort kung saan ako naka check in. Tanging telepono
lang ang dala ko at ang
aking camera.
Hindi na ako kumain ng breakfast dahil baka magkasalisihan kami ni Asher. Isa pa,
mamaya ay may energy na
ang dalawang lalaking 'yon para harangan ang landas ko patungo sa kanya kaya
tumulak na ako pabalik sa
Paraiso De Vergara Tan.
Binagalan ko ang aking sasakyan ng mapalapit na ako. Maaga pa at halos pasikat
palang ang araw pero nakita
ko na ang dalawang gwardiya na naglalakad-lakad at alerto na.
"Hay! Ang aga naman ng mga 'to!" Nang mapalapit na ako ay huminto sila sa ginagawa
pagkatapos makilala
ang aking sasakyan kaya wala na akong nagawa kung hindi ang hintuan sila.
Ililiko na sana ulit ang sasakyan ko pero gaya kahapon ay para silang mga sundalong
mabilis ulit akong
hinarangan!
Inis kong ibinaba ang aking salamin pero imbes na ipakita ang pagkairita sa
nangyayari ay matamis ko silang
nginitian. Sabi nga ni Zyd, kill them with kindness!
"Good morning sainyo! Magandang magandang umaga!" Masigla kong bati pero imbes na
batiin ako pabalik
ay nakita ko ang pagkakamot ng ulo ng isa.
"Ikaw na naman?"
Tumango tango ako.
"Gising na ba si Asher? Diyan ba siya natulog kagabi? Sa kanya ba 'yung sasakyang
itim?"
Napailing naman ang isa habang palapit sa aking sasakyan. Dalawang beses akong
napalunok pero wala na
akong dapat ikahiya ngayon! Life is short at hanggat hindi naman nila ako mapapatay
ay ayos lang! I'll do
everything just to see Asher! God, I really hate to think that I'm becoming this
person who is so desperate for
something! Kahit kailan hindi ako naging ganito! Is this change?

P 12-1
"Miss, pasensiya na talaga. Gustohin ka man naming tulungan pero baka mawalan kami
ng trabaho-"
"Kuya, sige na. Kahit sabihin niyo nalang na may naghahanap sa kanya? Sabihin niyo
ang pangalan ko. I'm
Karsyn-"
"Kahit pa Miss, Karsyn. Malinaw ang bilin sa amin na walang papapasukin o
kakausaping kahit na sino
pwera nalang sa pamilya ng mga Tan."
Sasagot pa sana ako pero nawala ang atensiyon nila sa akin nang may umibis na isang
pulang kotse patungo
sa loob ng resort. Gaya ng pagkukumahog nila sa akin ay mas doble ang ginawa nila
sa bagong dating.
Kung hindi lang talaga ako pinalaki ng tama ni Daddy ay baka pinasok ko na ang
resort na 'yon lalo na't
binuksan na ang malaking gate! Kung hindi lang talaga ay baka pinaharurot ko na ang
sasakyan ko hanggang sa
kinaroroonan ni Asher Miguel!
Pinanuod ko ang dalawang makipag-usap sa bagong dating. Humilig ako sa sa nakabukas
na salamin at
hinintay silang matapos kaya naman nang bumukas ang nasa harapan kong bintana ng
kotseng iyon kasabay
nang agarang pagdungaw ng isang lalaking fresh na fresh at nakasuot pa ng aviator
ay para na akong
pinaglaruan ng kung ano dahil sa pagkataranta!
"Who is she?" The guy asked, napatuwid ako sa pagkakaupo ng tanggalin niya ang
kanyang salamin
pagkatapos sagutin ng guard.
Nahihiya akong napakaway ng balingan niya ako at ngitian! Ang makakapal na kilay na
iyon at ang parehong
ayos ng buhok na gaya nang kay Asher maging ang mga matang kung tumitig ay
tumatagos sa buong pagkatao
ay natiyak kong kalahi ito ni Asher.
"You're his fan too?" Nakangisi niyang tanong.
Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling para makuha ang loob niya't maawang
isama nalang akong
makapasok sa loob para makita si Asher pero sa huli ay hindi naman na iyon mahalaga
dahil ibinalik na niya
ang tingin sa mga gwardiya at may sinabi lang.
Magsasalita na sana ako para magtanong rito pero nalunod na ang aking mga salita sa
aking lalamunan sa
muling pagbaling niya sa akin.
"Good luck with what you're doing, Miss." Muli siyang ngumiti pero imbes na sumagot
ay natulala nalang
ako sa kanya.
Tuluyan na akong nawalan ng pagkakataon dahil sa pag-angat ng salamin ng kanyang
sasakyan at ang pagandar nito papasok sa loob ng resort! Lutang kong sinundan ng
tingin ang kotse ng lalaki. Kung hindi pa ako
nilapitan ng mga gwardiya ay baka nabaliw nalang ako.
Wala na. Hindi ko na alam kung paano pa magiging posible ang chance na magkita kami
ulit.
"Ma'am, natulala ka na yata kay Sir Eros?" Tumatawang sabi ng naunang gwardiya.
"Pinsan 'yon ni Sir
Asher-"
"Maning! Ano ka ba, puro ka tsismis!"

P 12-2
Tamad na nilingon nito ang papalapit sa gawi namin.
"Nagkukwento lang naman, Lito! Ito naman!"
"Totoo ba Kuya Maning?! Pinsan iyon ni Asher?!" Tinaasan ko ang tono ng boses ko
para mas lalo akong
magmukhang excited, baka sakaling dito ko mahuli ang loob niya at pagbigyan ako.
Kahit kaunting tyansa ay papatusin ko na ngayon. Wala namang mawawala kung
susubukan ko.
"Oo!"
"So ibig sabihin nandiyan si Asher sa loob?!"
Ang malaking ngiti niya ay mas lumawak pa.
"Oo," Aniya pagkatapos ay mabilis na sumimangot. "Pero hindi mo pa rin siya
makikita." Aniyang
nagpanguso sa akin.
Bigla kong na-miss si Zyd. Kung siguro'y narito lang siya ay baka kahapon pa namin
nakita si Asher! Susuko
na sana ako pero dahil sa hindi pagkawala ni Zyd sa aking utak ay muli akong
nagsalita.
"James 3:16, for where you have envy and selfish ambition, there you find disorder
and every evil practice."
Tinabihan noong si Kuya Lito ang kausap kong si Kuya Maning. Sabay na kumunot ang
mga noo nila dahil sa
sinabi ko. Kung hindi sila madaan sa santong paspasan, baka makuha ko sila sa
santong dasalan!
"Kuya, kahit sa bible sinasabing huwag maging madamot. Sige na naman please?
Sabihin niyo nalang kay
Asher ang pangalan ko, kilala ako no'n!"
"Miss Karsyn-"
"Romans 15:2," I cut them off. "Each of us should please our neighbors for their
good, to build them up. So
please help me meet him? Kahit ngayon lang? Please?"
Sabay silang napabuntong hinga dahil sa pamimilit ko. Dahil sa bigo nilang mukha ay
wala na rin akong
nagawa. Siguro nga hindi pa ito ang oras na magkita kami. Siguro nga wala sa
tadhanang magkita ulit kami...
Umalis ako sa resort hindi dahil sumusuko na ako kung hindi dahil kumakalam na ang
sikmura ko. Sa isang
simpleng kainan ako kumain. Doon ko na rin sinimulan ang unang vlog ko ngayong
araw.
"Hola, it's KF!" Ibinahagi ko sa kanila ang aking kabiguan sa tangkang paghahanap
kay Asher pero sinabi
kong hindi naman ako susuko kahit na bigong bigo pa rin ako at wala nang pag-asa sa
ngayon.
"This is not the end. I will still find him, sasamahan niyo pa rin ako kaya alam
kong kakayanin ko 'to."
Pagdating ng pagkain ay ipinakita ko rin sa kanila ang in-order ko.
This looks yummy. Hindi gaya sa restaurant na mukhang mga ininit lang. Nilingon ko
ang paligid. Simple lang
ito at ma-presko dahil gawa sa mga kahoy at ang bubong ay gawa naman sa nipa.
Malamig rin ang simoy ng
hangin at maraming kumakain na parang isa na ito sa mga dinadayo sa lugar.

P 12-3
"Thank you!" Nakangiti kong sabi sa babaeng naghatid sa akin ng bottled water.
Nahihiya siyang ngumiti pabalik sa akin na parang maraming gustong sabihin pero
hindi naman ginawa.
Hindi nga ako nagkamali. Kung ano ang bango ng pagkain ay gano'n naman kasarap ang
lasa nito na dahilan
para makaramdam ako ng lungkot. Their food taste like home. Na miss ko si Mommy na
hilig ang pagluluto
kahit na may mga taga-luto naman kami sa bahay. Sinabi niyang gusto niyang siya
mismo ang magpapakain sa
amin.
Nahinto ako sa pagkain nang maramdaman ko ang pangingilid ng luha sa aking mga
mata. Being alone and
away from home is difficult. Lalo na para sa akin na nasanay na isinusubo nalang
ang lahat ng mga
pangangailangan sa buhay.
Nagpatuloy ako sa pagkain habang nag-iisip ng mga dahilan para makumbinsi ko silang
papasukin ako.
"Sige na mag-break ka na muna. Ako na dine." Narinig kong sabi ng isang waiter sa
kasama nito sabay kuha
ng hawak na tray.
Tama! Kung sila ay may break, sigurado akong may pahinga rin ang mga gwardiyang
iyon! Binilisan ko ang
pagkain sa abot ng aking makakaya dahil baka mapalampas ko ang tyansang ito!
Kumunot ang noo ko, pero kung makakapasok nga ako at makakasalubong naman ang ibang
trabahador sa
resort, ano naman ang sasabihin ko kapag nahuli nila akong nag-trespass?
Napabuga ako ng hangin sa ere at mabagal na nginuya ang pagkain. Maaga pa naman.
Siguro ay babalik
nalang ako doon bago ang tanghalian. Mag-iisip nalang ako ng mga paraan ngayon. I
need to think...
Pinagmasdan ko ang mga taong naroon, baka sakaling may maisip ako pero wala. Bukod
sa matatakaw sila at
enjoy na enjoy nila ang pagkain ay wala na akong maisip. Natapos na akong kumain at
nalinis na rin ang
aking lamesa pero hindi ako umalis. Alam kong makakaisip ako. Makakaisip pa...
Pakiramdam ko'y nagliwanag ang lahat ng bumbilya sa aking utak ng makita ang mag-
asawang pumasok sa
kainan! Right! Ito ang tama! Alam kong hindi makakatanggi ang lahat kapag ito ang
ginawa kong dahilan!
Hindi ko napigilang batiin ang mag-asawa sa sobrang tuwa habang palabas na ako
doon. Na-weirduhan man
sila sa akin pero ginantihan rin nila ang ngiti ko.
Bumalik na ako sa resort pero gaya kagabi ay hindi ako doon mismo pumarada. Tumabi
lang ako sa gilid
kung saan natatanaw ko sila. Sinulyapan ko ang aking orasan, pasado alas dose na
pero naroon pa rin sila at
tutok kung magbantay.
Napatuwid ako ng upo ng makita ang parehong pulang sasakyan na lumabas sa resort
pagkalipas ng dalawang
oras na paghihintay. Naalarma ako ng bumagal ang kanyang takbo habang palapit sa
akin. Ibinaba ko ang
aking salamin matapos niyang ibaba ang sa kanya.
Huminto siya ng matapat sa akin. Naiiling ngunit nakangiti niya akong hinarap.
"H-Hi." Nakangiwi kong bati.

P 12-4
"You're still waiting for him, huh?"
Nahihiya man pero tumango nalang rin ako. He chuckled, parang hindi makapaniwala sa
lakas ng loob ko.
"I can't help you with that but he is inside the resort and he's not going anywhere
today, I think."
Lumawak ang aking ngiti.
"Thank you!" Nilakasan ko ang boses ko.
Tumango siya at ngumiti nalang ulit bago iangat ang kanyang bintana at iwan na ako.
Ang maliit na pag-asa sa aking puso ay nadagdagan dahil sa sinabi ng pinsan ni
Asher! Sa pagbalik ng mga
mata ko sa resort ay nakita kong iisa nalang ang gwardiya doon pero imbes na mag-
drive papunta ay
nagmamadali akong lumabas ng aking sasakyan para pumuslit papasok!
Walang humpay ang naging pagwawala ng aking puso sa loob ng aking dibdib habang
palapit ako ng palapit.
Binuksan ko ang aking camera nang makatawid ako at makagilid sa kabila ng kalsada.
"I'm running guys!" Itinutok ko ang camera sa resort na ngayon ay wala nang
gwardiya kahit isa! Nanlalamig
ang aking buong katawan gawa ng kaba pero hindi ko iyon ininda. This is my chance
at hindi ko na alam ang
gagawin kapag nabitiwan ko pa ang pagkakataong ito!
"Susubukan nating pumuslit doon kaya bahala na! So help me God!" Isinukbit ko ang
aking camera sa aking
leeg at hinayaan lang iyong i-record ang lahat ng kabaliwang ito!
Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko at kusa nalang akong magse-self destruct
habang pigil ang
paghingang pumasok sa gate na bahagyang nakabukas!
"We're in. We're officially inside the Tan's property." Bulong ko habang walang
humpay ang pagkalampag ng
aking puso.
Ramdam ko rin ang mabilis na pagdaloy ng aking dugo sa aking katawan. Nilakad takbo
ko ang pababa ng
resort at kahit na pilit akong inaakit ng kumikinang na dagat at magandang tanawin
sa lugar na iyon ay
lumaban ako para hindi ako mahinto!
"Hoy!"
Napapikit ako ng mariin ng marinig ang boses na iyon!
"Miss?! Bawal nga sabi rito eh!"
Kumaripas na ako ng takbo at hindi na inintindi ang sasabihin niya! Ilang libong
dasal ang paulit-ulit na
sinambit ng aking utak na sana ay makasalubong ko nalang bigla si Asher para
matapos na ang lahat ng ito!
Hinawakan ko ang aking camera dahil nasasaktan na ako sa kada bundol nito sa ibaba
ng aking dibdib.
Maging ang aking puso ay nasapo ko na rin!
"Daddy, ikaw na ang bahala kapag nakulong ako!"

P 12-5
"Miss!"
Lumiko ako kaagad ng makita ang reception area. Nakita ko ang pagkalito at
pagkaalarma ng isang babaeng
naka-duty doon pero hindi ako tumigil!
Pakiramdam ko kasi ay siya na ang finish line pero bago pa ako makalapit sa kanya
ay mabilis na akong
nahuli ng lalaking kanina pa ako hinahabol!
"Kuya, please?! Isa lang! Sandali lang!" Hinihingal kong pagmamakaawa sa kanya pero
kung gaano kataas
ang determinasyon ko ay doble naman ang sa kanya.
"Miss! Hindi nga pupwede kasi-"
"Kuya! Nandito na ako kaya sige na!" Sinubukan kong humakbang palayo sa kanya pero
hinigit niya lang ako
palayo sa reception area.
Nilingon ko ulit ang babae pero wala na ito doon! Oh my God! Tumawag na nga kaya
ito ng pulis para
hulihin ako?!
Napabalik ang tingin ko kay Kuya Lito nang muli niya akong hilahin!
Sa paglalakad niya ay gumaganti rin ako kaya para kaming naglalaro ngayon ng
hatakan lubid!
"Wala kang awa, Kuya! You're too cruel!"
"Ikaw ang walang awa, Miss! Baka mawalan na ako ng trabaho ngayon dahil sa ginagawa
mo. Kailangan ako
ng pamilya ko at kapag natanggal ako dito ay wala kaming makakain. Mamamatay sa
gutom ang mga anak ko
at maliliit pa ang mga iyon." Dinig ko sa boses niya ang purong pagmamakaawa kaya
para akong
nahimasmasan kahit paano.
Ang pagtanggi ko ay nabawasan pero nang maisip kong ito nalang ang natitira kong
tyansa ay muli akong
pumiglas sa kanya!
Nakita ko ang ilan pang mga lalaking palapit na sa akin at sa pagkakataong iyon ay
para na akong sinasampal
ng malalakas sa katotohanang malaking gulo na ang ginagawa ko!
Oh my God! Anong kabaliwan ba ang nasa isip ko! I'm going to jail! No! I can't go
to jail at hindi ito dapat
malaman ni Daddy!
"Kuya please! Sandali lang talaga promise na promise!"
"Hindi pwede ang kulit mo!"
"At ang damot mo! Ang dadamot niyo!"
Isa, dalawa, hanggang sa tatlo o marami na ang nagpupumilit sa aking lumabas sa
property. Medyo rumarahas
na rin ang paghawak nila sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang ilabas
ang huling baraha ko.
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay sumigaw ng malakas!

P 12-6
"Buntis ako! Buntis ako kay Asher Miguel Vergara Tan at kapag namatay ang anak
namin ay malalagot kayo!"
Naramdaman ko kaagad ang sabay sabay nilang pagtigil at pagtitig sa akin upang
kilatisin ako kung
nagsisinungaling ba o hindi. Imbes na magpahalata ay madiin kong kinurot ang sarili
ko dahilan para agad na
tumulo ang aking mga luha.
Pakiramdam ko ay ilang malalakas ang loob na kaluluwa ang sumapi sa akin para gawin
ang lahat ng ito.
"Buntis ako! Parang awa niyo na! nasasaktan na ako!" Nanginig pa ang balikat ko
hindi dahil sa totoong pagiyak kung hindi dahil natatawa nalang ako sa aking
sarili.
Doon na nila ako tuluyang binitiwan pero ni isa sa kanila ay walang nagsalita.
Maarte kong pinunasan ang aking mga luha at pagkatapos ay hinaplos ang aking tiyan.
"Buntis ako.... Buntis ako kaya parang awa niyo na! Ipakita niyo na sa akin si
Asher! Karapatan ng anak kong
malaman na may tatay siya habang maaga pa!" Humagulgol na ako.
Again, hindi dahil sa arte ko lang ito kung hindi dahil totoong masakit ang ginawa
kong pagkurot sa aking
sarili.
Magsasalita pa sana ako pero ang lahat ng kabaliwan ko ay mabilis na naputol ng
sabay sabay silang
humanay habang nakatutok sa kung anong nasa aking likuran. Pupungas pungas kong
hinawi ang patuloy na
pagdaloy ng mga luha sa aking mukha.
"Baby... Oh my God, kumapit ka ha? Malapit na. Malapit na nating makita si
Daddy..."
Okay, now this is too much! Pang award winning ang arte ko pero hindi ko pa sana
iyon ititigil kung hindi ko
lang narinig ang pagsasalita ng dalawang lalaking nasa harapan kong agad namutla
dahil sa tinawag nilang
ma'am na siguro'y may mataas na posisyon sa resort.
Ihahanda ko na sana ang muling pang-award winning na iyak habang papihit paharap sa
babae para
makumbinsi rin siyang ilabas si Asher pero ang mga paa ko ay parang bigla na akong
iniwan ng marinig ang
mariing pagsasalita niya galing sa aking likuran.
"Ano ito?! Sinong buntis? Sinong nabuntis ng anak ko?!"
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
P 12-7
Ang dami kung tawa sa chapter na to ?? Hahahahahhahhahahahahaha

P 12-8
CHAPTER 10
8.2K 509 51
by CengCrdva

CHAPTER TEN
Mr. Wrong
Hindi ko alam kung paano, bakit, paano, bakit at kung paano at bakit ako humantong
sa ganitong
sitwasyon!
Ang utak ko ay walang humpay akong pinapagalitan habang naririnig ang mga magulang
ni Asher na
nagdidiskusyon sa kung ano ang nagawa ng kanilang anak sa akin!
This is wrong in so many levels! Ilang beses ko nang tinangka na bawiin sa kanya
ang mga sinabi ko pero
imbes na pakinggan ako ng mommy ni Asher sa pagpapaliwanag kanina ay dinala ako
nito sa loob ng resort
na hindi ko na naisip na mapapasok ko pa! I'm now in their living room!
"William, this is serious! What should we do now?!"
Napapikit ako ng mariin at iniwas ang tingin sa mag-asawang kahit nasa may
balconahe ay rinig ko pa rin ang
mga pinag-uusapan. I can't believe that I just did that! Na naging dahilan ako ng
lahat ng gulong ito!
"Let your son deal with this, Isabella. Wala na tayong magagawa kung nandiyan na
'yan."
"William, he just started handling our businesses and he is still too young to have
a child! Kaya ba gusto
niyang magpahinga muna sa ngayon dahil diyan? Ano bang nagawa ko at ganito ang
isinukli sa akin ng anak
mo?!"
Muli kong nakurot ang aking sarili ng makita ang pagyakap ng lalaki sa Mommy ni
Asher. Pero hindi gaya
kanina na para maiyak ako, ngayon ay sinasaktan ko na ang sarili ko dahil deserve
kong masaktan sa nagawa
ko.
"Where is he? Call him right now, William!" Napayuko ako ng marinig iyon.
Kung kanina ay alam ko pa ang pakay ko at pwedeng sabihin kay Asher kapag nagkita
na kami, ngayon naman
ay parang wala nang gusto pang lumabas sa aking bibig.
Nanatili akong nakayuko pero dahil sa pagsidatingan ng mga kasambahay para bigyan
ako ng pagkain at juice
ay naobliga akong sulyapan sila at pansinin.
"S-Salamat po." Sabi ko sa huli at pagkatapos ay muli nang pinagalitan ang sarili.
Kung kanina ay malinaw ang plano kong pagpasok rito kahit na anong mangyari, ngayon
naman ay
nagsisimula na akong mag plano kung paano makakaalis bago pa mas lumala ang
sitwasyon.

P 13-1
Napatayo ako ng makita ang pagpasok ng mag asawa pabalik sa aking gawi.
"S-Sorry po-"
"It's okay, Hija." The guy interjects. "I'm sorry if our people were hard on you,"
Binalingan ng lalaki ang
asawa na tipid na ang kilos ngayon ngunit naroon pa rin ang lungkot sa kanyang mga
mata sa pag-aakalang
nabuntis nga ako ni Asher.
Wala sa sariling napalunok ako sa naisip. Parang gusto kong haplusin ang aking
buong katawan dahil sa
pananayo ng aking mga balahibo dahil doon! Like seriously?! Hindi ko balak kabugin
si Mama Mary sa
kabaliwan ko! Kung bakit ba kasi nakita ko pa iyong buntis kanina sa kainan! Ayan
tuloy at kung ano ano ang
naisip ko!
"Alma, where is Asher? Tinawag mo na ba?" Maawtoridad nitong tanong sa kasambahay
na dumating upang
ibaba sa lamesa ang pagkaing dala.
Last supper ko na ba ito? Parang gusto ko tuloy sabihing bata pa rin ako at marami
pa akong gustong gawin sa
buhay!
"Opo, Sir William. Papunta na po."
Napaupo ako bigla dahil sa sinabi ng babae kaya lahat sila ay napatingin sa akin.
Madali kong kinuha ang
isang baso ng tubig sa lamesa at tuloy tuloy iyong ininom!
"Good, pakipuntahan ulit at sabihing dalian at may lakad pa ako."
"William," Maagap na hinawakan ng ginang ang braso ng asawa. "Kausapin mo ang anak
mo. Ipagpaliban mo
muna 'yang meeting." Nahihiya niyang inilayo ulit ang ginang sa akin at pagkatapos
ay iginiya ito sa kung saan
sila nag-usap kanina.
Sa muling pagtahimik ng gawi ko ay mas lalo kong narinig ang pagtatakbuhan ng mga
kung ano sa loob ng
aking dibdib! Nagsalin ako ng panibagong tubig sa basong ininuman ko dahil sa pag-
iisip na papunta na
ngayon si Asher dito!
Napapitlag ako ng makarinig ng mga yapak pero ang lahat ng kaba ko ay kusang napawi
ng makita ang
pagsulpot ng panibagong kasambahay. Dali-dali akong tumayo at sinalubong siya para
tulungan sa mga hawak
na pagkain at magpaalam na rin.
"Ako na po." Iniwas niya ang hawak na tray kaya wala akong nagawa.
"Pwede po bang maki-cr? Saan po rito?" Hindi ko na alam kung paano pa lulusutan ito
pero sa ngayon ay
kailangan ko na munang huminga at mag-isip kahit papaano bago pa dumating si Asher.
Inilapag niya ang pagkain sa coffee table at pagkatapos ay binalingan ako't
nginitian.
"Halika." Masaya niyang sabi bago ako pasundin sa kanya.
Sinulyapan ko ang mag-asawa pero mukhang seryoso pa rin ang kanilang pagdidiskusyon
kaya sumunod
nalang ako sa babae.
P 13-2
Kahit na wala sa plano kong maghilamos ay ginawa ko pa rin dahil kailangan kong
mahimasmasan sa lahat ng
kalokohang ito!
"Anong kabaliwan ba kasi ito, Karsyn? Baliw ka talaga!" Napapikit ako.
Kung kasama ko ngayon si Zydney ay hindi ko 'to magagawa. Hindi ako makakagawa ng
ganito kalaking
bagay!
Nang mainip na ako sa pagiging trying hard sa pag-iisip ay lumabas na rin ako.
Hindi man matibay ang loob
ko ngayon at hindi pa man ako handa sa pagkikitang ito pero wala na akong magagawa.
Kailangan kong
linawin ang lahat at magpaumanhin sa kanilang pamilya lalong lalo na kay Asher.
I need to be honest with them. Bahala na.
Rinig ko ang mabigat at mabilis pa ring tibok ng aking puso habang pabalik ako sa
tila pinangyayarihan
ngayon ng krimen.
Naririnig ko ang mga nag-uusap na boses nang mag-asawa pero nang maulinigan ko ang
pamilyar na boses na
iyon ay marahas akong napahinto!
"I don't know, Dad! I don't have any idea who that girl is!" Pangangatwiran niya sa
mga magulang.
Hindi niya ako kilala? Kung sabagay, dahil sa pagkataranta ng kanyang ina kanina ay
hindi na nito naitanong
maski ang pangalan ko.
"Don't you dare lie to us, Asher Miguel! Siguro sa sobrang kalasingan mo kaya hindi
mo na naalala kung
sino! Kaka-party mo 'yan!"
"Mom! I'm innocent, I swear!" Giit niya sa siguradong tono.
"Are you sure with that, Asher?! Sige nga! Tell it straight to my face! Sabihin
mong hindi mo pa nagagawa
'yon! Sabihin mong hindi ka pa engage sa premarital sex."
Tumigil sa pagsagot ni Asher kaya mas lalo akong natigilan.
"Ano?! Tell me!"
"I can't." Maya maya'y pag-amin niya sa ina.
"Well congratulations! You are now a father!"
"Isabella, that's absurd!"
"William, kakakunsinti mo 'yan kaya ngayon magkaka-apo ka na!"
May narinig pa akong boses ng babaeng hindi ko naman narinig kanina. Sa kabila ng
kaduwagang nag-uudyok
sa aking tumakbo nalang palayo rito ay taliwas ang ginawa ko.
Buong tapang akong naglakad pabalik sa gawi nila para matapos na. Wala na akong
pakialam kung ano ang

P 13-3
sunod na mangyayari pero isa lang ang sigurado, tatapusin ko na at manghihingi
nalang ako ng tawad sa mga
nagawa ko at kung ipapakulong man nila ako dahil sa eskandalong ito ay bahala na. I
probably deserve it.
Paninirang puri ito sa kanilang anak at tatanggapin ko ang parusa ng batas maging
ang parusa ni Daddy sa
akin.
Natigil ang lahat ng kumosyon nang tuluyan na akong makabalik. Unang nagtama ang
mga mata namin ng magasawa dahil nakatalikod si Asher at ang katabi nitong babae
kaya naman nang siya na ang pumihit sa gawi ko
ay para na akong nalagutan ng hininga!
Well hello there, Asher Miguel!
I swallowed the bile on my throat when those dark eyes bore into mine! Ang
kalituhan sa kanyang mukha ang
unang bumalandra pero wala akong nakitang galit doon. Parang habang nakatitig siya
sa akin ay inaalala lang
niya kung saan at kung paano ko siya nakilala at kung paano humantong sa ganito ang
lahat.
Marahas ang pagwawala ng aking puso. Maging ang aking tiyan ay parang umiikot na
rin sa kaba kasabay ng
panghihina ng aking mga tuhod at buong pagkatao!
Huminto ako nang sapat na akong makalapit sa pamilya. Huminga ako ng malalim at
nilunok ang lahat ng takot
pero bago pa ako makapagsalita ay nakita ko na ang panlalaki ng mga mata ng babaeng
katabi ni Asher.
"Oh my God! It's you!" Hiyaw nito dahilan para mabaling sa kanya ang mata ng lahat
maliban kay Asher na
nanatiling nakatitig sa akin ng madiin.
Agad akong nag-iwas ng tingin kay Asher dahil parang hinihigop niya ang lahat ng
hangin sa aking baga gawa
ng paraan ng kanyang pagtitig!
Holy mother of hopes, Karsyn! It's really him! Narito na ngayon ang hinahanap mo!
Pinilit kong ngitian ang babaeng ngayon ay masaya nang lumapit sa akin sa hindi
malamang dahilan.
Hindi ko na kailangan pang makipagtalo sa utak ko dahil halatang halata naman sa
mukha niyang kapatid ito
ni Asher. Maliban sa singkit nitong mata ay wala na silang pinagkaiba ng kanyang
kuya. She is gorgeous like
him and her parents!
"It's you! It's Karsyn!" Excited niyang hinarap ang mga magulang. "Mommy, are you
sure na tama ang narinig
mong buntis siya at hindi dahil sa isang buntis kaya sila nagtagpo ni Kuya?"
Napaawang ang aking bibig sa sinabi ng kanyang kapatid. Pinagdiin ko ang mga iyon
ng sulyapan niya ako
sandali pagkatapos ay muling binalingan ang mga magulang.
Nakita ko ang pagsasalubong ng makakapal na kilay ni Asher sa napagtanto. He
doesn't look happy now that
he finally figure out who am I. Parang mas malala pa ang sitwasyong ito kaysa sa
nabuntis niya ako!
Napapitlag ako ng hilahin pa ako ng magandang babae palapit sa tatlo.
"She is the girl that I'm talking about! Kuya saves her from death! Siya iyon at
may buntis na involved sa
unang pagkikita nila!" Sigurado niyang pahayag.

P 13-4
Tulirong bumalik ang mga mata ng mag-asawa sa akin.
"S-So you're not pregnant?" Tanong ng kanilang ama.
Binitiwan naman ng babae ang asawa at humakbang palapit sa akin.
"Oh please tell me that you are not pregnant, hija?!"
Kahit na buhol-buhol ang utak ko ay matino ko pa ring nasagot ang kanilang tanong
dahil para akong
tinulungan ng maraming anghel sa sitwasyong ito!
"H-Hindi po... I'm sorry po."
Nakita ko ang agarang paghinga ng maluwag ng kanilang ina at ang pagbaling kay
Asher na ngayon ay
madilim pa ring nakatitig sa akin.
"I'm sorry..." Nilapitan nila si Asher samantalang ako naman ay naiwan sa kapatid
nitong kinuha nang muli
ang aking atensiyon.
"It's you, right? I'm a fan!" Masaya niyang sabi na hindi ko alam kung paano
sasagutin.
"I-I'm sorry-"
"I'm Navaeh, Ate KF and you don't have to apologize. Alam kong hinahanap mo si
Kuya." Aniyang mahina na
ang mga huling ibinulong.
Nahihiya akong tumango sa kanya pero bago pa siya makapagsalita ulit ay bumalik na
ang aming atensiyon sa
kanyang mga magulang.
"Navaeh, halika na muna. Hayaan na muna nating mag-usap ang dalawa," Anang kanilang
ina pagkatapos ay
lumapit sa akin. "I'm sorry if I overreacted, Hija."
"Hindi po. Sorry po kung nakagulo ako ngayong araw."
Agad siyang umiling.
"Hindi, ang mabuti pa'y dito ka nalang maghapunan-"
"Naku, hindi na po-"
"I insist, please?"
Naitikom ko ang aking bibig at wala sa sariling napalingon kay Asher na ngayon ay
nakahalukipkip na.
Iniwan ko ang tingin sa kanya at ibinalik sa kanyang ina. Lumawak ang ngiti nito ng
pumayag ako sa anyaya
niya at pagkaraa'y iniwan na rin ako sa anak.
Imbes na balingan kaagad si Asher ay binigyan ko ang sarili ko ng kaunting oras
para makahinga pagkatapos
ng nangyari! Muli akong nilingon ni Navaeh at nginitian.

P 13-5
Nakagat ko ang aking labi ng dahan dahan ko nang nilingon si Asher. I'm not really
into saying bad words
pero sa pagkakataong ito ay parang gusto kong magmura ng slight lalo na't ngayon na
ang tamang oras para sa
pagtutuos naming dalawa ng seryosong lalaking titig palang nakakapanghina na ng
loob.
Umiling siya at binuwal ang mga kamay sa kanyang harapan bago imwestra ang couch.
Lutang ko siyang sinunod. Sabay kaming kaming naupo ng magkaharap. Napalunok ako ng
makita ang
pagsandal niya at muling pagtitig sa akin. Wala siyang sinasabi at wala rin akong
masabi kaya namatay ang
ilang minutong lumipas sa pagitan naming dalawa.
Nang gumalaw siya ay doon lang ako natauhan sa ilang minutong pananahimik!
Natataranta akong napatuwid
ng upo.
"I-I'm sorry, Asher..." Panimula ko.
Humugot siya ng isang malalim na paghinga at umiling.
"Why are you here?" Aniya sa malamig na tonong ramdam pati ng aking kaluluwa.
"I... I don't know."
Inilagay niya ang kanyang siko sa arm rest para mailagay ang palad sa kanyang baba
at mga daliri sa bibig.
Tumikhim ako at tinanggal muli ang bara sa aking lalamunan. Nakaka-intimidate man
ang aura niyang seryoso
ngayon na malayo sa una naming pagkikita pero hindi ako nagpatalo. Narito nalang
rin ako, gagawin ko na
ang dapat kong gawin.
"I just want to thank you again for saving my life. Alam kong hindi mo naman na
siguro kailangan 'yon but I
still want to do it anyway-"
"Really? Or you're just doing it now for fame?"
Napakurap-kurap ako ng bumaba ang kanyang seryosong mga mata patungo sa bagay na
nakasabit sa aking
leeg.
"H-Hindi!"
Umiling siya ulit.
"Do you have any idea how you made my life so fucking messy right now?"
Napaawang ang bibig ko't tuluyan nang natulala sa kanya.
"I don't ask for your gratitude, KF or Karsyn," Pinilit kong itikom ang aking bibig
dahil ramdam ko ang talas
ng kanyang mga salitang tila may malaking galit sa akin ngayon na hindi ko lubos
maintindihan.
"Ginulo mo 'yung tahimik kong buhay. Now I can't even go to the mall without people
taking pictures of me
and shit."

P 13-6
Holy mother of hopes!
"At hanggang dito, kahit dito sa probinsiya daig ko pang artista dahil sa ginawa
mo."
"I-I'm sorry."
"Sige nga sabihin mo ngayon, ano ba talagang plano mo? Tell me what do you want
para matigil na lahat ng
kabaliwang ito."
Hindi ako tanga at ayaw kong maging tanga sa harapan niya. Ang sinabi ko sa taong
wala akong hiling sa
pagkikitang ito kung hindi ang pasalamatan siya ay gagawin ko at iyon lang. Kung
ano man ang iniisip niya sa
akin ngayon ay ayaw ko nang pasukin.
"I don't want anything from you. I just want to thank you at kung alam ko lang na
may galit ka pala sa akin
dahil sa nangyari sana hindi na kita hinanap. I'm sorry, Asher. I'm sorry if I
ruined your life." Pinilit kong
ngumiti kahit na ang totoo ay naapektuhan ako dahil sa galit niya.
Naiintindihan ko naman kung ganito. Gaya ko ay alam kong nagbago na rin ang buhay
niya sa pag trending ng
video na iyon pero anong magagawa ko? I have no control over that at kung meron
lang sana ay ginawa ko na.
Sarkastiko siyang tumawa at hindi inintindi ang sinabi ko.
"Come on, tell me what you want? Gusto mo bang tulungan kitang sabihin sa mga
followers mo na nagkita na
tayo at magiging tayo na? That we will live happily ever after?"
I feel offended not by his word but by his tone. Ang boses na puno nang
pangmamaliit na dala ng galit dahil
sa nagawa kong ito. Kung akala niya'y biktima siya ng sitwasyon ay tama siya pero
kung akala niyang siya
lang, pwes doon siya nagkakamali. Ako rin. Biktima rin ako ng sirkumstansiya pero
natutunan kong tanggapin
at gawing positibo ang nangyari.
Imbes na patulan siya ay taas noo akong tumayo sa aking kinauupuan. Inayos ko ang
camera sa aking leeg
bago siya sagutin.
"No. Kung sana finollow mo rin ako, malalaman mong wala 'yan sa plano ko. I'm sorry
for making your life
miserable, Asher. Hindi ko ginusto lahat at kung akala mong may inaasahan ako
sa'yo, nagkakamali ka,"
Hindi ko pinansin ang kasambahay na lumapit sa amin para siguro tawagin na kami sa
pagkain. Imbes kasi
na intindihin siya ay mas tumindig ako ng ayos habang pilit na nilalabanan ang
titig ng lalaking kausap ko.
"But thank you... Thank you pa rin sa pagsalba mo sa buhay ko. Nagkamali ako ng
pagkakakilala sa'yo. Hindi
ka pala mabait at perpekto gaya ng akala ko pero wala naman na iyong silbi. Ayaw ko
na rin namang
makipag-kaibigan sa'yo o kahit ano kaya salamat nalang talaga." Napatuwid siya ng
upo ng maglakad ako
pero hindi ko na siya pinansin.
Nagmamadali kong nilapitan ang kasambahay na nagulat sa narinig sa amin.
"Hi, pwede po bang pakisabi nalang sa mga Tan na hindi na ako makakasama sa pagkain
ngayon? May
emergency po kasi akong kailangang puntahan..." Pinagdiin ko ang aking labi pero
imbes na sagutin niya ako
ay lumihis lang ang tingin niya sa aking likuran kaya hinawakan ko na ang kamay
niya.

P 13-7
"Pakisabi nalang na salamat sa imbitasyon. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil kung
hindi dahil sa kanila ay
wala ring sumalba sa buhay ko. Sa buhay ng babaeng walang alam sa mundo. Salamat
nalang pero kailangan
ko na pong umalis, pasensiya na po." Binitiwan ko ang kamay niya at nagmamadali
nang umalis.
"Miss Karsyn!"
Natataranta niyang tawag pero hindi ko na siya nilingon pa. Maging ang lalaking
tumayo ay hindi ko na rin
sinulyapan. Dire-diretso akong naglakad palayo hanggang sa tuluyan na akong
makalabas ng kanilang bahay.
Mabigat man at malungkot isipin na ganito lang ang kinalabasan ng lahat ng
paghihirap ko pero wala akong
magagawa. Alam kong marami akong madi-disappoint, kahit nga ako disappointed rin.
Tuloy tuloy ako sa paglalakad at huminto lang para muling magpaumanhin sa mga
gwardiyang naistorbo ko
kanina bago muling bumalik sa aking sasakyan. Madilim na sa lugar ngunit hindi ko
iyon ininda.
Bigo akong napabuntong hinga nang tuluyan na akong makasakay sa aking sasakyan.
Tinanggal ko sa aking leeg ang camera at binuksan iyon pero dahil sa bigat ng
nararamdaman ko ay hindi ako
kaagad nakapagsalita.
Mali ako. Maling mali sa ginawa at mali sa isiping mabait siya at perpekto dahil
kabaliktaran ang nakilala
kong Asher ngayon kumpara sa lalaking sumalba sa akin sa kamatayan noon.
Siguro nga kasalanan ko pero dapat naman sigurong sabihin niya iyon ng maayos sa
akin at huwag akong pagisipan ng masama.
Isinuklay ko ang aking mga daliri sa aking buhok bago pagod na ngumiti sa camera.
"Gabi na guys and I'm sorry to say..." I paused.
Naisip ko ang ilang milyong taong umaasa sa pagkikita namin ng kanilang Mr. Right
na hindi naman right.
Sigurado akong magiging brokenhearted sila kapag ikinwento ko ang lahat ng mga
nangyari ngayon kaya
imbes na iyon ang isalaysay ay nagsinungaling nalang ako.
Itinutok ko sa resort ang camera.
"Hindi ako nakapasok... Masyadong mahigpit doon at nahuli nila ako kaya sorry. I'm
sorry," Ibinalik ko sa
aking harapan ang camera at pagkatapos ay buong pusong ngumiti sa gitna ng pagod at
lungkot.
"Pero hindi bale! May bukas pa! Maraming marami pa at hindi tayo susuko."
Pagpapatuloy ko kahit na
pinapagalitan ako ng konsensiya ko dahil sa pagsisinungaling.
Siguro nga hindi naman lahat ng pagsisinungaling ay masama. Kung sa
pagsisinungaling ay marami kang
maiiwasang malungkot, siguro ay tama lang pero hindi ko naman sinasabing
ipagpapatuloy ko ang ganito. Sa
ngayon ay ayaw ko lang silang biglain. That's why we lie, right? Because we don't
want to hurt people.
Siguro makakalimutan rin naman nila si Asher balang araw kapag natabunan na ng iba
ko pang videos ang
nagpasikat sa lahat ng ito.

P 13-8
"Hindi tayo susuko. Hahanapin pa rin natin si Asher... Sana nga mahanap pa natin si
Mr. Right..." Bulong
kong puno ng pag-asa kahit na alam kong malabo na iyon.
I already met him... I've come face to face with Asher and clearly, he is not Mr.
Right... He isn't and he will
never be.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
I knew it ito ang iisipan sa kanya ni asher Awwwttss...well ndi ntn msisisi c
asher,

P 13-9
CHAPTER 11
8.6K 530 82
by CengCrdva

CHAPTER ELEVEN
No More Mr. Right
Buong gabi akong nag-isip ng pwede kong gawin bukas dahil malinaw na tapos na tapos
na ako sa lalaking
'yon at wala na akong balak pang balikan kung ano ang kinahinatnan ng pag-uusap
namin.
Imbes na magpakalunod sa lungkot ay inisip ko nalang na maiksi ang buhay para
magkaroon ng panahon sa
gano'ng emosyon.
Isa pa, wala akong ginawang masaya kaya wala akong dapat na ikalungkot. Kung meron
mang dapat
malungkot at hindi makatulog dahil sa nangyari ay si Asher iyon at hindi ako.
Itiniklop ko ang aking laptop at bumalik na sa kama. Wala pa man akong naiisip na
dapat kong i-vlog bukas
ay bumalik na ako sa kama. Siguro ang dapat kong unahing gawin ay ang magpaumanhin
sa mga taong naabala
ko kanina. At kung saan man ako dalhin ng mga paa ko bukas ay bahala na.
Sikat na ang araw ng magising ako kinabukasan. Ngumiti ako kaagad. Ang sabi kasi ni
Daddy ay kung gusto
mong maging masaya sa buong araw ay dapat kumbinsihin mo ang utak mong masaya ka na
pagdilat palang ng
mga mata mo. It's mind over matter. And I read that you must always make your bed
dahil doon nagsisimula
ang lahat para kung hindi man umayon sa'yo ang araw mo ay may babalikan ka namang
maayos na kama.
Ganado akong nag-ayos pero bago magpasyang iwan ang lugar ay madali akong
nahipnotismo nang makita
ang pagkinang ng dagat na sinasamba ng magandang sikat ng araw. Huminga ako ng
malalim para lasapin ang
sariwang hangin.
Sa kagustuhan kong hanapin ang taong iyon ay nawala na sa utak kong purihin ang
ganda ng tanawing
nakabalandra sa aking harapan. Napangiti ako ng marinig ang mga huni ng ibon na
lumipad malapit sa akin.
Wala sa sariling napangiti ako habang binubuksan ang aking camera.
"Hola! It's KF and good morning everyone! Today, I've decided na mag-explore na
muna sa resort because
look at this gem!" Excited kong itinuon ang camera sa aking harapan. "Right? Sinong
hindi maaakit diyan!
So..." Ibinalik ko ulit ang lente paharap sa akin. "Samahan niyo akong diskubrihin
ang ganda ng ilang parte ng
Batangas! Tara!"
Nagpatuloy ako sa pagkuha sa tanawin. Sa mga ilang napapanuod kong travel vlogs ay
tinuruan ko na rin ang
sarili kong mag-edit para naman kahit paano ay kaaya-aya ang mapapanuod ng mga tao.
I talk a lot in front of the camera. Gusto ko rin talagang panindigang kaharap ko
ang mga nanunuod sa akin
dahil sa tuwing ginagawa ko 'yon ay ramdam kong hindi ako mag-isa. I don't know.
Siguro nga tama si
Zydney, ito nga ay isang biyayang bigay sa akin.
P 14-1
Napangiti ako ng maramdaman ang malamig na tubig na yumakap sa aking mga paa ng
marating ko ang
dalampasigan. Hindi nawala ang tuwa sa aking puso lalo na ng makita ang mga
mangingisda sa hindi
kalayuan.
I wonder if it's hard. Nasubukan ko nang mamingwit noong field trip namin nang
elementary at iyon palang ay
nahirapan na ako, ano pa kaya ito?
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa naramdaman ko na ang pag-init ng sikat ng
araw sa aking balat
kasabay ng pagkalam ng aking sikmura kaya bumalik na ako sa resort para magbihis at
umalis na.
Dumaan ako sa kainan at bumili ng maraming pagkain, hindi dahil gutom ako kung
hindi dahil gusto kong
bigyan sila Kuya Lito.
Habang nagda-drive pabalik doon ay lumalakas ang kalabog ng aking puso pero hindi
gaya kahapon at nang
isang araw na gusto kong pasukin iyon, ngayon naman ay naisip kong kapag naibigay
ko na sa kanila ang lahat
ng ito ay aalis na rin ako.
I need to go somewhere far away from that place. Napagpasyahan ko na rin na umalis
na sa tinutuluyan kong
resort at mag-book nalang sa iba. Iyong medyo malayo sa lugar na ito para malabo
nang magtagpo ulit ang
mga landas naming dalawa.
Ibinaba ko ang salamin ng aking sasakyan pero nalaglag ang panga ko dahil imbes na
harangin ako ng dalawa
ay nagkukumahog na sila ngayong pagbuksan ako ng gate! Bumusina ako at agad na
inihinto ang sasakyan sa
gilid.
"Kuya, hindi! Hindi ako papasok." Malakas kong sabi at kinawayan sila para lumapit
kaya lito silang
nagtitigan.
Nakita ko ang pagkakamot ng ulo ni Kuya Maning.
"Ma'am Karsyn, sorry kahapon ha? Pasensiya na kayo pero ginagawa lang naman talaga
namin ang bilin sa
amin-"
"Kuya, okay lang 'yon! Ako nga ang dapat mag-sorry dahil naistorbo ko kayo." Kinuha
ko ang aking bag at
dinukot ang ilang calling card doon.
Nagpapasalamat akong hindi naman sila nasibak sa trabaho pero kung mawawalan man
sila ay gusto ko
silang bigyan ng kapalit kung sakali.
Nang makuha ko iyon ay inangat ko na rin ang mga pagkaing binili ko't inilabas iyon
sa bintana. Nalilito man
pero kinuha pa rin nila ang mga paper bags.
"I'm sorry kung ito lang. Peace offering ko po ito and here," Inabot ko sa kanila
ang calling card ng sekretarya
ni Daddy. "Kung mawawalan man kayo ng trabaho o patatalsikin kayo rito dahil sa
nangyari kahapon,
tawagan niyo nalang po iyan. Kung ano man ang trabahong gusto niyo sabihin niyo
nalang po."
Muli silang nagkatinginan.
"Pero hindi naman po kami mapapatalsik rito. Ang totoo ay kami talaga ang dapat
mag-sorry sainyo. Kung
P 14-2
alam lang namin na buntis kayo ay hindi naman namin kayo pipigilan-"
Natataranta kong itinaas ang mga kamay ko para putulin kaagad siya sa pagsasalita.
"Hindi po ako buntis at naipaliwanag ko na po sa mga Tan ang totoong pakay ko. I'm
sorry if I lied."
Nakita ko ang pag-intindi sa kanilang mga mukha kaya hindi na rin ako nagtagal.
"Mauuna na po ako. Salamat po ulit."
Aalis na sana ako ngunit naudlot ang pagbalik ko sa manibela dahil sa pagmamadali
nilang makaalis sa aking
gilid kasabay ng pag-asikaso at pagbati sa taong sakay ng kulay turquoise at matte
satin na lamborghini
aventador. Pinigilan kong malaglag ang aking panga hindi dahil sa ganda ng sasakyan
kung hindi dahil sa
pagbaba ng salamin nito sa gawi ng driver's side para balingan ako.
Agad akong nag-iwas ng tingin kahit na hindi ko pa man tuluyang nakikita ang buong
mukha ng siguradong si
Asher.
"You're still here?"
Hindi ko pa rin siya nilingon. Isa nalang siyang hangin sa akin ngayon. Kung
siguro'y baliw pa rin ako kagaya
kahapon ay nag-video na ako't ipinakita siya sa mga taong umaasang siya nga si Mr.
Right kahit na malabong
maging right pa siya.
"Are you deaf now?"
Napahigpit ang kapit ko sa aking manibela gawa ng tono niyang mapanuya. Tinanggal
ko ang tingin sa aking
hawak at ibinaling ito sa labas pero hindi papunta sa epal na lalaki kung hindi
pabalik kila Kuya Maning.
"Kuya, aalis na ako. May masamang hangin sa paligid baka masuka ako. Sige po ha?"
I put the car on reverse pero bago ko pa matapakan ang gas ay nahinto na ako ng
marinig ang nakakalokong
pagtawa ng damuhong iyon dahilan para kusang lumipad ang mga mata ko sa kanyang
gawi.
Napalunok ako ng makita ang kanyang kabuuan at ang nakakalokong ngisi sa kanyang
mukha habang umiilingiling pa.
"Grabe po no?! Ang sama po pala talaga ng simoy ng hangin rito! Kanina namang tayo
lang sariwa pa, ngayon
parang bulok na kagaya ng ugali!" Inismiran ko siya pero imbes na sagutin ako ay
umiling lang siya ulit at
agad na ring inangat ang bintana bago mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan.
"Pogi na sana masama naman ang ugali!" Inis kong singhal habang nakasunod ang mga
mata sa pagkawala
nito.
Natutuliro namang napatitig sa akin ang dalawa pero bago pa sila makapag-komento ay
umalis nalang rin
ako.
It's sad that people tend to look for a perfect appearance rather than a perfect
attitude. Kung sana nagbi-blend
ang ugali sa mukha, siguro hindi na magiging gwapo ang lalaking 'yon! Siguro isa na
siya sa pinaka-pangit na

P 14-3
tao sa mundo!
Dumiretso ako pabalik sa resort na aking tinutuluyan para mag-check out na at
maghanap ng panibagong
lugar. Wala pa man akong naiisip kung paano ida-divert palayo kay Mr. Wrong ang mga
nag-aabang sa akin
ay desidido pa rin akong dumistansiya na rito.
Pagkatapos mag check-out ay naghanap na ako ng resort. Mga ilang bayan rin ang
nilagpasan ko at higit isang
oras rin ang binaybay ko bago marating ang isa pang resort na kahit sa labas palang
ay kita na ang magandang
view kaya hindi na ako nagdalawang-isip.
Binati ako ng nagtatayugang mga puno at kahit na nasa loob ako ng aking sasakyan ay
parang naaamoy ko na
ang sariwang simoy ng hangin at ang maalat na dagat.
Magiliw akong sinalubong ng nagbabantay sa gate at binigyan ng direksiyon patungo
sa reception area. Mas
malaki ang resort na ito kumpara sa tinuluyan ko ng ilang araw. Hindi rin nawala
ang mga palm trees na
prenteng nakahilera malapit sa dalampasigan.
Inangat ko ang suot kong sunglasses at maayos na ipinarada ang sasakyan bago
puntahan ang reception. Dahil
hindi naman peak season ngayon ay hindi ako nahirapang kumuha ng kwarto.
Ang kwartong kinuha ko ay may magandang tanawing nakaharap sa malawak na dagat.
Medyo dulo na rin
iyon kaya medyo malayo sa tao at malaya akong makakapag-vlog ng walang masyadong
nag-iisip kung gaano
ako ka-weird.
Pagkatapos kong iayos ang aking mga gamit at tinawagan ko si Daddy at Zydney para
sabihing ayos lang ako.
"Oh tapos?! Anong nangyari?"
Napapikit ako ng mariin at hindi siguradong ikinwento kay Zydney ang lahat ng
kabaliwan ko.
"You what?!" Bulalas niyang hindi makapaniwala sa nagawa kong pag trespass!
Kahit ako. Sa tuwing naiisip ko 'yon ay parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa
because it's the crazy of
the craziest!
"Anong sabi ng mommy ni Asher?"
"I don't know. Basta noong nakita niya ako nataranta na rin siya lalo na't umiiyak
pa ako nung naabutan niya at
nagsisisigaw na nabuntis ako ng anak niya. Siguro kulang nalang pagkamalan niya
akong baliw! Mabuti
nalang medyo maayos naman ang suot ko kahit paano at mukha namang hindi niya naisip
'yon."
Humalakhak si Zydney sa kabilang linya kaya napanguso na ako. Kahit na hindi ko
siya kaharap ngayon ay
parang nakikita ko na kung anong hitsura niyang tawang tawa talaga.
"Nakakainis! Sana nandiyan ako! Kasi naman e!"
"Sana talaga nandito ka, e 'di sana hindi ko 'yon nagawa! Siguro rin hindi ako
nanliit sa harapan ng lalaking
'yon!"

P 14-4
"Relax! I'm sorry, Karsyn. Kasalanan ko ang lahat." Aniyang ngayon ay seryoso na.
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga at naglakad patungo sa balcony.
"It's okay. It's done at kung hindi naman sa'yo hindi ko naman mai-experience ang
ganitong pag-iisa, so thank
you, Zyd."
"I miss you."
"Miss rin kita. Kapag wala kang pasok puntahan mo ako rito, okay?"
"Wait? What do you mean? Gaano ba katagal ang plano mong manatili diyan?"
Sumandal ako sa barandilya at hinayaan ang mga matang tanawin ang dagat at ang
ilang mga naliligo roon
kahit na tirik ang araw.
"I don't know. Bahala na."
"Wala kang plano?"
"I have and that is to stay here. Give me a week tapos bahala na. I'll send you
some pictures later. Sobrang
ganda rito sa resort. Kahit iyong sa una."
"Stop making me jealous! Basta mag-iingat ka at kahit na mababait ang mga tao diyan
huwag ka pa ring
maging panatag. Be alert always."
"I know. Hindi na ako magpapadala sa mga pakikitungong mabait kasi hindi naman
totoo lahat."
"Hmm, are we now talking about the people there or just Asher?"
"Ewan."
She heave a sigh.
"Hayaan mo na. Kung masama pala ang ugali niya, nagkamali tayo. Kung ganyan pala
talaga siya sa totoong
buhay e 'di tigilan na natin. You can still continue your vlogging career without
him! Marami ka ng fans!
Wait, maraming marami na!"
Napangiti ako ng mapait. Naisip ko na naman kasi ang sinabi ng damuhong iyon
kagabi. Pagbintangan ba
naman akong may masamang motibo sa kanya?
"Of course! I don't need him!" Pagsang-ayon ko sa aking pinsan.
Siya ang unang nagpaalam dahil may klase pa siya kaya naman pumunta nalang ako sa
restaurant at kumain ng
tanghalian.
"Hello! I'm eating alone, as usual," Inilabas ko ang isang pouch ko at pagkatapos
ay uminom ng gamot. "I
forgot to take my vitamins earlier, maaga kasi akong umalis sa resort para maghanap
ng panibago..." Nahinto
ako dahil baka madulas ako't masabi sa camera ang totoong dahilan kung bakit
kailangan kong lumipat ng

P 14-5
lugar.
Tinapos ko na ang vlog at ang pagkain kasabay ng mga paalalang huwag kalimutang
unahin ang health kaysa
sa ano pa man!
Pagkatapos no'n ay nagpahinga muna ako at nag-alarm nalang nang hapon para
maglakad-lakad naman sa
dalampasigan.
Suot ang puting two piece sa ilalim at puti ring halter beach dress ay tumulak
naman ako para gawin ang
plano kong maglakad-lakad.
Mas dumami ang mga tao kaya na-conscious akong magsalita sa harapan ng camera.
Imbes na iyon ang gawin
ay kinunan ko nalang ang magandang tanawin. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang
sa nakita ko nalang na
hindi na sakop ng resort ang lupang tinatapakan ko.
Sa dulo ay natanaw ko ang malalaking rock formations pero natigil ang pagsipat ko
doon at ang kagustuhang
mapuntahan iyon ng makita ang mga simpleng bahay na maraming batang naglalaro
malapit sa dagat at mga
taong abala sa paghahandang mangisda.
Natigil ang mga bata ng makita ako pero ang isa doon ay hindi nahiyang bumati sa
akin.
"Hi, Ateng ganda!"
Napangiti ako nang lapitan pa niya ako sabay turo sa hawak kong camera.
"Ano hong ginagawa ninyo?"
Nahihiya kong naibaba ang hawak ko at inihinto muna ang pag-record. Isinabit ko
pabalik sa aking leeg
camera bago siya balingan. Ang ibang mga bata ay pumunta na rin sa gawi ko.
"Wala naman. Kinukuhaan ko lang ng litrato 'tong lugar niyo, ang ganda kasi."
"Turista ho kayo?"
Marahan akong tumango.
"Ngayon lang ako nakapunta rito."
"Doon ho kayo galing sa malaking resort?"
Nagsikuhan sila nang tumango ako.
"Oo."
"Malaki po ang pool doon 'di ba? Nakikita lang po namin 'yun e!"
Wala sa sariling nilingon ko ang tinutukoy nila. Kahit sa malayo ay nakikita ko rin
ang malaking pool na 'yon.
Buong akala ko puro resort na ito pero hindi pala. Sa magarbong gawi ng resort ay
katabi lang ang mahirap
na area ng lugar. Ang mga tao ay abala sa paghahanda at hindi man lang ako pinansin
ni isang nakakatanda

P 14-6
doon. Tanging ang mga bata ang naka-kwentuhan ko kaya sila nalang rin ang tinanong
ko tungkol sa kung ano
ang mga hanap-buhay sa lugar nila.
Most of them answered fishing pero mayroon din namang niyugan, maisan at kung ano
ano pa. Naalala ko
tuloy si Tatay Tensio. Hindi na bale, matagal tagal pa naman ako sa lugar kaya
kapag may pagkakataon ay
muli ko siyang bibisitahin.
Nang mawala na ang araw ay doon lang ako nagpaalam sa kanila. Tuwang tuwa ang mga
bata sa pagvi-video
ko at maging ako rin ay tuwang tuwa sa kanila dahil bukod sa mababait sila ay
magagaling pa rin silang
gumamit ng 'po' at 'opo'. Sa panahon kasi ngayon ay parang hindi na iyon masyadong
naituturo ng mga
magulang sa kanilang mga anak.
"Pumarine ho kayo rito bukas, Ate KF ha!" Ani Toto na nagpapaalam na kahit na may
kalayuan pa naman ang
bukana ng resort.
Kumunot ang noo ko ng huminto silang lahat na tila may malaking harang sa daanan
kahit na wala namang
kahit na ano doon.
"Hanggang dito nalang kayo?"
"Opo, Ate! Bawal na po kami diyan, e."
Huminto ako.
"Pero bakit?"
"Bawal po. Baka ma-trespassing po kami tsaka pagagalitan po kami."
Parang hinaplos ang puso ko sa narinig pero wala naman akong nagawa.
"Sige, salamat sa paghatid ha? Bukas hintayin niyo ulit ako." Nakangiti akong
kumaway habang umaatras
palayo sa limang batang naghatid sa akin.
Napuno ng tuwa ang puso ko nang magsikawayan sila.
Habang palayo sa kanila ay hindi ko napigilang malungkot. Pakiramdam ko kasi ay
magkaibang mundo ang
ginagalawan namin at kailanman ay malayong magtagpo.
Bukas na ang mga makukulay na ilaw sa resort at mukhang may kasiyahan pa sa
natatanaw kong restaurant ng
lugar.
Tamad kong binuksan ulit ang aking camera para magpaalam na sa pagtatapos ng
masayang araw na ito dahil
sa mga bata.
"Good night and see you all tomorrow!" Masaya kong sambit na hindi na binanggit ang
lalaking hanggang
ngayon ay inaasahan pa rin ng lahat.
Ang araw ko ay hindi pa tapos kahit na tapos na ang pagba-vlog ko. Pagbalik ko kasi
sa aking kwarto
mamaya ay mag-eedit pa ako at magpa-plano naman ng gagawin para maging makatuturan
ang bukas ko.

P 14-7
Ibinalik ko sa aking leeg ang aking camera nang makita ko ang ilang kalalakihang
mga walang pang itaas na
nasa dalampasigan at kahit na wala na ang araw ay nagpapatuloy pa rin sa paglalaro
ng volleyball.
Lalagpasan ko na sana sila pero bago pa ako makalapit ay natigil na ako sa
paglalakad ng maramdaman ang
pagtigil ng lahat dahil sa paghinto ng lalaking hinuli ang bola at agarang huminto
para lang sulyapan ako.
Ang kaninang tuwa sa aking puso ay madaling napawi sa nakita! What is he doing
here?! Because holy
mother of hopes, this is not funny! Not at all!
"What the hell?" Narinig kong sabi niya dahilan para lingunin na ako ng siyam pang
lalaking kasama niya sa
paglalaro. Maging ang dalawang nakaupo lang sa may buhangin.
Mabilis ang naging pagkalampag ng aking puso dahil hindi ko na alam kung paano pa
igagalaw ang aking mga
paa lalo na't sa mga titig nila ay para na nila akong binabalatan ng buhay sabayan
pa ng lalaking nasa gitna't
madiin ang madilim na titig sa akin.
"Hey, it's you again!" Nabaling ang atensiyon ko sa lalaking nagsalita kaya hindi
ko nagawang ibaba ang
tingin sa nagsusumigaw na hubad niyang katawan!
Kumurap-kurap ako dahil sa dilim pero agad ko siyang nakilala. Si Eros, ang pinsan
niya.
Nahihiya akong ngumiti rito kaya kumaway siya.
"Seriously, Eros?" Masungit na sambit ulit ni Asher.
Pinilit kong humakbang para hindi na sana makaistorbo pa sa kanila pero talagang
china-challenge ako ni
Asher Miguel kaya naman sinalubong ko ulit ang titig niya't pinagtaasan siya ng
kilay.
Tumawa ang isa pang lalaki habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
Wait, naliligaw ba sila o ano? Parang hindi sila maliligo sa dagat e. Daig pa kasi
nilang sasabak sa runway
dahil sa mga perpekto't nakabalandra nilang mga katawan!
"Oh, shit... She's the girl on the video." Anang lalaking palipat-lipat ang
pagsipat sa amin ni Asher.
Napayuko ako sa hiya. I don't know what to say to them. Hindi ko na rin alam ang
dapat ko pang gawin
maliban sa tumawag ng mga anghel para muli akong isalba sa sitwasyong ito.
"Right, Seth." Sambit naman ng isa pa. "Siya nga."
"Asher is right!" Komento ng isa pa kaya bumuhol ang isang parte ng aking utak.
Ano naman kayang sinabi ng lalaking 'yun sa mga kaibigan niya?
Napakislot ako nang agad ibinato ni Asher ang bolang kanyang hawak para matigil ang
lahat sa pagsasalita at
pagkatapos ay pinameywangan ako. Nakita ko ang pagtigas ng kanyang mga abs at braso
nang humakbang siya
para makuhang muli ang aking atensiyon.
Natahimik ang mga lalaki sa ginawa niya at tanging naririnig ko nalang ngayon ay
ang mabilis na pagkalabog

P 14-8
ng aking puso.
"Really? Hanggang dito talaga nakasunod ka?!" Inis niyang sabi na parang isang
malakas na sampal sa akin.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Luhhhhh huyyyyy asher assuming lng Pinagtagpo

P 14-9
CHAPTER 12
8.6K 549 77
by CengCrdva

CHAPTER TWELVE
Kalahi Mo
Naputol ang aking paghinga dahil sa narinig. Naramdaman ko ang mas bonggang
pagkalampag ng aking puso
lalo na't ngayon ay lahat na sila'y nakatuon na sa akin. Tumayo na rin ang dalawang
nakaupo sa may buhangin
para makiusyoso sa nangyayari.
Hindi ako kaagad nakapagsalita nang humakbang pa siya palapit sa gawi ko. Kahit na
pakiramdam ko'y
nauupos ang lahat ng lakas ko ay buong tapang ko pa ring tinitigan ang kanyang
madilim na mga mata.
Ang pinsan nitong si Eros at iyong Seth ay sinundan siya na parang inaabangan lang
ang sunod niyang
gagawin.
Napalunok ako ng makita ang pagtaas ng kanyang kilay ng hindi ko siya sinagot. Wala
sa sariling napakapit
ako sa bagay na nakasabit sa aking leeg.
"What? Pipi ka na rin ngayon?" Mapanuya niyang sabi.
Mariin kong kinagat ang gilid ng aking pisngi dahil unang una, hindi ako sanay sa
mga ganitong klaseng
komprontasyon at pangalawa ay hindi ko alam kung paano siya sasagutin.
"Tinanong na kita kagabi kung anong gusto mo para doon palang matapos na at hindi
mo na ako sundan-"
"Hindi kita sinusundan ang kapal mo!" Malakas kong sagot pabalik dahilan para
matigilan siya't gano'n na rin
ako.
Wait, where did that came from?!
Ang tingin ko sa kanya kaninang mukhang asong galit lang ay naging parang leon na
ngayon na handa na akong
sunggaban isang maling salita ko pa.
Napailing ako ng lumagpas ang mga mata ko sa kanyang likuran at makita ang mga
lalaking nagtatakip na
ngayon ng bibig sa hindi ko malamang dahilan.
"Oh, shit!" Hiyaw noong katabi ni Seth.
Inis na nilingon ni Asher ang mga ito kaya madali silang nanahimik pero hindi naman
nawala ang mga ngisi!
Sa pagbalik ng kanyang atensiyon sa akin ay binuwal ko ang aking mga kamay sa
pagkakakapit sa camera at
pagkatapos ay naghalukipkip.

P 15-1
Doon na siya natawa ng sarkastiko, hindi ko alam kung tinatago lang ba ang inis o
pagkapahiya dahil mukhang
ngayon lang may sumagot sa kanya ng ganito.
"Then why are you here?"
"Why not? Sa pagkakatanda ko, nag-book ako ng maayos rito kanina at maayos rin nila
akong tinanggap. Kung
alam ko nga lang na may masamang elemento palang nakasunod sa akin, e 'di sana
hindi na ako tumuloy."
Nagpatuloy sa pagsisikuhan ang mga lalaki sa kanyang likuran na mas lalong
ikinairita ni Asher kaysa sa mga
sinabi ko.
"Lol! I'm not following you!"
Did he just said lol instead of actually laughing out loud?!
Itinaas ko na ang isang kilay ko. "Then why are you here?!"
"Damn..."
"Man down!"
"Tricky."
Sunod-sunod nilang komentong ramdam kong mas lalong ikinagagalit ngayon ni Asher.
"She's good..." Nakangisi at malakas na dagdag ng isang nasa likuran ng kayang
pinsan.
Marahas niya itong nilingon. "Shut up, Trystan!" Aniya saka ako binalingan ulit.
Naramdaman ko ang pananayo ng aking mga balahibo sa katawan ng makita ang
nakakalokong ngisi niya
sabay hakbang ng dalawa pang beses palapit sa akin.
Holy mother of hopes! Huwag kang aatras Karsyn! Don't you dare! Sigaw ng aking utak
kaya kahit na
nakikipagtalo ang mahina kong puso rito ay sinunod ko pa rin kung ano ang alam kong
mas dapat kong gawin.
Hinanda ko ang sarili ko sa kung ano pang sasabihin niya. I didn't move because I'm
pretty sure he can't hurt
me physically pero kung magagawa man niya 'yon ay marami naman sigurong aawat dahil
babae ako. Hindi
rin naman siguro siya bakla 'di ba?
"I'm giving you last chance, Karsyn. Let's get this over with, ngayon na."
Pinigilan ko ang aking sariling
haplusin ang aking magkabilang braso dahil sa pagsisitayuan ng mga balahibo doon
gawa nang pagsambit
niya sa aking pangalan.
Sarkastiko akong ngumisi sa harapan niya.
"Wala akong gusto o kailangan sa'yo Asher Miguel. Nagkamali lang talaga ako kasabay
ng pagkakamali ng
lahat sa pagtinging perpekto ka dahil ang totoo ay isa kang masamang damo-"
His laugh cut me off.

P 15-2
"Really? Sinong masama sa atin? Ikaw itong nag trespass, gumawa ng eskandalo at
sinabing nabuntis kita 'di
ba? Alam kong may gusto ka kaya mo ako sinusundan ngayon."
Sabay nalaglag ang panga ni Eros at nang katabing si Seth gano'n rin ang mga lalaki
sa likuran dahil sa
bulgarang pamamahiya sa akin ng kaibigan nilang totoong masamang damo talaga.
Doon na ako napaatras. Ramdam ko ang walang kapagurang pagkalampag ng aking puso sa
loob ng aking
dibdib. Sa kabila ng mabilis na pag-iinit ng aking magkabilang pisngi ay alam kong
namumutla na rin ako
ngayon dahil sa halo-halong emosyon!
"Let me guess, aside from using me for fame, gusto mo na ring totohanin ngayon na
mabuntis kita 'no?"
Aniyang nakangisi pa!
Narinig ko ang malakas at mahabang pagpintig ng aking tenga kaya ang mga sumunod
kong nagawa ay hindi
ko na kontrolado! Galit ko siyang itinulak pero sa lakas niya ay tanging isang
atras lang ang kanyang nagawa.
"Ang kapal ng mukha mo! Hindi kita ginamit at wala akong kailangan sa'yo! Hindi rin
kita sinusundan dahil
wala na akong pakialam sa'yo at sa mga kalahi mo!"
"Wew, ouch." Si Seth.
"Now that's offensive." Ani Eros na halos sabay lang nilang binanggit. Tumawa naman
ang ilan.
Hindi ko inintindi ang mga lalaki at dahil sa nag-uumalpas na pagkasuklam ko kay
Asher ay muli ko siyang
itinulak at sa gigil ay hindi ko na napigilan ang aking kanang kamay na lumipad
patungo sa kanyang kaliwang
pisngi!
Nalaglag ang kanyang panga dahil sa pagkagulat gawa ng pagsampal ko pero hindi
naman ako ginantihan.
Nanatili ang madilim niyang titig sa akin.
Guilt rushes through me when I felt my palm pulsating but that didn't make me take
back what I said! Imbes na
iyon ang gawin ay nagpatuloy lang ako.
"At wala sa utak kong isuko ang virginity ko sa'yo! Hinding hindi ko kailanman
naisip na magpabuntis! Hindi
kailanman lalo na sa'yo! Manyakis!" Inis kong inangat ang kamao ko sa mukha niya
pero imbes na ituloy iyon
ay nagmamadali ko nalang siyang tinalikuran at patakbo nang lumayo sa kanila.
Hindi man ako makapaniwala sa nagawa ko pero ayaw ko nang bawiin ang lahat! He
deserves it! Deserve
niyang magising sa lahat ng kanyang kahibangan!
Habang palayo ay narinig ko ang palakpakan galing sa pinangyarihan ng krimen kaya
mas binilisan ko nalang
ang paglayo.
Pagbalik ko sa aking kwarto ay napalakas pa ang pagsara ko sa pintuan dahilan para
mapapitlag ako.
Marahas akong napasandal doon at napapikit ng mariin! Nanginginig ang aking mga
kamay kaya naman
isinara ko iyon ng madiin at pagkatapos ay ilang ulit na isinara't binuksan.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ika-proud na naipagtanggol ko ang sarili ko sa
lalaking iyon o dapat ko
lang ikahiya dahil sa isiping isinigaw ko sa lahat ang estado ng aking pagkababae!
P 15-3
Mabigat ang loob kong naglakad patungo sa kama. Hinayaan kong malaglag doon ang
aking katawan at ang
sariling matulala sa ceiling.
"Anong nangyari sa kill them with kindness?" Tuliro kong sambit habang inuulit sa
utak ang mga nagawa.
"It's not my fault. Ginalit niya ako pero tama lang naman ang lahat ng nangyari 'di
ba? Kasi sigurado ako
ngayon na malinaw na sa kanya ang lahat at hindi na niya ako pag-iisipan pa ng
masama. Siguro naman
naalog na ang utak niya kahit paano kaya tatantanan na niya ako at hindi na
aakusahang ginamit siya o gusto
pang gamitin."
Nanatiling gano'n ang aking posisyon hanggang sa mapalitan ng positibong bagay ang
aking utak gawa ng mga
bata at ang oras na kasama ko sila kanina. Kung hindi lang talaga ako naging masaya
kasama ng mga anghel
na iyon ay baka tuluyan nalang akong matulala.
Umahon ako at inisip nalang ang mga dapat ko pang gawin.
Life is short and sadness makes it shorter. Muling paalala ng aking sarili.
Inilipat ko ang mga kuha kong videos sa aking laptop at pagkatapos ay naligo na
muna para mahimasmasan.
Hindi na rin ako lumabas para kumain sa restaurant, nagpahatid nalang ako ng
pagkain at sa kwarto nalang
ibinuhos ang buong gabi. Pagkatapos kong mag-edit at mai-upload ang araw ko kasama
ang mga bata ay
pinilit ko na ring magpahinga.
Kinabukasan ay maaga akong umalis upang mamili ng mga regalo para sa mga bata. Ito
ang plano ko ngayong
araw at hindi ang magpaapekto pa kay Asher.
Nakahinga ako ng maluwag nang wala akong makitang kotseng pagmamay-ari ng lalaking
iyon sa parking ng
resort.
Simula ngayon ay papanindigan ko na talagang burahin siya sa buhay ko dahil wala na
siyang espasyo para
rito. Siguro nga isinalba niya lang ako nang araw na 'yon para mabawasan ang mga
kasalanang nagawa niya
sa buhay niya. Makasalanan lang talaga siya and that's it. End of story.
Sa isang maliit na grocery store ako pumunta at namili ng mga tsokolate at iba pang
pagkain para sa mga bata.
Nag film ako ng kaunti at sinabi sa mga tao ang plano ko ngayong araw. Nakakatuwa
rin dahil kahit na
marami pa ring naghihintay kay Mr. So Wrong ay hindi naman sila nagmamadali.
"Magandang umaga ho..." Magalang kong bati ng makita ang isang matandang nagwawalis
sa malawak at
mapunong bakuran na halatang kakagising lamang dahil nakasuot pa ito ng bulaklaking
daster na tila
kakabangon lang sa kama.
Tumindig siya't hinarap ako bago kumurap-kurap.
"Dito po ba nakatira sila Toto?" Tanong ko dahil hindi ko naman talaga alam ang
bahay ng mga batang iyon.
Ayaw ko ring sa dalampasigan dumaan dahil marami akong dala.
"Toto?"
"Iyong mga bata ho? Sila Maymay, Dandan, Lingling, Tantan at Toto po?"
P 15-4
Naglakad siya palapit sa akin.
"Ah, iyong anak ni Castor na si Toto ba?"
Tumango nalang ako kahit na hindi ako sigurado. Binuksan niya ang kahoy na gate
upang papasukin ako.
"Halika, tuloy ka. Dine ka nalang dumaan, nasa kabilang dulo ang bahay ng mga iyon.
Ipagtanong mo na laang
doon." Bago ako tumuloy ay binalikan ko ang isang box na dala kong mga pasalubong
at nagpasalamat na sa
kanya.
Sa kabila ng kaba ko dahil hindi ko alam kung ano na naman itong pinasukan ko ay
naging positibo pa rin ako.
May mga nadaanan akong taong tumagal ang titig sa akin dahil siguro bagong salta
ako sa lugar na ito pero
ipinagsawalang bahala ko nalang iyon.
Nang makarating na ako sa dulo ay nagtanong na ako sa mga lalaking nagpapakain sa
mga alagang manok.
"Diyan sa kabila ang bahay nila Castor." Anang lalaki. Nagpasalamat ako at
nagpatuloy na sa paghahanap.
Ang kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan na ng tuwa nang sumilay sa aking
harapan ang dagat at ang
dalampasigan. Hindi ako nahirapang maghanap dahil sumakto rin ang paglabas ni Toto
sa kanilang maliit at
simpleng bahay habang dala ang mga balde't mukhang may gagawin.
"Ate Karsyn!" Agad niyang binitiwan ang mga hawak at tumakbo papunta sa akin.
Ginulo ko naman ang
buhok niya matapos siyang batiin.
"Magandang umaga sa'yo. Saan ka pupunta?"
Matamis niya akong nginitian at pagkatapos ay kinuha na ang dala ko.
"Mag-iigib ho ng tubig pang saing at pampaligo na rin. Ano ga ho ito?"
"Pasalubong."
"Toto-"
Sabay kaming napalingon sa lumabas na babaeng nagkukumahog.
"M-Magandang umaga po."
Hinawakan ni Toto ang kamay ko at ipinakilala sa kanyang ina. Pinatuloy naman ako
nito sa kanilang munting
tahanan.
Hindi nawala ang ngiti ko habang sinisipat ang ilang mga picture frames na
nakasabit sa kahoy na dingding
maging ang ilang mga lumang paintings doon at ang bukod tanging kulay kayumangging
palaspas na siguro'y
ilang taon nang naka-display sa itaas ng pintuan.
"Nagbabakasyon ka laang dito?" Ani Aling Anchita, ang nanay ni Toto.
"Opo, mga ilang araw na rin po akong narito."

P 15-5
"Kumusta naman ang Batangas para saiyo?" Nakangiti niyang tanong pagkatapos ay
inalok ako ng pandesal na
kabibili lamang ni Toto.
Gustohin ko mang paunlakan siya sa kape pero hindi talaga ako umiinom no'n kaya
pandesal nalang ang
kinain ko kahit na nakakahiya. Nagkwento ako sa kanya kung ano ang
pinagkakaabalahan ko at gano'n rin siya
sa akin.
Ang kanyang asawang si Mang Castor raw ay mangingisda at siya naman ang suma-side
line sa paglalaba at
kung minsan ay sumasama rin mismo sa laot. Hindi ko napigilang magtanong sa kanya
kung gaano kahirap ang
ginagawa niya pero gaya ni Tatay Tensio, iisa lang rin ang punto ng kanyang sagot.
"Para sa mga bata kaya kinakaya namin ang hirap. Mahirap kung sa mahirap pero kung
hirap lang ang palagi
mong iisipin, aba'y walang mangyayari saiyo. Ganoon talaga ang buhay e, mapamadali
o mahirap man tuloy
pa rin."
Tumango ako para sumang-ayon sa kanyang sinabi. Mabuti nalang at sinabi niyang
pahinga niya ngayon kaya
ayos lang na makipag-kwentuhan ako sa kanya habang si Toto naman ay abala sa
pamamahagi ng mga
pasalubong na dala ko.
Sa pagkalibang ay hindi ko na namalayang umangat na ang araw at malapit na rin ang
tanghalian.
Napasarap rin kasi ang pag-uusap namin ni Aling Anchita na gaya ni Zydney ay
nananatiling positibo sa
kabila ng hagupit ng mundo.
Nai-kwento ko rin sa kanya ang ginagawa kong pagba-vlog at sinabing gusto ko ring
gawin iyong mga
ginagawa nilang trabaho para naman may matutunan ako sa pagbabakasyon ko rito.
Noong una ay tumanggi pa siya habang sinisipat ako pero sa huli ay nakumbinsi ko
rin. Magpapaalam na sana
akong bumalik sa resort pero sakto naman ang pagdating ng ni Mang Castor at ang
ilan pang nangisda sa laot
kaya hindi ako tuluyang nakauwi. Ipinakilala ako ni Aling Anchita sa mga taong
sumalubong sa mga bagong
dating maging sa mga kasama ng kanyang asawa.
Tumatalon sa galak ang aking puso habang pinapanuod ko silang magkagulo dahil sa
dami ng nahuli nilang
mga lamang dagat. Maging ang mga bata ay nakisali na rin. I filmed them while doing
their job. Hanga ako sa
mga taong ito dahil kahit na alam kong mahirap ay patuloy pa ring itinataguyod ang
kanilang mga pamilya at
hindi naisip na gumawa ng masama.
Napahagikhik ako ng kunin ni Toto ang isang isda at masayang inilagay sa
palangganang hawak niya.
"Ate, sa bahay ka na mananghalian ha? Masarap magluto si Nanay ng isda! Ito, oh!"
Inangat niya ulit ang isda
pero hindi ko siya nasagot dahil sumegunda na rin si Aling Anchita.
"Oo nga, Karsyn. Hayaan mong ipagluto kita kapalit man lang ng regalo mo sa mga
bata."
Gusto ko sanang tumanggi pero ayaw ko namang isipin nilang maarte ako kaya kahit na
sobrang nakakahiya
ay pumayag nalang rin ako. My day couldn't get any better at alam kong kahit na
makita ko ulit ang masamang
hangin na iyon sa resort ay magiging masaya pa rin ako.
Pagkatapos kumain ay nakipag-kwentuhan pa ako sa kanila. Hindi rin ako nahirapang
kumbinsihin silang
P 15-6
ibahagi ang simpleng buhay nilang maraming dalang positibo.
Hindi natanggal ang mga ngiti sa aking labi habang nagmamaneho ako pabalik sa
resort. Dahil mainit pa ang
araw ay napagpasyahan kong magpahinga muna para naman may lakas ako bago maligo
mamayang hapon sa
dagat.
Habang pabalik sa kwarto ay nakasalubong ko ang isang babaeng staff ng hotel na
agad akong nginitian pero
imbes na lagpasan siya ay huminto ako sa kanyang harapan. Alam kong sa reception
siya nagta-trabaho dahil
siya ang nag-book sa akin.
"Excuse me, pwede bang magtanong?"
Muli siyang ngumiti at tumango.
"Ano po 'yon?"
Wala sa sariling nilingon ko ang paligid saka nagdalawang-isip sa sasabihin. Tama
bang magtanong ako sa
kanya tungkol sa lalaking iyon?
"Pwede ko bang malaman kung may nakita kang mga lalaki ngayong araw? Magkakasamang
mga lalaki sila."
Kumunot ang kanyang noo at agad na nalunod sa pag-iisip.
"Po?"
Huminga ako ng malalim bago nagtanong ulit ng mas klaro kaysa sa una.
"Have you seen a car? Iyong lamborghini na kulay turquoise kahapon?"
Nawala ang mga linya sa kanyang mukha.
"Ah, opo."
"Good. Iyong may ari ng sasakyang 'yon kasi may mga kasama siyang lalaki. I just
want to ask by any chance
kung naka-check in pa rin sila ngayon rito sa resort?"
Nakita ko ang paglunok niya sa hindi siguradong gagawin kaya naman hinawakan ko na
ang kanyang kamay.
"I know it's confidential pero gusto ko lang malaman kung dito pa rin ba tumutuloy
'yung lalaking may ari-"
Ang pagsasalita ko ay mabilis na naputol dahil sa malakas na tunog ng mga
humaharurot na kotseng parating!
Tuliro akong napalingon sa pinanggagalingan ng mga iyon at doon na nalaglag ang
aking panga ng isa isang
magsipasukan ang iba't-ibang uri ng mga luxury cars!
Halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa dami ng mga iyon na hindi na naubos sa
pagpasok sa loob ng
resort! Kung gaano kadami ang mga lalaking nakita ko kasama ni Asher kagabi ay
gano'n rin ang bilang ng
kotse kasama na ang pamilyar na pulang alam kong kay Eros.

P 15-7
Nabitin ang aking paghinga ng pumasok ang hinahanap kong sasakyan na dahilan ng
paniningkit ng mga mata
ko. Kusa ring rumolyo ang mga ito ng huminto iyon sa gitna ng mga nauna pero imbes
na patayin na ang
makita ay malakas niya pang pinatunog ang tambutso nito kasabay ng pag-usok ng
puwitan ng saksakyan.
"Tss! Ang yabang!" Inis kong singhal na ikinatawa ng katabi ko.
"'Yan na po ang tanong niyo Ma'am," Hinarap ko siya ng marinig ang pambibitin sa
kanyang boses. "At opo
dito pa rin, hindi naman kasi kailangang mag check-in at check out ni Sir Asher
dahil pagmamay-ari po nila
ang lugar na ito." Pagpapatuloy niyang nagpagulantang sa pagkatao ko.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Haha wow naiimagine q this is me irl

P 15-8
CHAPTER 13
9.8K 630 142
by CengCrdva

CHAPTER THIRTEEN
Make Him Suffer
What?!
Gusto ko pa sanang tanungin ang babae kung totoo ang mga sinabi niya pero
nagmamadali na niya akong
iniwan upang batiin ang mga bagong dating.
Pumihit ako patalikod sa kanilang direksiyon para hindi na mas lalo pang manakit
ang mga mata ko saka
humakbang palayo.
Narinig ko ang kanilang mga pagyayabangan sa kung anong ginawa at bago pa ako
makaalis ng tuluyan ay
narinig ko na ang pagtawag ng isang pamilyar na boses sa akin.
"Karsyn!" Masayang sigaw nito na agad tumapos sa pag-iingay ng lahat.
Muling nasundan ang pagtawag kasabay ng mga yapak patungo sa kinaroroonan ko kaya
wala na akong
nagawa kung hindi ang pumihit paharap sa kanila.
Nakita ko ang paghabol ni Eros sa kanyang paghinga pagkatapos huminto isang dipa
ang layo sa akin.
"H-Hey." Nahihiya kong bati.
"You're still here." Aniyang hindi ko alam kung paano sagutin mabuti nalang at
sinegundahan pa niya ang
sinabi. "I mean, I'm glad that you are still here!"
Pinagdiin ko ang aking mga labi at saka siya tinanguan.
"I believe I haven't introduce myself yet. I'm Eros, Asher's cousin." Sa gilid ng
aking mga mata ay nakita ko
ang paglapit ng isa pang lalaki sa gawi namin ni Eros.
Kinuha ko ang kamay ng huli.
"Karsyn." Tipid kong sagot.
"And I'm Jacob." Anang lalaki namang tumabi kay Eros. "I'm Asher's cousin too."
Pagpapakilala niya.
Nahihiya ko ring tinanggap ang kanyang kamay matapos magpakilala. Ilang ulit ang
naging paglunok ko ng
makitang nagsisunuran na rin ang kalalakihan maliban sa isang nanatiling nakatayo
at nakadistansiya sa akin.
Nakita ko ang pagtawag niya sa mga lalaki pero hindi siya pinakinggan ng mga ito.

P 16-1
"Traydor. Mga traydor." May hinanakit niyang sumbat sa mga barakong humarang sa mga
mata ko para na
hindi siya makita.
Nagpakilala ang mga kaibigan ni Asher sa akin. Habang isa-isa ko silang kinakamayan
ay pilit ko namang
itinatatak sa utak ko ang kanilang mga pangalan.
Si Trystan, Ivan, Lance, Thiago, Sergio, Amos at ang ilan pang hindi ko na nasundan
dahil sa dami nila at sa
overwhelming na pakiramdam. Ang kanilang bilang ay nanatiling labing dalawa pa rin
gaya kagabi, kung
isasama ang isang masamang hangin sa hindi kalayuan.
"So, how long do you plan to stay here?" Si Eros.
"Ahm..." Sinulyapan ko silang lahat. "H-Hindi ko pa alam."
Hindi ko maiwasang mailang dahil sa mga babaeng dumaan na naiwan ang mga
malisyosang titig sa akin pero
hindi ko naman sila masisisi because look at them!
I bet they're all into sports or something. Halos iisa lang kasi ang built ng mga
katawan nila. Tingin ko'y pareparehas lang rin kaming nasa twenties...
Napakurap-kurap ako habang inilalakad ang mga mata sa kanilang lahat. Hindi ko na
naiwasan ang
pagkamangha. Hindi naman talaga ako madaling magwapuhan dahil hindi rin ako
kuntento sa panlabas na
anyo lang pero ang mga lalaking ito kasi ay para talagang mga hinulmang maigi ni
Lord! Para silang mga
nakawala sa isang hawlang galing langit at bumaba rito para magpalaganap ng
magandang lahi.
Umatras ako palayo ng sumagi sa isip kong baka sa pang labas lang rin sila
magaganda gaya ng lalaking akala
ko'y perpekto na.
"Nice to meet you all but I need to go now." Isinenyas ko ang aking likuran pero
iyong si Jacob ay binalingan
ang naiwang lalaki imbes na magpaalam na sa akin.
"Asher! Come on! Mag-sorry ka na!"
"No fucking way!" Sigaw niya pabalik na ikinatawa ng mga lalaki.
Napakamot ng ulo si Trystan habang si Eros ay nginitian lang ako. Ang ibang mga
lalaki naman ay may pinaguusapan na pero marami pa rin sa kanilang nakatuon sa
akin.
"I'm sorry for what he said yesterday. Masyado lang talagang assuming si Asher
minsan kaya
pagpasensiyahan mo na."
"Bakit ikaw ang nagso-sorry? It's not your fault." Matuwid kong sagot.
"Point taken," Sabi niya sabay baling na rin kay Asher. Humawi ang mga lalaki para
makita ko ito. "Dude,
sige na! Huwag ka kasing assuming! Mag-sorry ka na!"
Imbes na sagutin si Eros ay naghalukipkip lang siya at mas inayos ang pagkakasandal
sa kanyang magarang
sasakyan. Nang magtama ang mga mata namin ay inirapan ko siya kaagad kaya bahagya
siyang napatuwid ng
tayo.
P 16-2
"Wala siyang balls." Komento kong nagpatawa kay Amos at Ivan. "But it's okay. I
don't need his apology.
Just like what I've said, hindi ko siya kailangan. Thank you nalang sa inyo and
nice to meet you all. I gotta
go." Muling akong ngumiti sa huling pagkakataon at hindi na sila hinintay pang
magsalita.
Dumiretso na ako sa aking kwarto. Nang makapasok doon ay agad kong nasapo ang aking
dibdib.
Good job Karsyn! You did well burning that guy's ass! Mukhang mabuti pa 'yung mga
pinsan niya malawak
ang pag-iisip! Hindi gaya niyang walang tapang at hindi maako ang kasalanang
nagawa!
Life goes on. Gaya ng pagpapatuloy ng mga hirap sa buhay ay kakayanin ko rin ang
simpleng problemang ito
dahil alam kong malinis ang konsensiya ko.
Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa pagbisita kila Aling Anchita at
pagtulong sa kanila sa iilang
magagaang gawain.
Nakakatuwa dahil kahit na hindi nila ako lubos na kilala ay hindi iba ang turing
nila sa akin. Sa totoo nga ay
parang naramdaman ko ulit na mayroon akong ina at masayang pamilya dahil sa kanila,
not that I'm not happy
with my dad but because it's still different when I'm surrounded by people. Masaya
kapag marami pero
masaya rin naman kami ni Daddy, iyon nga lang minsan ay hindi ko maiwasang ma-miss
sila Kuya.
Nitong mga nakaraan ay nakagawian ko naring huwag magbigay ng maraming pakialam sa
mga bagay na
walang katuturan. Kaya ng makita ko sila Asher sa restaurant isang umaga ay
ipinagkibit balikat ko ang lahat
at nagpatuloy sa pag-eedit ng mga videos na kuha kahapon.
Ayaw ko na rin sana talagang mamansin pero naiisip ko rin na tanging si Asher lang
naman ang may atraso sa
akin at ayaw ko namang maging unfair at suplada sa iba kaya nang binati nila ako ay
binati ko rin sila
pabalik. Nakahinga lang ako ng maluwag dahil hindi sila naupo malapit sa akin.
Kinuha ko ang teleponong nasa aking gilid para tignan ang mga comments sa huli kong
video na nai-post.
Mamaya, pagkatapos kong mag-breakfast ay babalik ulit ako kila Aling Anchita dahil
ngayon ay susubukan ko
namang sumama sa balon. Doon kasi sila naglalaba dahil wala pang sariling linya ng
tubig ang kanilang
lugar.
"Hey!" Napapitlag ako ng makita ang agarang pag-upo ni Thiago sa upuang nasa aking
harapan.
Nahihiya ko siyang nginitian.
"H-Hi..."
"Are you staying here today o may lakad ka?"
Ibinalik ko sa lamesa ang aking telepono bago siya bigyan ng atensiyon.
"Bakit?"
"We're having a car race later and the guys wanted me to ask you if you want to
come with us."
Litong lumihis ang mga mata ko sa gawi ng mga lalaking abala sa pag-uusap. Maging
si Asher na wala
namang kausap ay tahimik lang na nakatitig sa lamesa't pinapakinggan ang katabing
si Amos.
P 16-3
Tumikhim si Thiago kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.
"Sorry pero may gagawin ako ngayong araw. Tsaka, iniiwasan kong maka-feel ng bad
vibes ngayon."
Makahulugan kong sabi dahilan para matawa siya.
"You mean Asher?" Sadya niyang nilakasan ang pagsambit sa huling salita kaya parang
tumalon ang puso ko!
Sa muling pagbaling ko sa mga lalaki ay nakatingin na sa akin si Asher at ang ilan.
Kumaway si Eros sa akin
kaya nginitian ko ito't kinawayan rin.
"Oo. Wala ng iba."
Umayos ng upo si Thiago sa harap ko at nilingon rin ang mga kaibigan. Tumaas ang
isang kilay ni Asher rito.
"I feel you." He said before he faces me again.
Inilagay ko ang aking mga kamay sa lamesa at pinagsalikop iyon. Thank God at hindi
lang pala ako nag-iisa.
"Likas na masama ba ang ugali niya? Is it because of nature o nurture?" Tanong ko
pero bago pa siya
makasagot ay nagsalita na ulit ako. "I think nature, right? Kasi mabait naman ang
pamilya niya."
"I guess... But he is not that bad. Nagkakamali pero hindi naman siya masama."
Napanguso ako. Akala ko pa naman makakakuha na ako ng kaibigang ako ang kakampihan.
Iyong sisiraan si
Asher sa harapan ko at hindi ipagtatanggol.
"The people were right," He commented.
Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi lalo na't ngayon ay titig na titig na
siya sa akin.
"H-Ha?"
"Bagay nga kayo." His words left me speechless.
Kung may laman lang siguro ang bibig ko ay baka nailuwa ko na 'yon ngayon! Is he
drunk or crazy?
"Anyway, sama ka na?"
Bigo akong umiling.
"No. May lakad ako ngayon at isa pa, hindi ko naman kayo masyadong kilala."
Pagpapakatotoo ko.
"I know and that's why we're giving you a chance to know us. Come on! It will be
fun!"
"N-No-"
"Ganito, I have a proposal," Pagputol niya sa akin pagkatapos ay humilig sa
lamesa't inilapit ang mukha sa
akin dahil sa kung anong sunod na sasabihin.
"What?" Tanong ko't ginaya na rin ang pwesto niyang para na kaming magpu-punong
braso.
P 16-4
"You hate Asher, right?"
Walang pagdadalawang-isip akong tumango.
"More than I hate pork and beans and I hate it so much so, yeah." I replied right
away.
"Then help me win this race. This is the most important thing in his life right now
at alam kong ito lang ang
magpapalungkot sa kanya. Chance mo na ito para makaganti dahil sa mga ginawa niya
sa'yo."
Naningkit ang mga mata ko habang tumatango-tango sa harapan ni Thiago. Umangat ang
gilid ng kanyang mga
labi habang ako naman ay nagsisimula nang ilakad ang mga mata pabalik sa lamesa
nila Asher.
Mas lalong naningkit ang mga mata ko ng magkatitigan kaming dalawa. Hindi ko
itinigil ang pagtango ko na
parang pinag-iisipan na kung paano siya ilalampaso sa putikan mamaya!
"So payag ka na?" Ganadong tanong ulit ni Thiago kaya para akong binuhusan ng
malamig na tubig at agad na
natigil sa pagtango.
Umalis ako sa pagkakahilig sa lamesa at kinunutan ng noo si Thiago.
"Teka nga, bakit ako? Anong kinalaman ko para malungkot siya?"
"Well first we need someone to distract him."
"I'm a distraction now?"
"No! Hindi. What I mean is-"
Umiling ako kaagad at inayos na ang mga gamit ko.
"Sorry, Thiago. I can't. May kailangan rin kasi akong gawin ngayon," Nalaglag ang
kanyang panga ng tumayo
ako. "Sorry."
Hindi ko na hinintay ang pagpigil niya dahil walang lingon ko na siyang iniwan.
Kahit na bigla akong natempt sa proposal niya ay hindi ko naman pwedeng i-cancel
ang gagawin ngayon kasama sila Aling Anchita.
Pagbalik ko sa kwarto ay nag-ayos na ako para sana pumunta na sa lakad ko ngayon
pero para akong
binagsakan ng langit at lupa dahil sa text ni Aling Anchita na nauna na raw sila sa
balon dahil kailangan
niyang maagang matapos para makasama pa kay Mang Castor sa laot mamaya.
Bagsak ang balikat kong napabalik sa kama.
Pati ang mga text ni Zydney sa akin ay hindi ko man lang binuksan dahil sa agarang
pagkawala ng gana kong
magpatuloy ngayong araw.
Napakislot ako ng marinig ang pag-ring ng aking telepono gawa ng pagtawag niya.
Ibinagsak ko ang aking
sarili sa kama bago iyon sinagot.
"Hello?"

P 16-5
"Karsyn! I just watch your latest video! Really? Nagawa mong makisama sa mga tao
diyan?" Maganang
tanong niya pero hindi ko man lang siya masabayan.
Napabuntong hinga ako imbes na sagutin iyon.
"What happened?"
"Hindi natuloy ang paglalaba ko."
"What? Walang laundry diyan?"
"No, Zyd. Sasama sana akong maglaba ngayong araw kila Aling Anchita kaya lang
iniwan nila ako."
"W-Wait! Wait! At bakit ka maglalaba?"
"I just want to. Gusto kong magpaturo kung paano 'yon because it looks fun. Mukhang
masakit sa likod at
kamay pero mukhang masaya. And this is me getting out my comfort zone. Trying new
things. Hard things."
"Oh, Karsyn! You're too cute! Talagang doon ka nalulungkot? Dahil hindi ka
makakapaglaba?"
"Yes and I'm serious! I don't want to be cute, okay? Gusto kong maglaba sa balon!"
"Okay, sorry! So anong plano mo ngayon? Maligo ka nalang kaya sa dagat or mag gym
ka."
"Ayaw ko. Gusto kong maglaba," Kumawala ang tawa niya kaya napanguso na ako. "But
seriously, wala na
akong magawa ngayon. Planado na 'yon and I don't know kung makakaisip pa ako ng
pagkakaabalahan..."
Nahinto ako't napatayo sa kama ng maisip ko si Thiago.
"What?"
"I'll call you back!"
"Karsyn-"
Pinatay ko na kaagad ang tawag at pagkatapos ay nagpalit ulit ng damit para mas
akma ito sa pupuntahan ko
ngayon!
Hindi ko man alam kung anong oras ang racing na sinasabi niya at may pumipigil man
sa aking sumama pero
wala na akong ibang maisip kung hindi ang pumunta. I need to do something. Kahit
ano para lang hindi ako
maburyo sa apat na sulok ng kwartong ito!
Kung kanina ay naka-dress ako't sandals lang, ngayon naman ay nagpalit ako ng
pantalon, t-shirt at sneakers.
Hindi ko na rin naharap ang pagti-text kay Zyd kahit na maraming dumating na
mensahe galing sa kanya.
Pagkatapos ipusod ang aking buhok ay lumabas na ako kaagad.
Naging lakad takbo ang mga hakbang ko habang nagdadasal na sana ay maabutan ko pa
sila. Nang marinig ko
ang tunog ng mga sasakyan ay natataranta na akong tumakbo!
Natanaw ko ang isa-isang pag-alis ng mga iyon sa parking lot kaya wala na akong
inaksayang panahon!

P 16-6
"Hey! Jacob! Jacob!" Malakas kong sigaw ng makita itong pasakay na rin sa kanyang
sasakyan, siya na ang
huli.
Kunot noo niya akong hinanap kaya napakaway ako. Pumihit siya paharap sa akin at
bago pa ako makalapit
ay nakita ko na ang kanyang pag ngiti.
"You, alright?"
"Y-Yeah!" Hinihingal kong sagot habang itinataas ang kamay para sabihing bigyan
niya muna ako ng ilang
segundo para makahinga ng maayos.
"Okay."
Nang patunugin niya ang kanyang sasakyan ay nilunok ko na ang lahat ng pagod na
naramdaman dahil sa
pagmamadali.
"Aalis ka na? Kasali ka rin ba sa race?"
Nalilito siyang tumango. Maliban sa kotse niyang natitira ay wala nang naroon kaya
alam kong nakaalis na rin
si Thiago.
"Yeah, how did you know about that?"
"S-Si Thiago... He asked me come with you," Naputol ako sa pagsasalita dahil
hinihingal pa rin ako.
"Oh, gusto mong sumama?"
I nodded.
"Alright, let's go then." Gumalaw siya sa aking harapan para puntahan ang
passenger's side at pagbuksan ako.
Nahihiya man pero hindi na ako nagpapigil pa.
"Thanks!" Wala sa sariling napalunok ako habang sinisipat ang loob ng kanyang
sasakyan habang paibis
naman ito sa driver's side.
It smells clean and new, gaya rin ng noong sasakyan ni Asher na nasakyan ko. Nang
umandar na kami ay
nilingon ko ang likuran ng kanyang sasakyan. Parang nakahinga ako ng maluwag ng
makitang walang sigarilyo
doon gaya nang sa kanyang pinsan.
Am I really comparing everything?
"C-X75?" Tanong ko sa model ng kanyang kotse para putulin ang pag-iingay ng aking
utak.
Mangha niya akong nalingon.
"Yeah! You like cars too?"
"Not really but I have three brothers and the oldest likes to collect luxury cars,
so..."

P 16-7
Mas lalong lumiwanag ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.
"Cool! Does he like car racing too?"
Ipinagdiin ko ang aking mga labi bago nagkibit ng balikat.
"I don't know. He already passed away," Itinuon ko ang aking mga mata sa daan. "All
of them." I added.
Natahimik si Jacob sa narinig.
"I-I'm sorry to hear that."
Sinulyapan ko siya at sinabing ayos lang iyon. Matagal ko na rin namang tanggap.
"Kayo ba? Hilig niyo talaga ang ganito?" Pagbabago ko nalang sa topic.
"Yeah. After we graduated college, doon na nag-start. Once a year na rin kaming
narito sa Batangas para
magpahinga at gawin ito. It's fun, pampalipas oras rin."
"Cool."
"Have you tried it?"
"No, but I want to."
Ngumiti siya.
"Good. This is going to be so fun." Nakangisi na niyang sabi ngayon.
Sa durasyon ng biyahe namin ay marami rin kaming napag-kwentuhan ni Jacob. Napag-
alaman kong
kakasimula pa lang nilang tumulong sa kani-kanilang mga family business. After
graduating college, almost
two years ago ay sumabak na sila kaagad sa trabaho kaya kapag may ganitong
pagkakataon ay sinusulit nila.
Nalaman ko rin na totoo ang hinala kong mga athletic sila dahil sinabi niyang pare-
parehas sila ng hilig sa
sports. On top of that, he also said that all of them are still single! Walang
babaeng legal na girlfriend ni isa
ang mga ito. May mga babae pero tiyak na flings lang. I asked him why he's single
pero sinabi niya lang na
hindi na siya naghahanap ng babae dahil may nagugustohan na siya sa pagkakataong
ito.
Bumagal ang takbo namin ng marating ang isang malawak na highway na mukhang wala ng
masyadong
nagagawing mga sasakyan. Napatuwid ako ng upo ng makita ang mga nakaparadang luxury
cars na tanging si
Jacob nalang ang hinihintay.
Wala sa sariling napalunok ako ng makita ang pagtuwid ng tayo ni Asher sabay tingin
ng masama kay Jacob.
Ipinarada nito ang sasakyan saka ako muling binalingan.
"Are you ready?"
Masaya akong tumango. Napangiti ako ng makita ang paglapit ni Thiago sa gawi ko't
pinagbuksan pa ako ng

P 16-8
pinto.
Hindi na masyadong nagulat ang mga lalaki ng makita ako maliban nalang sa isa na
ako ang pinaka-hindi
inaasahang makasalamuha ngayong araw.
"You came!" Masayang sambit ni Thiago.
"Y-Yeah. I'm sorry kung last minute na."
Umiling siya at ngumiti pero bago pa ako makahakbang palayo para batiin naman sila
Eros ay natigil na ako
dahil sa mabilis na paghapit at pagyakap sa akin ni Thiago!
"Let's make him suffer today, shall we?" Makahulugan niyang bulong na parang ngayon
palang ay panalo na.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
ohhh okay. so this happened before jacob’s and eros’ ?? tho bakit sa story ni eros
parang late na si asher nagsettle down ?? Uyyy single p pla
c jacob d2 eh c eros ay?

P 16-9
CHAPTER 14
10.1K 639 120
by CengCrdva

CHAPTER FOURTEEN
Deal
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi lalo na ng marinig ang
nakakalokong hiyawan ng mga
lalaki sa paligid namin.
Natatawang tinapik ni Thiago ang aking bumbunan nang maghiwalay kami. Nahihiya
akong nagbaba ng tingin
dahil alam kong namumula ako ngayon. Hindi dahil sa kinikilig ako o ano kung hindi
dahil totoong
nakakahiya ang ganito! Ni minsan ay wala pang nakayakap sa akin ng gano'n... I
mean, maliban kay Asher
noong araw ng trahedya ay wala ng nakalapit sa aking lalaki ng ganito kalapit!
"Igo, makikipaglandian ka ba o sasali pa?" Matigas na sambit ni Asher kaya mas lalo
kong naramdaman ang
pag-aalab ng aking buong mukha.
Tuliro akong napasunod kay Thiago ng maglakad siya palapit sa mga lalaki.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang magkasalubong na kilay ni Asher
habang hinihintay kaming
makalapit.
"This is fucking interesting..." Narinig kong sambit ni Amos na tuwang tuwa ngayon
at parang may
pinapanuod na libreng comedy show.
Tumabi ako kay Jacob na ngayon ay naiiling nalang.
"You're blushing by the way." Mahina niyang bulong sa akin kaya nahihiya kong
nasapo ang aking
magkabilang pisngi.
"Thank you ha. Nakatulong." Bulong ko pabalik dahilan para matawa na siya.
"Sasali ako." Sagot ni Thiago kay Asher.
Nilingon ko ang gawi nila at hindi ko maiwasang kabahan dahil mukhang seryosong
seryoso na ang mga ito
ngayon na akala mo'y hindi car racing ang gagawin kung hindi boxing or worst, MMA!
"Why is she even here?"
Sandali akong nilingon ni Thiago.
"She's my plus one."

P 17-1
Natawa ng sarkastiko si Asher.
"She is not your girlfriend, Igo. She can't be your plus one."
Tumalas at tumagal ng ilang segundo ang titig niya rito pero si Thiago ay hindi man
lang natinag.
"How can you be so sure, Asher?"
Napalingon ako ng tumikhim ng malakas si Eros habang si Ivan naman ay natatawang
umalis sa tabi ng mga
lalaki at lumayo para magsindi ng kanyang sigarilyo. Bago pa muling magulo at
maudlot ang gagawin ay
minabuti nalang ni Trystan na lapitan ang dalawa at ayusin nalang ang gagawin kaya
nawala ang pagtitigan
nila.
Hindi ko tuloy maiwasang pagnilayan ang desisyon kong ito. Tama bang nandito ako
ngayon? Tama ba ang
desisyon kong sumama pa rito kahit na hindi ko naman talaga sila tuluyang kilala?
Oh God! Anong ginagawa
mo Karsyn?!
Ipinaliwanag ni Trystan ang lahat ng rules na continuation ng race kahapon at nang
mga nauna pa simula ng
magbakasyon sila rito. Si Thiago, Lance, Sergio at Eros ang natitirang maglalaro
ngayon at kung sino ang
mananalo sa kanila ay siya namang lalaban kay Asher.
Nang magkaliwanagan na ay sumama ako sa gawi nila Thiago na kasama si Jacob at
Eros. Nahati sa
dalawang grupo ang mga lalaki. Nakinig lang ako. Hindi ko naman alam ang mga sinabi
niyang terms pero isa
lang ang maliwanag sa akin ngayon, dahil isinali na nila ako sa kanilang grupo ay
kailangan naming manalo
laban kay Asher.
"Igo, he's all yours." Nakangisi't makahulugang sabi ni Eros sabay lipat ng tingin
sa gawi nila Asher na
ngayon ay naninigarilyo na rin.
Wala sa sariling napalunok ako ng lumakad ang kanyang madilim na mga mata patungo
sa akin sabay angat ng
hawak at hithit doon. Mabilis akong nag-iwas ng tingin lalo na't lumapit na sa akin
si Thiago.
"I'll be the winner of this race, Karsyn. Pagkatapos nito, si Asher na ang katapat
natin."
Tumango ako.
"Pwede ba akong sumama? Kahit hindi sa'yo-"
"You want to be on the race?" Mangha niyang tanong na tinanguan ko kaagad.
The thought of car racing really excites me. Noon kasi ay iniisip kong gusto ko
iyon kahit na imposible pero
ngayong may pagkakataon na ay hindi ko na ito papalagpasin.
"Alright," Mas lumawak ang ngiti niya at pinantayan ako pagkatapos tawagin ni
Trystan ang lahat. "You'll
join me on the finale. We're surely going to win this..." Masaya niyang bulong sa
akin.
Tumalima na ang apat na sasalang at nang sabihin nilang ako ang magiging race flag
girl ay hindi na rin ako
tumanggi. They say Asher is still unbeatable. Wala pang nakakatalo sa kanya at
hindi ko man alam kung ano
ang eksaktong ambag ko ay nakisabay pa rin ako.
P 17-2
Si Davos ay hawak ang aking camera at kinukuhaan ang gagawin ko kahit na hindi ko
naman sinabi. They're
all supportive of me even if I don't know when and how it all started. Maybe
because kilala nila akong lahat.
Alam rin nila ang ginagawa ko kaya nakakatuwang kahit na ayaw ko namang gawin ang
pagiging vlogger ko
ngayon sa pribado nilang gagawin ay sila na mismo ang nag-udyok sa akin. Hindi ko
rin naman ito ia-upload
kaagad dahil kailangan ko pang pagnilayan.
Huminga ako ng malalim at itinaas ang aking hawak na pulang bandana. Hindi ko
maiwasang mapangiti dahil
pakiramdam ko ay natural ang mga kilos ko at mas malaya kaysa nitong mga nakaraan
kahit na nasa paligid si
Asher.
Malakas ang pagtahip ng aking dibdib ng marinig ang ingay ng kani-kanilang
tambutso. Hindi ko na rin
pinatagal. Sinulyapan ko sila sa huling pagkakataon at pagkatapos ay ganadong
ikinumpas pababa ang
bandana hudyat ng kanilang pagsisimula!
Napapikit ako ng mariin ng marinig ang malakas na pag-ugong ng mga sasakyan
paharurot palayo sa amin
habang ang mga lalaki naman ay excited na ring dinungaw ang mga kotseng nag-uunahan
hanggang sa mawala
ang mga ito sa aming paningin.
Napatingala ako ng makita ang pagsunod ng drone na pinapalipad ni Amos ngayon sa
ere.
"Now we wait..." Excited niyang sabi.
Pigil ang aking paghinga habang naghihintay at kasama ang mga lalaki. Hindi ko rin
mapigilan ang sarili kong
lingunin si Asher na tahimik sa tabi ni Ivan at nakikinig lang sa sinasabi nito.
Mabilis kong iniwas ang aking
mga mata sa kanila ng lumipad ang pansin niya sa aking gawi. Mabuti nalang at
naroon si Jacob na binigyan
ako ng chips kaya nawala ang atensiyon ko sa kanila.
Habang nagkukwentuhan sila ay nakikinig lang ako. They're not that bad. Ngayon,
habang pinapakinggan sila
ay nakita ko kung gaano katatag ang kanilang samahan at kung gaano ka-disente ang
mga pamilyang kanilang
pinanggalingan. People call them the big twelve and I don't know why. Baka siguro
dahil malalaki silang
lalaki at labing dalawa ang bilang nila?
Ilang minuto pa ang lumipas ay natigil na ang lahat ng marinig ang ingay ng mga
sasakyang pabalik. Lumawak
ang ngisi ko dahil sa natanaw kong kulay berdeng kotse na nauuna kaysa sa silver,
pula at itim. I knew it,
plano na nga talaga nilang lahat ito para lang talunin si Asher.
Isinantabi ko ang isiping ginagamit lang ako ni Thiago dahil tama siya, gusto ko
ring makitang malungkot si
Asher kahit paano. He deserves it.
Halos mabingi ako sa hiyawan ng grupo namin ng manalo si Thiago.
"Congratulations!" Masaya kong bati na ikinalawak ng kanyang ngiti at pagkatapos ay
agad na hinawakan ang
kamay ko't inalis sa mga nakapalibot na lalaki.
I know what he is doing. Alam kong gusto niya lang inisin si Asher pero hindi ko
lubos maintindihan kung
bakit parang ang laking big deal na kasama ako ngayon. Hindi ba dapat na layuan
nila ako dahil ngayong
narito ako ay mas nagkakaroon ng determinasyon si Asher na manalo dahil mortal
enemy kami? Gano'n
naman talaga 'di ba? You'll do everything just to beat the person you hate, lalo
na't may pagkakataon.

P 17-3
Marahang hinaplos ni Thiago ang aking buhok.
"Let's win this, game ka na?" Tumango ako.
Naputol ang amba niya pang sasabihin dahil sa pagtawag sa amin ni Trystan. Pagbalik
ng atensyon namin sa
kanila ay naroon na si Asher sa tabi ng mga lalaki.
"It's Igo, Ash. You ready?"
Hinawakang muli ni Thiago ang kamay ko pabalik sa kanila. Kahit na naiilang ako ay
hindi ko naman iyon
matanggal. I think this is a part of the plan at kung ito ang magiging dahilan ng
pagkatao ni Asher ay susunod
nalang ako.
"I was born ready, Trystan." Masungit niyang sabi sabay titig sa amin.
Nang makita iyon ni Thiago ay marahan niyang pinisil ang aking kamay, tila
sinasabing siya ang bahala sa
lahat.
"Good! What's the deal?" Si Trys.
Nilingon ako ni Thiago.
"If we won, anong gusto mong ipagawa kay Asher?" Napaawang ang aking bibig at wala
sa sariling nilingon
ang lalaking tinutukoy.
Pinagtaasan niya naman ako ng kilay na parang naiinip na at gusto nalang umpisahan
ang race.
"Karsyn..."
Ipinilig ko ang aking ulo pabalik kay Thiago. "Bakit ako?" I asked.
Matamis niya akong nginitian.
"I can't think of something..." Huminga siya ng malalim at tinitigan si Asher.
Binitiwan niya ang kamay ko at
mas umayos ng tindig sa harapan ng lahat. "If I won, you will apologize to Karsy
and you'll do her a favor."
Kumunot ang noo ng lalaking katapat. Tahimik naman ang mga lalaki na mukhang alam
na nilang ganitong ang
mangyayari. Wait... So ginagawa nila ito para sa akin? Para mag-sorry ang masamang
hangin sa akin?!
"That's it? You're going to waste your chance of getting something good because of
that? Really, Igo?"
Sarkastiko niyang tanong rito.
Nagkibit ng balikat si Thiago at binalingan ako.
"She deserves an apology, Asher," Bumalik ang titig niya rito. "It's not about the
race. It's all about Karsyn
and your pride."
Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi ko alam kung paano humantong sa ganito ang lahat
pero mas hindi ko
inaasahan ang sinabi ni Asher.

P 17-4
"Deal."
Nakita ko ang mga ngiti ng lalaki pero imbes na ipakita ang buong suporta kay Igo
ay itinago nalang muna
dahil baka maisip pa ni Asher na pinagkaisahan nga nila ito.
"But if I won," Napalunok ako ng lumipat sa akin ang titig niya. "You will
apologize to me and delete that
video."
"Deal." Walang pagdadalawang-isip kong sagot na mas ikinagulat ng lahat.
"Karsyn-"
"It's okay, Thiago... Wala naman akong pakialam do'n. My cousin shouldn't have
uploaded it in the first
place. It's a mistake so deal, Asher."
Dumiin ang titig sa akin ni Asher na parang tinatantiya kung nagsasabi ba ako ng
totoo pero dahil iyon ang
katotohanan ay siya rin ang bumigay. Tumalikod na si Asher at amba na sanang aalis
para maghanda pero
muling nagsalita si Thiago.
"One more thing..." He said.
Tamad siyang lumingon pabalik sa amin.
"Karsyn will join me on this race."
Nakita ko ang agarang pagtutol sa kanyang mga mata. Maging ang pagkalito ng mga
kalalakihan sa paligid ay
hindi rin nakaligtas sa akin.
"That's against the rule-"
"I want to join." Pagputol ko sa kanya pero ni hindi niya ako tinitigan dahil
nananatiling na kay Thiago ang
kanyang buong atensiyon.
"You're not allowed to do that Igo!"
"Maybe this one is an exemption?" Nilingon niya ang mga lalaki na nagkibit lamang
ng balikat.
"It's fine with me." Si Ivan.
"Let her join the finale, Asher." Si Jacob naman na alam kong may mas malalim na
kahulugan ang sinabi dahil
sa naikwento ko kanina.
Nagtangis ang kanyang bagang dahil sa sunod-sunod na pagsasalita ng mga lalaki na
sumasang-ayon sa
desisyong samahan ko si Thiago kahit na alam kong delikado rin iyon.
Sa huli ay wala ng nagawa si Asher. It's a unanimous decision. Excited man ako
habang nag-aayos at
nakikinig sa mga sinasabi ni Thiago ay hindi pa rin nawawala ang malakas na
pagkalabog ng aking dibdib.
Tahimik ang mga lalaking pinapakiramdaman ang sitwasyon at ang lalaking parang
simula nang sabihin ang
deal ay nawalan na ng gana.

P 17-5
"Ready ka na bang marinig na mag-sorry si Asher?" Kampanteng bulong ni Thiago sa
akin.
"I doubt that. Pero paano kung matalo tayo?"
Tumayo siya ng tuwid at muling sinulyapan si Trystan para sabihing okay na kami.
Inalalayan ako ni Thiago
hanggang sa kanyang sasakyan pagkatapos iyong i-check.
"We're going to win this, okay? Trust me," Inginuso niya si Asher. "He looks pissed
already."
"Isn't that a bad thing?"
"No. Advantage na natin 'yan."
"Igo, pwesto na!" Si Trystan.
Nagsitayuan ang mga lalaki sa gilid. Si Asher naman ay tamad na huminto sa pintuan
ng kanyang sasakyan.
"Good luck." He said while eyeing us hard.
Tumango si Thiago.
"Good luck rin." Aniya pagkatapos ay hinarap na ako.
Pakiramdam ko'y naupos ang lahat ng tuwa sa aking pagkatao ng maramdaman ang
agarang paghaplos ni
Thiago sa aking pisngi para igilid ang mga buhok na nakaharang sa aking mukha.
"Good luck to us, Karsyn!" Malakas niyang sabi at muling nilingon si Asher pero
agad na itong sumakay sa
kanyang sasakyan.
Nag ngisihan si Eros at Jacob habang si Davos at Ivan naman ay natatawa nalang at
umiiling. Mas lalo tuloy
akong naguluhan. Mabuti nalang at pinaayos na ako ni Thiago sa loob ng kanyang
sasakyan. Hindi nagtagal ay
sumakay na rin siya. Nasa gitna si Sergio na siyang pumalit sa akin para magbigay
ng hudyat.
Kumalabog na ang aking puso ng maramdaman ang pagbukas ng engine kasabay ng pag-
iingay ng tambutso
nito. Nilingon ko si Asher na seryoso lang na nakatitig kay Sergio at ginawa rin
ang ginagawa ni Thiago.
"Ready..."
Tumango ako at hinanda na ang sarili sa gagawin kaya nang bumaba ang bandana ay
humigpit na ang kapit ko
sa aking kinauupuan dahil sa mabilis na pagharurot ng sasakyan ni Thiago.
He's serious. Kung kanina ay panay pa ang ngiti niya, ngayon naman ay nakatuon
nalang siya sa daan. Hindi
ko naiwasang magdasal hindi lang dahil sa sobrang bilis ng takbo namin kung hindi
dahil naunahan na kami ni
Asher!
"Damn it!" Si Thiago.
"It's okay, Igo. Do what you need to do!" Sabi ko dahil kahit na wala akong alam sa
ganito ay ramdam kong
hindi niya pa binibilisan ng todo ang sasakyan dahil inaalala niya ako.

P 17-6
Sandali niya akong nilingon bago tanguan. Sa bilis ng pag-arangkada ng kanyang
sasakyan ay kahit
nakasarado ang mga bintana ay pakiramdam ko'y damang dama ko ang malamig at
preskong simoy ng hangin
ngayon! Huminga ako ng malalim at itinuon na rin ang tingin sa daan...
Now, this is something I should be proud of myself! I'm actually doing this! Hindi
man ako ang nagmamaneho
pero kasama naman ako habang nangyayari ito and it's basically the same thing!
Hinawakan ni Thiago ang gear stick at mas inayos ang pagmamaneho. Naputol ang aking
paghinga ng
makitang nalalapitan na namin si Asher kaya wala na siyang iba pang ginawa kung
hindi ang mas bilisan pa. I
feel like the clock is ticking fast. Mas mabilis sa ginagawang pagpapatakbo niya ng
sasakyan. Marami
kaming nadaan at sa haba no'n at paglipas ng oras ay hindi namin naabutan si Asher.
He is good! Nakakamangha ang kanyang determinasyon. Hindi naman ako natatakot na
matalo, ang ayaw ko
lang siguro kapag nangyari 'yon ay walang kwenta ang magiging labas ng lahat ng
pagsama ko ngayon.
Napapikit ako ng mariin ng marinig ang pag-alburoto ng dalawang sasakyan matapos
makitang nasa puwitan
na kami nito habang tinatahak ng mabilis ang tahimik na daan.
Nang maramdaman ko ang pagliko namin ay mabilis na akong napadilat. Bumalandra
kaagad sa aking mga
mata ang malawak at kulay asul na karagatan sa aking gilid.
"This is beautiful!" Hindi ko na napigilang sambitin.
"Yep!" Malakas na sabi rin ni Thiago para magkarinigan kami.
Ilang beses akong pinagalitan ng aking utak dahil sa pagtahak ng sasakyan sa
makurba at pa-zigzag na daan.
Maingat at magaling rin si Thiago kaya kahit na parang hangin nalang kami ngayon ay
panatag ako.
"Ready?" Siya habang tutok ang mata sa makipot na tatahakin sa unahan na nasa gilid
pa ng bangin.
Humigpit ang kapit ko sa aking seat belt dahil alam kong dito na niya itotodo ang
lahat. Tumango ako.
"Do it!"
Lumawak ang kanyang ngiti at pagkatapos ay mabilis nang tinapakan ng todo ang gas
kaya naman bago pa
kami makarating sa makipot na daan ay wala nang humpay ang pagtutumalon ng aking
puso lalo na ng
makitang natapatan na namin si Asher. Sabay kaming napalingon sa kaliwa para tignan
siya pero bago pa niya
kami maharap ay itinodo na ni Thiago ang lahat dahilan para tuluyan na kaming mauna
sa kanya!
My heart is screaming! Gano'n na rin ang utak ko na wala ng ibang isinisigaw ngayon
kung hindi ang
pagbubunyi!
"Holy smokes!" Hindi makapaniwalang sabi ko nang makalagpas kami sa daang iyon
kasunod ng madilim na
tunnel!
Sapo ko ang aking dibdib na sinulyapan ang naiwan namin pero dahil siguro sa bilis
ng pagpapatakbo ni
Thiago ay hindi na ito nakasunod!
"He's gone!" Malakas kong sabi.

P 17-7
Sinulyapan sandali ni Thiago ang side view mirror pero hindi niya inihinto ang
mabilis na pagmamaneho.
"Weird..." Aniya.
Nang lumiko ulit kami ay tuluyan ko nang ibinalik sa daan ang aking titig.
Nagmamadaling inutos sa akin ni
Thiago na tawagan si Eros para tignan si Asher na hindi na nakasunod pa kahit ang
ugong ng kanyang
sasakyan.
Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak ang kanyang telepono.
"Eros?"
"Hey!"
Itinapat ko kay Thiago ang kanyang telepono nang isenyas niya sa akin. Inilagay ko
rin iyon sa loudspeaker.
"Pabalik na kami but we didn't see Asher after we pass the tunnel. Can you check on
him?"
"Copy!" Pinatay na nito ang tawag.
Nalilito ko siyang tinignan.
"What happened? Is he okay?" May bahid ng pag-aalala kong tanong pero imbes na
sagutin ako ay nagkibit
nalang siya ng balikat at mas binilisan nalang ang pag-andar ng sasakyan pabalik sa
nakararami.
Tahimik at kabado ang naging biyahe namin pabalik. Hindi naman tumawag si Eros
pabalik at kahit tawagan
ay hindi na rin makontak kaya mas lalo kaming nag-alala ni Thiago.
Ang lahat ng tuwa ko dahil sa isiping pagkapanalo ay kusang natutunaw habang
naiisip si Asher. Oo nga at
gusto naming manalo pero mas una pa rin sa lahat ang safety ng lahat. If something
bad happened to him...
"What the hell?" Gulat na bulalas ni Thiago kaya napabaling na rin ako sa harapan.
Hindi pa man kami nakakabalik ng tuluyan ay natanaw na kaagad namin ang sasakyan ni
Asher na
nakabalandra sa daan at ang kanyang kabuuan na nakahilig lang rito habang
hinihintay kaming makabalik!
Wait, bakit nauna siyang bumalik? Hindi na niya itinuloy ang race?!
"What is happening, Thiago?"
"I don't know... I'm confused too."
Huminga ako ng malalim ng makita ang pagtitindigan ng mga lalaki ng tuluyang nang
bumagal ang sasakyan ni
Thiago at maya-maya pa'y paghinto nito sa tapat ng sasakyan ni Asher.
"We won, I guess..." May pagdadalawang-isip niyang sambit sabay baling sa akin at
ngiti. "We just won,
Karsyn. Holy hell! We won and he is fine!" Ngayo'y sigurado na niyang sabi sa
masayang tono!
Gumuhit ang malaking tuwa sa aking mukha. Asher is fine. Nakabalik siya at nauna pa
nga siya sa amin so

P 17-8
ibig sabihin, sumuko na siya kaagad?!
Tinulungan ako ni Thiago na tanggalin ang aking seat belt at pagkatapos ay umibis
para naman pagbuksan
ako.
Sa sobrang tuwa ay hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin si Thiago nang
makalabas ako.
"We won! Oh my God!"
Niyakap niya ako pabalik.
"I know!"
Nagpalakpakan ang ilan kaya napabitiw ako sa kanya. Binati kami ng mga lalaki
ngunit si Asher ay nanatili
lang sa kanyang sasakyan at ngayo'y naninigarilyo na naman. He doesn't look happy.
Well, sino nga namang
matutuwa kapag natalo 'di ba? But he doesn't look sad too. His face is kinda pissed
and angry looking.
Pinanuod ko siyang hithitin ang kanyang sigarilyo at pagkatapos ay tinapakan ito't
umalis na sa kanyang
sasakyan para lapitan kami. Natataranta akong dumikit kay Thiago at marahan siyang
siniko.
"Congratulations." He said in a modulated voice.
Gano'n ba kapag nagko-congrats? Hindi ba dapat lively ang boses?! Tinaasan ko siya
ng kilay ng titigan niya
ako.
Pumalakpak ng mabagal ngunit malakas si Jacob para putulin ang pagtititigan namin
ng kanyang pinsan.
"So... What now, Ash?" Makahulugang tanong ni Jacob ng makalapit sa tabi nito.
"Sorry." Sabi niya at akma nang tatalikod pero mabilis siyang hinarang ni Eros.
"That's not how you ask for forgiveness, Asher." Mariin kong sabi dahil imbes na
makaramdam ng simpatya
sa kanya ay lalo lang akong nainis!
Pumihit siya pabalik sa akin.
"I just said sorry. Iyon lang naman ang deal 'di ba? Wala namang sinabing with
feelings."
Umiling ako. "But you should always feel sorry when saying sorry! Parte na 'yon
kaya nga sorry! I can't
accept it."
Nagsalubong ang kanyang kilay.
"It's not my problem anymore. Hindi klaro ang deal niyo. Nag-sorry na ako and I'm
done with this."
He's too hard! Masyado ngang mataas ang pride niya!
"Fine! Pero may isa pang kasama ang deal 'di ba?" Sabi ko bago pa niya ako
talikuran ulit.

P 17-9
Sarkastiko siyang natawa at pagkatapos ay humakbang palapit sa akin. Pinigilan ko
ang sarili kong magpakita
ng kahinaan. Hindi ngayon at hindi na kailanman lalo na sa kanyang harapan!
"Alright. What do you want me to do now?" Aniyang may paghahamon at puno ng pride.
Humakbang ako palapit sa kanya dahilan para mawala ang lahat ng tuwa sa kanyang
mukha.
"Luhod." Matigas at malamig kong utos.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA Hahaha..ayn kc or bka nmn ayw mo tlgng mnalo asher kc ayw
mo tlgng I delete nia ung vdeo

P 17-10
CHAPTER 15
9K 640 121
by CengCrdva

CHAPTER FIFTEEN
Forgiveness
Nakita ko ang paglaglag ng kanyang panga dahil sa narinig. Hindi siya gumalaw kaya
inulit ko ulit.
"Luhod sabi."
"Dude, you need to follow her." si Jacob na kahit alam na kabaliwan ang gusto kong
ipagawa sa pinsan ay
wala ring magawa dahil iyon ang gusto ko.
Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga ng harapin niya ito. Nagkibit ng balikat
si Jacob saka naglakad sa
tabi ng mga lalaki na tila sinasabing hayaan nalang kaming dalawa ni Asher rito.
Nakuha naman ng mga lalaki
ang gustong mangyari ni Jacob kaya isa-isa na silang gumalaw para bumalik sa kani-
kanilang sasakyan.
Nang mawala sila ay muling bumaling sa akin ang triggered face ni Asher Miguel.
Inangat ko ang kanang
kamay ko sa kanyang harapan pagkatapos ay ikinumo ito maliban sa aking hintuturo
para ituro ang lupa.
"Luhod na, Asher. Nagpatalo ka 'di ba? Then do what I ask you to do. That's part of
the deal."
Umiling siya habang patuloy na nakikipagtitigan sa akin ang mukha niyang parang
gusto na akong saktan dahil
sa mga inuutos kong nagiging dahilan ng pagbaba ng dignidad niya.
Pakiramdam ko ay nagbunyi ang lahat ng mga kaluluwang nasaktan ni Asher maging ang
sa akin ng makita ang
dahan dahang pagluhod niya sa aking harapan! Kahit na gusto ko sanang dalawang
tuhod niya ang nakatukod
sa aspalto ay hindi ko na pinuna. Ang importante ay nakaluhod na siya ngayon!
Itinago ko ang pagngisi pero ng tingalain niya ako ay kusa na iyong lumabas. He
looks so pissed and I love it!
Parang sasabog na siya sa galit. Napatikhim ako ng tumaas ang isa niyang kilay.
"Do you want me to beg for your forgiveness now?" naiinip at gigil niyang tanong.
Naghalukipkip ako at pinagmasdan siya. Wow... Ito na yata ang pinaka-magandang view
na nakita ko sa
tanang buhay ko. Just imagine Asher Miguel Tan kneeling in front of you and telling
you how sorry he was for
being such a douche!
Muli akong ngumiti. I am not that bad. Hindi ko rin naman kailangan ng sorry niya
dahil kahit na sabihin niya
'yon ay alam ko namang hindi iyon bukal sa kanyang loob. Hindi niya forte ang
pagpapakumbaba dahil siguro
nasanay na siyang nasa itaas siya. Ano pa nga bang ini-expect ko sa lalaking gaya
niya? He is blessed with
everything. As in lahat lahat.

P 18-1
"What language and emotion do you prefer Karsyn para matapos na 'to?"
Mabilis akong umiling at binuwal ang mga kamay sa aking harapan. Humakbang pa ako
palapit sa kanya at
nang medyo sapat na ang distansiya ay itinaas ko ang aking kanang paa sa kanyang
harapan.
"Fix my shoelace." mabilis na nalukot ang kanyang mukha kaya iginalaw ko ulit ang
paa kong hindi ko na
nagawang isintas kanina pagbaba ko ng sasakyan ni Igo.
Bumaba ang kanyang mga mata doon at wala ng ginawa kung hindi ang sundin ang gusto
ko. Nang
maramdaman ko ang paghawak niya sa aking sapatos ay wala sa sariling napalunok ako
dahil kahit na suot
iyon ay parang naramdaman ko pa rin ang init ng kanyang mga kamay.
"Thanks," sabi ko pagkatapos niya iyong ayusin. Umatras na rin ako ng ilang hakbang
palayo sa kanya.
"About that, huwag mo ng alalahanin Asher dahil kahit na hindi ka na humingi ng
tawad ay pinapatawad na
kita. Not because you deserve it but because that's what God requires. At kung
akala mo kasing sama mo ako,
nagkakamali ka. Hindi lahat ng bagay na ginagawa ko ay tungkol sa'yo dahil malinaw
naman na nagkamali
ako sa pagkakakilala sa lalaking sumagip sa akin. Mali ang lahat pero huwag kang
mag-alala, I will still
delete the video. Thank you nalang ulit sa pagligtas mo sa akin noon." muli akong
umatras. "And... You
should also thank yourself for saving me because if you didn't, you'll never
experience to be this low dahil
masyado kang matigas at mataas Asher Miguel. Sana minsan matutunan mo ring
magpakumbaba dahil maiksi
lang ang buhay... At hindi magandang mamatay kang arogante." mahaba at madiin kong
litanya sa mga huling
salita bago siya tuluyang iwan doon.
Imbes na kaba ang maramdaman ay napuno lang na tuwa ang aking puso. Parang sa ilang
araw na
nakasalamuha ko si Asher ay ngayon lang ako nakahinga ng ganito kaluwag! Lumabas si
Thiago sa kanyang
sasakyan na lito at kuryoso sa nangyari pero hindi naman nagtanong. Pinasakay niya
nalang ako.
"Tara na." I said and he followed.
Nauna kaming nakabalik ni Thiago sa resort. Pagkatapos kong magpaalam sa kanya ay
dumiretso na rin ako
sa kwarto para magpahinga. Tinawagan ko si Zydney para kwentuhan siya sa mga
nangyari at sa desisyon
kong burahin na ang video para pare-parehas na kaming matahimik.
"Are you really serious, Karsyn?"
"Yeah," tumungo ako sa balcony.
Madilim na sa labas pero may mga natatanaw pa naman ako sa dalampasigan. It's just
past seven in the
evening.
"Kung sabagay... Pero sayang 'yon."
"It's just a video that went viral. Kahit na hindi ko 'yon burahin ngayon ay
makakalimutan rin 'yon ng mga tao
ilang buwan pa o taon simula ngayon. Ia-advance ko lang."
"Paano kung hindi?"
"I will still delete it," naglakad ako sa dulo ng balcony para mas makita ang
kabuuan ng paraiso. "You
shouldn't upload it in the first place."
P 18-2
"I'm sorry."
"It's okay. Oo nga pala, kumusta si Daddy? He's not answering his phone since
yesterday."
"He's fine. My parents are in your house. Hindi na ako sumama dahil maaga pa ako
bukas."
"Thank you, Zyd."
"No worries! Sige na, I'll call you tomorrow. I need to rest now, may exam pa ako."
"Sige, good luck! Ingat ka."
Ibinaba ko na ang tawag. Napayakap ako sa aking katawan ng umihip ang malamig at
preskong simoy ng
hangin. Lumakad ang mga mata ko patungo sa dagat na kahit sa pwesto ko ay umaabot
ang tunog ng mga alon.
Sa kakatitig doon ay hindi ko na napigilan ang sarili kong magpalit ng panligo.
Kahit na alam kong malamig
na ang tubig ay gusto ko pa ring maligo.
Dala ang ilang gamit, camera at cell phone ay naglakad na ako patungo sa aking
pinto pero bago buksan iyon
ay nag-live ako sa aking Instagram para sana ipakita ang ganda ng resort kahit na
gabi na.
"I'm about to swim right now at ipapakita ko rin sa inyo kung gaano kaganda ang
lugar na ito. Tara! Samahan
niyo ako!" excited kong hiyaw pagkatapos ay inabot na ang seradura at pinihit na
ito.
Abala kong inilipat ang view ng camera patungo sa likod ng phone para ipakita ang
view pagkatapos ay
hinila nalang ang pintuan pero sa paglingon ko sa aking daraanan ay mabilis akong
napahinto ng makita ang
isang bultong nakapamulsa at nakatayo ilang hakbang ang layo simula sa aking
kinatatayuan!
Ramdam ko ang pag-arangkada ng pintig ng aking puso kasabay ng pagpuno ng mga
pusong reaction ng
viewers sa screen ng aking cell phone dahil sa lalaking ngayon ay nakikita nila!
Live!
"A-Asher?" nauutal kong tanong habang nakatuon sa kanya at hindi pa rin makagalaw!
Sa hitsura niya ay parang kanina pa siya nakatayo sa labas ng kwarto ko at
hinihintay akong lumabas. This
should be creepy pero mas lamang ang mga naging katanungan sa utak ko. Why is he
standing outside my
room?! Anong ginagawa niya rito?
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang mabilis at sunod-sunod na pagdating ng
mga comments kaya
nagmamadali ko iyong pinatay! Nahihiya kong inilagay sa aking likuran ang hawak ko.
"W-What are you doing here?"
He didn't say anything. He didn't even move! Okay lang ba siya? Siya nga ba 'to o
laman lang ng mga
imahinasyon ko?
Instead of answering me, he just tilted his head and look at me intensely.
Nahihibang kong nilingon ang likuran niya maging ang likuran ko dahil sigurado
akong kaming dalawa lang
ang tao rito. Pwera nalang kung may mga nakikita siyang hindi ko nakikita! Oh God!
Does he have a third

P 18-3
eye?!
Lumakas ang pagtahip ng aking dibdib ng makita ang paglunok niya't pag awang ng
bibig.
"I'm sorry..." he said softly.
Ang kanyang mga mata ay naging malambot rin matapos sabihin 'yon. Wait?! Tama ba
ang narinig ko? Did he
just...
"I'm sorry for being stupid, Karsyn. You're right, life is too short to be arrogant
but I'm not that bad..."
huminto siya sa pagsasalita para humakbang palapit sa akin!
Hindi pa rin ako nakagalaw! Ang mga paa ko ay parang naging parte na ng sementong
kinatatayuan ko dahil
kahit na gusto kong umatras ay hindi ko magawa!
Wala sa sariling nayakap ko ang mga dala kong gamit. Ramdam ko ang pag-iksi ng
paghugot ng hangin sa
aking baga dahil sa lapit niya pero mabuti nalang at hindi naman siya lumapit ng
sobrang lapit! Huminto siya
tatlong hakbang ang layo sa akin.
"I know you're confused but I'm confused as hell too. Because first of all, I hate
apologizing to people and
second of all," sinulyapan niya ang pintuang nasa likuran ko. "Sobrang awkward
nito. Ni minsan hindi ko
nagawang tumayo sa tapat ng kwarto ng isang babae ng halos isang oras habang pinag-
iisipan kung itutuloy pa
ba ang gagawing paghingi ng tawad. I'm creepy and confused as fuck, Karsyn."
His words made me bit my cheek! Hindi ko na napigilang matuwa ng makita ang sobrang
kalituhan sa
kanyang mukha. He is telling the truth at base sa hitsura niya ngayon ay totoong
naguguluhan nga siya at
seryoso rin siya sa paghingi ng tawad sa akin.
Totoo yata talaga ang wind of change?
"I-I already forgave you, Asher. Totoong pinatawad na kita kanina."
Nakita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha at hindi ko inasahan ang agarang pag-arko
ng kanyang mga labi
para bigyan ako ng isang matamis na ngiti! Napangiti na rin ako! Holy Hell! He
looks so good when smiling!
Akala ko hindi ko na makikita ulit ang ngiting iyon!
Bumaba ang kanyang mga mata sa mga yakap ko.
"Are you going to swim?"
I nodded. "Sana."
"Alright," tinanggal niya ang mga kamay sa kanyang bulsa at pagkatapos ay inilahad
ang kamay sa aking
harapan. "Let me take that, sasamahan kita."
Imbes na sundin siya ay mas humigpit lang ang kapit ko sa aking mga gamit. Muli
siyang napangiti ng
mapansin 'yon.
"It's okay kung ayaw mo. I just don't know how to make it up to you, so..."

P 18-4
"You don't have to-"
"I want to." giit niya.
Pinakawalan ko na ang malalim na paghingang kanina pa gustong umalpas sa loob ng
aking dibdib!
"Please?" gumalaw ang kanyang mga kilay nang sabihin 'yon kasabay ng paggalaw ng
kanyang kamay. "Let
me make it up to you."
Pinagdiin ko ang aking mga labi at wala sa sariling tumango nalang. This is a good
thing, right? Dapat lang
namang matuwa ako dahil sa paghingi niya ng tawad at ngayo'y gustong pagbawi pero
parang sobra sobra ang
galak sa aking puso! Pakiramdam ko nga kapag tinanggal ko sa aking dibdib ang mga
hawak ko ay sasabay na
rin pati ang puso kong tumalon papunta sa kanya!
Sa huli ay ibinigay ko rin iyon at hinayaan siyang bumawi kahit na hindi naman
talaga kailangan.
"Since when did you stay here?" tanong niya ng palapit na kami sa ilang mga lounger
na nakaharap sa
payapang dagat.
"The day that you told everyone how desperate I was to see you."
He chuckled. "I'm sorry."
"Ayos lang 'yon! Let's move on nalang. Tapos naman na eh!"
Inilapag niya ang mga gamit ko sa lamesang napapagitnaan ng dalawang lounger. Sabay
kaming naupo ng
magkaharap.
"How long are you planning to stay here?"
Nagkibit ako ng balikat at tinanggal na ang kimonong nakayakap sa katawan ko.
"I don't know. Marami pa akong gustong gawin dito lalo na sa banda roon." Turo ko
sa gawi papunta kina
Aling Anchita.
Kumunot ang noo niya.
"Sa beach?"
"No. Doon sa kabilang banda."
Tumango tango siya. "Kasama ba 'yan sa vlogging career mo?" tanong niya ngayong
wala ng halong panliliit.
Ako naman ang tumango. Ibinaba ko ang hinubad na damit sa aking gilid saka tumayo.
"Maliligo muna ako, okay lang ba?"
"Yeah. Sure. I'll stay here."

P 18-5
"You can go. Okay na ako rito." dahan dahan akong naglakad ng patalikod habang
nakatitig pa rin sa kanya at
hinihintay siya sa susunod na sasabihin.
I expected him to bid his farewell but instead of doing what I have in mind, he
just move himself on the
lounger and crosses his legs comfortably.
"I'll wait for you. I'll watch over you." he says.
Muli kong nakagat ang aking pisngi dahil sa sinabi niya pero imbes na makipagtalo
pa ay ako nalang ang
sumuko. Kung noon ay hindi ko kinakaya ang sama ng ugali niya, ngayon naman ay
parang mas lalong hindi ko
kakayanin ang pagiging mabuti niya sa akin!
Hindi naman sa sinasabi kong hindi bagay sa kanya ang ganito pero nagiging abnormal
kasi ang takbo ng utak
ko ngayong mabait siya!
Kahit na ramdam ko ang malamig na tubig sa aking mga binti ay hindi naman natalo
nito ang init sa aking puso
kaya nagmamadali akong naglakad sa malalim na parte para makalusong na, nagbabaka-
sakaling doon
mawala ang init na dulot ng sitwasyong ito!
Habang lumalangoy ay hindi ko maiwasang matigil at mag-isip. I remember him saying
that he waited outside
my door for almost an hour? So ibig sabihin, totoong determinado siyang manghingi
ng tawad sa akin gano'n
ba? He's really really sorry? Natauhan siya kaagad sa mga sinabi ko kanina?
Pumihit ako para sulyapan ang gawi ng lalaking iniwan ko dahil kahit na sinabi
niyang hihintayin niya ako ay
ayaw ko pa ring umasa. Napakurap-kurap ang mga mata ko para aninagin ang kanyang
gawi pero agad nang
natigil ang pagtatalo sa aking utak ng makita ang dalawang staff ng hotel na may
mga hawak na tiyak kong
pagkain at ngayo'y inilalapag na sa lamesa! Nalaglag ang panga ko ng may makita pa
akong isang bote na
siguro'y wine!
Teka! Did he really just ordered food for us?! Gano'n na ba ako katagal sa dagat
kaya naka-order na siya ng
pagkain o sadyang mabilis lang ang service?
Lumangoy ako pabalik at ipinagpaliban nalang muna ang pagligo dahil patuloy akong
binabagabag ng utak ko!
Ang mabilis kong mga hakbang ay bumagal lang ng makita siyang umayos ng upo ng
siguro'y masipat ako.
He's watching me, right?
Nang tuluyan na akong makalapit ay tumayo na siya at kinuha ang tuwalyang
nakapatong sa tabi niya at
ibinigay sa akin.
"Thanks."
"You're welcome." sagot niya ng kunin ko iyon sa kanyang kamay at agad na ipinunas
sa aking buhok at
katawan.
"Sabi sa'yo 'wag mo na akong hintayin eh. Nagutom ka tuloy." isinampay ko ang
tuwalya sa sandalan at
isinuot ang aking kimono habang si Asher naman ay nagsasalin na ngayon ng wine sa
dalawang baso.
"I'm not. I just assume that you are hungry."

P 18-6
Lutang akong naupo pabalik sa kanyang harapan dahil sa narinig.
"Y-You ordered this for me?"
He nodded. "I don't know what you like but if you want anything aside from this, I
can-"
"No! No! It's okay! Thank you! This is fine!"
Kinuha niya ang hawak na alak at sumimsim doon bago ako muling ngitian. This is so
weird but in a good
holy hell way!
"No really, if you want anything just tell me."
Sinuklian ko ang kanyang mga ngiti at pagkatapos ay tinanguan siya.
"This is perfect. Thank you."
Kahit na nahihiya ay kumain pa rin ako. He decided to eat too. Kahit kasi sinabi
niyang busog pa siya ay
gusto niya pa rin daw na may kasabay ako and I think that is so nice of him. He is
really nice! Parang ibang
tao na ulit ang kaharap ko... Parang bumalik na sa lalaking nagligtas sa akin noong
araw na 'yon.
"Where are they?" hindi ko na napigilang itanong para naman hindi siya magsising
sinamahan pa ako rito.
"Partying I guess."
"Hindi ka sumama?"
Nagbaba siya ng tingin at muling naglagay ng pagkain sa bibig para iwasan ang
tanong ko pero hindi ko 'yon
binitiwan.
"Pero bakit?"
He finishes the food in his mouth.
"I just don't feel like partying tonight. I just lose a car race and I don't want
to celebrate that." he said, taking
the situation lightly.
Napahagikhik ako lalo na ng makita ang natatawa niyang paninisi sa akin.
"I'm sorry about that."
"It's fine. It's all worth it."
Kahit na hindi pa nadudurog ng maayos ang pagkain sa bibig ko ay pilit ko iyong
nilunok! This is just him
being nice, right? But he is so nice! Parang hindi na makatarungan.
Pinunasan niya ang kanyang bibig at pagkatapos ay sinulyapan ang aking telepono.
"I forgot to tell you about your phone. I put the ringer on silent because it won't
stop beeping."

P 18-7
Kinuha ko 'yon at sinulyapan. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang maraming
notifications sa iba'tibang social media sites na kinabibilangan ko! At lahat ng
mga komento nila ay iisa lang ang punto! Ang
pagwawala nila dahil sa nakitang si Mr. Right kanina!
Binitiwan ko kaagad ang hawak kong kutsara para lang buksan ang aking telepono at
tignan ang ilan sa mga
mensahe nila.
"Oh my God!" hindi ko na napigilang sabihin ng makita ang lagpas sampung texts ni
Zydney na ngayon ay
nagwawala na rin kasama ng mga naka-follow sa akin! She's still up and probably
screaming right now!
"What is it?"
Ilang beses akong napalunok pagkatapos balingan si Asher. Wala sa sariling iniharap
ko sa kanya ang aking
hawak.
"K-Kanina... Paglabas ko ng kwarto naka-live ako tapos..." muli akong lumunok.
"Tapos nakita ka nila sa
camera and now they're bombarding me with questions!"
Kumunot ang kanyang noo at sinulyapan ang hawak ko. Ang mga mata niya ay nagbabasa,
sigurado ko 'yon
dahil sa paggalaw ng mga ito pero imbes na magsalita at magalit gaya ng mga una
niyang reaksiyon sa
pagiging parte ng vlogger career ko ay nakita kong muli ang pag ngiti niyang
tuluyan nang nagpabuhol sa lahat
ng katinuang natitira sa akin!
"Mr. Right, huh?" he teases and then he look straight into my eyes before asking...
"Am I still your Mr. Right,
KF?"
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
MAMIII BAT KINIKILIG AKO HUHUHUHUHU omfg

P 18-8
CHAPTER 16
11.1K 638 95
by CengCrdva

CHAPTER SIXTEEN
Wind Of Change
"Am I still your Mr. Right, KF?" ramdam ko ang pag-alingawngaw ng kanyang mga
salita sa aking tenga
maging ang pag-iingay rin ng aking puso.
Lumawak ang ngiti niya ng makita ang kaba sa mukha ko. Pinanuod ko siyang basain
ang kanyang pang
ibabang labi bago ito kagatin at inguso ang aking cell phone.
"I mean, they are asking if I'm still Mr. Right."
Inikot ko pabalik sa aking harapan ang hawak ko hindi para basahin 'yon kung hindi
para makahinga sa dating
at paraan ng pagtatanong niya kanina.
"Y-Yeah..." wala sa sariling bulong kong nagpahinto rin sa akin!
Awtomatikong umangat pabalik sa kanya ang titig ko.
"I-I mean, oo nga! Tinatanong nga nila!"
Sinalinan niyang muli ang kanyang baso at pagkatapos ay uminom doon. Tumango siya
kaya uminom na rin
ako.
What is happening to me?! And why is he asking like he's the one who's so eager to
know the answer!
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Mabuti nalang at hindi na rin siya nagtanong sa
mga pagwawala ng
followers ko dahil kung hindi ay baka tumakbo na ako palayo maiwasan ko lang siya!
Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad muna kami ni Asher sa dalampasigan. Hindi pa
rin kasi ako inaantok at
hindi ko rin sigurado kung makakatulog pa ba ako dahil sa mga nangyayari. Gano'n
rin si Asher. Sabi niya ay
mabo-bored lang daw siya kapag bumalik siya sa resort dahil mamaya pa babalik ang
mga lalaki.
"What it's like?"
"Med-school?" tanong ko.
"Yeah."
"Okay naman. Pangarap ko talaga 'yon simula bata palang ako."
"What happened? Hindi mo na ba siya pangarap ngayon?"
P 19-1
"Naiisip pero hindi na siguro. Besides, I'm happy naman with what I'm doing right
now."
Tinanguan niya ang isang grupong nadaanan namin bago ako sagutin uli.
"With vlogging?"
Umiling ako dahil hindi lang gano'n kasimple iyon.
"I'm happy making people happy. Making them hope for something that's so cliché and
lovely at the same
time," nahihiya ko siyang sinulyapan pero wala naman siyang violent reaction kaya
nagpatuloy ako. "You
know, like Mr. Right."
"But do you believe that?"
Pinagdiin ko ang aking labi at nginitian siya. "Hmm, I think there's always a right
person for everyone. It may
sound very romantic but yeah... That's why God created Eve, right?"
"Eve, huh?" aniyang parang nalito sa sinabi ko.
"Genesis 2:18, It is not good for the man to be alone. I will make a helper
suitable for him... Then he created
Eve."
Nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata.
"I remember that I wanted to be a surgeon because I idolize God who performed the
most perfect surgery
when he took a rib from adam just to create Eve in his own image."
He's speechless. I bet he's now thinking that I'm weird but this is just me telling
him how amazing and
beautiful God's work.
"If Eve was created using Adam's rib, then men should have fewer ribs right?"
I applaud his attention. Hindi ko man alam kung sarcastic question ba 'yon o tricky
pero natuwa pa rin akong
pinapatulan niya ako.
"If a father lost his hand in an accident, would his sons all be born with only one
hand?" nakangiti kong
tanong pabalik sa kanya.
"No."
"Then no, Asher. Sabi ko nga, he is the perfect surgeon and from an aspiring
surgeon's point of view, I want
you to know that our rib is one of the few bones that can regenerate especially if
it is carefully removed and
the surrounding membrane is still left intact. Ibig sabihin, may posibility na
bumalik ang ribs ni Adam kaya
ngayon ay kompleto pa rin ang ribs mo." pagbibiro ko.
"Anyway, balik tayo sa pagkakaroon ng katuwang sa buhay gaya nilang dalawa, hindi
ba mas masaya naman
talaga 'yon? Masayang isipin na mayroong darating sa buhay mong magiging karamay mo
sa lahat pero
nakakalungkot rin dahil minsan, maraming tao ang naghahangad ng sobra kaya hindi na
nila napapansin ang

P 19-2
totoong taong gawa para sa kanila. People ask for too much. They ask for a perfect
match to the point na hindi
na makatarungan..."
"And?"
Tinanggal ko ang tingin sa kanya at itinuon ang mga ito sa daan.
"I'm just saying that there's no such thing as instant perfect in this world. Sa
isang tao man, bagay o kahit sa
buhay. But you know what makes everything perfect eventually? It's the way we adapt
to changes. The way
we accept people and their flaws. The way we love the unlovable. Give those who are
not deserving and
forgive those who are not even asking for it.. Alam mo 'yon... The way we act
positively towards everything.
'Yon ang perpekto para sa'kin. Kapag positibo ka sa buhay ay magiging perpekto ka
na rin."
Pinagdiin ko ang aking mga labi ng sulyapan ko siyang patuloy lang na nakikinig sa
akin. Mabilis siyang
tumango at ngumiti.
"You're right."
"Am I?" nakangiti ko na ring tanong.
Palagi naman siguro akong tama noon lalo na sa school pero hindi ko pa rin
napigilang matuwa dahil sa
kanya iyon galing. He barely knew me and it's not usual to agree on stranger's
opinion but he did anyway
kaya masaya ako.
Umikot na kami at tinahak na ang gawi pabalik sa resort.
"But..."
I glance at him. "Hmm?"
"I think you're also wrong."
"Huh?"
"Because right now I think that I just witness an instant perfect."
Kumunot ang noo ko pero hinintay ko nalang siyang magpatuloy kaysa sumagot.
"Your smile is perfect. Your words, your thoughts and you as a whole, Karsyn." he
said genuinely as if he
knows me more than Zyd.
Napahugot ako ng malalim na hininga. I'm overwhelmed with his words. I'm not a fan
of compliments dahil
sanay akong nabibigyan no'n at minsan ay ka-plastikan o pambobola lang pero iba ito
ngayon.
Asher thinks that I am perfect, hindi lang ang panlabas na anyo ko o ang ugali ko
pero ang kabuuan ko. And he
is right. I am perfect and I claim it because I live for what I believe and that is
having a positive outlook on
life despite of all uncertainties.
"Thank you, Asher."

P 19-3
"You're welcome."
Hindi na kami nakapag-usap ng marami dahil parang hindi ko na rin kayang magsalita.
Pagkatapos niyang
kunin ang mga gamit ko sa lounger ay hinatid niya na rin ako sa kwarto ko. Sinabi
ko namang huwag na pero
mapilit pa rin siya kaya hinayaan ko nalang.
"So this is good night?" he asked.
Tumango ako at kinuha sa kamay niya ang mga gamit ko. Iniwasan kong madampi ang
balat ko sa kanya dahil
baliw na talaga ang puso ko. Simula kasi kanina ay hindi na ito natigil sa
pagwawala.
"Thank you, Asher. Hindi mo naman talaga kailangang bumawi kasi wala ka namang
atrasong malaki sa akin
pero thank you pa rin kasi ginawa mo."
"It's my pleasure."
I tap my key card on the card reader and then I open the door.
"Good night." papasok na sana ako pero nahinto ako ng makita siyang gumalaw at mas
umayos paharap sa
akin.
Sa hitsura niya ngayon ay parang may nakalimutan pa siyang ibilin.
"M-May sasabihin ka pa?" nahihiya't kinakabahan kong tanong.
He slowly nodded at my question. Napahigpit ang kapit ko sa seradura ng makita ang
purong kaseryosohan sa
kanyang mga matang nakatuon sa akin.
"Don't delete the video, Karsyn."
Doon na nalaglag ang panga ko.
"B-But-"
Mabilis siyang umiling at ngumiti. Holy mother of all hell!
"I want you to continue making people happy even in the clichiest way." he said
meaningfully.
Sa sinabi niya ay parang nakalimutan ko na talaga kung paano pang magsalita. Mabuti
nalang at hindi na niya
dinugtungan ang bilin. Iniwanan niya lang ako ng isang ngiti bago tuluyang umalis
sa aking harapan at iwan
akong natutulala sa kanya.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay doon lang ako binalikan ng lahat ng aking
katinuan. Agad akong
pumasok sa loob at wala sa sariling naisandal ang katawan sa pintuan!
Marahan kong tinapik-tapik ang mukha ko. Is it really happening? Did he just told
me to keep the video kahit
na iyon ang ikinagalit niya sa akin noon?!
Nakatulugan ko ang lutang na pag-iisip. Kahit na medyo napuyat ako kagabi ay maaga
pa rin akong nagising.

P 19-4
Sa lahat ng mga nagtatanong sa akin ay tanging si Zydney lang ang nireplayan ko.
Gusto ko pa sana siyang
tawagan kaso nga lang ay naalala kong may exam nga pala siya kaya nag-text nalang
ako.
Ako:
I'll call you later okay? Magpapaliwanag ako.
Text ko pa rin ngunit imbes na cell phone ang atupagin ngayong araw at ang mga
pagwawala nila ay minabuti
ko nalang na iwasan muna iyon sa ngayon. Gusto ko munang mag-isip kung paano ko
sasabihin sa kanila na
nakita ko na ulit si Asher.
Pumunta ako sa restaurant para kumain ng breakfast. Wala pa akong planong gawin
ngayon pero siguradong
magba-vlog pa rin ako. Siguro ngayon ko nalang itutuloy ang naudlot na pagtu-tour
sa kanila sa paraisong ito
kagabi pero hindi ko alam paano sisimulan habang iniiwasan ang mga tanong nila.
Bumagal ang paglalakad ko ng matanaw ang mga lalaking ngayon ay naroon na rin sa
restaurant. Dahil sa
muling pagpasok sa utak ko ng mga nangyari kagabi kasama ang lalaking katabi ni Igo
ay parang gusto ko ng
umatras muna at patapusin sila ngunit bago pa ako makaalis ay narinig ko na ang
pagtawag sa akin ni Eros.
"Karsyn! Hey!"
"Good morning!" si Jacob at Lance.
Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok.
"Good morning!" Bati ko sa kanila.
Inumpisahan kong ngitian si Jacob na nasa dulo at inilakad ito sa lahat maging sa
gawi ni Asher. He nodded
and smiles at me too.
"Good morning." masaya niyang bati na ibang iba sa mga mukhang puyat na kasama sa
lamesa sabay angat ng
hawak niyang tasa may kung anong lamang mainit.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang paglaglag ng panga ni Jacob maging nang
kay Eros na nasa
gitnang kanan ng lamesa.
Tumuwid ng upo si Thiago at agad na tumikhim.
"Is the world finally coming to an end?" lito ngunit mas bakas ng kapilyuhan niyang
tanong.
Nilingon lang siya ni Asher pero hindi naman nagsalita.
"Sige na. Have a nice day sa inyong lahat."
Lalagpasan ko na sana sila para tumungo sa kabilang dulo ng restaurant pero mabilis
ang naging pagtayo ni
Davos para pigilan ako't harangin.
"No. You stay here, Karsyn. Sabayan mo na kami." nilingon niya ang lamesa na ngayon
ay nilalagyan na ng
pagkain ng mga waiter.

P 19-5
"Oo nga! Join us!" untag ni Eros.
Isinenyas naman ni Jacob ang upuan ng mapunta sa kanya ang mga mata ko pero hindi
ko pa rin sila sinunod
kahit na inilayo na ni Davos ang upuang nasa pinaka-gitna ng lahat na pwesto niya
kanina.
Wala sa sariling lumipad ang mga mata ko kay Asher ng lahat sila ay tinignan ito,
siguro para kunin ang
approval niya.
Muling tumikhim si Thiago sabay siko pa rito.
Pormal na ibinaba ni Asher ang hawak niyang tasa. Nanatili ang saya sa kanyang mga
mata kahit na seryoso
naman ang kanyang ekspresyon sa harapan ng lahat. Nang umangat pabalik sa akin ang
kanyang titig ay
napatuwid na ako ng tayo.
"Join us, Karsyn." aniyang walang bahid ng pagmamataas o ano.
So talagang nagbago na siya at hindi ko guni-guni ang lahat ng mga nangyari kagabi?
Totoong hindi na
magaspang ang pakikitungo niya sa akin?!
"Please?" dagdag pa niya kaya mabilis akong nanghina at napaupo sa upuang inilahad
ni Davos sa akin!
Angel of God my guardian dear, to whom his love commits me here. Ever this day, be
at my side. To light
and guard. To rule and guide. Amen! Malakas na dalangin ng buo kong pagkatao lalo
pa't imbes na ang
pagkain ang pagtuonan ngayon ng pansin ay nasa akin ang lahat ng atensiyon nila!
Habang pinapanuod silang panuorin kami ni Asher ay parang may tumakbong kung ano sa
puso ko ng marinig
ang malakas na pagsipol ni Sergio sa intro ng kantang wind of change!
"Follow the Moskva and down to Gorky Park. Listening to the wind of change..."
madamdaming kanta naman
ni Lance na ikinatawa ng lahat.
Nahihiya kong ipinatong ang mga kamay ko sa lamesa at pasimpleng hinilot kunwari
ang sintido para lang
matakpan ang alam kong namumula ko nang mukha dahil sa pang-iintriga nila sa akin
ngayon!
"Let's eat!" ganadong sambit ni Eros nang matapos ang paglalapag ng mga pagkain
kaya kahit paano ay natigil
sila.
Kung kanina ay parang pagod na pagod ang lahat dahil sa pinuntahang party kagabi,
ngayon naman ay parang
bigla silang nabuhayan dahil sa pagbabago ng pakikitungo ni Asher sa akin.
Nag-usap sila tungkol sa mga kung anong bagay kaya nakinig lang ako. Kung minsan ay
napupunta rin sa akin
ang topic pero hindi naman kasama sa mga tanong nila si Asher kaya mabilis ko
silang nasasagot... But not
until Igo asks about something again.
"Natauhan ka ba sa pagluhod mo kahapon o sa pagkatalo?" sarkastikong tanong niyang
inilingin lang ni Asher
at hindi na pinatulan.
Nalaglag naman lalo ang panga nito.

P 19-6
"Bro, change really has fucking come." komento niya sabay sulyap ulit sa akin.
Nagkibit lang ako ng balikat at maingat na nginuya ang mga pagkaing nasa aking
bibig.
I don't want to spill what happened yesterday. Pakiramdam ko kasi ay para sa aming
dalawa lang iyon ni
Asher. Ayaw ko namang mag-assume na okay na talaga kami lalo na't nasa harapan kami
ng mga kaibigan
niya't mga pinsan dahil paano pala kung hindi naman at pina-plastic niya lang ako?
Hay! Ayaw ko ng mag-isip. Ang mahalaga ay okay na kami. Kahit plastikan o hindi,
maniniwala pa rin akong
maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa.
Binilisan ko na ang pagkain dahil ako nalang ang hinihintay nila.
"Do you have plans for today?" tanong ni Jacob sa tabi ko.
Tinapos ko ang pagkaing nasa aking bibig saka umiling.
"Wala pa naman talaga akong plano ngayong araw maliban sa pagba-vlog dito sa resort
pero parang gusto ko
ring bisitahin 'yung mga kaibigan kong bata sa kabila."
"Kabila?"
I nodded. "Iyong lugar sa dulo nitong resort."
Mas lalong nalukot ang kanyang mukha habang iniisip kung ano ang meron sa lugar na
'yon. Bago pa siya
mabaliw ay ipinaliwanag ko na.
"I just want to visit the children. Siguro mamimili ulit ako ng pasalubong bago
pumunta pero hindi rin ako
magtatagal. Kayo ba? May race pa rin ba kayo?"
"No. The race already ended yesterday," sagot niya sabay lingon sa mga lalaki.
"What are we doing today?"
"We'll rest. I don't want to drink any alcohol tonight. My head is still fucking
hurts." Si Amos.
"Pussy." natatawang komento ni Ivan.
"Fuck you."
Mabilis kong tinapos ang pagkaing nasa bibig ko dahil sa mga pinagsasasabi nila.
Parang gusto ko nalang
magtakip ng tenga!
Hindi naman sa maarte ako o hindi sanay makarinig ng mga mura pero hindi ko lang
talaga gusto iyon lalo
na't bagong umaga ito. Your day should always start with positive thoughts and
environment. Isa pa, hindi rin
talaga magandang pakinggan ang pagmumurahan lalo na't nasa hapag kainan.
"Stupid." nananadyang sabi ni Ivan kaya dumami pa ang pagpapalitan nila ng mga
maaanghang na salita.
Napapikit ako ng mariin dahil sa mga sinasabi ng dalawa. Kung hindi nga lang
masarap ang pagkain ay baka
umalis na ako at pinabayaan sila.

P 19-7
Sa huli ay hindi ko na rin napigilan ang sarili kong pigilan ang dalawa dahil
narindi na ako.
"T-That's not nice."
Kahit na wala akong karapatang pumagitna ay hindi ako nagsisi. Natigil sila at
binalingan ako. Sumunod na
rin ang mga lalaki maging si Asher na tahimik na umiinom ng kape ay natigil rin
para ibaling ang atensiyon sa
akin.
"I-I mean," I swallowed the bile in my throat. Now what Karsyn?
Buong tapang ko silang tinitigan at pagkatapos ay ibinaba na ang mga hawak kong
kubyertos para maayos na
magpaliwanag kung bakit ko iyon nasabi.
"E-Ephesians 4:29," kinakabahan kong panimula dahil hindi ko alam kung matatanggap
ba nila ang mga bible
verses ko lalo na't mukhang hindi nga nila alam kung para saan at ano ang bibliya.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ivan sa akin pero imbes na magpadaig sa kanila ay
nanindigan ako sa gusto
kong sabihin.
"Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for
building up, as fits the occasion,
that it may give grace to those who hear... H-Hindi ba mas magandang makarinig ng
maayos na usapan kaysa
sa ganyang nagmumurahan kayo? I-I'm sorry but it's really not nice to hear bad
words early in the morning..."
Nagsitanguan ang lahat habang namamangha sa mga sinabi ko.
Natigil naman si Ivan at Amos lalo na't itinaas pa ni Eros ang kanyang hintuturo sa
ere para isenyas sa
dalawa ang mga kahulugang, "Lagot kayo."
Mabilis akong yumuko dahil sa pananahimik nilang lahat. Did I just ruined
everything? This is awkward!
Parang gusto kong magsisi dahil sa pagsali ko sa kainan nila! Uminom ako ng tubig
para sana magpaalam na
pero bago ko pa iyon magawa ay natigil na ako ng marinig ang maotoridad na boses ni
Asher.
"You don't have to feel sorry for lecturing them. They're both ass..." ibinitin
niya ang sasabihin at hindi na
itinuloy ang salita. Naka-igting ang panga niyang tinitigan ang dalawang
nagsasagutan kanina. "Act your age,
both of you. May kasama kayong babae and you should always think twice before
saying something that
describes your filthy personality. Hindi na kayo mga bata," dismayado siyang
umiling at pagkatapos ay
tumayo na't sinulyapan ang lahat, maliban sa akin.
"Freaks." madiin niyang pahayag bago kami talikuran at iwan ng wala man lang
paalam.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
P 19-8
Booklat : Ceng Crdva
HAHAHAROTTTTT hmm I don’t feel good about this

P 19-9
CHAPTER 17
11.9K 795 214
by CengCrdva

CHAPTER SEVENTEEN
Heal
"That's a wrap guys!" Masaya akong naupo sa lounger pagkatapos i-film ang kabuuan
ng lugar.
Inayos ko ang lente ng camera paharap sa akin para sa mga huling salita kong
pamamaalam. Buong puso
akong ngumiti.
"Today is a good day and I'm happy and honored dahil nakasama ako sa araw na ito ng
buhay ninyo. I know
life is not always that good and sometimes it can be ruthless. May mga problema at
lungkot na mahirap
iwasan at intindihin but I want you all to know that it is okay. It's okay to feel
tired. It's okay to feel sad. It's
okay to cry and be weak but I still pray for the day that all of you will fall in
love with being alive despite of
all the negativity. I hope you fall in love with the gift of life and realize that
there's so much more to it."
matamis at dahan dahan kong sambit saka ako ngumiti sa harapan ng camera.
Inayos ko ang aking buhok na patuloy na inililipad ng pang hapong hangin. Inilagay
ko sa likod ng aking tenga
ang isang gawi at humarap sa direksiyon ng hangin para mas maayos ang hitsura ko sa
kanila.
" Psalm 34:18, the Lord is near to the brokenhearted, and saves the crushed in
spirit. So seek and you
will find him. Talk to him because he always listens," wala sa sariling napapikit
ako para simulan ang hindi
ko akalaing magagawa ko ngayong araw. "Lord, please heal our broken hearts. Fill us
with peace and joy that
I know can only come from you. Wipe our tears and strengthens us. Let no evil come
to your children, o Lord.
Heal our hearts and hold us up today, tomorrow and the rest of the days to come.
Amen!" sa pagdilat ko ay
muli akong ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Be safe and may God bless us all always!" kumaway pa ako bago tuluyang putulin ang
pagri-record no'n.
Hindi nawala ang aking ngiti kaya ng umihip ang hangin ay parang umabot na iyon sa
aking tenga.
Pakiramdam ko ay kahit wala akong lungkot na nararamdaman ngayon ay naging fully-
healed ako sa ginawa
kong dasal para sa mga taong nasasaktan at malungkot sa mga araw na ito.
Pumikit ako at dinama ang hanging patuloy akong dinadaluhan. It feels good to pray
for someone who's
hurting. Oo nga at hindi ko naman alam kung ano ang pakiramdam ng mga pinagdadaanan
nila o kung paano
ko sila matutulungan para mawala iyon kaagad but I feel like that's the best way to
help them.
Isa sa mga natutunan ko kasama si Zyd ay kung gaano ka-selfless ang pagmamahal ng
may kapal. We are all
his children and if we just believe and seek for his kingdom and glory, we will
find it. Hindi man ako
perpekto, masayahin man ako't positibo palagi pero minsan ay hindi ko rin naman
maiwasan ang malungkot at
masaktan lalo na sa tuwing naaalala ko ang mga nawala kong mahal sa buhay.

P 20-1
Kahit na masayahin ako sa harap at likod ng camera ay nananatiling may uka sa puso
ko because of their
death and I know that it will never go away. The pain will still remain kahit na
gaano katagal na panahon pa
ang lumipas. Gayunpaman, I still choose to be happy. Parte na ng buhay ang mga
kalungkutan at pagkabigo
pero ang pinaka-mahalaga naman sa lahat ay kung paano tayo lumalaban. Kung paano
natin nagagawang
maging positibo sa kabila ng lahat ng negatibo sa mundo. Iyon ang pinaka-importante
sa lahat.
"That was nice of you, Karsyn."
Marahas akong napadilat ng marinig ang boses na 'yon. Sa paglingon ko sa aking
likuran ay agad kong nakita
si Asher na nakatayo doon habang nakapamulsa. Sa hitsura niya ay parang kanina pa
niya ako pinapanuod
pero hindi lang ako malapitan dahil sa ginagawa ko.
Nahihiya akong ngumiti at umayos ng upo. Tatayo na rin sana ako pero natigil ako sa
paggalaw nang siya ang
umupo sa harapan ko.
"You really love saying bible verses, huh?" kuryoso niyang tanong na agad kong
tinanguan.
Actually, hindi naman talaga ako ganito. It's Zyd who loves reading the bible. Siya
itong mas aktibo sa aming
dalawa. Siya rin minsan ang nagtuturo sa akin ng mga sagradong salita ng
pagmamahal. Naging aktibo nga
lang talaga ako simula ng mapag-isa ako. Gabi-gabi rin bago matulog ay nagbabasa
ako. Other people may
find the word of God weird but it's okay. Iba-iba naman tayo ng paniniwala. I
respect everyone's point of
view but that doesn't mean that I will stop preaching for what I believe.
"I learned a lot from my cousin." pinagdiin ko ang aking labi.
Isa pa, sa tingin ko'y epektibo naman ang lahat ng pag gamit ko simula noong
napunta ako rito hanggang sa
pagbibigay ko ng magandang balita sa mga taong nanunuod sa akin dahil ngayon ay
medyo nakakalimutan na
nila ang tungkol kay Mr. Right. I mean kay Asher.
Tumango tango siya. Inilapag niya sa kanyang gilid ang isang pakete ng sigarilyo at
lighter na galing sa
kanyang bulsa pero imbes na magsindi ay itinuon niya lang sa akin ang kanyang buong
atensiyon.
"How often do you pray?" tanong niyang hanggang ngayon ay puno pa rin ng
kuryosidad, iyong parang hindi
siya makapaniwala sa mga ginagawa ko.
I don't know why but I'm really making him curious.
"I don't like counting. Kapag naisip ko, magdarasal ako. I don't really have a
schedule when to pray. Kapag
may gusto akong i-share kay Lord, I'll talk to him."
"Like a phone call?"
"Yeah. Bakit ikaw? Hindi ka ba nagdarasal?"
Pinantayan ko ng kuryosidad ang kanyang mga matang nakatutok sa akin. Sa ilang
segundong lumipas ay
nanatili siyang tahimik at nakatitig sa akin pero sa huli ay siya ang nagbitiw ng
tingin.
"I don't know how to pray and who should I talk to." he said and then grabs the
pack of cigarette beside him.

P 20-2
Nalaglag ang panga ko sa narinig kaya ng iangat niya ang hawak sa harap ko upang
magpaalam kung pwede
siyang manigarilyo ay tuliro akong napatango. Hindi niya ibinalik sa akin ang titig
niya. Ang kanyang
atensiyon ay nasa hawak na. Pinanuod ko siyang humithit at bumuga sa aking harapan.
Sa bawat pagbaba at
taas ng kanyang dibdib ay parang sumusunod rin ang sa akin.
He doesn't know how to pray? How come? Hindi ba kilala ng pamilya niya ang Diyos?
"W-Why? Are you an atheist?" sa wakas ay naibulalas ko.
Nagkibit siya ng balikat.
"I just don't believe that he exists. No offense."
"None taken. So ibig sabihin wala ka ngang religion?"
Now he is making me curious! Sa dami ng mga taong nakasalamuha ko ay ngayon lang
ako nakatagpo ng taong
hindi naniniwala sa Diyos.
"Catholic. I was baptized and all but that's not enough to be a believer of God
because I don't. And for me it's
more like a tradition now."
"Right." mabilis kong sang-ayon.
Kung sabagay, maraming mga tao ang nagsasabing katoliko sila pero wala naman sa
gawa. Ni hindi
makapag-simba. Kulang sa gawaing banal dahil panatag na sila sa relasyong mayroon
sila sa Diyos.
Yes, not attending to church will not send you to hell or make God love you any
less but it is not what God
hoped for us because it can hinder spiritual growth.
Zyd told me that it is not enough that you only pray. Church is important because
it represents his people. It
described as the body of Christ, company or group of believers. God wants us to go
to church because it's a
good habit. It is a part of who we are as believers. Yes, there are a million other
things we could be doing on
a Sunday but none of these reasons outweigh being in fellowship and mission. This
is what God wants for us.
At hindi lang rin basta ang pagsisimba kung hindi ang pakikinig, pagsunod at maging
instrumento ng
pagpapalaganap ng magandang balita sa pangkalahatan.
But on the other hand, marami rin namang mga taong nagsisimba at madasalin ngunit
hindi naman bukal sa
loob. We witnessed these hypocrites spend all day in church but after that they go
on hating others or
speaking ill of people. They only do that so they can be seen by many and I think
it's pathetic.
If you go to church, then live like a children of God, like a brother, like an
authentic witness and believer
because being a follower isn't determined by how many times you go to church or
help people to be admired
by others.
Ang ugat ng totoong pagsunod ay sa kailaliman ng puso nakikita at hindi sa mga
kaimpokritahang pagtulong sa
mga nangangailangan na hindi naman bukal sa kalooban. Faith is determined by how
genuine you do things in
the name of Jesus Christ our Lord.
Matthew 6:1-4, be careful not to practice your righteousness in front of others to
be seen by them. If you
P 20-3
do, you will have no reward from your Father in heaven. So when you give to the
needy, do not announce
it with trumpets, as the hypocrites do in the synagogues and on the streets, to be
honored by others. Truly
I tell you, they have received their reward in full. But when you give to the
needy, do not let your left
hand know what your right hand is doing, so that your giving may be in secret. Then
your Father, who
sees what is done in secret, will reward you.
Ang pagtulong na bukal sa loob ngunit hindi nakikita ng ibang tao ay pagtulong pa
rin sa mata ng Diyos sa
mas marangal na paraan. Iyon ang sinasabing pagtulong na walang gustong kapalit.
"I respect that, Asher. We all have or own beliefs at kahit hindi tayo parehas ay
ayos lang 'yon."
Tumango siya.
"I may not believe in the almighty but I like it when you say these verses. It's
like learning from an angel."
Muli akong napangiti.
"So you believe in angels, huh?"
Bumuga siya ng usok sa ere. "It depends if they are pretty."
Natawa akong naiiling sa sinabi niya. Kinuha ko ang aking cellphone at parang baliw
na nag live sa kabila ng
presensiya ni Asher sa aking harapan.
"Hello! I just finished filming the video that I will upload later!"
Sinulyapan ko si Asher na seryoso lang habang nagyoyosi at pinapanuod ako. Sa
pagbalik ng mga mata ko sa
aking cellphone ay marami na kaagad ang bumati sa akin at nagtatanong kung ano ang
ia-upload ko mamaya
pero hindi ko sila nasagot dahil sa pakay ko.
"Now the reason why I go live is because I just want to ask a question," pinigilan
ko ang sarili kong sulyapan
ulit si Asher dahil ayaw ko namang maging kuryoso ang mga nanunuod sa kung sino ang
nasa likod ng camera
ko. "Totoo ba ang mga anghel? Kung oo, magaganda kaya sila? Comment down below
guys!"
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong tinapos na ni Asher ang ginagawa at
pagkatapos ay kinuha na rin
ang cell phone niya't hindi na ako inintindi. Nagpatuloy naman ako sa pagbabasa ng
mga taong gustong sakyan
ang trip ko ngayong araw.
"They appeared to people without even being recognized as angels. They looked no
different than ordinary
men. Wow, Gladys! Really?" basa ko sa isang comment doon.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa at pakikipag-usap sa kanila na parang mga kaibigan
sila't kasama ngayon kahit
na ang totoo ay si Asher lang ang kasama ko.
Lumaon ang mga usapan at diskusyon sa mga anghel. Tahimik naman si Asher at mukhang
busy kaya hindi ko
na siya inabala. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa mapatuwid ako ng upo ng
makita ang mabilis na
pag-angat at mga comments at pagdami ng mga pusong nagliliparan sa aking screen.
"What happened?" kunot noo kong binalikan ang mga naunang salita nila pero sa dami
ay kusang gumagalaw
P 20-4
paangat ang mga 'yon.
"What is happening? Wait!"
GGHadhad:
OMG! Is that him? Did he just commented?
Fox5678:
Shit! It's Mr. Right! Be right back! I'll stalk him first! I'm hyperventilating!
FuckgirlAmante:
Ovaries exploding! Cherry popping! Me wanna fuck him!
Nalaglag ang panga ko ng sunod na bumalandra sa akin ang nag-iisang comment doon na
tiyak akong
pinagkakaguluhan ng lahat!
AsherTan:
Angels are real and I'm now sitting in front of one while she's doing live on
instagram, Karsyn.
Sunod sunod ang naging pagwawala ng lahat. Naramdaman ko ang panlalamig ng aking
mga kamay ng mabasa
ang mga komento at haka-haka nilang magkasama kami ngayon ni Asher!
Tuliro kong naibaba ang aking telepono pero nanatili ang live ko. Iginalaw ni Asher
ang kanyang cell phone
para sabihing siya nga iyon!
"You're an angel." he said, making my heart screamed so much inside my chest!
Unang una ay hindi pa ako nagbibigay ng update simula ng mag-away kaming dalawa
noong nag-trespass ako
sa bahay nila at pangalawa ay alam kong narinig iyon ng mga nanunuod sa akin
ngayon!
Tinitigan niyang muli ang kanyang hawak at binasa ang mga kung ano doon. Nagpatuloy
ang paglakas ng
kalampag ng aking puso dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ngayong siya
mismo ay tanggap na
tanggap na ang pagiging parte sa pangalawang buhay ko!
"They are asking for me KF and I think you know what to say to them."
Mabilis akong umiling. Ni hindi ko na nagawang gumalaw dahil hindi ko na alam ang
gagawin sa
pagkakataong ito. I'm speechless. Ang mga mata ko ay nanatili kay Asher at patuloy
siyang iniilingan kaya ng
makita ko ang kanyang pagtayo ay parang may sumabog na na kung ano sa loob ng aking
dibdib!
Pakiramdam ko'y nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng tumabi siya sa
akin at walang pagaalinlangang kinuha ang hawak kong telepono.
Parang gusto ko ng tumakbo palayo ng makita ang gwapo niyang mukha sa screen habang
nakangiti at
determinado na sa gustong gawin.

P 20-5
"Hi, it's Asher Miguel and yes... Mr. Right finally meets Miss Right." aniyang
tuluyan ng nagpabaliw sa akin!
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
??? Yiiee nagbibinata na si asher

P 20-6
CHAPTER 18
10.2K 604 85
by CengCrdva

CHAPTER EIGHTEEN
Angel
"A-Asher-"
Mabilis kong naitikom ang aking bibig dahil imbes na itigil niya ang ginagawa ay
marahan niyang pinihit ang
camera patungo sa aking gawi. Ramdam ko ang pamamasa ng aking kamay dahil sa
sobrang kabang
nararamdaman ngayon! I feel like I can hear Zydney's voice screaming in my ears!
Napalunok ako ng ngitian ako ni Asher pagkatapos ay hindi na inalis ang titig sa
akin. Wala sa sariling
napahigpit ang kapit ko sa aking kinauupuan ng makita ang pagpawi ng kanyang mga
ngiti at pagpalit ng
seryoso niyang ekspresyon.
"And she's an angel..." he said with so much admiration in his eyes.
Tuluyan kong naitikom ang aking bibig dahil sa mga sinabi niya pero bago pa ako
magmukhang tanga sa
camera ay pinatay na niya ang live habang nakatitig pa rin sa akin. Inasahan kong
babawiin niya ang mga
sinabi at amining palabas lang ang lahat para sagutin ang mga katanungan ng mga
naghihintay na muli siyang
makita pero hindi iyon nangyari.
Kinuha niya ang aking kamay at pagkatapos ay marahang inilapag pabalik doon ang
aking telepono.
"Angels are real." muli niyang sambit pagkatapos ay tumayo na at tipid akong
nginitian bago ako tuluyang
iwan.
Natalo ng tibok ng puso ko ang malakas na alon na humahampas sa dalampasigan.
Natalo ng utak ko ang
hanging kanina lang ay nagbibigay sa akin ng kapayapaan. Magulo, maingay at hindi
ko na alam kung paano
pa pakakalmahin ang sarili kahit na wala na siya sa paningin ko. Ilang beses
tumunog ang aking cell phone
pero ni hindi ko 'yon maatupag.
Ilang minuto pa akong nanatili sa gano'n hanggang sa tuluyan akong matauhan ng
makita ang pagsulpot ng mga
lalaking mga naka-topless pa habang naglalakad patungo sa gawi ko.
Ilang beses akong napalunok hindi dahil sa mga nakabalandra nilang mga katawan kung
hindi dahil sa isiping
palapit nga sila sa akin! Though wala naman si Asher at ang mga pinsan niya, hindi
ko pa rin naiwasan ang
kaba.
Nangunguna sa mga ito ang dalawang lalaking kanina lang ay sinisita ko dahil nag-
aaway sa hapag. Nauna si
Amos na umupo sa tabi ko habang si Ivan naman ay nanatiling nakatayo kasama ang iba
pang pumalibot sa
akin. Pakiramdam ko ay kahit na wala ako sa dagat at kahit na marunong naman akong
lumangoy ay para
P 21-1
akong nalulunod ngayon dahil sa mga presensiya nila.
"Sorry kanina, Karsyn." ani Amos matapos akong batiin ng mga lalaki.
Inayos ko ang mga gamit ko at kahit na hindi pa ako naka-move on sa nangyari kanina
sa pagitan namin ni
Asher ay nagawa ko pa ring hilahin pabalik sa kasalukuyan ang aking katinuan.
"Wala 'yon. I'm sorry kung medyo pakialamera ako-"
"Nah, it's our fault." pagpuputol naman ni Ivan sa aking sasabihin. Nilingon ko
siya at nginitian rin.
"Sorry." he said.
"It's fine."
"Gano'n lang talaga kami, Karsyn. Tama si Asher, dapat inisip ka namin kanina. In
behalf of these two, gusto
rin naming mag-sorry sa'yo." si Lance naman.
Muli akong ngumiti.
"I understand. Okay lang."
"Hayaan mo, simula ngayon iisipin na muna namin lahat bago kami magsasalita. Lalo
na mukhang marami
pang beses ka naming makakasama." si Trystan naman ngayon na hindi ko na maabot ang
tuwa dahil sa kung
anong ibig sabihin.
Tumayo na si Amos sa tabi ko kaya hindi na ako nakapagtanong kay Trystan. Ngumiti
naman ang iba pang
lalaki.
"We're playing volleyball, do you want to join us?" anyaya ni Thiago habang si
Sergio naman ay ipinakita
ang bolang kanyang hawak.
Pababa na ang araw at ang ilang mga ilaw sa gilid ng resort ay nag-uumpisa na ring
pailawin. Marami rin
akong kailangang gawin at intindihin pagkatapos ng ginawa ni Asher pero pumayag pa
rin akong samahan sila
kaysa sa malunod sa mga katanungan ng mga netizens.
"Sige pero manunuod lang ako o kaya scorer." tumayo na rin ako at sinundan sila
hanggang sa pwesto kung
saan una ko silang nakitang naglalaro.
"Alright," isa-isa nilang inilapag ang mga gamit sa lounger bago hatiin ang grupo
nilang hindi kompleto
ngayon.
"Four versus four muna habang wala sila." si Zake na inaayos na ang mga maglalaro.
Tahimik akong naupo sa tapat ng net katabi ang may katamtamang laking score board
na gagamitin sa laro
nila.
Dahil walo lang muna ang maglalaro ay si Thiago na muna ang nagpaubaya sa mga
lalaki para tabihan ako.

P 21-2
"Nasaan sila Eros?" kuryoso kong tanong ng magsimula na ang mga kalalakihan.
"May binili lang yung dalawa eh. Baka sumama na rin si Asher, hindi ko rin nakita
kanina pa."
Nag iwas ako ng tingin at itinuon ang mga mata sa mga kalalakihang nasa aking
harapan. Naiisip ko palang
kasi ang mukha ni Asher ilang minuto ang nakalipas habang inaanunsiyo sa lahat ang
pagkikita namin ay para
na namang may nagtatakbuhang mga kabayo sa loob ng dibdib ko! Kahit na walang
humpay ang naging pagvibrate ng cell phone na hawak ko ay hindi ko iyon inangat
para tignan. I'm not prepared for it. Maski kay
Zydney ay parang hindi ako handa kung paano ko siya haharapin para ipaliwanag ang
lahat ng ito.
"We're having a pool party later after this, do you want to join us?"
Dinagdagan ko ng puntos ang grupo nila Trystan sa score board ng maka-score sila
bago balikan si Igo.
"Kayo kayo lang ba?" tanong ko. Ngayon palang kasi ay naiilang na naman ako dahil
sa mga nakaw na sulyap
ng mga babaeng dumaraan sa gawi namin.
Kung noon ay wala naman akong pakialam sa mga sinasabi ng iba dahil wala namang
nagsasabi ng masama
sa akin, ngayon naman ay pakiramdam ko napakalapit ko sa inggit because look at
them! Kung hindi lang
talaga ako medyo nag-aayos ay baka isiping alalay ako ng mga ito o mas malala pa!
"No. Everyone who's currently checked in the resort is invited."
Pumirmi ang tingin ko sa kanyang nakangiting mukha.
"So? Punta ka mamaya?"he asked again.
"Titignan ko. Kapag wala akong gagawin lalabas nalang ako para panuorin kayo."
Muli akong nagmarka sa score board. Ang kasiyahan nila sa paglalaro ay hindi ko na
nasundan dahil sa paguusap namin ni Igo..
"Bakit panunuorin lang? Don't you want to party with us?"
Umiling ako.
"Hindi naman sa gano'n."
He chuckled. "Don't tell me, hindi ka umiinom ng alak?"
"Konti lang."
"Really?" parang gusto kong mailang ng bumaba pa ang mga mata niyang tila gustong
kwestiyunin ang buo
kong pagkatao. "Okay. I get it."
Ako naman ang natawa.
"Tinignan mo lang ako na-gets mo na? How?"

P 21-3
Natatawa siyang sumandal sa kanyang inuupuan at ibinalik ang tingin sa mga
naglalaro, ginaya ko rin ang
ginawa niya.
"I just know. Hindi ka rin naman kasi mukhang party girl and what you did earlier,
patunay lang 'yon na
against ka sa mga kasamaan sa paligid. Gaya ng mga 'yan."
Napahagikhik ako dahil sa sinabi niyang sinabayan pa ng palakpakan nila Trystan ng
makapuntos sila.
"So masama ka rin pala kung gano'n?"
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang mabilis niyang pag-ahon at agad na
paghawak sa kamay ko para
muling kunin ang aking atensiyon.
"Look at me, mukha ba akong masama?" sa pagpawi ng tuwa niya at pagpalit ng
kaseryosohan ay lalo lang
akong natawa. "Damn, don't laugh and just answer it, Karsyn."
Tinapik ko ang kamay niya kasabay ng ilang ulit na pag-iling.
"Okay! Hindi naman sa hitsura nakikita kung mabait o masama ang isang tao. Mahirap
makita 'yon, Igo."
Tinanggal niya ang kamay sa akin saka ako sinabayan sa pagtawa.
"Kung sabagay. Pero tama akong hindi ka mahilig sa party, 'no?"
I nodded at him.
"Hindi masyado pero sumasama rin naman ako sa mga party. Hindi naman ako kj."
"Good! So sasama ka mamaya ha?"
"Titignan ko." muli ko nalang sabi.
Hindi na siya nagsalita dahil kinailangan niyang palitan si Davos dahil may
kailangan itong sagutin na tawag.
Hindi na rin ako nagtagal sa panunuod nila. Nang matapos ang isang set ay nagpaalam
na akong babalik na
muna sa aking suite pero bago ako tuluyang makaalis ay halos lahat na sila'y
pinilit akong daluhan mamaya
ang malakihang party nila.
Pagpasok ko sa aking kwarto ay kinuha ko kaagad ang aking laptop para i-upload ang
na-film ko ngayong
araw. Nang ma-publish na 'yon ay saka ko lang sinagot ang kanina pang tawag ng
tawag na si Zydney.
"Spill the tea, KF!" napapikit ako ng marinig ang malakas at excited na boses ni
Zydney sa kabilang linya.
Nagmamadali kong lumipat sa kama at inayos ang sarili doon bago siya sagutin.
"There's no tea, Zyd. Alam mo naman kung anong nangyari noon 'di ba?"
"I know but what happened? Paanong naging gano'n ang pasabog niya?! Did you know
that you're now
trending on twitter because of that?!"

P 21-4
"What?!"
"Yes! Pati 'yung account ko sandamakmak na rin ang nag-follow para maki-tsismis!
Now tell me everything
please at baka hindi ako makatulog ng isang linggo!"
Kumawala ang pagtawa ko dahil sa sinabi niya.
"I guess the odds are now in my favor."
"Tanggap na niyang siya nga si Mr. Right?!"
"Zyd!"
Kung nasa harapan ko lang talaga siguro si Zyd ngayon ay baka kinutusan ko na siya
dahil siya ang nagimbento ng lahat ng ito na mabilis na sinakyan ng lahat! Lalo na
ngayong pati na si Asher ay nakikisakay na
rin!
"Bakit? Nagtatanong lang naman ako. Tsaka sabi ni Asher 'yon 'di ba? Gusto ko lang
namang i-confirm!"
"No. Marami lang talaga siguro siyang gustong pasayahin kaya niya nasabi 'yon. Isa
pa, I don't even know the
guy. Maliban sa medyo magkasundo na kami, my mga bisyo siya, mahilig siyang mag car
race at hindi siya
naniniwala sa Diyos ay wala na akong alam sa pagkatao niya."
"Wow, Karsyn! 'Yan pa ang walang alam?" mapanukso niyang tanong na nagpanguso sa
akin.
"Zyd, basta. Tsaka isa pa, malay ba natin kung may girlfriend siyang nasasaktan
ngayon?"
"He wouldn't interrupt your live if he has a girlfriend. Hindi naman siguro siya
mapanakit na tao."
Napaisip ako sandali para pagnilayan ang naging aksiyon ni Asher pero ng maalala ko
iyong mga una naming
tagpo ay naisip kong posible rin iyon. He was cruel. Hindi naman sa pakiramdam ko
kaplastikan lang ang
ipinapakita niya ngayon s akin pero hindi ko pa talaga siya lubusang kilala at
hindi pa dapat ako magconclude kung ano talaga ang totoong ugali niya.
Sabi ko nga kay Igo, hindi madaling sabihin kung malinis ba ang kalooban ng isang
tao o hindi base lang sa
pang labas na anyo maski sa iilang mga interaksiyon. Minsan kasi maski iyong mga
kakilala natin ay
makikilala lang natin ng lubos kapag nasadlak tayo. Some people will show you their
true colors kapag wala
ka ng maibigay. Kapag wala na silang mapapala sa'yo.
"We're not sure about that. Naalala mo naman 'di ba?"
"But he already redeemed himself. Tignan mo nga mas mukhang tanggap na niyang siya
si Mr. Right kaysa
sa'yo!"
Napabuntong hinga nalang ako imbes na sagutin pa siya. Nagpatuloy kami sa pag-uusap
ni Zydney pero may
marami sa ilang minutong ng pag-uusap namin ang mga pang-uusisa niya kay Mr. Right.
Mabuti nalang at
nailihis ko 'yon ng tanungin ko kung okay lang ba si Daddy sa bahay.
"Sige na. I gotta go."

P 21-5
"Where?"
"May party sa labas. Makiki-party ako." sabi ko kahit na wala iyon sa plano ko.
Para kasing kapag
ipinagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa kanya ngayon ay kung ano ano na naman ang
sabihin niya.
Ayaw ko mang isiping mas malalim pa ang gusto niyang mangyari sa pagitan namin ni
Asher ngayon ay
parang gano'n na rin ang nararamdaman ko. My cousin is my matchmaker. Noon pa man
ay marami na ring
nagtangkang manligaw sa akin at marami na rin siyang naibugaw sa akin pero wala
talaga iyon sa plano ko
hanggang ngayon.
"What? Wait, who am I talking to? Si Karsyn ba talaga 'to?"
"Yes and she's hanging up now! Bye Zydney!"
"Holy hell! Did you just call me by my first-"
Natatawa kong pinatay ang tawag. Nakita ko ang ilang mga texts na agad dumating sa
akin pero hindi ko na
siya nireplayan. Dumiretso ako sa banyo para mag-ayos kahit na wala naman talaga sa
plano ko ang dumalo
sa party ng mga lalaki. Hindi lang dahil nahihiya ako kung hindi dahil hanggang
ngayon ay hindi ko pa rin
maisip kung paano pakikitunguhan si Asher matapos ng ginawa niya kanina.
Hindi pa man ako nakakalayo ay naririnig ko na ang malakas na ingay sa may bandang
pool area ng resort.
Lumakas ay kabog ng puso ko ng marinig ko na rin ang masayang tugtuging
nanggagaling doon hudyat na
simula na nga ng party.
Ang plano ko ay dadaan lang at babatiin sila Igo na siyang nag-imbita sa akin at
makikihalubilo ng ilang
minuto bago matulog pero ang plano kong 'yon ay mukhang hindi na yata matutupad
dahil malayo palang ako
ay kusang ng lumipad ang mga mata ko sa isang lalaking ngayon ay mabilis ring
lumipat ang seryosong titig sa
akin.
Naudlot ang pag-angat niya sa hawak na beer habang sinusuri ang kabuuan ko. Para
naman akong na-estatwa
at natigil rin sa gitna ng daan dahil sa paraan ng pagtitig niyang parang ngayon
lang ako nakita.
Nanatili ang mga mata ko kay Asher at hindi man lang nagawang ibaling ang tingin
maski sa mga katabi
nitong pinsan. Para akong natulala sa isang napakagandang bagay na kahit nasa
malayo ay kayang patibukin
ng mabilis ang puso ko gamit lang ang mga matang 'yon...
"Karsyn!"
Naputol ang pagtitig ko ng makita ang nagmamadaling lalaking palapit sa akin.
"Zake."
"You came! Tara, kanina ka pa hinihintay nila Igo!" excited niyang inilahad ang
kanyang mga kamay kaya
hindi na ako nakatanggi.
Hindi ko na tinangka pang balikan si Asher na pakiramdam ko'y naiwan ang tingin sa
akin sa hindi kalayuan.
"Hey! You're here!" humiwalay ang mga lalaki sa ilang babaeng nasa table para lang
batiin ako.
P 21-6
Ang kaninang kaba ko dahil kay Asher ay trumiple pa yata gawa ng mga babaeng
mabilis na naging mapait
ang mga ngiti ng makitang magiliw akong sinasalubong ng lahat.
"Sit here. Dito ka na," si Davos habang nililingon ang paligid. Maya maya'y
binalingan niya si Gerald.
"Nasaan sila Eros?"
Inginuso ni Gerald ang gawi ng hinahanap pero hindi ko iyon sinundan. Naupo ako sa
gitna nila at sinubukang
pakalmahin ang sarili. This is nice, right? Okay lang ang ganito kahit na wala sa
plano kong adventure ang
dumalo sa mga ganitong klaseng party.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang kinukumbinsing ayos lang ito. Na
paminsan ay deserve ko rin
naman ang kaunting kasiyahan sa buhay sa kahit na hindi ko pa rin tuluyang naiisip
kung ano talaga ang
misyon ko sa ginawa kong pagbitiw sa lahat ng mga pangarap ko at paglabas sa aking
comfort zone.
"Do you like beer? Wine?"
"Wine nalang." nakangiti kong sagot kay Gerald na agad naman niyang sinunod.
Ipinakilala ako ng mga lalaki sa ilang babaeng katabi nila. Karamihan ay alam kong
hindi puro ang
pakikipag-kilala sa akin pero ayos lang 'yon. Hindi naman sila ang ipinunta ko at
hindi rin naman ako
magtatagal kaya ayos lang. Ayos lang... Ayos lang ang lahat hanggang sa magsalita
ang babaeng may maiksing
buhok na nasa tabi ni Amos at nakapulupot pa ng yakap rito.
"Wait, you're that girl right? Tama! Ikaw 'yon? You're the girl that Asher saved
from death!" bulalas nito.
Hindi sumagot ang mga lalaki. I don't know if they just respect what happened o
talagang nananahimik lang
sila dahil ayaw nilang makialam sa issue namin ni Asher. Gayunpaman, nanatiling
tikom ang mga bibig nila.
Ang iba ay may kanya-kanya namang usapan pero marami pa rin ang naghintay sa
isasagot ko.
"Y-Yeah."
"I knew it!" said the girl.
"Oo nga! Siya nga 'yon!" anang isa naman na halos lumuwa pa ang mata habang
sinisipat ako.
Nakaramdam ako ng matinding pagkailang dahil sa mga pang-uusisa nila pero nagawa ko
pa rin namang itago
iyon sa kanilang harapan. Nakita ko ang dalawang babaeng mabilis na kinuha ang
kanilang mga telepono para
kumpirmahin ang nabuksang topic at ng makita sigurong ako nga 'yon ay nakisali na
rin sa amin.
"Wow! You're so lucky! Hindi lang sa second life pati na rin sa lalaking sumagip
sa'yo!"
Pinanatili ko ang pag ngiti at panaka-nakang pag-inom ng wine para hindi nila
masyadong mahalatang
naiilang na talaga ako. I'm not good at this. Kung hindi naman dahil kay Zydney ay
hindi naman ako sumasama
sa mga party kaya ngayong wala si Zyd ay sobra nalang ang anxiety ko habang
napapaligiran ng mga babaeng
parang kakainin na ako dahil sa mga tanong. Wala na akong nagawa kung hindi ang
kausapin sila lalo na ng
makipag-palit na ang mga ito ng pwesto sa mga lalaking malapit sa akin.
"How does it feel to be his Miss Right, huh?"

P 21-7
Marahas akong napalunok sa tanong ng isa na hindi ko alam kung gusto ba talagang
malaman o gusto lang
isampal sa akin na kahibangan ang lahat ng pag-trending ng aksidenteng iyon.
"I'm not his-"
"Oh come on! Huwag ka ng pabebe 'no! Si Asher na 'yan! Imposibleng wala kang
naramdamang tuwa lalo na
ngayong nag-eexpect na ang tao na maging kayo!"
"N-No. Hindi naman siguro-"
"Sus! Aminin mo na! Masaya ba? Masaya ka ngayon 'no? I mean, imagine getting all
the attention! Lalong lalo
na ang sa isang Asher Miguel Tan!"
Pinagdiin ko ang aking mga labi dahil kahit na gusto ko silang sagutin ay hindi ko
magawa dahil sa patuloy
nilang pagpuputol sa akin at pangunguna sa buhay ko.
Sinubukan kong sulyapan si Igo para humingi ng saklolo pero mukhang hindi niya
ramdam ang nangyayari at
nag-eenjoy lang siya kausap ang mga kaibigan kaya mas lalo akong nawalan ng pag-
asa.
Napapitlag ako ng hawakan pa ako ng babaeng katabi ko.
"Ano, KF? Do you love getting all the attention?" pag-uulit niyang muling
nagpalunok sa akin.
Pakiramdam ko'y mas umatras ang dila ko at natakot na magsalita. They're
intimidating! Hindi naman sila
mukhang nanakit ng pisikal pero sa mga katanungan nila ay parang nabubugbog na ang
utak ko!
"Okay lang ba kay Asher na mag-assume kang siya na nga ang Mr. Right mo? Isn't it
pathetic?" tanong naman
ng isa na hinawakan rin ako.
Parang gusto ko ng isigaw ang pangalan ni Zydney at umasa sa himalang susulpot siya
at isasalba ako sa lahat
ng ito ngunit bago pa ako tuluyang malunod sa mga katanungan nila ay parang mabilis
rin akong iniahon sa
pagkakalunod ng marinig ang isang baritonong tinig na galing sa aking likuran.
"I am her Mr. Right," mariin nitong sabi dahilan para ang dalawang babaeng
nakahawak sa akin ay
mapabitiw kasabay ng ilan pang lumayo para harapin ngayon ang lalaking wala ng iba
kung hindi si Asher
lang!
"May problema ba kayo sa relasyon namin?" matigas nitong tanong kaya pare-pareho na
kaming natigagal!
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
P 21-8
Booklat : Ceng Crdva
Wow mdming klase ng relasyon asher?pkilinaw pls... Tama kc nrnsan q n to

P 21-9
CHAPTER 19
11.8K 681 96
by CengCrdva

CHAPTER NINETEEN
You Made Them Happy
"W-Wala naman Asher!" natatarantang hiyaw ng mga babaeng humawak sa akin!
Dahil sa pagkataranta ng isa ay natabig pa nito ang wine glass na nasa gilid ng
lamesa na agad namang
nabasag kaya ang lahat ng atensiyon ng mga taong nasa gawi namin ay mabilis na
napunta sa amin.
Ilang ulit akong napalunok hindi lang dahil sa nabasag na baso kung hindi dahil sa
mga sinabi ni Asher na
mabilis na tumatak sa utak ko!
Nahawa ako sa pagkataranta ng magsitayuan na rin ang ilang mga babae na tila gusto
ng magsitakbuhan dahil
sa biglaang pagdating ni Asher. Napatayo na rin ako.
Kabado kong nilingon ang bagong dating pero ang malakas na kalabog ng puso ko ay
dumoble pa ng makitang
hindi lang siya nag-iisa! He's with his cousins at tiyak akong narinig rin nila ang
mga sinabi nito!
Humigpit ang kapit ko sa hawak na baso ng maglakad ang mga mata ni Asher para
hulihin ang sa akin.
"Are you okay?" malumanay niyang tanong sa kabila ng matigas niyang ekspresyon.
"O-Okay lang..."
Muli niyang binalingan ang mga babae.
"Who the hell are you to ask her questions like that?" para akong nabibingi sa
lakas ng tibok ng puso ko lalo
pa ng makita ang paglitaw ng galit sa kanyang mga mata habang lumalapit sa akin.
"Who the fucking hell are
you to even talk to her?" mas malakas niyang sabi sa mga ito kaya mas lalong
namutla ang mga babaeng nasa
harapan ko.
"S-Sorry Asher! We're just-"
"Get lost," tinitigan niya isa-isa ang mga kaharap. "All of you."
Hindi ako nakapagsalita kahit na gusto ko siyang pigilan sa gusto niyang gawin sa
mga babae pero naunahan
na ako ni Jacob at Eros na punahin ito.
"Bro, that's enough," hinarap ni Jacob ang mga babae. "Sorry, lumipat nalang kayo
sa ibang table-"
"No, Seth. I want them gone. Tapos na ang party para sa kanila."

P 22-1
"Bro-"
Nakita ko ang paglunok ni Eros ng pumihit si Asher paharap sa kanilang dalawa. Kung
siguro ipinanganak
lang akong may consistent na lakas ng loob ay sumingit na ako sa kanila pero dahil
hindi ay bigo ako. Wala
akong nagawa kung hindi ang maawa sa mga babaeng ngayon ay pinapaalis na ni Asher.
Kahit naman hindi
sila masyadong maayos kausap ay tingin ko sobra naman ang ganito. Isa pa, ako itong
hindi naman talaga
balak maki-party sa kanila kaya dapat talaga ako nalang ang hindi nagpunta.
Naiwasan ko pa sa sana ang
ganito.
"Papaalisin niyo o tatapusin na natin ang party na 'to?" walang prenong sabi ni
Asher dahilan para bigong
mapasulyap ang dalawa sa mga kaharap.
Nagsitayuan na rin ang iba pa nilang mga kaibigan at ang dalawang natitirang babae
na hindi nakisali kanina
pero dahil nakapag-desisyon na si Asher ay wala na rin silang nagawa. He looks mad
at na-guilty tuloy ako
dahil alam kong ako ang dahilan kaya siya nagagalit ngayon.
Bigong sinamahan nila Lance ang mga babae paalis sa kasiyahan. Hindi na nakatingin
sa akin ang mga ito
dahil sa hiyang natamo nila lalo na't ngayon ay nasa kanila na rin ang atensiyon ng
lahat. Nakita ko pa ang
pagpupunas ng luha ng isa at pagtakip sa mukha habang palayo sa amin.
Nanatili akong tahimik kahit na naging maingay na ulit ang paligid. Mas nakatikom
nga yata ang bibig ko
habang nasa tabi ni Asher na nakikipag-inuman na sa kanyang mga kaibigan.
"Ayos ka lang?" maya-maya'y tanong ng babaeng kanina pa kasama ni Trystan.
Nginitian ko siya pabalik. "Okay lang ako."
Binitiwan niya si Trystan at pagkatapos ay hinarap na ako.
"I'm Rafaela but you can call me Raffie for short. Ikaw? what's your name again?"
"Karsyn."
"Nice to meet you, Karsyn." kinuha niya ang beer na nasa kanyang harapan at
ibinigay sa akin.
Hindi naman ako nakatanggi dahil nahihiya ako. Siya na nga lang kasi itong nag-
offer at pumansin sa akin
pagkatapos ng nangyari kaya bilang kapalit ay kinuha ko na.
"Salamat. Nice to meet you too, Raffie."
"Cheers!"
Pagkatapos naming uminom ay akala ko hindi na niya ako kakausapin pero nanatili ang
kanyang atensiyon sa
akin.
"Huwag mo ng isipin 'yung nangyari kanina, masasanay ka rin."
Napangiwi ako't hindi agad nakasagot dahil ramdam ko ang pait ng beer na gumuhit sa
aking lalamunan.

P 22-2
"S-Saan?"
Pasimple niyang inginuso si Asher.
"Diyan kay Asher. Ganyan talaga 'yan. Kapag gusto niya gagawin niya at kahit sino
ay walang makakapigil.
Kapag nagdesisyon na siya iyon na ang masusunod kaya huwag mo ng isipin 'yung
nangyari kanina. Normal
lang 'yon and besides, those bitches deserves it."
Wala sa sariling napalunok ako dahil sa mga sinabi niya partikular sa huling
salita. Ito ang unang beses na
may nakilala akong babaeng mukhang malapit sa grupo nila kaya kahit na alam kong
hindi maiiwasan ang foul
language sa kanilang circle of friends ay nagugulat pa rin ako lalo na't babae
siya. Siguro nga matagal lang
akong nakulong sa sarili kong mundo kasama si Zydney na hindi rin mahilig magsalita
ng mga maaanghang
kaya naninibago pa rin ako. But what she said made me really curious. Alam kong
nasa personalidad naman
talaga ni Asher ang gano'n pero mas lumalim ang kuryosidad ko dahil sa mga sinabi
niya. Normal na masama
ito?
"I don't agree with those girls pero sorry kung hindi ako nakasingit kanina. Ito
kasing si Trystan." napangiti
ako ng makita ang kilig sa kanyang mukha ng muling hawakan ang braso ng katabi at
pagkatapos ay may
ibinulong na kung ano pagkatapos ay sabay silang natawa.
They look cute together but I don't think that they are a couple. Sa edad kasi nila
at sa mga hitsura samahan pa
ng estado sa buhay ay alam kong ang mga lalaking ganito ay hindi madaling lumagay
sa tahimik. My mom
also said that you can never find true love during your teenage years kahit na sa
early twenties dahil hindi pa
rin daw tunay na pagmamahal ang tawag sa gano'n. It's still infatuation because we
are still too young and we
still make impulsive decisions. Sabi ni Mommy, matatagpuan mo raw ang taong para
sa'yo kapag hinog at
handa ka na sa mundo. Kapag handa ka ng panindigan ang lahat ng mga desisyon mo at
kasabay no'n ang
pagiging matured kaya I agree with her.
Sa tingin ko ay puro liwaliw lang rin sa ngayon ang hanap nila gaya ng mga normal
na young adults. Besides,
who likes to be stuck with the same girl for the rest of your life kung araw-araw
ay maraming darating sa'yo
na mas pwede mong piliin?
"Sorry," namumulang sabi ni Raffie pagkatapos tantanan si Trystan. Hindi nawala ang
pamumula sa kanyang
magkabilang pisngi kahit na nasa akin na ulit ang atensiyon.
"What was I saying?"
"Si Trystan."
"Oh..." muli niya itong nilingon. "Yeah, masyado kasing maharot."
Muli kong naangat ang hawak kong basong may lamang beer kahit na hindi ko masyadong
gusto ang lasa no'n.
I don't know what to say to her. Kahit na wala naman siyang sinasabing nakakailang
gaya ng mga babae
kanina ay hindi ko pa rin siya masabayan. Hindi lang talaga ako sanay sa ganito.
Ewan ko ba.
"K-Kayo ba?"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa tanong ko. I don't know if I offended her or
what pero matagal siya
P 22-3
bago nakasagot.
"No. We're not together pero malay natin. Tsaka kung hindi naman maging kami, I
still have eleven guys to
choose from." nalaglag ang panga ko ng lingunin niya ang mga lalaki.
Kumawala ang paghagikhik niya ng makita akong nagugulat.
"Okay! Fine, Karsyn! Ten nalang. Hindi ko na isasama si Mr. Right!"
Again, sa ilang beses na pagkakataon ay natahimik ako't walang mahagilap na
salitang pwedeng isagot sa
kanya.
"Pero kahit hindi mo na ako karibal kay Asher marami ka pa ring makakalaban
pagdating diyan." aniya sabay
sulyap ulit sa lalaking nasa tabi ko kaya para tuloy akong baliw na napalingon rin.
Naputol naman ang pagsasalita nito dahil sa paglingon naming dalawa.
"What?"
Mabilis akong umiling.
"You need anything?"
Iling lang ulit ang isinagot ko bago balikan si Raffie.
"Hindi naman ako makikipag-away sa kanila. Wala naman kaming relasyon ni Asher at-"
"I doubt that!" tuwang tuwa na putol sa akin ni Rafaela. "Kung hindi ikaw ang
makikipag-away, baka si Asher
nalang ang lalaban para huwag ka lang makuha ng iba!" makahulugan pa siyang
kumindat pero hindi na ako
binigyan ng pagkakataong sumagot dahil ibinalik na niya ulit kay Trystan ang
kanyang buong atensiyon.
Isang inom, dalawa, tatlo hanggang sa parang nagustohan ko na ang lasa ng beer na
kahit kailan ay hindi ko
akalaing matitikman ko sa tanang buhay ko. Nakinig ako sa mga usapan sa lamesa pero
kahit na malalakas ang
boses nila para pantayan ang ingay ng masayang tugtugin sa paligid ay mas
nangingibabaw pa rin ang mga
boses sa utak kong pilit akong kinakalma't binibigyan ng tamang katinuan para
makapag-isip kung paano na
ako magpapaalam ngayon.
Ang pagtatalo ng mga boses sa aking utak ay kusang nanahimik ng maramdaman ko ang
pagharap muli sa akin
ni Asher.
"You don't seem like enjoying the party."
Ibinaba ko ang hawak na baso sa lamesa at pagkatapos ay nagpakawala ng isang
malalim na paghinga.
"I'm sorry if it's that obvious."
"It's fine." naitikom ko ang aking bibig ng iwan niya ako at muling balikan sila
Eros.
Now what? Paano na ako makakaalis ng maayos rito? Muli akong nag-isip pero hindi
naman nagtagal ay

P 22-4
naputol rin ang pananahimik ko't pakikipag-diskusyon sa aking utak ng makita ang
pagtayo ni Asher at
pagbaling sa akin sabay lahad ng kamay sa aking harapan.
"Let's go?"
Nahihipnotismong nalaglag ang mga mata ko sa kanyang palad na nakalahad ngayon!
"W-Where are we going?"
Iginalaw niya ang kanyang kamay at pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
"Kung saan mo gusto."
Hindi na ako nagtanong pa. Tinanggap ko ang kamay niya, convincing myself that he
is my only escape.
Kanina pa ako humihiling ng pagkakataong makaalis at ito na 'yon kaya kahit na
sobra ang pag-aalburoto ng
puso ko ay nagawa kong sumama sa kanya.
Nagpaalam ako sa mga lalaki na agad namang naintindihan ang desisyon ko. I mean
paano nga ba nila ako
kokontrahin kung buong durasyon no'n ay katabi ko si Asher?
"Okay lang ako, Asher. Bumalik ka na sa party niyo," nilawakan ko ang ngiti ko ng
balingan siya pero nanatili
ang kanyang seryosong ekspresyon. "Kaya ko namang umuwi mag-isa."
"Are you sleepy?" tanong niya imbes na hayaan akong umalis.
Umiling ako. "Hindi pa naman bakit?"
"Do you wanna come with me?"
"Where?"
Hindi na siya sumagot. Bumagal ang lakad niya para hintayin akong mapantayan siya
at pagkatapos ay walang
sabing hinuli ang aking kamay.
Pakiramdam ko'y tuluyan na akong tinakasan ng aking boses habang hawak ang kanyang
mainit na palad... At
gaya ng mga kaibigan niya ay parang naging sunod-sunuran nalang rin ako kay Asher.
"Wow..." hindi ko napigilang bulalas ng makarating kami sa itaas na parte ng
resort.
Habang pababa ako sa paikot na hagdang gawa sa purong kahoy at hawak ang barandilya
nito ay parang
nalalasahan ko pa ang karangyaan ng lugar. Sabay kaming bumaba ni Asher patungo sa
mga nakahilerang
kulay puting couch sa gilid na napapagitnaan ng isang stone fire pit na tila kanina
pa kami hinihintay.
Binitiwan lang ni Asher ang kamay ko ng maihatid na ako malapit sa mga upuan at
pagkatapos ay nagpaalam
na muna sandali kaya tumungo nalang ako sa dulo para sipatin pa ang tanawing kayang
abutin ng aking mga
mata.
Sa ibaba ay nakita ko kaagad ang malilikot na ilaw na tiyak akong galing sa party.
Lumakad pa ang mga mata
ko patungo sa parte ng dagat na kahit nasa malayo at madilim ay hindi napigilan ang
puso ko sa pagtutumalon.

P 22-5
I bet this place is nicer during sunlight. Ngayon pa lang na gabi ay namamangha na
ako, ano pa kaya kapag
nakulayan na ng haring araw ang mga tinatanaw ko ngayon?
Umayos ako't naupo ng maramdaman ang pagbalik ni Asher pagkatapos ng pakikipag-usap
sa kung sino gamit
ang telepono. Tahimik siyang umupo sa harapan ko.
"Mayroon palang ganito rito." bungad ko sa kanya para na rin matanggal ang
tensiyong kanina ko pa
nararamdaman.
"It's my favorite spot and it's not accessible to the guests."
Sinundan ko ang mga mata niyang lumipat rin sa gawi ng tinitignan ko kanina, sa may
dalampasigan.
"Bakit mo ako dinala dito kung gano'n?"
Hindi siya kaagad sumagot kaya muli ko siyang nilingon. Inilagay niya sa sandalan
ng inuupuan ang kanyang
kamay at pumihit paharap sa akin para mas maayos akong maharap. Sa kabila ng
malamig at malakas na ihip
ng hangin ay para pa rin akong nabibitin sa paghinga lalo na ng muling magtama ang
mga mata namin.
Nagkibit siya ng balikat.
"Hindi mo na sana ginawa 'yon. Dumaan lang naman ako para pagbigyan sila Igo. Kung
alam ko lang na
magiging gano'n ang sitwasyon, sana hindi nalang ako pumunta."
"That's not your fault, Karsyn. They're being rude and I hate rude people."
Kusang kumurap ang mga mata ko at hindi agad nakapagsalita. Para akong baliw na
napatitig nalang sa kanya
at inisip na kung ayaw niya sa mga rude people...
Napatuwid ako ng upo ng makita ang pag-iling niya kasabay ng pagsilay ng isang
sarkastikong ngiti na parang
may nakuhang sagot sa akin hindi pa man ako nagsasalita.
"I know what you're thinking and no."
Umiling ako kaagad.
"Wala akong sinasabi."
"This is self love, Karsyn. I may be rude but I can't hate myself for that."
"I didn't say anything about your rudeness, Asher. Ang gusto ko lang sabihin, sana
hindi nalang ako nagpunta
para naiwasan 'yon."
"But I'm still glad that you came. It's nice seeing you around."
"R-Really?"
He nodded. "Absolutely."

P 22-6
Nang hindi ko na makayanang titigan ang kanyang mga mata ay iniwas ko na ang aking
tingin at ibinalik iyon
sa ibaba pero hindi rin naman nagtagal ang katahimikan sa pagitan namin dahil sa
mga yapak na dumating.
"Good evening Sir Asher," bati ng lalaking may mga bitbit na tingin ko'y pagkain,
"Madam." magiliw niya
ring bati rin sa akin bago ilapag sa lamesang nasa gilid namin ang mga hawak.
Sumunod naman ang isang may dalang isang bucket na may lamang dalawang bote ng
tingin ko'y wine.
Nagpasalamat si Asher sa dalawa at umayos na para buksan ang isa at salinan ang
dalawang baso.
"Thank you." kinuha ko ang ibinigay niya.
Tumango lang siya at mabilis na tinungga ang hawak na alak bago nagsaling muli sa
baso niya kaya
nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-ipon ng sapat na lakas ng loob para ungkatin
ang nangyari kanina sa
live.
"About what happened earlier," may pag-iingat kong sambit. "About do'n sa live...
Alam kong ginawa mo
lang 'yon para magpasaya ng mga tao kaya thank you, Asher. You made them happy
today."
Imbes na sagutin ako ay inubos niya lang ang pangalawang salin ng wine sa kanyang
baso. Wala sa sariling
napalunok ako at napatulala nalang sa kanya habang sinusundan siyang magsalin ulit
at uminom ulit.
I don't know how he did it pero ngayon palang ay sigurado na akong kaya niyang
ubusin ang dalawang bote
ng wine sa isang upuan lamang! Nakakamangha in a way na parang gusto ko ring
mangialam sa buhay niya.
Kahit kasi mas healthy ang wine kaysa sa beer ay masama pa rin kapag sobra.
Ako naman ang napainom ng tigilan niya ang pangatlong baso at pagkatapos ay
inilapag ito pabalik sa lamesa
para ibigay na sa akin ngayon ang buong atensiyon.
"No worries," he murmured softly.
Pakiramdam ko'y tuluyan ng naubos ang hanging natitira sa baga ko ng makita ang
paglamlam ng kanyang mga
mata kasabay ng bahagyang pagkinang ng mga iyon habang titig na titig na ngayon sa
akin.
"Ikaw ba... Did I make you happy?"
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
NEED KO MAGREREAD SA CAMPBELL SERIES!!!! OMG SHE’S THAT GURL!!!!

P 22-7
CHAPTER 20
11.9K 667 79
by CengCrdva

CHAPTER TWENTY
Partner
"O... O-Oo naman!" nauutal kong sagot sa kanya.
Holy hell! I didn't expect that question! Not at all! Kahit para sa kanya ay normal
lang sigurong tanong iyon
ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit napakalaki na ng dating para sa akin!
If I can only hear what the wind is saying right now, baka mas lalo akong nabingi
sa pagsigaw ng kabuuan ko.
Habang nakatuon kasi ang mga mata ni Asher sa mga mata ko ay parang nananadya naman
ang hangin dahil sa
paglakas nito na parang gustong manuot hanggang sa aking kalamnan.
His lips curved a sweetest smile. "And now you're making me happy."
Ngumiti rin ako ng pagkatamis-tamis.
"Dahil happy ako?"
He nodded.
"That's nice of you, Asher."
Kung kanina ay seryoso lang siya at simple ang mga ngiti, ngayon naman ay natawa
siya sa sinabi ko.
"Bakit?"
"Nothing."
"Bakit nga?"
Pinagdiin niya sandali ang kanyang mga labi bago umiling at sumagot.
"Naninibago lang akong makarinig ng matinong comments para sa sarili ko."
Muli akong napasimsim sa hawak ko. Well siguro nga may kasamaan rin siyang taglay
pero sa nakikita ko
ngayon, sa puntong ito ay walang masama sa pagkatao niya. I feel like this is the
real Asher... O baka feeling
ko lang?
"Bakit naman? You don't believe that you're nice?"
Nagpatuloy siya sa pag-ubos ng alak sa baso at pagkatapos ay muling nagpaalam sa
akin na maninigarilyo.
P 23-1
Gaya ng mga nauna't parehong sitwasyon ay walang hirap naman akong pumayag kahit na
tutol ako sa
pagiging second hand smoker.
"I'm not nice." aniya pagkatapos ibuga ang unang hithit sa hawak.
"And why is that?"
Inangat niya ang basong nasa kanang kamay at uminom pagkatapos ay inangat naman ang
yosi sa kaliwa.
"People with vices are not nice."
Wala sa sariling nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga.
"I disagree to that, Asher Miguel. That's stereotyping," pinanuod ko siyang
ipagpatuloy ng salitan ang bisyo.
"You know, lahat naman ng tao sa mundo may angking kasamaan pero hindi dahil sa
bisyo 'yon. Some maybe
a bit intimidating lalo na iyong mga burdado ang katawan but that doesn't mean that
they are the worst. And
not because you have vices means that you're evil. Today, you made so many people
happy, kasama na rin
ako tapos inilayo mo pa ako kanina sa mga babae and that is you being nice. You are
nice."
Tipid na ngiti lang ang tanging isinagot niya sa akin.
"You're still not convinced, huh?"
Nagkibit siya ng balikat habang patuloy lang na nakapirmi ang mga mata sa akin.
Umayos ako ng upo at
uminom na rin ng kaunti para magkaroon ako ng lakas ng loob na patuloy siyang
kontrahin.
Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis matapos ibaba ang basong hawak.
"You saved me, Asher," mabagal at klaro kong sambit na nagpakurap sa kanya. "You're
basically my
guardian angel now dahil dalawang beses mo na akong sinalba. Una noon sa aksidente
at ngayon naman sa
pang-iintriga ng mga babae sa party mo. Siguro nga may pagka-bad ass ka o masungit
pero naniniwala akong
mas lamang 'yung kabutihan sa puso mo."
My statement made him swallowed the bile in his throat. Mabagal ang naging sunod
niyang paghithit at
pagbuga ng usok sa ere dahilan para sandaling matabunan ang kanyang makinang na
matang nakatutok sa akin.
"You're just being thankful because I saved you from those girls."
Natawa ako dahil ngayon ay alam kong naiisip niya na rin ang mga sinabi ko at konti
nalang ay hindi
malabong maniwala na rin siya.
"Paano mo nalamang kailangan ko ng pagsalba kanina?" I asked lightly.
Ayaw ko rin kasing masyadong lumalim ang pag-uusap namin dahil kahit na pakiramdam
ko'y mabait naman
talaga siyang tao ay hindi pa rin ako dapat magsiguro... Even Jesus was deceived by
Judas. Isa na iyong
example na minsan kailangan mo ring pakinggan ang mga ibinubulong ng utak mo. Yes,
you can still be nice
but you should always guard your emotions because at the end of the day, sarili mo
lang ang makakapitan mo.
Ngayon, kung basag ka na at walang wala, paano ka pa babangon? Just like what he
said, self love. Iyon ang
pinaka-importante sa lahat.
P 23-2
"I just know."
"Dahil tahimik ako?"
Umiling siya.
"Paano pala? Sa pagkakaalam ko wala naman akong sinabi na kailangan ko ng tulong.
Maliban nalang talaga
kung guardian angel kita. Guardian angels are made to guide and save a person from
danger."
Muling lumawak ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung nakakatawa
lang ba para sa kanya na
maging guardian angel siya o naniniwala na siya ngayon sa kabaliwan ko?
Tinapos niya ang sigarilyo kasabay ng natitirang laman sa kanyang baso at
pagkatapos ay muling sumandal sa
kanyang inuupuan. Pinanuod ko siyang ilatag ang magkabilang kamay sa sandalan nito
at ipilig ng bahagya
ang ulo para lang muli akong titigan.
"I know you need my help because I was watching you the whole time, Karsyn,"
Pakiramdam ko'y nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. Ang mga bandila ng ngiti ko ay
kusang nahatak pababa
para matulala nalang sa kanya.
"I know you're not comfortable with partying but you still came for the boys. Igo
said that he invited you
earlier pero sinabi kong hindi ka pupunta kaya no'ng nakita kita kanina, hindi na
nawala ang buong atensiyon
ko sa'yo."
"B-Binantayan mo ako? Hindi ka napagod?"
That made him laugh.
"It's my pleasure watching over you. Paano nga kung ako na talaga ang guardian
angel mo?"
Natawa na rin ako. Pakiramdam ko'y napupuno ng tuwa ang aking puso dahil ngayon ay
feeling ko
nakakasaksi ako ng isang pribadong palabas na bilang lang ang pwedeng manuod.
I'm now witnessing the lighter side of him. Iyong hindi iritado, masungit at galit
palagi. Ngayon, habang
nakikipagtitigan ako sa kanyang mga matang malambot at nagniningning sa tuwa ay
parang ang swerte swerte
ko. Parang dapat akong lumuhod at magpasalamat kay Lord para sa pagkakataong ito
pero siyempre hindi ko
'yon gagawin dahil sobrang weird no'n.
"May choice pa ba ako? I think you're the best guardian angel. Tignan mo, hanggang
ngayon buhay pa rin ako
dahil sa'yo."
"And you deserve this second life, KF. You're already making millions of people
happy and I hope you
continue inspiring them."
Pinagdiin ko ang aking labi at marahang tinanguan ang sinabi niya.
"Hindi lang naman ako. You're now part of this, Asher Miguel. Marami ka na ring
napasaya at napatunayan.
Gaya nalang sa pagpapatotoo na nangyayari rin ang mga bagay na imposible."

P 23-3
Umangat ang kanyang kamay para suklayin ang kanyang buhok pero hindi na bumalik ang
palad niya sa
sandalan. Pumirmi iyon sa kanyang baba habang ang hintuturo ay nakalapat na ngayon
sa kanyang
namumulang labi.
"So what's next?"
"Next?" Litong tanong ko.
"You said I'm part of this, right? Kung gano'n, we're now a team so what's next for
us?"
Para akong nawala sa katinuan at naging lutang na naman sa harapan niya. Oo nga at
tama naman ang sinabi
kong kasali na siya sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko lalo na dahil sa ginawa
niya kanina pero hindi ko
naman akalaing ganito ang magiging pagtanggap niya sa lahat! No, ni hindi ko naisip
na isasama ko siya sa
mga susunod kong gagawin kaya wala akong nasabi.
"I'm not saying that you need to include me on your vlogs. Kahit wala ako. I just
want to be part of it. Habang
narito ka, kahit sa likod ng camera, I want to help you."
Mas lalo akong natahimik pero kahit na wala akong maisagot sa offer niya ay hindi
naman nawala ang
kanyang ngiti.
"You're helping the people on the other side of this resort, right?"
I'm not really helping them dahil maliban sa pagbisita at pagbibigay ng ilang
regalo sa mga bata ay wala pa
naman akong naiaambag para gumaan ang buhay nila pero dahil sa kalutangan ko ay
tumango ako ngunit
nanatili pa ring tikom ang bibig.
"Bibisitahin mo ba sila bukas?"
Again, tumango ako.
"Can I be part of that?"
My mind screamed to that. Parang may kung anong pumintig sa aking sintido dahilan
para makahugot ako ng
boses para masagot siya agad agad.
"A-Are you sure? Pero paano ang mga kaibigan mo? Wala ba kayong gagawin bukas?"
Napalunok ako ng muli siyang gumalaw para magsalin ulit ng alak sa baso niya.
Pinigilan ko ang sarili kong
pigilan si Asher dahil nakakailang baso na siya ngayon palang. Hindi ko pa bilang
kung nakailan na siya
kanina bago magsimula ang kasiyahan sa ibaba.
"My partner needs me. Ikaw ang partner ko kaya dapat ikaw ang kasama ko."
"But you don't have to, Asher. Kaya ko namang mag-isa tsaka isa pa..." nag-isip ako
ng tamang sagot para
makumbinsi siyang kaya ko pero tanging ang isiping mas mapapadali akong mag-vlog
kapag may kasama ako
ang siyang pilit na sumiksik sa utak ko kaya hindi na ako nakapag-patuloy.
"I won't take no for an answer." aniyang nagpalunok ulit sa akin.

P 23-4
Wala sa sariling inangat ko ang hawak kong baso at lumagok doon ng ilang beses para
kahit paano ay
makakuha pa ako ng sapat na lakas ng loob para sagutin siya.
"Okay. I-Ikaw ang bahala."
Lumawak ang kanyang ngiti. "What time?" tanong niya na sinulyapan pa ang itim na
relong nasa kamay.
"Sure ka ba talagang sasamahan mo ako?" tanong ko imbes na sagutin nalang siya.
"Hundred percent."
"Okay lang talaga? Okay lang sa kanila?"
"Kanino?"
"Sa mga kaibigan mo. 'Di ba kaya kayo nandito ay para magbakasyon at makapag-
bonding?"
"They'll be fine with any of my decision."
"Sure?"
Muli siyang tumango. Kahit na mukhang nakukulitan na siya sa akin ay hindi ko pa
rin talaga kayang pigilan
ang magtanong dahil baka naman napipilitan lang siya at nape-pressure lang sa
sitwasyon naming dalawa
ngayon pero mukhang mas lamang sa kanya ang determinasyong tuparin ang sinabi kaya
sa huli ay pumayag na
rin ako.
Marami pa kaming napag-usapan ni Asher pero hindi naman kami nagtagal doon.
Pagkatapos naming kumain
ay hinatid niya na rin ako sa aking suite. Hindi na kasi ako bumalik sa party dahil
sinabi kong maaga akong
bibisita kina Toto bukas na agad naman niyang naintidihan. Bago siya umalis ay
sinabi pa niyang matutulog
na rin siya para hindi ma-late sa oras na sinabi kong pagpunta namin sa kabilang
baryo.
Hindi ako kaagad nakatulog. I edited some of my videos. Nag-reply rin ako sa mga
messages na kaya kong
replayan at sagutin patungkol sa pagkikita't pagiging malapit na ulit namin ni
Asher. Pagkatapos kong maayos
ang mga files ko ay nahiga na rin ako. Ang plano kong maagang matulog para bukas ay
naunsiyami dahil sa
patuloy na pangungulit ng mga tagahanga.
Ang ilang minutong ipinangako ko sa sarili ko ay naging oras hanggang sa hindi ko
na namalayang alas dose
na pala ng gabi. Kung hindi ko pa nabasa ang isang direct message na siyang bumuhay
sa ilang parte ng
pagkatao ko ay baka nalibang na ako ng tuluyan!
AsherTan:
Tulog na.
Napaawang ang aking bibig sa nakita dahil sa magkahalong pagkamangha at gulat dahil
sa message niyang
'yon. Kung siguro'y hindi lang inaantok ang kalahati ng katawan ko ay baka hindi na
ako napakali! Ilang
minuto akong napatitig doon pero nang makita kong muli siyang nagta-type ay mabilis
akong nagtipa ng sagot
para sa kanya.

P 23-5
Ako:
I'm about to sleep.
He stopped typing when he sees my reply.
Ako:
Ikaw bakit gising ka pa?
Tsaka bakit may pag-direct message? Bulong ng utak ko.
Pakiramdam ko'y parang gusto ko na talagang maniwalang walang imposible. Noon kasi
ay hirap akong
isipin kung paano magku-krus ang landas namin ni Asher pero ngayon ay siya pa itong
nag-insist na ngayon ay
team na kami.
It's really weird to think that I'm now close to him when few days ago he didn't
even wanted to see me.
Siguro nga minsan talaga hindi mo makokontrol ang pababago ng sitwasyon at sa
ngayon ay wala na akong
pwedeng gawin kung hindi ang magpaanod nalang sa daloy ng mga nangyayari at
magdasal sa magandang
kalalabasan ng lahat ng ito.
AsherTan:
I forgot to ask for your number tapos naisip kong baka dito pwede kitang ma-
contact. I'm following your
tweets and replies, pinag-iisipan ko kung ime-message kita.
Ako:
Bakit? May nakalimutan ka bang sabihin?
AsherTan:
Wala naman.
Ako:
:)
AsherTan:
Meron pala.
Ako:
Ano?
AsherTan:
Nakalimutan kong sabihin na matulog ka ng maaga. It's already twelve am, Karsyn.

P 23-6
Kusang umarko ang labi ko ng mabasa iyon.
Ako:
I know pero matutulog na rin naman ako. Ikaw rin matulog ka na.
AsherTan:
Ladies first.
Ako:
Uso pa ba 'yon?
AsherTan:
Uso sa'tin.
Umangat ang aking kanang palad para takpan ang aking bibig na abot na yata hanggang
tenga ang ngiti. Imbes
na sabihin sa kanyang natutuwa ako sa mga nababasa ko ay pinutol ko nalang ang
usapan namin at nagpaalam
na.
Ako:
Good night Asher Miguel Tan.
AsherTan:
Alright. Sleep well.
Gano'n nga ang ginawa ko. Kahit na hindi pa rin maubos-ubos ang mga nagcha-chat
ngayon sa akin ay
binitiwan ko na ang aking telepono para gawin ang sinabi kay Asher.
Maaga akong nagising kinabukasan hindi dahil excited akong makita si Asher o sila
Toto kung hindi dahil sa
tawag ni Zydney. Sinabi nitong ilang araw nalang ay magiging libre na siya at pwede
na akong puntahan dito
sa Batangas.
"Friday?"
"No. Baka Monday pa pero pupuntahan kita. Diyan ka lang ba sa Batangas?"
Sinuklay ko ang basa kong buhok gamit ang aking mga daliri at pagkatapos ay inipit
ang telepono sa aking
leeg para ayusin naman ang mga gamit na dadalhin ko ngayong araw.
"Oo. I still have a lot to do here pero hindi na gano'n katagal."
"What place do you plan to visit next?"
"I don't know. We'll figure it out. Sasamahan mo ako do'n!"

P 23-7
She chuckled on the other line.
"Fine! Gusto ko rin talagang matikman 'yung katas ng pinaghirapan mo!"
"Okay. Ikaw ang unang una kong ililibre."
"Good! Oo nga pala, may ipapadala ka bang gamit? Ang daming mga padala ditong
products. Daig pa nga
nating may OFW na kamag-anak abroad."
"Products?"
"Yep! Hair products, panligo, make-ups and stuff! Basta marami."
Isinilid ko sa aking bag ang aking camera at wallet pagkatapos ay isinuksok naman
sa aking bulsa ang susi ng
aking kotse kahit na plano kong maglakad nalang sana papunta sa kabila tutal maaga
pa pero dahil kasama ko
si Asher ngayon ay baka ipag-drive ko nalang siya.
"Pwede mo bang madala 'yung mga pang everyday use? May pagbibigyan ako."
"Okay. Magpapahatid naman ako papunta diyan tapos the whole trip Ikaw naman ang
magiging driver ko 'di
ba?"
Ako naman ang natawa sa sinabi niya.
"Oo na po! Sige na, I'll go ahead."
"Wait, ang aga pa ah? Saan ka pupunta ngayon?"
"You'll see in my next vlog. Tsaka..." napalunok ako at hindi kaagad nadugtungan
ang sasabihin dahil
siguradong kung hindi siya sisigaw ay baka mahimatay siya kapag nalamang kasama ko
ngayon si Asher sa
gagawin.
"Tsaka?"
"Tsaka, I'll text you nalang! Sige na bye bye, Zydney!"
"Hey-"
I ended the call. Isiniksik ko na rin sa likod ng aking pantalon ang hawak na
telepono at muling Inayos ang
sarili.
Hindi na ako nagtagal dahil baka Naghihintay na si Asher sa akin o siya ang
kailangan kong hintayin dahil
nakalimutan kong sabihin kung saan kami magkikita ngayong araw.
Pagkatapos kong makuntento sa aking repleksiyon ay binalikan ko na ang aking maliit
na backpack na nasa
kama at agad iyong isinukbit sa magkabila kong balikat.
Inisip ko kung may nakalimutan pa ba ako bago puntahan ang pintuan pero natigil ako
sa paglalakad patungo
doon ng maisip kong i-message si Asher para kahit paano ay alam niyang gising na
ako at ready na. Okay

P 23-8
lang naman sa aking hintayin siya. Kung hindi man siya nagising at hindi na
makakasama ay okay lang rin
pero bago ko pa makuha ang telepono ko sa aking bulsa ay natigil na ako ng marinig
ang tatlong beses na
pagkatok sa aking pintuan.
Natataranta naman akong napapunta doon pero hindi kaagad iyon nabuksan dahil sa
pag-aalburoto ng puso
ko!
Karsyn, calm the holy down! Sigaw ng aking utak na mukhang nakatulong naman dahil
mabilis akong
nakabawi sa kaba't kalmado ng binuksan ang pinto pero ang kaninang mini heart
attack dahil sa katok ng kung
sino ay parang naging major heart attack ng bumalandra sa aking mga mata hindi lang
ang nakapamulsa't fresh
na fresh na kabuuan ni Asher kung hindi maging ang labing isa pa niyang kaibigan!
Mabilis na nagtagpo ang aming mga mata pagkatapos kong sulyapan ng mabilis ang mga
lalaking nasa
kanyang likuran na halos sabay sabay pa akong binati.
Wala akong nasabi kay Asher. Tanging ang mga mata ko ngayon ang nagtatanong sa
kanya kung ano ang
nangyayari na agad niya namang naintindihan at sinagot.
"They're not listening to me, Karsyn. Ilang beses ko na silang itinaboy but look at
them," iritado niyang
sinipat ang mga nakabuntot sa kanya bago ibalik sa akin ang titig. "Can you tell
them to get the fudge away
from us?" masungit ngunit may bahid ng pagmamakaawang hiling niya sa akin.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Haha ang kukulit Hahahahaha

P 23-9
CHAPTER 21
9.4K 613 59
by CengCrdva

CHAPTER TWENTY ONE


Her Happiness
Nakita ko ang sabay sabay na pag-iling ng mga lalaki para kontrahing muli si Asher.
"Sa'yo lang kami susunod ngayon, Karsyn!" si Igo na tumabi pa at inakbayan ang
lalaking nagsusungit na
mukhang wala na nga talagang magawa dahil nasa akin na nakasalalay ang desisyon
kung pasasamahin ko sila
o hindi ngayon.
"Say no." pabulong na sabi ni Asher pagkatapos hawiin ang kamay ni Igo na siyang
ikinatawa ni Eros.
"Ang aga mong magdamot!" naglakad na rin ito sa gilid ni Asher. "Sama na kami,
Karsyn? Baka kailangan mo
ng bodyguard e."
Naitikom ko lalo ang aking bibig ng makita ang madramang pagpihit ng mukha ni Asher
para lingunin ang
pinsan.
"You don't think I can make her safe?"
Natatawang itinaas nito ang dalawang kamay sa ere bilang pagsuko.
"Dude, what I mean is baka kailangan niya ng mas marami pang bodyguard para mas
malayo siya sa danger!
'Yon lang!" depensa agad nito.
Iritadong nanatili ang titig ni Asher sa pinsan niyang minamaliit ang kapasidad
niya bilang bodyguard ko.
Wait, hindi ko naman kailangan ng bodyguard! Wala naman sigurong masamang tao sa
lugar na 'to at kung
mayroon man... Napalunok ako't naputol na ang pag-iisip ng muling magsalita si
Asher.
"I snatched her away from death, Eros. Baka nakakalimutan mo," matigas niyang sabi
rito na ngayon nama'y
dahilan ng pag-awang ng aking bibig.
Gusto ko na sanang sumingit para matigil na ang diskusyon nila pero muling
nagsalita si Asher kaya hindi na
naman ako umubra.
"We don't need more people today. Isa pa, kayang kaya kong maging isang dosena kung
kailangan para
protektahan si Karsyn."
"Wow! Like Naruto, huh! I like that!" pabirong singit ni Trystan.
"Kage bunshin technique!" hiyaw naman ni Lance na mas lalong nagpaalat sa timpla ni
Asher.

P 24-1
"Funny, but no." muli niyang putol sa katuwaan ng lahat pagkatapos ay isa-isang
sinipat ang mga ito para lang
sungitan ulit.
Imbes na makisali na sa kanila ay lumusot ang tingin ko papunta kay Jacob na
tahimik lang at pangiti-ngiti sa
kulitan ng kanyang mga pinsan at kaibigan. Hindi napigilan ng mga mata kong
magtanong sa kanya kung ano
ang dapat kong gawin pero nagkibit lang siya ng balikat. Muli, sinulyapan ko ang
mga lalaki na mukha
talagang kahit napuyat kagabi sa party ay maaga pa ring gumising para lang
masamahan kami ni Asher
ngayong araw at maging bodyguard ko.
Nang tumigil kay Asher ang mga mata ko ay pasimple siyang umiling pero dahil hindi
ko naman kayang
tanggihan ang mga kaibigan niya ay agad ring nalukot ang aking ekspresyon. Nakita
ko ang pagbuntong hinga
niya ng maisip ang desisyon ko dahil sa aking hitsura. I can't say no to them at
alam niya 'yon.
I mouthed 'I'm sorry ' to him pero imbes na magalit ay bigo nalang siyang tumango
pagkatapos ay muling
sinipat sa matalim na titig ang mga kaibigan.
"These Jerts." inis niyang bulong sa mga ito na kahit ibang salita ang ginamit ay
kuhang kuha ko pa rin.
"Asher... O-Okay lang naman sa akin." unang salita ko palang ay agad na silang nag-
ingay at naghiyawang
akala mo'y may nanalo sa lotto!
"Yes!" nag-apiran pa ang iba lalo na ng makita ang mas lalong pagpait ng ekspresyon
ni Asher.
Sa huli ay wala na ngang nagawa ito. Bago tumulak kina Toto ay kumain muna kami.
Ang plano ko sanang
simpleng pagbisita lamang doon ay hindi ko na namalayang naging sobrang big deal na
dahil sa presensiya ng
labing dalawang kasama ko.
We decided to walk, sabi ni Eros ay ayos daw 'yon para naman matagtag ang mga
kinain namin kanina. Hindi
naman ako nagreklamo, iniisip ko rin kasi na kung gagamit kami ng sasakyan ay wala
rin kaming
mapaparkingan. Okay na rin iyon dahil ang paglalakad namin ay nakatulong rin sa
aking vlog para naman
makita ng mga tao kung gaano kasimple ang buhay at ang lugar na ito.
Nauuna sa paglalakad si Asher at Trystan kasama si Jacob at nahuhuli naman kami
nila Igo. Tahimik akong
nagpahuli sa kanila dahil hindi ko naman sigurado kung gusto nilang masama sa
ginagawa ko at syempre,
importante pa rin ang privacy nila knowing that they're all from a well known
family.
Kahit na nahihiya ay sinimulan ko pa ring buksan ang aking camera para magsimula na
sa pagba-vlog.
"Hola, it's KF! Good morning you guys! We're on our way to visit the kids..." para
akong baliw na napalunok
at parang nabulunan ng maisip ang sinabi kong we. Mabilisan ang naging paghinga ko
ng malalim para bawiin
iyon. "A-And I can't wait to see them again! Hindi ko pa alam kung anong
maitutulong natin sa kanila ngayong
araw kaya samahan niyo nalang ako. Siguro sa ngayon ang gusto ko talagang gawin ay
ang paglalaba sa balon
o ilog because I've never done any chores my whole life and the thoughts of doing
one makes me really
excited!" matamis akong ngumiti sa camera ngunit ang mga paa ko ay kusang huminto
at hindi na nadagdagan
ang mga sinasabi nang mapansin kong nakahinto na pala ang mga matatangkad na bulto
sa aking harapan!
Mabilis kong nakagat ang aking labi lalo pa't ang aking mga mata ay agad napunta
kay Asher na nakatitig lang
sa akin habang nakapamulsa, siguro'y nawi-weirduhan sa ginagawa ko?

P 24-2
Nang lumakad naman ang mga mata ko sa iba ay doon ko nakumpirmang hindi pagka-weird
ang nasa mukha ni
Asher. Ang sa labing isang lalaki ang may pagka-weird... But not the worst kind of
weird. Siguro dahil
ngayon lang rin sila nakakita ng live na vlogger and I swear, ang weird naman
talaga but what can I do?
"Oh... That's the vlogging." mahinang sambit ni Lance na parang naiwan pa rin ang
pagkamangha sa
nasaksihan.
Agad kong ibinaba ang hawak kong camera.
"S-Sorry..." nahihiya kong sambit sabay tago na sana nito pabalik sa kung saan ko
iyon kinuha pero mabilis
akong na-estatwa at hindi na nakagalaw ng makita sa gilid ng aking mga mata ang
paglalakad ni Asher
papunta sa akin.
I swear to God! If they just can hear how my heart reacted to that, baka nabingi na
rin sila!
"No, don't be sorry," nalaglag ang mga mata ko ng ilahad niya ang kanyang kamay sa
aking harapan.
I hear the guys agreeing to what he said, hindi ko alam kung natakot ba silang nag-
sorry ako o dahil sa
reaksiyong ganito ni Asher dahil alam naman naming lahat na simula palang ay tutol
na siya sa pagsama nila
at kaunting pagkakamali lang ay hindi malabong ipagtabuyan sila nito.
"Give me that thing." he said looking down at my camera.
"My camera?"
He nodded. Kahit na hindi ko alam kung bakit ay natutulala ko iyong ibinigay sa
kanya. Bago niya sabihin sa
akin kung bakit ay muli niyang nilingon ang mga kaibigan sa kanyang likuran.
"What? Anong hinihintay niyo? Go walk the fudge away." iritado niya pa ring sabi
kaya mabilis na
nagsipulasan ang mga lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.
Nanatili ang mga mata niya sa mga iyon at nang makalayo sa amin ng tuluyan ay saka
niya lang ibinalik sa
akin ang atensiyon at sa hawak. He turned it on.
"Asher, okay lang ako. Hindi nalang muna ako magba-"
"I'll be behind the camera, okay lang ba?"
Dalawang beses na magkasunod ang naging paglunok ko! Hindi lang dahil sa pagvo-
volunteer niya kung hindi
dahil kung gaano kairitado ang boses niya sa mga lalaki ay gano'n naman kalumanay
ang para sa akin.
"Kung ayaw mo naman," inilihis niya ang camera sa kanyang gilid. "Dito sa gilid,
kahit saan. I'll help you
today, right? That's the plan."
Hindi na ako nakapag-reklamo. Kahit na hindi ko pa nasusubukang may kasama sa
pagba-vlog ay wala naman
akong naramdamang sobrang takot o pagkailang. Inisip ko nalang na mas magiging
maayos ang mga kuha ko at
makukuhaan rin ng maayos ang kagandahan ng lugar nang hindi ako nahihirapan ng
sobra kaya pumayag na rin
ako.

P 24-3
I know the guys were already thinking how weird my job is pero parang mas na-
weirduhan na sila ngayon sa
boluntaryong pagtulong sa akin ni Asher. I mean, what the heck right? This is Asher
Miguel Tan! Ang
lalaking may sariling matigas at matayog na pagkakakilanlan pero ngayon ay taga-
bigay lang ng direksiyon sa
akin kung saan ako kukuhaan. Kung anong anggulo ang mas maganda. Kung saan ang
perfect background sa
kada galaw ko.
I followed every directions that was given by him. Kahit na hindi ko maiwasang
isipin ang mga posibleng
katanungan sa utak ng mga lalaki ay hindi ko naman maiwasang ma-excite kung ano ang
magiging kalabasan
ng vlog na ito. Parang imbes na ma-excite tuloy ako sa kung anong gagawin namin
ngayong araw ay parang
mas nai-excite na ako sa pag-eedit.
Parang tumalon ang puso ko't hindi na napigilang manguna sa lahat ng makita ang
pag-ibis ng limang babaeng
may mga dalang batya kasama si Aling Anchita! Sa bilis ng paglapit ko sa kanila
dala ng excitement ay
hinihingal ako ng huminto sa kanilang harapan. I bend over, clasping my knees with
my hands to catch my
breath.
"Por Diyos por santo, Karsyn!" kinakabahan namang sabi ni Aling Anchita na agad
akong dinaluhan dahil na
rin sa pagkagulat at pag-aalala.
Tumindig ako kahit pa nauubusan pa rin ako ng paghinga.
"Aling Anchita maglalaba po ulit kayo? Sasama po ako!"
She looks up at me and inhales a calming breath, tila natanggal ang kaba sa
pagsulpot ko na mas mabilis pa
yata sa isang mandurukot! Nakita ko ang pag-awang ng bibig niya't handa na akong
sagutin pero nang lumipad
ang kanyang mga mata sa mga lalaking ngayon ay parating ay muli iyong tumikom.
Wala sa sariling nasapo ko ang aking noo. Doon ko lang naisip na may mga kasama nga
pala ako at wala sa
plano ang oplan paglalaba! Umatras ako para ihanda ang sarili sa pagdating ng mga
lalaking akala mo'y may
pupuntahang photo shoot dahil sa mga kaswal at pang beach nilang suot.
"Mr. Tan, magandang umaga ho!" nagkukumahog na bati ng mga babae sa likuran namin
ni Aling Anchita.
Binati rin niya ito gaya ng mga babae gano'n na rin ang mga kasama ni Asher.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagsisikuhan ng mga dalagang kasama ni
Aling Anchita sa hindi
malamang dahilan.
"Magandang umaga rin ho, Aling Anchita. Kumusta po kayo?"
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paglaglag ng panga ko sa narinig! Nalilitong
pumihit pabalik kay Aling
Anchita ang mga mata kong nabibigla pero mas lalo lang yatang naubusan ng sagot ang
aking utak.
"Mabuti naman kami, Hijo. Kumusta ang mga magulang mo?"
Asher answered her questions but I don't think my mind can still process their
conversation. Nakisali na rin
sa batian ang mga lalaki at doon ko lang lubusang naisip na kilala ni Asher ang mga
ito! Of course! They're
all in the same place at hindi naman sobrang malabo ang sitwasyon. Ang hindi ko
lang maintindihan ay bakit
hindi ko man lang naisip 'yon?!

P 24-4
Hinila ako pabalik sa kasalukuyan matapos ang ilang minutong pagkalutang ng marinig
ang pagtawa ng mga
lalaki.
"Sigurado ba kayo diyan?" nilingon ako ni Aling Anchita. "Karsyn?"
"P-Po?"
Ngumiti siya't ibinaba muna sandali ang mga dalang labahin.
"Sasamahan niyo kami sa paglalaba?"
Nilingon ko si Asher na siguro'y nakuha na kung ano ang gusto kong gawin dahil sa
reaksiyon ko kanina ng
makita ang mga ito. May sa anghel yata ang bibig ko ngayon kaya nagkatotoo kaagad
ang sinabi kong gusto
kong maglaba! I mean, tama ngang dapat ay mga positibong bagay lang ang tanging
lalabas sa ating mga bibig
nang sa gano'n ay magagandang bagay rin lang ang ibibigay sa atin. We can use our
tongue to bring blessings
and life that's full of positivity or curses and death, it's always up to us.
"P-Pwede po ba?"
"Sa ilog ba kayo ngayon?" tanong ni Asher rito na tinanguan naman ng matanda.
Hindi na nga yata nawala ang pagkamangha ko dahil sa mga nangyayari. Alam niyang
may ilog? Alam niyang
doon naglalaba? Paano? Dati rin ba siyang labandero?
Ipinilig ko ang aking ulo ng makita na ang pagkuha ng mga lalaki sa dalang labahin
ng mga babaeng pulang
pula na ngayon ang mga mukha at halos hindi na makagalaw dahil sa hiya.
"Ito lang po ba?"
"Marami pa kaming babalikan Hijo pero kung pwede sana-"
"Kami nalang." pagpuputol ni Sergio sabay bigay kay Davos ng hawak na hamper.
Si Asher at ang iba ay sinamahan ang mga dalaga pabalik sa looban para kunin pa ang
mga natitirang labahin
nila habang kami naman ay naghihintay lang para sabay sabay nang pumunta sa ilog.
"Marami talagang labahin kapag ganitong araw. Halos araw-araw naman ay mayroon pero
hindi ko
nalalabhan lahat dahil wala akong katulong papunta sa ilog. Iyang balon kasi diyan
ay minsa'y isinasara ng
may ari kaya wala kaming magawa kung hindi maglakad pa patungong ilog at doon
maglaba."
Nakinig ako sa mga kwento ni Aling Anchita habang naghihintay pero ang mga
katanungang paano sila
nagkakilala at kung bakit parang normal lang ang ganito sa kanila ni Asher ay hindi
nawala sa utak ko. Kahit
na naglalakad na kami patungo sa ilog ay nanatili lang akong nakikinig at
nakikiramdam.
Nauuna kaming mga babae sa harapan samantalang ang mga lalaki naman ay may kanya
kanyang pag-uusap
habang dala ang lahat ng mga labahin. Nawili ako sa mga kwento ni Aling Anchita at
nang apat na dalaga lalo
na ng mapunta ang topic sa mga kababalaghan nang gubat na tinatahak namin kaya
nawala ang atensiyon ko sa
mga kalalakihan at sa oras kung gaano kalayo't katagal ang nilakad namin.

P 24-5
Pag-ibis namin sa patungo sa direksiyon ng ilog ay naramdaman ko ang literal na
pagkalampag ng puso ko sa
sobrang tuwa lalo pa't kahit na wala namang masyadong ingay ang tubig ay parang
naririnig ko pa rin ang
panghaharana nito sa aking pandinig. My heart jumped when the guys praised what's
in front of us. Sandaling
nawala sa isipan ko ang paglalaba dahil sa ngayon ay parang ang gusto ko nalang
gawin ay ang magtampisaw
doon pero pinigilan ko ang sarili ko't inisip ang main goal ko ngayong araw at iyon
ay ang matuto.
Ang isiping naliligo kasama ang lahat sa malamig na tubig ay natabunan na ng makita
ko ang ilang bareta ng
sabon at pamalo sa damit na sa TV ko lang nakikita noon!
Excited akong sumama sa mga dalaga habang sinisipat ang malawak na uri ng dagat na
napapalibutan ng mga
malalaki't kulay abong bato. Sa kabilang banda ng ilong ay mas marami ang mga
nagsisitayugang berdeng
puno. May mangilan ring bahay gaya ng nadaanan namin kanina pero napaka-tahimik pa
rin ng lugar.
Isa-isang inilapag ng mga kalalakihan ang mga dala at naghintay ng kung anong
iuutos ni Aling Anchita pero
sinabi lang nitong mag-enjoy nalang kami at hayaan sila sa gagawin.
"Maglalaba po ako!" giit ko ng umalis na ang mga lalaki para maligo maliban kay
Asher na nanatili sa tabi
ko.
"Karsyn, kami na ang bahala rito-"
"Turuan niyo po ako, Aling Anchita. Kahit iyong mga damit nalang nila Toto ang
sa'kin."
"Karsyn-"
Hindi ko na hinintay ang pagtutol niya. Madali akong sumalampak sa tabi ng mga
babae at wala ng pakialam
kung mabasa ang suot ko. Narinig ko ang muling pagtutol ng matanda na pilit akong
pinapatayo pero kusa
iyong natigil ng gumalaw na rin si Asher at sumunod na sumalampak sa aking tabi.
Lahat kami ay natahimik maging ang mga ingay ng lalaki dahil sa ginawa niya. Para
kaming ginamitan ng
mahika at natigilan sa pag galaw. Maliban sa mga sangang idinuduyan ng preskong
simoy ng hangin ay si
Asher lang ang tanging may kakayahang gumalaw ngayon!
Kinuha niya ang ilang damit sa hamper na malapit sa kanya at inilagay sa palanggana
pagkatapos ay humarap
sa tubig para lagyan ang hawak at walang sabing binanlawan isa-isa ang damit at
piniga ng walang hirap.
Pakiramdam ko'y nahanginan na ang bibig ko at wala ng lakas na maitikom iyon habang
pinapanuod siya!
Nang mapansin niyang lahat kami ay natigilan sa kanya ay inihinto niya muna ang
ginagawa para lingunin
kami.
"What? Are you guys just going to stare at me or do the laundry? Maglaba na tayo."
seryoso niyang sabi,
direkta sa mga babae.
Huli niyang nilingon si Aling Anchita na gaya namin ay hindi rin makapaniwala sa
ginagawa nito ngayon.
"Let Karsyn do what makes her happy today, Aling Anchita. Ako na ang bahala sa
pagkain natin mamaya at
sa pagbaba ng mga nalabhang damit," napalunok ako ng ako naman ang lingunin niya.
"Just teach her how to
do the laundry and make sure that her happiness is your utmost priority."
makahulugan niyang pagtatapos
pagkatapos ay simple akong nginitian bago balikan ang ginagawa at iwan akong may
mabilis na pusong nagP 24-6
aalburoto.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
HAHAHAHAHHAAHHAHAHA LMAO Omg...puso ko asher

P 24-7
CHAPTER 22
12.9K 642 139
by CengCrdva

CHAPTER TWENTY TWO


Carpe Diem
Kahit na hindi ko naiintindihan masyado kung paano ang tamang pagpalo sa mga damit
at pagkusot ng may
tunog at mabula dahil naiwan na ang utak ko sa mga sinabi ni Asher ay mukhang
nagawa ko pa rin namang
palinisin ang tatlong maliliit na damit ng mga bata. Sa pagtagal ay natutunan kong
kailangan lang ng maraming
sabon para mas mabula. Mas mabula para malinis.
"Okay ka lang po?" tanong ng dalagang si Gloria dahil kahit na tuwang tuwa ako ay
mahirap rin pala talaga
ang paglalaba.
I never thought that this task would require so much effort lalo na't may
kadungisang taglay ang mga damit na
nakuha ko. Isipin mo, halos isang oras na akong nagkukusot ay tatatlo palang ang
natapos ko at ang pang-apat
ay hindi ko na mabitiwan dahil sa isang may kalakihang kulay brown na dumi sa
sandong puting kanina ko pa
kinukusot.
"I'm fine," sabi ko sabay punas ng pawis sa aking noo.
Nilingon ko si Asher at ang mga lalaking wala nang nagawa kung hindi ang tulungan
kami dahil sa utos ni
Asher kahit pa ilang libo na ang pagpupumigil ni Aling Anchita. Ibinalik ko kay
Gloria ang tingin ko bago
dagdagan ang mga sinasabi.
"Ang hirap lang kasi nitong isa, ayaw matanggal 'yung dumi." piniga ko ang damit at
inangat para ipakita kay
Gloria pero sa hindi ko malamang dahilan ay kumawala ang tawa niya kaya napalingon
sa amin ang lahat.
Natawa na rin ang mga katabi niyang babae kaya hindi ko napigilan ang paglukot ng
mukha ko.
"Ate Karsyn, kalawang na 'yan at hindi na talaga 'yan matatanggal sa kusot lang at
bareta. Kahit abutin tayo ng
dilim hindi na 'yan mawawala."
Sa kabila ng hagikhikan nila ay nakaramdam ako ng panlulumo. Totoo? Wala ng pag-asa
ang ganito?
"P-Pero marumi."
"Karsyn, huwag mo na masyadong palinisin 'yan dahil mga mantsa na 'yang lahat,"
tumayo at lumapit si Aling
Anchita sa akin at kinuha ang damit. "Ako na ang bahala rito."
"Pero sa commercial natatanggal lahat sa isang pasada lang, Aling Anchita. Baka
kulang lang po ako sa
kusot."

P 25-1
Lumakas ang tawanan nila dahil sa kainosentehan ko. Nahihiya naman akong napayuko.
"Kasinungalingan iyang mga commercial ng sabon. Walang ganoon dahil ang totoo,
walang mantsa ang
nawawala sa isang lublob lang."
Bigo akong napanguso. Kasinungalingan pala ang mga commercial... Kung sabagay,
that's business. Naisip ko
tuloy ang mga commercial ng pagkain na kapag nasa restaurant ka na ay malayong
malayo na sa ipinapakita
sa TV. Huminga ako ng malalim at doon na sumuko.
"O siya, tama na muna 'yan." aniya pagkatapos ay sinulyapan kaming lahat. "Kumain
na muna tayo." inginuso
niya ang mga pagkaing galing sa resort na dala ng mga tauhan ng mga Tan kanina.
Inalalayan ako ni Asher ng magsitayuan na ang lahat. Pagod kong ininat ang aking
katawan at sandaling nagstretching dahil grabe, hindi ko talaga akalaing mapapagod
ako sa ilang kusot lang!
Muli akong yumuko para banlawan ang kamay kong may mga bula pa, namumula ang mga
'yon pero hindi
naman masakit. Parang mas masakit pa nga sa isipan kong hindi ko pala kakayanin
kung araw-araw ang
ganito pero sila, kahit mahirap at siguro'y ayaw nila ay wala naman silang magawa.
"You alright?"
Tumango ako kay Asher pero muli akong napanguso ng makita ang mga damit na natapos
niyang gabundok na
gaya ng ibang parang maning mani lang sa kanila ang ginawa samantalang ako... I'm a
loser.
"Ang dami ng sa'yo. Aapat lang 'yung sa'kin tapos hindi pa tapos."
Nilingon niya ang mga nagawa namin. Ngumiti siya dahil sa pamumuri ko at umiling
naman dahil hindi sangayon sa huling parte ng aking sinabi.
"You did well today, KF. You see, sa tingin ko sa'yo ang pinaka-malinis sa lahat."
Kunot noong bumalik sa kanya ang tingin ko. I'm pretty sure he's just saying that
to make me feel better but I'm
still not convinced. Alam kong ako ang pinaka-makupad sa lahat at wala masyadong
naiambag.
"Quality over quantity," he added and then brushes my hair away from my face.
Nawala ang lahat ng
ekspresyon sa aking mukha dahil sa pagdampi ng kanyang kamay sa aking mukha pero
madali rin naman
akong nakabawi.
"Let's eat?"
Tipid akong tumango at sinundan na siyang maglakad palapit sa nakararami. Habang
kumakain ay sinabihan
na kami ni Aling Anchita na sila na ang tatapos ng lahat ng naumpisahan at kahit na
panay ang pagtutol ko'y
wala na rin akong nagawa.
Habang patapos ay iniisip kong uuwi na kami dahil ayaw na ng tulong ni Aling
Anchita pero nang sabihin ni
Gloria na may magandang spot sa ilog na palagi nilang pinupuntahan ay agad sinabi
ng matanda na samahan
nalang kami doon para naman nag-enjoy kami kapalit ng pagtulong namin sa kanila.
Ginanahan akong ngumuya ng sabihin niyang mas malalim daw ang tubig doon at mas
mag-eenjoy kami kaya
P 25-2
pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay tumulak na kami patungo doon.
Asher kept her promise, sinabi niyang siya ang bahala sa camera at maglakad lang
ako. Sa gitna ng
paglalakad patungo sa lugar ay pinapahinto niya ako para kunan ng ilang mga
litrato.
"You're really good at this, huh?" I said wholeheartedly while looking at the
pictures he took.
Magkatabi kaming nakaupo ngayon sa malaking bato sa ilalim ng isang malaking puno
habang si Gloria
naman ay naiwan kong namamangha pa ring pinapanuod ang mga lalaking ngayon ay mga
naka-topless na't
salitang nagda-dive sa may kalalimang parte ng tubig.
"I've got skills, pasado na ba?"
Nanatili ang ngiti ko habang tinatanguan siya. Inangat niya ang camera at kinunan
naman ang mga kaibigan,
not letting me see everything that he captured since he got in charge of the
vlogging.
"Can I put that on my vlog?"
"It's up to you. Use whatever you want, it's your files." walang pagdadalawang-isip
niyang sagot.
"Hindi ba sila magagalit? I mean, it's their privacy."
The corner of his mouth tilts up in a knowing smile and then he shrugs.
"No, but you can still ask for their permission if you want. Kapag ayaw nila at
gusto mo, ako nang bahala."
Pinagdiin ko ang aking mga labi at natahimik sandali dahil sa kanyang sinabi. Wala
man akong alam kung ano
siya sa mga kalalakihan at sa grupo nila pero tiyak kong siya ang pinaka-
nirerespeto ng lahat. I don't know if
that's because of age na kung sinong mas matanda ay siya ang masusunod o talagang
malaki lang ang respeto
nila kay Asher dahil sa personalidad nito.
Pasimple kong itinuon sa kanya ang aking atensiyon at pinigilan ang sariling
tanungin rin siya ng parehong
tanong. Kung sa kanya, okay lang kayang mapasama siya sa vlogs ko? I'm sure people
would love that but I
don't think he'll agree to it.
"H-How about you... Okay lang ba sa'yo?" sa huli ay hindi ko na rin napigilang
itanong.
I know I shouldn't ask him that pero may parte sa akin na nagpupumilit na malaman
ang sagot.
Marahan niyang tinanggal ang camerang nakatutok sa mga kaibigan at pagkatapos ay
ibinalik sa akin ang
tingin. As soon as our eyes met, I gasp. Ang tanging sunod na nagawa nalang ng utak
ko ay ang manalanging
sana'y hindi niya napansin 'yon.
He grins and before I could even think, inangat na niyang muli ang hawak na camera
at itinutok sa aming
dalawa habang nananatiling magkatitigan ang aming mga mata.
"Why not?" lumawak ang ngiti niyang umabot pa sa kanyang mga mata dahilan para
mapangiti na rin ako kahit
pa nararamdaman ko na naman ang paglalaro ng mga kung ano sa aking sikmura.

P 25-3
Napalunok ako ng pumihit siya para harapin ang camera dala pa rin ang mga ngiting
walang kasing tamis.
"Hi, it's Mr. Right..." mabagal niyang sambit na naging musika sa aking pandinig.
"And I'm with Miss Right."
aniya pagkatapos ay bahagya namang iniharap naman sa akin ang hawak.
Kahit na nabibigla ay nagawa kong ngumiti doon at kumaway. Sa isip ko, hindi ko pa
man napagdedesisyunan
kung isasama ko 'to sa vlog ko ay sigurado na akong ito na ang sunod na magva-viral
ngayon.
Hindi na nawala ang pagkamangha ko kay Asher simula ng malaman kong kilala niya ang
mga tao sa kabilang
baryo ng kanilang resort, sa paglalaba niya kanina at hanggang ngayong pinapanuod
ko siyang natural na
nakikipag-usap sa camera't ipinapaliwanag kung ano na ang ginagawa namin pagkatapos
mananghalian at
maglaba.
"What's next?" nakangiti niyang baling sa akin pagkalipas ng ilang minutong hindi
ko na nasundan ang mga
sinabi dahil sa mga boses sa aking utak na hindi ako binigyan ng pagkakataong
makapag-focus.
Huminga ako ng malalim para tanggalin ang kabang muling sumalakay sa akin at
pagkatapos ay tumayo't
lumapit sa kanya.
"Magpapaalam na muna," sinubukan kong kunin sa kanyang kamay ang camera pero sa
higpit ng kapit niya'y
hindi ako nagtagumpay kaya imbes na kunin iyon ay pinihit ko nalang tuloy kina
Jacob ang direksiyon nito,
kumaway naman kaagad sila.
"M-Maliligo na muna kami, bye!" natataranta kong sabi at agad na binitiwan ang
kamay niya.
Narinig ko ang hiyawan ng mga lalaki nang mapansin ang hawakang naganap kaya mas
lalo kong naramdaman
ang kanina'y pahapyaw lang na init sa magkabila kong pisngi!
Nahihiya akong yumuko at naglakad sa tabi ni Gloria na hindi masyadong ngumingiti
para lang damayan ako.
Hindi ko na nilingon si Asher pero alam kong sumunod naman siya kaya nang marinig
ko ang muling pagiingay ng tubig ay alam kong siya na 'yon.
Nagpatuloy sa pang-aasar ang mga kaibigan niya kaya mas lalo tuloy akong nailang at
hindi nakatingin sa
kanila. Nakakahiya nga naman talaga because he's just helping me tapos napakalakas
mang-asar ng mga
kalalakihan kaya hindi na ako makagalaw ngayon!
Parang gusto ko nalang tuloy bawiin ang mga sinabi ko't huwag nalang siyang isali
sa ginagawa dahil baka
kapag tumagal ay ma-misinterpret na nila ang pagiging mabait sa akin ni Asher.
"Karsyn! Tara na!" hiyaw ng hindi ko malaman kung sino.
"Miss Right, halika na!" I'm sure it's Eros or Jacob. Hindi ko na alam dahil sa
lakas ng pintig ng aking puso.
"Gloria... Gloria..." pakantang segunda naman ni Sergio sa tonong breathless ng The
Corrs para yayain ang
katabi ko.
That made her blushed profusely. Siguro kung makikita lang kami ng mga nakatatanda
ay kakastiguhin na kami
at posibleng masabihan pa ng malandi dahil sa mga reaksiyon naming hindi nakaka-
dalagang Pilipina.

P 25-4
Hindi ako lumingon kahit na ilang beses nila akong tinawag dahil alam kong aasarin
lang nila ako but when a
familiar voice called my name, walang pagdadalawang-isip akong bumaling sa gawi
nila.
"Come on, join us." anyaya ni Asher sabay hawi sa kanyang basang buhok para
matitigan ako ng mabuti.
Umiling ako. Gustohin ko man kasi at nabasa na kanina ng kaunti ang pantalon ko ay
naisip kong wala rin
akong dalang pamalit dahil hindi naman namin napaghandaan ang gagawing ito.
"Wala akong dalang pamalit."
Tahimik akong naglakad papunta sa kanila habang pilit pa ring kinakalma ang sarili.
Mabuti nalang at natigil
na sila sa pang-aasar kahit paano kaya nagawa kong makalapit.
Sinamahan naman ako ni Gloria kaya nagkaroon ako ng kasangga kahit pa alam kong
wala naman siyang
magagawa para tanggalin ang patuloy na pag-iinit ng magkabila kong pisngi gawa ng
kantiyawan. Huminto
ako ng lumangoy si Asher palapit sa aking gawi, iniisip kung paano susulosyunan ang
sitwasyon dahil
siguro'y nakikita niya ngayon ang kagustohan kong maligo.
I really want to. Bukod sa naiinggit ako sa kanila ay hindi ko pa rin nararanasan
ang maligo sa ilog na
tinititigan ko palang ay parang nahuhulog na ang loob ko. I wish we can buy
something like this. I'm sure kung
pwede lang ay hindi na ako lalabas sa bahay. I would rather stay in a place like
this instead of going out of
the country.
"You can remove your clothes-" natigil sa pagsasalita si Zake ng lingunin namin
siya pero ang mga mata ni
Asher ay ramdam kong nanatiling nakapukol sa akin.
"Dude." pigil ni Eros sa kanya bago pa may mag-react na ikatatapos ng kasiyahang
ito.
Muling bumalik ang tingin ko kay Asher nang makita sa gilid ng aking mga mata ang
pag-iling niya.
"Let me call someone to get you some-"
"N-No," nagmamadali kong putol sa kanya kaya naudlot ang akmang pag-ahon niya sa
tubig.
Naglakad ako patungo sa mga bato at hinayaan silang panuorin ako. Wala sa sariling
napahigpit ang kapit ko
sa laylayan ng aking suot na t-shirt dahil hindi ako sigurado kung kaya ko bang
tanggalin iyon at hubarin sa
harapan nila because holy river... I can't, pero paano ako maliligo ng maayos kung
balot na balot ako?
Huminto ako sa pinakamataas na bato kung saan sila tumatalon kanina. Inayos ko ang
aking sarili sa kanilang
harapan. Sari-sari ang mga reaksiyong nakita ko sa kanilang mga mukha. Mayroong
excited sa pagdalo ko sa
kanila, mayroon namang nalilito at hinihintay nalang ang gagawin ko pero mayroon
ding umiiling lalo pa ng
bahagya ko nang iangat ang hawak sa damit ko pero bago pa man iyon umabot sa itaas
ng aking pantalon ay
napapitlag na ako ng makita ang maagap na paggalaw ni Asher at paghampas sa tubig
para matigil sa
kakatitig sa akin ang mga kaibigan niya.
"Turn the fuck around you fuckers!" gigil niyang sabi kaya natatarantang natauhan
ang mga lalaki at
nagmamadaling ginawa ang kanyang sinabi pero pinigilan ko 'yon kaya nalilito naman
silang huminto at
pumihit ulit paharap sa akin.
P 25-5
"It's okay, Asher!" natatawa kong pigil dahil sa boses niyang halos pumiyok pa sa
galit para lang masaway
ang mga ito.
Besides, I need them to watch me just in case I'd drown. Marunong naman akong
lumangoy pero wala pa ring
makapagsasabi ng mga pupwedeng mangyari lalo na't hindi ko sigurado kung gaano
kalalim ang tubig na di
gaya sa pool na may naka-indicate kung ilang ft.
Umiling ako ng makita amba niyang pagsasalita. Alam ko na ang nasa isip niya at
hindi naman 'yon ang
gagawin ko kaya wala siyang dapat ikabahala. Imbes na magpaliwanag pa ay inangat ko
nang muli ang
laylayan ng aking damit hanggang sa itaas ng aking pusod at itinali iyon. Nang
masiguro kong hindi na ito
mabubuwal sa katawan ko ay umangat naman ang kamay ko patungo sa tali ng aking
buhok. Wala sa sariling
napapikit ako habang iginagalaw ang aking ulo para hayaan ang hanging ibuhaghag ang
aking buhok. Hindi ko
man alam kung kakayanin kong tumalon sa mataas na batong ito ay mas inisip ko
nalang ang kagustuhan kong
maligo.
C arpe diem... bulong ng aking utak.
Sa pagdilat ko ay nakita ko ang mga nakaawang nilang bibig sa hindi ko malamang
dahilan. Nagkibit na
lamang ako ng balikat habang nakangiti sa kanilang lahat at malakas na sumigaw ng
"You only live once!"
pagkatapos umatras at umabante bago tuluyang tumalon sa tubig at magpaubaya nalang
sa naipong lakas ng
loob.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Haha laglag panga cla Hahaha

P 25-6
CHAPTER 23
10K 633 84
by CengCrdva

CHAPTER TWENTY THREE


Moving On
Pakiramdam ko'y dumaloy ang malamig na tubig hanggang sa kaibuturan ng aking puso
habang dahan dahan
akong bumubulusok paibaba. This is deep. Hindi ko inasahan na malalim pala iyon
pero ng makabawi ay
agad ko ring iginalaw ang katawan para umahon.
Mabilis akong humugot ng hangin ng makaalpas na ako sa tubig. Agad na umarko ang
aking labi habang
bahagyang habol ang paghinga dahil sa ginawa pero ng buksan ko ang mga mata ko ay
parang gusto kong
matawa ng tuluyan matapos makita ang lahat na nakatingin sa direksiyon ko habang
nananatiling nakaawang
ang mga bibig.
"W-What?" I smiled sweetly at them, gano'n na rin sa lalaking tanging nakatangis
ang bagang at mukhang
badtrip.
Si Eros at Jacob ang unang gumalaw at nagtinginan bago nakabawi ang lahat. Lumangoy
ako palapit kay Igo
dahil siya ang mas malapit sa akin.
I see him swallowed hard when I reach his space. Imbes na magpaapekto sa pagiging
tulala niya sa kung saan
ay marahan kong hinawi ang tubig para mapunta sa kanya. Doon lang siya nakabawi at
ngumiti pagkatapos ay
ginaya ang ginawa ko.
My laughter echoed in the place. Nakahinga ako ng maluwag ng bumalik ang sigla ng
lahat pero nananatiling
tahimik si Asher sa gilid.
"Lagot ka." natatawang bulong ni Eros ng makalapit sa akin.
"Huh?"
Ngumisi siya at binalingan si Asher.
"You okay, dude?"
Imbes na sumagot at pinagtaasan niya lang ng kilay ang pinsan bago umiling at
lumangoy palayo sa amin.
Pigil ang tawa ni Eros habang ibinabalik ang buong atensiyon sa akin.
"What was that?" lito kong tanong na ipinagkibit niya lang ng balikat.
Gusto ko sanang puntahan si Asher pero dahil sa mga pahaging ni Eros ay hindi ko na
nagawa. Bago pa ako
malito ng tuluyan ay hindi ko nalang iyon pinansin. Nakisali ako sa sisiran nilang
laro pero hindi naman ako

P 26-1
nagtatagal sa ilalim dahil natatakot akong lumusong pa.
Halos isang oras rin kaming namalagi doon bago namin napagpasyahang umuwi. Tahimik
ang lahat habang
tinatahak ang daan pabalik sa resort. Ewan ko kung tinamaan lang sila ng pagod o
ano pero hindi iyon naging
dahilan para matakot akong lapitan si Asher na simula kanina ay hindi ko na
nakitang nagsalita.
"You okay?" tanong ko ng mapantayan siya sa paglalakad.
I just finished my vlog at kahit nakakapagod nga naman talaga ang araw na ito ay
alam kong marami na naman
kaming mga taong mapapasaya ngayon kaya doon palang ay worth it na ang lahat.
"Yeah, you?"
I nodded.
"Bakit ang tahimik mo?"
He didn't answer me. Bumagal ang lakad niya kaya ginaya ko 'yon hanggang sa kami na
ang mapunta sa dulo.
Inayos ko ang tuwalyang nakayakap sa aking katawan.
"Galit ka?"
"No. Bakit naman ako magagalit?"
Muli akong ngumiti. "Wala naman," sabi ko sabay lingon sa kanya. Hindi ko siya
tinantanan hangga't hindi
niya ako nililingon. "Bakit hindi ka nagsasalita?"
Nagkibit siya ng balikat. Napanguso naman ako. Maybe he's really tired at kapag
hindi ako tumigil ay mainis
lang siya lalo sa akin.
"Napagod ka ba? Sorry-"
"No." he interrupt.
Tumango nalang ako at hindi na nangulit hanggang sa makabalik na kami baryo. Buong
puso ang naging
pasasalamat ni Aling Anchita sa amin kaya imbes na maisip ang pagod ay nabura na
'yon sa utak ko.
Pagdating namin sa resort ay pormal lang akong nagpaalam sa kanila at hindi na
nagtagal. I need to edit the
videos that I took nang sa gano'n ay mai-share ko iyon kaagad sa lahat.
Hindi nawala ang ngiti ko simula sa pag-aayos ng sarili hanggang sa mailagay ko na
sa aking laptop ang mga
nakuhang video. Sa dami no'n ay nagawa ko pang makipag-usap kay Zyd habang
naghihintay.
"How's your day?" she asked.
"Good. Ikaw ba?"
"I just got home and I can't wait to get out of here!"

P 26-2
Napangiti ako ng maisip ang posibleng hitsura niya ngayon na alam na alam ko na ang
dahilan.
"Are they still pushing you to go on a date?"
I heard her heave a sigh.
"What's new," pagod niyang sagot. "Alam mo naman kung paano sila ka-concerned
pagdating sa love life
ko."
I chuckled.
"You know what? I kinda envy you," pagpapatuloy niya. "Mabuti pa si Tito Menardo
hindi ka pini-pressure
sa pakikipag-relasyon, ugh! I don't know what to do without you, KF. There's no one
defending me here.
Kailan pa ba kasi naging requirements sa buhay ang pag-aasawa? Tingin ba nila hindi
ako makakapili ng ako
lang? Wala ba talaga silang tiwala sa mga desisyon ko-"
"That's not true," I cut her off. "They're just concerned, tama ka do'n. We all
know how short life is kaya
intindihin mo nalang na kaya nila ginagawa 'yon ay dahil gusto nilang masigurong
makakahanap ka ng
lalaking kaya kang alagaan higit pa sa pag-aalaga na ibinibigay nila. You're their
only treasure kaya gagawin
nila ang lahat para mapabuti ka."
"But I can take care of myself and you know that."
"But they're your parents. Hindi na 'yon mawawala sa kanila dahil gano'n ang mga
magulang. Parents think
they know what's best for their children because they've been there. Alam na nila
ang pasikot-sikot sa ilang
parte ng buhay at kaya lang sila nagiging over-protective to the point na
nakakarindi na dahil mahal nila tayo
at takot silang makita tayong masaktan. It may seem unfair but try to see things
from their perspective. I know
you'll understand."
"But I feel like I'm still too young for that. I don't want to settle yet at lalong
hindi kung sa lalaking 'yon ako
mapupunta!" she continued her rants about the guy na gustong ipakilala sa kanya
nila Tito na natapos nalang
ang paglilipat ko ng mga videos ay hindi pa siya tumigil.
Sa huli, kahit na parehas naman kaming walang naisip na solusyon sa problema ay
nagkasundo pa rin kaming
intindihin nalang muna ang lahat at huwag magpadala sa init ng ulo. Besides, kahit
ano pa ang mangyari ay
kailangan pa rin nating galangin ang ating mga magulang alinsunod sa pang limang
utos ng Diyos because
honoring your parents is honoring God.
I texted Zyd after the line ended.
Ako:
Are you ready to see my next vlog?
Zyd:
From today?
Ako:

P 26-3
Yep!
Zyd:
Oh Gosh! I'm sorry hindi na natin napag-usapan 'yan dahil sa mga dilemma ko.
Ako:
It's okay. I'll post it later and we can talk about it tomorrow. Excited na nga
pala akong makita ka!
Zyd:
Can't wait! Me too! Ugh! I need to go somewhere! I need to be with you! Ranting
over the phone isn't enough.
I sent her a laughing emoji.
Ako:
Enough. We'll talk tomorrow. Mag-eedit na ako and please, don't call me after you
watch the video. Bukas na
tayo mag-usap.
She sent the same emoji.
Zyd:
Fine, Miss vlogger! Ingat ka, love you!
Ako:
Love you too!
I put my phone down and started to edit my files. Parang bigla akong nalula sa dami
no'n. I don't remember
taking a lot of videos pero agad nasagot ang tanong ko ng mabuksan ang unang video
na si Davos ang may
hawak ng camera. Meron ring si Igo, Zake, Gerald, Sergio at Eros habang
nagkukulitan at kahit na may
pumipigil sa utak kong isali iyon ay muli ko namang naalala ang mga sinabi ni Asher
na okay lang silang
isama sa vlog kaya sa huli ay inilagay ko na rin.
While editing, napansin ko iyong video na si Asher ang may hawak ng camera. Iyong
bago kami maligo.
Dama ko ang paglakas ng pintig ng aking puso habang binubuksan iyon. Sa pag galaw
palang ng mukha niya at
pag-ukopa ng kanyang boses sa akin tenga ay wala sa sariling napangiti na ako.
What happened today exceeds my expectations. Una, sobrang hirap pala talagang
maglaba at pangalawa,
sobrang dami kong nalaman kay Asher na parang gusto ko pang ungkatin. Lalo na ang
relasyon niya sa mga
taga kabilang baryo because they all seem to adore him.
Isinama ko ang kuhang iyon sa dulo bilang patatapos ng vlog pero natigil ako sa
pagpindot sa mouse na
hawak nang simulan ko ng panuorin ang kinalabasan ng halos dalawang oras kong pag-
eedit!
Hindi ko na kasi pinanuod ang mga inilagay ko kaya nang matapos ay saka ko lang
nakita ang kabuuan...

P 26-4
Hindi makapaniwalang napakurap ako sa parte na nakatutok kay Asher ang camera
habang naglalakad kami
sa unahan. 'Yong parte na papunta palang kami sa balon.
"What do you want to say to KF?" tanong nang nabosesan kong si Eros na siyang may
hawak ng camera.
Umangat lang ang gilid ng labi niya bilang sagot bago umiling.
"She's pretty! No, she's beautiful!" hiyaw ni Lance sabay pakita sa camera at nag-
thumbs up pa.
Umalingawngaw ang asaran nila pero hindi ko naalalang may gano'n kanina. Tuliro
akong nagpangalumbaba
at ipinagpatuloy ang kamanghaan sa pinanunuod.
"There's no need to state the obvious." halos bulong niyang naging mahina sa camera
at tuluyang nalunod
dahil sa malalakas na sigaw nila Eros!
Para akong baliw na napatakip sa mukha ko. I can feel my cheeks burning!
Nakakahiya! Mabuti nalang talaga
at napanuod ko muna 'yon bago ko i-post! Matagal akong nagnilay kung isasama ba
'yon pero sa huli ay dahil
pagod na, hindi ko nalang inintindi. Kahit sino naman kasi ay pwedeng humanga pero
hindi naman ibig
sabihing malayo na ang mararating no'n. I'll take it as a compliment, walang halong
malisya.
"And now we'll wait..." nakahinga ng maluwag kong sabi matapos pindutin ang
publish.
Tumayo na ako at lumipat sa kama. Nagpa-deliver nalang ako ng pagkain dahil
inaantok na ako at plano ko na
ring matulog talaga kaagad para maiwasan ang mga komentong magpapasabog na naman sa
telepono ko.
Pagkatapos kumain ay ibinaba ko ang ringer ng aking cellphone nang sa gayon ay
hindi ako maistorbo sa mga
notifications at sa tawag ni Zydney kung sakaling hindi niya mapigilan ang sariling
emosyon sa mapapanuod!
Tirik na ang araw ng magising ako. My laptop is still on at nakalagay doon na
naging successful ang pagpopost ko ng video kaya doon palang ay nabuo na ang araw
ko.
Gaya ng inasahan ay napuno nga ng notifications ang telepono ko. Hindi rin ako
nagsising i-silent ang
cellphone ko dahil ilang beses akong tinawagan ni Zydney sa oras ng mahimbing kong
pagkakatulog!
Nag-ayos muna ako ng sarili at mga gamit bago siya sinubukang tawagan pero dahil
busy siya ay nakaiwas na
naman ako sa pang-iintriga niya.
I avoided reading comments. Maging mga reaksiyon ng tao sa internet ay hindi ko na
muna pinansin.
Habang kumakain ay wala naman akong napansin ni isa sa mga lalaking kasama ko
kahapon kaya kahit
malungkot ang mag-isa ay masaya pa rin ako dahil naging normal lang ang pagpintig
ng lahat ng pulso ko sa
katawan.
Pagkatapos kumain ay binisita ko sila Toto para makipag-kulitan. Pagbaba naman ng
araw ay bumalik na rin
ako sa resort. I didn't see any of the luxury cars. Nabahiran ng lungkot ang puso
ko habang ipinaparada ang
sasakyan sa walang lamang parking lot. I kinda miss being surrounded by people.
Ngayong mag-isa na naman
ako, hindi ko naiwasang mag-isip ng negatibo.
Umalis na kaya sila? Pero wala naman silang nabanggit kahapon. Kung umalis na sila,
nakakalungkot naman
dahil hindi man lang ako nakapagpaalam. Bago pa bumagsak ang mood ko ay dumiretso
nalang ako sa
P 26-5
restaurant at kumain ng early dinner pagkatapos ay pumunta na sa dalampasigan.
Inayos ko ang sarili ko sa lounger at hinayaan ang mga matang pumikit. Sa
kalagitnaan ng pagninilay ay
napangiti ako ng sumagi sa utak ko kung gaano ako ka-swerteng hanggang ngayon ay
buhay pa rin ako. My
heart began to filled with an overwhelming feeling. I found myself praying. Wala
akong hiniling kung hindi
sana ang lahat ng malungkot sa mga pagkakataong ito ay makaramdam ng kasiyahan.
Kung hindi, sana kahit
pag-asa nalang. May the Lord help them ease their pain and give them hope. Sana
maisip nilang kumapit pa.
Sana maisip nilang kapag sumuko sila ngayon, hindi na nila maitatama ang mga maling
nagawa nila at hindi
na mai-experience ang sumaya. We're all born to be a fighter. Walang matapang na
sumusuko kaya hiling ko
na sana ay maging matapang ang lahat sa pagharap sa kanilang mga mabibigat na
suliranin sa buhay.
I decided to do a live prayer again. I don't have any reason to do it but I feel
the need to help everyone who
were blinded by their problems. Iyong mga problemang naglilihis sa kanilang makita
ang liwanag ng pag-asa.
Taimtim kong sinabi ang lahat n aking hiling at sa huli, kahit wala akong problema
ay mas gumaan pa rin ang
pakiramdam ko.
Doon nagsimula ang routine ko. Dahil wala na nga siguro ang mga lalaki at hindi
naman malakas ang loob
kong kontakin si Asher upang tanungin kung nasaan sila ay naging abala nalang ako
sa pag tugon sa mga bagay
na nakakapagpasaya akin.
Halos ang buong araw ko ay nauubos sa kaka-road trip sa mga kalapit na lugar until
I found a place called
Acantilado. Doon ako tumatagal sa araw-araw. I was amazed by the place because you
can witness the
beauty of Batangas from up there. Sa mataas na lugar na iyon ay matatanaw mo rin
ang Taal Volcano na kahit
nasa malayo ay natural na nakakaakit. Nakakapagtaka nga lang na kahit ito ang
pinaka may magandang view
sa lahat ay kakaunti lang naman ang nagpupunta.
Nakangiti kong nayakap ang sarili habang tinatanaw ang kumikislap na lawa at nasa
ilalim ng isang malaking
puno. I'm sitting on a large stone. Mag-isa man pero masaya. Ewan ko ba. This is
really different from my old
life. Iyong buhay na walang oras na hindi ako napag-iisa. I'm finished vlogging
today at hinihintay nalang si
Zydney na makarating. Kinakabahan man dahil alam kong iingay ang mundo ko sa
pagdating niya pero mas
mataas ang pagiging excited kong makita siya ulit. Kahit alam kong wala akong
isasagot sa tanong niya
tungkol sa labing dalawang lalaki ay handa pa rin ako. Zydney will accompany me on
my journey. Ang plano
ay sa Mindoro kami sunod na pupunta at kung ano man ang madaratnan namin doon,
bahala na.
Napatuwid ako ng upo at napakurap-kurap bago intindihin ang telepono kong
nagwawala. Speaking of an
angel.
"Hello?"
"I'm here! Where are you?!" mataas ang tuwang sabi niya dahilan ng pagmamadali kong
bumalik sa aking
sasakyan.
"I'll be there in a sec! Wait magda-drive na!" sabi ko habang sinisimulang buhayin
ang makina ng aking
sasakyan.
She chuckled on the other line.
"Wow, you sound like a pro ha!" aniyang hindi ko alam kung pang-aasar ba o paghanga
pero imbes na

P 26-6
gatungan pa ay pinatay ko nalang ang tawag at madaling nag-drive pabalik sa resort.
Malayo palang ang tumalon na ang puso ko ng makita ang pamilyar na sasakyan ng mga
Jianlin. Mas lalong
kumalat ang tuwa sa puso ko ng makita ang kanilang driver at ang pag-ibis nito para
pagbuksan siya pinto. I
parked beside their car pagkatapos ay agad nang lumabas para salubungin siya ng
mahigpit na yakap!
"Oh my God! I miss you so much!"
"I miss you more, Zyd!"
"That tan looks so good on you! Finally, hindi ka na kasing putla nang gaya ng nasa
utak kong hitsura mo!"
hiyaw niya ng maghiwalay kami.
Napailing nalang ako't natawa. Binati ko ang kanyang driver at pagkatapos ay
tinulungan silang dalhin ang
lahat ng mga pasalubong sa aking kwarto. Ngayon ang huling araw kong may oras para
mamahagi ng
blessings sa mga taong nangangailangan dahil bukas ay aalis na kami. Pagkatapos
naming kumain ng
tanghalian ay dumiretso na kami sa kabilang baryo para mamigay at magpaalam na rin.
"Hindi ka na babalik, Ate?" malungkot na tanong ni Toto na halos ayaw akong
bitiwan.
Ngumiti ako at yumuko para haplusin ang kanyang inosenteng mukha.
"Pupwede ba naman 'yon? Siyempre babalik! Marami pa kasi akong kailangang puntahan,
Toto," natigil ako
dahil alam kong sa mura niyang edad ay hindi niya pa maiintindihan kung gaano
kalaki ang mundo at kung
gaano pa karaming tao ang nangangailangan ng tulong. I'm not saying that I can help
everyone in need pero
nasa listahan ng pangarap ko ang mapangiti kahit isa man lang sa mga taong iyon.
Evil is everywhere and it's unavoidable. Minsan kailangan rin natin ng patunay na
kahit maraming kasamaan,
mayroon pa ring mabuti. May mga tao pa ring malilinis ang intensiyon. Mga taong ang
gusto lang ay makapagpasaya't makatulong at iyon ang goal ko. Ang mamahagi ng
kasiyahan, makapagbigay ng mabuti at makapagambag ng positibong pananaw.
Muli kong nahaplos ang nalilito niyang mukha. Parang gusto ko tuloy mahawa sa
lungkot niya. I never thought
that I'd be this attached to someone I just met but they're the reason why I want
to move forward. Nakita ko
ang mabuting impact ko sa kanila at gusto ko rin iyong dalhin sa iba pang lugar. I
want to make people realize
that by making someone happy, you're already honoring God and doing such an amazing
thing in his glory.
Hindi naman mahal ang magpasaya, kung tutuusin ay libre lang iyon kaya kung kaya ko
namang gawin at
ibahagi, bakit hindi? Lahat tayo ay umaasam ng mapayapang mundo at kung kaya naman
nating mag-ambag sa
mga oras na ito, bakit hindi natin simulan?
"Basta babalik ka ha, Ate?"
Pinisil ko ng kaunti ang kanyang pisngi.
"Matitiis ba kita? Basta alagaan mo ang mga magulang mo ha? Pati na rin ang mga
kaibigan mo." I said
wholeheartedly.
My plans for them are not finished yet. Kapag nakaipon ay sila talaga ang unang
babalikan ko. I witnessed
P 26-7
how these children loves to study and helping them with that are already part of
the plan. Gusto ko silang
tulungan para sa mas magandang bukas kaya iyon ang panghahawakan ko.
"I'm so happy for you, Karsyn..." nahinto ako sa pag-eempake pagkatapos ng
nakakapagod na araw namin.
Pumihit ako paharap kay Zyd na nasa kama ko't pinapanuod lang ako.
"Why?"
She heave a sigh. "Hindi ko akalaing ganito kalaki ang ginagawa mo at hindi lang
sila ang napapasaya mo.
Kitang kita kong masayang masaya ka rin."
"I am happy. Kung wala sila, hindi ko alam kung paano ako sasaya."
Tumayo siya at lumapit sa akin para tulungan na ako.
"You made the old man cry. Kahit ako naiyak sa ginawa mo. I'm so proud of you, you
know."
Siniko ko siya ng maalala si Tatay na kahit matanda na ay nagbabanat pa rin ng
buto. Hindi nawala ang ngisi
ko ng maisip ang walang pagsidlang tuwa sa mga mata niya ng dalhin namin sa
hospital ang asawa niya't
bigyan ng mga maintenance na gamot.
Nagpatuloy ako sa pag-iimpake. Nang matapos ay kumain kami sa restaurant pero gaya
ng mga naunang araw
ay hindi ko na talaga nakita ang mga kalalakihan.
"Where are they?" tanong ni Zyd habang nakangiti at iniikot ang tingin sa
restaurant.
Nagkibit ako ng balikat.
"Baka umalis na. I haven't seen them after that vlog."
Naglaho ang ngiti niya pero hindi naman tuluyang nalungkot. Ipinagpatuloy nalang
namin ang pagkain at
pagkukwentuhan. Sandali akong nag-edit at nag post ng mga kuha ko pagbalik namin sa
kwarto pero maaga
ring natulog dahil maaga pa kaming aalis.
"We're all set!" sabay naming isinara ang likurang parte ng aking sasakyan.
Huminga ako ng malalim at nilingon ang resort sa huling beses pero bago ko pa siya
mayayang umalis ay
natataranta na akong napaatras ng marinig ang mga pamilyar na ugong ng mga
sasakyang nagpakalampag sa
aking puso!
Naningkit ang mga mata ni Zydney sa lakas ng mufflers ng sports card nila pero
imbes na gano'n ang gawin ay
mas lalo lang lumaki ang mga mata ko, tila ayaw mapalampas ang pagtitig sa mga
parating na sasakyan kaya
gano'n nalang ang pagsinghap ko ng makita ang kulay turquoise na kotseng
nangungunang pumasok sa resort!
Sunod kong naramdaman ang pagkapit sa akin ni Zydney na gaya ko ay natutulala lang
ring sinusundan ang
pagparada ng mga iyon! They're here! Parang gusto kong magtatatalon sa saya lalo na
ng makita ang naunang
pagbaba ng lalaki sa pulang kotse kasabay ni Jacob!

P 26-8
"Karsyn... Is it them?" kabado't manghang bulong ni Zyd.
Pinisil ko ang kamay niya at pasimpleng tumango habang hinahanda ang sarili sa
pagbati ng mga palapit.
"Karsyn! Are you going somewhere... Oh, hi!" bati nang naunang si Zake pero agad
napunta ang tingin sa
pinsan ko.
"Y-Yeah,"
Nang lumapit na rin ang iba ay muli akong napaatras dahil para akong naubusan ng
hangin sa baga dahil sa
presensiya nila.
Walang pag-aatubiling ipinakilala ko si Zydney sa mga ito na pormal namang
tinanggap ang kamay ng lahat.
Napalunok ako ng mapansin ang lalaking nasa pinaka-gilid at nakatingin lang sa akin
habang pinuputakti ng
pambobola si Zydney.
"H-Hi..." kabado kong bati sa kanya ng makita ang pagkunot ng kanyang noo.
"Aalis kayo?" he asked before walking towards me.
Tumango ako.
"Actually, aalis na kami."
Pakiramdam ko'y bigla akong nabingi dahil sa biglaang pananahimik ng lahat dahil sa
sinabi ko!
"Where are you going?" si Igo na nginitian ko muna bago sinagot.
"Marami pa kaming pupuntahan," nilingon ko ulit si Asher na parang litong lito na
rin. "Nakapag-check out na
kami at aalis na rin. Thank you sa inyo. Masaya akong naabutan pa namin kayo bago
kami umalis," hinila ko
si Zyd palayo kay Jacob na parang nalibang doon. "We're leaving."
"We are?" tulirong tanong niya dahil mukhang gusto pang makilala ang mga lalaking
naging kaibigan ko na rin
sa maikling panahon.
I nodded at her sabay hila ulit palayo.
"Ingat kayo. See you around!" matamis ko silang nginitian kahit na nakita ko ang
lungkot sa kanilang mga
mukha habang lumalayo kami.
Tahimik si Zyd na naupo sa passenger's side pero bago ko pa maisara ang pintuan sa
gawi ko ay natigilan na
ako ng makita ang kamay na pumigil doon!
Marahas akong napalunok ulit ng makita si Asher na parang napakaraming gustong
sabihin dahilan ng pigil na
pagtititili ni Zyd pero hindi ako nagpaapekto.
"M-May sasabihin ka?"
His dark eyes bore into mine while his lips twitched a little because of my
question.

P 26-9
"Aalis ka na talaga?"
Tumango ako, hindi inintindi ang may bahid ng lungkot at panghihinayang niyang
tono.
"Oo."
Kumurap ang kanyang mga mata dahilan ng paglamlam nito. Pakiramdam ko tuloy ay
naligaw ako sa pagkamisteryoso ng mga iyon. I want to ask him all again if he
forgot something but before I can do that, nagpatuloy
na siya.
"Well then... See you around, Karsyn," he said and then he smiled.
I'm not sure if it was a happy smile pero hindi ko na rin dapat pang intindihin
dahil kailangan ko ng
magpatuloy sa mga balak ko sa puntong ito ng buhay ko.
Ngumiti nalang rin ako at tumango pero humigpit ang kapit niya sa pinto ng subukan
ko iyong isara, parang
ayaw pa akong pakawalan.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niya kaya doon siya natauhan. Nakita ko ang
pagbuntong-hinga niya bago
tumuwid ng tayo at pinagdiin ang labi.
"Mag-iingat ka." aniya nalang bago iyon tuluyang bitiwan at lumayo para hayaan na
akong maisara iyon.
Nakita ko ulit ang pagtaas baba ng kanyang dibdib pero sinuklian ko lang ang ngiti
niya. Ibinaba ko ang
bintana para magpaalam sa mga kalalakihan sa huling pagkakataon at nang matapos ay
ipinirmi ulit iyon sa
kanya.
"Ikaw rin, Asher Miguel. Mag-iingat ka. I'll pray for you... All of you." bulong ng
aking utak habang
nakatitig lang sa kanya't inilalayo na ang sasakyan.

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Found my self crying. Ganda ng message mo ?? a

P 26-10
CHAPTER 24
8.4K 528 61
by CengCrdva

CHAPTER TWENTY FOUR


Privilege
"When you get older your wild life will live for younger days think of me if ever
you're afraid." malakas
kong kanta habang sinasabayan ang nabuksan kong tugtog na naka-play sa aking phone
patungo sa stereo ng
kotse habang nagmamaneho.
Ngumisi ako ng mapunta sa paborito kong verse at humugot ng hangin para sabayan
iyon ng mas malakas na
parang iyon ang gustong isigaw sa buong mundo.
"He said, one day you'll leave this world behind so live a life you will remember.
My father told me when I
was just a child, these are the nights that never die. My father told me!"
kinalampag ko pa ng bahagya ang
manibela dahil sa masayang beat ng kantang iyon pero ang masayang pakiramdam ko ay
parang hinila para
mawala ng mabaling ang titig ko kay Zyd na imbes nakikisali sa saya ko dahil bukod
sa mga old rap songs ay
paborito rin naman ang EDM ay nakatulala lang ito sa akin na parang nababaliw sa
ginagawa ko!
Nahihiyang humina ang boses ko, bumagal ang mga galaw ko hanggang sa tuluyan ko ng
naitikom ang aking
bibig at wala ng nagawa kung hindi ang abutin ang stereo para hinaan ng kaunti at
intindihin ang hindi ko
maipaliwanag na pinta sa kanyang mukha.
"W-What? Anong problema?" lito kong tanong habang inililipat-lipat ang tingin rito
at sa daan.
Wala pang trenta minutos simula ng umalis kami sa resort pero ngayon ko lang
napansin ang pagkatahimik
niya. She's probably looking at me since we left the resort. Pero bakit?
"Hmm?" udyok ko.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagbuntong hinga niya.
"Bakit tayo umalis, Karsyn?"
Mas lalo yata akong nalito doon.
"Bakit hindi? It's bound to happen. We have plans 'di ba? Huwag mong sabihing may
nakalimutan kang
kailangan nating bali–"
"Hindi 'yon!" parang gusto kong ma-offend sa pagtaas ng tono ng boses niya.
I don't understand why she's acting like this. Nabitin yata sa pakikipag-usap kay
Jacob? Oh please, don't tell
me na na love at first sight siya rito?!

P 27-1
"I hate that glance KF at alam kong pinag-iisipan mo ako ngayon ng masama pero
hindi iyon ang ibig kong
sabihin!"
Nilukutan ko siya ng noo.
"Eh ano?"
"Oh my God, Karsyn! Why do you have to be this naive? Hindi mo ba nakita kung paano
ka titigan ng mga
matang iyon? Kung paanong rumehistro doon ang kagustuhang pigilan ka pero dahil
alam niyang wala siyang
karapatang gawin 'yon ay hinayaan ka nalang?!"
"I-I don't understand..."
Nasapo niya ang noo at pagkatapos ay tuluyan nang pinatay muna ang stereo.
"Asher! I'm talking about Mr. Right and what he did earlier! Iyong pamamaalam niya
kanina. Hindi mo ba
nakita?"
Umiling ako bilang sagot at mas inintindi ang pagmamaneho kaysa sa mga sinasabi
niya. That's not true.
Asher and I have no business to be together. Oo nga at may involvement kami sa
isa't-isa pero may kanya
kanya pa rin kaming buhay at hindi posible ang sinasabi niya. Kailan pa siya naging
love guru? Kailan niya
pa naisip ang mga gano'ng bagay? My cousin is either sick or hungry.
"Bumalik tayo!"
"No!"
"Karsyn, lumiko ka na!" hiyaw niya ulit pero hindi naman ako ginambala sa
pagmamaneho dahil baka saan pa
kami mapunta.
Tumawa ako ng malakas. I can't believe her! Ilang romantic movies kaya ang na binge
nito habang wala ako?
I bet sobrang dami noon dahil kung makaarte siya ay parang alam na alam niya talaga
ang pagmamahal
gayong wala naman siyang experience gaya ko!
"Karsyn!"
"Zydney, stop! Hindi tayo babalik dahil marami pa tayong kailangang gawin at
puntahan. Isa pa, malaking
abala na ako kay Asher at ayaw ko nang makaistorbo sa kanya–"
"Hindi ko nakitang isa kang abala sa kanya. You know what I see when you closed
that door? Sadness."
"That's absurd!"
"And true! I've never see someone look at you that way. Kahit kay Tito Menardo ay
hindi ko nakita ang
gano'ng lungkot ng magpaalam ka sa kanya gayong ikaw nalang ang nag-iisa niyang
kasama sa buhay."
"Hindi totoo 'yan. Malungkot ang Daddy noong umalis ako."
"Pero sigurado akong mas malungkot si Asher! Balik na tayo!"

P 27-2
Muli akong natawa ng makita ang pag nguso niyang akala mo'y nabigo sa muling pag-
iling ko. Though
ramdam ko rin naman iyon kay Asher kanina pero ayaw kong pagtuonan ng pansin. It's
trivial. Marami pa
akong goal at gustong gawin kaya doon ako magfo-focus.
Imbes na sundin siya ay inabot ko ang stereo at dahan dahang nilakasan ang tunog
nito. Kung pupwede lang
akong pumikit, i-enjoy at kalimutan ang mga sinabi niya ay ginawa ko na pero I'm
driving and I can't do that.
Inabala ko ang sarili ko sa mga EDM songs habang iniiwasan ang mga pangungulit niya
hanggang sa siya
nalang ang sumuko at ilang sandali pa ay sinabayan na ako sa pagpa-party sa loob ng
kotse.
"My father said... Don't you worry, don't you worry child! See heaven's got a plan
for you!" kanta kong
sinagot niya naman ng sunod na lyrics.
"Don't you worry, don't you worry now, yeah!"
Hindi ko napigilang muling ikumpas ang mga kamay sa manibela habang siya naman ay
agad na itinaas ang
mga kamay at ipinikit ang mga mata nang dumating ang drop ng kanta.
Napuno ng tawanan namin ni Zyd ang loob ng sasakyan hanggang sa tumagal iyon at
parehas kaming napagod.
Sa haba ng tinatahak naming biyahe ay nag take out lang kami sa ilang mga nadaanang
fast food chain at balik
na ulit sa daan. Nang mapagod akong magmaneho ay pinalitan niya ako hanggang sa
makarating kami sa port
patungong Puerto Galera.
Hindi kami inantok sa buong biyahe dahil nakapagpahinga na rin kami kanina at
marami rin kaming gustong
pag-usapan gaya nalang ng kung ano ang naging takbo ng buhay niya simula ng mawala
ako at gano'n rin ang
ikinwento ko sa kanya.
"Everyone's envy of you. Sa hospital maging sa kompanya ay usap-usapan kung gaano
ka kaswerteng
makasama ang mga lalaking iyon. Look, I think you just got another million views!"
napangiti ako ng makitang
totoo ngang umabot na sa tatlong milyon ang video namin noong araw na kasama ko
sila sa paglalaba.
"Maswerte rin naman ako sa kanila. Mababait silang lahat."
Umaliwalas ang ngiti ni Zydney at pagkatapos ay tumango.
"I can see that."
"Really? Eh parang si Jacob lang ang nakita mo kanina eh!" I teased.
Natatawa siyang umiling.
"Hindi 'no! It's just that siya ang malapit sa akin kaya siya ang nakausap ko ng
mas mahaba. Isa pa, hindi ba
sabi mo iyon ang may gusto nang babae sa kanilang lahat?"
Tumango ako.
"They're all single though, sabi nila."
Napaawang ang kanyang bibig.

P 27-3
"Really? Lahat sila?"
I nodded.
"Hindi kaya mga ano... sila?"
"Of course not, Zyd!" putol ko dahil alam ko na ang nasa utak niya. "Mga totoong
lalaki sila at ang hanap ay
babae kaya nga lang ay pare-parehas sigurong ayaw pang makulong sa isang relasyon
kaya hanggang fling at
landian lang sa ngayon."
"I see,"
"Bakit nakangisi ka na naman diyan?" may naiisip na naman siya, alam ko.
"Wala naman. Kung single silang lahat, ibig sabihin ay single na single pala talaga
si Mr. Right para sa'yo!"
I rolled my eyes at her. Inaasahan ko naman ng ganito siya dahil siya naman ang
puno't dulo ng lahat ng mga
nangyayari pero hindi ko pa rin maiwasang mailang kapag napupunta kaming dalawa sa
usapang 'yon. Kahit
kasi may katagalan na rin ay hindi pa rin tuluyang mawala sa utak ko ang babaeng
parte ng lahat ng ito.
"Nakakuha ka na ba ng contact ng pamilya niya?"
"We're so close to that. Ang huling update ay nasa bakasyon lang ito noong
naaksidente rito sa Manila.
Walang nakakakilala at wala ring may alam ng pagkakakilanlan kaya medyo nahihirapan
ang mga taong
nakatoka sa trabahong iyon. Isa pa, simula ng aksidente ay wala namang lumutang na
kamag-anak nito. She's a
mystery. Tanging pangalan lang niya ang alam at hindi pa buo."
"You were saying na she's still in the morgue?"
Malungkot siyang tumango. "As much as we want to help her and give her a decent
burial, hindi naman iyon
madali dahil hindi natin ito kaano-ano. Wala tayong karapatang pangunahan ang plano
sa katawan niya. That's
why I'm suggesting that you keep the video on your channel. Doon nalang tayo aasa
na isang araw ay may
darating at magki-claim sa kanya."
Pakiramdam ko'y may dumagan sa puso ko dahil sa narinig.
"But please huwag niyong hayaang mawala doon ang katawan niya."
She nodded and gave me an assuring smile.
"Ako na ang bahala doon. Hindi mo na kailangang mag-alala dahil napag-usapan na
natin kung ano ang dapat
gawin. I'm glad that you won that bet. Kung hindi, baka tuluyan nalang matuldukan
ang nangyari at hindi na
mahahanap pa ni Mary ang pamilya niya."
Hindi na ako nakasagot dahil tuluyan na akong nalunod sa lungkot. She's pregnant.
Siguradong may asawa
siya at may mga kamag-anak pero paanong walang nagki-claim sa katawan niya hanggang
ngayon? Paanong
wala ni isang nakaalala sa kanya gayong kumalat iyon sa buong bansa hindi lang
dahil sa video na ginawa ni
Zydney. Alam kong kahit hindi naman kita doon ang mukha niya ay kung may pamilya
siya, madali lang siyang
mahahanap ng mga ito at makukuha. Isa rin iyon sa hanggang ngayon ay nagpapagulo sa
akin. Kung sana noon
P 27-4
ay nakuha na siya ay naiparating ko na rin ang tulong ko at ng pamilya ko para
rito. I want to help her and her
family dahil hindi biro ang nangyaring aksidente at hanggang ngayon ay nakaukit pa
rin iyon sa utak ko.
I prayed for the day that someone would claim her. Walang tigil ang panalangin ko
para sa bagay na iyon
pero sa ngayon ay aasa muna ako. Maghihintay ako hanggang sa makaisip pa ako ng
ibang paraan kung paano
siya matatagpuan ng mga mahal niya sa buhay.
"Oh my God! Finally!" hiyaw ni Zyd pero hindi iyon sa dagat o magandang tanawin ng
lugar na bago naming
dinatnan kung hindi sa kamang nasa harapan niya.
We checked in in the hotel and decided to rest for a bit bago gumala ulit at
magtrabaho. Hapon na ng
magising kami. Kumain kami sa isang restaurant malapit sa dalampasigan kung saan
naroon ang buhay ng isla.
There were performers around the area. May sari-sariling pagsusumikap para kumita
ng pera. May mga
nagpe-perform ng fire dancing kung saan natuwa ng sobra si Zydney. Pagkatapos
kumain ay nagdesisyon
akong mag-live para naman ipaalam sa lahat kung nasaan na ako at ilang minuto
palang ay may mga
nakakilala na sa akin at nagpa-picture.
I was caught off guard. I'm not a celebrity at hindi ko 'yon hinangad kaya hindi ko
inasahan na ganito nalang
ang pag trato nila't reaksiyon sa akin.
I was praised by the people who I took pictures with. They said they're inspired
because of what I'm doing.
Maraming nagsabi na dahil sa akin ay nakuha nila ang kahalagahan ng pagtulong sa
kapwa. Na we don't
actually have to be rich to help those in need. All we need is compassion and
humanity at tingin ko'y iyon ang
tunay na yamang dapat ay mayroong sa isang tao.
Napuno ng tuwa ang puso ko dahil kahit paano ay napatunayan kong may nagagawa akong
maganda. I live for
positivity at parang gusto kong maiyak na iyon ang natatanggap nilang leksiyon sa
akin.
Sa dami nila ay marami rin akong narinig at natutunan pero tumatak sa utak ko ang
sinabi ng huling babaeng
dumalo sa amin. Sinabi niyang sana ay gaya niya ang buhay ko. Iyon bang malaya at
walang inaalalang iba
kung hindi ang kasiyahan. I totally relate to that. Naintindihan ko ang gusto
niyang ipahiwatig at imbes na
mairita o kung anong negatibo ang maramdaman ay pag intindi lang ang naisip ko.
"You don't have to feel sorry for yourself because you don't think you're not doing
the things that you love.
You're actually doing it without even realizing. I bet you're working so hard for
your family, right?"
She nodded, almost crying. Maging si Zyd ay parang gustong maging emosyonal sa
tagpo habang
pinapakinggan kung gaano na kalawak ang pag-iisip ko. Hinawakan ko ang kamay niya.
"And you're doing it because you love them. You're sacrificing your own happiness
para sa mas malalim na
saya at fulfillment na mararamdaman ng puso mo na hindi mo masyadong napagtutuunan
ng pansin and I think
that's what you should focus on. Hindi ko sinasabing bitiwan mo iyong mga gusto mo
talagang gawin sa buhay
kung hindi gusto ko lang maisip mong mas tignan ang kabuuan ng lahat. You are doing
great and you must be
proud of yourself for that," tumulo na ang luha niya at pagkatapos ay pinisil ang
kamay ko. "Dapat mas
maging masaya ka dahil nakakatulong ka, nabubuhay mo ang pamilya mo at marami ka
ring napapasayang tao.
Being able to make everyone happy is the true essence of happiness."

P 27-5
Napasinghap ako ng yakapin na niya ako ng tuluyan.
"You're right, KF! Thank you! Thank you so much!" emosyonal niyang bulong sa akin
sa kabila ng paghikbi.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko rin ang pagpupunas ni Zyd. Ilang minuto pa
akong nakipag-kwentuhan
sa mga taong gusto akong makita at makausap hanggang sa magdesisyon kaming bumalik
na ulit sa hotel dahil
maaga pa bukas sa pamamasyal.
Hindi natigil si Zyd sa pamumuri sa akin gaya ng lahat. She said she's so proud of
what I've become. Hindi
ko man maisip na malaki ang naging pagbabago sa akin pero masaya ako sa mga
sinasabi niya at dahil do'n
ay mas na-motivate pa akong magbigay ng mas marami at magpalaganap ng mga
positibong bagay.
We visited every tourist spot Puerto Galera has to offer. Sa ilang araw na
pananatili namin doon ay marami
rin akong nakilala at natulungan sa abot ng aking makakaya hanggang sa nagdesisyon
kaming magpatuloy.
Dumiretso kami sa Romblon, Boracay at Capiz. Napuno ng travel vlogs ang channel ko
sa halos dalawang
linggo naming pag-usad ni Zydney. Mabuti na nga lang at tinutulungan niya ako sa
pag-eedit. Naging abala
kami at dahil doon ay tuluyan nang nawala sa usapan namin ang mga lalaking naiwan
hanggang sa
magdesisyon kaming tumawid patungong Masbate.
I've never been in any of these places dahil hindi naman ako palaalis at mas prefer
ko noon ang bahay at
hospital lang kaya sobrang saya kong nae-experience ko na ang totoong ganda ng
Pilipinas. The world is so
big and it has so much more to offer.
Sa mga araw na lumipas ay naging instant celebrity na rin si Zydney dahil sa akin
gawa ng siya ang kasama
ko sa lahat ng mga live videos at vlogs pero kahit na naging paborito siya ng lahat
ay hindi pa rin naiiwasan
ang paghahanap ng marami at pagtatanong tungkol kay Asher.
Asdfg45h:
Nasaan na po si Mr. Right?
Basa ko sa unang comment sa bagong vlog na nai- post namin ngayong araw. Tanong ko
rin 'yon. Kumusta na
kaya siya? I hope he is fine... habang iyon ang nasa isip ay kusa namang pumunta
ang kamay ko sa Instagram
account niya. There's nothing much in his feed na naka-private pero nang i-click ko
at may my day doon ay
hindi ko na napigilang mapangiti ng bumungad ang unang litrato.
He's still with his friends. Nasa beach rin sila pero hindi kamukha ng paraiso nila
ang nasa background ng
lugar kung saan sila nagkakasiyahan.
Kumunot ang noo ko ng lumipat sa panibago at sa isang video. Pakiramdam ko'y bigla
akong nanghinayang ng
mapagtanto kong nasa Mindoro ito. They are currently in Puerto Galera! Natulala ako
sa huling post kung
saan masaya niyang kaakbay si Eros na parehong may hawak na beer at namumula na
dahil siguro ay sobra na
ang nainom.
Nanlumo ako ng sumara ang my day tanda na tapos na ang lahat ng pinapanuod ko. Wala
akong ibang
naramdaman sa pagkakataong 'yon kung hindi ang labis na panghihinayang. I went
there... Kung sana pala
alam kong pupunta rin sila ay hindi muna kami umalis...
P 27-6
Wait, bakit? Bakit ko naiisip 'yon? Is this because... I miss them?
Wait... I miss him?
Namimiss ko ba siya at kaya ako nakakaramdam ng malaking uka sa puso ngayon ay
dahil hindi kami
pinagtagpong muli? Why do I want to see him again? Kung gusto ko nga talaga,
posible pa nga kayang makita
ko siya ulit? Should I pray for that too?
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
YAAAAAAAS Mis mo xa mis krn nia

P 27-7
CHAPTER 25
8K 634 98
by CengCrdva

CHAPTER TWENTY FIVE


Can't Take My Eyes Off You
"You alright?" siniko ako ni Zyd matapos tumabi sa akin.
Marami pa kaming balak puntahan at sinasamantala ko ang pagkakataon hangga't hindi
pa siya busy sa pagaaral. Naisip kong kapag umuwi na siya ay alam kong mahihirapan
akong magsimula ulit lalo na't mag-isa na
naman akong gagawin ang trabaho. Gayunpaman, positibo akong magagawa ko pa rin
iyon. Kaunting pagadjust lang ay kaya ko na ulit. Kung kinaya nga ni Lord na
magpapako sa krus at magpahirap ng sobra para
isalba ang sangkatauhan, ano pa kaya ang ipagpatuloy ang positibong buhay ng mag-
isa? Walang wala iyon sa
kalingkingan ng hirap na pinagdaanan niya.
"Yeah."
"Good! So bukas we're going to the sanctuary and then after that pupunta na tayo sa
Balud to visit the ranch
tapos we'll stay in the resort for a night since masyadong malayo ang biyahe at
bitin kapag hindi tayo nag stay
doon."
Tumango lang ako.
"Are you really sure you're okay?"
Nilingon ko siya at nginitian. "I'm fine."
"Are you sure? Parang hindi," nagsimulang mamutawi ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"May nararamdaman
ka ba? May masakit ba sa'yo?"
Akmang tatayo na siya pero hinawakan ko kaagad ang kamay niya.
"Wala. Okay lang ako, Zyd... Medyo napagod lang siguro sa halos araw-araw nating
biyahe but I'm good."
"Do you want to rest for a bit? Nakakapagod naman talaga ang ginagawa mo at minsan
ay kailangan mo ring
magpahinga. Sige ganito nalang, we'll check out early tomorrow tapos sasaglit sa
sanctuary then skip na sa
ranch. Diretso nalang tayo sa Paraiso de Balud. Magtagal tayo do'n for at least
three days para
makapagpahinga ka. We can film a vlog on the first day and then rest na."
Hindi na ako tumanggi sa kanya. Bukod sa tama siyang pagod ako ay kailangan ko rin
talagang magpahinga.
Nitong mga nakaraan kasi ay parang mabilis na naman akong mapagod and that is not a
good sign.
Kinabukasan ay nagpunta kami sa Buntod sandbar and reef marine sanctuary pero bago
pa bumaba ng tuluyan

P 28-1
ang dagat at mabalandra ang mahabang stretch ng sand bar ay nagpasya na kaming
umalis dahil mahaba pa
ang biyahe namin patungo sa kabilang dulo ng lugar. Limitado man ang oras pero
totoong nag enjoy ako roon.
It's a paradise. Sa lahat ng napuntahan kong tourist spot ay doon ako nag enjoy ng
sobra. Hindi lang dahil sa
mala crystal na kulay ng dagat kung hindi dahil para itong Maldives ng Pilipinas.
My cousin and I were lucky
dahil halos wala ring tao ng pumunta kami.
"We're now going to Paraiso de Balud. We'll probably arrive at the resort after 4
hours since may
kabagalang mag-drive ang driver ko," natatawang sabi ni Zyd habang hawak ang
cellphone ko't naka-live.
Napanguso ako sa camera pero natawa nalang rin. "We'll update you guys later pero
bukas na namin kayo
ito-tour doon. Miss Right needs rest."
"Ikaw rin naman." nilingon niya ako pero ipinagpapatuloy pa rin ang ginagawa.
"Yup!" she paused and reads some interactions from the viewer.
Sinasabi niya naman at parehas naming sinasagot ang mga katanungan nila pero ang
pormal kong pagkatao ay
bahagyang naging alerto ng marinig ang sunod niyang mga salita.
"Yeah. Unfortunately we're not with Mr. Right. Kasi naman itong si Miss–"
"Asher is busy!" nagmamadali kong singit dahil baka kung ano ang masabi niya sa
madlang wala na namang
pahintulot ko! "And come on guys! Kayo talaga. Give him peace, alright? James 3:18,
A harvest of
righteousness is sown in peace by those who make peace." pangaral kong lalo lang
nagpangisi sa babaeng
katabi ko lalo pa't kasabay no'n ang pagwawala ng mga tao dahil sa naging takbo ng
usapan.
"Nasaan daw ba kasi si Mr. Right?"
Nagkibit ako ng balikat.
"Palagi siyang nasa prayers ko kaya kahit hindi ko alam kung nasaan siya, alam ko
namang safe siya. That's
for sure."
Itinutok ni Zydney ang camera sa akin habang nangingisay na yata sa likod nito.
Kinuha niya ang sariling
cellphone para doon magbasa ng mga tanong ng viewers.
"Is he with the guys? Bakit wala po kayong balita? Hindi ba kayo nag-uusap?
Questions from Hanabishi. Hi
Hanabishi! Kumusta ang bentahan? Medyo marami kang baong tanong ha." natatawang
pagbibiro ni Zyd na
pinanlakihan ko ng mata.
She mouthed a sorry kaya nagpatuloy ako sa pagsagot.
"I think so. Hindi naman sa wala. I just don't want to disturb him but we are fine.
We're friends," giit ko. "Isa
pa, hindi naman lahat ng kaibigan dapat palaging kausap. It's normal to be apart
with some friends but that
doesn't mean na hindi na kayo magkaibigan regardless kung nag-uusap o hindi."
"Good answer, Karsyn!" napanguso ako sa hiyaw niya. Parang gusto ko tuloy
malditahan si Zyd dahil alam
kong kasalukuyang marami na naman siyang naiisip na kababalaghan!
Isa rin kasi iyon sa mga tanong niya nitong mga nakaraan. Kung bakit daw hindi kami
nag-uusap ni Asher
P 28-2
kahit text man lang at ang sagot ko kanina ang naging sagot ko rin sa kanya.
"Pero kung kayo ang tatanungin, okay lang po ba 'yung gano'n? Dapat bang magkalayo
rin minsan ang
dalawang tao para ma-miss ang isa't-isa?"
Inangat ni Zyd ang telepono para ipakitang tanong nga iyon at hindi imbento niya.
Dahil naka-live ay wala
akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang sagutin.
"Pwedeng oo, pwedeng hindi. Depende sa tibay ng relasyon, I guess... Pero sabi nila
absence makes the heart
grow fonder so I think some absence is okay." ngumiti ulit ako sa kabila ng
pagmamaneho, hindi na napansin
ang bigat ng tanong dahil walang malisya ko iyong sinagot.
"So do you feel more affection for Asher because you're not seeing each other now?"
Bahagya kong nabagalan ang ginagawa dahil sa kabiglaan sa panibagong tanong. Muli,
itinaas niya ang
hawak at ipinakitang tanong nga iyon. Naiilang akong ngumiti.
"We're just friends." tipid kong tanong.
"But do you miss him? Friends can miss each other, walang malisyang tanong lang
po."
Lumawak ang ngisi ng pinsan ko na gaya ng mga nanunuod ay gusto ring malaman ang
sagot ko sa tanong na
'yon!
"I... miss them. Miss ko na silang lahat," indirect kong sagot dahil sa sarili ko
nga ay nahihirapan akong
aminin 'yon, sa lahat pa kaya? "I miss being surrounded by them. Talagang masaya
silang kasama at
mababait."
Medyo dismayado man sa sagot ko ay hindi pa rin nawala ang ngiti ni Zyd.
"Heto... Do you pray that you'll see him again? Him." pagdidiin na niya dahil
nahulaang magiging showbiz na
naman ang sagot ko.
"Oo naman, bakit hindi?"
"Kasi miss mo na rin 'no? 'Di ba?"
"Guys..." handa na sana akong depensahan ang sarili pero sa pagbaling ko ulit sa
gawi ni Zydney ay para na
siyang sinisilaban dahil sa kilig kaya nahinto ako. "Zydney!" it's her own
question!
"What?! Bawal ba akong magtanong?!" reklamo niya at inayos na ang camera para
sumali na rin at mag rant
dahil sa pagiging unfair ko.
Hindi ko pinansin ang lahat ng iyon at tinawanan lang siya. Baliw kasi.
"Fine! You see kung gaano ka-unfair si KF? Sa'kin wala ba kayong tanong like kung
paano nila titigan ang
isa't-isa na parang sila lang 'yung tao sa mundo? Iyon bang gaya ng mga romantic
films na kapag nagkikita ang
dalawang bida, bumabagal ang ikot ng mundo... Nagiging malamyos ang tunog ng
paligid..." she said
dramatically so I snapped.

P 28-3
"Stop it, Zydney!" reklamo kong ikinahalakhak niya. I pouted as I try to grab my
phone from her hand pero
bigo ako. "I'm just kidding! Anyway magpapaalam na muna kami!" aniya habang patuloy
na iniiwas ang
telepono sa kamay ko. Nakita ko ang pagdami ng mga puso sa screen. "Pero kung may
tanong kayo ha? DM
DM nalang! Adios!" dagdag pa ng nababaliw kong pinsan bago hinayaang makuha ko iyon
sa kamay niya.
Ilang oras akong hindi natigil sa pagpapagalit sa kanya dahil sa mga pang-aasar
niya pero wala naman siyang
isinagot kung hindi ang mga baluktot at romantikong pangangatwiran. Hapon na ng
makarating kami sa resort.
It's a private resort at medyo malayo sa ilan pang naroon kaya medyo tahimik pero
kahit na gano'n ay
nagsusumigaw naman ang kagandahan nito.
Hindi ko napigilang mapahinto at sipatin ang kulay kahel na langit dahil sa
pababang araw. Napasinghap ako
ng umihip ang pang hapong hangin. Pakiramdam ko'y nakatingin ako sa isang magandang
obra at alam kong
gano'n rin ang pagkamangha ni Zyd dahil sa paglapit niya't paghawak sa kamay ko.
"God... This is beautiful." mangha niyang bulong.
Tumango ako at itinuon ang mga mata sa kumikinang na dagat dahil sa liwanag ng araw
na tumatama rito, tila
nobyong namamaalam ngunit dala ang mga pangakong babalik rin kinabukasan. Pangakong
hindi mapapako...
and I think that's the most wonderful thing in the world maliban sa tinatanaw ko.
Ang makatanggap ng
pangakong natutupad.
Nanatili kaming nakadungaw doon hanggang sa tuluyan iyong bumaba. Pagkatapos naming
kumain ay sandali
lang akong nag-check ng mga accounts at natulog na rin.
Nagising ako sa sikat ng araw na nakakapasok sa aming kwarto. Pinili kasi namin
iyong nasa dulo at tabing
dagat para ang pag-akyat at pagbaba ng araw ay hindi namin mapalampas. Iyon nga
lang, huli pa rin ako sa
sun rise ngayon.
Zyd updated everyone that we're going to film the first and only vlog sa lugar
dahil magpapahinga na muna
kami at ii-enjoy ang lugar gaya ng ginagawa namin noon bago maging ganito ang
trabaho ko.
"Wow, Zyd! How many hours did you spent working out to be that sexy!" masaya kong
puri sa kanya habang
sinisipat siya sa harapan ng salamin na nakasuot ng pulang two piece na talagang
bagay na bagay sa kanyang
katawan.
Ang kanyang balat ay makinis at maputi gaya ng sa akin. Magkasing taas rin lang
kami pero kung sa katawan
ay sigurado akong siya ang mas sexy. Ang ilang taba sa kabuuan niya ay napunta sa
mga tamang pwesto, mana
kay Tita Rosel na noong kabataan ay pang modelo ang katawan at kinaiinggitan ng
lahat.
"Oh, stop!" nahihiya niyang tinakpan ang sarili gamit ang puting kimono at
pagkatapos ay binalingan ako.
Parang gusto kong matawa sa pagkamanghang nakita ko sa kanya ng maharap naman ako.
We plan to swim
after we eat breakfast kaya naman naka-rash guard ako at hipster bikini bottoms na
natatakpan rin ng kimono
pero mukhang hindi siya kumbinsido sa gayak ko.
"You'll wear that instead of a bikini?"
I nodded. Lumapit ako sa salamin at sinipat ang sariling repleksiyon. Kahit na
balot ang pang itaas ko ay

P 28-4
hindi naman maipagkakailang may panlaban rin naman ako kay Zydney. She may have
bigger boobs than mine
pero ang pang-upo ko ay nabiyayaan rin naman kahit paano. Isa pa, hindi ba mas
mahalaga naman sa lahat ang
confidence? At nag-uumapaw iyon sa akin habang sinusuri ang sarili.
"I'm comfortable with this." hinuli ko ang mga mata niya gamit ang bagay na nasa
harapan, tumango naman
siya na parang nakuha na ang gusto kong sabihin.
Hindi na kami nagtagal. Pagkatapos kunin ang mga gamit na dadalhin diretso sa beach
ay umalis na rin kami.
Natagalan lang kami patungo sa restaurant dahil sa pagkuha ni Zyd sa akin habang
ipinapakita sa camera ang
kagandahan ng lugar kung nasaan kami. There was no tourists aside from us 'di gaya
sa mga huli naming
napuntahan kaya malaya akong nakapagsalita ng hindi nakakaramdam ng pagkailang.
Pagkatapos ng ilang maliliit na clips ay dumiretso na kami sa restaurant pero ang
lahat ng tuwa, pagiging
excited at mga plano namin para sa buong araw na ito ay mabilis kong nakalimutan
nang sabay na prumeno
ang mga paa namin.
Tila natigil ang lahat ng ingay sa buong paligid ng bumalandra sa aking mga mata
ang labing dalawang
lalaking ngayon ay nakangiti sa direksiyon namin ng aking pinsan.
"There they are!" masayang hiyaw ni Lance.
"There she is." Ivan corrected sabay tapik sa katabing si Asher na hindi naman na
kailangang istorbohin para
makita ako dahil siya ang unang unang lumingon sa pinasukan namin na tila kanina pa
kami inaabangan!
Sa lahat ng ginawa kong trabaho sa lumipas na mga araw ay sa kanyang mga mata ko
naramdaman ang sobra
at biglaang pagkahapo. His eyes was making me catch a breathe. Iyong mga matang
malalim ang gustong
sabihin kaya bahagya akong hiningal na maski ang pag-angat ng aking kamay para
damhin ang aking kaliwang
dibdib ay hindi ko na napigilan.
This is a surprise... Anong ginagawa nila rito? Niya?
"B-Bakit kayo nandito?" tuliro kong tanong kay Eros matapos tanggapin ang kanyang
mainit na yakap.
He just smiled at me. Imbes na sagutin iyon ay binigyan niya ng pagkakataon ang iba
pang mabati kami ni
Zydney pero gano'n nalang ang pag-atubili kong gumalaw ng makita ang matikas na
pagtayo ni Asher para
gayahin ang ginawa ng lahat.
Pakiramdam ko'y tanging ang malakas na pagwawala nalang ng puso ko ang naririnig ko
sa bawat hakbang ng
mga paa niya palapit sa akin. Napasinghap ako ng huminto siya sa tapat ko. Mabuti
nalang at abala ang iba sa
pakikipagbatian kay Zyd kaya tiyak na siya lang ang nakapansin no'n.
Pinigilan kong hawakang muli ang aking dibdib ng umarko ang gilid ng kanyang
magkabilang labi para bigyan
ako ng matamis na ngiting mas maganda pa sa bagong umagang nasilayan ko at mas
maganda rin sa pagbaba
ng araw na nakita ko kagabi...
"Hi." he greeted sweetly that made me swallowed the bile in my throat.
"H-Hi." nahihiya kong sagot pabalik.

P 28-5
Hindi ko napigilang sipatin ang kabuuan niya. He was wearing a khaki shorts and a
plain white shirt. Amoy
ko ang bango ng kanyang katawan na parang dark chocolate na hinaluan ng mint na
kahit hindi ko singhutin ng
direkta sa balat niya ay kusang isinasabay ng hangin patungo sa akin. Chocolates
are my favorite... And I
think I just found a reason to look forward to see him because he smells like he's
going to be my favorite
scent now.
Kahit na naligaw ang utak ko sa pamumuri sa kanya ay natalo pa rin iyon ng mga
katanungan sa utak ko kung
bakit sila narito. Malaki rin naman ang Masbate at marami pang magagandang lugar
pero bakit dito sila
napunta? Ibig bang sabihin...
"We followed you here." ani Igo na pumutol sa pag-iisip ko sa matamis na bagay.
Sabay namin siyang nilingon pero imbes na ipagpatuloy niya ang sasabihin ay si
Jacob ang sunod na
nagsalita.
"Someone wants to see you, KF. Mukhang nami-miss ka ng sobra kaya hindi na
napigilang sundan ka."
makahulugan niyang sabi sabay sulyap kay kay Asher pero nanatili itong tahimik.
Natatawang umiling si Jacob at ibinalik na ang atensiyon sa mga kaibigan kaya muli
kaming napag-isa ni
Asher. Ilang beses akong pasimpleng huminga ng malalalim para kontrolin ang sarili
at pagalitan pero kusang
nag-uumalpas ang kaba sa dibdib ko. I don't even know what to say to him lalo na
pagkatapos ng mga sinabi
ng kasama niya.
"I-Is that true?" maingat kong tanong dahil bukod sa awkward na ang sitwasyon ay
mas lalo kong
nararamdaman ang pangingiliti ng kung ano sa aking tiyan sa pagtagal ng oras na
nakatayo lang siya sa harap
ko't walang ginawa kung hindi ang titigan lang ako.
We're both speechless sa hindi malamang dahilan but I need to say something kaya
pinipilit ko. Pinanuod ko
ang pagtaas ng kanyang malapad na dibdib para humugot ng isang malalim na paghinga
pagkatapos ay
marahang tumango.
"Sinundan kita..." napaawang ang bibig ko pero bago pa ako makasagot ay tuluyan
nang nabaliw ang utak ko
sa mga sunod na narinig. "At totoo ring na miss kita, Karsyn."
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
SHET SANA ALL sana ol

P 28-6
CHAPTER 26
8.6K 650 176
by CengCrdva

CHAPTER TWENTY SIX


Sunrise
Hindi ko alam kung paano ako nakakain ng maayos pagkatapos ng narinig sa kanya.
Everyone is clueless
about what happened. Though nakaraos ang masayang umagahan ng walang nakakapansin
sa pag-aalburoto ng
puso ko ay hindi naman iyon nawala.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na muna kami sa kanilang tatapusin ang trabaho para
sa araw na ito pero
hindi nila hinayaang mag-isa kami ni Zydney.
My heart is pounding so much that I needed to take breaks in between. Kahit na kasi
hindi naman ako
kinakausap ni Asher ay sapat na ang presensiya niyang guluhin ako. Mabuti na nga
lang at naroon si Zydney
para palakasin ang loob ko dahilan para matapos namin ang lahat ng maayos.
"Chill, Karsyn... Huwag mo namang ipahalatang naaapektuhan ka kay Asher."
"Hindi ha." depensa ko sabay iwas ng tingin.
"Leviticus 19:11," napapikit na ako nang marinig iyon. "You shall not steal, nor
deal falsely, nor lie to one
another."
Hinawakan ko ang kamay niya bago pa kami makaibis pabalik sa beach front para
daluhan ang mga
kalalakihan.
"Am I that obvious?"
Matamis siyang ngumiti sa pag amin ko.
"Hmm, not that much but I can feel it."
"Do you think the guys notice it too?"
Nagkibit siya ng balikat at hinawi ang buhok ko patungo sa likod ng aking balikat.
"Relax ka lang, okay? You're so stiff lalo na sa last video."
"Sorry."
Isinukbit niya ang kamay sa aking braso.
"It's okay! I understand. Hindi ko akalaing mas gwapo pa pala talaga siya sa
personal kaya naiintindihan
P 29-1
kita." I smiled at that.
Kung tutuusin ay maayos naman akong makitungo sa kanila. Kahit likas na mabait at
talagang gwapo si Asher
ay hindi ko binibigyan ng malisya ang lahat ng ginagawa niya para sa akin pero ang
marinig mismo sa labi
niya ang mga salitang na-miss niya ako? I don't know kung kaya ko pang isawalang
bahala 'yon.
Nagpatuloy si Zyd sa pagpuna sa mga panlabas na katangian ng magkakaibigan na alam
na alam kong mga
tipo niya rin. Matagal na kaming hindi nakakapag-usap ng ganito kaya kahit na may
malisya para sa kanya ang
mga lalabas sa labi ko ay hindi naman ako nagsinungaling.
"He's a good looking guy. Lahat naman sila ay maganda sa paningin kaya oo. He's
attractive." I answered.
Kasalukuyang nasa dagat ang mga lalaki habang kami naman ni Zyd ay umahon na muna
para inumin ang
dalang buko juice ng dalawang waiter para sa grupo namin. Lumawak ang ngiti niya.
"Ikaw? Do you find him attractive too?"
"Well," umayos siya sa lounger at ipinukol ang titig sa lalaking pinag-uusapan
namin. "I can see your future
with him and that makes him more attractive. Bukod sa bagay kayo dahil parehas
kayong magagandang tao sa
loob man at labas, tama rin ang mga kaibigan niyang may chemistry'ng nabubuo sa
inyo. You look so lovely
together."
Ngumiti ako pero hindi ko mapigilang malasahan ang lungkot doon sa hindi malamang
dahilan. Hindi natuloy
ang topic namin dahil sa pagdating nila Sergio. Maya maya pa ay umahon na rin ang
lahat kaya muli nila
kaming naukopa.
I remember talking to Jacob pero hindi nagtagal ay napalitan na iyon ni Asher at
hindi pa man ito
nakakapagsalita ay nagsialisan na rin sila't lumipat sa hindi kalayuan para maglaro
ng beach volleyball
kasama si Zydney.
Napangiwi ako ng makita ang pag thumbs up niya na tila iyon ang sagot para mawala
ang kabang muling
nakapasok sa puso ko.
Tahimik kong nilingon si Asher at pasimpleng nginitian. Ngumiti rin siya pabalik.
"Hindi ka na maliligo?" tanong niya sabay tingin sa ngayo'y dagat na nakabalandra
ang kagandahan sa amin.
"Ikaw ba?"
Parang tumalon ang puso ko ng makita ang pag-angat ng arko ng sulok ng labi niya.
"I asked you first."
"B-Baka mamaya. Bakit?" sumimsim ako sa hawak ko.
"Just asking, para alam ko kung may hihintayin ako o wala." aniya sabay inom rin sa
hawak na buko juice
habang ako naman ay parang gusto nang mabulunan.
"Bakit? Hinintay mo ba ako kanina?" tanong ko habang itinatago ang pag-iinit ng
aking magkabilang pisngi sa
P 29-2
napagtanto.
Walang pag-aalinlangan siyang tumango.
"I don't know why I'm acting like this but I know one weird thing..."
"What is it?"
"It feels weird seeing you near me but not beside me. Parang mas gusto kong nasa
tabi kita habang tinitignan
kita."
Natulala ako sa kanya at hindi kaagad nakapagsalita. Ang mga mata ko ay tuluyan
nang muling nalunod sa
kanyang matang kasing kinang ng sinag ng araw ngayon. Hindi ko na rin nagawang
buksan ang aking bibig.
Akala ko magsasalita pa siya dahil mukhang totoong napakarami niyang gustong
sabihin sa akin sa ilang
linggo naming hindi pagkikita pero nagulat nalang ako ng tumayo siya, tila
tinatapos na ang pag-uusap namin.
"Let's join them." aniya nalang na hindi ko naman tinanggihan.
Maski ang paghawak niya sa kamay ko hanggang sa madaluhan namin ang lahat ay nawala
na sa utak ko. Kung
hindi ko pa narinig ang hiyawan nila ay hindi ko pa iyon babawiin.
Tahimik akong naupo sa gilid at sinabing manunuod lang ako. Zydney is playing with
them. Alam niyang
hindi ako naglalaro ng kahit anong sports kaya sanay na kaming ganito ang sistema.
Ako ang alalay niya
kapag may sasalihan siyang sports noong high school kami. Bukod sa pagiging number
one fan, water girl at
towel girl niya rin ako.
"Mine!" napangiti ako at agad napapalakpak ng hampasin ni Zydney ang bola at agad
'yong dumiretso sa
buhanging hindi naagapan ng kabilang team.
Dahil sa laro nila ay nawala sa utak ko ang lahat ng tagpo namin ni Asher ngayong
araw. I'm still confused
kung bakit sila narito gayong malinaw naman ang dahilan niya. Oo nga at posible rin
namang ma-miss ang
isang kaibigan pero ang sundan ito sa malayo? Medyo madalang ang gano'n.
Binigyan ko ng towel si Asher ng lumapit siya. Nasa tabi ko Gerald na scorer ng
laro pero ng makita ang
kaibigan ay umalis rin kaagad at lumipat sa kabilang banda para ipagpatuloy ang
ginagawa at bigyan kami ni
Asher ng oras na magkasarinlan ulit.
"Wanna join?"
Umiling ako kaagad.
"I don't play any sport. Okay na ako rito."
Pinunasan niya ang kanyang pawis sa mukha at leeg bago muling tumabi sa akin.
"Why?"
"Hindi ako marunong." pag amin ko.

P 29-3
"I'll teach you," marahas na tumuon ang mga mata ko sa kanya. "Do you want to
learn?" he added.
Pakiramdam ko'y may kung anong tumalon sa puso ko. Buong buhay ko ay bantay sarado
ako at alagangalaga. Oo nga at nasanay na rin naman akong hindi pinapasali sa mga
ganitong klase ng activities at hanggang
chess lang pero ni minsan ay hindi ko aakalaing may magtatanong pa sa akin ng bagay
na 'yon. Noon,
nakukuntento man akong pinapanuod lang si Zyd pero nagdarasal rin akong isang araw
ay makapaglaro rin
ako ng kahit anong sport at hindi ako makapaniwalang ang matagal kong dasal na iyon
ay ngayon lang
mapagbibigyan!
"O-Okay lang... Kaso baka matalo kayo kapag sumali ako."
"Then I'll teach you tomorrow. Unless may gagawin kang iba?"
Umiling ako kaagad.
"I'm free tomorrow."
Nakita ko ang bahagyang pagkislap ng mga mata niya dahil sa sinabi ko pero mabilis
rin iyong naitago.
"Good. Susunduin kita sa suite niyo tapos tuturuan kitang mag volleyball."
"Dito? bukas?" I still can't believe it.
Alam ko mang mahina ako pagdating sa mga pisikal na aktibidad pero madali naman
akong matuto kaya alam
kong hindi mahihirapan sa akin si Asher. Besides, gusto ko rin talaga.
He nodded.
"Sige. Pero okay lang naman na hindi mo na ako sunduin. Sabihin mo lang kung anong
oras para mapuntahan
kita–"
"Do you want to see the sunrise with me?" he cut me off.
Wala sa sariling napalunok ako. Wala kaming plano ni Zydney na panuorin ang sunrise
at alam kong hindi
niya rin trip iyon dahil mantika siya kung matulog pero isa rin 'yon sa gustong
gusto kong gawin. I found
myself nodding at him.
He smiled again at pagkatapos ay iniwan na sa balikat ang tuwalyang ginamit.
Bumalik ang mga mata niya sa
laro bago muling nagsalita.
"Susunduin kita. Sabihin mo sa akin kung anong oras at kung ano pa ang gusto mo
para madala ko."
napaawang ang bibig ko ng lumingon siya pero ngumiti lang ito sa akin at pagkatapos
ay tumayo na't bumalik
sa laro.
Sa mga sunod na minuto ay wala akong ginawa kung hindi ang pumalakpak kahit saang
team. I don't know
who I'm supporting now. Lutang ang utak ko. Magkahalong kaba at excitement ang
kumakain sa akin hanggang
sa matapos ang paglalaro nila.
Iniwan na namin sila ni Zyd at hindi na binalak na sumama sa mga ito pabalik sa
city para maglibot at mag-

P 29-4
party.
Buong maghapon lang kaming nanatili ni Zydney sa resort. Nag-edit siya para sa
huling vlog at nagpaalam na
sa mga supporters ko't sinabing magpapahinga na muna kami at sandaling mawawala.
She didn't mentioned
the guys kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Sa paglipas ng oras hanggang sa makahiga na ako sa kama at magpa-antok ay hindi
natigil ang cellphone ko
sa pagtunog.
Normal nalang naman iyon sa akin pero hindi ko napigilang tignan iyon kahit na
nangako ako kay Zydney na
ilalayo muna ang sarili sa social media. I don't see any reason why people are
messaging me na halos
sumabog na ang mga accounts ko pero patuloy ang pagbuhos ng mga mensahe.
Napagtagpi-tagpi ko lang ang
lahat ng makita ang dahilan ng kaguluhan.
Someone retweeted a photo of Asher with his friends here in Masbate. Siguro ngayon
lang 'yon kuha. Marami
ang nagta-tag sa pangalan ko at iyon ang dahilan ng pagdami ng notifications.
Everyone knows that I'm here
kaya iyong mga nakakitang narito rin siya ay nagwawala na.
Napabuga ako ng hininga sa ere.
Ngayon pa nga lang na hindi nila alam na nagkita na kami ay sobra sobra na ang mga
reaksiyon nila, ano pa
kaya kapag isina-publiko na namin ang muling pagtatagpo?
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi sa naisip.
Ano pa kaya kapag nalaman nilang panunuorin naming dalawa bukas ang sunrise at
tuturuan ako nitong
maglaro ng volleyball pagkatapos? Baka tuluyan ng sumabog ang lahat ng social media
accounts ko.
Nagpatuloy ako sa pag-scroll. Nakita ko ang ilan pang posts ni Davos na
kumumpirmang ngayon nga kuha ang
mga litrato pero naputol ang pakikiusyoso ko ng mag notify ang isang message na
bagong dating mula kay
Asher. Pigil ang paghinga kong binuksan iyon.
AsherTan:
Sleep now, KF.
Ako:
Matutulog na rin ako. Nakabalik na ba kayo?
AsherTan:
I don't think we'll be back soon. We're still in the city.
Ako:
Diyan kayo matutulog?
Mabilis na kumalat ang lungkot sa puso ko sa naisip na posibleng hindi na sila
makabalik lalo na't delikadong

P 29-5
bumiyahe ng gabi patungo rito pero mas naging malungkot ako sa isiping hindi namin
magagawa ang mga
planong sinabi niya kanina.
AsherTan:
I think so. I'm sorry, Karsyn.
Mapait akong napangiti pero kahit na dismayado ay nagawa ko pa rin siyang replayan
sa kung anong totoong
nararamdaman ko.
Ako:
Okay lang. Marami pa namang next time.
AsherTan:
I'll make it up to you, I promise.
Ako:
It's okay, Asher. 'Wag mo ng isipin 'yon. Mag-iingat kayo and have fun. :)
He didn't reply back. Doon yata ako mas nanlumo. Muli kong binalikan ang account ni
Davos at nakita ang
ilan pang mga bagong post na litrato nila habang nagpa-party sa isang bar.
Imbes na magpakalunod sa lungkot ay inisip ko nalang na kahit wala si Asher ay kaya
ko pa rin namang
gawin ang mga sinabi niya kanina kahit mag-isa ako. I can still watch the sunrise
alone at kung kaya ko ay
iyon ang gagawin ko bukas.
I set an alarm after researching kung anong oras lalabas ang araw kinabukasan.
Hindi na ako nag-aksaya ng
panahon online at natulog nalang. Pagtunog ng bagay sa tabi ko ay agad ko iyong
pinatay at pagkatapos ay
kumilos na.
Nanibago man akong hindi ako nag-update pagka-gising dahil sa planong hindi na kami
magba-vlog pero
dinala ko pa rin ang camera ko at ilang gamit para i-record ang mapapanuod mamaya.
Suot ang bulaklaking halter beach dress ay tumungo na ako. Madilim pa ang paligid
na nagsasabing sobrang
aga ko pa para sa gagawin pero nagpatuloy ako hanggang sa dalampasigan.
Inilapag ko ang aking mga gamit at inayos ang sarili sa lounger. Nang medyo
nagkakaliwanag na ay tumayo na
ako't inayos ang tripod sa isang tabi, tamang tama sa pwesto ng paglabas ng araw at
sa akin kapag sumali na
ako sa kanang gilid ng camera.
Wala man akong kasama ngayon pero tiyak kong maraming matutuwa kapag nakita ang
isang ito. Sayang nga
lang because I don't have anyone to share the moment with.
Pinagdiin ko ang aking mga labi. Wala sa sariling napayakap ako sa aking sarili
dahil sa malamyos at
malamig na simoy ng hanging patuloy akong niyayakap. Kumurap-kurap ako sandali.
Hinayaan ko ang buhok
kong isayaw ng hangin maging ang suot kong damit. I forgot to bring any cardigan at
huli na ako kung

P 29-6
babalikan ko iyon sa kwarto. Sa ngayon ay magtitiis nalang muna ako.
Huminga ako ng malalim ng makita ang paggalaw ng mga ulap sa langit na ngayon ay
nahahaluan na ng kulay
kahel gawa ng nalalapit na pagdungaw ng araw.
Napasinghap ako ng makita na ang munting pagsilip nito. Muli kong hinimas ang mga
braso kong
nagsisitayuan ang mga balahibo pero bago ko pa purihin ang pakay na ngayo'y
bumabati na sa akin ay wala sa
sariling nanigas ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ang marahang paglapat at
pagtakip ng isang coat
sa aking nanlalamig na katawan kasabay ng pagtabi ng kung sino sa akin.
"Am I late?" pakiramdam ko'y aatakihin ako sa puso ng malingunan si Asher na ngayon
ay parehas pa rin ang
suot sa mga litratong pinost ni Davos kagabi at kasalukuyang nakangiti ng matamis
sa akin.
Wait... Kakauwi lang nila? Kung gano'n nasaan ang mga kasama niya? Lilingon na sana
ako para hanapin ang
iba pero naudlot 'yon ng muli siyang magsalita.
"I'm sorry, Karsyn..."
Maagap akong umiling. Hindi dahil ayaw kong tanggapin ang sorry niya kung hindi
dahil hindi pa rin ako
makapaniwalang nandito siya ngayon sa tabi ko at kasalukuyang tinutupad ang
pangako!
"K-Kakauwi niyo lang?" my voice couldn't hide my nervousness.
He nodded.
"Ako lang. They're still there, mga nakainom. They don't want me to go back here
dahil delikado raw ang
daan pauwi at madalang lang rin ang mga sasakyan kaya hinintay ko silang makatulog
bago ako umalis."
That made me bit the inside of my cheek. Ang isiping tinakasan niya ang mga
kaibigan para lang umuwi at
tuparin ang usapan namin kahit na delikado ay sapat na para mapuno ng tuwa ang puso
ko.
Mabuti nalang at iniwan niya ang mga mata ko at ibinaling ang tingin sa haring araw
na ngayo'y dumudungaw
na dahil kung hindi ay baka nakita niya ang mga mata kong gusto nang maluha sa
nalaman.
Inilagay niya ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang bulsa.
"Pero mukhang late pa rin ako," he continued. "I forgot to ask someone to prepare
something for us," I
swallowed hard when he looks at me again. "I'm sorry..."
"No," agap ko. Napakapit ako sa kanyang coat na ngayon ay komportableng nakayakap
sa akin. "It's okay,
Asher... I'm glad that you're here. Masaya ako."
His smile widened at that pero nang makita kong halos buo na ang araw sa payapang
langit ay hindi ko na
napigilang hawakan ang braso niya.
"It's here!" hiyaw ko sabay yugyog sa kanya dahilan ng pagtingin niya doon.
"Wow! It's so beautiful..." mangha kong sambit.

P 29-7
"It is..." he replied pero bago pa ako nakapag-isip ng sunod na pamumuri ay
naramdaman ko na ang marahang
paggalaw ng kanyang kaliwang kamay patungo sa kamay kong nakakapit sa kanya at
pagkatapos ay inalis iyon
para dalhin sa kanyang kanan.
He's still looking at the sun while my eyes are watching his right hand slowly
intertwining with mine. Sunod
sunod ang naging paglunok ko ng makita ang pagkakakulong ng maliit kong kamay sa
kanya na parang gusto
iyong protektahan sa kahit na anong masama at hindi na pakawalan kahit kailan.
"So beautiful..." bulong niyang nagpabalik sa akin sa dapat pinag-tutuonan ko ng
pansin kahit na ngayon ay
parang hindi na 'yon ang mahalaga!
Maya maya pa ay marahan niyang pinisil ang kamay ko at pagkatapos ay ibinaling ulit
sa akin ang buong
atensiyon. The sun was up at ang sinag nito ay nagbibigay na ng mala-brilyanteng
kinang sa dagat na may
marahang pag-alon pero hindi doon namamangha ang kanyang mga mata kung hindi sa
akin.
Naputol ang aking paghinga ng bumukas ang kanyang bibig pero ang mga salitang
lumabas doon ang mas
humalukay sa ngayo'y nababaliw kong utak.
"I really don't like waking up this early but I'm willing to sacrifice an hour of
sleep just to witness this beauty
with you," hindi ako nakapagsalita. Ni hindi na rin ako nakahinga ng maayos sa
muling pagpisil niya sa aking
palad at pag ngiti ng pagkatamis-tamis sabay sabing, "Will you spend more of your
sunrise with me,
Karsyn?"
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
TANGINA WAIT YUNG BITUKA KO ESTE PUSOOOO shet!!!!!!!

P 29-8
CHAPTER 27
9.8K 536 120
by CengCrdva

CHAPTER TWENTY SEVEN


Friends
I was staring at him the whole time pero hindi siya nagsawang titigan ako pabalik
habang hinihintay ang sagot
ko. Sa pagpisil niya ulit sa aking kamay ay doon lang ako nakasagot.
"O-Okay lang naman... Yes." pilit na mga salitang lumabas sa bibig ko dahil sa
pagkakataong 'yon ay hindi
nalang ako pwedeng basta manahimik.
Doon siya parang nakahinga ng maluwag at hindi na nagsalita. Binitiwan niya lang
ang kamay ko at
pagkatapos ay maingat na inilagay ang kamay sa aking balikat na parang tinatantiya
pa ang magiging
reaksiyon ko. I didn't move and that gives him the permission to gently put his
hands on my shoulder and
slowly pull me closer to him. Hindi ako nagreklamo. Imbes na mailang ay tanging
comfort ang naramdaman
ko sa ginawa niya kaya hanggang sa mapirmi na ang araw ay gano'n ang pwesto naming
dalawa.
Pagkatapos sa dalampasigan ay dumiretso kami sa restaurant para kumain ng
breakfast. I'm pretty sure Zyd is
still sleeping pero sasamahan ko pa rin siya mamayang kumain at sasabihin ang lahat
ng nangyari.
"You still want to learn how to play volleyball?" he asked.
Tumango ako at tinapos na ang huling pagkaing natitira sa aking plato.
"Oo naman. Ikaw, gusto mo pa rin akong turuan?"
Napangiti siya at inayos rin ang sarili bago muling sumagot.
"Of course. I would love to."
Ako naman ang ngumiti.
"Hilig mo rin ba talaga ang volleyball? Anong sports pa ang nilalaro mo?"
"Marami, you name it pero si Sergio and Igo ang pinaka-magaling sa amin sa
volleyball. They're the best
volleyball players during our college years while the rest dominates basketball."
Hindi ko na kailangang segundahan ang tanong na 'yon dahil alam kong totoo ang
lahat ng mga sinasabi niya.
Kahit naman kasi hindi itanong ay halata naman sa pangangatawan nilang ang mga
built ay talagang ginawa
para sa sports pero curious lang ako kung saan pa siya magaling dahil parang lahat
naman ay kaya niya.
"Matagal na talaga kayong magkakaibigan?" wala man sa plano kong interviewhin siya
pero malugod niya

P 30-1
naman akong sinasagot kaya nagpapatuloy ako.
Besides, I also want to know something about him bukod sa mayaman ang pamilya niya
at mabait siya. Gusto
kong malaman kung ano pang mga hilig niya and all. That's what friendship, right?
'Yong may mga alam kayo
sa isa't-isa.
"Yeah. Our families are bond with business and some of us attended the same school
since pre-school kaya
noong mga bata pa kami, magkaka-kilala na at magkakaibigan."
Namangha ako sa narinig. Masyadong madalang na ang mga ganoong klase ng
pagkakaibigan and that's the
kind of friendship that you'll want to treasure forever.
"How about you?"
Pinagdiin ko ang aking mga labi. If he's asking if I have a lot of friends then no.
Bukod sa mga kakilala ay
wala na akong maituturing pang totoong kaibigan na gaya ni Zydney. Ewan ko ba,
nasanay na rin kasi akong
siya ang kasama simula bata kaya hindi ko na naisip na maghanap pa ng ibang taong
ipagkakatiwala ang lahat
ng sikreto ko. Bakit pa eh kung kaya naman 'yon lahat ni Zydney?
"Si Zyd lang ang kaibigan ko."
"Really?" mangha niyang tanong na tinanguan ko.
"Gaya mo, simula bata ay siya na ang kasama ko. Hindi naman siguro importante kung
gaano karami ang
kaibigan 'di ba? Kahit isa lang ay okay na basta totoo sa'yo. Quality over
quantity."
"I agree but not everything that you've said is right, Karsyn."
"H-huh?"
Inilagay niya ang mga kamay sa lamesa at pagkatapos ay umabante doon habang patuloy
ang seryosong titig
sa akin.
"You have a lot of friends now. Twelve, including Zydney."
Bahagyang nalukot ang noo ko matapos malito sa pagbibilang niya. They're twelve
plus Zyd so thirteen na
'yon. Hindi niya ba favorite ang math?
"Mali ka, thirteen na kung kasama si Zyd." pagtatama ko pero imbes na mapahiya o
ano ay nakita ko lang ang
pagtawa niya.
"What if I don't wanna be friends with you?"
Napalunok ako sa kanyang tanong. Is that a tricky question?
"What do you mean–"
"What if I want more than that?"

P 30-2
Mabilis ang naging pagtikom ng aking bibig at pagsandal sa aking kinauupuan. Ayaw
ko mang isipin ang
dapat isipin pero iyon ang isinisiksik ng utak ko. Nagpatuloy ang pag-uulit ng
boses niya sa tanong na 'yon
pero hindi na ako nakasagot ng umatras siya, tila binibigyan ako ng sapat na
espasyo para makahinga ulit ng
normal.
"Do you want to go to the theater now?" pagbabago niya ng usapan na dahilan ng
pagbuga ko nang hangin na
naipit sa aking lalamunan.
"N-Ngayon na?"
He nodded. Tinawag niya ang waiter at nagbaba ng ilang paper bills bago inilahad
ang kamay sa aking
harapan. Nahihiya man ay hindi ko 'yon tinanggihan.
Pagdating namin doon ay pinapili niya ako ng movie at kahit na romantic film ang
napili ko ay hindi siya
tumanggi. He ordered food for us kahit na katatapos pa lamang namin kumain.
Sa kalagitnaan ng palabas ay doon lang siya muling nagsalita.
"Aside from Zyd who you consider as your sister, do you have any other siblings?"
Mapait akong napangiti sa narinig at pagkatapos ay nilingon siya para umiling.
"Wala na. I have three brothers but they already passed away..." I stopped myself
from talking.
Nakita ko ang pagiging tensed ni Asher at pagkagulat dahil sa nalaman pero bago ko
pa masabing okay lang
ako ay nauna na siyang magpaumanhin.
"I'm sorry."
"It's okay. Matagal naman na 'yon and I know that they're in a good place now so
there's no need to mourn."
"Do you mind if I ask what happened to them?" he said in a sympathetic tone.
Nawala na sa isip ko ang pinapanuod.
"Cancer. They all died because of cancer as well as my mom."
Tanging pagsisisi ang nabanaag ko sa kanyang mukha pero agad akong ngumiti.
"It's okay, Asher," I held his hand para maibsan ang pagka-guilty niya. "You don't
need to feel sorry for me.
They're with the Lord kaya walang puwang ang lungkot doon." masaya at positibo kong
sabi.
Totoo mang mahirap tanggapin ang lahat ng nangyari sa pamilya ko pero totoo ring
dapat ay maging masaya
pa rin ako dahil alam kong ngayon ay masaya na sila. No sickness, no pain and
they're in paradise now.
Imbes na malungkot hindi ba mas nakakainggit 'yon?
"How can you stay positive with all that?" mangha niyang tanong sa kalagitnaan ng
pagkabigla sa nalaman
habang nagsisimulang laruin ang kamay ko.

P 30-3
Nagkibit lang ako ng balikat at pagkatapos ay matamis siyang nginitian.
"That's enough information, Mr. Tan. How about you? Malapit ka ba sa mga kapatid
mo?"
"I guess."
Natawa ako doon.
"Bakit I guess? Hindi ba kayo close?"
"We're close but with the age gap, I don't think it's appropriate to share adult
things with them."
"So you share it with your friends instead?"
He nodded, still smiling. Ngayon ko lang napansin ang tatlong maliliit na nunal sa
kanyang leeg na korteng
tatsulok. Muling umangat sa kanyang mga mata ang titig ko ng muli siyang magsalita.
"I share everything with my cousins. Simula pa man noon, kami na ang magkakasundo
kahit na sa Cebu pa si
Eros permanenteng nakatira."
Nagpatuloy ang usapan namin at nalibang ako na hindi ko na namalayang halos
dalawang oras na kaming naguusap pero hindi maubos ang topic. Naka-dalawang movies
na kami pero wala akong naintindihan doon dahil
mas interesado ako sa lahat ng pinag-uusapan namin. We're like friends who didn't
see each other for a long
time pero naisip kong totoo naman 'yon. Hindi ba hindi naman talaga kami nagkita ng
matagal at kaya nga siya
nandito ngayon ay para mag catch up?
I was laughing the whole time. Hindi ko na naisip na tanggalin ang mga kamay naming
magkahawak dahil
parang may sarili rin iyong utak na ayaw kumawala sa kanya. It was nice sharing
something personal to
someone who's not Zydney. Hindi ako makapaniwalang magaling siyang makinig pero mas
lalong hindi ko
inasahang makakapag-kwento ako sa kanya. I'm very careful with opening up to
someone kahit na ang mood
ko pero mayroon sa aking nagbubulong na ayos lang 'yon. With Asher, ayos lang
lahat.
Pagkatapos naming manuod ay nagpaalam na muna akong babalik sa suite para puntahan
si Zydney. Sinabi
niya namang available siya buong araw kaya walang problema kung anong oras ko
gustong makipagkita sa
kanya. He said he enjoys every minute with me. Gano'n rin naman ako pero baka kapag
ginugol ko ang buong
araw ko sa kanya ay sumabog na ang puso ko.
Zyd is awake when I got back to our suite. Hindi pa man siya ready sa mga kwento ko
pero sinabi ko na rin
sa kanya ang lahat para wala na akong iisipin. Hindi nga lang lahat ay sinabi ko.
"You what?"
"I watch the sunrise with him. Ikaw kasi, mantika ka kung matulog."
"No, It's totally fine with me! I just can't believe na nagiging komportable ka na
sa kanya."
Nahinto ako sa pag-aayos ng mga ginamit kanina. "Masama ba 'yon?"
Nagkibit siya ng balikat.

P 30-4
"Hindi naman. It's a good thing actually. It means that you're growing and I'm
happy for you. Hindi lang ako
makapaniwala because this is the first time that you allow someone to be this close
to you, lalo na't lalaki."
"Am I doing something wrong?"
"Nope!" lumapit siya sa aking gilid. "Now tell me what happened after that?"
Nagpatuloy siya sa pag-usisa kung ano pa ang mga nangyari pero bukod sa nanuod kami
ng sunrise, kumain ng
breakfast at pumunta sa theater ay wala na siyang nakuhang impormasyon sa akin. Not
even Asher's proposal.
"Don't interlock your knuckles like that," inayos ni Asher ang kamay ko sa tamang
posisyon and I can't help
but to be amazed with his teaching skills.
Simula nang mapunta kami sa ilalim ng mga nagtatayugang puno ng niyog na mayroon
ring net para sa
volleyball ay banayad siya kung magturo at determinadong mabigyan ako ng aral para
matuto. Ngayon lang
natuloy ang pagtuturo niya sa akin ng volleyball dahil alam kong kailangan ng
pahinga ni Asher kahapon.
Hindi ko siya inistorbo.
"Okay." inayos ko ang aking kamay gaya nang ipinakita niya.
"Put your other hand on top of the other and close them," I followed every bit of
his instructions. "When
you're passing the ball, make sure it will hit between your wrists and your elbow.
Never up high and never
on your hands. Just your the flattest part of your hand as your platform because
that will give you the most
consistent pass."
Sinubukan niyang ipakita sa akin kung paano patalbugin ang bola ng tama sa kanyang
kamay.
"Also, you need to bend your knees when passing. It's not only on your arms. You
need to use your legs too to
guide the ball where you're passing through." he demonstrate it again for me at
nakuha ko naman.
"Try it." aniya sabay bigay ng bola sa akin.
Huminga ako ng malalim at binulungan ang sarili na okay lang kung hindi ko makuha
sa unang subok as long
as hindi ako susuko. I know I can do it.
Ginawa ko ang sinabi niya and as expected, madali iyong nalaglag sa buhangin pero
ang pagti-cheer sa akin
ni Asher at pag engganyo ang bumuhay sa determinasyon kong matuto hanggang sa
nakakatagal na ang bola sa
kamay ko.
"Wow! You're a fast learner!"
I didn't answer him. Ipinagpatuloy ko ang pagpapatalbog ng bola sa kamay ko at
sinagot lang siya nang
bumagsak iyon sa pinong buhangin.
Tumatawa siyang tumakbo para habulin iyon.
"You distracted me, Asher!" nakanguso kong pagalit sa kanya habang palapit at
walang patid ang pag ngiti.
"You're doing great," aniya sabay hinto ilang hakbang sa akin. Inilagay niya ang
bola sa kanyang tagiliran at

P 30-5
muli akong tinitigan. "You can play with us later."
"I'm not ready yet."
"Nah, you're beyond ready." nilagpasan niya ako patungo sa camerang nakatutok sa
aming dalawa.
Again, I broke the rules pero hindi ko naman iyon isasama sa vlogs ko. It's my
personal file. Siya mismo ang
nagsabing i-record ko iyon at ang iba pang mga first time na gagawin ko para raw
may babalikan ako kapag
naging magaling akong volleyball player. Imposible man ang sinasabi niya pero tama
rin siyang dapat ko
iyong i-record. Sa lahat ng nangyayari ay naisip kong napakarami ko pang hindi
nagagawa. Isa pa, time flies
so fast at maganda pa rin 'yong isang araw ay mababalikan mo 'yung mga pagkakataong
naging masaya ka.
Gaya nalang ngayon.
Kinuha niya ang tubig at lumapit sa akin pero bago ibigay ang tubig ang kinuha niya
ang kanang kamay ko.
Tahimik ko siyang hinayaan pero hindi ko napigil ang pagsinghap ng haplusin niya
ang aking palapulsuhan
pataas na ngayon ay bahagyang namumula. Sa ginawa niya ay para tuloy umakyat ang
init ng mga kamay ko
patungo sa aking pisngi.
"Masakit ba?"
"Katamtaman lang."
Muli niyang hinaplos iyon na parang gustong pawiin ang lahat ng hapdi maski ang
pagpintig nito.
"I'm fine, coach." pagbibiro ko bago inabot ang tubig sa kamay niya.
Napangiti siya na tila nabunutan rin ng tinik sa dibdib. Sabay kaming naupo sa
buhangin paharap sa dagat.
Zydney is still sleeping at ang mga lalaki naman ay nasa gym at kahit siguro wala
silang ginagawa ay hindi
sasama ang mga 'yon sa amin ngayon. As he said, private lesson daw ito at exclusive
lang sa'kin kaya no pets
allowed.
"Where are you going next?" tanong niya sabay inom sa hawak na tubig.
"Samar."
"And then?"
"Hmm, I don't know what's next."
Isinara niya ang tubig at hinarap ako.
"Babalik ka na sa Manila?"
"No."
"Then where?"
Nagkibit ako ng balikat.

P 30-6
"Hindi ko pa alam. Kapag natapos na kami sa Samar, mag-isa nalang ulit akong
magpapatuloy kaya hindi ko
pa alam."
"Mag-isa?"
Malungkot akong tumango.
"Zyd will go back to Manila para asikasuhin ang susunod na semester kaya maiiwan
ulit ako," nagpakawala
ako ng hangin sa aking bibig at tuluyan nang ibinaba ang tubig sa aking gilid bago
niyakap ang mga tuhod.
"Hindi bale, kaya ko namang mag-isa. Natututo na ako."
"It's dangerous for you to be alone, Karsyn. Paano kung umuwi ka nalang muna sa
Manila–"
"And wait for Zyd?" ngumiti ako at umiling. "I can't do that. I need to continue
what I've started. Hindi na
baleng mag-isa ako. Kaya ko 'yon. Nakaya ko ngang hanapin ka ng mag-isa sa Batangas
'di ba?" kumawala
ang tawa ko pero imbes na matuwa ay parang mas lalo lang nalukot ang noo niya.
"Malapit lang ang Batangas sa Manila at mas safe doon kaysa sa malalayong lugar
gaya nito na hindi mo pa
alam."
"Wala akong alam na lugar, Asher. Ni minsan ay wala akong nalibot simula ng umalis
ako sa bahay kaya
bago ang lahat sa akin. This is a learning experience for me."
Sandali siyang natigil sa narinig, tila hindi makapaniwala sa sinabi kong
katotohanan. Paano, simula bata ako
ay kung hindi sa bahay, sa mall, at mga kalapit na beach clubs ay wala na akong
napuntahan. My parents were
busy at nang bitiwan naman ni Mommy ang pagtulong kay Daddy sa kompanya para
pagtuonan kami ng pansin
ay saka naman nalaman ang sakit nito. Ang lahat ng planong out of town and out of
the country ay na-cancel at
hindi na dumating kahit kailan dahil sa sunod-sunod na dagok sa amin.
"And I can do it. I know I can do it alone." muli kong giit at pagkatapos ay
Ibinalik ang tingin sa dagat.
Ito na ang pangalawang beses naming nanuod ng sunrise kanina and I'm still looking
forward for more pero
gaya ng kanta, ang lahat ay may katapusan. Kahit na gusto ko pang makasama siya sa
bawat sikat ng araw ay
kailangan ko ring umusad. Bukas ay tutulak na kami patungong Samar para simulan ang
paglilibot doon.
Excited man ako sa gagawin pero hindi ko rin mapigilang malungkot sa isiping mag-
isa nalang ulit akong
manunuod sa paglitaw ng bagong umaga.
Katahimikan ang sunod na pumagitna sa amin. Bukod sa malamyos na simoy ng hangin at
marahang
paghampas ng mga alon sa hindi kalayuan ay wala ng tunog na umukopa sa aming
dalawa.
Pumikit ako at itinatak sa utak ang mga sinabi sa kanya. "I can do it alone. I will
do it."
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
P 30-7
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
SHET FEELING KO--- MYGHAD NOOO hoy asher umayos ka!!! WAG KANG PAASA

P 30-8
CHAPTER 28
8.4K 612 169
by CengCrdva

CHAPTER TWENTY EIGHT


Beautiful
Nakangiti kong nilagyan ng check ang gilid ng isang listahang ginawa ko. Bago ako
umalis noon sa Manila ay
naglista ang ako ng mga bagay na gusto kong gawin. I already did eight out of
twenty seven sa halos
dalawang buwan na paglalakbay. Marami pa akong naiisip na gusto kong gawin at kapag
napag-isipan ko
nang mabuti ay idadagdag ko ulit.
"Learn how to play a sport. Done!" magiliw kong hinaplos ang mga bagay na nalagyan
ko na ng check.
I'm actually proud of myself. Parang kailan lang ay nakakulong ako sa bahay at
halos walang ibang kayang
gawin dahil ang lahat ay isinusubo na sa akin. I never did something risky back
then. Nagpapasalamat talaga
akong pinayagan ako ni Daddy na gawin ang lahat ng ito. Alam kong mahirap para sa
kanya pero nananatili
ang suporta niya sa akin dahil alam niya kung gaano kahalaga ang kasiyahan.
"What's that?" napatalon ako ng marinig ang boses ni Zyd galing sa aking likuran.
Madali kong isinara ang hawak kong planner sabay lingon sa kanya. Katatapos lang
niyang maligo at ngayon
ay mag-aayos na ng gamit bago kami magpahinga. Ako naman ay kanina pa natapos sa
pag-eempake.
"Wala."
"Weh?" tinabihan niya ako at inginuso ang hawak ko.
"Planner o listahan ng utang 'yan?" pagbibiro niya.
"Wala 'to. I just listed random things that I want to do in this journey."
Binuklat ko at ipinakita sa kanya. Nakangiti niya iyong binasa.
"Wow... You're actually ticking your bucket lists, huh?"
"Yes."
"Industrial ear piercing?"
I nodded. Naningkit ang mga mata niya.
"Are you sure about this one? Masakit 'yon."
Napabungisngis ako.

P 31-1
"I know what's pain Zyd at walang wala ang hikaw na 'yan 'don." makahulugan kong
sambit.
Napanguso siya.
"Fine. Pero make sure na safe ang ganyan ha? Hmm, what else do we got here..."
"Just go with the flow? What was that supposed to mean?'
Nagkibit ako ng balikat. "I don't know. I just write it." bago pa niya mabasa ang
lahat ay kinuha ko na 'yon
mula sa kanyang kamay.
Mabuti nalang at hindi naman siya nagpumilit. Pagkatapos mag-ayos ng mga gamit ay
kumain kami at
nagpahinga na ulit. Medyo pagod kami ngayong araw dahil pagkatapos akong turuan ni
Asher kanina ay
bumisita naman kami sa Rancho hanggang hapon.
AsherTan:
You're checking out tomorrow?
Ako:
Yes, kayo ba?
AsherTan:
I don't know. Baka hindi pa. Anong oras kayo aalis?
Ako:
Early in the morning.
AsherTan:
Earlier than the sunrise?
Wala sa sariling napangiti ako.
AsherTan:
Do you want to watch the sunrise tomorrow before you leave?
Ang plano sana namin ni Zyd ay bago pa sumikat ang araw kami aalis pero ngayon...
Paano ko tatanggihan
ito?
Ako:
Can Zydney come with us?
AsherTan:

P 31-2
No problem. I'll ask the boys too.
Ako:
Sige. :)
AsherTan:
See you eight hours from now?
Ako:
See you. Good night Mr. Tan
AsherTan:
Good night Miss Right.
Hindi ko na napigilang kagatin ang aking labi sa huling nabasa pero hindi na ako
nag-reply sa kanya.
Ginising ko si Zyd para sabihin sa kanya ang plano at para sabihin rin sa kanyang
matulog siya ng maaga para
hindi kami ma-late. I set an alarm pero gaya ng mga naunang araw ay nauna pa rin
akong nagising doon.
Magkahawak ang kamay namin ni Zyd nang pumunta sa dalampasigan. Wala man siya sa
huwisyo dahil
inaantok pa ay hindi naman nagawang magreklamo dahil ito na rin ang huli naming
pagkakataon na makasama
ang mga kaibigan at unang beses niya ring panuorin ang kinahuhumalingan ko.
Ang akala kong mauuna kami ay mali dahil malayo palang ay natanaw ko na ang
mahabang lamesa na maayos
na nakalagay malapit sa mga lounger at malapit rin sa pwesto kung saan namin
hinihintay ni Asher ang araw.
Naunang tumayo si Asher nang makita kami na sinundan naman ng iba.
"Wow, you guys are early." mangha kong tanong at binati sila.
"Mr. Right doesn't want to be late, that's why." pupungas pungas na sabi ni Gerald
habang ang mga matang
kulay asul ay namumungay pa't gustong gusto pang matulog.
Nginitian ko siya sabay tingin rin kay Asher pero wala namang sinabi.
"Are you really leaving today?" si Eros.
"Yup. Nakaayos na lahat ng gamit namin. Mamaya pagkatapos nating kumain aalis na
kami."
"Eat and run." singit ni Zyd bago umalis sa tabi ko at lumipat kina Jacob para
batiin ang mga ito.
Natatawa akong nailing.
"Kayo ba? Uuwi na rin ba kayo?"
"Oh, no. Not yet," sinabayan niya akong maglakad hanggang sa pwesto ni Asher na
naghihintay sa akin. "But
P 31-3
who knows?" makahulugan niyang dagdag ngunit hindi na nasundan dahil sa pinsan
nitong nasa harapan na
namin.
Naupo si Eros sa lamesa pero maya maya ay nagsitayuan na rin para lumipat sa
inilalatag na mahabang tela
sa buhangin para aming upuan habang naghihintay sa palabas na araw.
"Good morning." masaya kong bating nagpangiti kay Asher.
"Good morning. All set?"
I nodded. "Yeah. Ilalagay nalang sa sasakyan ang mga gamit."
"Do you mind if I help you with that?" sabay kaming tumabi sa nakararaming handa na
sa pagdating ng
panibagong tanda ng pag-asa.
"Okay lang sa'yo? Mabibigat 'yon."
"Then mas dapat tumulong kung mabigat."
"Sige. Ikaw ang bahala."
Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita. Bukod sa alon at simoy ng hangin maging
ang mga pang gabing
kuliglig sa hindi kalayuan ay wala nang ingay ang pumagitna sa aming lahat. Some of
the boys were lying
down samantalang ang ilan ay tahimik lang at nakapikit gaya ko at siguro'y si Asher
na rin.
Hindi naman ako inaantok dahil kompleto ang tulog ko pero gusto kong pumikit para
damhin ang sariwa't
maalat na hanging huling beses ko nang mararamdaman. I'll miss this place but not
for long. I will go back,
pangako ko 'yon.
Napadilat ako ng magsalita si Lance pero bago pa ako makakibo ay nahagip na ng mga
mata ko ang lalaking
katabi na seryosong nakatitig lang sa akin na tila sinasaulo ang bawat detalye ng
aking mukha.
Was he staring at me the whole time?
"W-what's–"
"You're beautiful..." he murmured softly, cutting me off and making me feel like my
world is spinning fast na
maging ang sikmura ko ay hindi nakaligtas.
"So frigging beautiful..." dagdag niyang mas malakas sa una dahilan para tumahimik
ang lahat.
Pakiramdam ko'y bigla akong kinapos ng paghinga dahil sa bulgaran niyang
pagpapahayag ng paghanga sa
akin habang diretsong nakatitig sa aking mga mata. Walang pakialam kung maraming
makarinig dahil iyon ang
gusto niyang sabihin.
Gusto ko sana siyang sawayin pero bago ko pa magawa ay umalingawngaw na ang malakas
at matinis na
hiyaw ni Zydney na siguradong nagpagising sa mga natutulog na huwisyo ng
kalalakihan maging ng mga
kaluluwang nananahimik na sa purgatoryo!

P 31-4
Mabilis na kumalat ang init sa aking magkabilang pisngi at agad na napayuko.
Kantiyawan ang sunod na
nangyari pero wala akong nasabi. Hindi ko na rin alam kung may karapatan pa ba
akong magsalita
pagkatapos ng lahat dahil talagang hindi sila maawat awat!
"Hindi na mapigilan!" si Igo.
"Lover boy!" hiyaw naman ni Zake na sinundan rin Sergio. "Pagmamahal nga naman!"
Naramdaman ko ang pagbaling niya sa mga ito.
"Kung alam ko lang sana hindi ko nalang kayo sinama rito." masungit niyang pagalit
pero hindi nasaway ang
lahat.
"Oh, Asher! Hindi na 'yon bago! Talagang maganda ang pinsan ko so say something
else. Iyong bago naman
sa pandinig!" marahas akong napalingon kay Zydney but there was no remorse found in
her.
Talagang determinado siyang makisali sa asaran! Oh Lord, sana nga kami nalang ni
Asher ang nanuod
ngayon! I bit my lower lip. Pero kung sakaling kaming dalawa nga lang ang narito,
ano naman ang isasagot ko
sa sinabi niya? Is thank you enough? Or I should tell him the same?
"Say more, Asher Miguel!" udyok ni Davos pero nanatili nang tahimik si Asher.
Ayaw ko pa sanang mag-angat ng tingin dahil talagang nahihiya ako pero nang
maramdaman ko ang dahandahang pag gapang ng kamay niya patungo sa kamay kong
nananahimik ay napaangat na ako ng tingin pabalik
sa kanya.
"I'm sorry..."
Tahimik akong umiling ako.
"It's okay." halos pabulong ko nalang na sagot.
Nagpapasalamat nalang talaga ako kay Jacob na pumutol sa lahat at sinabing mag-
focus nalang sa parating.
Amos set up his camera behind us nang medyo lumiwanag at maya maya pa ay lumitaw na
ang pinakahihintay
ng lahat.
I gasp just like the first I saw it pero hindi lang dahil sa ganda ng pasibol na
araw kung hindi sa pagpisil niya
rin sa kamay kong hawak-hawak na nakatago sa lahat. Sa paglingon ko kay Asher ay
patay malisya siyang
nakatingala lang sa langit habang inaayos pa ang pagkakadaop ng kanyang palad sa
akin.
Habang nakatingin sa kanya ay walang patid ang tanong sa utak ko kung bakit ganito
siya sa akin ngayon at sa
mga nakalipas na araw. I don't want to think that he likes me dahil bukod sa
sandali palang kaming
magkakilala ay tingin ko'y hindi naman ako ang babaeng matitipuhan niya nang basta.
But then again, wala
akong alam sa kanya. I didn't even know kung anong gusto niya at kung ano ang
hitsura ng mga babaeng
nakarelasyon niya. I stopped right there. Nang maisip kong marami na siyang
nakarelasyon ay tumigil na ako.
The sunrise watching went well. Bukod sa mga ilan pang pang-aasar sa aming dalawa
ay hindi na iyon
nasundan dahil wala na rin namang nakakita na magka-holding hands kami sa buong
durasyon. Pagkatapos
kumain ay tinulungan nila kami sa aming mga gamit at hindi na nagtagal.
P 31-5
"See you soon, Asher Miguel." malungkot ngunit masaya ko ring pamamaalam sa kanya
pagkatapos iyong
sabihin sa lahat.
I'll probably miss this place but I'll definitely miss him more... Silang lahat.
Tumango siya. "Be safe, alright?"
"Yes, coach!"
Lumabas ang ngiti niya pero bago pa makapagsalita ulit ay kusa nang humakbang ang
mga paa ko patungo sa
kanyang pwesto at sunod ko nalang nakita ang sarili kong yakap yakap siya.
Ilang segundo siyang hindi nakagalaw pero mabilis ring nakabawi at niyakap ako
pabalik. Pakiramdam ko'y
muling naubusan ng hangin ang aking baga dahil sa marahang paghigpit ng kanyang mga
bisig sa aking
katawan na tila gustong sulitin ang lahat at ayaw na akong pakawalan.
"Promise me you'll keep in touch?"
Marahan akong umalis pero muli niya akong ikinulong. Nagsimula na naman ang
kantiyawan sa paligid pero
hindi naman iyon naging dahilan para mailang kami't putulin ang pagkakayakap sa
isa't-isa.
"I promise." sagot ko.
Napapikit ako ng maramdaman ang banayad na paghaplos niya sa aking buhok bago ako
hayaang makawala.
Nagpaalam ako ulit at nag-ayos na.
"Mag-iingat kayong lahat." kumaway ako at pagkatapos ay itinaas na ang bintana
matapos nilang kumaway sa
akin pabalik.
Sandali kaming nagdasal ni Zyd bago tuluyang umalis sa resort. Kahit na dama ko ang
pagbigat ng puso ko sa
hiwalayang naganap ay masaya pa rin ako sa pagkakataong ito. I still have so much
to do. Maraming marami
pa at iyon naman talaga ang dapat kong pagtuonan ng pansin bago ang lahat.
It was the most tiring road trip I've ever been maski na kapalitan ko si Zydney sa
pagda-drive. Sa haba ng
biyahe namin ay hindi na kami nakapag-vlog ng maayos at pagdating naman sa Basay ay
nagpahinga muna
kami. Maliban kay Daddy ay wala na akong nai-update dahil naghahabol kami ng pinsan
ko sa oras.
Tita Rosel called yesterday at gusto nitong umuwi na si Zyd sa lalong madaling
panahon dahil may sakit si
Tito Lucio at kasalukuyang nasa hospital.
"I'm sorry, Karsyn..." malungkot niyang sabi.
"No, it's okay, Zyd. Huwag mo ng isipin 'yon, okay? Magiging maayos na ako rito."
paniniguro ko sa kanya
pero nanatili ang kanyang malungkot na aura.
"I'll be staying for two days more. Daddy said he's fine at nagpaalam na rin ako sa
kanya."
"Zyd, okay nga lang."

P 31-6
"Two more days." giit niya.
Hindi na ako nagreklamo dahil hindi ko rin alam kung ano ang gagawin kapag umalis
na siya. Ang two weeks
pa sana ay naging dalawang araw nalang kaya isang tourist spot lang ang nabisita
namin sa lugar.
The night before she goes home, tinulungan niya akong mag plano kung ano ang
susunod kong pupuntahan
pero sa gitna ng mga salita niya ay naroon ang pagpupumilit na isama ako pauwi
kasama siya pero dahil mas
determinado akong manatili ay hindi siya nanalo.
"So today is my last day with Zydney," panimula ko sa aking huling vlog habang
nagda-drive patungong
airport para ihatid siya. "Pero hindi ibig sabihin na ito na ang huling beses na
makikita niyo siya sa mga
future vlogs ko. Medyo busy lang pero sasamahan niya ulit ako kapag may oras kaya
huwag niyo siyang
masyadong ma-miss."
Sumali si Zyd sa camera at nagpaalam na rin sa live video nang marating namin ang
paliparan. Isang mahigpit
na yakap ang ibinigay ko sa kanya.
"Thank you so much, Zydney. I'll see you soon, okay?"
"Are you sure you can do this alone?"
"Yes," kumawala ako. "Send my love to Daddy. Sabihin mong uuwi rin ako sa kanya at
maayos lang ako kaya
hindi niya kailangang mag-isip ng sobra. I'm fine... I'll be fine, the Alpha and
Omega is with me."
"I know but I'll still pray for your journey and you should too, okay?" niyakap
niya ako ulit.
"Always. Mag-iingat ka."
"Ikaw rin. Call me when you get back to the hotel."
I nodded. "Tawagan mo rin ako kapag nakauwi ka na."
Hindi na ako nagtagal. Malayo pa ang biyahe ko at marami pa akong kailangang
paghandaan kaya nagpaalam
na rin ako kaagad kay Zydney.
The first day was tough. Naroon 'yung pag-iisip kong hindi ko kakayanin. I feel
like giving up pero palagi
akong nagdarasal and after praying ay okay na ulit ako. Para akong nari-recharge at
napapaalalahanan nang
mga goal ko sa buhay. Iyong ang magpasaya at makatulong kaya iyon ang ipagpapatuloy
ko.
"Hola, it's KF! We're here in Sohoton Cave," ipinakita ko ang natural na ganda ng
kalikasang binibisita ko
kasama ang ibang mga turista.
Some of them knows me kaya hindi ako nahirapang mag-vlog. In fact, lahat sila ay
willing pang mapasama sa
videos ko kaya natapos ang unang pangatlong araw kong mag-isa ng walang kahirap-
hirap taliwas sa
inasahan ko.
I gained some friends na silang nakasama ko rin kaya lang ito na ang huling araw
nila sa lugar kaya sa huli,
naiwan pa rin akong mag-isa.

P 31-7
Pagod kong inilapag ang aking katawan sa kama matapos mag-edit at mag post ng
panibagong video sa
youtube.
Napagod man ako ng sobra sa araw na ito pero nang marinig ko ang pagtunog ng aking
telepono gawa ng
bagong message ay agad akong dumilat para tignan iyon.
I'm expecting Zyd pero mali ako.
AsherTan:
Are you still awake?
Ako:
Yes. Maaga pa.
AsherTan:
Good. Kumain ka na?
Tumagilid ako sa kama at pinakiramdaman ang sarili. Dahil sa pagod ay hindi ko pa
nagawa iyon pero kahit
na gano'n ay parang hindi naman ako nagugutom.
Ako:
Not yet.
AsherTan:
Do you want to eat?
Ako:
Bukas na siguro. Ikaw? Kumain ka na?'
AsherTan:
Not yet. Matutulog ka na ba?
Ako:
Kapag inantok. Why?
AsherTan:
Nothing. Just hoping that you'll meet me outside?
Lutang akong napaahon sa kama matapos makita ang huling message na 'yon! Labas?
What?!
Ako:

P 31-8
What?
AsherTan:
We're waiting for you at the restaurant across the hotel. Come meet us.
Napatanga ako sa napagtanto. Nasapo ko ang aking dibdib para kalmahin ang sarili
dahil sa muling
pagwawala nito. Is he serious?!
Ako:
What do you mean?
AsherTan:
Now I'm outside the hotel. I'll be waiting for you.
May pag-aalinlangan man ay hindi ko na rin nagawang mag-reply at ginawa nalang ang
sinabi niya!
Pakiramdam ko'y may kasama akong banda habang naglalakad palabas ng hotel para
kitain si Asher na hindi
ko alam kung nanti-trip lang o ano.
Bumagal ang mabilis kong mga hakbang ng matanaw ang malaking gate palabas ng hotel
pero bago pa ako
makarating doon ay agad nang pumasok ang isang bultong hindi na kailangan pang
tanungin kung sino.
Humigpit ang kapit ko sa aking telepono at dahan dahang iyong naibaba ng makita ang
nakangiting adonis na
palapit sa akin. Parang hindi ako makapaniwalang siya nga at totoong narito na
naman siya pagkatapos lang
ng ilang araw!
Napahugot ako ng isang malalim na paghinga ng huminto siya at matigil kami sa
harapan ng isa't-isa pero
hindi kaagad ako nakapagsalita ng makita ang paglitaw ng mapuputi at pantay pantay
niyang ngipin matapos
ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Hi..." he greeted softly.
I smiled back at him.
"Hello..." sagot ko na nasundan ng isang matagal na katahimikan.
Ang mga mata niya ay nanatili sa akin at gano'n rin ang sa akin sa kanya na kahit
ramdam kong marami ring
gustong itanong sa akin gaya ko ay nanatiling tikom ang bibig para pagbigyan ang
mga matang titigan ang
isa't-isa.
Maya maya ay siya naman ang napabuntong hinga.
"Well I hope you're hungry," aniya sabay lahad ng kamay sa aking harapan. "Shall
we?"
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


P 31-9
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
WHAT??!!!!!! SANA ALL ??????

P 31-10
CHAPTER 29
8.8K 675 193
by CengCrdva

CHAPTER TWENTY NINE


Sober
I'm surprised that they are all here. Walang labis, walang kulang.
"Good to see you again after three days. Grabe, sobrang tagal." nakangising bati sa
akin ni Jacob sabay yakap
ng mabilis. Gano'n rin ang ginawa ko sa iba pero lahat sila ay may nasabi sa muling
pagsunod sa akin.
"Parang it's been a year na raw, eh!" pagbibiro naman ni Igo.
"Pag-ibig nga kasi." ulit ni Zake pero nanatiling tahimik si Asher kahit na
bulgaran ang pagkakasabi ng lahat.
Wala naman akong naisagot. Pinakinggan ko lang sila hanggang sa naupo na kami sa
lamesa.
"Ganyang ganyan talaga kapag in love!" umubo-ubo pa si Gerald na agad naman
binalingan ni Asher.
"Matuluyan ka sana." mahina niyang pasaring pero tinawanan lang 'yon.
Tumabi ako kay Asher dahil lahat ay inukopa na ng mga kaibigan niya maliban iyong
nasa kanyang tabi.
"But kidding aside, sorry kung na-late kami. Dapat talaga bago pa umalis si Zyd
kami nakarating rito kaso
nga lang may dinaanan pa kaya medyo nahuli." si Amos.
"Okay lang. Hindi naman kailangan kasi–"
"Kailangan," mariing putol sa akin ni Eros sabay sulyap ng mabilis kay Asher at
tuon ulit sa akin. "Trust me,
kailangan."
Naitikom ko ang aking bibig. Mabuti nalang at dumating na ang mga pagkain kaya
hindi ako naobligang
magsalita. Inayos ko ang sarili pero natigil ako ng makita ang pagsisimula nilang
kumuha ng pagkain nang
wala man lang pagpapasalamat ngunit natigil rin ang lahat ng biglang tumikhim si
Asher.
"What?"
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong sumulyap siya sa akin, tila alam na ang
nakalimutan bago kainin
ang dumating na biyaya.
"Oh..." lutang na ibinalik ni Ivan ang hawak na platong may lamang chopseuy.
Nagsisunuran naman ang lahat.
"We're praying? Since when did we..."

P 32-1
"We are praying." anang maotoridad at baritonong boses ng lalaki sa tabi ko.
Wala na silang nagawa. Natitigilan man ako ay nagsimula na rin akong magpasalamat
sa biyayang aming
tatanggapin ngayon. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng pagkailang dahil
parang pagkatapos kong
magdasal ay nahihiya na silang iangat ang mga pinggan sa lamesa.
"Thank you..." ngumiti ako kay Asher nang abutan niya ako ng kanin.
"What else do you want?"
"Uhm," nilingon ko ang mga pagkaing nakakalula sa dami. "Vegetables?"
"Which one?"
Inginuso ko ang pinakbet. Naiiling siyang napangisi sa hindi ko malamang dahilan.
"Do you really use your lips to point at something you want?"
Sumungaw ang ngiti ko at wala sa sariling napanguso sa kanya.
"Oh, wow..." he exclaimed.
"Oh, no!" naramdaman ko ang pagragasa ng init sa aking buong pagkatao dahil sa
nangyari.
"Hindi 'yon—"
Bago pa ako makapagpatuloy ay umikot na ang aking buong pagkatao ng makita ang pag
nguso niya pabalik sa
akin na sinabayan pa ng kaunting pagtango habang inilalapag ang gulay na gusto ko.
"I'm just kidding," he said playfully.
Nahihiya akong napayuko at kinuha nalang ang pagkaing inabot niya. Nilagyan ko ang
plato ko at kahit na
alam kong nag-iinit na ang aking magkabilang pisngi ay hindi iyon naging hadlang
para mag-angat ako ng
tingin at sipatin ang mga kasama naming natutulala sa aming dalawa. Para bang
nanunuod sila ng isang
pelikula sa mga hitsura nila.
Asher didn't mind them. Maliban sa akin ay wala na siyang kinakausap. Pakiramdam ko
tuloy ay imbes na sa
pagkain matuon ang pansin ay sa akin napunta ang lahat ng atensiyon sa buong
durasyon ng kainan.
"It's freaking weird man!" bulalas ni Ivan nang magpaalam muna si Asher at ang ilan
na gagamit ng
washroom.
"I know. It's so not like him." umiiling namang sagot ni Lance rito.
Ayaw ko sanang makisali dahil alam ko na kung ano ang pinupunto nila pero hindi ako
nakaiwas nang tabihan
ako ni Igo.
"Don't mind them. Hindi lang talaga kami sanay na ganito si Asher."

P 32-2
"What do you mean?"
He smiled and then shrugged his shoulders.
"He looks so happy when you're around. Kapag wala ka naman, halos hindi makausap
gaya noon. Ang weird
talaga."
"Baka masaya lang talaga siya? Masama bang maging masaya?"
"Of course not! Masaya nga kaming masaya siya para mapayapa ang mundo naming lahat
eh! But you know
what? I think he likes you." walang preno niyang sabi na nagpalunok sa akin.
Hindi naman ako inosente sa gano'ng bagay kung totoo nga 'yon pero ang hirap pa rin
kasing paniwalaan. I
don't like to think lowly about myself but what is it to like?
"Yeah... He definitely likes you." dagdag niya sabay lihis ng tingin sa aking
likuran.
Nahihibang naman akong napabaling doon. Pabalik na si Asher at ang mga pinsan sa
aming lamesa pero hindi
na naupo.
"Let's call it a night," he said nang matapatan ako. Nilingon ko siya. "Where are
you going tomorrow?"
"Ahm..."
"We'll accompany you." sabi niya hindi ko pa man nasasabi ang gagawin ko bukas.
Well, bukod sa pamimili ng mga gamit na ipamimigay sa mga pampublikong paaralang
nadaanan ko kanina ay
wala na akong planong iba.
"You sure?"
He nodded. Tumayo na ako ng magsitayuan ang lahat. Nagpahuli kami sa kanila.
"Yeah. Just message me later kung anong oras at plano, ako na ang magsasabi sa
kanila."
Napahugot ako ng isang malalim na paghinga. Pakiramdam ko kasi ay parang biglang
napuno ng tuwa ang
puso ko. It's nice to spend some time alone pero mas masaya ring maraming kasama
lalo na't alam kong hindi
na ako mahihirapan sa mga bibilhing gamit dahil maraming tutulong sa akin.
Isang tango nalang ang naisagot ko hanggang sa makabalik kami sa hotel. Doon na rin
sila nag-check in pero
ang iba ay sa kabila dahil fully booked na iyon.
Pagbalik sa kwarto ay nag-ayos na ako at bago matulog ay sinabi na sa kanya ang
lahat ng plano.
AsherTan:
Are you going to film it?
Ako:

P 32-3
Hindi na.
AsherTan:
Alright. Sayang, willing pa naman akong maging camera man mo.
That made me smile.
Ako:
Kaya ko naman 'yon tsaka wala akong pambayad sa'yo, Mr. Tan.
AsherTan:
I can work for free. Labor of love.
Napangisi ako.
Ako:
Good night, Mr. Tan.
AsherTan:
See you tomorrow, Miss Right.
Ibinaba ko na ang aking telepono. Wala sa sariling napahawak ako sa aking
magkabilang pisngi. It's flaming
hot. Parang gusto kong kwestiyunin ang sarili ko. Ni minsan kasi ay hindi ko
naramdaman ang ganito. Oo nga
at nagkaka-crush naman ako noon at kinikilig pero ang marinig na may nagkakagusto
sa akin kahit hindi pa
kumpirmado ay bago at pang ibang level... Madiin kong ipinikit ang aking mga mata
at pinilit nalang na itulog
ang lahat. Sleep, mind, heart and soul. Just sleep...
It was a successful day. Kahit na pagod ang lahat sa haba ng oras na aming ginugol
sa pamimili at
pamamahagi sa tatlong malalaking elementary school ay sulit naman dahil marami
kaming napasaya. It's
really fun to do good deeds with other people. Hindi lang ang puso ko ang natuwa,
sigurado akong ang kanila
rin.
Kung si Lance pa, nakakapagod pero masarap sa pakiramdam. I agree with him. Iba ang
kasiyahan kapag
nakakatanggap ng blessings pero ang pag-share nito sa iba ay mas masarap sa
pakiramdam.
God blessed me with more than what I need and it's my moral obligation to share it
with other people. We all
have an obligation for one another maliban sa pagmamahal.
"Do you this every time?" Davos asked curiously habang nag-aayos na ng sasakyan ang
mga lalaki para
makabalik kami sa hotel.
"Pinipilit kong sa kada lugar na pupuntahan ko ay may iiwan ako at matutulungan.
It's not that much but I'm
working on it."

P 32-4
"Are you kidding me? Giving almost fifty thousand students some school supplies as
well as the needs of
their teachers? Nah, that is too much already, Karsyn. It's amazing! Nakakatuwa
ka."
Napangiti ako ng makita ang pagliwanag ng mukha niya habang sinasabi iyon.
"Why? What makes you do this?"
Nagkibit ako ng balikat at sandaling nag-isip.
" Hebrews 13:16, 'and do not forget to do good and to share with others, for with
such sacrifices God is
pleased.' To do good literally means to do well, to be beneficent. Jesus takes the
way we treat others
personally. Being good toward others means we're serving Him, not just the person
in front of us."
Hindi kumurap si Lance maski isang beses dahil sa pagkamangha sa sinabi ko.
Nagpatuloy ako.
"Sharing is fellowship, pertaining to what we share in common. Making us members of
one another. In giving
away, we gain even more. Gaya ngayon, we may lose hours off our lifespan but we
gain more quality of our
life by creating precious moments for ourselves and those with whom we share our
time with, it is a gift,
Davos."
He was left speechless at that. Ngumiti lang ako.
"Wow... You're really one of a kind, KF."
"Kasi tumutulong ako?"
"No, kasi tingin ko, everything about you is beautiful and Asher is right about
that."
Nagbaba ako ng tingin at natahimik nalang. Noon pa man ay hindi talaga ako sanay na
napupuna ng ganito.
Compliments sometimes makes me uncomfortable. Para sa akin ay maliit na bagay lang
ang ginawa ko at
ayaw ko nang palakihin iyon. Giving and sharing supposed to be a habit not a
miracle.
Pagkatapos namin ay bumalik na kami sa hotel. Ang sabi ni Asher ay may isang linggo
nalang sila para
magliwaliw bago bumalik sa kanya kanyang responsibilidad at ang isang linggong iyon
ay walang pagaalinlangan nilang ibibigay sa akin para samahan ako.
The first three days was fun and as usual, sabog na naman ng notifications ang
lahat ng social media accounts
ko lalo na ngayong kasama ko na naman sila. Sa una hanggang sa pangatlong araw na
'yon ay binisita namin
ang lahat ng mga waterfalls sa mga kalapit na lugar hanggang sa umusad kami.
"Can you pull over?" bulong ko kay Asher na siyang nagmamaneho sa aking sasakyan
habang ang mga
kaibigan naman ay nasa dalawang van na nakabuntot sa amin.
"Why?" lito niyang tanong.
We're in the middle of the highway pero nang matanaw ko ang San Juanico bridge ay
wala na akong naisip
kung hindi ang kumuha ng litrato kasama 'yon.
Inginuso ko ang tulay sa harapan namin.

P 32-5
"Will you be my photographer for today? Kahit isang shot lang sa gitna nang tulay
na 'yan?"
Nagsalubong ang kilay niya.
"Are you serious? There's a lot of vehicles passing by. It's not possible."
"Please? We'll make it quick."
"Karsyn..."
I pouted.
"I promise, sandali lang talaga."
Inalis niya ang titig sa akin at hindi na nagsalita. Nanlulumo akong napabalik sa
pagkakasandal sa aking
kinauupuan.
I must be crazy. Ewan ko ba kung bakit pumasok pa sa isip ko 'yon pero bago pa ako
tuluyang malugmok ay
narinig ko na ang pagmumura niya ng mahina habang parating na kami sa gusto kong
hintuan at pagkatapos ay
agad niyang kinuha ang kanyang telepono sa dashboard.
Hindi ko man alam kung anong gagawin niya pero nasagot iyon nang muli siyang
magsalita matapos sagutin
ng kung sino ang kanyang tawag sa kabilang linya.
"We'll stop. Yes, stop. Karsyn wants to take a photo in the middle of the bridge so
I need all of you to block
the road while we do it."
Napaawang ang aking bibig pero hindi na ako nakapagreklamo. Alam kong kalabisan
iyon pero this thing is
part of my tick list na kailangan nang magawa.
"This is not a good idea, Karsyn," he murmured. "But we will do it so be ready."
Mabilis pa sa alas kwatro ang naging pagtango ko. Pigil ang aking paghinga nang
lingunin sa likuran ang
isang van na nakaharang na sa daan gano'n na rin ang anim na lalaking lumabas doon
na mukhang gagamitin
na rin ang katawan sa pagiging human barricade.
Nabaling ang tingin ko nang mag overtake naman ang van na sinasakyan nila Jacob sa
unahan namin para iblocked ang mga kasalubong sa harap.
"You ready?"
Tumango ako kaagad at wala pang isang minuto ay huminto na siya sa gitna mismo ng
kalsada bago kinuha
ang aking camera.
Nagmamadali akong pumwesto sa gitna pero dahil mukhang ginalingan niya ang pagiging
photographer ay
higit isang kuha ang ginawa niya. He even ask me to do some poses na kung hindi
lang umalingawngaw ang
samo't-saring busina ng mga sasakyan ay hindi pa kami mahihinto.
"One more."

P 32-6
"Asher, I think it's enough..."
"Smile, Karsyn."
Lumakas ang kalabog ng dibdib ko ng makita ang nakaalpas na truck sa unahan na
palapit na sa amin kaya
mabilis kong ginawa ang sinabi niya at pagkatapos ay patakbo siyang nilapitan para
mahila pabalik sa
sasakyan.
"Shit!"
"Oh my God!"
Halos sabay naming bulalas matapos maisara ang pintuan ng sasakyan! Parehas kaming
nahihibang sa
mapangahas na nagawa!
Maingay ang paligid at nanatili ang malalakas at walang patid na busina ng mga
sasakyang sumasalubong at
lumalagpas sa amin!
My heart is pounding so hard in my chest pero ang lahat ng kaba at kabaliwan ay
nagawa nalang naming
tawanan ni Asher! He called the guys again. Sa una ay pinagalitan niya ang mga
lalaking nagawang
palagpasin ang truck na 'yon pero dahil nakakatawa lang ang nangyari ay nauwi ang
galit sa kasiyahan.
Ang sumunod na oras ay naging araw sa haba ng biyahe namin patungong Cebu kaya
pagdating doon ay hindi
kaagad kami nakapaglibot. Sa maikling panahon ay marami akong nalaman kay Asher
lalo na't maraming
willing na gustong magbigay ng impormasyon tungkol sa kanya.
I learned na sa lahat ng alam niya ay sa car racing talaga siya pinaka-magaling.
His favorite color is torquise.
He's three years older than me at paborito niya ang tinolang manok.
Marami pa akong nalaman at sa loob ng mga araw na lumipas ay naging mas malapit
kami at komportable sa
isa't-isa. 'Yon nga lang, I feel like he is spoiling me. Simula nang umalis kami sa
Samar ay hindi niya ako
hinayaang palitan siya sa pagda-drive kahit na sobrang haba ng biyahe at pagod
siya. Ni wala rin akong
ginawang mabigat dahil ayaw niya akong patulungin. Pati nga ang pagrereklamo sa
ginagawa nilang sobra
sobra ay tinanggal na rin niya sa akin.
The first night in Cebu was spent over a bonfire. Walang patid ang pagku-kwentuhan
nila sa mga nakaraan at
mga kalokohan lalo na tungkol sa mga babae pero walang nabanggit ni isa tungkol kay
Asher.
Hindi ko alam kung natatakot ba silang pag-usapan 'yon o ano dahil bukod sa pang-
aasar kay Jacob na
nagiging tahimik na rin daw at gusto nang umuwi dahil nami-miss na ang babaeng
gusto ay wala nang iba
pang inasar ng husto.
"Shut up!"
"Oh, she's pretty, Ivan. Too bad, you can't go to my house." panggagaya ni Ivan kay
Jacob na inilingan lang ng
huli.
"Kailan mo ba kasi kami papupuntahin sa bahay niyo, huh? May kayamanan ba doong
hindi pwedeng
makita?"
P 32-7
"Marami." iritado na niyang sabi.
Natatawa nalang si Eros pero mukhang ayaw na ring ungkatin ang topic na 'yon dahil
sa kung anong dahilan.
I've learned that Jacob doesn't want to talk about his house and his family. Maging
sa internet rin ay walang
makukuhang sagot kapag ni-research mo ang tungkol sa personal nilang katauhan.
Bukod sa makikitang
mayaman sila at may-ari ng Delaney Worldwide at iba pa ay wala ng ibang impormasyon
ang nakalabas kaya
gano'n nalang ang respeto nilang huwag nang ungkatin 'yon.
"He's just over protective with his sister." mahinang bulong ni Asher sa akin
dahilan para malayo ang tenga
ko sa topic ng karamihan.
"Huh?"
"He has a sister, siya ang dahilan kung bakit ni minsan ay walang nakatuntong sa
bahay nila."
"But why?"
Nilingon niya ang mga kaibigan.
"Sacha is off limits. Kapag nakita 'yon nang isa sa mga 'to, alam kong hindi
malabong may magkakagusto kaya
hindi nalang namin pinag-uusapan. Ngayon na lang ulit."
Napalingon na rin ako kay Jacob na tahimik lang habang umiinom ng beer. Nang makita
niya akong nakatingin
sa kanya ay ngumiti siya't itinaas ang hawak na alak, ginawa ko rin 'yon gamit ang
orange juice sa kamay ko.
Hindi ko mapigilang mamangha. They're friends since college and some are even
longer pero hindi kilala ng
mga ito ang nag-iisang kapatid ni Jacob? Gano'n siya ka-over protective?
Nakakamangha...
Conversation leads to another, and another gano'n na rin ang mga alak nilang hawak
maliban kay Asher na
ang unang beer ay nasa kamay pa rin at hindi na napalitan.
Ilang beses na siyang inalok ng mga kaibigan pero nakaligo nalang at lahat lahat sa
malamig na dagat ay hindi
niya 'yon pinaunlakan.
"Ayaw mong uminom?" tipid kong tanong nang bumalik siya sa tabi ko matapos lumangoy
kasama ang mga
kaibigan, ako lang ang naiwan katabi ng apoy na tanging nagbibigay ng init sa aking
katawan.
"I don't wanna get drunk."
"Bakit naman? Hindi naman malayo ang uuwian natin?" nilingon ko ang daan pabalik sa
resort.
"I just don't want to get drunk. Baka hindi ka maniwala."
Naibaba ko ang hawak na orange juice. Ako yata ang biglang nalasing gawa ng
pagpirmi ng titig niya sa akin
habang inaayos ang sarili sa aking tabi.
"S-Saan?"

P 32-8
He pursed his lips and look at me with so much adoration. Pasimple kong nilulon ang
lahat ng kabang bumara
sa aking lalamunan.
Heto na naman... Ang puso ko ay nagwawala na naman kahit na wala pa naman siyang
sinasabi...
God, paano nga ba maiiwasan 'yon kung ang mga matang kasing lalim ng dagat sa
misteryo ay muling
nakatitig sa akin at napakaraming gustong ipahiwatig?
It's impossible to not get nervous with that stare. Not with that dark expressive
eyes...
"I want to be sober when I say this to you..." maingat niyang sambit,
pinapakiramdaman ang sarili pati na rin
ako at siguro ang mga kaluluwa sa piligid naming dalawa na naghihintay na rin.
Napahugot ako ng isang malalim na paghinga ng umawang ang kanyang bibig kasabay ng
paghawak sa aking
kamay.
"I like you, Karsyn," doon palang ay nabaliw na ako. "I like you so much that these
simple words aren't
enough to describe what I feel for you. I want to cuss, I want to shout... baby, I
want you..."
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Ayyy oh ???? Hanyahaha

P 32-9
CHAPTER 30
8.4K 603 186
by CengCrdva

CHAPTER THIRTY
Serendipity
Pakiramdam ko ay nalunok ko na pati ang dila ko sa ilang beses kong paggawa no'n.
Now this is real. Hindi
nalang basta pakiramdam at sabi ng iba kung hindi totoong sinasabi na niya at
ipinapahiwatig sa akin.
I should know. Sana naghanda ako sa pangyayaring ito pero posible ba talagang
mapaghandaan 'yon? I guess
not.
"Asher..."
Hindi siya nagsalita bagkus ay pinisil niya lang ulit ang kamay ko.
"I-I... Don't know what to say..." buong katotohanan kong sagot.
Again, I just experienced a ' first time' in my life. Oo nga at hindi naman na bago
sa akin ang mga lalaking
humahanga pero ang ganitong harap-harapang ipahayag ang nararamdaman ay kahit
kailan hindi ko inasahan.
May tama nga bang sagot do'n? Kung pwede nga lang i-describe kung gaano nagwawala
ang puso ko ay iyon
nalang ang sasabihin ko pero kasing hirap iyon nang pagre-react sa pagpapahayag
niya ng saloobin.
Ngumiti siya at pagkatapos ay muling pinisil ang kamay ko.
"Then don't say anything," muli, gaya ng mga ginagawa niya nitong nakaraan ay
ipinagsalikop niya ng mas
maayos ang aming mga kamay. "I just want you to know what I feel. Wala akong
hinihinging sagot, kuntento
na akong makasama ka... You don't have any idea how empty I am when I'm not with
you. I don't know...
Hindi ko na rin alam. This is the first time it happened to me. Too bad, I didn't
have a camera to record it."
Mas lalong ayaw nang kumawala ng mga boses sa aking bibig. He's so straightforward
knowing na halos
hindi niya pa naubos ang isang bote ng beer na kinuha niya kanina. Ni sigarilyo
ngang paulit-ulit na inalok ni
Ivan ay hindi niya nagawang kunin. He is brave... Braver than I thought actually
kasi sinong lalaking gaya
niyang tiyak na hinahabol ng lahat ng babae ang magpapahayag ng pagkagusto sa isang
tulad ko nang walang
pagdadalawang-isip?
Natigil kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa inabutan kami ng lahat pero wala
ni isang gumalaw sa
amin. Kahit man lang ang pagtago nang maka-holding hands naming kamay ay hindi
ginawa, worst, parang
gusto niya pa iyong ibalandra sa lahat. Mabuti nalang at mukhang may mga tama na
sila at hindi man lang
napansin ang posisyon namin. Maliban kay Eros na halata ang malisya sa mukhang
namumula gawa ng alak at
pag ngisi nito ng nakakaloko sa pinsan ay wala nang nag-react masyado.

P 33-1
"You owe us, Asher Miguel! Man, ngayon ka lang tumanggi sa bisyo mo!" natatawang
sabi ni Ivan habang
pabalik na kami sa aming mga kwarto, still, magkahawak pa rin ang kamay.
Hindi ko naman tinanggal iyon dahil bukod sa kailangan ko ng alalay sa may
kadilimang daan ay ayaw ring
bumitiw ng kamay ko sa kanya. Hindi ko na rin talaga alam.
"Leave the lover boy alone!" si Eros na tumatawa na, halatang sumobra talaga ang
alak sa sistema.
"Dude, this is the first time kasi! Siya itong marami kung uminom palagi kaya hindi
ko maipaliwanag kung
anong sensiya ang nangyari ngayong gabi." si Zake.
"Pag-ibig nga kasi!" si Amos naman habang patuloy ang pagkuha ng mga litrato sa
amin simula pa kanina.
"Things you do for love." komento naman ni Davos.
Nahihiya akong napayuko. Ginalaw ko ang kamay ko para sana tanggalin na 'yon baka
sakaling matigil ang
asaran nila pero maagap na humigpit ang kapit niya sa akin.
"Can you all shut up? You're making her uncomfortable." iritado niyang suway sa mga
kaibigan na agad
namang nanahimik.
Naramdaman ko ang tensiyon sa kanyang katawan na dumaloy sa akin at mas lalo iyong
luminaw nang
mapunta kami sa ilalim ng mga poste ng ilaw malapit sa mga kwarto at matamaan ang
mukha niya.
"Asher..." I gently murmured when I see his clenched jaw.
Huminto ang mga kalalakihan para harapin siya.
"Dude, I'm just messing with–"
"I'm not messing around here so stop making her uncomfortable, all of you," matigas
niyang sabi na pumawi
sa lahat ng tuwa nang lahat.
Pinisil ko ang kamay niya pero hindi na yata siya mapipigilan.
"I like, Karsyn. Hindi niyo kailangang gawing biro 'yon o ang pag-iwas ko sa lahat
ng bisyo dahil totoong
dahil 'yon sa kanya. Stop making fun of it because I'm damn serious. Gusto ko si
Karsyn kaya kung sino pang
magbibiro tungkol do'n, makipag-suntukan nalang sa'kin ngayon."
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Jacob dahil sa tuwa habang ang lahat naman
ay gulat na gulat sa
narinig pero hindi naman nagawang sumagot ni isa, takot yatang masuntok ng galit na
lalaking kahawakkamay ko.
"Wala?" may paghahamon niyang ulit sa mga ito.
Again, everyone is silent. Maging ako na gusto siyang sawayin ulit ay nagpapigil
dahil ayaw ko ring
masuntok.
"Good. Sige na, maaga pa bukas." aniya na agad namang sinunod ng ilang napapakamot
nalang sa ulo.

P 33-2
Hanggang sa ihatid niya ako sa aking kwarto ay wala nang salitang lumabas sa bibig
ko. Pakiramdam ko'y
may nabawas sa katawan ko ng maghiwalay ang mga kamay namin.
"Good night..." may iritasyon mang nananatili sa kanyang mga mata ay nagawa niya pa
ring ngumiti sa akin
para sabihin iyon.
Pinagdiin ko ang mga labi ko at tumango lang. Kumunot ang noo niya.
"Aren't you gonna say the same thing?"
Umiling ako at iminuwestra ang pagkakasara ng bibig na parang may zipper 'yon.
"What?"
Umiling ako ulit at ikinumpas naman ang mga kamay para sabihing umalis na siya.
He chuckled at that. "What is happening?"
Huminga ako ng malalim at nagsalita na pero dalawang letra lang iyon.
"GN."
"GN?"
Bigo ang mga balikat kong bumagsak dahil hindi niya kaagad nakuha iyon. Wala tuloy
akong choice kung
hindi ang magsalita na.
"Good night na, Asher. Go now, ayaw kong makatikim ng suntok mo kaya sige na."
Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha niya kasabay nang sunod na pagkawala ng malakas
na tawa.
"Who said that I'm going to hurt you?"
Nagkibit ako ng balikat ngunit muling naputol ang aking paghinga ng makita ang
paglapit niya sa aking
kinatatayuan sabay huli sa aking kamay at sabing,
"I'm not going to hurt you, Karsyn... I will never, I promise." napapikit ako ng
umangat ang isa niyang kamay
para haplusin ang aking pisngi.
Dama ko ang pag-aalburoto ng aking puso at ng mga kung ano ano pang mababait na
ispiritu sa aking tiyan
pero hindi ako bumitiw sa pagtitig sa kanyang mga matang kumikinang na ngayon at
wala nang bahid ng kahit
anong iritasyon.
"Now say something I'd dream of later."
"W-What do you want me to say?"
Nag-aapoy ang aking mukha at tiyak akong alam niya 'yon. Inayos niya ang buhok sa
aking pisngi at inilagay
sa likod ng aking tenga bago ibaba ang kamay.

P 33-3
"I don't know."
Pinagdiin ko ang labi ko at umiling rin tanda nang hindi ko rin alam ang sasabihin.
"Hindi bale, a good night will do," he let my hand go before stepping back. "I'm
pretty sure you'll be in my
dreams because I'll be thinking of you from the moment I step away from here until
I fell asleep." aniya sabay
hakbang ulit palayo.
"Then good night, Asher Miguel."
He smiled sweetly and nodded at me.
"I hope you'll not have a nightmare, Mr right," natigil siya sa pag-atras kaya ako
na ang gumalaw para maabot
ang aking pinto sabay bukas doon pero bago pa ko pa tuluyang isara ay muli akong
humarap sa kanya para
mag iwan nang isang matamis na ngiti.
Mabilis akong napasandal sa pintuan ng maisara ko 'yon. Hindi ko alam kung umalis
na si Asher pagkatapos
kong isara ang pinto pero hindi na 'yon mahalaga. Hindi ako umalis sa pagkakasandal
hangga't hindi
pumipirmi ang aking puso.
Habang palapit sa kama ay tanging isang salita lang ang naisip ko. Serendipity. Oo
nga at isa si Asher sa mga
dahilan kung bakit ako narito ngayon pero ang ugnayang mayroon kami ngayon ay
malayo sa inasahan ko.
He likes me. I don't know what to feel about that but happiness consumed me. Siguro
dahil gusto ko rin siya.
He is a good man and he makes me happy. Gaya nang sabi niya noon sa balon, my
happiness is his utmost
priority kaya walang ibang pwedeng maramdaman doon kung hindi tuwa pero maraming
lebel ang salitang
gusto. Pwedeng gusto bilang kakilala, gusto bilang kaibigan o higit pa. I'm not
saying that I like him more than
a friend because there's so much more to discover about one another pero sa ngayon
ang mahalaga ay alam
kong gusto ko siya. Gusto ko rin siya.
"Thank you, Asher." gaya nang nakagawian ay nasa hulihan pa rin kami nang mga
lalaki nakapwesto.
Ngayon ay naglalakad na kami patungo sa isang waterfalls sa itaas ng bundok. This
will be my last day with
them. Bukas ay tutulak na ako patungong Bohol nang mag-isa. Gaya ng lungkot na
naramdaman ko sa ilang
beses na pamamaalam sa kanila ay iyon na rin ang nararamdaman ko wala pa man ang
bukas.
"You're welcome."
"I had fun. Sana kayo rin naging masaya sa pagsama sa akin. Sana wala akong
naabalang plano niyo."
Nakangiti at buong puso kong sabi habang nakatitig sa kanya. Ang kanyang kulay
kayumangging buhok ay
pumaparis sa kanyang balat na kumikinang pa dahil sa nakakatakas na araw sa mga
sanga ng matatayog na
punong nadaraanan namin. Habang pinupuri siya ng utak ko ay hindi ko maiwasang
mainggit. I wish I can get
a tan like that. Masyado kasi akong maputi at kahit na babad na sa beach o sa sinag
ng araw ay hindi pa rin
nakukulayan ng husto. I'd always turn red tapos balik na ulit sa kutis porselana,
kung si Zyd pa.
"Nah, you made our vacation a once in a lifetime experience. Wala rin naman talaga
kaming malinis na plano
but you came and gave us the best vacation we could ever get, so thank you."
P 33-4
Kahit na nakatirintas ang aking buhok at wala namang buhok na humarang sa aking
mukha ay lito kong hinawi
ang mga imaginary strands of hair patungo sa likod ng aking tenga.
Dahil sa layo ng tinatahak ay hindi napatid ang usapan namin. Mayroong pagkakataon
na parehas nalang
kaming natatawa kahit na hindi naman masyadong nakakatawa ang topic. We were
solidly enjoying the
company of one another. Alam kong maraming komento ang mga lalaki pero hindi naman
nagagawang
magsalita dahil sa banta ni Asher noong gabi sa beach.
"I'm good here!" hiyaw ko nang sandali kaming huminto sa isang ilog at nagdesisyon
silang maligo bago
ipagpatuloy ang pagpunta sa falls na 'yon.
Ako ang naging photographer nila. Kanina ay si Amos ang kumukuha ng video para sa
aking vlog pero
ngayong nasa tubig siya ay ako na ang humawak no'n.
"Sandali lang kaming magpapahinga but I can't wait to show you the gem that we're
about to discover so stay
tuned you guys!" excited kong pahayag sabay lihis ng camera at iniharap ulit sa
kanila.
Natural silang kumaway doon at ang ilan nga ay nagbigay pa ng opinyon sa lugar nang
lumapit ako.
Pagkalipas nang sampung minuto ay nagpatuloy na kami.
Sinabi na kanina ng guide na ang pupuntahan namin ay ang pinaka-maganda sa lahat ng
mga waterfalls sa
lugar pero lumagpas sa inaasahan ko ang lahat.
Hindi lang dahil sa kulay asul na tubig na bumalandra sa aking mga mata kung hindi
ang kabuuan nitong
napaka-peaceful. Parang painting na gawa ng isang magaling na pintor na nabigyan ng
buhay. Wala ring taong
naroon dahil hindi iyon masyadong napupuntahan. Bukod kasi sa halos dalawang oras
na trekking ay mahirap
rin ang ilang trails na dinaanan namin. There are a few sections where we use a
rope dahil mabato at
madulas.
Habang nakatitig sa kagandahan ng lugar ay wala sa sariling naibulong ko ang mga
salitang it's all worth it.
Totoo ngang lahat ng pagod ay may kapalit at kung ganito rin lang kaganda, hindi
ako magdadalawang-isip na
simulan ulit sa umpisa ang lahat.
Wala na kaming inaksayang panahon. Nang tumalon si Igo sa tubig ay hindi na rin
nakatiis ang lahat. Sa
ginawa ay nakalimutan na naming kumain nang tanghalian pero parang wala namang may
gustong kumain
dahil sa masayang aktibidad ngayon maliban sa aming tour guide na sawa na sa lugar
na ito.
Walang segundong namatay habang nasa tubig kaming lahat. I remember talking to
Jacob and we were just
laughing but moments later, I found myself being alone with Asher. Ang mga lalaki
ay nasa kabilang banda
kung saan ang agos mismo ng waterfalls.
"Are you having fun?"
Tumango ako. Wala ang lugar na ito sa plano ko pero dahil kay Eros na nag-suggest
kaya kami narito ngayon.
Buong araw lang sana akong magpapahinga para ihanda na rin ang sarili bukas sa
mahabang biyaheng
tatahakin ng mag-isa pero hindi ko naman matanggihan ang isang 'to lalo na matapos
makita ang mga litrato.
"Yes. How about you?"
P 33-5
Hinawi niya ang kanyang buhok na may tubig pang pumapatak na nakaharang sa kanyang
mukha. His
pompadour hair was always fixed in a right place pero hindi ko maiwasang mas
purihin iyon sa tuwing
nakikita kong basa. It suits him. Like it added more spice in his personality.
"You don't have any idea how happy I am right now," aniya sabay langoy palapit sa
akin. "Masayang
masaya." aniya nang huminto sa harap ko pero dahil para akong kinapos ng paghinga
ay nagawa kong
lumangoy palayo.
I didn't say a word. Tanging ngiti lang ang nagawa ko hanggang sa tuluyan na siyang
tinalikuran at lumangoy
pa pero mabilis niya akong naabutan. Nakalimutan kong magaling nga pala siya sa
lahat ng bagay kaya
siguradong good swimmer rin siya.
Isang malakas na hiyaw ang napakawalan ko sabay tawa ng mahuli niya ang aking
katawan sa ilalim ng
malamig na tubig.
"Where do you think you're going, huh?"
Hinihingal kong hinawi ang tubig sa aking mukha pero nang luminaw ang kanyang
kakisigan na ilang pulgada
lang ang layo sa akin ay nanghihina akong napakapit sa kanyang braso.
"I... I'm not going anywhere."
Oh dear heart! Please calm down... Please?
"So you're staying?"
The sadness in his voice made me bit my lower lip. Hindi na ang tungkol sa pag-alis
ko sa pwesto kanina ang
usapan namin ngayon kung hindi ang pag-alis ko bukas. Malungkot akong umiling.
"I'm sorry, Asher pero tutuloy ako bukas,"
Nakita ko ang sandaling pagtusok ng kanyang dila sa gilid ng kanyang pisngi. Tila
nagpipigil sa kung anong
emosyon kaya bago pa 'yon lumabas ay ngumiti nalang ako.
"But we'll see each other again, right? Alam kong magkikita pa rin tayo kaya walang
dahilan para malungkot.
Isa pa, you can always message me. I'll pray for all of your safety, palagi naman."
My heart skip a beat when his lips curve a smile, mukhang gusto nalang rin
tanggapin ang desisyon ko.
"Alright." aniya pero imbes na bitiwan na ako ay hindi ginawa.
Pakiramdam ko'y biglang nag-init ang tubig nang makita ang dahan-dahang pagbaba ng
kanyang mga mata
patungo sa aking labi. In that moment, wala akong naisip kung hindi ang imahe ng
dalawang taong
naghahalikan.
Sa ilalim ng payapang tubig ay nagwawala ang puso ko. I've never been kiss by
someone romantically.
Maliban kay Daddy at Mommy ay wala pang nakakahalik sa akin at ni minsan ay hindi
ko rin naisip iyon sa
tanang buhay ko pero bakit gano'n nalang ang pagsusumigaw ng utak kong hayaan ito
kung sakaling gawin
niya?
P 33-6
"A-Asher..."
He didn't say anything. Bukod sa pagtitig sa aking mga labi ay wala na siyang iba
pang ginawa pero maya
maya ay umangat rin ang paningin pabalik sa aking mga mata kasabay ng dalawang
beses na paglunok.
"Gusto kita," he said, reminding me the things that he already told me pero mali
ako dahil sa salitang
idinagdag niya. "Gusto kitang halikan."
Mabilis kong nakagat ang aking labi dahil sa kabang rumagasa sa aking pagkatao.
"But I don't want to do it here, Karsyn. I don't want to spoil all your first time.
Maghihintay ako kung kailan
ka handa so be sure to ready your camera..."
Tuluyan ko nang ipinagdiin ang aking mga labi. Sa pagluwag ng yakap niya sa akin ay
gano'n nalang ang
paghugot ko ng paghinga na hindi na naitago sa kanya. Mahina siyang natawa pero
imbes na palakihin pa 'yon
ay hinawakan niya nalang ang kamay pabalik sa mga lalaking ngayon ay nakaahon na
pala at nanunuod nalang
sa amin. I'm glad that he didn't kiss me. Bukod sa hindi ko alam kung paano 'yon
tanggihan ay totoong marami
kaming live audience.
"Let's eat?"
Isang tango nalang ang naisagot ko baog magpatianod sa kanya pabalik sa nakararami.
Tahimik akong kumain
at tipid na mga salita nalang ang nasasabi sa kanila dahil talagang hanggang ngayon
ay lumulutang ang isip ko
sa sinabi niya. I would blush every time I think about the word kiss.
Pagkatapos kumain ay sandali pa kaming nagpahinga at naligo ulit. Mas marami akong
vlog sa huling sandali
namin sa lugar. Nakisali rin ako sa pagtalon nila sa mababang cliff habang patuloy
sa ginagawa hanggang sa
mapagod na ang lahat at magpasyang umuwi. Nang magpaalam akong magbibihis ay nasa
tubig pa sila pero
pagbalik ko ay nakaahon na rin.
Wala sa sariling kumunot ang noo ko nang mapansing kulang sila ng isa.
"Where's Asher?" tanong ko kay Gerald na agad lumingon sa mga lalaki para hanapin
dahil paalis na kami
pero wala rin siyang nakita.
"Where's lover boy?" tanong niya kay Amos na nagkibit ng balikat.
Kung gaano kabilis ko naramdaman ang kaba kanina gawa ng presensiya ni Asher ay
gano'n rin kabilis ko
naramdaman ang kaba dahil sa takot na baka kung ano nang nangyari ngayong wala
siya.
"Umahon na 'yon kanina, ah?" si Eros.
"Bro? Where is he?" Jacob.
Hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan nang magsimula na silang magsisisigaw
para tawagin ito.
Ang guide namin ay nagpaalam na ring hahanapin ang nawawala pero bago pa ito
makaibis palayo sa amin ay
sabay sabay na kaming napalingon sa kinaroroonan nang boses na tumawag sa pangalan
ko.

P 33-7
"Karsyn!"
Lutang akong lumapit hanggang sa dulo ng tubig para tignan ang lalaking nasa tuktok
ngayon ng waterfalls na
mayroong taas na fifty feet.
"Oh no..." natutuwang bulong ni Eros na tumabi na sa akin.
"Clever." Amos commented.
"Hindi pa ba tayo uuwi, Asher?" nalilito kong sigaw pabalik bago pa dumami ang mga
komento nila. "What
are you doing? Isn't that dangerous?"
Kahit malayo ang nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi na parang may
binabalak na kung ano.
"Naku, delikado po kapag hindi sanay." sabat ng guide kaya natataranta akong
sumigaw ulit.
"Delikado raw Asher kaya bumaba ka na! Let's go home!"
"No! Not until you answer my question." he shouted back.
Nalukot ang mukha ko at napaisip kung may tanong ba siyang hindi ko nasagot.
Humanay ang mga lalaki sa akin, nasa gitna ako ng lahat at nakatitig na rin kay
Asher ngayon.
"This guy... I can't believe him." bulong ni Ivan.
"Ano 'yon?" sumigaw nalang ako ulit para matapos na at makababa na siya kahit na
muli na naman akong
nababaliw sa mga nangyayari.
Napapitlag ako ng makita ang paglapit niya sa dulo ng kinatatayuan.
"Gusto ko lang magtanong."
"Say it!"
Pakiramdam ko tuloy ay ako na si Jane at siya naman si Tarzan dahil sa sigawan
namin sa gitna ng kagubatan.
"Sige na itanong mo na para makababa ka na–"
"Pwede ba akong manligaw?" pagpuputol niya sa akin na dahilan ng paglaglag ng aking
panga! "Say yes or
I'll jump here!"
"Asher, no!"
"No?!" parang choir na sabay sabay na bulalas ng mga lalaking katabi ko na
umalingawngaw pa sa
kapaligiran!
"No?!" sigaw na rin ni Asher na ambang tatalon kaya natataranta akong sumigaw ulit.
"No! Yes! I mean yes! Sige na, just please don't kill yourself!"
P 33-8
"Yes?!" muli ay nababaliw na ring tanong nilang lahat sa akin maging ang tour guide
naming nasa pinakadulo.
Nahihiya ko silang tinitigan isa-isa.
"I didn't hear it, Karsyn! Yes or no?!" ani Asher kaya bumalik ang atensiyon naming
lahat sa kanya.
"Yes, Asher! Yes!"
Nakahinga ako ng bahagya ng makita ang pag ngiti niya at pag atras pero bago pa ako
makahugot nang
mapayapang hangin sa baga ay nanlaki na ang mga mata ko nang makita ang pag bwelo
niya at walang pagaalinlangang pagtalon sa tubig dahilan para muli akong mapasigaw!
"Asher!"
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
HAHAHAHAHAGAGAGA LT KA HAHAHAHA SANA ALL SHET

P 33-9
CHAPTER 31
7.5K 666 156
by CengCrdva

CHAPTER THIRTY ONE


Together
"Asher!" hindi ko nagawang kumurap ng makita ang mabilis na pagbagsak niya sa tubig
pero ni isa ay walang
gumalaw sa kanyang mga kaibigan para man lang saklolohan ito.
"He's crazy!" si Davos sa kabilang dulo.
Napakapit ako kay Jacob kaya napabaling siya sa akin.
"Jacob, do something!"
Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero iyon ang ginawa niya.
"Relax, Karsyn. He is fine. He will not do it if he can't." hinawakan niya ang
kamay ko pero wala talagang
ginawa kaya hindi ko na alam kung ano ang dapat maramdaman.
No one is jumping off the water to save him! Ilang segundo na kasi ang lumipas pero
wala pa ring lumilitaw
na Asher! Hindi na ako mapakali kaya gumalaw na ako ngunit nang akmang tatalon na
ako para languyin ang
lugar kung saan siya bumagsak ay mabilis akong napigilan ni Eros.
"Don't think about it, Karsyn. He is fine. Let's just wait and see."
"W-Wait? But... But he's not..." nanatiling malakas ang kalampag ng puso ko habang
nililingon ulit ang
pwestong binagsakan ni Asher na ngayon ay mapayapa na!
Gusto ko pa sanang dagdagan ang mga sasabihin pero natutop ko na ang aking bibig
nang marinig ang
paggalaw nang tubig kasabay ng pag-ahon niya roon. Dumaloy ang magaan na pakiramdam
sa aking kabuuan
ng makita siyang maayos at buhay na buhay!
Kahit na hindi na siya kailangang puntahan ay parang gusto ko pa ring languyin ang
distansiyang namamagitan
sa amin para lang pagalitan siya. Iyon nga lang, naging imposible 'yon nang makita
ko ang marahang pagkurba
ng kanyang labi na animo'y nanalo ng kung ano sa ginawang pagpapakaba sa akin!
Lumangoy siya palapit sa amin pero nang umahon ay muli akong napalunok. Samo't sari
ang naramdaman ko.
For the first time in a long time, nakaramdam ako ng inis. I was scared. Sa taas
nang tinalon niya ay hindi
iyon biro at totoong delikado pero anong ini-expect ko? Nakalimutan kong he is
Asher Miguel Vergara Tan,
ang lalaking alam at kayang gawin ang lahat.
"Bakit nananakot ka?" I spat at him using my angriest voice pero hindi ko narinig
ang galit sa boses ko

P 34-1
maging iritasyon dahil sa pag-alon nito.
His smirk widened at that. Maybe because I look angry but I sounded like a cute
puppy. Na sa sobrang cute
ay nawalan na ng karapatang magalit.
"Are you scared?"
Naiiling ang mga lalaki at natatawa na lang rin habang tinatapik siya sa balikat at
nagsipaghanda na ulit bago
umalis.
"Of course, Asher. Ang taas no'n tsaka sabi ni Kuya delikado ang pagtalon." patuloy
kong subok na pagalit sa
kanya pero walang pagsisising namutawi sa kanyang mukha.
I should thank the odds for keeping me angry kahit na hindi niya ako siniseryoso
dahil nawawala ang
atensiyon ko sa ngayo'y basa at nakabalandra niyang katawan sa aking harapan. He
was topless. Kung hindi
ako galit ay pinuri ko na ang katawan niya lalo na't nasipat ko ang hulmang hulma
niyang mga abs. Siguro
kung hindi ako naiinis ay nanghingi na ako sa kanya ng work out plan because he is
holy fit! If I wasn't mad, I
would ask him to be my personal trainer too!
Ipinilig ko ang aking ulo nang lingunin niya ang guide na ngayon ay malaki na rin
ang ngiti.
"Daghang salamat, bai." aniya rito na sumaludo lang sa kanya bago sundan ang mga
lalaking naglalakad na
palayo.
"What was that for?" imbes na sagutin ay isinuot niya lang ang kanyang puting t-
shirt habang nasa harapan ko
at pagkatapos ay kinuha ang backpack na nakasabit sa aking likuran.
"Don't think about it, KF. I'm fine. Walang masakit, buo pa rin ang manliligaw mo."
aniyang parang hindi rin
makapaniwala sa nagawa.
Doon ako natahimik. Wala akong masabi. I almost forgot about that! Nahihiya akong
napayuko. Ang galit ay
mabilis na napalitan ulit ng kaba. My cheeks were burning habang lumalayo ako sa
kanya pero dahil malalaki
ang hakbang niya ay madali niya akong napantayan.
"Wala nang bawian."
"Hindi ba dapat void 'yon? Tumalon ka eh."
"Nope. Wala sa usapan."
"Pero wala rin sa usapang tatalon ka. Pinakaba mo ako." I pouted and then bit my
lip saka nag-iwas ulit ng
tingin.
"I'm sorry... I climb fifteen minutes to get up there at mas madaling tumalon kaysa
bumalik. I had no choice,
ayaw ko namang paghintayin ka."
Sa paglingon ko ay nakita ko ang kaseryosohan sa kanyang mukha na nagsasabi ng
katotohanan. Huminga ako
ng malalim at pinagdiin ang aking labi. Fine, life is too short to hold a grudge
kaya tumango nalang ako tanda
nang pagpapatawad sa kanya.
P 34-2
"'Wag mo na akong tatakutin ulit or else..." natigil ako nang wala akong maapuhap
na idadagdag.
Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya.
"Or else?"
"Or else... B-Babastedin kita."
Kumawala ang tawa niya sa narinig. It feels so weird saying that dahil ni minsan ay
wala pa namang
nanligaw sa akin pero ano pa bang pwedeng i-blackmail sa kanya? Wala.
"Do you think I quit easily?" tanong niyang may paghahamon. "Kung gagawin mo 'yon,
liligawan pa rin kita
hanggang sa magsawa ka nalang sa kaka-basted at sagutin na ako. I will never stop
pursuing you."
Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya dahil sa muling pagkakataon ay wala na
akong maisip na dapat pang
isagot. Dumadagdag pa kasi ang nakakahiyang pamumula ng aking mukha kaya buong
durasyon ay hindi na
ako nakatitig sa kanya ng matagal.
Amos took over my vlog. Siya ang naging camera man namin hanggang sa makabalik kami
sa kapatagan.
Wala na akong nasabi kay Asher maging sa lahat. Muli na naman akong napipi dahil
hindi ko alam kung
paano na siya patutunguhan ngayon lalo na nang maisip na totoong liligawan niya nga
ako.
Ano bang ginagawa kapag nililigawan? Gaano katagal dapat magpaligaw? Kung may hindi
ako nagustuhan sa
kanya, kailangan na bang bastedin? And those questions went on and on na wala akong
naapuhap na sagot.
"Mag-iingat ka, okay? And don't be a stranger." ani Jacob matapos naming kumain ng
dinner.
"Oo naman. Kayo rin mag-iingat sa pagbalik nang Manila."
"I wish you success, KF. Alam kong marami ka pang matutulungan sa gagawin mo and I
will always support
you with that." si Igo naman.
"Basta kapag sumikat ka pa ng sobra, huwag mo kaming kalimutan, ha?" napangiti ako
sa sinabi ni Lance.
"Kayo pa ba? Mga kaibigan ko kayo tsaka marami kayong naitulong sa akin at bukod
do'n ay marami rin
kayong napasaya kaya thank you sa inyo."
Nagpatuloy ang usapan namin pero si Asher ay nananatiling tahimik sa tabi ko. I
don't know if he's tired or
something pero simula nang kumain kami ay wala na siyang sinabi. Hindi naman iyon
naging big deal dahil
masaya ang naging takbo ng huling pagsasama-sama naming lahat. Bago bumalik sa
kwarto ay niyaya ko pa
silang magdasal para sa guidance na gagawin bukas pabalik sa kanya kanyang mga
destinasyon. Kahit na
mukhang nawi-weirduhan pa rin ang ilan ay hindi naman nagawang magreklamo.
Sa akin naman ay sanay na ako. Noon ay nahihiya rin ako kapag malakas kaming
nagdarasal ni Zyd bago
kumain kahit saang restaurant pero naisip kong bakit ko ikahihiya 'yon? I should be
loud and proud
proclaiming God and his glory. In this generation, karamihan sa mga naniniwala ay
minsa'y sinasarili nalang
iyon at itinatago para maiwasan ang ma-judge but that practice is wrong.
God saves us shamelessly kahit na marami tayong mas kahiya-hiyang kasalanan. Nagpa-
alipusta siya para sa
P 34-3
atin at hindi inisip ang sasabihin ng iba maisalba lang ang lahat sa kasalanan.
The Bible says we are not supposed be worried about others opinions towards us. We
should not fear what
other's think or say as long as we're doing what we know is right. In fact, if we
are striving to live godly
lives, we can expect not to be liked. Proverbs 29:25, It is dangerous to be
concerned with what others think
of you, but if you trust the Lord, you are safe.
I texted Zyd bago ako matulog.
Ako:
I miss you. Bukas mag-isa nalang ako. Wish me luck!
Zyd:
I'm sorry I can't be there to support you. :(
Ako:
Don't be sorry. You need to finish your studies Zyd at ilang semester nalang 'yon
kaya pag-igihan mo. I will
always be proud of you at kapag ga-graduate ka na, pupunta ako!
Zyd:
Wait, are you saying na magtatagal ka talaga sa iba't-ibang lugar?
Ako:
My goal is to travel the whole country and to give back to people. Matagal tagal pa
akong matatapos.
Zyd:
Matagal tagal ka ring mag-iisa. Are you sure you can do it alone?
Ako:
What do you think?
Zyd:
I don't know what to think anymore...
Ako:
Zyd, trust me. I can do it.
Matagal siya bago nag-reply ulit pero alam kong kahit na tagilid ang pakiramdam
niya sa gagawin ko ay gaya
ko rin itong susuportahan lang ang lahat ng aking desisyon.
Zyd:

P 34-4
Fine. But don't forget to update me from time to time, alright?
Ako:
Noted!
Nagkwentuhan pa kami sandali hanggang sa magpaalam na ako. All my bags are packed.
Sa tagal ko nang
bumabiyahe ay iisang maleta pa rin ang dala ko. The last time I shop was when were
in Naga. Bukod sa mga
pantalong itim at puting damit ay wala na akong binili no'n. Hindi na rin ako nag-
abalang bumili ng mga
damit panligo dahil sapat na ang limang piraso kong dala.
Habang tumatagal kasi ay naiisip ko ang kahalagahan ng oras. Imbes na maging abala
sa pamimili ng isusuot
ay ang oras na igugugol ko doon ay ida-drive ko nalang patungo sa mga lugar na
nangangailangan ng aking
tulong. I've saved a lot of time. Kung noon ay halos thirty minutes ako sa pag-
iisip palang ng pares ng damit
ay nakaka-save na ako ng oras at mas nakakagawa nang makatuturang bagay.
Kinabukasan ay halos maluha ako ng mapagbuksan ang mga kalalakihang ngayon ay
nakabalandra sa aking
harapan. Hindi ko alam kung kanina pa ba nila ako hinihintay sa labas ng kwarto ko
kasi wala namang
kumatok pero mukhang kanina pa sila dahil ang iba ay komportable na sa kani-
kanilang pwesto.
"GM." nakangising sambit ni Sergio na dahilan ng paglukot ng noo ko.
"Good morning." Igo added.
Napangiti ako at napasulyap sa lahat pero nang makita kong wala si Asher at ambang
itatanong iyon ay
mabilis iyong ipinaliwanag ni Gerald na tila narinig ang nasa isip ko.
"He said he'll meet us in the parking lot."
Pinagdiin ko ang aking mga labi at ngumiti nalang sabay bati sa kanila.
"Good morning sa inyo," kahit masaya ay mabigat ang dibdib ko dahil ilang minuto
nalang ay aalis na ako't
malalayo na naman sa kanila.
Though dapat nang masanay akong mag-isa, hindi ko pa rin maiwasang maisip na mami-
miss ko sila dahil
iyon ang totoo. Gumalaw si Jacob patungo sa akin para kunin ang maletang hila-hila
ko.
"Ito lang?"
I nodded. "'Yan lang ang gamit ko."
Nagpatianod ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa aking sasakyan. Asher was
not there pero hindi na
ako naghanap. I don't mind kung busy siya o may ginagawa kaya hindi na magpapakita
ngayon. Mabuti na rin
siguro para hindi ako mas lalong malungkot.
"Thank you," masaya kong bigkas nang maiayos na ang mga gamit sa aking sasakyan.
"Mag-iingat kayo
palagi. See you all soon."
"Definitely." si Lance sabay lapit at yakap sa akin ng mabilis sa huling
pagkakataon.

P 34-5
Pinigilan kong maging emosyonal habang nagpapaalam sa kanila. Pagkatapos no'n ay
sasakay na sana ako sa
aking sasakyan pero nahinto ako ng hawakan ako ni Zake.
"Hindi mo ba siya hihintayin?" sinulyapan niya si Ivan at inutusang tawagan na ito
ngunit bago pa makagalaw
ang huli ay sabay sabay na kaming napalingon sa isang sasakyang mabilis na umiibis
patungo sa tabi ng aking
sasakyan.
"There he is."
Humawi ang lahat pero hindi ko pa man nakikita ang lalaking iniluwa ng sasakyang
iyon ay naramdaman ko
na naman ang pag-ikot ng aking tiyan dahil sa halos sabay sabay na paglaglag ng
kanilang mga panga.
Natutop ko ang aking bibig ng makita ang lalaking nakasuot ng itim na shades,
simpleng puting polo shirt na
nakatupi hanggang sa kanyang siko at itim na shorts pero nalaglag ang puso ko nang
mapukol ang aking mga
mata sa bitbit niyang isang bouquet ng mga puting rosas.
Pigil ang aking paghinga habang humahawi ang mga lalaking parang mga cadet officers
na binibigyan ito ng
daan para sa akin.
Pinilit kong tanggalin ang aking kamay sa aking bibig nang huminto siya sa tapat ko
at inilahad ang mga rosas.
"Good morning. I'm sorry, muntik pa akong ma-late."
"G-Good morning..." tinanggap ko ang bulaklak pero ang mga mata ko ay hindi na
natigil sa pagkamangha
lalo na ng tanggalin niya ang suot na salamin pagkatapos ay nginitian ako ng
pagkatamis-tamis.
Hinayaan ko ang mga mata naming mag-usap. Hindi alintana ang paglipas ng mga
segundong gano'n ang
pwesto namin at nanunuod ang kanyang mga kaibigan.
"Hindi pa ba tayo aalis?" masaya niyang tanong maya maya na pumutol sa lahat ng
inhibisyon ko.
"Aalis na ako–" awtomatiko akong nahinto at nanlalaki ang mga matang napatitig sa
kanya nang muling umulit
sa utak ko ang kanyang tanong. "Asher, what do you mean by that?"
Nagkibit siya ng balikat.
"I drove for six hours just to get myself a nice luggage to put my things so...
Pwede ba kitang samahan?"
Pakiramdam ko'y mas lalong nagwala ang mga kung anong bagay sa aking tiyan.
"Are you serious?" tanong ko na rin.
Agad siyang tumango.
"Gusto kitang samahan. I'll be your driver, your chaperone, your bodyguard–"
"Asher, malayo ang pupuntahan ko at hindi ko alam kung kailan pa ako babalik ng
Manila kaya–"
"Then hindi ko rin alam kung kailan ang balik ko." determinado niyang pagpuputol sa
akin kaya tuluyan na

P 34-6
akong napipi.
Nalilito man ang ilan pero mukhang alam na rin ang gagawin nito.
"I can't let you continue this journey alone, Karsyn. Mas gugustohin ko pang
samahan ka kaysa mamatay ako
sa kakaisip kung nasaan ka na at kung maayos ka ba."
"But I can text you–"
"That's not enough. You can't bargain with me, Karsyn. Let me do this for
everyone's peace of mind."
Lumihis ang mga mata ko sa kanyang mga kaibigan. Hindi man sigurado sa desisyon ni
Asher ang ilan pero
tanging tango lang ang nakuha kong sagot sa kanina, sinasabing pumayag nalang ako
dahil tama si Asher.
Delikado at mas mapapanatag rin si Zydney kapag nalaman niyang kasama ko ito
ngayon. Lahat ay
mapapanatag.
"Asher..."
Umiling siya kaagad wala pa man akong sinasabing hindi katanggap-tanggap.
"Are you sure you're serious?" I asked again.
Ngumisi siya at umalis sandali. Sunod kong narinig ang mga pagbukas–sara ng mga
pinto ng sasakyan pero ni
isa sa amin ay walang gumalaw.
"My stuff are already inside your car. Now tell me, do you still want to ask if I'm
serious and waste some
more time or you'll just give me your keys so I can drive ourselves out here and
continue everything
together?" tanong niya nang makabalik.
"T-Together?" lutang at nauutal ko nang tanong na hindi na alam kung may tama o
mali pa ba sa pagkakataong
ito.
Nabitin ang aking paghinga nang makita ang muli niyang paglapit sa akin. Pinigilan
kong mapapikit nang
umangat ang kanyang kamay patungo sa aking mukha at hinawi ang ilang hibla ng buhok
doon bago ako muling
ngitian.
"Yes," he said softly while caressing my cheek with his thumb. "Together, baby..."
dahan dahan niyang
dagdag na tila nangangako pa sa mas malaking bagay.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
P 34-7
Booklat : Ceng Crdva
SANA ALL POTA he is!!!!!

P 34-8
CHAPTER 32
8.8K 619 104
by CengCrdva

CHAPTER THIRTY TWO


Fate And Destiny
He won. He always won.
Tahimik ako't pasulyap sulyap kay Asher na ngayon ay abala pa ring nagmamaneho
ilang oras nang makaalis
kami sa resort. Simula kanina ay wala siyang ibang tanong kung hindi ang pagiging
kumportable ko. Ilang
beses niya ring sinabi na matulog na muna ako pero mas marami ang tanong niya kung
nagugutom na ako and I
will always reply that na hindi, komportable ako at hindi rin inaantok dahil iyon
naman talaga ang totoo.
Huminto lang kami matapos ang halos dalawang oras para kumain pero pagkatapos ay
diretso na ulit. Malayo
man ang naging biyahe namin pero marami kaming napag-kwentuhan nang matanggap ko na
ang desisyon niya
kaya hindi kami nabagot sa isa't-isa.
It took us two hours from Cebu to Bohol via roro. Instead of staying inside the air
conditioned cabin, we
decided to stay outside. Bukod sa mga driver's ng delivery truck at ilang pribadong
sasakyan ay wala na
kaming kasabay kaya wala masyadong tao sa sasakyan.
"Why? May dumi?" nahihiya kong pinunasan ang mukha ko nang mapansing ang matagal
niyang pagtitig sa
akin.
Umiling siya at inayos ang sarili. Itinuon niya ang kanyang mukha sa malawak na
dagat kaya ako naman ang
nagkaroon ng pagkakataong masuri ang kanyang gwapong mukha.
"Asher, can I ask?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Nilingon niya ulit ako.
"What is it?"
"Why do you like me?" hindi ko alam kung paano ko iyon naitanong pero hindi ko na
rin mabawi.
Muli, tumagal ang titig niya sa akin na tila ang mga mata ay gusto na ring gamitin
para ipaliwanag ang sagot
sa tanong kong 'yon.
"I don't know, Karsyn. I just feel it."
Nanatili akong nakatitig sa kanya, tikom ang bibig.
"Do you really need answers? Because I can't give you that. Basta ang alam ko at
ramdam ko ay gusto kita.

P 35-1
Gustong gusto..."
"Y-You mean, walang dahilan? Parang nakatadhana lang na magustuhan mo ako?" I
applaud myself after
saying that kahit na nauutal na naman ako sa kaba.
He nodded.
"I don't believe in fate and destiny but that's all I could think of whenever I see
you," lumamlam ang kanyang
mga mata matapos ang unang sinabi.
Parang gusto kong matawa sa narinig. Noon, mayroon ring parte ng buhay kong hindi
ako naniniwala sa mga
bagay na 'yon but when my life moves forward, sobrang dami kong natutunan.
"I don't believe in so many things but you made me realized that there's really
someone out there who's
plotting everything for us. You make me believe in things that myself didn't even
bother to think before,"
Nalaglag ang mga mata ko nang maramdaman ang kanyang kamay na humawak sa akin
ngunit nang magpatuloy
ay muling bumalik ang titig ko sa kanyang mga matang ngayon ay nangungusap.
"I've never like someone so much Karsyn but you made me like you more than I like
cars to think that I've
only known you for quite some time now... It's fast, mabilis pa sa pagmamaneho ko
sa tuwing nasa karera ako
pero kahit nakikita kong maraming barikadang nakaharang at haharang pa sa pagitan
natin ay wala akong
balak huminto. I will never stop pursuing you."
Gusto ko pa sanang magtanong pero sapat na ang mga narinig para tumigil.
"And I don't expect us to be like this," sagot ko naman. Mabilis kong sinulyapan
ang ngayo'y magkahawak na
naming mga kamay. "Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang isasagot ko sa'yo. Kung
anong sasabihin ko dahil
wala akong alam lalo na sa ganito. I'm still learning, Asher... Sa buhay, sa mundo,
maging ang sarili ko ay
gusto ko pang kilalanin and that's my priority," nakita ko ang marahan niyang
pagtango kasabay ng
determinasyon intindihin ang bawat linyang binitiwan ko.
"But you're here... Wala ka sa plano ko pero anong magagawa ko kung may ibang plano
ang Diyos para sa
akin? If we're destined to do this together, sino ako para magreklamo?"
Napangiti siya doon.
"Then let's learn something together, Karsyn. Ayaw kitang madaliin at sinabi ko na
'yon sa'yo. Sa ngayon ay
kuntento na akong kasama ka. I mean look at us, we're in the middle of nowhere.
Magkahawak kamay, may
pagkakaintindihan at masaya. Sobra sobra na 'to para sa akin. Sobra sobra na."
Ngumiti ako at inihilig ang ulo sa kanyang balikat. Humigpit naman ang kapit niya
sa akin. Sinubukan kong
ipikit ang aking mga mata nang sumalubong ang malamig na simoy ng hangin. He's
right. We're fine at hindi
kailangang magmadali.
God's time is always a perfect time. We must be patient at all times because evil
can give us what we want,
but it is always a perversion of what we prayed for. Patience involves love and God
is patient towards man
kaya sa ngayon ay makukuntento ako.

P 35-2
Wala sa sariling napangiti ako sa naisip. Siguro sa pagkakataong ito ay pwede ko
nang lagyan ng check iyong
nasa bucket list kong 'Go with the flow' dahil ngayon ay iyon ang gagawin ko.
Our first week in Bohol was just amazing as our journey with the guys. Kahit kaming
dalawa nalang ay
kasing saya lang rin ng mga nakaraan ang araw-araw na lumilipas. Asher became fond
of helping those
people in need lalong lalo na ang mga bata para sa kanilang pag-aaral. Nakakatuwang
makitang mas ganado
siya sa pag-iisip ng mga ideas kung paano makakapag-abot ng tulong hindi lang sa
mga ito.
Sa una hanggang pangatlong araw ay laman ng vlogs namin ang mga lugar kung saan
mahirap nang abutin ng
tulong. Kahit delikado ay sinuong namin ni Asher kasama ang ilang mga taga
munisipyo na tumungo sa
bundok para mamigay ng mga school supplies at iba pang kailangan ng mga residente
doon.
Nanlumo man ako sa nasaksihang hirap ng ilan ngunit naging positibo pa rin ako.
Alam kong sa dami ng tao
sa mundo ay hindi ako nag-iisa sa ganitong adhikain. Tignan mo nga't may na-recruit
na ako at alam kong sa
pagpapalaganap ng ganitong content ay maraming mai-inspire na tumulong rin dahil
iyon ang kailangan nating
lahat. Ang magtulungan imbes na maghilahan pababa.
"Pagod ka na?" nakangiting tanong ni Asher matapos ang ginagawa namin at ang vlog
para sa araw na ito.
Umiling ako. Oo nga't pagod ang katawan ko pero nawawala iyon sa tuwing nakikita ko
ang mga ngiti ng mga
batang masayang masaya sa simpleng bagay na naibahagi namin. Kung kaya ko nga lang
na mas makatulong
pa...
"Ikaw?"
"Nope."
Nang ilahad niya ang kanyang kamay ay kinuha ko 'yon kaagad. Inalalayan niya ako
pabalik sa habal-habal na
gagamitin namin pabalik sa kapatagan. Tama lang ang oras na ng pagbalik namin para
naman habulin ang
flight patungong Davao. Napagpasyahan namin ni Asher na mas makaka-save kami nang
oras kung iiwan ang
aking sasakyan kaya hindi na ako nagdalawang-isip na gawin 'yon.
He also told me na hihiram siya ng helicopter kay Trystan para magamit namin pero
tumanggi ako. Flying on
a commercial plane is one of the things I want to do at isa pa, masyadong magarbo
iyon at hindi ko kayang
tanggapin.
While getting around Davao, nadiskubre kong marami ring first time si Asher na
gagawin at hindi lang ako.
Lahat ng iyon ay kasama sa aming halos everyday vlogs. Speaking of, ngayong pormal
nang siya ang kasama
ko ay nasabi kong mas lalo pang maraming sumuporta sa akin, sa aming dalawa.
Zyd is really right, people really loves everything that involves romance. Though
malinaw naman ang
relasyon namin sa lahat ay hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asang isang araw ay
darating kami doon. That
one day, we will officially be together as a couple.
"Game?"
"Game." nakangisi niyang sabi habang hawak ang durian na hiniwa ng tindero para sa
amin.
This is the first time na kakain ako no'n at gano'n rin siya. Ang driver ng
inarkila naming tricycle ang naging
P 35-3
cameraman namin kaya hindi kami nahirapan sa pag film habang kumakain.
Masaya kong idinikit sa kanyang hawak ang hawak ko at pagkatapos ay sabay na namin
iyong kinain!
Ang mga taong nakapaligid sa amin ay walang patid ang tawa habang pinapanuod kami
pero kumawala ang
mas malakas na tawanan nila ng sabay kaming muntik ng maduwal!
Mangiyak ngiyak na rin ako sa pigil na kakatawa hindi dahil sa pagtanggi ng taste
buds ko sa prutas kung
hindi dahil kay Asher na may mukhang hindi na maipinta dahil hindi na alam ang
gagawin. Kung idudura ba
ang nasa bibig o lulunukin nalang. Lumitaw ang ngiti sa labi niya ng mapansin akong
tawang tawa na rin sa
kanya kahit na hindi malunok ang nasa bibig.
"This is not my favorite." aniya at pinilit iyong lunukin sabay inom ng tubig sa
gilid.
Sapo ko ang aking bibig at hindi pa rin matigil sa pagtawa habang nakatitig sa
hindi ma-describe niyang
mukha. Halos mabulunan na ako dahil talagang hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Spit it out, Karsyn. Come on! Stop laughing!" natatawa niya ng sabi.
I just can't imagine his face being that disgusted. Noong unang beses kaming kumain
ng balot sa Bohol ay
hindi naman siya gaanong nandiri pero ngayon... I spit everything out. Hindi rin
talaga gusto ng dila ko ang
lasa no'n!
Maluha luha akong uminom ng tubig. Naiiling nalang siya pero hindi pa doon natapos
ang kalbaryo namin.
The audience insisted that we should try another type of durian dahil ang sabi'y
iba iba raw ang lasa no'n.
Bilang game kami sa lahat o uto-uto in short ay ginawa namin pero gaya nang una ay
gano'n pa rin ang naging
reaksiyon naming dalawa. We invited some people to join us na game naman nilang
pinaunlakan.
Dahil sa sarap ng kainan nila habang ikinukwento ang history ng prutas na popular
sa lugar ay hindi ko na
namamalayang kumakain na rin ako. I actually like the last one. Hindi masyadong
matapang ang flavor at
tamang tama lang sa panlasa ko while Asher didn't like anything at all. Nakisali
nalang siya sa masayang
usapan.
Noong una ay kami kami lang ang naroon pero nang lumaon at nang mag-live siya para
sabihin kung nasaan
kami ay dumami na ang mga tao to the point na ang mga kasama namin ay hindi na alam
kung ano ang gagawin
lalo na ng dumugin kami ng mga estudyante!
I don't know how it escalated quickly pero nagpapasalamat akong ang mga ka-
kwentuhan namin ang naging
human barricade ko maliban pa kay Asher na hindi natigil sa paghawak at pagprotekta
sa akin.
Ang payapang pagkain namin ng durian ay parang naging meet and greet dahil sa dami
ng nagpa-picture sa
akin maging kay Asher. 'Yon nga lang, we need to cut everything dahil talagang
pinuputakti kami na at ang iba
ay nagiging brutal na dahil excited kaming makita at malapitan.
Hindi ko akalaing hindi lang sa personal magiging maingay ang lahat. Maging sa
online world ay nagwawala
ang lahat sa nangyari lalo na ang isang mabilis na video'ng nag-viral na yakap ako
ni Asher at pinoprotektahan sa lahat nang araw na 'yon.
Dahil sa isang pangyayaring 'yon ay dumami ang mga requests na makasama kami kahit
isang araw lang.
P 35-4
Matagal naming pinag-usapan 'yon ni Asher at sa huli ay napagdesisyunang huwag
magdamot.
I'm glad that Asher is with me, hindi sa iisang kwarto dahil fully booked ang hotel
na ngayo'y tinutuluyan
namin kung hindi dahil sa lahat ng ginagawa niya para sa akin at sa aming mga
tagahanga.
Ngayong wala si Zydney ay siya ang tumayong manager ko. Ang mga sumunod na araw ay
mas naging abala
dahil sa isang meet and greet na siya mismo ang nag-ayos sa People's Park. Hindi
nawala ang pagka-mangha
ko dahil totoong napakaraming tao ang dumalo para lang makita kami. Mabuti nalang
at handa si Asher at
kompleto maging sa security para sa aming dalawa pero ang isang araw na 'yon ay
hindi naging sapat.
Sa paglilibot namin sa Mindanao ay nasundan pa iyon ng tatlong beses sa iba't-ibang
parte ng lugar. I'm
touched by the love of the people who supports us. Sobrang dami no'n na sa kada
speech ko sa dulo ng
maiksing pagtitipon ay hindi ko maiwasang maluha dahil sino ba namang mag-aakalang
ang simpleng
babaeng gaya ko na huminto sa pag-aaral para mas matuto sa buhay ay mamahalin ng
mga tao ng ganito? I
didn't expect anything at all pero nag-uumapaw ang kanilang pagmamahal para sa akin
at maging kay Asher.
Sa bilis ng mga pagkakataong 'yon ay mas lalo akong nagkaroon ng pagpupursiging
ipagpatuloy ang
ginagawa. Marami akong taong nai-inspired at libo libo ang aming napapasaya.
The next two weeks went so fast. Sa dami ng nangyari ay naging busy kaming dalawa
sa tuloy tuloy na
pagpapasaya na our time to talk privately suffered. Pagkatapos ng ilan pang events
at daily vlogs ay diretso
na kami sa pagpapahinga at hindi na nakakapag-usap ng masinsinan sa kung ano talaga
ang gusto ng isa't-isa.
Hindi naman ako nagkulang sa pagtatanong sa kanya kung gusto niya pa ba akong
samahan pero hindi rin siya
nagkukulang sa pagpapaalalang kahit saan ay sasamahan niya ako lalo na ngayong
halos hindi na ako
makalabas ng walang nakakakilala sa akin. I must say that our Davao tour was the
one to blame. Dahil kasi
doon ay hindi namin na-balance ng maayos ang oras sa trabaho at sa isa't-isa.
Zydney and the guys didn't missed any details about our journey and relationship. I
made sure they know
everything at gano'n rin si Asher at sila ang unang masayang masaya para sa amin.
Minsan mang inaasar pa
rin dahil ngayon lang daw ito bumagal pagdating sa babae pero hindi na rin
pumapatol dahil aniya'y worth it
naman akong hintayin. Hindi man ako sigurado do'n but again, I'm just going with
the flow.
"GM, everyone it's KF and today we will surprise Asher with flowers and chocolates
because why not?"
nakangiti kong ipinakita ang hawak ko sa camera habang naglalakad patungo sa
kanyang kwarto.
I'm not sure why I had this urge to surprise and thank him for everything today
pero naisip kong kailangang
kailangan ko 'yong gawin dahil hindi biro ang ginagawa niya para sa akin. I woke up
early to get him fresh
flowers from a local store downtown. Bukod doon ay gawang lokal rin ang tsokolateng
binili ko para sa
kanya.
"I don't know. I just realized that he did so much for me at wala akong ibang
ginawa kung hindi ang mag thank
you lang. Though he's not asking for more than that but action really makes a
difference. Minsan hindi lang
dapat simpleng thank you ang isusukli natin sa mga taong kung magbigay sa atin ng
oras at pagmamahal ay
sobra-sobra. Sometimes we need to let them feel that we appreciate them kaya naman
heto," inangat ko ulit
ang mga hawak ko't ipinakita sa kanila.
Ang aga aga pa pero sumasabog na ang live video na ginagawa ko ngayon.

P 35-5
"I also ask Kuya Roy to set up a fancy breakfast for us so I hope hindi tayo
makaistorbo sa tulog niya. Time
check, seven five in the morning," I flipped the camera to let them see his room.
"That's his room. I hope
ready na kayo?" dagdag ko kahit na ang totoo ay ako ang hindi handa sa ganito.
This is the first time that I will do something nice for him and probably for
everyone that I was with since I
was born. Ngayon ko lang rin naisip 'yon kaya sobrang kinakabahan ako.
"Lord, please give me strength," padasal kong bulong pagkatapos ay marahan nang
kinatok ang kanyang
pintuan.
Si Kuya Roy ay naghihintay na sa dalampasigan para asikasuhin kami. Kahapon lang
kami nakarating sa
Siargao at mababait ang mga tao rito kaya hindi ako nahirapan sa pakikisama.
The original plan was to have a breakfast after watching the sunrise with him dahil
matagal na naming hindi
'yon nagagawa pero dahil pagod kagabi sa paglilibot at pakikihalubilo sa mga locals
ay ang plan B nalang
ang ginawa ko.
"Room service." pormal kong sambit nang itigil ang pagkatok doon.
Nang ilang sandali ang lumipas at walang Asher na sumasagot ay inilapat ko na ang
tenga ko sa pintuan pero
wala ring ingay akong narinig. Muli akong kumatok. Paulit ulit hanggang sa gusto ko
nang sumuko at sinabi sa
mga nanunuod sa live na fail ang plan B namin.
Bigo akong tumalikod ngunit bago pa ako makahakbang palayo ay narinig ko na ang
marahang pagbukas ng
pinto dahilan ng pagputol ng aking paghinga.
Napapikit ako't dahan dahang inilayo ang camera sa aking mukha bago siya hinarap
pero parang mas lalong
gusto kong pumikit ngayon nang makita ang ayos niya. He was topless at bahagya pang
nakababa sa tamang
pwesto sa balakang ang suot na itim na pajama, giving me a peek of his perfectly
shaped v cut.
Nahihiya akong ngumiti at pinilit na ibalik ang tingin sa kanyang mukha lalo na't
para akong sinisilaban sa
nagawang pagsuri sa kanyang katawan.
"G-Good morning... I'm sorry kung nakaistorbo ako. I just want to give you these,"
humakbang ako palapit sa
kanya at inilapit ang mga hawak patungo rito.
Nanatili ang kanyang seryosong titig sa akin na parang gusto lang muna akong
pakinggan kaya nagpatuloy ako.
"A-And also... I asked Kuya Roy to make us some breakfast so If you're down with
it..."
Nakagat ko ang aking labi nang tanggalin niya ang sarili sa pagkakahilig sa hamba
ng pinto at saka isinara ang
pagitan namin. Doon ko na tuluyang naibaba ang kamay kong hawak ang camera na naka-
live pa rin.
"Are you asking me on a date?" nakangisi na niyang tanong.
Hindi ko alam kung iiling ako o tatango kaya umikot ang ulo ko bilang sagot sa
tanong niyang kanyang
ikinatawa.
Dumiin ang pagkagat ko sa aking pang-ibabang labi ng makita ang paglawak ng ngiti
niya ng kunin ang mga
P 35-6
regalo ko.
"I-I just want to do something nice for you. Naisip ko kasing ikaw nalang ang
palaging nagbibigay sa akin
kaya ginawa ko 'to. I'm sorry kung 'yan lang kasi hindi ko naman alam kung anong
mga paborito mong bagay
kaya–"
"Asking me on a date is more than enough, Karsyn," nakangiti niyang pagpuputol sa
akin pero wala akong
nasagot kaagad nang bumaba ang mga mata niya sa aking cellphone na ngayon ay
kasalukuyan pa ring nagrerecord at marami pa ring viewers kahit na nakatutok iyon
sa sahig.
Napapitlag ako ng kunin niya iyon sa aking kamay at itinapat sa aming dalawa.
"Good morning everyone. You just witnessed Miss Right asking Mr. Right to go on a
date with her,"
ipinakita niya ang mga regalong dala kong lalong nagpainit sa aking magkabilang
pisngi. "Should I say yes or
no?"
Parang gusto kong batukan ang sarili ko sa tanong niya. Napapikit ako habang
hinihintay ang sagot niya pero
bago ko pa nga mabatukan ang sarili ay narinig ko na ang kanyang sagot.
"I'm just kidding, Karsyn," napatingala ako sa kanya. "You know that I will say yes
no matter what, right? I
will always say yes to you... Always, baby..." nakangisi niyang sabi sabay lapit,
hawak sa aking kamay at
walang ano ano'y higit sa akin para bigyan ako ng isang mainit at mahigpit na
yakap.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
HAY NAKO PAREHONG PAREHO TALAGA TONG MAGPIPINSAN NA TO!!! SANA ALL Gnyn kaung
mgppnsan eh,??

P 35-7
CHAPTER 33
8K 619 149
by CengCrdva

CHAPTER THIRTY THREE


God Is In Control
"Thank you," malumanay niyang bulong sa aking tenga habang yakap ako.
Nakayakap rin naman ang mga kamay ko sa kanyang katawan pero hindi magawang pumikit
at hayaan ang
sitwasyon lalo na't naiisip kong wala siyang pang itaas na damit at ang nilalapatan
ko ay ang mismong
mabango niyang balat.
"But I don't know what will I do with the flowers. It's the first time someone gave
me this so will you keep it
instead?"
Tuliro akong tumango nalang. Damang dama ko ang malakas na pintig ng aking puso sa
loob ng aking dibdib
pero parang mas lalo iyong lumakas ng bitiwan niya ako.
"I'll put on some clothes on and we'll go."
Again, isang tango lang ang ginawa ko. Hindi na ako sumama sa loob ng kanyang
kwarto dahil wala naman
akong gagawin do'n at kaya ko naman siyang hintayin sa labas kaya iyon ang ginawa
ko.
Hindi siya nagtagal. Wala pang limang minuto ay lumabas na siya at sabay na kaming
pumunta sa
dalampasigan kung saan imposibleng hindi mapuri si Kuya Roy at ang dalawa pa nitong
kasama dahil sa
ginawang espesyal na set up para sa amin.
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Asher hanggang sa iwan na kami ng mga lalaki
at magsimula nang
kumain. Ako naman ay hindi maubos ubos ang kaba. Bahagya lang iyong nawala nang
makainom na ako ng
gatas.
"I appreciate all of this Karsyn, thank you."
Ngumiti ako at tumango.
"You're welcome. Thank you rin kasi kahit na alam kong marami kang priority, pinili
mo pa ring samahan ako
kahit na hindi naman dapat."
"I will always say yes to you, right?"
Napanguso ako sa sinabi niya. Napupuno ng saya ang kaibuturan ng aking dibdib sa
gitna ng kaba nito dahil
bukod sa akin ay dama ko ring napasaya ko siya pero hindi ko inasahan ang pagturo
ng nguso niya pabalik sa
akin.

P 36-1
"I like you too." he murmured playfully.
Wala sa sariling napainom ako ng maalala ang eksenang 'yon sa restaurant noong
gabing sinundan nila ulit
ako. He just chuckled at my reaction.
Nagpatuloy kami sa pagkain at munting usapan. Pagkatapos ay nagdesisyon na ang araw
na ito ay ang
magiging pahinga namin sa halos isang buwan na ring paglilibot sa Mindanao. Ang
buong araw ay iginugol
namin sa resort at sa beach. Kinahapunan naman ay doon nabuo ang isang idea ni
Asher na i-film ang
pagkilala namin sa isa't-isa. We basically gather some basic questions to answer.
Ako ang nauna.
"What's the color of your toothbrush?"
He cringe at that pero dahil seryoso na ako't nagre-record na ang camera ay sinagot
niya na rin.
"Black. I love black aside from turquoise."
"Two sports that you love to play growing up?"
"Basketball and football."
Tumango tango ako at ipinagpatuloy lang ang pagkilala sa kanya.
"Do you have a pet? If yes, what are their names?"
"I don't."
"Really? Why?"
"I just don't keep pets. I don't know."
Muli akong napanguso.
"Alam mo sabi nila matatapang ang mga taong nag-aalaga ng mga hayop."
"And why is that?" humilig siya sa couch at hinintay akong sumagot.
"Because their time is shorter than us humans. Like dogs for example. The mean age
at death was eleven
years and a month, but in dogs dying of natural causes it was twelve years and
eight months. Only eight
percent of dogs lived beyond fifteen, and sixty four percent of dogs died of
disease or were euthanized as a
result of disease. Owners knew they will die one day and yet they are still willing
to have them regardless
kung isang araw ay mararanasan nila ang lungkot sa pagkawala ng mga ito."
"Do you have pets?" he asked instead of throwing his opinion on that one.
Umiling ako at humilig na rin sa couch.
"I want one. Noon gusto ko ang aso kaya lang ayaw nang Daddy..."
Kinuha ko ang aking planner kung saan nakasulat rin 'yon sa aking listahan.
Ipinakita ko sa kanya ang mga

P 36-2
nakasulat sa pang walong numero. Tuluyan nang nasuspende ang totoong balak na
gagawin ngayon.
"This is my bucket list. Hanggang ngayon gusto ko pa rin ng aso aside from love
birds pero dahil hindi ko rin
maaalagaan, hindi na muna siguro."
"Are you not afraid losing something that you love?"
Sandali akong natigil. Hinayaan ko siyang basahin ang aking planner habang ako ay
natutulala at nag-iisip ng
tamang isasagot sa kanya.
"Ecclesiastes 3:4, There is a time to weep and a time to laugh, a time to mourn and
a time to dance. Lahat
'yon ay parte ng buhay at hindi maiiwasan. If you're in a painful situation and
want to cry it out, then cry.
Kapag dapat magsaya, magsaya. Lahat naman ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay
hindi permanente. Lahat
ay may katapusan kaya kung ano ang ibinigay sa'yo, namnamin mo. Remember this, If
one day God takes
something away from you, it's either you don't deserve it or he has a better plan
for you. Mas better sa mga
plano mo that's why you don't have to be afraid of anything. You should just put
all your trust in him because
he is always in control."
Hindi siya nagsalita.
"Remember, I already loss three members of my family. Sa tingin mo pet pa kaya
hindi ko kakayanin?"
Isinara niya ang aking planner at bahagyang tumuwid ng upo.
"I'm sorry."
Ngumiti ako at umiling.
"Wala 'yon. Shall we continue?" inangat kong muli ang aking telepono para
ipagpatuloy na ang ginagawa.
Sa pagtango niya nagpatuloy ako.
"What genre of song do you listen the most?"
"EDM and RnB."
"Local celebrity crush?"
"None."
Tumagal ang titig ko sa kanya kaya inulit niya ang sinabi.
"None."
"Sino nalang ang prettiest sa tingin mo?"
"No one. I don't watch local movies and I don't care about celebrities."
"But why?"

P 36-3
Nagkibit siya ng balikat.
"I just don't."
Napapitlag siya ng kunin ko ang aking planner at sandaling nagsulat doon bago
ipakita sa kanya.
"No, Karsyn–"
"Watch a tagalog movie with Mr. Tan." masaya kong basa sa isinulat kong dagdag sa
aking bucket list.
"Fine."
"Fine? Pwede na nating simulan?" napakurap kurap pa ako sa tuwa kaya napangisi
siya.
"I'll call my Dad to watch some tagalog movies with you. Not just one if you like."
Kahit na bahagya akong nainis sa sinabi niya ay sa huli natawa nalang ako.
"Fine! I'll take it!"
"You what?!"
Isinara ko ang planner at itinabi.
"I'll watch a movie with your father."
"No."
"Bakit hindi?"
Nakagat ko ang aking pisngi ng makita ang mabilis niyang pagkairita dahil sa naging
takbo ng usapan namin.
"You will not. I can do it!"
"Sabi mo ayaw mo?"
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? I will always say yes to you, Karsyn,"
napaatras ako nang tumayo
siya. "I don't want to play this game anymore. I'll get some food, do you want
something?"
Natutulala akong napailing sa kanya at sinundan nalang siya ng mga mata habang
lumalayo. Hindi ko alam
kung matutuwa ako o malulungkot sa nagawa ko't mga nasabi. Hindi ko naman talaga
intensiyong manuod ng
tagalog film kasama ang Daddy niya pero siya ang nag-suggest no'n at hindi ako.
Dapat ba akong mag sorry
dahil nainis ko siya?
Sa pagbalik ni Asher ay hindi na namin napag-usapan 'yon. Tahimik naming
pinagsaluhan ang dala niyang
salad at pagkatapos ay nahiga na rin sa kanya kanyang kama.
Noong una ay naiilang pa akong may kasama sa kwarto pero dahil fully booked ang
halos lahat ng hotel ay
wala na rin akong choice. Isa pa, alam ko namang walang gagawing masama sa akin si
Asher dahil

P 36-4
mapupunta siya sa impyerno kung sakali.
Igo:
Kumusta ang Siargao? Pati pagkain ko kanina nilanggam ah!
Sergio:
Pag-ibig na kaya... Pareho ang nadarama ito ba ang simula.
Eros:
Di na mapipigilan. Pag-ibig na ito.
Napangiti ako ng mag-back read sa group chat na ginawa ni Amos para sa aming lahat
kasama na rin ang
pinsan ko. Nakatalikod ako sa gawi ni Asher kaya hindi ko alam kung gising pa siya
o hindi na.
Jacob:
Sana'y di matapos ang nadaramang ito.
Zake:
Pag-ibig na kaya ito.
Gerald:
Fuck you, Zake. Anong itinira mo sa'kin? Ooh?
Napahagikhik ako sa nabasa. They're funny. Hindi ko napigilang mag-type.
Ako:
Good night everyone!
Zyd replied and posted the whole lyrics of the song.
Amos:
Haha!
Natawa rin ako sa chat ng baliw kong pinsan pero madali kong nakagat ang pang-ibaba
kong labi ng makitang
nagta-type si Asher. He's still awake. Pasimple kong hinila ang comforter para
ibalot pa ang katawan rito.
Asher:
Patulugin niyo na si Pag-ibig. Ang iingay niyo. Get rest everyone.
Hindi ako nakapag-reply dahil sa pagdami ng mga naka-pusong emoji nila.

P 36-5
Ivan:
Weirdo.
Igo:
Pag-ibig na talaga!
Davos:
Kasalan na sige na! Game over!
Lance:
Anong nangyayari?
Trystan:
Lance, matulog ka na hindi ka namin kailangan ngayon. Panira ka.
Lance:
Gago.
Trystan:
Asher, oh! Nagmumura! Paki-kick sa group!
Gerald:
Ooh...??
Natatawa ko lang pinanuod ang mga usapan nila.
Zyd:
No bad words allowed!
Jacob:
I'm out. Bye.
Eros:
Sus! Busy ka lang sa kasisipat sa anak ni Manang Celia, eh! Huwag kami Senyorito
ha! Iba nalang!
Jacob:
Wala kang paki. Maghanap ka ng sa'yo.

P 36-6
Trystan:
Please, respeto sa mga malalamig ang gabi.
Eros:
Labas tayo? Hanap tayo ng pag-ibig?
Zake:
Nakabihis na ako. San ba 'yan nakikita? Huwag tayo 'don.
Amos:
Haha! Sa mga bahagyang pag-ibig lang tayo.
Davos:
Mga baliw. Let's go now hindi 'yung puro usap!
Sumang-ayon ang lahat ng mga gustong sumama kay Eros at maya maya pa ay natahimik
na ang group chat.
Kay Zydney ang huling mensahe doon na gif nang isang babaeng nagdarasal para sa mga
kalalakihan. Itatabi
ko na rin sana ang cellphone ko pero natigil ako dahil sa isang private message ni
Asher sa akin.
AsherTan:
Rest. Maaga pa tayo bukas. Bukod sa meet and greet on Saturday, may gusto ka pa
bang gawin?
Ako:
Magpapahinga na rin ako. Wala na. Are you sure gusto mo pa akong samahan pabalik sa
Bicol Region?
AsherTan:
Kung nasaan ka, doon ako.
Ako:
Thank you. Good night.
AsherTan:
Good night, Miss Right.
Ako:
Good night, Mr. Right.
Nakangiti kong pinatay ang telepono bago ilipat sa bedside table. Hindi na ako
gumalaw sa aking pwesto at
hinayaan ko nalang ang sarili kong makatulog.
P 36-7
We decided to stay in Siargao for a week. Hindi kasi sapat ang apat na araw na
plano namin dahil gusto kong
libutin iyon lahat. I fall in love with the place. Hindi lang sa lugar kung hindi
pati na rin sa mga tao.
Tuloy tuloy ang naging pagba-vlog namin ni Asher at mga pakikihalubilo sa lugar.
Nasanay na rin akong
maraming nakakakilala sa amin pero hindi naman iyon naging hadlang para sa misyon
namin rito. Minsan nga
ay nakakatulong pa dahil halimbawa sa pila ng kainan o bilihan ay pinapauna kami ni
Asher kapalit lang ng
picture.
"Parang may kulang." aniya matapos tignan ang kuhang litrato sa akin.
Sa buong araw naming paglilibot ay kanina ko pa napapansin ang hindi niya pagiging
kontento sa ginagawa.
"H-Ha? Pangit ba lahat? Sorry."
"No." ibinaba niya ang camera ko at pagkatapos ay tinitigan ako sa mukha.
At muli, sa tagal naming pagsasama at pagiging komportable sa isa't-isa ay dito pa
rin ako hindi nasasanay.
Sa tuwing tinititigan kasi ako ng mga matang 'yon ay talaga namang nagwawala kaagad
ang buo kong
pagkatao.
Napalunok na ako ng lapitan niya ako't hawakan ang aking kamay.
"Can you smile a little more?"
"I can do that." iginiya niya ako sa isang spot kung saan kita ang matatayog na
puno ng niyog at ang kulay asul
na dagat sa hindi kalayuan.
Huminga ako ng malalim at ngumiti ng pagkatamis-tamis lalo na ng makabilang siya ng
tatlo.
He snapped a photo pero gaya kanina ay gano'n pa rin ang reaksiyon niya. It seems
like I can't impress him.
"Bukas nalang siguro ulit kung walang maganda." kukunin ko na sana ang camera pero
inangat niya 'yon.
Marahan niyang hinawakan ang kamay ko.
"One last time."
May pagdadalawang-isip ko siyang tinitigan pero sa huli ay hindi na rin nagpapigil.
Hindi niya binitiwan ang kamay ko at ginawa nalang ang mga sinabi niya. Inayos ko
ang pagkakahawak sa
kanya habang nakatingin sa dagat at hinahayaan siyang kunan ang kamay naming
magkahawak.
"Now, I want you to turn around and smile after I count 'till three, ready?"
Tumango ako.
"One, two..."
Hinanda ko ang aking sarili para sa pagharap at pag ngiti sa kanya.

P 36-8
"Three," humarap na ako pero hindi ko inasahan ang sunod na binigkas ng mga labing
'yon! "I love you..."
aniya dahilan ng pagkawala ng nahihiya kong ngiti at agarang pamumula!
Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko pero sunod-sunod ang naging pagkuha ni Asher
sa akin ng litrato at
habang ginagawa 'yon ay lumalawak na rin ang ngiti niyang tila nakuha na ang gusto.
"Asher!" sinubukan kong bawiin ang aking kamay pagkatapos dahil talagang nag-aapoy
na ang magkabila
kong pisngi sa hiya pero hindi niya ako hinayaang makawala sa kanya bagkus ay muli
niya akong hinigit para
naman yakapin.
"I got it, Karsyn. We're done, nakuha ko na." bulong niya habang humihinga pa ng
maluwag, animo'y nasatisfied sa ginawa.
Hindi ko siya nasagot. Alam kong ginawa niya lang 'yon para makuha ang mas genuine
kong ngiti at reaksiyon
pero nahihiya ako. Napapikit ako sandali ng muling umulit 'yon sa aking utak ngunit
ng makabawi ay marahan
kong inilayo ang katawan ko para harapin siya.
"D-Do you really need to do that?"
"Do what?"
"T-That... That lie..."
His lips curved the sweetest smile and then pulls me closer to him.
"I love you..." napaawang ang bibig ko nang ulitin niya ang mga kataga.
Pakiramdam ko'y kung hindi mahigpit ang kapit niya sa akin ay baka nalaglag na ako
sa buhangin dahil sa
panghihina ng aking mga tuhod gawa ng sinabi niya.
"And that's not a lie. Siguro nga masyadong mabilis pero sigurado ako sa
nararamdaman ko at hindi ako
nagsisinungaling, Karsyn. Hindi ako kailanman magsisinungaling sa'yo... Mahal kita.
Mahal na kita."
madamdamin niyang pag-amin sa akin pero wala akong ginawa kung hindi ang mabigla at
mapatitig nalang sa
kanya.
He is not part of my plan... None of this was part of it pero naiisip kong kahit na
hindi ko prioridad ang
pakikipag-relasyon, bakit may nag-uudyok sa aking pag-isipan 'yong mabuti? Bakit
parang gusto ko nalang
siyang yakapin ngayon at hayaan ang mga katawan naming magkayakap para maipadama ko
ring mahalaga
siya sa akin?
He's not that hard to love. Noon pa man ay alam ko na 'yon pero hanggang ngayon ay
hindi pa rin ako
makapaniwalang isang araw ay maririnig ko sa kanya ang mga salita ng pagmamahal
para sa akin.
He loves me. Mahal ako ng isang Asher Miguel Vergara Tan at ngayon ay parang gusto
ko na ring
maniwalang siya ang Mr. Right para sa akin.
"Do I need to say it back?" I asked innocently.
"No," umiling siya. "Gusto kong sasabihin mo lang 'yon sa'kin kapag gano'n na rin
ang nararamdaman mo. I
P 36-9
don't want you to say the words that I wanted to hear because that would be unfair
to the both of us at ayaw
kong maging unfair lalo na sa'yo. For now, just let me love you. Just let me fall
even harder..." marahan
niyang sabi.
Wala sa sariling napapikit ako ng makita ang pagtitig ng nangungusap na mga matang
'yon habang dahan
dahang inilalapit ang mukha sa akin.
Kumakalabog ang puso ko pero hindi ko na maawat ang sarili. Nagtatalo ang utak ko.
Ang kalahati ay gustong
dumilat at sabihing huwag niya akong hahalikan ngunit ang kalahati naman ay mas
malakas ang sigaw na
hintayin ko lang siya. Sagutin kung kinakailangan... Just go with the flow.
Dama ko na ang panlalamig ng mga kamay ko dahil sa nakakaliyong kaba ngunit bago pa
ako mangisay sa
unang halik na mararanasan ko sa tanang buhay ko ay wala sa sariling kumawala na
ang mga pigil kong
paghinga ng maramdaman ang paglapat ng kanyang mainit na labi sa aking noo.
"Baby, you make me fall hard. Ngayon palang ay hulog na hulog na pala ako. Hulog na
hulog na sa'yo,
Karsyn..." maingat niyang dagdag na nagpadilat sa mga mata kong gusto nang maluha
dahil sa mga naririnig.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
HUHU TAGAL PA BAGO MAMEET HI EROS SI SKY DITO OMG HAHAHAHAHAHHAAH HUHU KAMISS SI
JACOB

P 36-10
CHAPTER 34
7.6K 568 165
by CengCrdva

CHAPTER THIRTY FOUR


Girlfriend
"Oh my God, what?!" napangiwi ako sa paghiyaw ni Zyd matapos kong i-kwento ang mga
nangyaring
pagtatapat ni Asher ng pagmamahal niya para sa akin.
"Anong sinabi mo pabalik?!" muli niyang tanong.
Marahan kong nasapo ang noo ko. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nakalutang sa
sahig habang inaalala
ang mga nangyari.
"Wala."
"Wala?!"
Umiling ako na parang nasa harapan ko lang siya.
Wala akong isinagot kay Asher dahil hindi ba sabi niya ay sasagutin ko lang 'yon
kapag gano'n na rin ang
nararamdaman ko para sa kanya? At sa ngayon ay alam kong hindi pa ako umaabot sa
gano'n... Paano ko nga
ba malalaman?
"Bakit wala, Karsyn? Hindi mo ba siya gusto? I thought you like him too?"
"I like him but that's not enough to be called love. Magkaiba 'yon."
"Pero doon na rin papunta 'yon! Did you gave him false hope or something? Gusto
kong malaman kaya ulitin
mo. Ang sabi mo sinabi na niyang mahal ka niya, oh tapos? Wala kang isinagot
pabalik?"
"I didn't say anything. Sabi niya, gusto niya raw marinig 'yon kapag gano'n na rin
ang nararamdaman ko para
sa kanya and I think what I feel for him is not love. Not yet. Hindi pa sa ngayon."
"Wait, wait. Okay, let's try to tick some boxes, ready?"
"Okay."
"Does he makes you happy?"
"Yes."
"Do you care for him?"

P 37-1
"Yes."
"Do you think about him everyday you wake up?"
Napaisip ako. Sometimes I think about pets, kids, my Dad... Natigil ako nang maisip
na minsan nga,
nangyayari rin namang siya ang naiisip ko sa unang pagdilat ng mga mata ko pero
hindi ba natural iyon dahil
magkasama kami?
"Sometimes."
"Gaano 'yang sometimes?"
"Hmm,"
"Okay, let's skip that. Hmm, gusto mo ba siyang kasama palagi?"
"I'm always with him."
"I know but what I mean is, paano kung hindi mo siya kasama ngayon? Gugustuhin mo
ba siyang makasama?"
"Yes?"
"Good. Do you think you become a better person while with him?"
"Yes."
"Kaya mo bang mawala siya sa tabi mo?"
Napaisip ako ulit ng matagal bago nakakuha ng sagot.
"Oo naman... Pero kapag nawala siya, kailangan ko siyang hanapin dahil baka kung
ano nang nangyari sa
kanya at kung wala siya, baka maligaw ako."
"Oh, KF! Why do you have to be this innocent!"
Kumunot ang noo ko.
"What's your verdict? Do I love him?"
"I can't answer that for you. Sa ngayon, you have to figure it out by yourself but
I guess there's a great
possibility na isang araw ay magigising ka nalang at masasabi mo sa sarili mong
mahal mo na rin siya. Hindi
bale, sabi ni Asher hihintayin ka niya, 'di ba? So hindi mo kailangang magmadali.
You have all the time in the
world para pag-aralan ang nararamdaman mo para sa kanya. Pero ang tanong, kaya mo
bang mawala si Asher
ng permanente sa buhay mo kung sakaling hindi dumating ang araw na mamahalin mo
siya pabalik?"
Napalunok ako. Ngayon nga lang na wala siya dahil abala sa pag-aayos para sa meet
and greet namin
mamayang gabi sa beach resort na ito ay hindi na ako mapakali, ano pa kaya 'yon?
Napapitlag ako't agad na napatayo ng marinig ang pagbukas ng pinto. Walang tigil sa
pagtutumalon ang puso

P 37-2
ko ng makita ko siyang pumasok sa loob. Nang pumihit siya paharap sa akin ay agad
siyang ngumiti para
batiin ako.
"H-He's here... I'll call you back."
"Answer my question!"
"Hindi." sabi ko sabay patay ng tawag.
"Hi." nakangiti ko na ring bati sa kanya.
"Zydney?" he asked sabay lapit sa akin.
"Yeah."
He nodded. "Are you hungry? Magpapadala na ba ako ng pagkain rito?"
"Hindi tayo sa labas kakain?"
Umiling siya at naupo sa kanyang kama.
"I want you to have enough rest. Aabutin tayo ng gabi mamaya kaya gusto kong marami
kang ipong energy."
Naupo na rin ako sa tapat niya.
"Okay. Dito nalang tayo kumain," inangat ko ang aking cellphone. "Tatawagan ko lang
si Daddy."
"Sure. Ako na ang bahala sa pagkain? Any request?"
Pinagdiin ko ang aking labi at muling ngumiti sa kanya.
"Wala naman. Ikaw na ang bahala."
Sa pagtango niya ay tumayo na rin ako para gawin ang sinabi ngunit bago pa ako
makalabas sa balcony ay
muli akong nahinto nang mapansing nananatili siyang nakaupo sa kama at
pinagmamasdan lang ako.
"M-May sasabihin ka pa?" nahihiya kong tanong nang maisip na muli na namang
nakatutok sa akin ang mga
mata niyang walang kasing-seryoso.
Umiling siya at tumayo na rin.
"Nothing. I just want to look at you."
Natawa ako. "Bakit naman? Hindi naman ako aalis rito tsaka palagi mo na naman akong
nakikita, hindi ka pa
ba nagsasawa?"
Umangat ang isang gilid ng kanyang labi bago inilagay sa kanyang bulsa ang mga
kamay.
"Bakit ako magsasawa?"

P 37-3
"Kasi nga palagi mo na akong kasama. Kapag gano'n may posibilidad na magsawa ka."
"Bakit ikaw? Nagsasawa ka na bang kasama ako?"
Wala sa sariling napalunok ako't tulirong napailing.
"H-Hindi."
"So gusto mo akong kasama lagi?" aniyang ang ngiti ay hindi na nawala habang dahan
dahang lumalapit sa
akin.
"O-Oo naman..."
"Really?"
I nodded. Napahigpit ang kapit ko sa aking telepono nang huminto siya sa tapat ko.
Napatingala ako sa
kanyang mukha. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang paghugot niya ng isang
malalim na paghinga ng muli
akong matitigan ng malapitan.
"I just want to look at you, Karsyn. Kung pwede lang na dalhin kita kahit saan ako
magpunta, gagawin ko."
"Y-You don't want to bring me in the bathroom while you poop, Asher. Because
that... That would be
weird."
Kumawala ang tawa niya dahil sa sinabi ko. Napailing naman ako.
"You're too cute and innocent... and I love you... Everything about you."
My cheek blushed profusely at that.
"Nahihiya na ako." buong puso kong pag-amin.
He chuckled and held my hand.
"I like when you blush," I see him swallowed hard again habang inilalapit ako sa
kanyang katawan. Napawi
ang mga ngiti niya nang haplusin ang nag-aapoy kong pisngi.
"Am I allowed to curse? Because, baby... I can't praise your beauty without saying
one. You're frigging
beautiful..."
Nanghina ako sa mga salita niya at agad na napahawak sa kamay niyang nakahawak sa
aking pisngi.
"Thank you," mahina kong sambit. "For not cursing and for saying that I'm
beautiful."
Ngumiti siya at hinaplos pababa ang aking pisngi. Pinigilan kong mapakagat sa aking
labi nang gawin niya
'yon.
I remember the sermon of my favorite priest. Sabi niya, kapag daw may pumuri sa'yo,
just say thank you at
huwag nang kung ano ano pa. Just be thankful that someone see's your beauty na
minsan ay kahit ang sarili

P 37-4
mo'y ayaw paniwalaan.
"Huwag kang magsasawang makasama ako..." aniya nang tuluyan nang tanggalin ang
kamay sa akin ngunit ang
isa naman ay pisil pisil ang isa ko pang kamay.
Matamis akong ngumiti at tumango.
"Hindi ako magsasawang kasama ka pero..."
Marahang nagsalubong ang magkabila niyang kilay nang ibitin ko ang mga susunod kong
sasabihin.
"Pero?"
"Pero baka kung hindi mo ako iwan ngayon, parehas tayong magutom."
Muli siyang napangisi.
"I'm sorry."
"It's okay. Hindi naman ako mawawala rito kaya sige na. I'll wait for you."
Nang makita ko ang tuwang tuwa niyang mukha ay hindi ko na mapigilang kagatin ang
aking pang-ibabang
labi.
"Fine. Aalis na ako."
"Sige."
"Sandali lang ako."
"Mag-iingat ka."
Pinisil niya ang aking kamay at kahit na mukhang hirap na hirap sa gagawin ay
nakaya rin naman akong iwan.
Pakiramdam ko ay hindi na nawala ang kalampag ng aking puso kahit na tuluyan na
siyang nakalabas sa
kwarto habang ako naman ay idina-dial na ang number ni Daddy.
"Karsyn..." natigil ako sa pag-iisip kay Asher ng marinig ang nangungulilang boses
ni Daddy.
"Daddy," hindi ko mapigilang mahawa sa kanya lalo na't agad kong naramdaman ang
pag-iinit ng mga sulok
ng aking mga mata.
"How are you?"
"I'm good, Hija. When are you coming home?"
Marahas kong nilunok ang lahat ng mga bumara sa aking lalamunan gawa ng kanyang
tanong.
"Dad..."

P 37-5
I heard him sighed heavily.
"I understand, Anak but I miss you. We all miss you here. Maging sina Manang Flor
ay miss na miss ka na
rin."
Emosyonal akong napangiti.
"Have you watch my vlogs, Daddy?" I know it's impossible for him to watch any of it
pero umaasa pa rin ako
dahil alam kong kahit paano ay maiintindihan niya ang mga ginagawa ko at hindi
mangungulila ng ganito kung
sakali.
"I'm sorry, Hija but I've been busy with the company..."
Pinakinggan ko ang mahaba niyang paliwanag at naiintindihan ko naman. Sabi ko nga,
that's his way of coping
with grief. Sa huli ay ikinwento ko nalang sa kanya ang mga nagawa kong alam kong
hindi niya aakalain.
Bago matapos ang tawag ay hindi na namin napigilang mag-iyakan. He said that he's
proud of what I become.
Na kahit hindi niya ako masyadong natutukan sa paglaki ay naging mabuti akong tao
at may malasakit sa
kapwa.
Ipinagdiinan ko namang malaki ang parte niya kung bakit ako ganito ngayon.
"Thank you for allowing me to do this, Dad. Alam kong mahirap sa inyo dahil ako
nalang ang kasama niyo
pero hinayaan niya pa rin akong umalis. Thank you..."
"You're welcome, Anak. Kahit anong gawin mo ay narito lang ako para suportahan ka.
I love you and you're
always in my prayers."
"You too, Daddy," pinunasan ko ang mga luhang patuloy ang paglandas sa aking mukha.
"I miss you and I
love you so much."
"I love you more my baby..."
Matapos ang tawag ay hindi pa sana ako aalis pero madali kong inayos ang aking
sarili ng marinig ang
pagtikhim ni Asher, siguro'y kanina pa ako pinapakinggan.
"K-Kanina ka pa?" pupungas pungas kong tanong ngunit imbes na sumagot ay nilapitan
niya lang ako.
"Need a hug?"
Pinuno ko ng hangin ang aking baga bago iyon pinakawalan sabay tango sa kanya.
Napapikit ako ng
maramdaman ang kanyang mabangong katawan matapos kong yakapin.
"Thank you."
I felt him kiss my temple while hugging me back. Nanatili kami sa gano'ng posisyon
ng ilang minuto bago ako
mapadilat ng marinig ang pagsasalita niya.
"You know what? I can hug you twenty four hours a day," lumayo ako ng kaunti sa
katawan niya para
matitigan ang ngayo'y nakangiti niyang mukha. "But you need to eat so kain na
tayo?"

P 37-6
Tumango tango ako pero habang pabalik sa loob ay hindi na niya binitiwan ang kamay
ko.
Nanatili kami sa kwarto hanggang sa medyo humupa na ang init. Bago pa tuluyang
bumaba ang araw ay
lumabas na si Asher para asikasuhin ang ilan pang detalye sa event habang nag-aayos
ako ng sarili.
Isang simpleng white beach dress lamang ang suot ko na mayroong bulaklaking design
simula sa maliit kong
bewang hanggang sa laylayan na terno naman sa suot ni Asher na white button down
shit at bulaklakin ring
beach shorts.
Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok ngunit ang kanang gilid ay itinirintas ko.
Eyebrow pencil, lip tint at
kaunting blush on lang rin ang inilagay ko sa aking mukha para lang hindi naman ako
masyadong maputla sa
gaganaping event.
Bago lumabas at simulan ang vlog patungo doon ay binasa ko muna ang mga texts na
dumating.
Zyd:
Good luck! See you next week!
Napangiti ako ng maisip na muli kaming magkikita ni Zyd. Hindi man ako makagawa ng
paraan para bisitahin
siya ay nakakatuwang hindi niya hinahayaang masyado naming ma-miss ang isa't-isa.
Ako:
Can't wait! I love you!
Zyd:
I love you too! Manunuod na ako sa live mo so go!
Hindi na ako nag-reply kahit sa group chat na kasama ang mga kaibigan ni Asher.
Siya nalang ang tinext ko na
ready na ako at parating na rin sa venue na ilang lakad lang rin simula sa aming
suite.
AsherTan:
We're ready.
Kinuha ko na ang aking maliit na sling bag laman ang aking cellphone at wallet
pagkatapos ay kinuha na rin
ang camera bago simulang mag-vlog.
Malakas ang kalampag ng puso ko habang palapit sa lugar kung saan mayroong
improvise at maliit na stage
para sa amin, sapat para sa picture taking mamaya kasama ang lahat.
Malawak ang ngiti niya akong sinalubong sabay kaway na rin sa vlog ko. Siya na ang
nagpatuloy no'n. Palapit
palang kami ay umingay na ang lugar dahil sa excited na mga supporters. Hindi ko
mapigilang maging
emosyonal lalo na't kitang kita kong sobrang tuwang tuwa rin sila sa akin. Sa lahat
ng meet and greet ay ito
ang pinaghandaan namin ni Asher. We have games, food and drinks at iba pa para sa
kanila. Bilang
pasasalamat na rin sa ilang buwan nilang walang tigil na suporta sa akin.

P 37-7
We started the program with a prayer. Ako ang nag-lead hanggang sa magsimula na ang
programa. Hindi
nawala si Asher sa tabi ko na siyang ikinatutuwa lalo ng lahat. Nang bumaba na ang
araw at natapos ang mga
palaro at picture taking ay nagkaroon naman ng question and answer portion.
"This question is for Miss Karsyn,"
Napatingin si Asher sa akin at saka tumango. Ibinigay niya sa akin ang mic.
"Ano na po talaga ang status niyong dalawa ni Asher? Kayo na ba or still getting
there?"
Sasabihin ko na sana ang totoo ngunit bago pa ako makapagsalita ay maagap nang
nakuha ng katabi ko ang
mikropono.
"Bro, let me answer that," hindi napigilang magtititili ng iba kaya naman muli kong
naramdaman ang pag-iinit
ng mukha ko. Mabuti na nga lang at medyo madilim na ang paligid.
"We're happy and contented. Hindi namin kailangan ng label sa relasyon namin dahil
sa ngayon ay masaya
kami pero kung gusto niyo pa ring malaman," nilingon niya ako. "I'm still courting
Karsyn. Hindi ako
nagmamadali dahil kaya ko siyang hintayin habang buhay." madamdamin at seryoso
niyang sabi habang
nakatitig ang malamlam na mata sa akin.
"Hihintayin kita, baby."
Mariin kong nakagat ang aking labi hindi dahil sa mga matang iyon ngunit sa
pagwawala nang ilan sa harapan
na parang gusto nang mangisay ng sobra dahil sa sobrang kilig para sa amin. Ilang
beses akong napalunok
ngunit ang pagpisil niya ang naghudyat na hindi ko 'yon kailangang sagutin.
Nakahinga lang ako ng maayos ng ibaling niya ang tingin sa lahat.
"Next."
Marami pang nagtanong sa amin ni Asher pero dahil malinaw na ang sagot sa una, ang
mga sumunod ay
tungkol nalang sa mga plano namin, mga natutunan at mga gusto pang matutunan.
Pagkatapos ng mga katanungan ay ang speech naming dalawa bago ang totoong party
para sa mga bisita.
Huminga ako ng malalim lalo na ng humina ang kanina'y malakas na tugtugin.
"Good evening everyone," nakangiti at pormal kong bati sa kabila ng kabang gusto
akong lamunin ngayon. "I
just want to say thank you sa inyong lahat dahil naglaan kayo ng oras para makasama
ako at si Asher ngayon,"
nilingon ko si Asher na nakatayo sa aking gilid.
"Thank you for taking care of me, Asher. Sa lahat ng ginagawa mo para maging
posible ang lahat ng ito... For
helping me to make people happy."
He mouthed a welcome kaya nagpatuloy ako. Humarap ulit ako sa ilang daang taong
nakikinig sa akin.
"Maraming maraming salamat sa lahat ng suporta ninyo simula sa umpisa. Sana marami
kayong natutunan sa
akin at marami pang matututunan. Hindi pa man tapos ang mahabang journey ko pero
marami na akong na-

P 37-8
realized sa buhay na gusto ko ring i-share sainyo. After I quit medical school,
wala akong balak sa buhay ko
kung hindi ang hanapin kung ano ang purpose ko rito sa mundo. Siguro naman lahat
tayo, kapag nagninilay ay
naiisip rin kung bakit ba tayo nabuhay sa mundong ito. Noon ay wala akong mahanap
na sagot kahit na umikot
na ang utak ko sa kaiisip and then the tragedy came... and the rest is history.
Ngayon kung tatanungin ko ang
sarili ko, kayang kaya ko na 'yong sagutin hindi lang para sa akin kung hindi para
rin sa inyong lahat,"
Pinigilan kong maging emosyonal sa susunod na sasabihin.
"'Deuteronomy 15:7–8, If among you, one of your brothers should become poor, in any
of your towns
within your land that the Lord your God is giving you, you shall not harden your
heart or shut your hand
against your poor brother, but you shall open your hand to him and lend him
sufficient for his need,
whatever it may be.' That's your duty. Your purpose in life is to be kind because
kindness is also a form of
love. It's a way of loving others more than they deserve at sana ay matutunan
nating lahat 'yon."
Tahimik lang at nakikinig ang lahat kaya nagpatuloy pa ako.
"Habang kaya nating gumawa ng mabuti para sa sarili natin at lalo na sa ating kapwa
at gawin natin. God
repays every good deed at hindi siya nakakalimot. Help, listen and always be
available to those in need.
Remember, life is short," napahinto ako ng bahagyang gumaralgal ang aking boses
pero nagawa pa ring
magpatuloy. "And it will be over before we know it."
Ibinaba ko ang aking hawak at kahit na emosyonal ang lahat ay nagawa nilang
pumalakpak sa pagtatapos ko.
Huminga ako ng malalim at nilunok ang lahat ng negatibong emosyon bago ngumiti.
Nanatili akong nakangiti
habang pumipihit sa direksiyon ni Asher ngunit bahagya iyong nabawasan ng makita
ang seryoso niyang titig
sa akin. Ni hindi siya gumalaw para lapitan ako, tila may naiisip na malalim pero
imbes na magpaapekto ay
ako na ang lumapit sa kanya para sabihing siya na ang magsalita.
Ginawa niya naman kahit na alam kong may bumabagabag sa kanyang kung ano. It was a
short and sweet
message for me and our supporters. Pagkatapos no'n ay sandali pa kaming
nakihalubilo sa lahat bago
magpasyang maglakad-lakad muna sa dalampasigan.
Tahimik siya at seryoso hanggang sa mapunta kami sa dulo ng resort pero pagbalik ay
nagkaroon naman kami
ng pormal na topic. He congratulated me for another successful event at gano'n rin
ang ginawa ko. Ilang beses
niyang inulit sa akin na sobrang proud niya sa akin dahil marami akong napapasaya,
natutulungan at
natututunan habang kasama siya kaya sobra sobra rin ang naging pasasalamat ko.
Pagbalik sa kasiyahan ay nakihalubilo ulit kami sa mga bisita para gawin na rin ang
huling parte ng aming
vlog. I'm having fun. Parang sa lahat ng party na napuntahan ko ay dito talaga ako
totoong nag enjoy. We
danced with the crowd. Nang maisip ng ilan na magbigay ng mensahe para naman sa
amin ay nakinig ako.
Walang patid ang pag-uumapaw ng tuwa sa puso ko. Ilang beses rin akong naluha lalo
na sa mga taong
nagbahagi kung paano nagbago ang buhay nila matapos i-apply sa sarili ang mga
advice ko ngunit ang lahat
ng tuwang iyon ay natigil ng makita ang isang babaeng sunod na umakyat sa stage.
Wala namang iba sa kanya
pero nang makita ko ang pagtuwid ng tayo ni Asher ay wala sa sariling napatayo na
rin ako.
"Good evening everyone," nakangisi niyang bati sa lahat. Nalilito kong tinapunan ng
tingin ang lalaking nasa
tabi ko sabay lingon ulit sa babaeng kasalukuyang nasa harapan.

P 37-9
"Relax, Asher Miguel. Hindi naman mahaba ang sasabihin ko," ang lahat ng atensiyon
ay tuluyan nang
napunta sa kanya. Maski bulong ay wala na akong narinig.
"Actually, kaya ako narito ay may isa lang naman akong gustong itanong partikular
sa'yo."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Asher lalo na nang iwan ng
magandang babaeng mayroong
perpektong pigura at mahabang buhok ang mikropono at bumaba para lapitan kami.
Gumuhit ang kaba sa aking puso ng maramdaman ang pagtigas ng katawan ng lalaking
katabi ko. Gusto kong
magtanong. Gusto kong magsalita pero tuluyan na akong napipi nang makalapit ito sa
amin.
Pakiramdam ko'y nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang walang preno niyang
paglapit kay Asher at halik
sa pisngi nito. Hindi naman gumalaw ang huli. Nanghihina kong iginalaw ang kamay ko
dahil sa nasaksihan
pero hindi niya iyon hinayaang kumawala sa kanyang kamay.
Hinarap ako ng babae matapos ayusin ang sarili sa aking harapan.
"Oh, sorry. You're Karsyn, right?" may kasarkastikuhan niyang sabi. "By the way I'm
Megan. Megan Perales
Pascual, Asher's long time girlfriend." nakangisi niyang sabi sabay lapit, hawak sa
kamay ko at hawi rito
dahilan para mabitiwan ko ng tuluyan si Asher.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
HAHAHAHAAHAHAH Wtf?????sorry for cursing...ano to asher????syete nmn

P 37-10
CHAPTER 35
6.1K 551 128
by CengCrdva

CHAPTER THIRTY FIVE


Shattered
Ilang beses umulit sa aking ang sinabi ng babaeng humawi sa kamay ko. Pakiramdam ko
ay nagsugat ang
kamay ko sa ginawa niya dahil kahit na mabilis lang 'yon ay alam kong malalim ang
naging marka nito hindi
sa katawan ko kung hindi maging sa puso't isip ko.
Hindi ako nakagalaw. Parang ang katawan ko ay mabilis na sinimento at ang bibig ay
tinanggalan na ng
karapatang magsalita.
"What are you doing here?" matigas, malakas at nakakabinging tanong ni Asher sa
babaeng ngayon ay nasa
kanyang tabi.
Nang subukan niyang hawiin ang kamay rito at hawakan ako ay muli siyang hinila ng
babae palayo.
"Oh, baby! Hindi ba dapat ako ang magtanong sa'yo niyan? Why are you here? At bakit
may kasama kang
iba?"
Napaatras ako ng lingunin ako ni Asher. Hindi naman umuulan pero nanlalabo ang mga
mata ko. Pakiramdam
ko ay isang segundo pang mananatili ako rito habang binibigyan ng awa ng mga taong
nakapalibot sa amin ay
mahihimatay nalang ako bigla.
My heart... I can't breathe... Nasapo ko 'yon.
"Karsyn–"
"It's okay, Asher," putol ko sa kanya habang pilit na ngumiti kahit pa nanginginig
na ang mga labi.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob kong magsalita at sambitin ang
pangalan niya sa kabila
nang pagtarak ng matalim na bagay patungo sa kailaliman ng aking puso.
"It's okay." ulit ko sabay atras ulit.
I'm shaking. I can feel my heart breaking, shattering... Hindi ako makapaniwala sa
nangyayari. He has a
girlfriend? Pero bakit? Bakit niya ginawa sa akin lahat ng 'to? Bakit niya ako
gustong ligawan kung may
kasintahan na siyang iba? Bakit pinaniwala niya ako sa lahat?
Nakagat ko ang aking labi nang maisip ang mga salitang pinaniwalaan ko. Sabi niya
mahal niya ako 'di ba?
Pero kung totoo 'yon, bakit may ibang babae sa buhay niya? Babaeng mas nauna pa sa
akin?

P 38-1
"Karsyn, let me explain–"
"Oh, please, Asher!" punong puno nang kasarkastikuhang sabi ng girlfriend niyang si
Megan habang nakangisi
at tinititigan ako gamit ang mga matang tanging awa at pandidiri lang ang
nakapaloob.
"Shut up, Megan!"
Umatras akong muli. Gusto ko nang tumakbo. Gusto ko nang lumayo. Gusto kong humingi
ng saklolo dahil
baka kapag hindi ko pa ginawa ay kung ano na ang mangyari sa akin but I couldn't
lift my feet anymore! Tila
mas bumigat iyon kaysa sa puso kong nawawasak ngayon.
Humalakhak ang babae at humakbang palapit sa akin. Umangat ang gilid ng labi niya
at hindi hinayaan si
Asher na mailayo siya sa harapan ko. Lumakas ang mga bulong bulungan sa paligid,
nabibingi ako.
"His plan was successful, tama ako?" matalim niyang inilakad ang kanyang mapanuring
mga mata simula sa
aking ulo hanggang paa at pabalik ulit. "Sa hitsura mo, mukhang in love ka na sa
boyfriend ko. Hindi na ako
nagtataka. Lahat naman ng babae ay baliw na baliw sa kanya kaya kung pati ikaw
naloko niya, naaawa ako
sa'yo."
"Shut up, Megan!"
Doon na tumulo ang mga luha ko. Nakita ko ang paghigpit ng kamay ni Asher sa
kanyang braso ngunit hindi
siya nagpapigil. Ang kaninang pangmamaliit lamang at pagkutya niya sa aming
sitwasyon ay nadagdagan na
ng galit.
"He just used you to get revenge Karsyn at naniwala ka naman! You ruined his life!
You made everything in
him public and you know how he hates it! Ikaw ang may kasalanan kaya nasira ang
buhay niya at ito ang ganti
niya!"
"Megan–"
"He makes you fall in love with him just to get even! Ang tanga tanga mo't naniwala
ka!" pinilit niyang
makawala kay Asher na kanina pa siya pinipigilan!
"Ang tatanga niyong naniwala sa lahat ng paandar ni Mr. Right gayong ang lalaking
gusto niyo para sa
babaeng 'yan ay matagal nang nakatali sa iba!"
"Karsyn–" nang makita ko ang paghakbang ni Asher nang umatras ako ay doon ako
nakakuha ng lakas para
talikuran ang lahat at iwan!
Sapo ko ang aking dibdib habang tumatakbo palayo. Maraming humahabol. Maraming
tumatawag isa na siya
doon pero wala akong pinakinggan. Kahit na nahahapo na ako't hindi ko na kayang
huminga ng maayos ay
hindi ako huminto sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang parking lot.
Nanginginig kong kinapa ang susi ng sasakyang aming nirentahan sa loob ng aking
sling bag. Naririnig ko ang
mabilis na yapak nang alam kong si Asher ngunit bago niya pa ako maabutan ay
mabilis na akong nakasakay
papasok sa loob!
Kumawala ang malakas kong paghikbi ng tuluyang maisara 'yon. Nanghihina akong
tumungo sa manibela at
P 38-2
hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak. Maya maya ay narinig ko na pagkalampag niya
sa pinto na inuutusan
akong buksan 'yon ngunit dahil sa panghihina ay ni hindi ako nakagalaw.
Wala akong magawa kung hindi ang umiyak at damhin ang puso ko. Hindi ko 'yon
tinigilan sa paghaplos dahil
literal iyong sumasakit at tila napupunit.
Ni minsan sa buhay ko ay walang nagsabi ng masama sa akin at sa unang pagkakataon
ay gusto kong
maniwalang naging tanga ako. Megan has a point. Hindi malabong totoo ang mga
sinasabi niya dahil gaya ko
ay mukhang nabigla rin si Asher nang makita ito. Mukhang gulat na gulat sa
pagdating ng kanyang girlfriend
dahil maagang matatapos ang pagpapanggap niyang gusto niya ako... Too bad, hindi ko
pa siya sinasagot bago
man lang matapos ang lahat.
Napapikit ako ng mariin, hinayaan ang mga luhang malaglag sa sahig ng sasakyan.
Hinayaang manginig ang
katawan sa sakit ng puso...
"Karsyn, open the door! Let me explain everything, please?!"
He said he loves me... Sinabi niya 'yon at naniwala naman ako kaya totoong tanga
ako 'di ba?
Nanlalata kong pinunasan ang aking mga luha. Hindi ko alam kung anong gagawin ko
ngayon o kung may
dapat ba akong gawin maliban sa umalis at lumayo kay Asher. I can't... Hindi ko na
yata siya kayang makita
lalo na ngayon.
Sa nanghihina kong katawan ay nagawa kong umangat sa manibela. Pinunasan ang mukha
at pilit na inayos
ang sarili kahit na walang tigil ang pagsisilaglagan ng mga luha sa aking
magkabilang mata.
Kahit na labag sa kalooban ko ay nagawa kong ipihit ang aking ulo patungo sa
kanyang direksiyon na patuloy
pa rin ang pagkalampag sa pintuan ng kotse kasabay ng mga pagmamakaawang pakinggan
ko siya.
"Karsyn, please? Listen to me..."
Malungkot akong umiling sabay bigay ng buhay sa makina.
"No! No! Karsyn!"
I bit my lip. Wala sa sariling muling umangat ang aking kamay patungo sa aking
dibdib! I need to leave. I
need to give my heart a break sa lahat ng ito dahil iyon ang kailangan ko. I need
to leave everything behind
kasama siya dahil kung hindi...
Naging malakas ang pagsapak niya sa bintana ngunit hindi ko siya pinakinggan.
Inatras ko ng mabilis ang
sasakyan at walang lingon nang idiniretso 'yon palayo! Hindi ko man alam kung saan
ako pupunta ngayon
pero bahala na. Sa ngayon ay gusto ko lang na makalayo. Sa kanya. Sa kahihiyan, kay
Megan at sa lahat ng
mga taong na-disappoint sa lahat ng nangyari.
He lied. Masakit man sa akin ang lahat ng nalaman pero masaya akong nagawa niya
naman ang balak niya.
Tama na siguro 'yon at ang katangahan ko para makuntento siya at makaganti sa
nagawa kong mali sa kanya.
Now I understand why his feelings were developed that fast. Kasi hindi naman pala
totoo. I salute him for
everything. Paniwalang-paniwala ako sa lahat ng ginawa niya. 'Yon nga lang, sobrang
sakit dahil mali pala
P 38-3
ang pagtingin ko sa kanya.
Siguro nga 'yon ang dapat ko pang matutunan sa buhay. Kung paano ang kumilatis ng
mga taong totoo at may
ibang motibo. Pinunasan ko ulit ang aking mga mata para lumiwanag ang titig sa daan
at hindi madisgrasya.
Nanginginig ang kamay kong pilit na inabot ang ilang bote ng tubig na baon namin sa
ilang araw na gamit ang
sasakyan ito. I'm still shaking while drinking it. Nabasa ang damit ko dahil hindi
ko mapigilan ang paggalaw
ng aking kamay.
Tinapakan ko ang gas para mas bilisan ang pagda-drive. Pakiramdam ko'y kahit na
alam kong malayo na ang
itinakbo ko ay hindi pa rin 'yon sapat para mabawasan ang sakit at lungkot na
nararamdaman ko ngayon.
Dire-diretso lang ang pagmamaneho ko. Naubos ko na ang tubig at lumipas na ang
isa't-kalahating oras sa
daan nang magpasya akong maghanap na ng matutuluyan. Hindi na ako nagdalawang isip
na ipihit ang
sasakyan nang madaanan ko ang isang maliit na hostel.
I parked the car inside at pagkatapos ay nagmamadali nang lumabas doon. Muli kong
tinanggal ang mga
luhang natuyo sa aking pisngi bago harapin ang receptionist na inaantok na.
Mabuti nalang talaga at gabi na... At mabuti nalang rin at dala ko ang aking
telepono at ilang pera. Binayaran
ko ang dalawang araw na pananatili rito kahit na hindi ko alam kung hanggang kailan
ako tatagal.
Iniisip ko palang kasi na kailangan kong ibalik ang sasakyang ginamit at kunin ang
aking mga gamit na naiwan
sa hotel ay sumasakit na naman ang buo kong pagkatao.
Pagpasok sa maliit na kwarto ay tuluyan nang nawala ang lahat ng natitirang lakas
na ipinakita ko sa babaeng
nasa reception at naghatid sa akin. Muling dumaloy ang mga luha sa aking mga mata
kaya nanghihina na akong
lumakad sa kama at hinayaan ang sariling bumagsak doon. Agad kong kinuha ang unan
at doon muling
pinakawalan ang lahat.
Pinilit kong pumikit, hindi na inintindi ang paulit-ulit na pagtunog ng aking
telepono. Alam kong hindi
imposibleng kakalat ang lahat dahil marami ang camerang nakatutok sa aming tatlo
kanina habang nangyayari
'yon. Marami rin ang bisita kaya hindi na ako magtatakang pag gising ko ay
kaliwa't-kanan na ang balita sa
nangyari... Pero sa ngayon, gusto ko lang tumakas. Ngayon lang... Kahit ngayon
lang.
Ramdam ko ang pamamaga ng aking mga matang singkit nang dumilat ako. Parang gusto
ko nang matawa sa
sarili ko dahil alam kong wala na akong natitirang mata hindi ko pa man nakikita
ang sarili sa salamin.
Kahit na mabigat ang aking kabuuan at nagawa ko pa ring pasalamatan ang Diyos sa
panibagong araw na
ibinigay niya sa akin. Despite of the heartache, I'm still alive. Buhay na buhay pa
rin at 'yon ang gusto kong
pagtuonan ng pansin ngayon.
Kinuha ko ang aking cellphone. Wala sa sariling ipinagdiin ko ang aking mga labi
nang makita ang ilang
beses na pagtawag sa akin ni Zydney. Alam kong alam na niya ang nangyari at naging
malinaw nga iyon dahil
triple ang na-received kong mga notifications.
Habang tinutuyo ang buhok matapos maligo ay naupo ako sa kama at binasa ang mga
texts ng pinsan ko.
Nilaktawan ko ang mga mensahe ni Asher dahil alam kong hindi pa ako handa sa kanya.
Ayaw ko naman

P 38-4
talagang magtanim ng sama ng loob pero habang alam kong hindi ko pa kaya, sana
bigyan niya muna ako ng
oras na ayusin ang sarili ko.
Zyd:
Where are you?!
Zyd:
Karsyn? Please message me!
Zyd:
Karsyn, nag-aalala na ako! Please tell me you're okay?
Mabilis akong nag-reply sa kanya.
Ako:
Zyd, I'm okay. I'm still in Siargao but I'm okay.
Hindi siya nag-reply. Siguro ay tulog pa o busy ngayong araw. Itatabi ko na sana
ang telepono ngunit
aksidente kong nabuksan ang group chat na baha ang usapan.
Zyd:
Asher! Manloloko ka! Nasaan si Karsyn?!
Eros:
Zyd, huwag ka namang magsalita ng ganyan.
Zyd:
And why not? Bakit?! Hindi ba niya girlfriend ang babaeng 'yon? It's all over the
internet!
Igo:
Damn.
Jacob:
Zyd, Eros is right. Let Asher explain himself. Huwag natin siyang pangunahan.
Zyd:
No! You all listen! Alam niyo naman palang may girlfriend si Asher pero hindi niyo
man lang sinabi? Anong
klaseng mga kaibigan kayo, huh? Kung sabagay! Pare-parehas nga lang pala ang mga
hilatsa niyo!
Napadiin ang hawak ko sa aking telepono. I'm sure my cousin was just mad. Alam kong
dala lang ng galit ang
P 38-5
lahat ng mga nasabi niya.
Davos:
That's too much judgement.
Amos:
:(
Sergio:
I don't know what to say.
Trystan:
Is that really, Meg?
Zake:
Yup, dude. She is back.
Trystan:
Fuck.
Zyd:
You're all losers! Mga kunsintidor!
Zyd:
Asher, kapag may nangyaring masama sa pinsan ko patawarin ako ng Diyos pero
masasaktan kita! I hate you!
I hate all of you!
Lance:
What is happening?
Zyd left the group.
Lance:
What the hell is going on?
Gerald:
Lance, matulog ka nalang.
Lance:

P 38-6
'Di nga? Why did she left? Where is Karsyn?
Jacob:
Asher? I'm calling now. Answer your phone.
Eros:
Hindi sinasagot.
Lance:
Puta, ano bang nangyayari?
Amos:
Gago, Megan is back!
May sinend si Amos na isang video na hindi ko alam kung saan galing pero hindi ko
na kailangan pang i-play
'yon dahil 'yon ang nangyaring komprontasyon kagabi.
Gustohin ko mang mag-left ay hindi ko magawa. Hinayaan ko lang ang sarili kong
basahin ang mga nakalipas
nilang messages.
Lance:
Megan ni Asher?
Trystan:
Gago ka talaga.
Igo:
Stop.
Eros:
Dude? Asher? Where's Karsyn?
Davos:
Huwag ka kayang puro seen. Ano bang nangyayari? Where is she?
Marami pa silang naging usapan pero wala akong nakitang ni isang reply ni Asher.
May ilang missed calls
siya sa akin pero maliban sa text na 'Where are you?' at 'lets talk' ay wala na.
Napabuntong hinga ako ng ilang ulit sa naisip. Totoo nga ang lahat at walang
dahilan para magduda pa ako sa
relasyon ng dalawa dahil pati ang mga kaibigan niya ay alam 'yon.

P 38-7
Dumoble ang sakit na nararamdaman ko. I felt betrayed. Hindi lang ni Asher kung
hindi maging ang mga
kaibigan niya pero ano pa nga bang magagawa ko? Nangyari na ang lahat ng mga
nangyari at hindi na
maibabalik pa.
Ibinaba ko na ang aking telepono ngunit sakto naman ang pagtawag ni Zydney na agad
kong sinagot.
"Zyd..." gumaralgal kaagad ang boses ko kasabay ng muling pagsalakay sa akin ng
lungkot.
"Karsyn, what happened? Are you okay? I'm on my way to the airport. Sabihin mo kung
nasaan ka at
pupuntahan kita."
Muli akong naluha sa narinig pero ngayon ay hindi na 'yon dahil nalang sa lungkot.
I'm crying because I'm
happy and relieved. Gusto kong maiyak dahil hindi na ako makapaghintay sa pagdating
niya. Kung wala siya,
hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. I need her. I badly need my cousin.
"I'll text you the address. Nakalimutan ko ang pangalan ng hostel but I'm fine. I
promise, I'm fine..."
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hinga.
"Hintayin mo ako." iyon nalang ang nasabi bago putulin ang tawag.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
HAHAHAHAHAHAHA WE ALL HAVE THAT FRIEND who tf is this megan? lol patawa

P 38-8
CHAPTER 36
6.5K 607 129
by CengCrdva

CHAPTER THIRTY FIVE


Grudge
"Zyd!" parehas kaming umiiyak nang salubungin ang yakap ng isa't-isa.
"Are you okay? Tell me you're okay."
"I'm okay. I'm okay." paulit-ulit kong sabi.
Iginiya niya ako pabalik sa kama na ilang oras kong hindi iniwan habang hinihintay
siya. Hindi ako kumain
dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ang katawan kong kumilos.
"Totoo ba ang lahat ng 'yon?"
Pinisil niya ang aking kamay at saka lumayo. Tumango naman ako. Alam kong alam
niyang totoo 'yon pero
gusto pa ring sa aking manggaling.
"Napanuod mo?'
"Oo pero ayaw kong maniwala. I still can't believe it. Hanggang ngayon hindi ko
alam ang dapat kong
sabihin. I'm sorry."
Pinilit kong ngumiti at ako naman ang pumisil sa kanyang kamay.
"Wala kang kasalanan, Zyd. Dapat nga akong mag thank you sa'yo dahil narito ka at
dinadamayan ako kahit na
alam kong busy ka sa university."
"Ipagpapalit ba naman kita do'n? Kaya kong umulit ng buong semester basta masiguro
ko lang na ayos ka. Are
you really sure you're okay? Walang masakit? You're really, really okay?" diniinan
niya ang mga huling
salita.
Pagod na nalaglag ang mga mata ko sa kamay naming magkahawak.
"I'm okay. I'm just... sad."
"Sinaktan ka ba ng babaeng 'yon?"
"Hindi sa pisikal."
"Oh, Karsyn..." muli niya akong niyakap kaya muli ko ring nakagat ang aking labi.

P 39-1
Ayaw ko nang umiyak. Masyadong overrated 'yon at nakakapagod. Sa ngayon ay gusto
kong pagnilayan ang
mga nangyari. Gusto kong intindihin ang sitwasyon, si Asher. Ano ang dahilan niya
bakit niya ginawa sa akin
'to? Totoo bang gusto niya lang akong gantihan? Kasi kung oo, hindi sana siya ang
namamahala ng mga
negosyo nila. Kung totoong ganti lang ang lahat, sana hindi siya business man kung
hindi artista because
everything seems genuine. Hindi ako nagduda kahit minsan... Muntik pa nga akong
mahulog, eh. Muntik na
muntik na.
"Do you know where he is? And that girl?"
"Iniwan ko na sila kagabi. I didn't text or call him back. Gusto ko lang
magpahinga. Gusto ko lang lumayo sa
kanila at 'yon ang ginawa ko."
"Pupunta ako sa resort na 'yon mamaya. Ako na ang kukuha ng mga gamit na naiwan mo
at ako na ang haharap
sa dalawang 'yon."
"Zyd..."
"We can't wait any longer. Kailangan nating lumayo sa kanya nang malayong malayo.
This is for you. Alam
kong gusto mo na ring umalis rito at 'yon ang gagawin natin, okay?"
Tumango nalang ako. Siya ang dahilan kung bakit ako nakakain ngayong araw. Kahit na
kaunti ang nakain ko
dahil wala akong gana ay ayos na rin kaysa wala.
"The issue is still blowing up." maya maya'y sabi niya matapos magpahinga sandali
at mag-ayos ulit para
puntahan na ang resort na iniwan ko.
Taliwas ang ginawa ko sa ginagawa niya ngayong pagtingin sa internet. Hindi pa ako
handang makita kung
ano ang sinasabi ng mga tao pero hindi naman nakaligtas ang tenga ko sa aking
pinsan.
"Everyone hates him. They're bashing him and he deserves it."
Hindi ko ginatungan ang galit niya. Alam kong mali ang ginawa ni Asher pero ang
magkaroon ng judgement
ang ibang tao labas sa aming dalawa ay tingin ko'y sobra na. Lahat ng tao ay may
dahilan at kahit masakit
malaman ang katotohanan sa mga ginawa niya, alam kong kaya ko pa rin naman siyang
pakinggan at
patawarin. Hindi nga lang ngayon.
"You have all the people's sympathy," inis niyang inilapag ang cellphone sa kama at
tinungo ang salaming
nasa gilid para sipatin ang kabuuan.
"I hate him. I hate all of them."
"Zyd, enough. You don't have to hate him or his friends–"
"No!" pigil niya sa akin. "What he did was wrong at may karapatan kang magalit.
Dapat kang magalit sa
kanilang lahat!"
Napalunok ako. Imbes na ituon sa kanya ang buong pansin ay itinutok ko nalang 'yon
sa TV. Galit naman ako.
Nasaktan kasi ako pero hindi ko naman gustong magtagal ang galit sa puso ko. Ayaw
kong mabahiran ng
negatibong emosyon ang pagkatao ko kahit na masakit na masakit ang nangyari para sa
akin.
P 39-2
I don't want to hold a grudge. Hindi ako 'yon at ayaw kong maging gano'n.
"Don't tell me you're not mad?" wala sa sariling nilingon ko siya nang mahinto siya
sa pag-aayos. "Karsyn, he
deserves to be hated."
"Zyd," mabilis aking umahon sa pagkakahiga at tumayo sa gilid niya sabay hawak sa
kanyang kamay. "Ayos
lang ako. Oo galit rin naman ako at nasasaktan pero ayaw kong pati ikaw ay
maramdaman 'yon. I don't want
you to hate someone because of me. I don't want hate to dominate us because that's
not who we are."
"Karsyn–"
"You taught me how to forgive, to be kind and to become a better person kaya ayaw
kong ang itinuro mo sa
akin ay hindi mo rin gagawin. Mas malulungkot ako."
Nalukot ang mukha niya. Sabay kaming naupo pabalik sa kama.
"I'm sorry... I'm just mad."
I smiled at her.
"It's okay to be mad, just don't be mad for too long. Remember, Romans 12:17-21,"
nakita ko ang pagpikit
niya 'yon palang ang sinasabi ko. "Repay no one evil for evil, but give thought to
do what is honorable in
the sight of all. If possible, so far as it depends on you, live peaceably with
all. Beloved, never avenge
yourselves, but leave it to the wrath of God, for it is written, "Vengeance is
mine, I will repay, says the
Lord." To the contrary, "if your enemy is hungry, feed him; if he is thirsty, give
him something to drink;
for by so doing you will heap burning coals on his head." Do not be overcome by
evil, but overcome evil
with good. Huwag tayong magpadala sa galit, kung totoong gusto niyang gumanti sa
nagawa natin, hindi natin
siya masisisi. Wala tayong pwedeng gawin kung hindi ang intindihin nalang at matuto
sa nangyari."
"Fine," aniya sabay buntong hinga nang pagkalalim-lalim. "I'm leaving now. Sandali
lang ako. Just pray na
wala akong masaktan dahil kahit na pinipigilan ko ang galit, hindi ko pa rin
masisigurong wala akong
masasaktan kapag dinagdagan niya pa ang lahat ng mga kasinungalingan niya!"
"Zydney..." I pouted.
"No one is entitled to make you cry, KF. Wala ni sino man ang may karapatang
magpaiyak sa'yo maliban kung
dahil sa tuwa."
"I know." tumango ako at inihatid na siya palabas.
Zyd updated me when he got to the resort. Naroon raw si Asher pero ang girlfriend
nito ay hindi niya nakita.
Ilang beses ko siyang kinulit kung ano nang nangyayari pero hindi na siya sumagot.
Kinakabahan tuloy akong baka totoong nasaktan niya ito. Ilang oras ang lumipas na
walang Zydney na
bumabalik kaya nang dumating siya ay para akong nabunutan nang malaking tinik sa
puso!
"Zyd! What took you so long?!" tinulungan ko siya sa mga gamit ko.
"Niligaw ko si Asher! Doon ako natagalan tapos ang lakas pa ng ulan!"
P 39-3
Pagkasabi niya no'n ay kumulog pa ng malakas. Kanina pa naman pabugso-bugso ang
ulan pero ngayon ay
parang wala na yatang balak tumigil.
"B-But why?'
"He wants to see you at sinabi kong aalis na tayo bukas. I said he's no longer your
Mr. Right at hindi na siya
dapat pang magpakita sa'yo dahil tapos ka na sa parte ng buhay mong kasama siya."
Sunod sunod ang naging paglunok ko. Well I guess I should let her be mad at him
kahit ngayon lang. Nagaalala lang siya sa akin at ayaw niya lang naman na mas
masaktan pa ako ni Asher. Wala akong dapat gawin
kung hindi ang manahimik dahil alam kong sa pagkakataong ito ay mas alam niya kung
ano ang nakabubuti
para sa akin.
"I'm sorry..."
Nahinto siya sa pag-aayos ng mga gamit ko.
"Why are you being sorry?"
Nalulungkot ko siyang tinitigan.
"Kung hindi dahil sa akin, hindi ka makakaramdam ng galit at–"
"Dapat akong magalit. Karapatan kong magalit kaya kung–"
Sabay na nagsalubong ang mga kilay namin nang marinig ang sunod sunod na pagkatok
sa aming pinto dahilan
ng pagkabitin ng kanyang mga salita.
"Did you order some food?"
Umiling ako.
"Oh holly hell no!"
"Why? What?" natataranta kong sinundan ang pinsan ko nang patakbo niyang tinungo
ang pinto.
Hindi ko maintindihan pero luminaw ang lahat nang sa pagbukas niya ng pinto ay agad
na bumungad sa amin
si Asher na basang basa dahil wala man lang dalang payong!
"Asher–"
"What are you doing here?!" mas malakas na hiyaw ng pinsan ko na lumunod sa
pagsambit ko ng kanyang
pangalan.
Napakapit ako kay Zyd nang pumirmi ang titig nang lalaki sa akin. His eyes were
swollen. Hindi ko sigurado
kung umiiyak dahil patuloy ang pag-agos ng tubig sa kanyang mukha dahil sa basang
buhok at anggi ng
malakas na hangin but one thing is for sure, gaya ko, sobrang lungkot rin ng mga
mata niyang 'yon.
"Karsyn, let's talk–"

P 39-4
"Ang kulit mo talaga! Hindi ka na pwedeng magpakita kay Karsyn pagkatapos ng lahat
ng ginawa mong
panloloko!"
"Zyd, I just want to explain myself."
"Para ano? Asher you could've told her the truth una palang pero anong ginawa mo?
Imbes na banggiting may
karelasyon ka pala ay pinaasa mo pa ang pinsan ko! Ngayon, ano pang kailangan mo?
Hindi mo na mabibilog
ang ulo ni Karsyn! Huwag mong sagarin ang kabutihan niya–"
"I'm sorry..." putol niya sa pinsan ko.
Wala pa rin akong masabi kahit na gusto gusto ko nang sumingit sa kanila. Unang
una, gusto kong awatin si
Zyd at papasukin man lang ito para hindi mabasa. Pangalawa, gusto ko ring pakinggan
ang sasabihin niya.
Kahit alam kong mas masasaktan ako ay parang gusto kong makinig.
"Sorry?" punong puno ng kasarkastikuhang sagot ni Zydney. "Sorry lang dahil
nabuking ka, gano'n?"
"That's not what I me–"
"Hindi mo na maloloko si Karsyn hangga't nandito ako." sinubukan niyang isara ang
pinto pero maagap na
iniharang ni Asher ang matipunong braso sa kahoy na pintuan para lang huwag matuloy
ang gustong gawin ng
pinsan ko.
Nang muling lumihis ang mga mata niya sa akin ay wala sa sariling napaatras ako.
Heto na naman,
nararamdaman ko na naman ang dahan dahang pagbigat ng aking dibdib. Ang
pagkakapunit ng mga ugat sa
loob ng aking puso na simula pa lang nang nangyari ay hindi na umayos.
"Asher, tama si Zydney, umalis ka na muna dahil hindi ko alam kung kaya–"
"I'm sorry kung hindi ko nasabi sa'yo ang tungkol kay Megan. Oo tama ka, she is my
girlfriend. Totoo ang mga
sinabi niya."
"How dare you!" nang makita ko ang pag-amba ni Zyd na saktan ito ay mabilis ko
siyang hinila palayo!
"Zyd, please?! Stop it."
"How dare you say that in front of her! Wala kang alam kung gaano makakasama sa
kanya 'yang–"
"Zydney! Please!" gumaralgal ang boses ko nang muling magsalita.
Taas baba ang kanyang dibdib na habol ang paghinga dahil sa galit para kay Asher
kaya muli kong pinisil ang
kanyang kamay upang kalmahin.
"Zyd, please?"
"Karsyn..."
"Okay lang. Okay lang ako." may halong pagmamakaawa ko na ring sabi sa kanya para
naman pakinggan niya
ako at hindi ang kanyang galit.

P 39-5
Buong tapang kong binitiwan ang pinsan ko at nilagpasan para harapin si Asher.
Iniawang ko ang pinto at
hinila siya papasok dahil talagang natatamaan pa rin siya ng malakas na ulan sa
labas.
"Gusto kitang pakinggan, Asher."
"Karsyn, I–"
"Pero hindi ngayon," pagpuputol ko.
Bumagsak ang kanyang balikat sa narinig ngunit hinintay akong magpatuloy. Hindi ko
napigilang mapasinghap
at muling mapahawak sa aking dibdib nang maramdaman kong muli ang kirot. Maagap
kong itinaas ang aking
kamay nang marinig ang paggalaw ni Zyd para pigilan ako sa gagawin at paalisin
nalang ito.
"Nasaktan ako, Asher... At hanggang ngayon, habang nakikita kita, habang nasa
harapan kita, nasasaktan pa
rin ako." malungkot kong bulong, pinipigilan ang muling pagkawala ng mga luha.
"I trusted you. Akala ko totoo ang lahat pero hindi kita masisisi. I'm sorry kung
nagawa kong baguhin ang
buhay mo. I'm sorry kung–"
"Karsyn... You're wrong. Hindi pa ako tapos."
Itinaas ko ang kamay ko para putulin siya.
"Mas lalo akong nasasaktan habang nananatili ka rito."
Bahagya siyang napatingala. Nakita ko ang pagkuyom niya sa kanyang mga kamao na
tila nagpipigil sa galit
para sa sarili.
"Bukas, tutuloy na kami sa Bicol gaya ng plano natin. Hindi ko gustong sumunod ka
pero alam kong hindi
naman kita mapipigilan. Gusto kitang pakinggan pero hindi muna sa ngayon. Just give
me time to breathe,
kaming dalawa ni Zyd. Pahupain muna natin kahit kaunti ang sitwasyon bago pag-
usapan... Ang lungkot kasi...
Nalulungkot ako."
Mabilis kong kinagat ang aking labi nang maramdaman na ang pagtulo ng aking mga
luha at pag nginig ng
magkabilang balikat. Agad akong dinaluhan ni Zydney at inalo.
Pinilit kong ngitian si Asher.
"Hindi ako galit sa'yo. Pinipilit kitang intindihin, gusto kitang intindihin dahil
alam mong hindi ko naman
kayang magtanim ng galit sa'yo at kahit kanino pero sana huwag muna... Please?"
Hinilot ko ang aking puso. Please calm down, will you?
Tumusok ang kanyang dila sa kanyang pisngi at pagkatapos ay napayuko bago tumango
tango.
"Naiintindihan ko. I respect your decision pero tama ka, hindi ako lalayo hangga't
hindi tayo nag-uusap. I'll
buy your tickets tomorrow para sa pagbalik niyo ni Zyd sa Bicol. I'll catch a
different flight. I'll distance
myself pero hindi ako aalis hangga't hindi tayo nag-uusap at nagkakaliwanagan."

P 39-6
"Umalis ka na, Asher." si Zyd.
Sandali niyang sinulyapan ang pinsan ko.
"I'm sorry, Zyd."
"Get out." sagot nalang nito.
Umatras siya hanggang sa makabalik sa pwesto pero bago pa isinara ang pinto ay nag-
iwan pa ng mga huling
salita para sa akin.
"I never lied, Karsyn... My feeling for you are genuine at gusto kong malaman mo
'yon. Mahal kita at handa
akong gawin ang lahat para lang mapatunayan 'yon sa'yo." aniya bago bigong
tinanggal ang malungkot na titig
sa akin at pagkatapos ay yumuko saka idikit ang pinto sa hamba nito.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
May sakit siya?!? Oo ung feelings pro ung ndi mo pgssbi n my girlfriend k un ung
sobrng skt,??

P 39-7
CHAPTER 37
7K 643 80
by CengCrdva

CHAPTER THIRTY SEVEN


Truth
Iniwan ni Asher ang plane tickets sa reception na hindi na namin tinanggihan. He's
not texting or calling me.
Ayaw ko rin naman siyang i-text kaya umalis nalang kami ng Siargao nang walang
paalamanan sa isa't-isa.
"I'm still mad at him. Gusto ko na ring magalit sa'yo pero hindi ko naman magawa."
komento ni Zyd habang
nasa eroplano kami.
"Hindi mo naman talaga kayang magalit sa akin."
Tumawa siya at inismiran ako.
"Kaya ko kung kakailanganin. I don't want you to get hurt again. Oo naiintindihan
ko namang may dahilan siya
pero hindi biro ang ginawa niya sa'yo. Hindi ko nga alam kung bakit nasabi mo pa
ang lahat ng 'yon
pagkatapos ng lahat. Are you really sure na kaya mo siyang pakinggan?"
"Gusto kong malaman ang lahat ng dahilan niya. Alam kong meron."
"Huwag kang magpapaloko. Be wise."
"Of course."
Marami pang sinabi ni Zydney at ipinaalala hanggang sa makarating kami ng Bicol.
Isa na doon ang sasakyan
kong nakauwi na sa bahay namin ilang linggo pagkatapos naming iwan ni Asher.
"Hindi ba talaga tayo uuwi sa Manila? I need to be home on Thursday."
"Kaya ko nang mag-isa sa Thursday." sagot ko.
Bumagal ang pag nguya niya sa tanghaliang aming pinagsasaluhan sa bagong resort na
tinutuluyan pero hindi
ko siya inintindi.
"Kailan mo ba talaga balak umuwi?"
"Zyd, kahit may nangyaring hindi maganda, kailangan ko pa ring magpatuloy."
Nalungkot ang kanyang mukha.
"Pero hindi ko na yata kayang iwan kang mag-isa, or iwan ka knowing na nandiyan si
Asher nakasunod
sa'yo."
P 40-1
"Zyd, please? I don't want to talk about what happened. Kahit ngayon lang. Gusto
kong bumalik sa pagtatrabaho bukas at ipagpatuloy ang lahat ng ito kahit na wala
siya."
Nakita ko ang pagtutol sa kanya ngunit sa huli ay wala na ring nagawa.
Isang araw, dalawa, hanggang sa sumapit ang pangatlo na pinilit kong magpatuloy sa
kabila ng kali-kaliwang
katanungan tungkol kay Asher. Mabuti nalang at nariyan si Zyd para sagutin ang mga
nag-aalala para sa akin.
Hindi kami gumawa ng live video. Maliban sa travel vlogs at mga pagbisita sa ilang
charities ay wala na
kaming ibinahagi sa mga supporters. Si Asher naman, simula nang umalis kami sa
Siargao ay hindi na siya
nagparamdam.
Nang sumapit ang pang apat ay hindi ko na napigilang maapektuhan sa napakaraming
mga masasakit na
salitang kumalat para kay Asher sa internet. Kahit na hindi 'yon para sa akin ay
hindi ko naiwasang
malungkot.
Everyone is calling him names. Ang galit ng lahat at disappointment ay damang dama
ko. Ang ibang mga
dummy accounts ay tini-threatened pa siyang huwag makikita dahil talagang sasaktan
nila ito. I was saddened
by that na kahit hindi ko na siya nakita ulit at baka kasinungalingan lang ulit ang
mga sinabi niya noong huli
naming pagkikita ay nagawa ko pa ring depensahan siya.
"Stop... Just stop the hate, the anger, everything. Everyone makes mistakes at
kahit na maraming nasaktan sa
nangyari, wala tayong karapatang husgahan ang isang tao. Wala tayong karapatang
ibaba pa siya kung nasaan
siya,"
Inayos ko ang camera para mas makipagtitigan doon.
"This is what I hate about the internet. Mabilis sumunod ang mga tao sa bugso ng
damdamin ng nakararami.
Kapag nagkamali ka ng isang beses, wala ka ng halaga sa lahat. Ang lahat ng mga
nagawa mong mabuti ay
mabilis mabura sa mga utak nila dahil lang sa isang pagkakamali. I'm not being
hypocrite. Inaamin kong
nasaktan ako dahil ako ang involve dito and you're entitled to your own opinion but
don't make the situation
worst. Asher doesn't deserve all the hate and I'm sure he has his own reasons why
he did that kaya bigyan
natin siya ng pagkakataon. He is not a bad person. Marami siyang napasaya and don't
let anger makes you
forget that," malungkot akong ngumiti pagkatapos ng mahaba kong litanya.
"Learn how to forgive, to love and to be kind... always." buong puso kong sabi bago
patayin ang camerang
aking hawak.
I posted the video. Maraming nakaintindi pero magkahalo pa rin ang mga reaksiyong
ng tao. Gayunpaman,
iyon na ang huling statement ko sa nangyari dahil gusto ko nang makaalpas sa lahat
ng negatibong dala non.
"Hola, it's KF! Good morning everyone!" masaya kong bati sa pang limang araw namin
sa lugar habang
ipinapakita ang Mayon volcano na nasa aking background. "Guess where I am right
now?" inilipat ko ang
camera sa gawi ng bulkan.
"Ang makahula ay si-swertihin sa buhay!" pinigilan ko ang pagtawa pero nang makita
ang mabilis na
pagtakbo ni Zydney para harangan ang camera at sagutin ito ay kumawala na ang aking
halakhak!

P 40-2
"Mayon volcano! We're in Legazpi at si-swertihin ako sa buhay dahil nahulaan ko!"
natatawa niya na ring
sabi sabay kuha ng camera at ibinalik iyon sa mukha ko.
Umangat ako sa ATV na inuupuan at bumaba para daluhan siya. Ito ang unang live
namin pagkatapos ng ilang
araw na paglimot pero hanggang ngayon ay marami pa ring hindi nakaka-move on sa
issue. Kung noon ay
puro heart emoji ang umuulan, ngayon naman ay puro malungkot. Some were even saying
na maging matatag
ako and such. Nagpapasalamat naman ako sa concern nila pero gusto ko lang talagang
makalimutan ang
nangyari kaya hindi na namin pinatagal ang live.
Dahil sa mga kasabay namin ay nawala ako sa pag-iisip ng mga negatibong bagay na
dala ng huling post ko.
Itinuon ko ang utak ko sa pag-eenjoy hanggang sa matapos kami't makabalik kung saan
ang simula nang trail
ngunit ang mabilis kong pagpapatakbo sa sinasakyan ay kusang bumagal nang matanaw
ang isang bultong
ngayon ay nakatayo at nakapamulsa habang nakatitig sa akin at hinihintay akong
makalapit.
Awtomatiko ang naging paglingon sa akin ni Zydney pero ni hindi ko siya nagawang
sulyapan dahil ang mga
mata ko'y tila naka-lock na sa unang nahuli nito.
He's here... Akala ko nagsinungaling na naman siya sa sinabing susundan ako pero
nandito siya.
Ang lahat ng tuwa ko ay nahaluan ng kaba. Nang maihinto ko ang sinasakyan ay nakita
ko ang akmang paglapit
sa akin ni Zyd pero hindi ako nagawang lapitan kaagad dahil sa pagdalo sa kanya ng
mga nakasama namin sa
trail na agad siyang nilibang. Lumapit sa akin ang isa pero hindi ako hinila
palapit sa grupo.
"Go on, talk to him. Nasubaybayan ko ang lahat ng vlogs niyong magkasama at hindi
ako naniniwalang niloko
ka niya." anitong nagpakunot sa aking noo ngunit bago pa makasagot ay lumapit na
rin ang isang coordinator
ng tour para sabihing may naghihintay sa akin kanina pa.
Hindi ko man sigurado ang gagawin ay dinala ako ng mga paa ko hanggang sa tapat ni
Asher. Pinagdiin ko
ang aking mga labi at pagkatapos ay binigyan siya ng tipid na ngiti. Ibinalik niya
naman 'yon kahit na bakas
ang matinding lungkot sa kanyang mga mata.
"I hope you're ready to listen to what I have to say."
Pasimple kong nilingon si Zydney na may kausap pa rin bago ibalik sa kanya ang
titig.
"Kararating mo lang ngayon?"
Umiling siya.
"I followed you the day you left Siargao. Sabi ko bibigyan kita ng oras kaya hindi
ko kayo ginulo. I was
watching you from a far. I know five days is not enough pero hindi ko na kayang
titigan ka nalang mula sa
malayo. I need you to know the truth about my relationship with Megan. My feelings
for you and everything,
so please? Can we talk now?"
I bit my lip. Gusto kong sumagot ng oo pero naiisip ko rin ang nararamdaman ni
Zydney kung sakaling
balewalain ko siya.
"It's killing me knowing that I hurt you, Karsyn... Hindi ko sinasadyang masaktan
ka at saktan ka pa kaya gusto
kong ipaliwanag ang lahat ng nagawa ko."
P 40-3
I nodded. Tumigil siya sa pagsasalita kaya naman umatras ako.
"Magpapaalam lang ako kay Zyd." sabi ko sabay talikod at iwan sa kanya para balikan
ang pinsan kong
pinuputakti ng mga bagong kaibigang alam kong sinadya para bigyan kami ni Asher ng
pagkakataong
makapag-usap.
"Karsyn! Sorry!"
Nilingon ko si Asher para sundan niya ang tingin ko.
"Gusto daw akong makausap," ibinalik ko ang paningin sa kanya. "Mag-uusap kami pero
dito lang. Pwede mo
ba akong hintayin?"
Tumagal ang hindi siguradong titig sa akin ng pinsan ko ng ilang segundo.
"Are you sure kaya mo nang kausapin at pakinggan si Asher?"
"Hindi ka naman aalis 'di ba? Kapag sumigaw ako, ibig sabihin ay kailangan kita
pero kung hindi, ibig
sabihin ay ayos lang ako."
"Hindi ako aalis."
I nodded. Muli kong sinulyapan si Asher na nanunuod lang sa amin habang hinihintay
ako.
"Pero bilisan mo dahil nagugutom na ako."
"Sandali lang ako." sabi ko at naglakad na pabalik sa lalaki.
Isang minuto, lima hanggang sa hindi ko na nabilang ang mga oras na lumipas habang
magkatabi kami ni
Asher at tahimik na nakikiramdam sa bawat isa. Parehas kaming nakadungaw sa bulkang
nasa aming harapan
at nakaupo sa ilalim ng punong Narra.
When I heard him heave a sigh, bumaling ako sa kanyang direksiyon.
"I'm sorry kung hindi ko nabanggit ang tungkol kay Megan..."
Hinanda ko ang sarili ko sa posibilidad nang sakit. Hinayaan ko lang siyang
magpatuloy.
"Sinabi ko sa'yong girlfriend ko siya at totoo 'yon pero noon 'yon, Karsyn. Totoo
ang mga sinabi niyang
nagalit ako sa'yo dahil sa pagiging lantad ng buhay ko pagkatapos ng nangyari pero
hindi lang 'yon. Nagalit
rin ako sa'yo noong una dahil isa ka sa dahilan kung bakit hindi ko naharap ng
maayos ang relasyon namin.
There's a rumor that she cheated on me. Hindi pa malinaw at inaayos ko noong
kasagsagan ng araw na
nagkita tayo pero dahil sa pagiging lantad ng pagkatao ko at pag-asa ng ilan para
sa ating dalawa ay mas lalo
kaming lumabo. I hated you for that. I blamed you for everything,"
Dumiing muli ang aking ngipin sa pang-ibaba kong labi. Parang gusto kong maiyak
kahit na noon naman ang
mga ikinu-kwento niya.
"Pero nalaman kong totoo palang niloko niya ako at idinahilan niya lang ang
pagseselos sa kumalat na video

P 40-4
para takasan ang nagawa. Simula nang malaman kong totoo ang lahat ng panloloko niya
ay hindi na siya
nagpakita sa akin. She flew back to Australia and that's it. Hindi na ako gumawa ng
effort para pormal na
tuldukan ang lahat dahil para sa akin ay wala nang halaga 'yon. Wala na siyang
halaga sa akin, Karsyn..."
Napatuwid ako ng upo nang maramdaman ang paggapang ng kanyang kamay at paghuli nang
sa akin.
"Hindi ko na nasabi sa'yo dahil hindi na 'yon mahalaga para sa akin. You... Ikaw na
ang mahalaga sa akin
ngayon, Karsyn," agad akong napakurap-kurap dahil sa biglaang panlalabo ng aking
mga mata.
Oo nga't wala akong alam sa pag-ibig. Hindi ko rin alam kung paano talaga kumilatis
ng totoong taong may
mabuting intensiyon at hindi ko na rin siguro 'yon matututunan pero ramdam kong si
Asher ay totoo... Ang mga
salita niya, ang kabuuan niya... Lahat ng naririnig ko ay kusang tumatagos sa aking
puso. Hindi pa man tapos
ang paglalahad niya ng katotohanan ay parang gusto ko nang putulin ang lahat at
sabihing naniniwala na ako.
"K-Kaya ba galit na galit ka sa'kin noong una tayong magkita?"
He nodded slowly.
"Yes. I hated you for making my life public but when I realized that you were
innocent, bumawi ako.
Everyone knew how my feeling were developed in just a short period of time because
there's nothing to hate
about you. I realized how stupid I am for hating such a pure delicate and beautiful
soul and it makes me sick
knowing that I made you cry because of my unfinished relationship with Megan. I
didn't know that she'll be
back at mas lalong hindi ko inasahang sa araw pa na matagal nating pinaghandaan.
Karsyn, hindi ko
sinasabing paniwalaan mo ako pero 'yon ang totoo."
"Ngayon... Do you still hate being in the public eye?"
"There are times that I want my old life back pero ito na ako ngayon. This is my
life now, with you... At mas
gugustohin ko pang maging ganito nang nasa tabi kita kaysa ay maging pribado ng
wala ka."
Kahit na napupuno ng samo't-saring emosyon ang aking puso ay nagawa kong suminghap
at maging matatag
para lang maudlot ang pagluha.
"Dahil mahal kita. Totoong mahal kita... Mahal na mahal, Karsyn. Lahat ng nangyari
sa pagitan natin ay totoo.
I will never lie to you because I value everything that we have, baby... I love
you... so much that it actually
hurts not to be with you."
Hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang sumagot dahil
nagbabadya na ang mga
likido sa aking magkabilang mata.
"Alam mo 'yung pakiramdam nang wala ka? I feel like I was in hell. I'm hurting, I'm
mad, I'm lonely and it
was endless. Walang katapusan na para akong pinapatay ng unti-unti. Habang nakikita
kitang pilit na
kinakalimutan ang nangyari dahil sobrang sakit ay gusto kong sapakin ang sarili ko.
If I can only punch myself
harder than I punched my enemies before, I would. Higit pa."
Sa haba ng sinabi niya ay wala na akong nasabi kung hindi,
"You're making me cry... I'm going to cry, Asher." pagkatapos na pagtapos kong
banggitin ang pangalan niya
ay nag-uunahan nang tumulo ang mga luha ko.
P 40-5
Maagap ang naging paggalaw niya ngunit may pag-iingat niya akong hinila para
maikulong sa kanyang
matitipunong bisig.
"I'm sorry... I'm really sorry, baby..."
Hinayaan ko ang sarili kong ibuhos sa kanyang bisig ang lahat ng luha at lungkot na
pinigilan ko sa ilang araw
na nakalipas.
"I'm sorry..." paulit-ulit niya namang pag-alo habang patuloy na hinahaplos ang
aking likod.
We sat there for five solid minutes bago ako nagkaroon ng lakas na harapin siyang
muli.
"I believe you," malalim man ang naging ukit sa puso ko dahil sa nangyari pero wala
akong makitang dahilan
para hindi siya paniwalaan. "And I forgive you, Asher."
Nagliwanag ang kanyang mukha at hindi na napigilan ang sariling halikan ako sa noo
matapos hawiin ang mga
bakas ng luha sa aking magkabilang pisngi.
"Thank you, Karsyn," lumayo siya at ikinulong ang aking maliit na mukha sa kanyang
palad bago ako titigan
sa masuyong paraan. "I will do anything just to prove that my love for you is real.
Hindi kita bibigyan ng
dahilan para makaramdam ng lungkot dahil mahal kita. Totoong mahal kita and I mean
it when I say that I will
never lie to you. You're the best thing that ever happened to me at hayaan mo akong
mahalin ka. Hayaan mong
patunayan ko sa'yo ang lahat dahil ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko,"
ibinaba niya ang kamay
para kunin ang aking palad bago igiya sa kanyang kaliwang dibdib. "This heart beats
for you, only you and let
me prove that, baby..."
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Pro mli prn to eh la kaung closure True

P 40-6
CHAPTER 38
6.8K 588 70
by CengCrdva

CHAPTER THIRTY EIGHT


Apology
Hinayaan kong kausapin rin ni Asher si Zydney kahit na umaapaw pa rin ang galit
nito sa kanya. Matapang
niyang hinarap ang pinsan ko at inihanda ang sarili sa posibilidad nang pananakit
nito. While they were
talking, I hope and prayed that Zydney wouldn't hurt him.
Mas matagal silang nag-usap kaysa sa amin at pagbalik nila ay ramdam ko pa rin ang
tensiyon. Hindi naman
nagkwento ang huli. Kumain kami kasama ang mga nakasama namin sa activity kanina
pero si Asher ay
nagpaalam na munang aalis. Ayaw ko man siyang mawala sa paningin ko dahil ngayon
lang kami ulit
nagkaayos ay wala na akong magawa. Zyd is still pissed at him.
"Anong napag-usapan niyo?"
Nagkibit lang ng balikat si Zydney na ipinagtaka ko dahil ito ang unang beses na
hindi siya nag-open up sa
akin.
"Zydney..."
"Don't call me that."
"Zydney naman?"
Kumawala ang buntong hinga niya nang tabihan ko siya sa kama.
"I'm sorry pero hindi ko lang talaga maisip na nagawa mong patawarin si Asher ng
gano'n kabilis."
"Zyd, nagpaliwanag na 'yung tao at naintindihan ko ang lahat ng sinabi niya."
"I know pero parang may mali."
"Like what?"
"Like you're rushing everything."
May sumapak man sa dibdib ko dahil sa sinabi niya pero binalewala ko 'yon.
"I'm not. He deserves my forgiveness, gano'n rin ang sa'yo. Alam mong nagsasabi
siya ng totoo."
"I know," dumiin ang titig niyang makahulugan sa akin. "Karsyn..."

P 41-1
"No. We are not talking about it," tumayo ako at hinila na rin siya patayo. "Let's
go to the beach?" masaya
kong anyaya.
Kahit na ramdam kong wala siyang gana ay nagawa ko siyang hilahin sa dagat.
Maraming tao roon at marami
ring nakakilala sa akin kaya nakihalo na rin kami sa iba. Hindi ko sana balak
tignan ang aking telepono nang
umahon ako ngunit sunod sunod ang naging messages sa akin ng mga kaibigan ni Asher
at ang pagwawala ng
netizens dahil sa kung ano.
Igo:
My favorite lovers are back on track!
Eros:
Pinakaba niyo ako.
Jacob:
Okay na ba talaga?
Amos:
Wala na. Naglabas na ng public apology si Mr. Right kaya game over na ulit!
Nalaglag ang aking panga sa nabasa.
Davos:
Iba na talaga siya ngayon. Samantalang dati ni ayaw magpa-picture! Ngayon, kahit
public apology para kay
Karsyn gagawin!
Mabilis akong nag-type.
Ako:
Public apology?
Gerald send the link of the video.
Parang gustong malaglag ng eye balls ko nang umpisahan ang video kung saan
seryosong nakatutok si Asher
sa camera at nakikipagtitigan rito na parang gustong makipag-away kahit na puno ng
lungkot at paghingi ng
tawad ang namumutawi sa mga mata.
"It's Asher Miguel Vergara Tan," ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa
kanyang harapan bago
magpatuloy. "I made this video for Karsyn and for everyone that I disappointed.
Alam kong mali ako. Maling
mali ako sa hindi pagsabi ng kung anong mayroon sa amin ng ex-girlfriend ko. Yeah,
ex-girlfriend. Megan
was just my ex at wala na akong balak na balikan 'yon. We're done and she's now
part of my past that I don't
want to live in. Hinding hindi na. Karsyn is my present and will be my future. Sa
puntong 'to ng buhay ko, kay
Karsyn lang umiikot ang lahat. Lahat lahat..." mabagal niyang sabi.

P 41-2
"You have the right to be mad pero totoong hindi ko siya niloko. Kahit kailan ay
hindi ko 'yon kayang gawin
sa kanya dahil mahal ko siya. Gusto kong malaman ninyong lahat na mahal na mahal ko
si Karsyn at totoo ang
lahat ng mga ginagawa ko para sa kanya. Hindi ko na pahahabain pa. It's up to you
kung maniniwala kayo o
hindi pero 'yon ang totoo," napalunok ako ng umayos siya at mas itinutok ang mga
matang nangungusap sa
camera.
"Baby... I'm sorry if I hurt you, but I promise that I will never ever do it again.
Mahal kita at handa akong
patunayan 'yon sa lahat ng taong makakapanuod nito maging sa mga hindi. You changed
me. You give me so
much more to believe at naniniwala akong ako ang para sa'yo. You're meant for me
and let me prove that. Let
me prove that love exists because of you and me."
Hindi ako nakagalaw kahit na tapos na ang video ni Asher at sunod-sunod ang naging
pagre-react ng kanyang
mga kaibigan.
"Oh my God!" napapitlag ako ng lapitan ako ni Zydney na hawak ang kanyang telepono
at ipinapakita ang
katatapos ko lang panuorin.
Mabilis ang pag-angat ng views at likes sa post ni Asher na siguradong sunod nang
magti-trending!
"Have you watched it?"
Tumango ako. Nakita ko ang tuwa sa mukha ni Zydney. Mukhang dahil doon ay tuluyan
na rin niya itong
napatawad. Bago pa sumabog ang telepono ko ay hindi ko na napigilang tawagan si
Asher.
"Hello?" he answered in a husky voice, mukhang kakagising lang.
"Asher... You didn't have to do that."
"Do what?"
"The video."
Hindi siya nagsalita. Mukhang kakagising nga lang.
"Is it up?"
"Yes. Hindi naman na kailangan dahil pinatawad na kita–"
"It's okay. I want everyone to know what I truly feel for you."
"Pero–"
"It's posted, baby... Don't think about it."
Napabuntong hinga ako't napayuko sa paa kong nilalaro ang buhangin. Pababa na ang
araw at mamaya ay
magdi-dinner na kami ni Zydney.
"Where are you? Natulog ka?"

P 41-3
"Yeah. Wala akong magawa."
"Do... Do you want to join us later? I mean, dinner?"
"I want to... but I still want to give you space even if it's killing me."
"You gave me enough time, Asher. Join us later so we can talk to everyone...
together."
"Alright. Pero..."
"Hmm?"
"Pwede bang ngayon na? Pwede na ba kitang makita?"
Nakagat ko ang labi ko sa narinig lalo na't ang boses niya ay damang dama ko talaga
ang pangungulila.
"Pwede naman. Zyd is waiting for you."
He chuckled on the other line.
"Is he going to kill me now?"
"No. I'll wait for you."
"Okay. Sandali lang ako."
"Ingat."
Ibinaba ko na ang tawag.
Our dinner went well. Ang pag-uusap muli ni Zydney at Asher ay naging maayos rin
kahit ang pagla-live
namin at pagsagot sa mga katanungan ng aming mga supporters. Iba ang naging
approach nila nang makita si
Asher sa tabi ko. Bukod sa kilig ay naroon ang mga payo nila para huwag nang maulit
ang mga nangyari.
Habang dumarami ang nakakapanuod ng public apology ni Asher ay marami ring
nagsasabi ng kapatawaran
sa kanya basta't huwag na huwag raw talaga akong lolokohin.
"Hindi kami mga artista para magkunwari. What you see is what you get," si Zyd na
nasa gilid ko. "And
they're fine. We're all fine kaya sana kayo rin. Let's not forget that Asher was
once your source of happiness
kaya sa mga bitter pa rin, move on na tayo."
"Zyd..." ani Asher na tila nahibang sa sinabi ng pinsan ko.
"I'm just saying that we should all move on and learn from the experience.
Magsimula ulit ng panibago at
walang Megan."
"Zydney!" nanlalaki ang mga mata kong saway sa kanya.
"I mean let's just move on! Wala naman na talaga, right Asher?"

P 41-4
"Walang walang wala nang iba," sa ilalim ng lamesa ay gumapang ang kanyang kamay
para hulihin ang sa
akin at pisilin. Napatitig ako sa kanya. "You're my one and only, baby..."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga matang nakatutok sa akin. Parang gusto kong
matunaw lalo na't hindi
natigil ang paghaplos niya sa aking kamay na pinapadama ang purong kaseryosohan.
"Yup! KFAM, is finally back on track! Subaybayan niyo ang marami pang plano nang
pagtulong,
pagpapasaya at pagpapalaganap ng magagandang bagay. What should we expect from the
both of you?" putol
ni Zyd sa amin kaya napabalik ang aming atensiyon sa screen.
Natatawa nalang kaming napahagikhik. Ano nga bang plano namin pagkatapos ng lahat
ng ito? Sa totoo lang
ay wala pa kaming plantsadong plano o gagawin pero gano'n naman ang lahat ng biyahe
namin. Mas maganda
nga siguro 'yong hindi mo na iisipin at haharapin nalang ang mga kusang darating.
"Bukod sa oo ni Karsyn... Marami pang iba." aniya Asher nang mapawi ang ngiti.
"And it's official! Nilanggam na po ako rito kaya siguro it's about time para
tapusin na ang live! Thank you so
much sa inyong lahat! Remember, forgive and heal yourself but be wise next time,"
kumaway siya sa camera
na ginawa ko rin. "It's Zydney and KFAM and we're now singing off!" aniya bago
tuluyang pinatay ang live.
Nang sumapit ang pag-alis ni Zydney ay sumabay na kami para libutin naman ang
Central Luzon.
"Mag-iingat kayo."
"Ikaw rin." paalam ko.
"Ikaw na ulit ang bahala sa pinsan ko, Asher."
"Sure." niyakap niya rin si Zyd at hindi na kami nagtagal.
"What's next, huh?" nakangiti niyang sabi habang pumaparada ang SUV na inutos niya
sa kanilang driver para
may magamit kami patungong Subic at sa buong paglilibot.
Nagkibit ako ng balikat.
"Hindi ka pa ba busy?"
"I am busy."
Nahinto ako sa pagsunod sa kanya.
"So, nakakaabala na ako sa'yo?"
"No. Busy ako sa'yo at walang pwedeng mang-istorbo." nagsusungit niyang sabi sabay
bukas ng pinto at hawi
sa kanyang polarized sunglasses.
"Let's go?"
Mabilis akong napayuko ng maramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi sa
narinig. Sa haba ng biyahe

P 41-5
at traffic ay marami na kaming napag-usapan. Hapon na ng makarating kami sa sikat
na beach resort sa San
Narciso.
Magkatabi kami ni Asher na nanuod ng sunset habang magkahawak ang kamay. Kahit
walang nagsasalita sa
amin ay nakuntento ako sa pagdungaw sa namamaalam na araw.
"What do you like the most? Sunset or sunrise?" aniya nang mangalahati na ang araw
sa pagbaba.
Sabay kaming napalingon sa isa't-isa.
"Sunrise?"
"Why?"
"I don't know... Sunrise feels like a new beginning while sunset is like the end of
everything."
Marahan siyang tumango tango.
"How about you?"
Mabagal ang naging pagkurap niya habang matamang nakatitig sa aking mga mata.
"Sunrise... Sunset, kahit ano basta nasa tabi kita." masuyo niyang sagot sa akin
dahilan ng aking pag ngiti.
"You're really good with words, Asher."
"What do you mean by that?"
"I don't know. Every word that comes out of your mouth seems to make my heart
flutter."
"Is that a bad thing?"
Inalis ko ang tingin sa ngayo'y nakangisi na niyang mukha.
"No," inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat.
"You wanna know why?"
"Hmm?"
"Because every word comes from my heart. Walang halong kasinungalingan."
Natahimik ako ng ilang minuto bago nakakuha ng tapang sa susunod na tanong.
"Bakit mo ako mahal?"
"Do you really want me to answer that?"
"Uh-hmm."

P 41-6
"Because that's what I feel for you. Gaya nang gusto kita, wala ring tamang sagot
kung bakit. Wala eh, basta
nalang. Basta nalang kitang minahal."
Humigpit ang aking kapit sa kanyang kamay. Kahit na alam kong nararamdaman niya ang
pag-iinit ng aking
mukha ay hindi ko inalis ang ulo sa kanyang balikat.
"What if one day, hindi pala tayo?"
Matagal siyang natahimik sa naging tanong ko na wala akong nagawa kung hindi ang
umalis sa pagkakahilig
sa kanya at titigan siya. His eyes were dark, sumasabay sa pagdilim ng kapaligiran
ngunit may apoy doong
punong puno ng pag-asa.
"Tayo." mariin niyang sabi.
"Paano kung hindi? What if you're meant for someone who's–"
"I belong to you, Karsyn..."
"Pero paano lang–"
"Itutuloy mo o hahalikan kita?"
Mabilis kong naitikom ang aking bibig. I even sealed the invisible zipper on my
mouth para lang hindi niya
gawin ang banta.
"Tayo. Alam kong tayo at hindi ako papayag na hindi." pinal niyang sabi.
Emosyonal kong pinisil ang kanyang kamay. Sa ilang buwang pagkakakilala ko sa kanya
ay talagang malayo
na ang narating namin. Noon, ang tanging nasa isip ko lang ay kung gaano siya ka-
arogante at walang
simpatya sa mga taong nakapaligid sa kanya pero ngayon... Lahat 'yon ay bumaliktad
na. Simula palang nang
samahan niya ako sa paglalakbay kong ito ay alam ko na kung gaano siya kabuting
tao.
Matigas ang panlabas ngunit mayroon namang napakabuting puso. Hindi lang para sa
akin kung hindi sa lahat
ng mga taong nakakasalamuha namin.
"Basta simula ngayon, gusto kong wala nang sikreto. I want us to start over for the
better... Para sa ating
dalawa. Gaya nang sabi ko, hindi mahalaga ang label sa kung anong mayroon tayo.
Hangga't masaya tayong
dalawa ay kontento na ako."
Hindi ako nakasagot.
"Promise me that no lies will come between us."
Bumaba ang mga mata ko sa magkahawak naming kamay bago huminga ng malalim at
ibinalik 'yon sa kanya.
"I... I-I promise." tipid akong ngumiti. "You're a good man, Asher Miguel,"
Sandali siyang napatitig sa akin. Wala sa sariling umangat ang aking kamay upang
haplusin ang kanyang
kalmadong mukha. Bumaba at pumirmi 'yon sa kanyang tumangis na panga.

P 41-7
"And I'm falling... I think I'm deeply falling for you and it scares me."
Mabilis niyang dinaluhan ang aking kamay na nasa kanyang pisngi. Ang kaninang
madilim at seryosong mga
mata niya ay kuminang sa hindi malamang dahilan.
"Don't be scared because I am darn ready to catch you. Kahit gaano kalalim at
kabigat ang pagbagsak mo ay
sasaluhin kita. I am damn ready, baby..."
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
HUHU TOO BAD.. :((( Sana tinuloy mo dzai??

P 41-8
CHAPTER 39
7.4K 515 54
by CengCrdva

CHAPTER THIRTY NINE


Comparing Yourself To Others
"Day one, central Luzon," matamis akong ngumiti sa camera at inayos ang sarili sa
harapan nito. "Someone
message me yesterday and asking my opinion about comparing yourself to others and
you know what? Naisip
kong isa 'to sa mahirap tanggalin sa isip pero kailangan nating iwasan. I've
already mention something about
this on my past vlogs but let me explain everything again. Galatians 6:4-6, But let
each one examine his
own work, and then he will have rejoicing in himself alone, and not in another. For
each one shall bear
his own load. Let him who is taught the word share in all good things with him who
teaches. The bible
says, 4, don't compare yourself to others. 5, Just look at your own work to see if
you have done anything to be
proud of. You must each accept the responsibilities that are yours. 6, Whoever is
being taught God's word
should share the good things they have with the one who is teaching them."
I paused and smile at the camera.
"Let's be honest. Someone is always and will always be better than us, always. At
kapag nakita natin ang
sarili nating ikinukumpara ang sarili sa iba, it's either maiinggit tayo or bababa
ang tingin natin sa ating mga
sarili. Some would even get depressed because they think that they are not good
enough and will never be
good enough like these people. Guys, I want you to realize that there are always
better, beautiful, talented
people than us but we don't have to go to that level. We don't really need to
compare roses to lilies. They're
different but they are both beautiful. Kapag naman ikinumpara natin ang ating mga
sarili sa taong medyo mas
mababa sa atin sa ating palagay, doon naman papasok ang yabang at paglaki ng ulo.
Everyone of us should
learn how to look from within. Kung may dapat man tayong pagkumparahan ay tanging
ang ating mga sarili
lang. Did I do better? Did I become a better version of myself? Did I spread
kindness and humility more than
the person I was last year? If yes, then you should be proud of yourself. If you
did some progress and you
think that you are doing better then continue doing it. I can feel that young
adults like me struggles the most to
this one, but I want you to know that it is okay. If you are breathing, you have
the roof over your head and you
have the basic things you need to survive then you are still blessed than many of
us. Forget your neighbors
who seems like to have it all. Hindi mo kailangang mainggit dahil naniniwala akong
kahit na maliit na pagusad sa buhay mo, as long as wala kang nasasaktang tao at
nakakatulong ka sa marami ay mas better at
mahalaga kaysa sa magagarang bagay na mabibili mo ngunit pansamantala lamang sa
mundo."
Muli akong napangiti.
"Huwag kang masyadong mag-isip kung 'yung mga kakilala mo ay mayayaman na ngayon at
tingin mo sa sarili
mo'y wala pang nararating. Remember, we have different paths to walk through and
you shouldn't be afraid to
walk yours slowly. Lahat ng bagay na pinaghihirapan ay hindi kaagad mawawala. Just
breathe, relax and let
God do his thing. Walk slowly, pray, trust and just keep moving forward. Isang
araw, lahat ng kailangan mo
at gusto mo sa buhay ay makakamit mo rin and by that time, you'll realize the
importance of patience and hard

P 42-1
work. Sa ngayon ngumiti ka. Sige pa! Ngiti pa! Huwag mo na silang isipin at tanging
pagtuonan mo nalang ay
ang sarili mo. I want you to do good today. Kung nagawa mo, do it again tomorrow
hanggang sa makasanayan
mo nang maging mabuting tao. That's the path that God wants everyone of us to take.
The road to his kingdom,
his riches and his glory."
I murmured a short prayer for everyone. Marahan akong pumikit bago nagsimula nang
taimtim.
"Lord, Jesus, fill our hearts with kindness, peace and contentment. Bless us with
calm heart and mind. Make
us realize that we are your perfect creation. We are your children, we are worthy,
we are loved and let no
evil tell us that we are not. We praise you, oh Lord... You are our God and we
believe in you... Always and
forever... Amen."
Masaya kong idinilat ang aking mga mata at ngumiti sa huling pagkakataon bago
tuluyang nagpaalam.
I was greeted by a beaming sunlight. Naghanda kami ni Asher para sa una naming
destinasyon ngayong araw
sa isang isla kung saan matatagpuan ang Matarik falls na hindi masyadong
napupuntahan ng mga turista dahil
sa layo. Bukod pa doon ay wala ring mga pasilidad sa isla. Wala ring signal at
mahaba-haba rin ang trekking
bago marating ang Matarik falls. Mabuti na nga lang at marami kaming mga kasama
patungo roon na guests
din ng resort kung saan kami tumutuloy.
Hawak ni Asher ang kamay ko habang inaalalayang makaakyat sa malaking bangkang
aming gagamitin para sa
halos dalawang oras na biyahe. Gaya ng mga nauna, ang paglalakbay na ito ay wala sa
aming plano. The
place was only suggested by one of the surfer we met yesterday at dahil masyado
akong nahumaling sa falls
ay hindi na ako nagdalawang-isip pa.
Asher didn't complain. Gaya ko ay excited rin siyang makita 'yon dahil ang sabi
niya ay mas mataas 'yon sa
falls na tinalon niya noong sinabi niyang liligawan niya ako. Kinakabahan man sa
isiping tatalon siya ulit ay
mas pinagtuonan ko nalang ng pansin ang aking excitement.
Zyd:
I can visit you twice a week now and I'm excited!
Basa ko nang makaupo na sa bangka.
Ako:
Thank you, Zyd! Miss na miss na rin kita at marami nang naghahanap sa'yo.
She sent a laughing gif.
Zyd:
So gagawa na rin ba ako ng sarili kong vlogging account?
Napahagikhik ako pero itinabi na rin ang aking cellphone ng tabihan ako ni Asher.
Hindi na ako muling
nakapag-reply. We did a short video explaining kung saan kami papunta at kung ano
ang destinasyon namin
kahit na hindi naman 'yon live. Pagkatapos no'n ay sandali kaming nakinig sa
pagpapaliwanag ng isa sa mga
kasama namin sa bangka tungkol sa pupuntahang lugar. He talks about the beauty of
the place kasali ang mga
P 42-2
paalala dahil limitado ang galaw namin doon. We need to be extra careful dahil
bukod sa malayo ang lugar
kung sakaling may aksidente ay first aid lamang ang mayroon sila.
Humiyaw ang ilang kasama namin sa bangka ng matapos ang pagpapaliwanag. We are all
excited kaya nang
dumaong kami sa isla ay kanya kanya na silang talunan. Si Asher ang nag insist na
maging camera man ko
ngayong araw kaya nasa likod lang siya no'n sa durasyon ng paglalakbay namin
hanggang sa nasa kalagitnaan
na kami ng trail.
"Life is short and it's fast. Sa buhay natin walang reply button, rewind or stop
kaya make the most of it."
matamis akong ngumiti at pagkatapos ay sinenyasan si Asher na itutok ang camera
pataas sa matatayog na
punong nakapaligid sa amin para tapusin ang munting clip na isisingit ko sa video
mamaya.
I am happy and smiling pero nang makita kong ni hindi nakangiti si Asher ay natigil
ako. Pinagdiin ko ang
aking mga labi habang inaayos niya ang camera at pagkatapos ay tahimik na tumabi sa
kanya upang sundan na
ang mga kasama naming medyo nasa malayo na maliban sa isang bihasa sa lugar na
nakaalalay sa amin.
"Okay ka lang?"
"Yeah." tipid niyang sagot.
"Mukhang hindi?" pangungulit ko.
"I'm okay."
"Pagod ka na?"
"No." doon na siya pilit na ngumiti pero kahit na gano'n ay hindi pa rin ako
nakuntento.
"What is it? Ayaw mo na bang maging camera man ko? Okay lang naman Asher–"
"No. Wala lang. May naisip lang ako."
"Ano 'yon?"
Nakita ko ang malalim niyang pagbuntong hinga.
"You always talk about how life short is."
"And?"
Ipinilig niya ang kanyang ulo patungo sa akin. Umiling siya kahit na mukhang
napakaraming gustong itanong at
sabihin.
"Bakit? Mali ba ako?"
Muli siyang umiling ngunit hindi naman sumagot. Tipid na sumilay ang aking ngiti at
pagkatapos ay inihanda
ang sarili para ipaliwanag 'yon sa kanya.
"Life is really short, Asher. Alam mo maswerte ako dahil nai-experience ko ang
lahat ng ito. Marami sa mga

P 42-3
tao ang hindi kayang bitiwan kahit 'yung mga bagay na ayaw na nilang gawin, their
jobs for example. Marami
ang nagta-tiyaga nalang kahit na hindi na sila masaya sa ginagawa nila dahil sa
maraming dahilan. I don't
know. It's just sad that some people can't do whatever they want to do in life
because of responsibilities.
Minsan naman, hindi na nila magawa dahil huli na..." I swallowed hard when her face
flashed in my head.
"Si Mary at ang baby niya... Ni hindi man lang sila nagkaroon ng pagkakataong
makita ang isa't-isa.
Everything was taken away from them in just a snap,"
Nalasahan ko ang pait sa aking dila nang banggitin ang mga sunod na salita.
"My family..." tulala ko pa ring sambit. "They ran out of time. All of them."
"Because of cancer?" kumurap-kurap ako para tanggalin ang dahan dahang panlalabo ng
aking mga mata bago
siya lingunin.
I nodded slowly.
"They all died because of cancer?"
"Yes."
Wala sa sariling napalunok akong muli at napayuko pero nang maramdaman ko ang
paghinto niya at magaang
paghawak sa aking kamay ay muli ko siyang tinitigan.
Pakiramdam ko'y may sumasapak sa aking dibdib ng makita ang pagrehistro ng
matinding lungkot sa mga
matang 'yon. I don't know why pero mabilis iyong kumakalat sa kanyang kabuuan. Tila
naguguluhan at
natatakot sa susunod na sasabihin. Naghintay lang ako.
"I-Is that the same reason why you're rushing?"
Kitang kita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata na tila nagmamakaawang sabihin
kong mali siya.
"W-What do you mean?"
Siya naman ang napayuko, tila hindi kayang sabihin ang nabuo sa isip.
"Do you..."
"Do I have cancer?" matapang kong pagtatapos ng salita para sa kanya.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa aking kamay bago ako harapin ng mas maayos.
He heave a sigh,
preparing himself for what I'm about to say.
"Tell me."
Napapikit ako ng mariin at hindi nakagalaw. Habang naaalala ko ang lahat ng mga
nangyari sa pamilya ko ay
hindi ko mapigilang maging emosyonal. Ni minsan, matapos ang nangyari ay wala ni
sino maliban sa pamilya
ko ang napagsabihan ko ng lahat na 'yon. Lahat lahat...
"Be honest with me, baby..."

P 42-4
Umangat ang kanyang kamay at marahang hinaplos ang aking baba para iangat. Sa
pagdilat ng mga mata ko ay
nakagat ko ang aking labi. I can almost taste the desperation and sudden sadness of
his eyes.
"D-Do you think I'm dying?" malungkot kong sambit.
My chest is hurting so bad... Hindi ko maintindihan pero takot ang nararamdaman ko
maliban sa pangungulila
at kaunting pagka-guilty dahil sa lahat ng nangyari.
Pinisil niyang muli ang kamay ko.
"Do you think I have it?"
"Baby..."
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay marahang umiling.
"I don't have cancer, Asher," matapang kong pag-amin ng totoo.
Ipinagpalit ko ang pwesto ng mga kamay namin. Ako naman ang nakahawak sa kanyang
mga kamay. Pinisil ko
'yon.
"I don't have it. Kami ni Daddy... Pero tama ka," nilakasan ko ang loob ko sa
pagsasabi ng totoo kahit na
kinakain na ako ng aking mga emosyon. "Parte 'yon nang lahat ng ito. I realized so
much when they were taken
away form us. Some part of me was guilty for not expressing how much I love them.
Nagkulang ako doon lalo
na sa mga kapatid ko. God, I was so young..."
Marahan akong hinila ni Asher palapit sa kanya ng makita ang pagkagat ko sa aking
mga labi upang pigilan
ang paglalaglagan ng aking mga luha. Maingat niya akong iginiya sa malaking bato
upang magpahinga muna.
Ang lalaking naghihintay sa amin ay dumistansiya para bigyan kami ng pagkakataong
makapag-usap sandali.
"I don't understand what was going on. I was naive and I didn't think that I would
actually lose them because
of that disease pero kinuha sila nang sunod sunod. Sa sobrang inosente ko, parang
hindi nagsi-sink in sa akin
hanggang sa natauhan nalang ako nang magising ako isang araw na kaming dalawa
nalang ni Daddy ang
natira," wala sa sariling dumako ang aking kamay sa aking puso.
Pakiramdam ko ay nauulit ang lahat ng sakit. muling bumabalik ang pangungulila ko
sa kanila.
"I remember crying so hard habang lutang silang hinahanap. Para akong natauhan ng
sobra pero wala na
akong magawa. When my Mom died, ni wala ako sa tabi niya dahil abala na ako sa
university. Marami akong
pagkakataong napalampas dahil sa pagiging busy ko sa ibang bagay. Nawalan ako ng
oras sa kanila. I
should've told them to fight. Sana imbes na homework ang inuuna ko, sana sinabi ko
nalang sa kanila ang
lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanila. Sana sa huling minuto ni
Mommy sa mundo ay
nasabi ko kung gaano ako ka-swerte at kasaya na siya ang ibinigay sa akin ng
Diyos."
Inakbay ni Asher ang kanyang kamay at iginiya ang katawan ko sa kanyang malapad na
dibdib. Ang mga
kamay ko ay kusa ring yumakap sa kanya nang mag-unahan nang tumulo ang aking mga
luha. Hindi siya
nagkulang sa pagpapaalala sa akin na tapos na ang nangyari at wala akong nagawang
masama.
Magkayakap kami hanggang sa kumalma ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at
matapang siyang tinitigan
P 42-5
bago muling nagpatuloy.
"Parte ang pangungulila ko sa desisyon ko kung nasaan ako ngayon. I decided to quit
medical school because
I think that it wasn't meant for me. Pakiramdam ko ay hindi ako para doon dahil may
mas malaki akong role
kaysa sa pagsalba ng buhay. It's also to save but not only physically but
spiritually. Para maging instrumento
ng saya, nang kahalagahan ng oras at pagmamahal. Our time is very limited, Asher.
It's only a borrowed time
and that's what I want people to realize."
"And I'm sure they already learned a lot from you because you are the best teacher,
Karsyn," ngumiti siya at
pinisil ang kamay ko. "I learned a lot from you, baby... Maraming marami na."
Wala sa sariling napangiti ako. I'm glad that he's here with me. Kung wala siguro
siya ay tuluyan na akong
nilamon ng lungkot.
"Talaga?"
He nodded.
"Like what?"
Parang gusto kong magsisi nang makita ang pagsilay ng kanyang pilyong ngiti.
"You're the definition of love for me. The love that's endless... Hindi napapagod
at hindi kayang magpahinga.
'Yung pagmamahal na sa'yo ko lang nararamdaman. It's only you that I want. Mas
gugustohin ko nalang na
mabuhay ng mag-isa kung hindi lang rin ikaw."
"Asher..."
"I mean it."
Napabuntong hinga ako. Gustohin ko mang ituwid ang nasa isip niya pero hindi ko na
ginawa. Sa ngayon ay
hahayaan ko nalang muna siya.
Tumayo na ako at niyaya nalang siyang magpatuloy sa paglalakad patungo sa falls.
Nagpasalamat ako kay
Kuya Bobet na matiyaga kaming hinintay at inalalayan hanggang sa aming destinasyon
ngunit parating palang
kami sa bukana ay hindi ko na naiwasan ang kabahan nang marinig ang malalakas na
sigawan at iyakan kaya
madali kaming napatakbo ni Asher patungo roon!
~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
P 42-6
i have this feeling that kf is sick just like her brothers :< ????, at d same time
i ????

P 42-7
CHAPTER 40
6.7K 604 88
by CengCrdva

CHAPTER FORTY
Kiss
"Help! Oh my God please help us!" hysterical na sigaw ng babaeng hindi na alam ang
gagawin sa lalaking
ngayon ang iniaahon mula sa falls ng mga kalalakihan.
It's a different group. May isang grupo maliban sa mga kasama namin.
"Tulong! Tulong!" sigaw naman nang umiiyak na babaeng matanda sa tabi nito na hindi
na rin alam ang
gagawin. "Tulungan niyo ang anak ko!" malakas niyang boses na umaalingawngaw pa sa
buong kapaligiran.
"May nalunod! Tulong!"
Nalaglag ang aking mga mata sa lalaking ngayon ay naiahon na. Hindi na ako
nakapagsalita. Nakita ko nalang
ang sarili kong tumatakbo at hinahawi sila upang sumaklolo sa kanilang grupo. Wala
na akong naisip sa
pagkakataong 'yon kung hindi ang isalba ang nasa aking harapan na tingin ko'y
kasing edad ko lang o mas
matanda lang ng kaunti sa akin.
Walang arte akong lumuhod sa basang lupa para utusan ang mga lalaking may hawak
rito na ilagay siya sa
harapan kong mas patag para maumpisahan ko ang dapat gawin.
"Hey, are you okay?" ilang ulit kong tinapik ang kanyang balikat at dibdib pero
wala akong narinig na sagot.
Nag-iiyakan na ang mga taong nasa paligid ko at masyado silang magulo pero imbes na
sawayin ay
pinagtuonan ko nalang ng pansin ang lalaking ngayon ay nakikipag-agawan kay
kamatayan. Ibinaba ko ang
aking ulo upang pakinggan, damhin at tignan kung may senyales pa siya ng buhay.
Ginawa ko 'yon ng hindi lagpas sa sampung segundo at nang wala akong makita at
naramdaman ay sinimulan
ko na ang pagsi-CPR.
I placed the heel of my left hand on the center of his bare chest and placed the
right on top of it. Itinuwid ko
ang aking mga kamay at umangat ng kaunti sa aming kinalalagyan upang magsimula nang
i-pump ang kanyang
dibdib ng mabilis at madiin matapos pagsalikupin ang mga 'yon. I pumped my hands
two times every second
hanggang sa makabilang ako nang tatlumpo.
Hiningal ako kaagad sa ginawa lalo na't buong buo ang tensiyon sa mga taong
nakapalibot sa akin at matagal
ko na ring hindi ito nagagawa pero hindi ako nagpatalo.
"Ansel, wake up! Gising na please naman!" nanginginig na hiyaw ng babaeng tinawag
siyang anak kanina.

P 43-1
When the guy is still not responding, I gently tilt his head, lift his chin and
pinch his nose before I place my
mouth on his airways. Marahang kong pinakawalan ang dalawang mabagal at maingat na
hinga galing sa
aking bibig sapat para umangat ang kanyang dibdib.
Sa pagkakataong 'yon ay natigil na ang lahat ng iyakan at ang lahat ay nagkaroon ng
pag-asa habang
nagpapatuloy ako sa ginagawa. Ni walang nag-kwestiyon sa akin dahil siguro'y nakita
nilang ito ang tamang
paraan para isalba ang kanilang mahal sa buhay.
Nagpaulit-ulit ako at kahit nangangalay na ang aking mga kamay ay hindi ako
tumigil. I've never been this
determined all my life pero sa pagkakataong ito ay kahit maubusan ako ng lakas ay
ayos lang maisalba ko
lang siya.
"Come on, Ansel..." mahina kong sambit kasabay ng muling pagdiin sa kanyang dibdib
at taimtim na
panalangin para sa kanyang kaligtasan.
"Ansel, come on!" dama ko ang pagtulo ng mga butil ng pawis sa aking noo kahit na
malamig at presko naman
ang simoy ng hangin sa kapaligiran.
Segundo hanggang sa minuto na ang lumilipas pero wala pa ring pagbabago sa kanya.
Nanghihina na ang mga
kamay ko at parang gusto ko na ring sumuko pero kahit ang huling latak ng aking
lakas ay naging determinado
kaya naman itinodo ko na 'yon.
"Ansel... Do not go into the light... Do not go into the light... Do not–" mabilis
kong naitikom ang aking bibig
ng makita ang pag galaw ni Ansel kasabay ng kanyang pag-ubo at paglabas ng tubig sa
kanyang bibig kaya
halos magtatatalon ako sa tuwa!
"Ansel!" sabay sabay na hiyaw ng limang babaeng agad na lumapit kasama ang kanya
ina.
Nanghihina at naiiyak akong napaupo sa lupa habang umaatras para bigyan sila ng
pagkakataon sa pagbalik
nito. Ilang beses akong napakurap-kurap habang pinagmamasdan itong unti-unting
balikan ng ulirat. Pinanuod
ko silang magbunyi pagkatapos ng nangyari at kahit na lubos ang pasasalamat nila
para rito ay hindi pa doon
natatapos ang lahat. He still needs to go to the hospital and have himself check
kaya 'yon ang sinabi ko. Bago
magsialis ang lahat ng kasama nito ay naramdaman ko na ang pagdalo sa akin ni
Asher.
Maingat niya akong inalalayan at nang mapantayan ko siya ay agad ko siyang niyakap.
"Are you okay?"
"I'm okay... I'm tired but I'm okay."
Hindi siya nagsalita. Iginiya niya ako hanggang sa kubong para sa amin at sa aking
mga kasama na wala ring
ibang bukambibig kung hindi ang pagsaludo sa akin dahil sa mabilis kong pag-iisip
at pagresponde sa
nangangailangan.
Nang lumaon ay kumalma na ang lahat at bumalik na sa aktibidad na sadya namin sa
lugar ngunit kami ni
Asher ay nanatili sa kubo. Hindi siya tumigil sa pagmasahe sa aking mga kamay kahit
na sinabi kong ayos
lang ako. He didn't left me kahit na alam kong gustong gusto na niyang sumali sa
kasiyahan.
Ako naman, gusto ko na rin kaya nga lang ay hindi pa rin tumitigil ang puso ko sa
mabilis na kalampag nito. I
P 43-2
just can't believe what happened. Hindi man ako naging totoong Doktor pero
nakapagligtas ako ng buhay
ngayon. Paulit-ulit iyon sa aking utak na parang gusto ko nalang maiyak ng sobra.
"Thank you, Asher..." wala sa sariling sambit ko na nagpaangat sa kanya ng tingin
patungo sa akin.
Simula nang samahan niya ako at masahiin ay wala na siyang naging kibo maliban sa
pagtatanong kung ayos
lang ako.
"Thank you for what?" nalilito niyang sagot bago ilipat sa kaliwa kong kamay ang
ginagawa.
"Thank you hindi lang sa pagmamasahe sa kamay ko pero sa lahat. Thank you for
saving that guy's life."
Naramdaman ko ang pagbagal ng pagpisil niya.
"You saved him, Karsyn. Wala akong ginawa kung hindi ang panuorin ka kanina."
"I know... Pero sinalba mo ako noon at kung hindi mo 'yon ginawa, hindi ko siya
masasalba ngayon."
Doon na siya tuluyang nahinto. Binitiwan niya ang aking kamay at pagkatapos ay
tumabi sa akin.
"And I will save you again and again and again kung kinakailangan. Hindi ako
magdadalawang-isip na gawin
'yon."
Pinagdiin ko ang aking mga labi at tipid siyang nginitian.
"Thank you."
"It's my pleasure, Karsyn."
Tumango ako at matapang na tumayo matapos iwaglit ang lahat ng mga bagay na pumasok
sa aking utak. Bago
pa ako makapag-isip ng negatibo ay niyaya ko nalang siyang daluhan ang mga kasama
naming bagong
kaibigan.
Sandali lang akong naligo at nanuod nalang sa kanila dahil madali akong napagod.
Siguro ay dahil sa
nangyari kanina pero kahit na gano'n ay hindi ako umalis sa gilid ng falls habang
kinukunan sila ng video.
Some of them were already jumping pero sa mababang cliff lang 'yon. Naging
tensiyonado lang ang lahat
nang umakyat na si Asher sa pinakamataas kasama si Kuya Bobet para subukan ang
pakay namin sa lugar.
My heart was pumping so hard dahil sa excitement at kaba sa gagawin pero naging
suportado ko ang
ginagawa niya.
"Go, Asher! I know you can do it but be careful!" natatawa kong ibinaba ang aking
kamay galing sa aking
bibig at itinutok na ang camera sa kanya.
Naunang tumalon si Kuya Bobet na nakatanggap ng malakas ng hiyawan nang umikot pa
siya sa ere bago
lumagapak sa tubig. Pumalakpak rin ako pero hindi 'yon nagtagal nang si Asher na
ang tatalon. Wala sa
sariling napatayo ako dahil talagang ramdam ko ang kaba. Alam kong kaya niya namang
talunin 'yon pero
dahil sa nangyari kanina sa lalaking hindi na nakaahon matapos tumalon doon ay
hindi ko maiwasang

P 43-3
kabahan.
"Go Asher! Go Asher!" hiyawan ng pito naming kasama.
Mas malakas ang sigaw ng isang lalaki doon na bulgaran ang pagkakasabi ng
pagkagusto rito. Naiiling si
Asher na bumaling sa akin pero bago pa ako makapag-cheer ay bumwelo na siya at
pagkatapos at walang ano
ano'y tumalon na.
Pigil ang naging paghinga ko habang pababa ang kanyang katawan sa tubig pero hindi
na rin napigilan ang
mapapikit ng mariin ng tuluyan siyang malaglag doon!
Hiyawan ang sumunod na umalingawngaw pero ako ay hindi man lang naibuka ang bibig.
Naging alerto ang
aking mga mata sa paghihintay sa kanyang umahon. Ang mga paa ko ay iginiya ako sa
pinaka-malapit na
pwesto para hanapin siya.
"Holy hell..." kinakabahan kong bulong nang lumipas ang ilang segundong hindi siya
lumalabas pero bago pa
ako makatalon ay nakita ko na ang kanyang pag-ahon.
Kumawala ang maluwag kong paghinga at nanghihinang napaupo para hintayin siyang
lumapit sa akin ngunit
napawi ang aking ngiti ng makita ang kanyang seryosong mukha nang maabot ang gawi
ko.
"Are you alright?"
He slowly nodded. Hindi ngumiti. Hindi nagsalita. Kumurap-kurap siya at inilibot
ang tingin sa paligid.
Matagal niyang ginawa 'yon na tila nalilito.
"Asher?"
"Hmm?"
"Are you okay?"
"Yeah."
"Look at me." nilingon niya ako at umahon para tabihan ako.
"Where are we again?"
Tigagal kong naibaba ang hawak kong camera.
"Asher? Are you alright?"
"I'm fine." walang emosyon niyang pag-uulit.
Hindi ko na napigilang hawakan ang kanyang mukha. Madaling nagsalubong ang kanyang
mga kilay.
"KF, right?"
Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig. Kahit na hindi
ako nagbabad sa tubig

P 43-4
ay ramdam kong namutla ako.
"Asher, are you really okay? Kilala mo ako?"
Inalis niya ang titig sa akin.
"My head hurts." hinawakan niya 'yon.
Sa kabila ng pagpa-panic ko ay nagawa kong kumalma at inalalayan siya pabalik sa
kubo.
"What are you doing?" nalilito niyang tanong sa akin.
"Where are we?"
Hindi siya umimik. Nakailang tanong pa ako na mali ang kanyang sagot kaya nang
maisip kong may impact
ang ginawa niyang pagtalon ay hindi ko na mapigilang tumawag ng tulong para
makabalik kami sa resort at
makapunta sa hospital ngunit bago ko pa magawa ay maagap na niyang nahuli ang kamay
ko.
"Where are you going?"
"Wait for me, okay? Sandali lang ako. Stay here kukuha ako ng tulong–"
"Why?"
"Asher you can't even remember properly and we need to go back to the resort.
Kailangan nating pumunta sa
hospital ngayon na!" nanlulumo kong sagot dahil iniisip ko palang ang dalawang oras
na biyahe pabalik ay
parang nanghihina na ako.
My knowledge is not enough to check his status. Ni wala akong equipment na hawak
para man lang i-check
ang vitals niya kaya hindi ko na kailangang mag-aksaya ng panahon.
"Hintayin mo ako. Sandali lang–"
Lumakas ang kalampag ng aking dibdib nang mabilis siyang tumayo at pagkatapos ay
hinigit ako patungo sa
kanyang katawan at niyakap ng mahigpit imbes na pakawalan. Dumoble ang pagwawala ng
aking puso habang
nakasubsob na ngayon sa kanya ng dibdib!
Hindi ako nakapagsalita lalo na ng marahan niyang hinaplos ang aking buhok.
"Baby, do you think my memory can forget you?" mabagal at klaro niyang sambit na
nagpalaglag ng aking
panga.
Nalilito akong lumayo ngunit hindi nagawang kumawala sa kanyang pagkakayakap. Nang
magkatitigan kami
ay nakangiti na siya ulit taliwas sa ipinakita kanina.
"Asher–"
"I'm just kidding and I'm sorry..."

P 43-5
I bit my lip at that.
"W-What do you mean?"
"I'm sorry... Hindi ko sinasadyang mag-alala ka. I'm fine. I'm sorry..."
Paulit-ulit niyang sambit na lumipas nalang ang ilang minuto pero hindi ko siya
masagot. Hindi ko alam kung
ano ang nararamdaman ko ngayon. Dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman ko
simula palang ng
mapunta kami rito ay hindi ko na naawat ang pagkawala ng aking mga luha.
"Oh, baby! Sorry! I was just kidding!" muli niya akong niyakap ngunit wala akong
nagawa kung hindi ang
lumuha ng lumuha.
"Sorry. God, I'm so sorry baby!"
Mga hikbi ang naging sagot ko sa kanya. Hindi naman ako galit. Nangingibabaw lang
talaga ang pag-aalala ko
at kung naging totoo ang lahat ay baka hindi lang simpleng pagluha ang ginagawa ko
ngayon. He tricked me.
"Karsyn, please... Stop crying, baby." hinarap niya ako't pinunasan ang aking mga
luha.
Tanging iling lamang ang aking naisagot. Hinila niya ako para makaupo ulit kaming
dalawa. Mabuti nalang at
abala ang mga kasama namin kaya walang nakakaalam sa nangyayari ngayon.
"I'm sorry."
"Why do you have to do that?" pupungas pungas kong tanong sa kanya.
Hindi ko maitigil ang mga luha ko dahil hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"I'm sorry... I'm stupid, damn it! I'm sorry..."
"Sabi ko sa'yo huwag mo akong pinag-aalala... You promised that you won't do it
again."
"I know. I'm sorry... Please? Baby?" lumuhod siya sa harapan ko habang hawak ang
aking mga kamay at
buong puso iyong hinalik-halikan. "I'm sorry..." ipinukpok niya ang kamay naming
magkahawak sa kanyang
ulo ng ilang beses hanggang sa nakakuha ako ng lakas na pigilan siya.
Nagmamakaawa niya akong tinitigang muli sa mga mata.
"I'm sorry..." he pleaded again and again.
Hindi siya tumigil hangga't sa hindi ako tumatahan.
"Sorry na, baby ko..."
Kinagat ko ang aking labi at binuwal ang kamay sa kanya para punasan ang aking mga
luha at igiya siya sa
tabi ko.
"Are you sure you're okay?" I asked him again.

P 43-6
Marahan siyang tumango.
"I'm fine... Walang nagbago. Naaalala ko ang lahat at mahal pa rin kita. Sorry
na..."
"Walang masakit?" nag-aalala ko pa ring tanong.
"Wala," hinalikan niya ulit ang kamay ko. "I'm sorry... I just can't help myself
but be jealous..." humina ang
kanyang boses sa huling salitang tuluyang pumutol sa pag-iyak ko.
Ilang beses akong suminghap at hinuli ang kanyang mailap na mga mata.
"What do you mean?"
Inilihis niya lalo ang titig sa akin. Marahan siyang pumihit patalikod at itinuon
ang mga 'yon sa falls.
"Asher..."
Marahan siyang yumuko kasabay ng pagpisil sa aking kamay.
"I'm stupid, okay? Forget about it."
"Asher?" binitiwan ko ang kamay niya at pagkatapos ay tumayo't naglakad patungo sa
kanyang harapan.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan ang kanyang mukha para lang hulihin
ang kanyang paningin
ngunit nang magawa ko ay pumikit naman siya.
"Forget it, Karsyn." giit niya.
"You're jealous of what?" nalilito kong tanong.
He heave a sigh as a response.
"Asher Miguel Vergara Tan, magagalit na talaga ako sa'yo."
Doon na siya dumilat.
"I'm being selfish, Karsyn. Inaamin ko pero hanggang ngayon, kahit na wala naman
sa'yo ang ginawa mo
kanina ay hindi pa rin mawala sa utak ko."
"A-Anong ginawa ko? May nagawa akong nagpalungkot sa'yo?"
Nakita ko ang kasarkastikuhan sa kanyang mga mata ngunit hindi naman 'yon idinala
sa kanyang mga labi.
"Asher, isa.."
"Dalawa," aniya sabay hawak sa kamay ko. "Wala nga." hinaplos niya 'yon.
"What happened to no more lies? You're lying now, Mr. Tan."
Muli siyang napabuntong-hinga. Nalilito pa rin ako pero bago pa ako tuluyang
magalit at narinig ko na ang
P 43-7
totoong dahilan.
"You kissed that guy. I know hindi naman 'yon ang intention mo pero 'yon lang ang
nasa isip ko simula nang
dumikit 'yang mga labi mo sa kanya. I know you are just saving his life but I can't
stop thinking that he stole
your first kiss. I shouldn't hate myself right now for being jealous because you
just save him from death but
that's what I feel. I'm fucking jealous right now. Kahit masama ay iniisip kong
sana ako nalang ang nalunod
para halikan mo rin ako at napaka-selfish no'n pero hindi ko makalimutan–"
Natigil siya sa pagsasalita nang hindi ko na naawat ang sarili kong ibaba ang
sarili para patigilin siya sa
ginagawa gamit ang aking mga labi. Matapang kong inilapat ang aking bibig sa
kanyang mga labi para
halikan!
I don't know how to do it properly dahil totoong wala pang ibang lalaking
nakakahalik sa akin maliban kay
Daddy at ang kanina naman ay totoong purong pagtulong lang kaya hindi ako gumalaw.
Nanatili ang mga labi
naming magkadikit at hinayaan ko 'yon para tuluyan na siyang matahimik.
Nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang pinapakiramdaman si Asher ngunit
bukod sa mga kamay
niyang bumaba at humigpit ang hawak sa aking bewang ay hindi niya iginalaw ang
kanyang mga labi. Nang
marahan akong umalis ay halos sabay lang rin kaming dumilat.
Malakas at mabilis ang pag-aalburoto ng aking puso sa loob ng aking dibdib. Ramdam
ko rin ang panginginig
ng aking mga tuhod at ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi pero nagawa ko pa
ring magsalita.
"You are my first kiss," giit at paglilinaw ko habang nakatitig sa mga mata niyang
namumungay. "Ikaw ang
totoong first kiss ko Asher Miguel... Wala nang iba..."
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
OMG HAHAHAHAHAHAH YENG??? SHET!!!!!!!

P 43-8
CHAPTER 41
7.1K 521 83
by CengCrdva

CHAPTER FORTY ONE


Fear And Love
Tahimik si Asher simula nang makakain kami, matapos maligo, mag-vlog at makabalik
sa resort. Gustohin ko
mang tanungin siya pero naiisip ko palang ang posible niyang sagot ay parang gusto
ko nang magpalamon sa
lupa.
I get it. Alam kong hindi 'yon ang ideal na halik pero anong magagawa ko kung 'yon
lang ang alam ko? That's
what kiss for me. 'Yung labi niya tapos ididikit sa labi ko... I felt my cheeks
burned nang maisip ko ang lahat
ng nangyari. Unang beses ko ring makapagsalba ng buhay dahil sa natutunan ko noon
sa aking kurso pero mas
tumatatak ang huling may first kiss na ako. He was my first kiss...
Nahihiya akong pumihit bago malapitan ang pinto ng aking kwarto.
"Hmm... K-Kakain pa ba tayo mamaya?" nahihiya kong tanong dahil bukod sa hindi ako
sanay sa pagiging
tahimik niya, hindi ko na rin alam kung ano na ang nasa isip niya ngayon.
Paano kung iwan niya ako dahil sa ginawa ko? Napalunok ako ng tumagal ang kanyang
titig sa akin imbes na
sagutin ako kaagad.
"Asher?"
"Yeah... Kakatukin nalang kita mamaya."
Marahan akong tumango at tipid na ngumiti sa kanya. Pinigilan ko ang sarili kong
tanungin siya kung ayos
lang ba siya o ano dahil talagang parang unti-unti akong bumabaon sa lupa sa tuwing
naiisip ko ang nagawa
ko ilang oras ang nakalipas.
"S-Sige... See you."
Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Imbes na patagalin ang pagkakanulo sa
sarili ay dali-dali na akong
pumasok sa aking kwarto. Ilang malalalim na paghinga ang ginawa ko bago ako
nakabawi at nagkaroon ng
lakas na ayusin ang sarili at magnilay sa mga nagawa.
Paglabas ko sa banyo ay hindi na matigil ang telepono ko sa pagtunog. I know na
normal lang naman 'yon at
normal lang na tignan ko kung ano ang dahilan ng ingay pero nagulat ako sa isang
video na bumalandra sa
aking mga mata sa group chat ng mga kaibigan ni Asher.
"Miss Right always saves the day." basa ko sa title ng video kung saan ang aktong
pagtulong ko kanina sa
lalaki.

P 44-1
I closed the group chat dahil marami pa akong ibang notifications gawa ng mga taong
nagta-tag sa akin sa
kung saan. Nanlaki ang mga mata ko sa isang article na nakapaskil ang aking mukha
at ang lalaking ang
pangalan ay Ansel na isa palang anak ng Gobernador sa lugar!
Nanghihina akong napaupo. Wala naman sa akin kung sino ang lalaki pero hindi ko
mapigilan ang mamangha
lalo na't buong Zambales yata ay pinapasalamatan ako ngayon sa aking nagawa. naubos
ang oras ko sa
pagbabasa ng mga article at ilang pagkakakilanlan ng pamilyang 'yon hanggang sa
makabalik ako sa group
chat na hindi rin nahinto ang pagdatingan ng mga mensahe.
Jacob:
I can't believe what she did. You are truly amazing Karsyn.
Eros:
Truly amazing.
Umarko ang aking mga labi sa nabasa. Pakiramdam ko'y parang may humaplos sa aking
puso dahil sa
kanilang mga pahayag.
Davos:
But I don't think someone is happy right now.
Amos:
Hahaha!
Gerald:
Bro, I bet someone wants to punch that governor's son.
Igo:
Damn, how I wish I was there to see his face.
Zake:
Sent an evil emoji.
Trystan:
Karsyn, what happened after that? Wala bang nagwala?
Ivan:
Paniguradong meron. Hindi ko sinasabing si Asher pero parang gano'n na nga.
Sergio:

P 44-2
Asher, buhay ka pa ba?
Jacob:
Karsyn, sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong sa pagpigil sa pagwawala ng
pinsan ko. I'll be happy to
accompany you.
Eros:
Sus. Huwag ako, Jacob! Busy'ng busy ka nga sa mansion 'di ba?
Jacob:
I'm not talking to you.
Eros:
Sungit mo naman, Senyorito.
Jacob:
Fuck you.
Eros:
Senyorito. Senyorito let me feel you let me feel you. Give me bam bam bam.
Amos:
Busy ka pala Senyorito Jacob?
Trystan:
Hahaha! Kaya pala hindi sumisipot!
Jacob:
Mind your own business.
Trystan:
I am. ??
Igo:
??????
Jacob:
Assholes.

P 44-3
Nagpatuloy ang asaran nila na hanggang sa dulo ay binasa ko.
Lance:
You're trending again, Karsyn.
Ivan:
And you're late again, Lance.
Lance:
I'm busy.
Gerald:
Really? Saan? Daig mo pang may asawa't isang dosenang anak lately ah!
He didn't reply hanggang sa muling bumalik kay Asher ang pang-aasar lalo na't
nakita nilang nagsi-seen na ito
ng mga messages. Ako naman ay hindi rin magawang mag-reply dahil baka may masabi
lang akong hindi
dapat.
Jacob:
Seen? Are you alright?
Eros:
Saan masakit? :(
Davos:
Dude, rip sa puso mong sugatan.
Amos:
One day, I'll be launching a show para sa mga puso niyong sawi and you're all
welcome to join.
Ivan:
Ikaw ang unang contestant?
Amos:
No way!
Igo:
I volunteer basta maraming chiks!

P 44-4
Lance:
Back to you Asher! Baka gusto mo?
Asher is typing...
Napatuwid ako ng upo ng makita ang pagta-type niya. Wala sa sariling nakagat ko ng
mariin ang aking mga
labi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya sa mga ito. Though naiisip
kong posible rin namang
sabihin niya 'yon sa mga kaibigan niya lalo na't gano'n naman ang mga lalaki pero
hinintay ko pa rin si Asher.
Asher:
Sinong malungkot? Sinong nasaktan? Sinong namatay? Clearly, not me. ??
Eros:
Behind that smirk is a hidden battle of sadness and heartbreak.
Asher:
Lol. You wish.
Jacob:
Really? Interesting.
Hindi na siya nag-reply at maya maya pa ay kumatok na sa aking pinto.
Sa buong durasyon ng dinner namin ay hindi namin napag-usapan ang nangyaring halik
sa Matarik. Bukod sa
video na kumakalat ngayon ay wala na rin kaming iba pang napag-usapan. Pagkatapos
kumain ay muli kaming
nagpalipas ng oras sa dalampasigan kung saan naroon ang live band na humarana sa
amin buong gabi.
Pagbalik ko sa kwarto ay in-edit ko na ang vlog at agad ipinost sa aking account.
Nakahiga na ako sa kama ng
mabasa ang chat ni Asher.
AsherTan:
Are you still up?
Ako:
Yes, katatapos ko lang gawin 'yung vlog kanina.
AsherTan:
Okay.
Ako:
Bakit?

P 44-5
AsherTan:
Nothing. I miss you.
Napangiti ako sa nabasa.
Ako:
Miss? Magkasama naman tayo buong araw?
AsherTan:
Yeah. Miss na miss na kita kahit na nasa kabilang kwarto ka lang. If I could only
watch you sleep at hindi
magiging creepy sa'yo, gagawin ko... Baby, I can't get enough of you and I don't
think I will.
Ako:
Baka may impact talaga 'yung pagtalon mo kanina? Hindi kaya?
AsherTan:
Maybe. Parang mas lalo kitang minahal eh.
Nabitiwan ko ang aking telepono at nahihiyang napatakip sa aking mukha kahit na
wala naman siya sa
harapan ko! Oh God! What the heck is happening?
Matapos kalmahin ang nagwawalang pag-iisip at puso ay nag-reply na ako.
Ako:
Maybe you just need some sleep. Makakalimutan mo ring nami-miss mo ako.
AsherTan:
I will never forget what I feel for you, Karsyn. Kahit anong gawin mo hindi na 'to
magbabago. Kung oo, mas
titindi lang.
Matagal ang mga naging sunod na pagsagot ko dahil talagang naba-blangko ang utak ko
pero mas lalo yata
akong naging lutang nang makita ang pagtawag niya!
Napapikit ako ng mariin at ilang beses na umusal ng panalangin para kalmahin ang
sarili bago 'yon sagutin.
"Hello?"
"Hi, baby..."
"B-Bakit ka tumawag?"
"Nothing." aniya sa inaantok nang boses.

P 44-6
"You sound sleepy. Matulog ka na."
"How can I sleep when all I can think about was you... Kissing me?"
I felt the heat in my cheeks. Ito ang unang pagkakataon na binuksan niya 'yon dahil
simula nang nangyari ito
kanina ay naging tahimik na siya.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya."
"Karsyn–"
"I know it was the worst kiss that you've ever had kaya sorry kasi–"
"And who told you that?" he cut me off.
"I... I-I don't know." nauutal kong sagot.
"Oh, baby... You don't any idea how I longed for that kiss. It wasn't what I
imagined but I would do it over
and over again."
"It wasn't the worst?"
"It was perfect, baby..."
Nakahinga ako ng maluwag kahit paano sa isiping mali naman pala ang nasa utak ko
ngunit muli akong
sinalakay ng pagkailang ng maisip na talagang 'yon ang pinag-uusapan namin. Mabuti
nalang at hindi naman
'yon natuloy dahil sabi niya'y gusto niya lang marinig ang boses ko bago siya
matulog. Kahit nami-miss niya
ako ay hindi naman siya magpupumilit na makita ako ulit. Nang sabihin niyang sabay
na kaming matulog ay
'yon ang ginawa ko kahit na nahirapan rin ako dahil gaya niya ay hindi rin 'yon
nawala sa aking utak.
"Day two, Central Luzon," inayos ko ang aking buhok bago simulan ang araw sa
pagsagot sa mga katanungan
ng aking mga mahal na supporters. "I've read some of your questions and I will try
to answer them,"
Inangat ko ang aking telepono at binasa ang ilang mga nauna roon.
"Paano magtiwala uli? Paano bumaba ng kahit kaunti ang pader na nakapalibot sa puso
ng isang taong takot
na magmahal?"
Wala sa sariling napangiti ako. Somehow, it describes what I feel for Asher kaya
'yon ang pinili kong unang
sagutin.
"Hi DolceDes, I know wala pa akong experience sa pagmamahal ng isang tao bilang
partner but I want to
share something that hopefully answers your question. First John 4:18 says, there
is no fear in love. But
perfect love casts out fear, because fear has to do with punishment. The one who
fears is not made perfect
in love. I don't think you are afraid of love and the idea of it because love is
something we are all born with.
We are made because of love. We are brought into this world and raised because of
love. May iba na
iisiping mali ako dahil may ibang mga babae na hindi ginustong magdalang tao lalo
na kung galing sa pangaabuso but believe me when I say that you are still made with
so much love,"

P 44-7
Positibo akong ngumiti kahit na alam kong medyo mabigat ang tatalakayin ko ngayon.
"Some of you may not know God but he knows everything about you. You're were born
in his image and
likeness. He knew you before you were even conceived and you are part of all his
creation. Hindi man
planado nang magiging mga magulang mo ngunit planado ka ng Diyos dahil produkto ka
ng kanyang
pagmamahal. Honestly, hindi kailanman nakakatakot ang love. What most of us are
afraid of is falling in love
with the wrong person at hindi ka nag-iisa rito, DolceDes. Marami sa atin ang takot
magmahal dahil takot
masaktan pero hindi ba gano'n naman talaga? Kapag nagmamahal ka, dapat maging
matapang ka pero bago ka
magmahal ng iba, dapat mas unahin mong mahalin ang sarili mo. You can't love and
trust another person
when you're not capable of doing it to yourself. Learn how to trust and love
yourself first before thinking of
doing it to others. Self love is really important at kapag natutunan mo 'yon with
the guidance of the most high,
you will know when is the right time to share it with somebody else. You will know
who is the perfect
person for you at kapag marami ka nang tiwala at pagmamahal sa sarili mo, hindi ka
na matatakot na
magbigay sa iba. Ang lahat ng barikada sa puso mo ay kusa mong bubuwalin para sa
tamang taong ibibigay
ng Diyos para sa'yo. You will love fearlessly and endlessly because that's what God
wants you to do. Ask
for guidance. Pray and learn how to trust him more than yourself."
Masaya akong ngumiti matapos ang pagpapaliwanag ko sa unang tanong. Kahit na hindi
ko alam kung ano ang
magiging impact nito sa mga nanunuod ng aking vlogs ay nananalangin akong kahit
paano ay may matutunan
sila sa akin.
Muli kong inangat ang aking cellphone para magbasa pa ng mga katanungan.
"Paano ko patatawarin 'yung taong nanloko sa akin? 'Yung taong pinatawad ko na
noong una pero inulit lang
ulit yung panloloko niya at ngayon ay gusto makipag-balikan? Dapat ko pa ba siyang
tanggapin?"
Muli akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit puro katanungan tungkol sa pag-ibig
ang mga tanong nila pero
sa abot ng aking makakaya ay gusto ko pa ring sagutin.
"Hi Roosterhoney! Again, wala akong alam sa ganitong bagay but I will try my best
to answer your question,"
huminga ako ng malalim at sandaling nag-isip.
"Jesus is a great example of how to handle betrayal. He faced betrayals by Judas,
his people and because of
that he suffered greatly and died for our sins pero kahit na gano'n ay nagawa niya
pa ring patawarin ang lahat
ng mga taong nanakit sa kanya. This reminds us of God's strength and how God can
get us through anything. I
applaud you for forgiving someone who hurt you like what God did but I can't answer
the last part for you. Sa
ngayon, I want you to ask yourself... is this person still worthy of my love? Is he
still worthy of my trust?
Naniniwala ako sa pagpapatawad pero ang paulit-ulit na gawin ang isang mali ay
choice na. He chose to hurt
you for the second time and I think it's unfair on your part. I don't want you to
think na nagda-doubt ako sa
taong tinutukoy mo dahil wala naman akong alam sa tunay niyang intensiyon pero
hindi ba kapag nagmahal ka
ay dapat hindi mo sinasaktan? Kapag nagmahal ka, iniingatan mo? Given na 'yung
phrase na tao lang tayo at
nagkakamali but that's not an excuse. Ang mali ay mali, period. Walang sino man ang
deserve na hindi
makatulog dahil sa sakit ng puso habang iniisip kung ano ang kulang sa kanya. Kung
saan siya nagkamali at
kung bakit siya nagawang lokohin. It's unfair pero ikaw lang ang makakapag-desisyon
kung dapat mo pa ba
siyang bigyan ng pagkakataon at tanggapin. I want you to know your worth. You are
loved by God, we all are
at walang sino man ang may karapatang manakit sa atin lalo na kung paulit-ulit. Be
wise this time. Sabi nga,
there are plenty more fish in the sea at hindi lang siya ang nag-iisang nemo. What
if this is a sign that he is not
the one for you? Huwag kang magmadali. Pray and ask for the Lord's guidance and he
will surely lead you to
P 44-8
the right person. Kung naging masaya ka sa maling tao, ano pa kaya sa tama, hindi
ba?"
Nagpatuloy ako sa pagsagot ng kanilang mga katanungan hanggang sa mag-text na si
Asher na papunta na sa
kwarto ko para sa pagkain ng breakfast. Ngayong araw ay magsu-surfing kami dahil
ito na rin ang huling
araw namin sa lugar.
"That's it for today guys! I hope you learned something from me at hiling ko na
sana ay isapuso niyo ang lahat.
May the almighty God bless us all! Have a great and holy day! See you again on my
next vlog!"
Masaya akong ngumiti bago iyon pinatay. Sakto namang pagkatapos kong mag-ayos ay
dumating na si Asher.
Magkahawak ang kamay naming pumunta sa restaurant pero matagal bago kami tuluyang
nakarating doon.
Maraming kasing bumati at nakakilala sa akin lalo na't isa na yata akong instant
super hero sa lugar dahil sa
nangyari kahapon.
"Maraming maraming salamat sa pagsalba sa anak ni Gobernor, Karsyn! Isa ka talagang
bayani!"
Napaatras ako at napahawak kay Asher na agad namang hinuli ang aking kamay.
Mahigpit niya 'yong
hinawakan nang maramdaman ang pagkailang ko dahil hindi talaga ako sanay sa
ganitong paulit-ulit na
papuri. Sa kabila ng kumosyong nangyari sa pagdagsa nila ay naging maayos naman ang
lahat. Thanks to
Asher na hindi ako iniwan at sinuportahan pa sa pagsagot sa mga katanungan ng ilan.
"You're a hero." bulong niya sa gitna ng pagkain.
Napanguso ako.
"Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, 'yon rin naman ang gagawin mo."
"No." matigas niyang saad.
"N-No?"
Umiling siya at nagbaba nang tingin bago tamad na isinubo ang pagkain sa kanyang
bibig.
"No?" ulit ko nang makitang nalunok na niya ang pagkain.
"Hindi ko isi-CPR ang lalaking 'yon," iritado na niyang sagot sa akin. "Can we talk
about something else?
May naaalala akong ayaw kong maalala."
"Anong naalala mo?"
Nakita ko ang mabigat niyang pagbuntong hinga sabay titig sa akin na tila nauubusan
na ng pasensiya at
nagpipigil lang sa kung ano.
"Change topic."
Ako naman ang napayuko. Tahimik akong kumain. Gano'n rin ang ginawa ni Asher.
Nagpahinga kami sandali
nang matapos kaming kumain at kasalukuyan ko nalang inuubos ang aking mango shake
nang mahinto ako
dahil sa paglapit ng limang lalaking unipormado sa gilid ng aming lamesa.

P 44-9
Mabilis na tumuwid ng upo si Asher pero bago pa makapagsalita ay nauna na ang
pinaka may malaking
katawan sa kanilang lima.
"Miss Karsyn Sy?"
Marahas kong nilunok ang huling mango shake na sinipsip ko ng marinig ang
baritonong boses nito. Ilang
beses pa akong napalunok kahit na wala naman nang lulunukin!
Nilukob ako ng kaba at takot dahil bukod sa suot nilang itim simula sa shades
hanggang sa boots ay hindi ko
alam kung paano nila ako nakilala. Para silang mga villain sa pelikula na kapag
umayaw ka sa gusto ay
matatagpuan ka nalang na patay sa isang palayan kinabukasan!
Natataranta akong napatayo ng makita ang pagtayo ni Asher. Agad akong lumapit sa
kanya.
"P-Po? Wala po akong ginawang masama. Inosente po ako."
Naramdaman ko ang paghawi ni Asher sa aking katawan patungo sa kanyang likuran.
"What do you need?"
Pigil ang paghinga ko habang nakatago sa likod ni Asher. Ang mga tao naman sa
paligid namin ay tahimik
lang at ayaw makisali.
"Sumama po kayo sa amin."
"Kuya, wala po akong ginawang masama." pag-uulit ko.
"Why?" matigas na tanong ni Asher sa lalaking pinantayan at pagkatapos ay binigyan
pa ng matigas na titig.
"Asher... Tatakbo tayo ha... bibilang ako hanggang tatlo..." mahina kong bulong.
Marami pa sana akong sasabihin ngunit naudlot ang lahat ng makita ang paggalaw nila
para palibutan kami!
Hihilahin ko na sana siya palayo ngunit natigil ako nang makita ang paghugot ng isa
sa mga ito sa isang
envelope sa tagiliran at pagkatapos ay inilahad sa akin. Si Asher ang kumuha no'n.
"Iniimbitahan po kayo ni Governor Zisneros para sa isang piging ng pasasalamat sa
pagsagip niyo sa kanyang
nag-iisang lalaking anak," binasa ni Asher ang papel na laman ng envelope.
Dahil sa narinig ay lumuwag ang pagkakahawak ko sa lalaking naka-protekta sa akin.
Ibinigay niya sa akin
ang papel at agad ko iyong binasa.
"G-Gobernor Zisneros?"
Tumango ang isang nasa aking gilid.
"Pasasalamat sa pagsagip niyo kay Mr. Ansel Zisneros. Inaanyayahan po kayo ngayon
dahil gusto raw po
niyang magpasalamat ng personal. Gano'n na rin ang mag-asawa."
Sa pag-angat ko ng tingin kay Asher ay nakita ko kaagad ang bahagyang pagtangis ng
kanyang bagang pero

P 44-10
ang mga mata ay handa naman sa kung anong isasagot ko.
Hindi siguradong tinignan ko ang limang lalaki. Mukha naman silang security at ang
sulat na ibinigay sa akin
ay may tatak pa ng lungsod at galing mismo sa opisina ng Gobernor kaya sigurado
akong hindi sila
nagsisinungaling.
Bumalik ang titig ko kay Asher, kinukuha ang opinyon niya. Kahit na kitang kita ko
ang hindi niya pagsangayon ay mas tumimbang ang kanyang pag-intindi.
"Sasamahan kita." aniya nalang nang makakuha ng konklusyon sa akin kahit na hindi
pa ako nagsasalita.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA YABANG YAY EROS WILL JOIN

P 44-11
CHAPTER 42
6.4K 548 66
by CengCrdva

CHAPTER FORTY TWO


Germs
Gabi ang napag-usapang oras nang pagpunta sa bahay ng mga Zisneros. Bukod kasi sa
kakakain lang namin
kanina ay ayaw kong maudlot ang mga plano namin ni Asher lalo na't ito na ang
huling araw namin sa lugar.
Sinundo kami ng isang SUV na mayroon pang mga security patungo sa kanilang tahanan.
Hindi ako bumitiw
kay Asher dahil simula palang nang sumakay ako sa sasakyan ay hindi na natigil ang
kaba sa aking puso.
"Okay ka lang?" he asked.
Marahan akong tumango.
"Ikaw? Ayos ka lang?"
"Yeah. Bakit naman hindi?"
"I don't know... Ayos lang sa'yong pumayag akong pumunta tayo rito?"
Tipid niya akong nginitian. Umayos siya ng upo at pumihit para harapin ako ng mas
maayos.
"Ayos lang sa akin lahat, okay? Basta para sa'yo."
Pinigilan kong mapangiti dahil sa sinabi niya pero kusa iyong lumabas dahil sa mga
mata niyang matamang
nakatitig sa akin.
"Besides, they should really thank you for saving that man's life." he said
bitterly.
"Bakit parang galit ka? Galit ka sa kanya?"
Nababaliw siyang natawa sa sinabi ko pero imbes na sumagot ay inayos niya nalang
ang aking buhok ng
nakaharang sa aking mukha at inilagay 'yon sa likod ng aking tenga. Hindi na siya
nagsalita kaya hindi na rin
ako kumibo hanggang sa makarating kami sa malaking bahay ng mga Zisneros.
Malawak ang kanilang bakuran at maraming mga sasakyang naka-park sa loob pero dahil
madilim na ay hindi
ko lubusang makita kung ano ang totoong kulay ng kanilang bahay lalo na't medyo
luma na rin iyon.
Inalalayan ako ni Asher sa pagbaba. Ang mga tauhan naman ng mga Zisneros ay
sinamahan kami hanggang sa
makapasok sa loob ng bahay na hindi ko inasahang may modernong istilo at bagong
bago pang mga kagamitan
simula sa malaking chandelier na bumungad sa akin taliwas sa istrukturang nasa
labas!

P 45-1
Nang matanaw ko ang mga pamilyar na mukhang nakita ko sa Matarik ay muli akong
nilukob ng kaba ngunit
ang lahat ng 'yon ay tila trumiple nang lumabas naman ang isang lalaking pormadong
nakasuot ng itim na
button down shirt na nakatupi hanggang sa kanyang siko kaparehas ng kanyang slacks
habang matikas na
naglalakad patungo sa amin. Ang kanyang tindig at hitsura ngayon ay taliwas sa
mahina at hubad niyang
katawan noong una ko itong nakita pero hindi 'yon ang dahilan kaya muling nag-
aalburoto ang puso ko.
Nagwala iyon dahil sa marahang pagyakap ng matipunong braso ni Asher sa aking
maliit na bewang kasabay
ng kanyang paghapit padiin sa kanyang katawan sabay bulong,
"I'm not mad at anyone, baby... pero depende ang galit ko ngayong gabi so that guy
better behave." bulong
niyang nagpatayo sa lahat ng mga balahibo sa buo kong katawan!
Hindi ako kaagad nakasagot. Ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod pero mabuti
nalang ay nawala
sandali ang pag-iisip ko sa kanyang sinabi nang salubungin ako ng mga babaeng
Zisneros.
"Hija! I'm glad you came!" masayang bati nang ginang na ngayon ay posturang-postura
sa aking harapan.
Pormal ko siyang niyakap gano'n rin ang mga babaeng anak nito na umpisa palang ay
walang humpay na ang
pasasalamat sa akin dahil sa ginawa kong pagsalba sa kanilang kapatid.
Ipinakilala ko si Asher sa kanila at hindi naman ako nahirapan dahil ang dalawa sa
mas nakababatang
Zisneros ay kilala kaming dalawa dahil sa aming mga ginagawa. Hindi na rin
nakapagpigil ang mga ito na
kumuha ng litrato kasama kami pero natigil ang lahat nang makalapit na si Ansel.
"It's you..." kumikinang ang mga mata niyang sambit habang nakatitig sa akin. "It's
nice to finally meet you,
Karsyn," inilahad niya ang kanyang kamay na magiliw ko namang tinanggap. "Thank you
for saving my life."
he added.
Ngumiti ako at nakipag-kamay sa kanya pero tumagal iyon dahil hindi niya ako kaagad
binitiwan.
"Y-You're welcome. Masaya akong nailigtas kita."
His lips curved a playful smile.
"Really, huh?"
"Oo naman." masaya kong sagot.
Sinubukan ko ulit bawiin 'yon pero hindi niya pa rin ako nagawang bitiwan.
Gustohin ko mang hilahin nalang ang kamay ko pero hindi ko magawa dahil ayaw ko
namang maging bastos
lalo na't nasa pamamahay nila ako.
Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakahawak sa kamay ko at nakatitig sa
aking mukha na tila
namamangha. Parang gusto kong mahiya dahil bukod sa blush on at kaunting lip tint
ay wala na akong inilagay
ngayon. Hindi rin ako nakapag-suot ng medyo pormal kaysa sa beach dress na aking
suot dahil wala naman
akong dalang damit para sa ganitong okasyon.
Napapitlag ako nang marinig ang malakas na pagtikhim ni Asher na pumutol sa lahat
ng usapan ng mga
P 45-2
babaeng magkakapatid gano'n na rin ang pagtitig ni Ansel sa akin. Awtomatikong
lumingon ang lalaking nasa
harapan ko sa lalaking nasa aking tabi.
"Your hand." matigas na sambit ni Asher sabay baba ng tingin nito sa magkahawak
naming kamay.
Muli kong iginalaw 'yon kaya doon lang siya natauhan.
"Oh, sorry! Right!" hilaw na ngiti niyang sabi at pagkatapos ay agad akong
binitiwan. "And you are?" baling
niya kay Asher.
Narinig ko ang sarkastiko ngunit mahinang tawa ng lalaking katabi ko bago ito
sagutin.
"I'm Asher and I'm here to make sure that your hands," matalim niyang sinulyapan
ang kamay nito. "Will stay
in place."
Nagpalipat-lipat ang mapanuring tingin ni Ansel sa aming dalawa ngunit wala akong
masabi.
"Just keep your hands to yourself, Mr. Zisneros." may pagbabanta nitong sabi.
Ramdam ko ang matinding iritasyon ni Asher kaya bago pa makasagot ang kausap ay
kumawala na ang
pagtaboy ko sa namuong tensiyon.
"Mangga!" malakas kong pagputol sa kanila dahil ramdam ko at alam kong hindi 'yon
magiging maganda lalo
pa't mukhang totoong galit na nga si Asher ngayon palang.
"I'm sorry but I think I'm hungry!" kinakabahan kong pagsisinungaling para lang
matigil ang tensiyon sa
pagitan nilang dalawa. Binalingan ko ang ina ni Ansel. "Sabi po ng mga nasa resort
ay pagmamay-ari niyo
raw po ang manggahan sa ilang malawak na lupain sa San Narciso? Totoo po ba?"
Ngumiti ang matanda.
"Tama ka doon at dito sa mansion mo lamang matitikman ang pinaka-masarap na mangga
sa buong
probinsiya." naglakad na ito. "Halina kayo at kanina pa naghihintay si Governor."
matamis siyang ngumiti.
Sumunod naman ang kanyang mga anak gano'n rin ako pero nang maramdaman kong hindi
sumusunod si Asher
ay binalikan ko siya.
"Asher?"
Nakapamulsa ito ngayon at hindi na nawala ang iritasyon sa mukha.
"We'll be home in an hour so let's get this over with."
Tumagal ang titig niya sa akin, tila hindi kumbinsido sa mga sinasabi ko. Kaya
nilapitan ko siya at kinuha ang
isa niyang kamay pagkatapos ay isinalikop sa akin.
"I don't want you to be mad. Hindi ba sabi mo dapat nila akong pasalamatan? We're
here at saglit nalang
tayo."

P 45-3
Marami pa akong sinabi na binalikan nalang kami ng mga kasambahay ay hindi pa ito
natapos. Sa huli, gaya
rin ng pangako niya ay tinupad niya ang hindi kailanman hihindi sa akin.
Kahit kumakain na ay hindi nawala ang iritasyon ni Asher pero medyo nawala naman
'yon nang makipagkwentuhan ito sa ama ni Ansel tungkol sa negosyo. Masaya ang
naging takbo ng usapan hanggang sa
mapuntang muli sa akin ang topic.
"So are you two dating or something?" makahulugang tanong ni Ansel.
"Kuya, they're the loveliest couple in this generation!" hiyaw noong bunso.
"Oo nga, Kuya!" bumaling ang isa pa sa amin. "Pero kayo na ba talaga?"
Napatuwid ako ng upo. Si Asher ay nakikiramdam kung sasagot ako o hindi pero dahil
alam niyang sa mga
ganitong pagkakataon ay siya ang sumasalba sa akin kaya siya na ang sumagot sa
tanong.
"We're not yet officially a couple," positibo niyang sabi. "We don't have a label
and I don't think we need it
because Karsyn and I are happy from where our relationship stand," napangiti ako sa
sinabi niya. "Masaya
kaming dalawa at 'yon naman ang importante."
"You're really cute!"
"That's lovely!" ang matandang babaeng Zisneros.
"So you're dating but not actually dating? Gano'n ba?"
Ang lahat ay napalingon sa sarkastikong judgement ni Ansel sa aming relasyon.
"Kuya! They'll be together soon! Maybe they're just taking things slow and I think
gano'n naman talaga dapat.
We need enough time to know the person bago namin sagutin!"
"Odette, are you saying na nagpapaligaw ka na?" si Governor na nakisali na rin.
"Dad, no!"
"I'm not a fan of waiting," putol niya sa ama at kapatid. "Hindi ba kapag gusto mo
at gusto ka rin ay hindi na
dapat nagpapaligoy-ligoy pa? I think waiting is bullshit."
Napapikit ako ng muli kong marinig ang tawa ni Asher na gaya kaninang balot na
balot ng pagdisgusto.
Kinakabahan ko siyang nilingon dahil alam kong kanina pa siya parang bulkan na
gustong sumabog!
Binitiwan niya ang mga hawak na kubyertos at saka tumuwid ng upo para harapin si
Ansel.
"That speaks a lot of you Mr. Zisneros," mapait niyang sabi.
Sinubukan kong hawakan ang kamay ni Asher para pigilan siya pero hindi siya
nagpatinag.
"Magkaibang magkaiba tayo," he continued. "If you want a cheap ass lady, you can
easily get one. Gaya ng
sabi mo hindi ka sanay na maghintay kaya hindi na ako magtataka kung ang lahat ng
mga babaeng dumaraan sa
buhay mo ay pang madalian lang. Karsyn is a queen and she is always worth the wait.
Dapat pinaghihirapan.

P 45-4
You should earn her dahil lahat ng pinaghihirapan ay panghabang-buhay."
Nakita ko ang pag-iiba ng timpla ni Ansel pero dahil sa pagsang-ayon ng Gobernador
at nang iba pang
miyembro ng kanyang pamilya ay nanahimik nalang ito. Gusto ko sanang sumagot pero
hindi ko na nagawa
dahil maging ako ay sang-ayon rin sa mga sinabi niya.
Matapos ang hapunan ay sandali kaming nagpahinga at nagkwentuhan pa. Governor
Zisneros offered to tour
us around San Narciso pero dahil aalis na kami bukas ng tanghali pagkatapos kong
sumali sa yoga ay
tinanggihan na namin 'yon.
"I'm sorry for being rude," ani Ansel nang mag-CR si Asher at magkaroon ng
pagkakataong makausap ako.
"You're not rude. Siguro iba iba lang tayo ng paniniwala pero hindi ibig sabihin ay
mali ka."
Binigyan ko siya ng sapat na espasyo para makaupo sa tabi ko.
"Asher is right," aniyang nagpatuon ng buo kong atensiyon sa kanya.
"Huh?"
"You are a queen Karsyn and there's no doubt about that. That guy really likes you
and I feel bad for making
him jealous."
Kumawala ang kabado kong tawa.
"I-I don't think he is jealous."
He smiled sweetly.
"He is. Alam kong kanina niya pa ako gustong sapakin pero naiintindihan ko."
"He's not that violent. Medyo pagod lang pero sobrang mabait 'yon."
Siya naman ang natawa.
"You're too innocent. Gusto na akong patayin ni Asher kanina pero hindi ko lang
talaga mapigilang titigan ka
kaya sorry about that."
Pinagdiin ko ang aking mga labi saka siya tinanguan.
"Wala 'yon."
"And I want to say thank you again for saving my life. This dinner taught me a
lesson. Siguro nga kaya ako
nabuhay ulit dahil kailangan kong tumino. I need to search for my own queen and
earn her."
Lumawak ang ngiti ko. Hindi ko maitanggi ang tuwa dahil alam kong seryoso siya sa
sinabi.
"I'm glad to hear that. I hope you'll find her soon para mas tumino ka." lumakas
ang tawa niya sa biro ko.

P 45-5
Nagtatawanan kaming inabutan ni Asher kaya madali akong natigil. Hanggang ngayon ay
madilim pa rin ang
aura niya lalo na sa lalaking katabi ko ngunit si Ansel ay natatawa nalang. Gusto
ko sanang ipaliwanag kay
Asher ang mga napag-usapan namin pero hindi ko nagawa dahil mukhang wala talaga
siya sa mood.
"Let's go." maawtoridad nitong sabi.
Tumayo kami ni Ansel ngunit napapitlag ako nang hawakan ako nito pero hindi gaya
kanina, ngayon ay parang
sinasadya niya ang ginagawa para makita kong totoo ang sinasabi niyang pagseselos
ni Asher.
"You don't have to touch her every damn time, Zisneros!" matigas na sabi ni Asher
ngunit imbes na matakot
ay natatawa lang ako nitong binitiwan.
Nagmamadali akong tumabi kay Asher.
"L-Let's go..." hinila ko siya pero hindi ito natinag.
Nanatili ang hindi makapaniwalang titig nito kay Ansel.
"Asher, let's go."
He groaned silently.
"Wala akong pakialam kung balawarte mo 'to pero isa pang hawak mo hahawakan ko na
'yang leeg mo." may
pagbabanta niyang sabi pero lumakas lang ang tawa ni Ansel sabay taas ng mga kamay
at titig sa akin na
parang sinasabing , 'I told you, he is jealous.'
Isang tango nalang ang isinagot ko sa kanya bago nagpaalam at hinilang muli si
Asher sa abot ng aking
makakaya.
Hinatid kami ng sasakyan ng kanyang pamilya pabalik sa resort pero sa simula nang
sumakay doon hanggang
sa makauwi ay hindi niya ako kinausap.
Natatakot naman akong magsalita at itanong kung totoo nga ang sinabi ni Ansel dahil
baka sa leeg ko niya
ihawak ang mga galit na kamay na 'yon!
Ilang beses kong nakagat ang aking labi dahil ni hindi rin hinawakan ni Asher ang
kamay ko kahit na
naglalakad kami sa medyo may kadilimang daan patungo sa aking kwarto.
Isang simpleng good night lang ang naging paalam namin sa isa't-isa. Mabuti nalang
at hindi pa ako nakakaempake kaya doon ko nalang ibinuhos ang lungkot dahil sa
hindi niya pagkibo sa akin. Nang matapos ako sa
pag-aayos at naghanda na sa pagtulog ay doon ko lang nabasa ang dalawang message
niya.
AsherTan:
You're trained to be a surgeon right?
AsherTan:
Then wash your hands like you're about to operate someone. I hate flirty germs.

P 45-6
Kumawala ang hagikhik ko sa nabasa. Nagtipa ako ng reply sa kanya.
Ako:
Pagod na ako eh. Bukas nalang ako maghuhugas ng kamay.
Pagbibiro at pang-aasar ko rito. Magta-type pa sana ako ng panibago ngunit naudlot
ako nang makita ang
pagtawag niya!
Holy hell!
"H-Hello?" kinakabahan kong tanong matapos iyong sagutin.
"Wash your hands, Karsyn! Hugasan mo bago ako maasar!"
Kinagat ko ang aking labi. Why do I find it so cute? Natutuwa ako ngayong galit na
galit siya sa akin! Wow,
this is the first time! Unang beses kong matuwa habang ginagalit ang isang tao.
Alam kong kailangan kong
magdasal at humingi ng tawad dahil rito pero hindi ko mapigilan ang aking sarili.
Nagmamadali kong kinuha ang aking camera at inilagay sa loudspeaker ang aking
telepono bago i-record.
"I'm tired. Wala namang germs ang kamay ko."
"Meron! Wash it before I go fucking crazy!"
"Why are you cursing?" nilungkutan ko ang boses ko.
Actually, kanina pa ako naghugas ng kamay at nakapaglinis ng katawan. Gusto ko lang
talaga siyang asarin.
"Because you're pissing me off," narinig kong muli ang mahina't pigil niyang
pagmumura.
Tumagal ang tahimik na linya sa pagitan namin. Hindi ako nakapagsalita kaagad nang
marinig ang ilang beses
niyang pagbuntong hinga na tila pinipigilan ang sarili sa mataas na galit.
"H-How did I piss you off?"
"Baby, please?" aniya kasabay ng pagbagal ng hangin mula sa kanyang bibig. "Just
wash your hands for me,
please?" dagdag niya matapos piliting kalmahin ang sarili.
Dahil sa pagmamakaawa sa kanyang boses ay nagpaalam na ako't sinabing gagawin ang
utos niya. Pagkatapos
ng mga inis niya sa akin ay naging maayos kami at ilang minuto pang nag-usap pero
dahil sa lahat ng nangyari
ay nabuo ang isang malaking plano sa aking utak na alam kong ikakatuwa ng lahat.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
P 45-7
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Ayyyy grabe sya?? Luuhh artii artiii lol ??

P 45-8
CHAPTER 43
6.7K 502 72
by CengCrdva

CHAPTER FORTY THREE


Dreams And Expectations
"You what?!"
Kahit na gusto nang kumawala ng malakas na tawa ko ay pinilit kong maging pormal sa
kanyang harapan.
Sinundo niya ako sa aking kwarto pero dahil sa plano kong gantihan siya sa ginawa
niya sa akin noong nasa
Matarik ay medyo made-delay kami sa pag-alis.
Pinigilan kong sulyapan ang camerang sinet-up ko sa tagong side ng kwarto para
hindi niya makitang pinagtitripan ko lang siya. I want to get him back noong
pinaiyak niya ako at pinag-alala. Parang gusto kong tawagan
si Ansel at pasalamatan dahil kung hindi sa kanya ay hindi ko 'to maiisip.
"Oo... He was inviting me for lunch kaya hapon nalang tayo aalis."
"No freaking way!"
Kinurot ko ang sarili ko gaya nang ginawa ko noong magpanggap akong nabuntis niya
para lang malungkot
ako at mapigilan ang malakas na pagtawa.
Simula palang nang sabihin ko sa kanyang kunwaring ini-invite ako ni Ansel ay hindi
na naipinta ang kanyang
mukha.
"Listen to me first," umangat ako sa kama at hinuli ang kamay niya para igiya siya
sa tabi ko.
I did that so the viewers can see his pissed face. Oh God! Kinakabahan ako pero
alam kong maraming
matutuwa unang una na ako at mga kaibigan niya.
"Kasi sabi niya, bibigyan niya ako ng mangga–"
"I can freaking buy all the mangoes in this land for you, Karsyn Sy! Hindi mo
kailangang makipagkita sa
lalaking 'yon dahil lang sa mangga."
Ngumuso ako.
"Pero sabi ng asawa ni Gov, sa bahay lang nila mayroong masarap na mangga."
"She's lying. Pare-parehas lang ang mangga, Karsyn. Halika't simulan nating tikman
lahat–"
Hinila ko siya pabalik sa kama nang subukan niya akong igiya para gawin ang
sinasabi.

P 46-1
"Wait! Kasi... Sabi rin ni Ansel, may ibibigay pa siyang iba. Regalo niya sa akin
kaya niyayaya niya akong
mag lunch date–"
"Date his ass!"
"No, wait! Listen to me first." agap ko sa gitna nang gusto nang pagbulahaw ng
aking tawa.
"No, baby! No fucking way! I will never let you see that guy again."
"Why not?"
"Because I said so!"
"Give me a reason." I demanded.
Sa inis ay hindi niya napigilang pamewangan ako kahit na nakaupo.
"I don't trust that guy at hindi kita basta nalang pwedeng ipagkatiwala sa iba."
pagdadahilan niya habang gigil
na ikinukumpas pa ang kamay sa ere.
"I'll be fine."
"Kung gusto mo talaga, isama mo ako."
"H-He said..." I bit my lip and paused.
Hindi dahil sa wala na akong maisip pero dahil talagang parang hindi ko na
kakayanin ang ganito. Ngayon
palang ang gustong gusto nang humalakhak sa mukha niyang hindi na maipinta sa
pagkalukot.
"He said he want us to be alone."
"And you want to be alone with that guy?!"
"He is nice and–"
"He is not! Bakit gusto niyang mapag-isa kayo, huh? Baby, you're not thinking
clearly." nabuwal ang kamay
niya sa kanyang bewang para ikumpas ang mga iyon sa kanyang sintido at ere para
ipagdiinang hindi ako nagiisip ng matino.
"Sabi niya may ibibigay rin si Governor sa akin–"
"What do you want, Karsyn? Ako na ang magbibigay ng lahat ng gusto mo sabihin mo
lang!"
Tumikhim ako nang kumawala ang kaunting tawa sa aking bibig.
"Asher, wala naman akong gusto. Gusto ko lang pagbigyan si Ansel kasi..."
Muli akong nahinto ng makita ang pagtaas ng isa niyang kilay. Holy hell!
Nakokonsensiya na ako sa
pagsisinungaling na 'to pero hindi ko alam kung paano huminto. I am so entertained
by his madness!

P 46-2
"What?! Go on."
"K-Kasi hindi ko rin siya nakausap ng maayos kagabi dahil sa tensiyon niyong
dalawa."
"You two talked. Nagtatawanan pa nga kayo nalingat lang ako sandali 'di ba? Ano pa
bang gusto niya?"
Pinalungkot ko ang aking mukha at yumuko. Hindi na ako nagsalita dahil baka hindi
na ako makapagpigil at
masira ang lahat ng plinano ko. Not now, hindi pa.
Ilang beses kong narinig ang kanyang malalalim na buntong hinga ilang minuto ang
lumipas nang manahimik
ako. Maya maya ay naramdaman ko nalang ang paghuli niya sa aking kamay.
"Do you really want to see him?" kalmado ngunit punong puno ng lungkot niyang sabi.
I nodded slowly. Doon mas lalong nalugmok ang kanyang mukha.
"Seeing him will make you happy?" mahina na halos pabulong nalang niyang tanong.
Tumango ako ulit. Muli siyang napabuntong hinga na parang batang hindi isinali ng
mga kalaro.
"Alright," umakto akong masaya. Muli siyang bumuntong hinga at umiling. "If seeing
him will make you
happy then I had no choice but to let you have a lunch date with him." mapait
niyang sambit. "But I'll be
around just to be sure you're not in any danger and you can't bargain with that."
Malawak akong ngumiti. Hinahanda ang sarili kong sabihin sa kanya na kalokohan lang
ang lahat at gusto ko
lang gumanti sa lahat ng pag-aalalang ginawa niya sa akin!
"Saan ba raw?"
Matapang akong nakipagtitigan sa kanyang mga mata pero hindi ako nakapagsalita
kaagad. Lumawak lang ang
ngiti ko dahil hindi ako makapaniwalang kahit na labag sa loob niya ang gagawin ay
ibibigay niya sa akin
dahil 'yon ang kasiyahan ko. Sa pagkakataong 'yon ay parang gusto ko nalang siyang
yakapin. Asher is the
sweetest guy I know and it melts my heart seeing how he cares for me. Sobrang
nakakataba ng puso.
Nagkibit ako ng balikat at pagkatapos ay tumayo na upang dahan dahang lumapit sa
pinagtataguan ng camera.
"He'll text me later. Are you sure okay lang?"
Tahimik siyang tumango. Pasimple niyang hinilot ang kanyang sintido at sinuklay ang
buhok bago itukod ang
magkabilang kamay sa aking kama at ituon ang buong atensiyon sa akin.
"Okay lang."
Maingat kong kinuha ang camera at walang ano-ano'y inangat na 'yon para iharap sa
kanya.
"Hindi nga?"
Nalukot ang kanyang noo nang makita ang aking hawak.

P 46-3
"Okay lang talagang na-prank kita?" nagmamadali akong bumalik sa pwesto ko habang
itinututok sa kanyang
gwapong mukha ang aking hawak!
"What?"
"You got pranked, Asher Miguel!" humahalakhak na ako. "You should see your face! Oh
my God!"
"What do you mean?"
"It was a lie! Walang lunch date at walang Ansel! I just did that to get back at
you dahil ilang beses mo na
akong pinag-alala at pinaiyak! Remember the amnesia scene that you pulled in
Matarik?! Well, this is just my
revenge!"
Mabilis na tumaas at bumaba ang kanyang dibdib.
"No, Ansel?! Are you sure?!"
"No."
"Baby, please tell me that this is the truth?!"
"No date and this is just a prank." paglilinaw ko.
"Fuck!" nasapo niya ang kanyang dibdib ngunit bago pa ako makagalaw at makahalakhak
ulit ng todo todo ay
kinuha na niya ang camera sa kamay ko at itinapon 'yon sa kung saang parte ng kama
para lang yakapin ako!
"Asher!" malakas kong hiyaw nang mayakap niya ako't mapahiga kami sa kama!
"Baby you scare me! Damn it!" dama ko ang hingal niya nang sabihin 'yon. Nakahinga
ng maluwag ngunit
hindi pa rin makapaniwala sa nagawa ko.
"You deserve it."
"You tricky innocent angel!" gigil niya akong hinalikan ng dalawang beses sa
pisngi. "Don't ever do that
again!"
Iniyakap ko ang mga kamay sa kanyang leeg. Maingat niya akong inangat pabalik sa
pagkakaupo.
"How does it feel, huh?!" mapang-asar kong tanong habang inaabot ang camera at
muling itinututok sa
kanyang mukha.
Pilit niya naman iyong inilalayo.
"Stop!" hinarang niya ang kamay sa camera pero mapilit ako. "You made me so pissed
but I'm damn relieved
it's just a prank!" tumayo siya at tumalikod sa akin bago sandaling ikinumo ang mga
kamao.
Hindi ako natigil sa pag-film sa kanyang reaksiyon. The day he pranked me on
Matarik was just the beginning
of our prank war.

P 46-4
On the fourth day of our journey in Central Luzon, he pulled another prank by
scaring me with snakes. Takot
ako sa ahas pero hinabol niya ako hawak hawak ang mahaba at matabang cobrang
nakapulupot sa kanyang
katawan. I swear, kahit na hindi ako makahinga ay hindi natigil ang matulin kong
takbo malayuan lang siya.
Everyone became more engage on us. Ang apat na milyong followers ay mabilis
nadagdagan nang isang
milyon dahil sa lunch date prank ko sa kanya at iba pang mga sumunod. I enjoyed
every bit of it dahil bukod
sa isa iyon sa nagiging panghimagas ng lahat sa channel namin ay alam kong mas
marami pa kaming
napapasaya sa pagdami ng aming mga supporters. What I like the most about them is
that they didn't allow
negative people to ruin us. Hindi naman sa pinapakinggan ko pa rin ang mga
negatibong komento dahil wala
naman iyon para sa akin pero masayang masaya akong maraming pumo-protekta sa aming
dalawa. Like we
really have a solid foundation dahil sa mga taong nagmamahal sa amin.
"Day six, Iba Zambales," pagkatapos naming manuod ng sunrise ni Asher ay nagsimula
na akong mag-film ng
panibago video para sa bungad ng aming daily vlog. "It's another edition of hashtag
Ask KF and I'm here
again to answer your questions," I smiled and lift my phone to read some of their
messages.
"Question from Midnightflick, I just wanna share this kasi pinagpalit ko yung
formal education para sa
pangarap ko. Napapaisip ako kung worth it ba 'yung ginawa ko o hindi. Kasi sobrang
daming naghahangad na
makapag-aral sa magandang eskwelahan tapos ako sinayang ko lang. I feel so ashamed
sometimes lalo na pag
may mga taong nagtatanong sa'kin kung bakit ako tumigil at sa tuwing nakikita ko
'yung achievements ng mga
dati kong kaklase, napapaisip ako tungkol sa ginive-up ko. Can you give me some
advice? Thank you!"
"Hi Midnightflick, somehow I can relate to your question but like what I've talk in
my previous Ask KF vlog,
nasabi ko na kung bakit hindi mo dapat ikinukumpara ang sarili mo sa ibang tao. You
can read between the
lines, iba, meaning hindi kayo parehas kaya never ever compare yourself to others.
If they are doing good,
that's great pero hindi mo pwedeng ihalintulad ang buhay nila sa kung anong mayroon
ka because comparing
yourself to other people will only lead you to sadness or even worst. According to
Jeremiah 29:11, it says
God has plans for you, and His plans are to prosper you and not to harm you, plans
to give you hope and a
future. He not only plans for our future but he continues to prosper us. Sometimes
we miss out on the big
plans God has for us when we make things happen on our own but you said you give it
all up for your own
dream, right? Now I want you to ask yourself, are you happy? Did you became a
better person? Did you hurt
nobody? If yes, then you're fulfilling God's plan for you. Every desire in your
heart comes from him so do not
fret. Do not think of what other people think of you and lastly, do not be afraid
to voice out what you really
feel lalo na sa iyong pamilya. God established our human families to provides us
with peace and security,
allowing us to rise above all negativity at alam kong kahit na ano pa ang
pinagdaraanan mo ay maiintindihan
ka nila. Stop thinking all these negative thoughts because that is not a work of
God. I'm happy that you're
doing what you dreamed of and if that truly makes you happy, then I think it's all
worth it. Chill ka lang!
Focus on yourself and not others... Lastly, always ask for guidance and continue
seeking the kingdom of God
dahil iyon ang pinaka-mahalaga sa lahat. Again, happiness is just temporary but joy
is forever–At
matatagpuan lang natin ang lahat ng 'yon sa hari ng lahat ng mga hari, God."
Ngumiti at nagbasa uli ng panibago.
"Hashtag ask KF, ano pong pwede niyong mai-advice sa mga taong katulad ko na may
mga magulang na
sobrang taas ng standards?"
Nagbasa pa ako ang ilan pang parehas lang na tanong tungkol sa parehong topic.

P 46-5
"Hi skepticalkiller and YourAegyoBaby alam kong hindi lang kayo ang may parehong
problemang ganito
dahil very rampant naman siguro ito lalo na sa mga taong nag-aaral pa. There are a
lot of people who
experience the same at nape-pressure but I think hindi niyo 'yon dapat masamain.
Our parents are there to
nurture, teach and love us. They only want the best for us at kaya mataas ang
expectations nila sa inyo dahil
para rin naman 'yon sa inyong kapakanan. Again, walang magulang ang gugustohing
mapasama ang kanilang
mga anak. They set their expectations high para matuto kayong magsumikap because
our parents are only here
for a certain period of time. Habang narito pa sila, gagawin nila ang lahat ng
magagawa nila para hubugin
kayo at hasain upang sa pagdating ng panahong wala na sila ay makakaya niyo na ang
buhay nang mag-isa.
They are just challenging you to become a better version of yourself. Remember,
love your parents hindi lang
dahil iyon ang utos ng Diyos kung hindi dahil iyon ang tama. Learn how to interpret
and understand their
opinions because that is for your own good. A wise man said, love your parents
because one day whether
you like it or not, you will miss them. Imbes na isipin niyo ang negatibong dating
ng mga pangaral nila, learn
to consider the goodness of it. Hear, understand and honor them. Colossians 3:20,
Children, obey your
parents in everything, for this pleases the Lord," huminto ako at matamis na
ngumiti sa camera bago sabihin
ang aking pinal na sagot. "Please the Lord."
Marami pa akong sinagot na mga katanungan at nang matapos ay sumama naman kay Asher
para sa activity
namin ngayong araw. Ang pagbisita sa mga foundation at para tumulong doon. Gano'n
ang naging mga
aktibidad namin hanggang sa sundan kami ni Zydney.
Our activities these past few days makes me so exhausted lalo na't wala kaming
palya sa pag-abot ng tulong
sa mga nangangailangan. Wala rin kaming tigil ni Asher sa pag-surf. 'Yon na yata
ang pinaka-paborito kong
activity sa lahat ng mga itinuro niya.
"Don't tell him!" natatawang sabi ni Zydney habang inaayos ang sunod na prank na
gagawin kay Asher.
Hindi ko mapigilang ma-excite sa dahil matagal tagal na ring wala akong naging
ganting prank kay Asher.
Ngayong gabi, we will prank him by replacing the vanilla cake icing with vanilla
scented lotion. Ayaw ako
pa sanang pumayag dahil baka makain niya 'yon at sumama ang tiyan niya pero
kinumbinsi ako ni Zydney na
dapat ko na itong gantihan sa ilang beses na pagpa-prank sa akin!
"I will not."
"Good then help me!"
Naiiling akong tumabi sa kanyang gilid. I have skills in baking kaya tinulungan ko
siyang mas maging maayos
ang latag ng lotion sa ibabaw ng red velvet cake.
"You so prepared, Zyd. You even bought his favorite cake."
Tumawa siya at hanggang sa magsalita ay hindi na nawala ang ngisi.
"Sabi mo eh!"
"Pero paano natin ipapakain? Paano kapag nagtanong siya kung anong okasyon?"
Zydney chuckled again.
P 46-6
"Relax, okay? We will succeed on this. Na sa'yo ang huling halakhak, Karsyn. I'm on
your team."
May pag-aalinlangan at kaba man ay hinayaan ko siya hanggang sa muli kaming
magkita-kita sa hapag kainan.
Pormal ang naging takbo ng usapan namin na nakalimutan ko na ang gagawin. Kung
hindi pa pinakuha ni
Zydney ang cake ay tuluyan ko na iyong makakalimutan. Pasimple kong binuksan ang
camera nang sikuhin ako
ni Zyd, hudyat sa gagawin.
Parang gusto kong matawa sa inosenteng mukha ng aking pinsan habang si Asher ay
natuwa naman dahil sa
tagal naming nasa bakasyon ay ngayon nalang ulit makakakain ng ganito. Ewan ko ba,
sa ginagawa kasi namin
ay hindi na namin naiisip ang dati naming buhay. Siguro gano'n talaga kapag masaya
ka sa ginagawa mo,
nakakalimutan mo na 'yong mga bagay na hindi naman mahalaga.
"Karsyn ask me to buy your favorite cake kaya dumaan pa ako para diyan. She's so
sweet and you should
keep her forever."
Masaya akong nilingon ni Asher habang ang waiter ay inaayos ang mga platito para sa
aming dessert. Isang
simpleng tango lang ang nai-segunda ko dahil bigla akong na-guilty. He looks so
happy just by looking at his
favorite cake at kapag nalaman niyang vanilla lotion ang toppings ng kakainin niya
ay alam kong madidisappoint ito.
"You really did that, baby?"
I bit my cheeks and nodded again. Hilaw akong napangiti ngunit hindi naman niya
napansin.
Pigil ang aking paghinga habang sinusundot ang cake na inilagay ni Zydney sa
harapan ko. Ang magaling ko
namang pinsan ay nagsimula nang tikman ang slice nang kanya pero ang kinuha't
inilagay sa bibig ay ang nasa
ilalim na walang lotion para hindi magduda si Asher.
Isang malalim na paghinga ang nahugot ko nang makita ang malaking portion ng cake
na puro pa lotion na
kinuha niya sa kanyang platito. Pinigilan ko ang sarili kong pigilan siya ng
marinig ang impit na tawa ni
Zydney sa aking gilid kaya naman nang tuluyan niya iyong maisubo ay napatakip na
ako sa aking bibig!
Mabilis na pumait ang masayang mukha ni Asher nang malasahan ang secret recipe
namin ng pinsan ko!
Nagmamadali niyang kinuha ang napkin para iluwa iyon ngunit bago pa makapagtanong
ay agad na rin niyang
nalaman ang sagot dahil sa sabay naming paghalakhak ni Zydney!
"Boy, you got pranked!" nagbubunying hiyaw ng pinsan ko habang ako naman ay
kinukuha na ang camera para
ituon sa kanyang mukhang hindi na maipinta.
"How's the vanilla lotion, Mr. Right?!" mapang-asar na tanong ni Zyd rito.
"I knew it! Damn!" natatawa nitong sagot pero bago pa makapag-reklamo sa akin ay
agad nang kumuha si
Zydney nang lotion sa ibabaw ng cake at agad na ipinahid sa buong mukha ni Asher na
hindi na nakaligtas at
natawa nalang rin pero dahil natural na competitive si Asher ay hindi ito nagpatalo
at agad na hinabol ang
pinsan ko para gantihan!
Gusto ko sanang tumayo para sundan sila sa paghahabulan pero dahil napagod ako sa
buong araw na pagsusurfing ay kinunan ko nalang silang dalawa.

P 46-7
"And I think team Karsyn won again!" masaya kong sambit sa camera habang
pinagmamasdan sila.
I am happy. I truly am. Hindi lang dahil sa maayos na ang lahat sa pagitan nilang
dalawa at mas maayos na
rin ang lahat ng kung anong mayroon sa amin pero nang makita ko ang mabilis na
paghuli ni Asher sa katawan
ng aking pinsan ay parang may sumikdo sa aking puso.
Ang aking tuwa ay dahan-dahang napawi. Alam kong masaya ako pero wala akong naisip
sa pagkakataong
'yon kung hindi ang kasiyahan ni Zydney.
I realized that I've never see her this happy. Parang may muling kumurot sa aking
puso. All this time, parang
ngayon ko lang naisip na hindi pa ako nakakaganti sa kanya sa lahat ng mga bagay na
ginawa at isinakripisyo
niya para sa akin. I never did something to make her Iike this... Unti-unti akong
kinain ng guilt habang patuloy
silang pinapanuod na nagkakatuwaan.
Asher makes her happy at sobrang saya ko para sa kanya... Pero parte noon ang
lungkot at pagsisisi dahil
wala pa akong nagagawa para gawan ng mabuti ang pinsan ko at pasayahin rin gaya ng
walang humpay
niyang ginagawa para sa akin.
I feel like I'm being selfish. Habang nananatili sa aking pwesto at nanunuod sa
kanila ay umulit sa akin ang
lahat ng dahilan kung bakit ako nag-umpisa. Kung bakit kailangan kong iwan ang
lahat at kung bakit may mga
bagay na dapat kong iwasan at hindi i-priority... Ang pagmamahal, ang pagiging
makasarili. Si Asher...
Kami...
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Naku parang nakikita ko na kung ano ang ending nito... Magpaparaya sya sa pinsan
nya sa dulo... At cguro may sakit sya... Dun palang sa part
na no more secrets.. Mukhang di sya cgurado sa sagot nya... Ang ending ung pinsan
at si asher sa Huli... Naku nku... aq lng ba nkakapansin n
parang may mali tlga.. omigosh! aukong basahin ang dulo.. peru feling q may sakit
tlga sya..??

P 46-8
CHAPTER 44
6.1K 461 196
by CengCrdva

CHAPTER FORTY FOUR


Depression
"Are you okay?"
"Yeah. Medyo napagod lang ako pero maayos ako. Thank you for pulling that epic
prank yesterday." buong
puso kong pasasalamat sa kanya nang makabalik na kami sa aking kwarto matapos ang
buong araw na pagbavlog at pag-surf.
Kasalukuyan niyang tinatapos ang video na 'yon para ibahagi sa mga manunuod na
tiyak na matutuwa na
naman sa aming nagawa. Nang matapos siya ay tinabihan niya na rin ako sa kama.
Simula nang makita ko ang parteng sobrang saya niya ay parang gusto ko nalang
humingi ng tawad sa kanya.
Ni minsan ay hindi ako nakaganti. Ni minsan ay hindi ako nag-effort na pasayahin
siya. Sa buong buhay namin
ay nasa akin ang kanyang buong atensiyon. Ang kasiyahan at kapakanan ko ang palagi
niyang inuuna na maski
ang sarili niya ay nakakalimutan at handa niya ring kalimutan para sa akin.
"What do you think about Asher?" wala sa sariling tanong ko nang humarap siya sa
akin.
Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay pero agad naman akong sinagot.
"Well, apart from his awesomeness, this time I realized how sincere he was just to
be with you. He truly
loves you at wala nang dapat itanong doon. His intentions are pure and his love for
you is endless."
Pinilit kong tipid na ngumiti.
"Do you think he can be a good partner?"
"I never doubt that."
"Do you think he's not capable of hurting someone?"
Sandali siyang napaisip sa tanong ko.
"Well, that depends on the situation," inosente siyang tumawa. "Asher can be a
little possessive at alam kong
pagdating sa'yo, kaya niyang manakit huwag ka lang mapasama."
Pinilit kong huminga ng malalim para tanggalin ang bigat sa aking dibdib. I just
can't stop thinking about
everything...

P 47-1
"Why? Is there something wrong?" nag-aalala niyang tanong nang hindi na ako umimik.
Ngumiti ako at agad na umiling.
"Nothing. I just want to ask your opinions about him."
Umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti.
"Are you saying yes to him na?" sa pagka-excited ay hindi na niya napigilang
hawakan ang aking kamay.
"Karsyn, ako ang unang unang matutuwa kapag nangyari 'yan! I know Asher is the one
for you. Alam mo kung
gaano ako naging overprotective sa'yo pagdating sa mga lalaking nagtangkang
umaligid sa'yo noon pero
kapag kay Asher ay hindi ako nag-aalala dahil alam kong totoo ang intensiyong
mayroon siya," nakagat ko na
ang aking labi ng muling maramdaman ang kanyang pagpisil. "He is the one for you.
He is your Mr. Right."
madiin niyang banggit sa huling salita.
I want to voice out everything but I just couldn't. Namutawi sa puso ko ang pag-
asa... Pag-asa sa lahat ng
bagay para sa nakabubuti.
"Are you okay?" may bahid ng pag-aalalang tanong ni Asher matapos akong balikan sa
dalampasigan
kinabukasan habang nasa gitna ng activity.
Kung noon ay nakakaya kong magbabad sa tubig, ngayon naman ay sandali nalang dahil
mabilis akong
mapagod. Siguro ay dahil ilang buwan na kaming walang kapaguran at tuloy-tuloy lang
sa ginagawa kaya
ngayon ay nararamdaman ko na ang epekto ng lahat. Nagpapasalamat nalang talaga ako
dahil naroon si
Zydney para samahan siya.
Ibinaba ko ang aking cellphone at ang camera para sagutin siya. Pasalampak siyang
naupo sa aking tabi.
"I'm okay. Dito nalang muna ako. How's Zydney?"
Nakangiti niyang nilingon ang aking pinsan at pagkatapos ay ipinagsalikop ang aming
mga kamay.
"She's a fast learner like you. Ilang minuto palang nakuha na niyang ibalanse ang
sarili sa board."
I smiled sweetly at him.
"Thank you for teaching her."
"You're always welcome, baby."
Umayos ako ng upo at pumihit para harapin siya ng mas maayos. Kumunot ang kanyang
noo ng makita akong
seryosong nakatitig lang sa kanyang mukha. I don't know why I'm doing it but I just
feel the need to.
Habang sinasaulo ang hugis at kulay ng magaganda niyang mga mata, ang matangos na
ilong, mga labing
walang kasing pula at ang hugis ng kanyang perpektong mukha ay wala akong naisip
kung gaano ka-swerte
ang babaeng mamahalin niya.
Ako... I am so lucky...

P 47-2
Wala sa sariling nakagat ko ang aking labi ng maramdaman ko ang lungkot sa aking
puso. I realized that there
is really nothing to hate about him. Wala ni isang rason para hindi ko siya mahalin
pabalik... In fact, I think I
am in love with him... So much... Kaya ko nararamdaman ang lahat ng lungkot at
takot ngayon sa aking puso.
I don't know how to love. Wala akong alam at natatakot akong baka sa huli ay
masaktan ko lang siya because
that would be unfair... So unfair...
"Are you sure you're okay?"
Marahas akong napalunok sa pagpukaw niya sa akin. He tilted his head just to look
back at me with the same
intensity.
"Are you thinking about another prank, huh? Baby, it's my turn. Give me a chance to
get back to you bago ka
mag-isip ng panibago." nagbibiro niyang sabi.
Natawa ako at muling umiling.
"Wala akong iniisip na masama sa'yo."
"Good!" his smile widened as he held my hand and guided it to his lips then kisses
it twice. "So anong iniisip
na mabuti sa akin ng baby ko?"
Wala sa sariling napangisi ako dahil sa napakalambing niyang boses na tila
tumatagos hanggang sa aking
kaluluwa. Sumiksik ako sa kanyang katawan at hinayaan siyang akbayan ako habang ako
naman ay niyakap
siya.
"You are a good man, Asher... You deserve all the best things in the world." bulong
ko habang nakatingala sa
kanya.
"You mean, you?"
I blushed profusely at that.
"Do you really think I am the best you could have?"
"That's not even a question. You are the only one I wished I could have, baby...
Nothing else matter mapasa'kin ka lang. Ikaw ang importante. Ikaw lang." giit niya.
Marahan kong ibinaba ang titig sa kanya at hinigpitan ang yakap sa kanyang katawan.
His words are so
fluttering na para akong dinadala sa langit pero patuloy akong hinihila ng mga
katanungan sa utak ko. What if
I hurt him? Paano kung magkamali ako?
Nanatili kaming magkayakap. Hinayaan ko siyang halikan ang aking buhok habang
ginagantihan ang ginagawa
kong pagyakap sa kanya. He even teased me na nagiging clingy ako at gustong gusto
niya 'yon.
Nang bumitiw ako sa kanya ay sinabi kong balikan na niya si Zyd para turuan ito ng
ilan pang minuto bago
kami kumain ng tanghalian.
Habang lumalayo si Asher sa akin ay nagtatalo ang tuwa at lungkot sa aking puso na
hindi ko na malaman

P 47-3
kung ano ang pakikinggan at ano ang papanaluhin.
Muli kong kinuha ang aking camera at itinutok iyon sa kanila. Kabaliwan man ang
nasa isip ko pero hindi ko
mapigilang isipin kung gaano sila kabagay sa isa't-isa. Asher is competitive gano'n
rin si Zydney and the
latter is braver and stronger than me at mas hulma sa personalidad niya.
Alam kong kabaliwan ang nasa isip ko pero imbes na selos ang maramdaman ay tanging
kasiyahan lang ang
nararamdaman ko sa parteng para sa aking pinsan. Naalala ko noong mga bata kami ay
sabay kaming
nangarap na isang araw ay makakatagpo ng isang lalaking walang ibang gagawin kung
hindi ang mamahalin
kami habang buhay gaya ng mga prince charming na aming napapanuod at hanggang
ngayon ay hindi nagbago
ang hiling kong 'yon para sa kanya.
I wish Zydney all the happiness in the world. Kung pupwede nga lang, walang
pagdadalawang-isip kong
ibibigay si Asher dahil alam ko kung paano magmahal ang gaya niya. Kahit wala pang
isang taon kaming
magkakilala ay alam ko na kung gaano siya kabuti. Kung gaano siya katotoo sa
kanyang mga salita. Kung
gaano katatag at kalayo ang mararating ng kanyang pagmamahal...
Mapait akong napangiti at ipinilig nalang ang ulo bago nagsimulang magsalita sa
harapan ng camera at ikwento ang mga nangyari sa nakalipas na oras.
Nang matapos kami sa activity at pag-aayos ng sarili, dumiretso na kami sa
restaurant kung saan kami
hinihintay ni Asher. Malayo palang ay napangiti na siya nang matanaw kami. I smiled
back at him. Tumayo
siya ilang hakbang bago kami makalapit at nang matapat na ako ay hinila na niya ang
upuan para maupo ako
roon pero nilagpasan ko siya.
"Dito nalang ako sa harapan niyo." nakangiti kong sabi.
"Karsyn, ako na diyan. Tabi na kayo ni Asher." giit ni Zyd nang makitang tatatlo
lang ang upuan at hindi na ito
makakalipat dahil nasa dulo kami at masyadong masikip na dahil sa dami ng mga taong
kasalukuyang
kumakain rin.
"Dito nalang ako," umupo na ako. Nagkatinginan si Asher at Zydney pero dahil sa
pagpupumilit ko ay wala
na ring nagawa.
Sa buong durasyon ng kainan ay hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mga naisip
simula nang gabing makita
kong masaya si Zyd. Pilit kong iniisip kung kailan ko siya huling nakitang gano'n
pero bigo ako. Kahit ngayon,
kahit simpleng pag-uusap namin ay masaya ang pinsan ko dahil bukod sa kasama ako ay
narito rin si Asher na
siyang humahalili sa kanya para bantayan ako.
We talked about our plans after this. Ang sunod naming bibisitahin ay ang Northern
Luzon pero hindi na
makakasama si Zydney dahil kailangan niyang bumalik sa Manila bago ang panibagong
linggo.
Ang isa pang araw na lumipas ay iginugol namin sa ilang eskwelahan gaya ng ginawa
namin sa lahat ng lugar
na aming napuntahan. May mga binisita rin kaming organisasyong pang mahihirap at
nag-abot ng tulong para
sa kanila.
"Day Eight, Central Luzon," maaga akong nagising at madilim pa nang simulan ko ang
aking sunod na content
habang payapa pa ang paligid at tulog pa si Zyd.
P 47-4
"Good morning everyone. I hope you are all well! Before I begin, I just want to say
thank you for your
unending support. It's overwhelming because the love you all have for us were
overflowing. Maraming
maraming maraming salamat sa inyo," nilunok ko ang aking mga emosyon para
makapagpatuloy ako sa
gagawin.
"I want to share something to all of you today especially to those who feel empty
and depressed. Everyone of
us already experience this at some point in our life and I think I've already
talked about this before.
Depression are caused by a lot of factors. It can be social, natural, etc. Some of
us didn't even know how or
where it came from. Minsan bigla nalang nating mararamdaman na sobrang lungkot
natin at kahit tayo, hindi
na natin maintindihan ang ating mga sarili. May mga oras na gusto nalang nating
matulog at iiwas ang sarili sa
mga taong malapit sa atin. We tend to have low interest on the things that we love
to do. Nawawalan ng
interes at gana sa buhay nang biglaan. Other people became extremely irritable
kahit sa maliliit na bagay and
the list goes on. If you are currently experiencing one, I want you to listen and
do not be afraid to talk about
it. Lahat tayo ay may utak at lahat tayo ay nakararanas nito. In fact one of the
prophet, Elijah, experienced one
na umabot sa puntong gusto na niyang mamatay. When Queen Jezebel said she would
kill him, he left his
servant behind and ran into the wilderness where he sat under a broom tree and
prayed he would die because
he lacked faith. Sa buhay, normal na makaramdam tayo ng pagod na umaabot sa puntong
gusto na nating
sumuko but what God say about it?" Huminga ako ng malalim at dahan dahang sinambit
ang isa sa mga
paborito kong bible verse. " Matthew 11:28-30, Come to Me, all you who are weary
and burdened, and I
will give you rest. Take My yoke upon you, and learn from Me, because I am gentle
and humble in heart,
and you will find rest for your souls. For My yoke is easy, and My burden is
light."
"Rest is really one of the key para ma-overcome ito. Kapag masyadong pagod ang
ating katawan ay mahina
ang ating pag-iisip at doon mas makapangyarihan ang masama. Isa sa mga utos ng
Diyos ang magpahinga,
kumain ng tama at pahalagahan ang sarili. Have enough rest but not too much dahil
kapag sobra naman, mas
lalo tayong malulunod sa negatibong emosyon. If you are feeling depress, know how
to talk to the right
person. Marami sa atin ang nahihiyang magsabi dahil takot na mahusgahan dahil kahit
tayo ay nabababawan
sa ating mga dahilan but it's really important to let it all out and know what
causes you to be depress. Other
ways to overcome it is stop judging, rejecting and isolating people in yourself
physically and spiritually.
Yes medicines can also help but spiritual healing is the most important thing in
dealing with depression. We
need to put back the broken pieces in our heart, mind and soul and we can only do
this through fellowship.
Strengthen your faith and lift it all to God, Almighty. I want you to not be
ashamed and realized that you are
not the only one who suffers. This is a battle we must fight. Some fears we must
face and some things we
must all go through because we are all born again in this world to face a real
battle, a real struggle. The
attack of the enemy often manifest itself in an overwhelming sense of anxiety. He
is like a roaring lion
waiting and looking for a person he will destroy. A family that he can tear apart.
A future he can ruin before
it can even started and I want you to stop listening to that lion."
" 1 Peter 5:9, Resist him, standing firm in the faith, because you know that the
family of believers
throughout the world is undergoing the same kind of sufferings," wala sa sariling
napapikit ako upang
simulan ang positibong panawagan. "If you find yourself under attack today, you
need to know that the hands
of God is guiding you, leading you. That same hand that split the sea open so his
people can walk right
through. The hand of God will make a way when there's no way. The hand of God is
over your life. The hand
of God represents the plan of God, the prevision of God and I want you to humble
yourself under it. Keep
yourself low so God will raise you up. Resist the Devil and cast all your anxieties
in him... Holy God, help
your people. Help them resist evil. Bless them with a peaceful heart, mind and
soul. Help us see the
goodness of life and not our imperfections. Help us strengthen our faith in you, oh
Lord. Lead your children

P 47-5
to your kingdom and save us. We do this in your glorious, holy and great name,
Amen." dumiin ang aking mga
talukap at dinama ang lahat ng mga salitang galing sa kailaliman ng aking puso.
Hinayaan ko ang sarili kong manahimik sandali at nang dumilat ay buong puso akong
ngumiti.
Pagkatapos kong magpaalam ay bumalik na ako pero nahinto ako sa paggalaw nang
makitang si Zydney na
mahimbing pang natutulog. Nakita ko ang tulala kong sariling lumalapit sa kama
upang pagmasdan siya. Oo
nga at milyon na ang mga taong napasaya ko at marami na rin akong natulungan pero
sa mga taong malapit sa
akin ay wala pa akong naging ganti.
Marahan akong tumabi sa kanya. Hindi ko na alam kung ilang oras akong nag-iisip at
nakatitig lang sa kanya.
I was bombarded with so many questions pero naputol ang lahat nang 'yon ng
maramdaman ko ang paggalaw
niya. Mabilis akong pumikit at umaktong tulog. Pinakiramdaman ko siyang umalis at
matagal bumalik sa kama
pero sa paglapit ay agad na akong ginising.
"Karsyn, wake up! Malapit nang lumabas ang araw at baka mahuli ka sa date niyo ni
Asher." aniya sabay
yugyog pa sa aking balikat.
I groaned silently at kunwaring kakagising lang pero imbes na magmadali ay ibinalot
ko ng mas mabuti ang
comforter sa aking katawan.
"What are you doing? Kilos ka na." umupo siya sa aking tabi ngunit umiling lang
ako.
"Can you do me a favor?"
Nagsalubong ang kilay niya't hindi siguradong ipinukol ang titig sa akin.
"What?"
Marahan akong bumangon ng kaunti sa kama.
"Pwede bang ikaw nalang ang sumama kay Asher? I'm not feeling well,"
Dumiin ang titig niya sa akin pero nagpatuloy ako. I found myself making alibi's
dahil ang totoo, gusto kong
mas makilala niya si Asher. I want to see her happy again... Dahil sa ngayon, wala
akong gustong gawin kung
hindi ang pag-isipan ulit ang lahat...
"I don't want to–"
"Please, Zyd? I just feel so sleepy and tired. Sayang naman kasi kung hindi ako
pupunta. Please?"
Sa pagbalik ko sa pagkakahiga ay wala na siyang nagawa. Sumegunda pa ulit ako ng
mga dahilan para
kumbinsihin siya kaya nang pumayag na ito ay wala nang pagsidlan ang tuwa sa puso
ko.
Awtomatiko akong napapikit nang makita ang pagsara niya ng pinto upang puntahan na
si Asher at ipaliwanag
na maayos lang ako pero hindi makakapunta dahil sa maraming dahilang binigay ko.
I am happy... I truly am... May parte man sa akin ang nagi-guilty dahil sa hindi
pagsipot sa usapan pero alam
kong dito magsisimula ang lahat... Dito ko sisimulan ang lahat dahil ito ang
tama... Sana maging tama ako...

P 47-6
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
LOL Parang pinagtutulakan nya ang pinsan nya kay asher nang paunti.. Naku naloka
ako sa chapter na to ah. Sa Huli ang pagsisi. Wag namn
sana

P 47-7
CHAPTER 45
6.8K 543 160
by CengCrdva

CHAPTER FORTY FIVE


Where He Belongs
Everything went well. Ang date at panunuod nila ng sunrise ay naging maayos at
masaya akong dahil doon ay
nagkaroon pa silang dalawa ng pagkakataong magkakilanlan.
"Move closer, Asher!" natatawang hiyaw ko habang pinapaurong ito sa tabi ni Zydney
upang kunan sila ng
picture.
Naiilang man pero sa pagpupumilit ko ay nagawa nilang maglapit gaya ng aking utos.
"Perfect!"
"Now it's my turn to take pictures of you two!" nagmamadaling lumayo si Zydney kay
Asher at ipinagtulakan
ako sa tabi nito.
Napadiin ang aking mga labi ng maramdaman ang agarang pagpulupot ng kamay ni Asher
sa aking bewang
habang ipinapakita ang maganda view sa resort bago namin ito lisanin. Ngayong araw,
pagkatapos ng
ginagawa ay tutulak na kami patungong Northern Luzon habang si Zydney naman ay
babalik na rin sa Manila.
Marami na kaming nakaplanong gagawin lalo na ang pagbisita sa mga Aetas pero mas
ikinai-excite ko ay ang
muling pagbabalik ni Zyd next week para muli kaming samahan.
Matapos ang kuhanan ng litrato ay hindi na rin kami nagtagal. We bid our goodbyes
at tumungo na sa kanya
kanyang destinasyon.
Eros:
Good to know na malalayo na kayo kung saan malapit ang mga Zisneros.
Igo:
Bro, totoo. Baka next vlog ni Karsyn may murder nang naganap eh! Hahaha!
Zake:
Mr. Right or Mr. Killer?
Gerald:
Selos na selos, bro! Kitang kita naman. Grabe talaga ang pag-ibig!

P 48-1
Trystan:
Humanap ka kasi ng sa'yo. Inggit na inggit ka na.
Hindi ko mapigilang matawa habang sinusulyapan si Asher na seryosong nakatuon ang
tingin sa daan at
nagmamaneho.
"Hmm?"
Umiling ako.
"Nothing. I'm just reading their conversation." ipinakita ko sa kanya ang aking
teleponong laman ang group
chat kasama ang kanyang mga kaibigan.
"Let me guess, sinisiraan na naman ako?"
Napahagikhik ako at umiling.
"Hindi naman."
"These jerts. Can you tell them na mamaya na ako pag-usapan? I'm busy."
Marahan naman akong tumango bago bumalik sa aking telepono pero hindi ako kaagad
nakapag-type dahil
naaliw ako sa pagbabasa ng mga sumunod nilang mensahe.
Eros:
Parang siya hindi naiinggit!
Trystan:
I'm not.
Sergio:
Si Trystan maiinggit? Eh araw-araw nasa tabi si Raffy.
Ivan:
So kayo na rin talaga?
Trystan:
Are you really asking me that?
Lance:
Fuck boy alert.
Trystan:

P 48-2
Wow, congrats! You're not late this time!
Lance:
../..
Jacob:
Remove it you a-hole!
Lance:
Since when did we remove messages?
Jacob:
Hindi lang ikaw ang tao rito.
Eros:
Ang overprotective talaga ni Senyorito... ??
Jacob:
Shut up, Eros. You know Karsyn is still in this group, right?
Eros:
Hala bakit ako? Sinasabi ko lang na sweet ka bakit parang kasalanan ko? Gago kasing
Lance 'to! Delete your
stewpead comment you stewpead bum bum.
Lance removed his comment.
Lance:
What happened to Zydney? Can someone add her again?
Doon na ako nakakuha ng pagkakataong sumali. Una kong ginawa ay ibinalik si Zydney
sa group pagkatapos
ay nag-type na ng mga sinabi ni Asher.
Ako:
Asher is driving. Sabi niya mamaya niyo na raw siya pag-usapan.
Zydney:
Take care, you two!
Napangiti ako ng makita ang message ng aking pinsan.

P 48-3
Ako:
Ikaw rin. See you soon!
Igo:
Dang. I wish I'm not busy so I can see Mr. and Miss right again.
Jacob:
Same.
Eros:
Weh?
Jacob:
Ano na naman?
Eros:
Hindi ka naman busy sa work eh. Sa pagbabantay ka busy. If you know what I mean. ??
Jacob:
Shut up.
Eros:
I love it you call me, Senyorito... I wish I could pretend I didn't need ya. But
every touch is ooh la la la...
Nagpatuloy muli si Eros sa pang-aasar kay Jacob hanggang sa nakisali na ang ilan
maging ang pinsan ko.
Hapon na ng makarating kami sa aming bagong tutuluyan. Ang mga sumunod na oras sa
dalampasigan namin
ni Asher iginugol. I am truly amazed by God's creation. Ang bawat lugar na aming
napuntahan ay magkakaiba
man pero iisa lang ang gustong ibigay. Peace and comfort.
"You just reached another million views, baby," masaya niyang ipinakita sa akin ang
huling video na inupload ko noong isang gabi lang. "Congratulations."
"Thank you." I answered.
Binitiwan niya ang kanyang telepono at inayos ang pagkakaupo sa aking tabi.
Pinanuod ko siyang muling
ipagsalikop ang aming mga kamay at ang isa ay ipinatong niya pa sa likod ng palad
ko upang tuluyang
ikulong.
"You're a walking bible. I'm amazed by that."
"Zyd taught me everything about it."

P 48-4
"Really?"
Ngumiti ako at tumango.
"Noon pa man, siya na talaga 'yung pala-dasal. Her faith is really strong to think
na wala namang relihiyoso
sa pamilya namin. Ni minsan hindi siya nahihiyang ipangalandakan ang pagmamahal sa
Diyos. Her parents
thought she was gonna pursue something related to it pero hindi naman. She still
obeyed them dahil wala
naman nang magmamana ng lahat kung hindi siya."
"I see."
Bahagya akong napaangat palayo sa kanyang katawan nang maalala ko iyong unang pag-
uusap namin tungkol
sa kanya kanyang paniniwala. If I can remember clearly, he said na hindi siya
naniniwala sa Diyos, sa
kapangyarihan ng paniniwala at sa pagdarasal.
"Do you watch all my vlogs?"
Marahan siyang tumango.
"You understand my preaching?"
"Yeah."
"So do you now believe in what I'm doing? Sabi mo, marami ka nang natutunan sa
akin. Did you learn
something about faith? God?"
Ibinalik niya ang tingin sa dagat. Naramdaman kong ang panghihina ng aking puso ng
makita ang kanyang
marahang pag-iling.
"I believe in you," mahina niyang sambit. "And I'm truly amazed by your words but I
still don't believe that
there's this God who's above all us."
That made me bit my lip. Pakiramdam ko ay may bumagsak na mabigat sa aking puso.
Somehow, kahit na
maganda ang takbo ng ginagawa namin, marami akong mga taong natutulungan at
napapasaya ay ramdam ko
pa rin ang kabiguan dahil sa narinig sa kanya.
"Why?"
Tinanggal niya ang isang kamay at itinukod iyon sa buhangin. Nagkibit muna siya ng
balikat bago ako
binalingan ulit.
"I don't know."
"But you said you believe in everything that I said."
"I believe you, ikaw lang."
Sandali kong naitikom ang aking bibig. Kahit na nilukob ng matinding lungkot ang
puso ko ay nagawa ko pa
ring magpatuloy.

P 48-5
"That's... That's sad."
Hindi siya kumibo ngunit nanatili lang na nakatingin sa akin. Marahan niyang
pinisil ang aking kamay.
"I'm sorry, baby... but can we change the subject? I'm not comfortable talking
about my beliefs dahil alam
kong magkaiba tayo. I'm sorry..."
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay marahan nalang tumango. I'll give him time.
Mahirap makipagtalo
lalo na't ayaw kong magkasamaan kami ng loob but I'm still positive that one day,
Asher will learn to know
God. I know he will seek his kingdom because that's where he belongs. Hindi
magiging madali pero positibo
akong mangyayari 'yon dahil anak siya ng Diyos. He is perfectly made by him simula
sa panlabas hanggang sa
kaloob-looban.
Nagpatuloy kaming mag-usap ng ibang usapan pero habang ginagawa 'yon ay wala akong
naisip kung hindi
ang panibagong misyon ko. Siya. I want to introduce God to his life. Alam kong
makakaya ko 'yon dahil
nasabi niya na rin na marami na siyang natututunan sa akin at lahat ng 'yon ay
galing sa may gawa ng lahat
kaya kahit magiging mahirap, gagawin ko.
"Can we get a tattoo?" wala sa sariling bulalas ko nang mabanggit kong isa pa 'yon
sa gustong gusto kong
gawin.
"No."
"Why not?" kunot noo kong tanong sa kanya. "I need to tick that out of my list,"
nilingon ko ang isang gawing
abala dahil sa dami ng mga turista. Ang gawing mayroong tattoo parlor at itinuro
'yon.
"There."
"I won't let you."
Malungkot akong bumaling sa kanya.
"Why not?" ulit ko.
"Baby, this is permanent at matagal dapat pinag-iisipan bago gawin–"
"Matagal ko nang napag-isipan, Asher," ako naman ang pumisil sa kanyang kamay. "I
want to get a tattoo
now."
Nakita ko ang malalim niyang pagbuntong hinga.
"Please?"
He swallowed hard at that.
"What will you gonna get?"
"You'll see." masaya akong tumayo dahil ramdam ko ang kanyang unti-unting pagpayag.

P 48-6
Malawak ang ngiti kong inilahad ang kamay sa kanyang harapan.
"Let's go?"
Nalaglag ang kanyang mga mata doon pero nang galawin ko ay hindi na siya
nakatanggi.
Habang palapit kami sa tattoo parlor ay paulit-ulit ang pagpapaalala niya sa akin
kung gaano kasakit ang
aking gagawin pero wala akong ibang isinagot kung hindi ang determinasyon kong
gawin ang plano.
Matagal nang nasa isip ko ang pagpapa-tattoo pero ni minsan ay wala naman akong
naisip na ipalagay sa
katawan ko nang permanente. Bukod sa baka napatay ako ni Daddy noon dahil masyado
pa akong bata,
marami rin akong hesitations sa gagawin ngunit ngayong gabi ay tuluyan nang nabuo
ang lahat ng matagal ko
nang gustong gawin.
He was anxious when I left him para kausapin ang tattoo artist. Sandali lang kaming
nag-usap dahil mukhang
alam na alam naman na niya ang kanyang ginagawa kaya hindi na rin ako nahirapang
magpaliwanag. Isa pa,
isang salita lang naman ang ipapalagay ko.
"Karsyn, this is not a good idea–"
"Asher, relax..." hinawakan ko ang kanyang kamay at pilit siyang pinakalma.
Alam kong marami siyang agam agam sa aking gagawin pero buo na ang loob ko at kahit
ayaw niya ay wala
na siyang magagawa pa.
Nang bumalik ang tattoo artist ay sumama na ako rito pero gano'n rin si Asher na
hanggang sa makaayos ako
sa upuan ay hindi natigil sa akin sa pagpapaalalang mali ang desisyon ko.
"Relax, okay?" marahan ko siyang inabot at hinila paupo sa silyang nasa aking
gilid. "Sabi mo masakit 'di
ba? Then hold my hand while we do it."
Tumagal ang kanyang pagtitig sa akin dahil sa hindi kasiguruhan.
"Please? Baby?" malambing kong bulong dahilan ng agarang pagrolyo ng kanyang adams
apple sa kanyang
lalamunan.
Ang pagkatulala niya dahil sa narinig na salita mula sa aking mga labi ang naging
lakas ko para umpisahan na
ang gagawin. It wasn't that painful pero hindi rin naman komportable ang
pakiramdam. He was constantly
asking me if it hurts at sa tuwing napapapikit ako ay parang gusto niya nalang
sapakin ang tattoo artist kaya
kahit medyo klarado na ang kirot ay hindi na ako pumikit pa para hindi na siya mag-
alala.
"We're almost done." masayang anunsiyo ng lalaki habang inaayos nalang ang huling
touch up ng tattoo sa
aking palapulsuhan.
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang tumigil ang ingay ng gun kasabay ng
muling pagsasalita nang
kabadong tattoo artist dahil sa matatalim na titig ni Asher na hindi naputol.
"Thank you!" halos maluha ako nang matitigan ang una at permanenteng tatak sa aking
katawan.

P 48-7
Tumayo si Asher at marahang hinuli ang aking kamay bago basahin ang nakasulat doon.
"Faith..." maingat niyang sambit.
Marahan akong tumango tango habang nakatitig rin doon.
"Why?"
Pormal kong ibinalik ang aking mga mata sa kanyang nalilitong titig.
"This is my mission," panimula ko. Pinisil ko ang kanyang kamay bago nagpatuloy.
"You are my mission,
Asher... I hope one day you understand faith and it's work. Hinding hindi ako
magsisisi sa markang ito dahil
malaki ang kahalagahan nito sa akin... And I'm hoping na sana isang araw ay gano'n
rin sa'yo."
Masaya akong ngumiti sa kabila ng kanyang kalituhan.
"This tattoo will always be a reminder of you dahil alam kong mabuti kang tao at
isang araw ay positibo
akong maniniwala ka rin sa kanya." muling nalaglag ang kanyang mga mata sa aking
kamay.
Gumalaw ako para ako naman ang humawak sa kanyang palad. He wast left speechless
because of what
happened pero sigurado akong naipaliwanag ko naman 'yon ng maayos.
Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa muli kaming puntahan ni Zydney. Kaya
lang this time,
dalawang araw lang itong mamamalagi. Nang magkita kami ay sandali lang naming
pinag-usapan ang aking
tattoo dahil alam niya namang isa 'yon sa gusto kong gawin noon pa at imbes na
pagalitan ako ay inintindi
niya nalang.
I was watching them from afar. Masaya silang nakikipag-sayaw sa mga turistang gaya
namin nang sumapit
ang gabi at magkaroon ng event ang resort na aming tinutuluyan. Kinuha ko ang aking
camera at muli iyong
itinutok sa kanilang dalawa. I want to capture every moment of it. Ang lahat ng
wagas nilang ngiti habang
walang pakialam na nakikipag-halubilo sa lahat. Natigil lang ako nang makita ang
pagbalik ni Asher sa aming
lamesa ilang minuto pa ang lumipas.
"Baby, let's dance?"
Kanina niya pa ako niyayaya pero pilit naman akong tumatanggi. Bukod kasi sa
parehas na kaliwa ang mga
paa ko ay pagod na pagod rin ako gawa ng pagdalaw namin sa mga Aeta kanina.
"Kayo nalang. I'll stay here, Asher." matamis akong ngumiti ngunit agad iyong
naputol ng tabihan niya ako.
Masaya rin siyang ngumiti at walang pag-aalinlangang kinuha ang aking kamay at
hinalikan 'yon.
"I'll stay here with you."
"Asher, sige na. Samahan mo na si Zyd."
Umiling siya.
"No."

P 48-8
Magsasalita pa sana ako para kumbinsihin siya ngunit parang sumasang-ayon naman sa
akin ang tadhana dahil
sa biglaang pagkakaroon ng kumosyon kung saan ang pwesto nila ni Zyd kanina.
"Asher, si Zyd!" alerto niyang nilingon ang gawi at nang makita ang pinsan kong may
kinakausap na lasing na
lalaki ay wala nang pag-aalinlangan itong dumalo roon para ipagtanggol ito.
Mabilis ang naging pagkabog ng aking puso at agad na napatayo nang sunod kong
masaksihan ang pagsapak ni
Asher sa lalaki at ang mabilis namang pag-awat ng aking pinsan. Gusto kong tumakbo
para lapitan sila dahil
nag-aalala ako pero nang makita kong protektado ito ni Asher ay hindi na ako
nakagalaw.
Kung hindi ko pa nakita ang pagdalo ng mga security ng resort ay hindi pa mapupukaw
ang aking utak sa
paglalim ng nasa isip. Kahit na magulo ay nagawa naming makabalik sa aming kanya
kanyang silid ng
maayos. Maagang natapos ang selebrasyon dahil sa lalaking nambastos sa aking pinsan
na kamag-anak pa
mismo ng may ari ng aming tinutuluyan.
"I'm okay... I'm sorry I ruined the night." malungkot na sabi ni Zydney habang nasa
kwarto kami habang si
Asher naman ay nakikipag-usap pa rin sa mga may ari ng resort at pulis.
"Zyd, it's not your fault."
"Is it my dress? Is it too revealing para gawin 'yon?" malungkot akong umiling
habang pinagmamasdan ang
kanyang kabuuan.
She's wearing a long red beach dress at normal na kita ang mga balikat pero wala
akong nakikitang dahilan
para mabastos siya.
Hinuli ko ang kanyang kamay at ilang beses iyong pinisil, gustong ipaintindi na
wala siyang kasalanan sa
lahat ng nangyaring kaguluhan kaya hindi niya kailangang ma-guilty. She was the
victim here.
"Zydney, what you wear doesn't matter. Wala kang kasalanan sa nangyari. It's just
that maraming tao ang
nabuhay na mapagsamantala at hindi mo kasalanan 'yon. It is your body at walang
sino man ang may
karapatang gawin ang gusto nila dahil lang sa pananamit mo. No one deserves to be
treated like that and I'm
sure Asher will do everything just to get justice for what happened."
Napabuntong hinga siya at napayuko. Mas lalo akong nalungkot ng makita ang kanyang
kalugmukan pero nang
bumalik si Asher at ipinaliwanag ang lahat ng nangyari sa pag-uusap ay pare-
parehong kaming nakahinga ng
maluwag.
Hinatid ko si Asher hanggang sa labas ng aming kwarto pero bago pa siya makaalis ay
agad kong hinawakan
ang kanyang kamay.
"Thank you, Asher... Thank you for making her safe."
Tipid na sumilay ang kanyang pagod na ngiti bago at walang ano-ano'y niyakap ako.
"You're welcome."
Sa paglayo niya ay mas nilawakan ko ang aking ngiti bago nagpaalam. Bukas ay maaga
pa kaming gagayak
dahil sa bibisitahing hospital para sa mga batang may cancer. Nang makabalik sa
kwarto ay simpleng good
P 48-9
night nalang ang nai-text ko bago nagpasyang matulog na.
Kinabukasan ay mas naunang nagising sa akin si Zyd. Hindi ko alam kung natulog ba
siya o talagang maaga
lang siyang nagising pero nagpapasalamat na rin ako dahil kung hindi ay baka
tanghali na akong nagka-buhay.
My legs were hurting dahil sa pag-hike namin maabot lang ang mga Aetas na
naninirahan pa sa bundok
kahapon kaya hindi na ako nakasama sa breakfast. Mabuti nalang rin at hindi naman
ako nagugutom.
Pagkatapos nilang kumain ay dinalhan nalang ako ng pagkain ni Asher tamang tama sa
pagtatapos kong
maligo.
"You alright?"
"I'm okay."
"You sure? Pwede naman nating ipagpabuk–"
"No. This is Zyd's last day kaya tutuloy tayo." nilawakan ko ang aking ngiti upang
kumbinsihin siya na sa huli
ay naging effective naman.
Matapos kong kumain ay nagboluntaryo pa si Asher na hilutin ang mga paa kong hindi
ko na rin napigil.
"Saan masakit?"
Napangiti ako ng mapait. "Hindi naman na masakit. I'm okay at pwede na tayong
umalis para makabalik tayo
ng maaga."
"You sure, baby?" malambing niyang tanong.
I slowly nodded at him at nag-ayos na.
Habang nasa biyahe at nasa likuran ako ng sasakyan ay hindi nawala ang pag-iisip ko
sa posibilidad nilang
dalawa. Though alam ko namang kabaliwan ang nasa isip ko, talagang masaya lang
akong nakikita silang
nagiging maayos at nagkaka-kilala pa.
Hapon na nang matapos kami at ang pagod ko ay trumiple pero hindi nakahadlang 'yon
para makapagpareserve ako ng dinner ni Zyd at Asher.
"I just think that you should thank him kaya–"
"I already did that, Karsyn. Remember kumain kami kanina ng breakfast? Wala ka kasi
kaya hindi mo
narinig."
Umiling ako at napanguso bago ibinagsak ulit ang katawan sa kama.
"Pero nakapagpa-reserve na ako at sayang naman 'yon."
Nakita ko ang pagbaba at taas ng kanyang dibdib.
"Please?" hinawi ko ang kumot at buong lakas na tumayo para ipagtulakan na siya.

P 48-10
Nakita ko ang paglukot ng kanyang mukha bago pa ako makalapit sa kanyang gawi kaya
natigil ako sa
paglalakad.
"What? Sige na. Asher is probably waiting! Sinabi ko na sa kanya ang lahat at
hinihintay ka na niya ngayon!"
"I don't want–"
Natatawa ko siyang hinila at iginiya hanggang sa mailabas siya sa pinto.
"Go." sabi ko bago iyon isarado.
Nang tuluyang tumahimik ang buong kwarto ay saka ako natahimik. Ang tuwa at lakas
ko ay biglang naupos
kaya nagmamadali akong bumalik sa kama ngunit wala pang dalawang segundong
nakakalapat ang aking
pang-upo doon ay muling bumukas ang pintuan at bumungad ang nalilito ngunit puno ng
pagdududang mukha
ng aking pinsan.
"What are you doing, Karsyn?" pakiramdam ko'y dumagundong ang kanyang tinig sa
kabuuan ng silid dahilan
para mas lalong bumilis ang aking paghinga't tibok ng puso.
"W-What do you mea–"
Marahas niyang isinara ang pintuan bago ako haraping muli.
"I know what you're doing."
"A-Anong ginagawa ko?" inosente kong tanong pero sinagot ako ng matalim at
dismayado niyang mga mata.
She knew it.
"Oh my God... I knew it!"
Pinilit kong tumayo pero dahil sa mga binti ko ay bigo akong napabalik sa
pagkakaupo.
"Sinasabi ko na nga ba. Sabi ko na!"
"Zyd..." gumaralgal ang tinig ko dahil sa kaba at takot sa mga sasabihin niyang
paratang na alam kong totoo.
"Are you planning to push Asher away from you? Karsyn, what are you doing? You
can't lie to me at alam mo
'yon," nasapo niya ang noo. "Oh God, I should've known better!"
Ilang beses akong napalunok dahil sa boses niyang nakaukit ang sakit gawa nang
napagtantong pilit kong
paglalapit sa kanilang dalawa.
"Zyd, come here–"
"No! I want you to answer my questions! Bakit mo itinataboy si Asher papunta
sa'kin? Sinasabi ko na nga ba!
Ramdam ko na pero ngayon ko lang lubusang naisip ang lahat. Why?!"
Malungkot akong napailing. Hindi ko masabi ang mga dahilan ko dahil alam kong
ngayon palang ay

P 48-11
nasasaktan ko na siya. I'm not a good liar and I will never be lalo na pagdating sa
kanya. Alam kong sobrang
babaw ng dating ng mga desisyon ko pero anong magagawa ko kung 'yon ang alam kong
tama?
"Karsyn!"
Napapitlag ako sa malakas niyang sigaw pero imbes na maluha ay buong tapang kong
sinalubong ang
dismayado niyang mga mata. Kitang kita ko ang sakit na nakapaloob doon dahil sa
nagawang
pagsisinungaling at panloloko sa kanya... Sa kanilang dalawa ni Asher pero sa
kabila ng mataas na emosyon
ay nagawa kong ngumiti.
Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga dahil sa ginawa ko pero ipinagdiin ko
lang ang aking mga labi at
ipinagpatuloy ang pagngiti hanggang sa maramdaman kong handa na ako.
"I can feel it, Zyd... I can feel it."
"You feel what?! Anong..." ang malakas niyang boses ay dahan dahang humina habang
sinasabi 'yon hanggang
sa tuluyan nang mahinto.
Ang pag-igting ng kanyang panga gawa ng galit ay kusang tinangay ng hangin at agad
na napalitan ng
pagkagulat hanggang sa tuluyan na siyang mapaawang.
"No," tulirong sambit niya. "No, Karsyn!"
Huminga ako ng malalim at positibong inarkong muli ang aking mga labi para bigyan
siya ng lakas sa susunod
kong mga sasabihin.
"It's back," muli akong humugot ng isang malalim na paghinga at dahan dahang
sinambit ang mga huling
salitang alam kong muling dudurog sa kanya makalipas ang ilang nagdaang taon.
"And I think I'm finally dying."
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
May sakit sya.. Kaya pinagtutulakan nya si asher sa pinsan nya... Para kung mawala
sya may Magpapasaya sa pinsan nya... Oh diba..
Nooooooo

P 48-12
CHAPTER 46
6.1K 556 73
by CengCrdva

CHAPTER FORTY SIX


Like It Was My Last
I didn't even shed a tear when Zydney began crying. Ang lahat ng galit niya ay
mabilis napawi at hindi na ako
nagawang bitiwan habang patuloy ang pagbuhos ng kanyang mga emosyon.
"Zyd... Enough–"
"No! No, Karsyn!"
"Zydney..." hindi ko nagawang segundahan ang mga salita ko dahil sa paghigpit ng
kanyang yakap sa akin.
Hinayaan ko siyang umiyak pero hindi ko nagawang magpaapekto. Matapang kong pinutol
ang aming yakapan
at pilit na iniharap siya sa akin. Tahimik kong pinunasan ang walang tigil na
pagkawala ng kanyang mga luha.
"Kailan pa?"
Napalunok ako sa kanyang tanong.
"The day I received the result of our annual physical test."
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Because you wouldn't let me do this. Hindi mo ako hahayaang gawin ang lahat ng
ito."
"Dahil 'yon ang dapat!" mapait niyang rason sa akin. "You should go back and have
yourself checked,
Karsyn!"
"That will not make me happy, Zyd..." malungkot akong napayuko. "And you know that
this will probably be
my last life, right?"
"You can't say that, Karsyn! Hindi ikaw ang magdedesisyon no'n!"
Kahit na alam kong masama ang loob niya sa nangyayari ay nagawa ko pa ring maging
kalmado. She's just
upset at karapatan niya 'yon dahil naglihim rin ako.
"But that's the truth, Zydney..."
Doon na muling bumuhos ang kanyang mga luha.
"You don't have to cry. I'm okay... I'll be okay–"

P 49-1
"You are not okay kaya huwag mong sabihin 'yan sa'kin!"
Sa kabila ng mga luha niya ang nagawa ko siyang ngitian.
"You still have dinner to catch," ibinaba ko ang aking kamay patungo sa kanya. "And
I want you to do it for
me, please?"
Pupungas pungas niyang inayos ang mga luha pero agad akong inilingan.
"Zydney... Please?" ngayo'y malungkot ko nang pagmamakaawa sa kanya. "Do it for
me... I'm begging you."
umalon ang aking boses nang sumagi sa utak ko si Asher.
"Karsyn–"
"And you will not talk about this to anyone," marahas kong nilunok ang mga bara sa
aking lalamunan. "Kahit
kay Daddy... Mas lalo na kay Asher."
She just responded with a sob.
Matagal kaming nanatili sa aming pwesto. Siya na walang ginawa kung hindi ang pilit
akong intindihin
habang ako naman ay ipinapaliwanag sa kanyang magiging maayos lang ang lahat at
pag-uusapan namin ang
sitwasyon sa kanyang pagbalik.
Hindi ko alam kung paano ko siya nagawang pasunurin sa lahat ng hiling ko sa kabila
ng bigat sa kanyang
dibdib dahil sa nalaman. Nang mawala si Zydney ay doon lang nasaid ang lahat ng
tapang ko. Napapikit ako
ng maramdaman ang pagtulo ng aking mga luha. Tahimik kong iniyakap ang comforter
patungo sa aking
katawan. Ilang beses akong huminga ng malalim at pagkatapos ay kinalma ang sarili.
Sa ngayon ay hindi ko
na muna iisipin kung paano ko sasabihin kay Asher dahil alam kong hindi pa ako
handa at marami pa akong
gustong gawin.
Idiniin ko ang aking mga talukap at mas pinili na kalimutan nalang ang lahat
ngayong gabi. I just want to rest.
Gusto kong kahit ngayon, makalimutan iyon dahil ayaw kong huminto sa lahat ng aking
nasimulan. I want to
continue what I've started until my last breath... Kahit ano pang mangyari,
itutuloy ko.
Nagising ako kinabukasan nang magpaalam si Zydney. Hindi na kami nakapag-usap dahil
nang gisingin niya
ako ay nakagayak na siya.
"We'll talk when I get back home."
Marahan lang akong tumango pero nang tumagal ang titig niya sa akin at nakuha ko
ang gusto niyang
ipahiwatig ay nagsalita na ako.
"I'm not going home, Zydney. I'm staying here."
"But you need to consult Doctor Ramirez–"
"And what? And live the rest of my life in the hospital? No, thank you."
"Karsyn."

P 49-2
Isang yakap ang ginawa ko sa kanya.
"I'm okay. I'm going to be okay and you don't have to worry about me, Zyd. I want
you to stop thinking about
me, kahit ngayon lang..."
Alam kong hanggang sa dulo ay gagawin niya ang lahat makumbinsi lang akong umuwi
pabalik sa Manila
pero mabuti nalang at dumating si Asher kaya tuluyan nang naputol ang aming usapan
tungkol sa aking
kalagayan.
Nang araw na 'yon ay bumisita kami sa isang pribadong isla at doon nagpalipas ng
gabi. Marami naman
kaming mga kasama pero dahil magkakalayo ang tent na inilatag namin ay may kanya
kanya pa rin kaming
privacy.
Asher cooked dinner for us. Iyong mga isdang nahuli nila kasama nang bangkerong
naghatid sa amin kanina.
Nang matapos ang pagluluto ay dinala namin iyon sa dalawang grupo nang turistang
nag-anyaya sa lahat para
magsalo-salo.
Walang signal at malayo sa ingat ang isla na para kaming mga survivor pero kahit
kulang sa mga kagamitan at
ang pagkain ay sila-sila lang ang nagluto ay nakuntento ako't masayang nakisalo sa
kanila. I'm glad that no one
didn't know us. Palibhasa kasi ay medyo may mga katandaan na ang mga kasama namin
at mga professional
pa. Iyong tipong mga taong walang panahon sa social media o kahit sa telebisyon man
lang.
Though my status are one of the things that I should be proud of, ngayon ay mas
natuwa akong walang
nakakaalam sa mga ginagawa ko. Parang noon na simpleng tao lang ako at normal gaya
ng lahat.
"What do you do, Hija? Are you still in school? You look young. How old are you?
Eighteen?" sinulyapan
niya naman si Asher. "At kayong dalawa lang ang narito?"
Tumango si Asher pero hindi naman minasama ang marami at konserbatibong tanong ng
lalaking ang pakilala
ay isang Attorney.
"We're just on a vacation," sinulyapan niya ako. "She's now working at tama kayo,
bata pa si Karsyn but she's
not that young."
"We're in our early twenties, Attorney. Hindi niyo kailangang magsumbong sa mga
magulang namin at
ipakulong kami." pabiro kong singit na ikinatawa ng lahat.
"Oh, I'm so relieved to hear that!" anang asawa ni Attorney na parang kanina pa
pinag-iisipan ang bagay na
'yon.
Napahagikhik ako at ipinagpatuloy ang pagkain.
"So anong pinagkakaabalahan ninyo ngayon?"
"Karsyn is a vlogger and I'm just her chaperone."
"No, you're not," sabat ko. "We're partners, right?" binalingan ko ang mga mababait
naming kausap. "We're
vloggers."

P 49-3
"What is that?"
"Chita, iyon na ang uso sa mga kabataan ngayon and you'll be surprised dahil minsan
ay mas mayaman pa ang
mga vloggers kaysa sa mga taong mayroong propesyon."
"And what vloggers usually do?" lito pa ring tanong nito.
Wala sa sariling nagkatinginan kami ni Asher dahil totoong mga inosente ang ilan sa
kanila kahit na
ipinapaliwanag na ng ibang mga kasama. I'm surprised that he didn't reveal how
wealthy he is and he's not
just my partner sa kabila ng ilang mababang tingin ng mga ito dahil sa aming
simpleng ginagawa. He's truly
humble. Kung siguro'y malalaman lang nila kung sino talaga ito ay baka malula sila.
"So you record things with your camera and then you get paid by that?" maya maya'y
tanong niya matapos
ibigay ng lahat ang kanilang alam sa ginagawa namin ni Asher upang maliwanagan
naman ang iba.
Hindi siguradong napatango ako. Oo nga at iyon naman talaga ang totoo pero hindi
lang iyon gano'n kasimple.
Sharing and creating happiness for everyone is not that easy. It takes hard work
gaya rin ng lahat ng trabahong
mayroon sa mundo.
"Karsyn is not just a vlogger. She's an influencer," lahat kami ay napalingon kay
Asher na ibinababa ang
hawak na beer na hindi niya natanggihan sa Attorney na nagbigay.
"Tell us more about it."
Kahit na hindi ko naman hiniling ay boluntaryong nagpaliwanag si Asher pero mas
hindi ko inakalang ang
ilang mga vlogs ko ay nasa kanyang telepono't magiliw na ibinigay pa sa mga kaharap
upang papanuorin.
Naging tikom ang aking bibig habang pinapanuod silang pinapanuod ang mga gawa ko.
Sa tuwing dumarating
ang mga eksenang nagpi-preach ako ay doon ko mas nakikita ang mga ngiti sa labi
nila. Some of them were
praising me hindi pa man tapos ang pinapanuod.
I'm amazed by their reactions. Ito ang unang beses kong makita ang reaction ng mga
taong nakakapanuod sa
akin at wala akong naramdaman kung hindi purong kasiyahan. Their opinions about
what they've just watched
motivated me to do more. Alam kong may hangganan ang lahat ng ginagawa kong ito
pero ang nasaksihan ko
ngayon ay mas lalo lang nagbigay sa akin ng dahilan para magpatuloy at magmadali
habang may oras pa.
"Penny for your thoughts?" ani Asher sabay pisil sa kamay kong kanyang hawak.
Simula kasi nang matapos ang kainan kanina at magpasya kaming maglakad-lakad sa
dalampasigan ay hindi
na ako nakapagsalita. Nagtatalo ang utak ko sa mga nangyayari sa akin at sa mga
misyon na dapat kong
tapusin. Now that I see how people learned through my teachings, parang mas lalo
kong gustong magbigay.
"Do you really want to hear about it?"
"Oo naman."
Binagalan ko ang aking lakad nang makakita ng puno nang niyog na nakapirmi sa
buhangin at doon siya
iginiya.

P 49-4
"Bakit naka-save sa phone mo 'yung mga vlogs ko?"
Natatawa siyang nagkibit ng balikat.
"Why not? I like watching you, baby..." napakagat ako sa aking labi ng makita ang
paglamlam ng kanyang mga
matang kasalukuyang pinupuri ng maliwanag na buwan.
Wala sa sariling napisil ko ang kanyang kamay.
Alam kong kaya ko pa naman pero habang nakatitig ako sa kanya ay pakiramdam ko'y
nag-iinit ang aking
puso. Bumibilis at naninikip ang aking paghina. Habang nakatitig sa kanya ay isa
lang ang tanging naisip ko...
Sa dami ng gusto at kailangan ko pang gawin, parang wala akong oras sa kanya. I'm
running out of time and it
scares me. Loving him scares me so much pero hindi para sa sarili ko kung hindi
para sa kanya. This is the
main reason why I can't give him the assurance of us being together dahil alam kong
kahit na anong mangyari
ay masasaktan at masasaktan ko siya. There's no other way.
Ilang beses akong lumunok para lang hindi ako maapektuhan ng aking pag-iisip.
Nalulungkot ako sa isiping
bakit ibinigay sa akin si Asher. Why God allowed this man to love me when he knew
that my time is just
limited? Ang dami kong gustong itanong pero alam kong balang araw ay maiintindihan
ko rin ang lahat. I just
wished that Asher can understand everything too...
"Alam mo bang mahal na mahal kita?" napukaw ako sa madamdaming usal ni Asher ng mga
salitang mas
bumagabag sa aking puso.
"Asher..."
"Hindi ko alam kung paano at bakit gano'n nalang kabilis pero hindi ko magawang
pigilan. I'm falling for you
every minute, second... at hindi na ako makaahon. Hell, I don't even want to
breathe. I'd die for your love,
KF. I'd die for you, only you..."
Malungkot akong napatitig sa kanya. I'm thankful for the darkness. Dahil do'n ay
hindi niya nahahalata ang
aking mga emosyong kanina pa gustong kumawala. Nang makita ko ang pagbaba ng
kanyang mga mata
patungo sa aking mga labi ay tuluyan na akong napipi. Nang dahan dahang siyang
gumalaw palapit sa akin ay
wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit na lamang at hintayin siya.
Dumiin ang aking mga mata nang maramdaman ang mainit niyang paghinga malapit sa
aking mukha at wala
pang isang segundo ay sunod ko nang naramdaman ang mainit niyang labing umukopa sa
akin.
Kusang umangat ang aking mga kamay patungo sa kanyang leeg para hindi ako mabuwal.
He kissed me gently.
Ang halik na punong puno ng ingat na buong puso ko namang tinanggap.
Naramdaman ko ang pag-angat ng kanyang mga kamay patungo sa aking leeg. He
delicately pulled me closer
to him at kahit na wala akong alam sa paraan ng paghalik ay hindi ko siya
pinigilan. Hinayaan ko ang sarili
kong sundin ang kanyang maiingat na galaw ngunit dahil do'n ay hindi ko na rin
naawat ang aking mga
emosyon.
Naalala ko ang unang beses na naisip ko ang tungkol sa halik. Just like the movies,
dapat ang pakiramdam ay
nasa alapaap ka. Dapat pakiramdam mo ay isa iyong parte ng puzzle na bumuo sa buhay
mo pero hindi ko
P 49-5
akalaing hindi pala palaging gano'n. Gaya nalang ngayon, habang hinahalikan ako ni
Asher ay wala akong
ibang maramdaman kung hindi ang lungkot at paghingi ng tawad sa kanya.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang itago muna sa kanya ang lahat pero
hindi ko naman iyon
ililihim maging sa mga taong nakasubaybay sa amin. I need to be honest at iyon ang
gagawin ko pero sa
ngayon, gusto ko munang pagbigyan ang sarili ko. Gusto kong pahintuin ang oras
kahit sandali para sa
pagkakataong ito. Gusto kong maramdamang wala akong hangganan kahit ang totoo,
ramdam kong malapit na
'yon.
Nang siguro'y malasahan niya ang aking luha ay naramdaman ko ang pagbagal niya
ngunit hindi ko siya
hinayaang tumigil. I kissed him this time. Kahit wala akong alam, kahit buong
pagkatao ko na ang
nawiwindang sa ginagawa ay hindi ko hinayaang magkaroon siya ng pagkakataong
huminto dahil lang sa
pagkawala ng mga luha ko.
I parted my lips so he could kiss me harder. Umikot ang aking sikmura nang 'yon ang
gawin niya habang
nakaalalay ang mga kamay sa aking katawan. Magkahalong pagpipigil, pag-iingat at
gigil ang naramdaman ko
sa kanya pero nagawa ko iyong sagutin ng buong puso.
I kissed him. I kissed him just enough to suppress every emotions that I have. I
kissed him like it was my last
kiss because maybe... just maybe, it was.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
?????? breaking my heart?????? ????

P 49-6
CHAPTER 47
5.9K 552 134
by CengCrdva

CHAPTER FORTY SEVEN


Death
"Anong oras na kayo natapos noong isang gabi? Hindi ko na kasi naabutan si Zyd na
bumalik sa kwarto. I fell
asleep." tanong ko kay Asher imbes na ungkatin ang nangyari kanina.
Dahil hindi kami makatulog pagkatapos ng nangyari sa dalampasigan ay minabuti kong
pukawin nalang ulit
ang katahimikan.
Pumihit ako paharap sa kanya at nakita siyang nakatitig lang sa bubong ng tent.
Matagal siya bago
nakapagsalita.
"It was just a quick dinner."
"How was it? Okay lang ba? Did she thank you?" kumurap-kurap ako dahil gusto kong
malaman ang lahat ng
napag-usapan nila pero ang tuwang unti-unting namumuo sa aking puso sa isiping
walang nasabi si Zyd sa
kondisyon ko ay agad napawi nang harapin niya ako pagkatapos ng ilang minutong
pananahimik.
"Yeah." tipid niyang sagot.
"Good! Are you excited for her to be back?"
Gaya kanina, ang mga titig niya sa akin ay muling tumagal pero hindi naman ako
nabigo dahil sinasagot niya
pa rin ako sa kabila ng kanyang pagiging seryoso.
"Yeah."
Pinagdiin ko ang aking mga labi at positibo siyang nginitian.
"What do you think of Zydney?"
Nakita ko ang bahagyang paniningkit ng kanyang mga mata pero mabilis ring nawala.
Ang aking titig ay
nalaglag nang abutin niya ang kamay ko.
"I think your cousin is great," pormal niyang sagot. "But you don't have be our
matchmaker, Karsyn."
Napaawang ang aking bibig dahil sa narinig. Pakiramdam ko'y bigla akong binuhusan
ng malamig na tubig
dulot ng kahihiyang mabilis kumalat sa aking kabuuan. He knew. Alam niya ang lahat
ng ginawa ko? The
thought made me bit my lower lip.

P 50-1
"You don't have to push me away, baby... Dahil kahit anong gawin mo, ikaw lang ang
gusto ko. Ikaw lang ang
mahal ko na kahit ipilit mo ako sa iba, hinding hindi na magbabago ang nararamdaman
ko para sa'yo. Ikaw
lang, Karsyn... Kung hindi rin lang ikaw, ayaw ko nang magmahal pa."
Pakiramdam ko'y may sumapak sa akin ng malakas dahil sa narinig. Ni hindi ako
nakagalaw at nakahinga ng
maayos dahil wala akong maapuhap na salitang dapat kong isagot sa kanya. Gustohin
ko mang kumbinsihin
siyang huwag gano'n ang nasa isip niya pero alam kong lalawak lang ang usapan namin
at baka mapunta pa
kami sa parteng ayaw ko munang ungkatin.
Imbes na sumagot ay lumapit nalang ako sa kanya. Maagap naman niyang sinalubong ang
aking katawan upang
yakapin rin ng mahigpit. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa ganoong pwesto
pero paggising ko ay
maliwanag na.
Madali akong napabalikwas ng maalalang may usapan nga pala kami ngayong manunuod ng
sunrise pero
mukhang imposible na 'yon dahil mataas na ang araw. Ilang minuto lang akong nag-
ayos at agad nang lumabas
ng tent. Ang mga tent na mga nakaayos kagabi sa hindi kalayuan ay wala na at
mukhang ang sa amin nalang
ang natitira.
Wait, where is he?
Bago pa ako magwala at magsulat sa buhanging ng help me para ma-rescue ng mga
sasakyang
panghimpapawid ay mabilis nang sinagot ang aking tanong. Awtomatiko akong napapihit
sa gawi nang dagat
na umingay gawa ng pag-ahon ng kung sino.
I immediately swallowed hard when I see Asher got out of the water. Dama ko ang
agarang pag-iinit ng aking
magkabilang pisngi ng makita ang kanyang katawang walang damit pang-itaas. Oo nga
at ilang beses ko na rin
naman iyong nakita pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga mapigilan ang
mamangha sa ganda ng
kanyang matipunong pangangatawan.
Wala sa sariling nayakap ko ang aking sarili nang makitang ilang dipa nalang ang
layo niya sa akin.
"B-Bakit hindi mo ako ginising?" nahihiya kong tanong nang tuluyan nang tumapat ang
gwapo't nakangiti
niyang mukha sa aking harapan.
"I don't want to."
Ngumiti siya at pagkatapos ay nilagpasan ako para kunin ang tuwalyang nasa gilid ng
tent. Sumunod ako sa
kanya.
"Pero usapan natin na manunuod tayo..." para akong baliw na muling napalunok ng
sunod-sunod at hindi na
nagawang humakbang ulit ng makita ang pagpihit niya patungo sa akin habang
pinupunasan ang sarili.
Hindi ko maiwasang titigan ang mga braso niyang pilit na naghuhumiyaw habang
inaayos ang sarili sa aking
harapan. Dama ko ang malakas na pagwawala ng aking puso ng makita ang kanyang
paghakbang para isara
ang kaunting espasyong namamagitan sa aming dalawa.
"It's okay. We have all the time in the world to watch the sunrise," pinigilan kong
umatras nang hawakan niya
ako't hilahin para yakapin.
P 50-2
Damang dama ko ang pagwawala ng aking puso lalo na ng umangat ang kanyang kamay
upang hawiin ang mga
hibla ng aking buhok at dalhin 'yon sa likod ng aking tenga habang hindi napuputol
ang madamdaming pagtitig
sa aking mga mata.
"Ang mas mahalaga, makapagpahinga ka. I know you've been working so hard these past
few days kaya
kailangan mo rin ng maraming pahinga." positibo niyang dagdag na walang ideya sa
mga dahilan kung bakit
puspusan ang ginagawa ko.
Pinagdiin ko ang aking mga labi at ngumiti nalang. Dama ko ang pagkalat ng pait sa
aking puso. Ang lahat ng
kalungkutan sa mga bagay na inaalala ko para sa kanya ay trumiple dahil sa aking
narinig. Pakiramdam ko ay
may sabay sabay na punyal ang tumusok sa akong puso lalo pa't masayang masaya siya
habang sinasabi iyon.
I wish can say it back. Sana nga kaya ko siyang sang-ayunan pero ayaw kong
magsinungaling. Ngayon pa nga
lang ay hindi ko na kinakaya ang pagiging guilty sa lahat ng itinatago ko pero wala
akong magawa kung hindi
ang kimkimin muna ang lahat. I want to do more. I wish I can do more at habang wala
pang nakakaalam ay
iyon ang gagawin ko... Habang kaya ko pa.
"Day eighteen, Northeastern Luzon," masaya kong bungad sa aming unang araw sa
Cagayan Valley. "Asher
and I are going to tour around the place," itinutok ko ang camera kay Asher na
kasalukuyang abala sa
pagmamaneho.
Sandali siyang lumingon para ngumiti at kumaway sa camera. Nang matapos ay
ibinaling ko ulit pabalik sa
akin ang hawak.
"I think we'll visit Cape Engaño Lighthouse first and then bahala na kung saan kami
mapapadpad ulit."
masaya kong pagpapaliwanag bago iyon muling itutok kay Asher.
"What can you say about driving?" humahagikhik kong tanong dahil simula ng samahan
niya ako ay wala na
talaga siyang ginawa kung hindi ang ipag-drive ako kahit na sinabi ko naman sa
kanyang pwede ko siyang
palitan.
Kahit na alam kong pagod na rin siya ay pinipilit niya pa rin ang kanyang sariling
ipagmaneho ako dahil ang
sabi niya'y gusto niya akong pagsilbihan. I don't know if he is scared kaya ayaw
niya akong pag-drive-in o
totoong ayaw niya lang akong mapagod. Nitong mga nakaraan ay muli kong naramdaman
ang unti-unting
panghihina ng aking katawan pero dahil desidido akong matapos kami't makapag-bahagi
ng mga biyaya ay
pinipilit kong kayanin at huwag ipahalata sa kanya. I'm happy that Asher is giving
me enough time to rest
kahit na hindi niya pa alam ang totoong sitwasyon ko. Dahil kung siguro'y malalaman
niya, isa na siya sa
magpupumilit sa aking umuwi at magpa-gamot.
"Shit!" mabilis akong napalingon ng marinig ang malakas na hiyaw ni Asher kasabay
ng pag-upo niya sa
damuhan habang hawak ang dibdib.
"Asher!" natataranta akong tumakbo pabalik sa kanya upang daluhan siya.
"What happened?"
"Ang sakit!" hirap niyang hinaplos ang kanyang dibdib at ilang beses pa iyong
pinukpok pero bago pa ako
makagalaw ay mabilis na niya akong hinila dahilan para mapaupo ako sa kanyang
kandungan!

P 50-3
"Pero mas masakit pag wala ka," mabagal at may diin niyang bulong na gumuhit ng
malalim sa aking dibdib.
Mabilis na nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang pumulupot ang mga kamay
niya sa aking
bewang pagkatapos ay inilapat ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Dito ka lang sa tabi ko, Karsyn... Stay with me, baby..." malambing niyang bulong
pero imbes na pagalitan
siya dahil sa muli niyang panti-trip sa akin ay nanatili ako at nanahimik.
I'm happy that he's just tripping pero muling nabahiran ng lungkot ang puso ko
dahil sa mga salitang binitiwan
niya. Ayaw ko mang pagtuonan ng pansin ang kalagayan ko dahil marami pa akong
gustong gawin pero sa
tuwing ipinaparamdam ni Asher kung gaano niya ako kamahal ay hindi ko mapigilang
mag-isip.
I never thought that I'd meet someone like him. Nang magsimula ako ay wala akong
inisip kung hindi ang
makatulong lang at makapagbigay ng saya. I never thought that we'd be like this.
Ang gusto ko lang ay
pasalamatan siya sa pagligtas sa akin pero maraming plano ang Diyos na malayo sa
aking plano at ang
pagkakaroon ng gaya niya sa buhay ko ngayon ay isang napakalaking biyaya... 'Yon
nga lang, nakakatakot
dahil alam kong isa siya sa magiging malungkot kapag natapos na ako. Isa siya sa
lubos kong masasaktan
kapag nalaman na niya ang totoo.
Huminga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Hinayaan kong yakapin ang katawan ko
ng sariwa't pang
gabing hangin. Habang nakapikit ay umulit sa akin ang lahat. Simula sa dahilan kung
bakit ako nabuhay, kung
bakit ako ang napiling mabuhay sa dinami-dami ng pwedeng bigyan ng biyayang ito at
kung ano ang gustong
maibahagi bago matapos ang lahat. I've accepted death with open arms. Noon pa man
ay matagal na akong
handa doon at matapang ko iyong haharapin pero hangga't wala pa, gusto kong
magpatuloy.
Wala sa sariling napangiti ako. I still have time... Sana nga lang ay marami pa.
Lumapit ako at napakapit sa malamig na barandilya nang umihip ang malakas na
hangin. Sa pagdilat ko ay
sumabay na ang pagbuhos ng ulan. Muli akong napangiti. Kung matapang akong harapin
ang kamatayan, alam
kong dapat ay mas maging matapang akong sabihin sa lahat ang kalagayan ko at ang
mga plano ko.
Wala pang ilang minuto ay nakita ko na ang sarili kong pigil ang paghinga habang
hinihintay si Daddy sa
kabilang linya. Ilang beses kong kinumbinsi ang aking sarili na magiging maayos ang
lahat at maipapaliwanag
ko sa kanya kahit na mahirap.
It was the longest silence I've ever heard after I told him the news. Hindi ko alam
kung paano susundan ang
mga naunang sinabi lalo na't ramdam ko ang pagdaloy ng lungkot sa aking puso dahil
sa naging pananahimik
niya.
"I'm okay, Daddy. I promise I'm going to be fine."
Nagpatuloy ang katahimikan sa kabilang banda. I know he is still there pero hirap
ring tanggapin ang lahat ng
mga sinabi ko.
"Karsyn..." napakagat ako sa aking labi ng marinig ang nauupos niyang pagbanggit sa
aking pangalan.
"We've been preparing for this for so long, Daddy... And you already gave me the
best life I could ever have
at kung hindi dahil sa'yo ay matagal na rin akong wala rito sa mundo. I owe
everything to you. I'm so grateful

P 50-4
for that but I want to continue what I've started–"
"You need to go home, Karsyn." napapikit ako ng marinig ang maawtoridad ngunit puno
nang lungkot niyang
boses sa kabilang linya.
"Daddy..." pinilit kong sumagap ng sariwang hangin dahil ngayon palang ay ramdam ko
nang mas lalo akong
nahihirapang huminga. "You've done so much to save me from death and now is the
time to stop doing it. It's
time to finally let me go..."
"Anak–"
"We all know that this will probably be my last life," kahit malungkot ay positibo
akong nagpatuloy. "And I
don't want to spend the remaining of this gift in the hospital. Hangga't kaya ko pa
ay magpapatuloy ako.
Malapit na akong matapos, Daddy... Malapit na malapit na."
Napapikit ako ng marinig ang pagsinghap niya sa kabilang linya. Kahit na hindi
magandang balita ang sinabi
ko ay nagpapasalamat pa rin akong naintindihan niya ang lahat. Kahit alam kong siya
ang pinaka-mahihirapan
sa pagkawala ko, basta sa kasiyahan ko ay papayag siya.
Matagal pa kaming nag-usap. I convinced him that I'm okay dahil iyon naman ang
totoo. Sa ngayon, isa nalang
ang kailangan kong harapin... Si Asher.
"What is it?" malawak ang ngiti niyang tanong habang ako ay inihahanda naman ang
sarili sa pag-amin ng
kung anong kalagayan ko.
My heart is pounding so hard. Ni hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-
iisip kung paano ko
ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Kung paano ko magagawang ipaintindi sa kanya ang
aking sitwasyon.
Tahimik kong tinapik ang kama para sabihing doon siya umupo. Ang kanyang ngiti ay
bahagyang napawi dahil
sa kaseryosohan ko nang tuluyang makaupo sa aking tabi.
"What? Are you okay? What do you want, baby?" wala sa sariling napakagat ako sa
aking pang-ibabang labi
ng marinig ang napakalambing niyang pagtawag sa akin.
Iyong boses na nababalot ng purong kasiyahan at pagmamahal dahil muli kaming
magkasama. Iyong
kasiyahang ilang segundo nalang ay mawawala na.
"I have something to tell you." napayuko ako matapos sabihin 'yon dahil sa pag-ikot
ng aking sikmura.
Kanina, bago ko siya tawagan at papuntahin sa aking suite ay planado ko na kung
paano sisimulan at
ipapaliwanag sa kanya ang lahat pero ngayong narito na siya, hindi pala madali.
Hindi ko pa man kasi
nasasabi ay alam ko na ang kahahantungan ng lahat. I will hurt him, I'll break him
at iyon lang ang malinaw.
"What is it? You're making me nervous."
Pinilit kong ibalik sa kanya ang aking paningin. Sa pagtitig ko sa kanyang mga
matang halos kuminang pa
habang nakatitig sa akin ay naramdaman ko na ang unti-unti kong pagkabasag because
how can you tell
someone who loves you that you are dying? May tamang paraan nga ba doon para
maiwasang masaktan sila?
Para madali nilang matanggap?
P 50-5
Oh God...
"Baby?" napakurap-kurap ako't bahagyang napapitlag nang hawakan niya at marahang
pisilin ang aking
kamay.
Kung kanina ay umaapaw pa ang kasiyahan niya, ngayon naman ay mas ramdam kong
kinakabahan na siya
dahil sa sasabihin ko. Huminga ako ng malalim para ihanda ang sarili sa lahat.
"I was eleven when my grandparents died," kinakabahang panimula ko. "Twelve when my
eldest brother was
diagnosed with cancer and he was thirteen when God took him. Fifteen when the
second one passed and then
another hanggang kay Mommy."
Nanatili siyang tahimik at nakikinig lang sa akin habang hawak ang aking kamay.
"At some point, I think that my family was cursed. Hindi lang sa pamilya namin
dahil kumalat pa 'yon sa iba...
Ang sanggol na si Katie, isa sa malayo naming kamag-anak na namatay sa sunog," muli
akong humugot ng
lakas dahil sa pagragasa ng bigat sa aking dibdib. "Si Mary..." tukoy ko sa babaeng
dahilan kung bakit ako
narito sa posisyon ko ngayon sa buhay.
Ipinirmi ko ang aking mga mata sa nalilitong titig ni Asher.
"Ang mga nangyari sa kanila ay isa sa mga dahilan kaya gusto kong maging Doctor
noon. I want to save
lives... Dahil wala akong nagawa para isalba sila. I watched some of them die
slowly," pumait ang aking
panlasa dahil alam kong kahit na handa siyang makinig, ramdam kong hindi siya
kailanman magiging handa sa
mga susunod kong sasabihin.
"Death is always running towards us, Asher... And now, it's chasing me," malungkot
kong pagpapatuloy.
Nang maramdaman ko ang paghigpit ng kanyang kamay sa akin ay mas lalo akong
nanghina. Kinagat ko nang
mariin ang aking labi upang gisingin ang aking sarili at mangibabaw ang mga dapat
kong gawin.
"W-What do you mean by that?" nauutal niyang tanong.
Buong tapang kong itinutok sa kanya ang aking mga nangungusap na mata. Umiling ako
ng makita ang
bahagyang pag-awang ng kanyang bibig para hindi siya makapagsalita. Pinisil ko ng
mariin ang kanyang
kamay bago ako nagpatuloy.
"This time... malapit na niya akong abutan," nang makita ko ang muling paggalaw ng
kanyang bibig ay mabilis
akong nagpatuloy. "This time, I'm sure he'll succeed. I am dying, Asher. I am
finally dying and I'm sorry..."
buong tapang kong pag-amin kasabay ng pagtulo ng masasaganang luha sa aking mga
mata.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
P 50-6
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
?????? Yung sa umpisa palang na may kutub ako na ganito. ??????.. Para akong
nanunuod nang i walk to remember..

P 50-7
CHAPTER 48
5.8K 567 102
by CengCrdva

CHAPTER FORTY EIGHT


His Vices
Isang minuto, dalawa, hanggang sa hindi ko na nabilang ang oras na lumipas na
naging tahimik siya matapos
kong sabihin ang kapalaran ko.
Ang lahat ng kulay sa kanyang mukha ay napawi habang pinoproseso ang lahat.
"I'm sorry..." pukaw ko sa nakakabinging katahimikang bumabalot sa amin.
Pinahid ko ang mga luhang umalpas sa aking mga mata pero kahit natapos na ako ay
hindi pa rin siya
nagsasalita. Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa utak niya at hindi ko rin
alam kung paano siya
kukumbinsihing ayos lang ako sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Maingat kong
pinisil ang kanyang
kamay dahilan ng pag-igting ng kanyang panga.
"I'm sorry–"
"You said you didn't have it? Sabi mo wala kang cancer?" mapait niyang tanong kaya
muling umagos ang mga
luha ko.
I don't know how to respond to him. Maliban sa lungkot ay nabanaag ko rin ang
pagkadismaya sa kanyang
mga mata ngunit nang hawiin niya ang kamay ko ay doon lang bumagsak ng tuluyan ang
aking puso.
Mabilis siyang tumayo at tumalikod sa akin. Ang kanyang mga kamay ay inilagay niya
sa kanyang bewang at
tumingala na mukhang nagpipigil sa lahat ng emosyong nararamdaman.
Napasinghap ako ng bumaling siya sa akin makaraan ang ilang minutong pagpupuyos sa
sarili.
"Pangako natin na hindi tayo magsisinungaling, 'di ba? There's no lie may come
between us, remember? Pero
bakit mo nagawa? Why did you lie to me?"
Malungkot akong umiling.
"I did not lie–"
"Then what is this? Anong sinasabi mong mamamatay ka, huh?!" napakapit ako sa kama
ng tumaas ang boses
niya.
Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi habang hinaharap ngayon ang kanyang
galit at sama ng loob.
I knew this will happen. Alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat
pero hindi ko

P 51-1
inasahang ganito pala kasakit ang panuorin siyang nasasaktan.
"I did not lie, Asher... I'm being honest when I told you that I didn't have cancer
because that's the truth. Wala
akong cancer."
"Then why do you have to say that you are dying?!"
"Because I am, Asher. I am dying..."
"Bullshit!" napakumo ang aking mga kamay sa ibabaw ng kamang hawak ko dahil sa
malakas niyang
pagsigaw.
Alam kong galit siya ngayon. Alam kong disappointed siya at nahihirapan akong
intindihin kaya wala akong
pwedeng gawin kung hindi ang habaan pa ang pang-unawa sa kanya.
"I'm sorry..."
Inihilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Doon ako nagkaroon ng
pagkakataong magpatuloy.
Kahit na nanginginig ang aking mga kamay ay nagawa kong iangat ang aking damit at
tuluyan iyong tanggalin
sa aking katawan. Nang maramdaman ko ang paghaplos ng aircon sa aking balat ay
sandali akong natigil
ngunit nang sumidhi ang mga emosyon sa kanyang mga mata ay dahan-dahan ko nang
ibinaba ang aking damit
na yakap ko sa gitna ng aking katawan, revealing the scar down the center of my
chest. Ang pahabang peklat
na iyon na tanda ng ilang beses kong paglaban kay kamatayan.
Tumayo ako at lumapit ng sapat sa kanyang pwesto pero naduwag akong hawakan siya.
It's killing me to even
look at him. Parang mas mahirap pang tanggaping nasasaktan ko siya kaysa sa sarili
kong kamatayan.
"DCM," nanginig ang aking boses ng sambitin 'yon.
Napalunok ako ng makita ang pagtitig niya sa gitna ng aking dibdib pero nagawa ko
pa ring magpatuloy.
"I was diagnosed with dilated cardiomyopathy four months after I was born due to
complications. It's a set of
heart muscle disease that makes it difficult for my heart to deliver blood to my
body and can lead to heart
failure. I was so young when death tried to win over me the first time," bumagal
ang paghinga ni Asher sa
mga sinabi ko pero hindi ako huminto.
"I was so lucky to be put on the top of the list for a heart transplant. Two weeks
after I was diagnosed, I
received a new heart. Laman ako ng hospital simula sa pagkabata hanggang sa
nagkaisip na ako at doon
nagsimula ang kagustuhan kong maging isang doctor. Gusto kong isalba hindi lang ang
mga taong may
karamdaman gaya ko kung hindi ang lahat ng nangangailangan," pinigilan kong
magpalamon sa emosyon
habang sinasabi ang katotohanan dahil gusto kong maintindihan niya ang lahat simula
sa umpisa.
"My second heart gave me a decade to live. I was eleven years old when that heart
began to performed
poorly," sarkastiko akong napangiti dahil sa pagpait ng aking damdamin. "Ako ang
unang hinabol ng
kamatayan sa pamilya ko, Asher... At dahil do'n, wala akong nagawa para sa mga
magulang at mga kapatid ko
dahil nasa akin ang buong atensiyon nila dahil mahina ako. Alagain ako noon pa man
pero sa lahat nang 'yon,
hindi ko aakalaing ako pa ang matitira sa kanilang lahat."

P 51-2
Iniwas niya ang tingin sa akin pero hindi 'yon naging dahilan para matigil ako.
"I received my third heart a month before death succeed at iyon ang mayroon ako
ngayon..." inangat ko ang
kamay ko patungo sa aking kaliwang dibdib at marahan iyong hinaplos. "This heart is
probably my last,
Asher... And now I can feel that it's failing too."
"You are not a doctor to say that, Karsyn."
Pinagdiin ko ang aking mga labi at inintindi siya.
"My body is too weak to get another one at kahit na gustohin kong lumaban, mas
malaki pa rin ang tiyansang
mas mapapalapit ako sa dulo ng buhay ko kapag bumalik ako sa hospital. There's no
other way."
Nakita ko ang pagtusok ng kanyang dila sa kanyang pisngi sabay tingala ulit.
"Where's the camera?" he asked slowly after a minute of silence.
"Asher–"
"Where's the camera, Karsyn?"
Sa pagbaba ng kanyang mukha at pagpihit nito para muli akong titigan ay
napahagulgol na ko. Mabilis ang
pagtahip ng aking dibdib habang patuloy na umiiling sa kanya.
"Where's the fucking camera, Karsyn?!" malakas niyang tanong kaya napatakip ako sa
aking bibig upang
pigilan ang pagkawala ng aking mga hikbi.
Agad na pinuntahan ni Asher ang lamesa at hinawi ang lahat mga gamit na naroon
upang hanapin ang camera
dahilan ng pagdako ng mga kamay ko patungo sa aking tenga. Sa nanlalabong mga mata
ay pinanuod ko siyang
halos baliktarin ang buong kwarto para lang hanapin ang sinasabi.
"Asher–"
"Where is it?!"
Nanghihina akong naglakad para lapitan siya at pigilan sa ginagawa ngunit natigil
rin ako dahil sa paglampas
niya sa akin para naman puntahan ang aking pwesto kanina at doon hanapin ang bagay.
"Asher, please? There's no camera." nagmamakaawa kong sabi.
Hindi siya nakinig at maging sa mga gamit ko ay hinanap 'yon pero bigo siya.
Maingay ang naging kalabog sa
loob ng aking suite dahil sa mga emosyong kusang umaalpas kay Asher. I can't stop
him. I don't know how to
stop him and it hurts me so much to see him like this.
"Asher please–"
Napapitlag ako ng umalingawngaw ang malakas na kalampag nang sapakin niya ang
pintuan ng closet na
madaling nasira dahil impact ng kanyang kamao.

P 51-3
Natutop kong muli ang aking bibig at tuluyan nang hindi nakagalaw sa aking
kinatatayuan. Dama ko ang takot,
lungkot at awa para sa kanya pero wala akong magawa kung hindi ang panuorin siya.
Sa unang pagkakataon,
naisip kong sana ay hindi ko nalang pala siya nakilala... Sana hindi nalang kami
nagtagpong muli para sana
hindi siya nasasaktan ngayon ng ganito. Sana hindi nalang para hindi na siya
masaktan kapag totoong nawala
na ako.
Nanginig ang mga tuhod ko ng muli niya iyong sapakin ng paulit-ulit hanggang sa
hingalin siya. I want to hug
him. Gusto kong i-comfort siya at pigilan pero hindi ko magawa. Wala akong magawa
kung hindi ang
panuorin lang siyang nalulunod sa kalungkutan at pighati. Hindi ko na napigilan ang
pagkawala ng hikbi sa
aking bibig ng makita ang pagkulay pula ng isang parte ng closet na kanina'y puti
dahil sa dugong umagos sa
kanyang kanang kamao.
Itinukod niya ang kanyang mga kamay doon saka yumuko. Gaya ko ay mabilis rin ang
pagtaas at baba ng
kanyang mga balikat ngunit mas lalong luminaw ang pait sa aking puso nang sa
pagharap niya ay mabilis na
kumislap ang kanyang magkabilang pisngi gawa ng mga luhang ngayon ay patuloy na
nalalaglag sa kanyang
mga mata.
"K-Karsyn... Please tell it's just a prank. Please tell me you're just lying..."
namamaos niyang pagmamakaawa
sa akin ngunit imbes na 'yon ang gawin ay nakita ko ang sarili kong marahang
umiiling.
"I-I'm sorry..." I said with my trembling lips.
Napapikit siyang muli kasabay ng pagbuga ng hangin sa ere habang tumitingala at
kinakalma ang kanyang
kabuuan. Ginaya ko ang pagbuntong hinga niya para alalayan ang aking nararamdaman
ngunit ang kabiguan sa
kanya ay imposible nang mapawi. Ang kalungkutan sa mga matang iyon ay nakaukit na
at mahirap nang
pawiin.
He is crying so much... Ang kanina'y ilang pagtulo lang ay hindi na pumalya ngayon.
Ilang beses niyang
diniinan ang kanyang mga mata gamit ang mga daliri at nang hindi na makayanan ang
katotohanan ay
nanghihina na akong binalingan ulit.
"You are just lying," gumagaralgal ang boses niyang sambit habang maingat na
bumabalik sa aking gawi.
Bumuhos ang mas marami pang likido mula sa aking mga mata ng maramdaman ang
nanlalamig at nanginginig
niyang mga kamay na pilit hinahawakan ang sa akin.
"Baby, please tell me that this is just a prank? Please baby? I'm fucking begging
you..."
Napapikit ako ng mariin at kahit na gustong gusto kong magsinungaling ay hindi ko
magawa. Imbes na sundin
siya ay tinawid ko nalang ang munting pagitan namin para bigyan siya ng isang
mahigpit na yakap. Sa kanyang
dibdib ko ibinuhos ang lahat ng lungkot na nararamdaman ko ngayon dahil sa aming
sitwasyon.
"I'm sorry, Asher... I'm sorry I can't."
"Karsyn..." humigpit rin ang yakap niya sa akin habang gaya ko ay patuloy pa rin sa
pag-iyak.
Hindi ko na nabilang kung gaano kami katagal nanatiling magkayakap at ayaw bitiwan
ang isa't-isa. Hindi ko
na rin alam kung paano natapos ang usapan namin. Kung paano kumalma ang lahat at
makabalik kami sa

P 51-4
kama.
Dahil sa pag-iyak ay naramdaman ko ang paghila sa akin ng antok. I'm always
exhausted kaya madali akong
makaramdam no'n pero bago ako tuluyang nagpadala ay naramdaman ko pa ang pag-alis
ni Asher sa tabi ko
nang akala'y tulog na ako.
Sa pagdilat kong muli ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa at tahimik lang na
nakatitig sa akin. His face was
red at ang mga mata ay namumugto't namumungay pa rin. Bago pa ako makagalaw ay
nakita ko na ang isang
bote ng alak sa kanyang gilid na paubos na. It wasn't a beer. Wala akong alam
masyado sa alak pero tiyak
kong mas matapang at malakas ang tama nito kaysa doon.
Kinakabahan akong umahon sa pagkakahiga dahil bukod sa alam kong lasing na siya,
ito rin ang unang beses
kong nasaksihang ganito siya. He always refused to drink any alcohol lalo na kapag
kasama ako kahit pa beer
pero ngayon...
Pagod siyang umayos ng upo ng makita ako. It's dark outside. Hindi ko alam kung
anong oras na pero
sigurado akong malalim na ang gabi. Ang malungkot na emosyon sa aking puso ay
muling nabuhay lalo na ng
maulinigan ang malakas na buhos ng ulan sa labas.
"Why are you..." hindi ko naipag-patuloy ang aking sasabihin ng kunin niya ang alak
at uminom ulit rito.
Hinintay ko siyang bitiwan 'yon pero halos isang minuto akong naghintay bago siya
tumigil. Sa pagbaba niya
ng bote sa kinalalagyan nito ay pumunta na ako sa dulo ng kama ngunit hindi naman
nagawang lumapit sa
kanya. Nanlalata pa rin ang mga tuhod ko at baka kapag pinilit ko ay mabuwal lang
ako.
"Asher, what are you doing?" malumanay kong tanong, tinatantiya ang kanyang
reaksiyon pero hindi siya
kaagad sumagot.
Kung kanina ay nasa akin ang titig niya, ngayon naman ay ibinalik niya 'yon sa
alak.
"I never thought that I'd drink again," nakatiim-bagang niyang panimula na agad
nagpalunok sa akin. "My
vices are my best friend, Karsyn. Noon, wala akong pakialam kung mamatay ako dahil
sa mga bisyo ko dahil
'yon ang kasiyahan ko. All of this gave me endless happiness..."
Pinigilan kong tumulong muli ang aking mga luha ng lingunin niya ako.
"I remember having a dare with my friends. Sinabi ko sa kanilang titigilan ko lang
ang lahat ng bisyo ko
kapag nakakita na ako ng tunay na pagmamahal. Sinabi kong gagawin ko ang lahat para
lang sa pagmamahal
na 'yon at hinding hindi ako gagawa ng kahit anong ikasisira ng lahat," sandali
siyang napapikit kasabay ng
pag-igting ng kanyang panga.
Pakiramdam ko'y sinaksak muli ang aking puso ng makita ang pamumuo ng mga luha sa
kanyang mga mata ng
dumilat siya at tumitig sa akin.
"I stopped all of it when you came, Karsyn... Hindi ko alam kung bakit umpisa
palang desidido na akong
huminto kahit na wala pa naman akong pinanghahawakan sa relasyon natin. Kahit hindi
tayo, gusto kong
magpakatino. Gusto kong tanggalin ang lahat dahil ikaw... Ikaw na ang gusto kong
maging bisyo."
"Asher..."
P 51-5
"Dahil ikaw ang pagmamahal na alam kong panghabang-buhay. Ikaw ang hinihintay ko.
Ikaw ang bumago
sa'kin at handang handa akong magpakatino para sa'yo, para sa ating dalawa..."
Nakagat ko na ang aking labi dahil sa narinig. Wala sa sariling napakapit ako sa
aking kinauupuan ng makita
ang kanyang pagtayo at pagkuhang muli sa alak bago iyon tuluyang ubusin. Nang
matapos ay tumalikod siya at
ibinalik ang bote sa maliit na lamesang nasa gilid bago ako harapin.
Dama ko ang walang humpay na kalungkutan nang muling makita ang kanyang gwapong
mukha na walang
ibang emosyon kung hindi ang pagkawasak.
"Pero paano ko 'yon gagawin kung mawawala ka? Paano pa ako magpapakatino kung iiwan
mo ako? Ano
pang silbi ko kung iiwan mo rin pala ako?" mapait niyang tanong na tuluyan nang
nagpaluha sa akin.
Buong lakas akong tumayo para lapitan siya't hawakan ang kanyang kamay para igiya
sa tabi ko.
"That's not true," sagot ko matapos siyang mapaupo sa aking tabi. Pinisil ko ang
kanyang kamay at kahit na
umiiyak at mabigat ang pag-uusapan namin ay nagawa kong ngumiti. "Hindi ako
mawawala kailanman sa'yo,
Asher... I'll always and forever be in your heart at gusto ko, kung sakaling
darating ang araw na pisikal mo na
akong hindi makikita, gusto kong ipagpatuloy mo pa rin ang lahat ng nasimulan mo. I
want you to continue
doing good in life. Gusto kong magmahal ka–"
"What's next, Karsyn? What's our plan?" maagap niyang putol sa akin, ayaw pakinggan
ang lahat ng sasabihin
ko lalo na tungkol sa panibagong mamahalin.
Napalunok ako't hindi nakatitig sa kanyang mga mata. Alam kong dito ako mas
mahihirapan sa lahat pero ito
ang kailangan kong gawin. I want him to realize that his world will still evolve
without me. Kahit mawala
ako, kaya niyang magpatuloy sa buhay. Positibo akong magagawa niyang magmahal ng
iba kahit na sa ngayon
ay napakalabo no'n.
Pinuno ko ng bagong hangin ang aking dibdib para makapag-salitang muli.
"Magpapatuloy ako. Gagawin at tatapusin ko ang lahat ng nasimulan ko hanggang sa
dulo," nanghihina kong
binalikan ang kanyang mga mata. "And you are free to leave me, Asher. Kahit alam
kong hindi na kita
maisasalba sa lahat ng sakit kapag naabot ko na ang dulo, baka maibsan ko 'yon. I
want you to continue your
life without me. Gusto kong subukan mo ulit ang buhay ng wala ako. You don't have
to be with me anymore.
You don't have to watch me die because seeing you devastated is actually worst than
dying. Ayaw kong
saktan ka pa kaya habang may panahon pa, gusto kitang isalba sa lahat ng parating
pang sakit. Gusto kitang
protektahan kahit ngayon lang dahil mahal kita... Asher, mahal na mahal na mahal
kita..."
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
P 51-6
Booklat : Ceng Crdva
A walk to remember ?????? Kaya tinuruan nya si asher na magkaroon ng faith ??
feeling ko yun lang din makakaprove ng lahat ??

P 51-7
CHAPTER 49
6.3K 489 43
by CengCrdva

CHAPTER FORTY NINE


Never An Option
Mas naramdaman ko ang bigat sa aking dibdib nang hindi siya magsalita. Kusang
bumagsak ang mga mata ko
sa kamay kong nakahawak sa kanya dahil nanghihina akong titigan ang kanyang mga
mata. I don't know what
he was thinking and I'm scared to know it.
Inangat ko ang isa kong kamay para punasan ang mga luha sa aking mga mata ngunit
hindi pa ito nagtatagal sa
aking mukha ay naramdaman ko na ang paggalaw ng kanyang kamay papunta sa aking
baba. Marahan niya
iyong inangat para hulihin ang aking mga mata. Napasinghap ako ng haplusin niya't
pawiin ang mga likido sa
aking magkabilang pisngi.
Sa kabila ng kalasingan at kalungkutan ay nangibabaw ang pag-intindi niya sa akin.
Hindi gaya kanina na
hindi matanggap ang mga sinabi ko. Pinigilan kong mapapikit nang ikulong niya ang
aking mukha gamit ang
kanyang mainit na mga palad. I saw him swallowed multiple times habang nag-iisip ng
mga tamang salita
upang isagot sa akin.
"Leaving you was never an option," my heart ache at that. Pinilit kong manatiling
nakatitig sa kanya habang
hinihintay ang kanyang mga sunod na sasabihin.
"Leaving you will be the hardest part of this journey and that is something I can
never do. Hinding hindi kita
iiwan, Karsyn. Hinding hindi lalo na ngayong alam kong mahal mo ako. Mahal na mahal
mo rin ako."
madamdamin niyang litanyang dahilan ng hindi ko na paghinto sa pagluha.
"Asher–"
"Ipagpapatuloy natin 'to. Sasamahan kita hanggang dulo dahil naniniwala akong mali
ka. Naniniwala akong
maraming paraan para hindi ka mawala sa akin. You can't die and leave me. Hindi ka
pwedeng mawala dahil
hindi ko kakayanin," rinig ko ang unti-unting pagkabasag ng aking puso habang
nakikipagtitigan sa mga mata
niyang lumuluha na rin.
Imbes na sumagot ay pumikit nalang ako. Imbes na kontrahin siya ay gusto ko nalang
ring maniwala sa mga
sinabi niya. Gusto kong paniwalaan ang lahat maging ang dulong siya ang kasama
kahit na mas malinaw ang
pagkatok ng realidad ngayon.
"I wouldn't let you die. Hindi ako papayag na iwan mo ako. I will stay where you
are at kahit anong gawin
mo, hinding hindi ako aalis. Dito lang ako. Dito lang ako sa tabi mo." pinal niyang
sabi kaya wala na akong
nagawa kung hindi ang yakapin nalang siya.
It was the longest and sleepless night of my life. Buong gabi hanggang sa lumiwanag
at tumila nalang ang ulan
P 52-1
ay gising na gising pa rin ang diwa ko. I'm glad that Asher is drunk. Dahil kasi
doon ay nakatulog siya kahit
pa marami kaming napag-usapan kagabi.
Simula nang sabihin ko kay Zydney, kay Daddy hanggang sa kanya ang tunay kong
kondisyon ay hindi na ako
nakapag-vlog ng maayos. Nahihiya rin akong magpatuloy lalo na't sa kabila ng
kasiyahang ipinapakita ko sa
harapan ng camera ay may malaki akong suliranin na hindi pa handang ibahagi sa
kanila.
Ngayon palang na iniisip ko ang magiging reaksiyon ng mga taong sumusuporta sa amin
ay nalulungkot na
ako. Napakurap-kurap ako ng muling bumalik ang aking mga mata sa lalaking mahimbing
na natutulog sa
aking tabi.
I found myself touching his face. Kahit natutulog, kitang kita at dama ko pa rin
ang bigat ng kanyang puso
dahil sa mga nangyari. Kung pwede ko nga lang pawiin ang lahat. Kung pwede ko lang
baguhin ang kapalaran
ko ay gagawin ko pero wala akong kapangyarihang gawin 'yon. Ang kaya ko lang gawin
ay ipagdasal ang
lahat ng mabuti para sa kanya. I pray that he would have an open mind to accept
everything. Sana rin
maipagpatuloy niya ang lahat ng kanyang nasimulan dahil iyon ang makabubuti sa
kanyang sarili at sa
kinabukasan.
Sa pagpikit ko ay nagsimula akong manalangin hindi lang para sa kanya kung hindi
para na rin sa lahat ng mga
mahal ko sa buhay na hirap pa ring tanggapin ang lahat. Sa haba ng panalangin ko ay
hindi ko na namalayang
nakatulog na pala ako.
Sa muling pagdilat ng aking mga mata ay ramdam ko pa rin ang pananatili ng mga
kamay ni Asher na
nakayakap sa aking katawan. Sa muling pagdilat ko ay madilim na ulit ang paligid I
don't know how long I
have slept pero hindi ko na 'yon naisip lalo na't mas dama ko ang pagkalam ng aking
sikmura.
Nahihiya kong inayos ang aking sarili nang matitigan siya. He's now wearing a
different shirt. Medyo basa
rin ang kanyang buhok at mukhang kanina pa akong tinititigan gaya ng ginawa ko sa
kanya bago ako makatulog
kanina.
"Asher–"
"I love you," he cut me off. "I love you so much, baby..." madamdamin niyang dagdag
na mukhang kanina pa
iyon gustong sabihin.
Nabitin ang aking paghinga nang ilapit niya ako sa kanyang katawan.
"Wala na akong maisip na ibang sasabihin kung hindi 'yon. Mahal kita at gagawin ko
ang lahat para mapasaya
ka. I'm willing to do everything for you, Karsyn. Kahit ano sabihin mo lang."
Muling umangat ang aking kamay patungo sa kanyang mukha at marahan iyong hinaplos.
Ito ang sagot niya sa
lahat ng mga sinabi kong plano kanina. Kahit mahirap, ibibigay niya pa rin para sa
kasiyahan ko.
"Thank you for everything, Asher... Habang buhay akong magpapasalamat sa lahat ng
pag-intindi mo sa akin.
Sa lahat ng pagmamahal mo," emosyonal kong sagot sa kanya. "At wala na akong
mahihiling pa kung hindi
ang lahat ng kabutihan para sa'yo. I'm sorry if I'll–"
"Shh," pinutol niya akong muli. "I don't want to hear any of it. Simula ngayon,
hindi 'yon nangyari. Simula

P 52-2
ngayon gusto kong mas pagtuonan natin kung ano ang pa ang mga plano natin. I want
us to focus on the good
things and not that... Please?"
Marahan akong napatango at napangiti. Bumaba ang aking mga kamay patungo sa kanyang
pangang bahagyang
nakatangis.
"I love you too, Mr. Right. I love you so much more, Asher..." buong puso kong
sambit.
He pulled me closer and kissed my temple. Inayos ko rin ang aking sarili para mas
mayakap siya ng mabuti.
Pagkatapos naming makapag-ayos ay inasikaso niya ang pagkain namin. Though taliwas
sa isip ko ang
kagustuhan niyang isantabi ang katotohanang nalalapit na dulo ng buhay ko ay
pumayag ako dahil gusto ko rin
siyang pagbigyan sa hiling niya.
Pumayag si Asher na samahan ako at magpatuloy kahit na ilang beses ring sumisingit
sa usapan namin ang
mga pahapyaw niya tungkol sa pagbalik ng Manila para sa akin. Minsan ay nakikita ko
siyang nagre-research
tungkol sa aking sakit at nagtatanong pero hindi naman hinahayaang humantong kami
sa usapang may kaugnay
sa kamatayan.
"Day twenty," ilang beses kong sinubukang mag-film pero isang oras na akong paulit-
ulit sa pagsambit no'n
ay wala pa rin akong lakas ng loob na magsimula.
Nahihirapan pa rin akong humarap sa camera knowing that I'm not being fully honest
with them kaya sa huli,
simpleng travel vlogs nalang ang naibabahagi ko sa kanila. I still have a lot of
questions to answer ngunit
maging 'yon ay hirap akong gawin. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang tumagal sa
harapan ng camera
hanggang sa tuluyan na akong walang nai-post.
Bukod sa nagmamadali ako at hinahabol ang oras, gusto ko ring huminga muna sa
lahat. Gusto kong ihanda
ang sarili sa gagawing pag-amin kapag dumating na ang tamang oras dahil hindi ko
naman pwedeng itago
nalang sa lahat ang aking kondisyon. The people who supported us from the beginning
deserves to know what
is going on hindi dahil responsibilidad kong ipaalam ang lahat ng nangyayari sa
buhay ko, kung hindi dahil
gusto kong mag-iwan ng marami pang salita sa kanila bago ako tuluyang mawala.
"Dream big, live your life to the fullest and always aim for the goodness of life,"
nakangiti kong pagtatapos
sa speech na ibinibigay sa mga estudyanteng nasa aking harapan matapos silang
bahagian ng kaunting biyaya.
Si Asher ay abala sa pagkuha ng video kahit na sinabi ko sa kanyang hindi na 'yon
kailangan dahil wala
naman na akong panahon na mag-edit pa at mag-post. Our supporters kept asking us
why we're being MIA at
siya rin ang matiyagang sumasagot doon.
Pagbaba ko sa stage ay agad niya akong sinalubong upang alalayan.
"I'm okay." natatawa kong sambit pero hindi siya nagpapigil.
Ganito ang sistema namin palagi. Kung noon ay likas na siyang maalaga, ngayon naman
ay sobra-sobra na
kung pagtuonan niya ako ng pansin na minsan ay nakakailang dahil ito ang ayaw kong
gawin niya. I don't want
him to be like my family na walang ibang inintindi kung hindi ako.
"Okay lang ako, Asher." muli kong sambit na mukhang naintindihan naman ang gusto
kong ipahiwatig kaya
P 52-3
binitiwan ako.
Tipid niya akong nginitian. Sabay naming binati ang mga guro sa eskwelahang 'yon
bago nagpaalam sa kanila.
The activity made me exhausted sa huling school na pinuntahan namin. Sa kalagitnaan
ng pakikipag-usap sa
mga bata ay kailangan niya akong alalayan dahil nahihirapan akong huminga at
literal akong nanghihina.
Bukod kasi sa wala akong masyadong tulog, medyo wala rin akong ganang kumain at
kahit na pinipilit ko ang
sarili ko, hindi ko naman gustong mag-alala pa si Asher kaya hindi na rin ako
umangal sa muling pag-alalay
niya.
"We're done." aniya habang hinihila ako palayo sa nakararami.
"Asher, kailangan ko pang–"
"I said we are done, Karsyn. Uuwi na tayo." matigas at pinal niyang sabi kaya wala
na akong nagawa kung
hindi ang sundin siya.
Inihatid niya ako sa sasakyan at pagkatapos ay siya na ang nagpaalam para sa aming
dalawa. Ilang malalalim
na paghinga ang nagawa ko para lang habulin ang aking hininga. My heart is pounding
so hard dahil sa dami
ng nagawa namin ngayon pero hinapo ako ng todo sa pagsali ko sa mga palaro kasama
ang mga bata kanina.
Habang wala si Asher ay pinakiramdaman ko ang aking sarili. Pinilit kong maging
normal ulit ang aking
paghinga at ang lahat alang-alang sa maraming bagay na dapat ko pang tapusin. Sa
pagbalik niya ay hindi na
siya nagpaligoy-ligoy pa. Ni hindi niya ako pinansin at diretso lang na nagmaneho.
Walang imik hanggang sa
makarating kami pabalik sa hotel.
Dahil doon ay hindi na rin ako nagsalita. He looks mad. Pakiramdam ko ay may nagawa
akong malaking
kasalanan sa kanya na nakakatakot alamin. We had a quick dinner. Sa durasyon no'n
ay tanging ang pagtanong
lang ng nararamdaman ko ang bukam-bibig niya at wala ng iba. Hindi gaya noong mga
nakaraang araw na
iniiwasan niyang pag-usapan ang nangyayari sa akin. He even asked me if I can still
do it dahil kung hindi ay
hindi na kami tutuloy.
"I still have so much to do, Asher."
Nag-igting ang kanyang panga sa sinabi ko ngunit sa huli ay hindi nalang nagsalita.
Sa sumunod at huling araw namin bago tumulak patungong Batanes ay mas tumindi ang
pag-alaga niya sa
akin. Sinabi niyang doon siya mapapanatag kaya hinayaan ko siya ngunit gaya nitong
mga huling araw, mas
bumibilis lang akong mapagod at mas nararamdaman ko lang ang aking panghihina
habang tumatagal.
"I'll pack my things tapos sunduin mo nalang ako bukas bago mag..." nahinto ako sa
pagsasalita gabi ng
paghahanda para sa flight bukas patungong Batanes ng makita ang mga mata niyang ni
hindi kumurap habang
nakatuon sa akin.
Napalunok ako at natigil sa paghila ng aking maleta nang mapansin siyang tahimik at
seryoso lang akong
pinapanuod.
"Asher?"

P 52-4
Nalaglag ang mga mata niya sa hawak ko.
"Are you okay?"
Nakita ko ang pagbuntong hinga niya at pagkatapos ay paghilig sa kanyang
kinauupuan. Inilagay niya ang
kanyang siko sa arm rest habang ang palad sa ipinirmi sa kanyang bibig. Muli,
nakatitig na sa akin.
"Why? Is there something wrong?"
"I just can't stop thinking about what happened this past few days. Lalo na iyong
kahapon."
"Which one?" umupo ako sa kama pero hindi inalis ang tingin sa kanya.
"Karsyn, I know I said that I'll support you no matter what, right?"
I nodded slowly. Naramdaman ko ang paglakas ng pintig ng aking puso nang tumuwid
siya ng upo habang mas
sumisidhi ang mga matang nakapukol sa akin.
"Pero hindi ko pala kaya. I'm sorry but I lied. Hindi ko kayang makita kang
nagpapatuloy kahit na alam kong
nahihirapan ka."
"I'm not, Asher."
"No!" dismayado siyang umiling.
Pinilit kong tumayo at pagkatapos ay maingat na naglakad patungo sa kanyang tabi.
Hinawakan ko kaagad ang
kanyang kamay.
"I'm okay. Kaya ko pa, Asher. Kayang kaya ko pa at hindi ako pwedeng huminto rito."
Kung naririnig ko lang ang mga mata niya ay baka nabingi na ako. I'm sure it's
screaming profanities right
now. Masyadong madilim ang mga 'yon at nakakatakot titigan. Mabuti na nga lang at
ilang segundo lang ay
nag-iwas na kaagad siya ng tingin.
Muli kong pinisil ang kanyang kamay.
"I'm sorry if you have to witnessed how weak I am," hinila ko ang kanyang kamay
patungo sa aking hita
dahilan para mapatitig siya ulit sa akin. "I'm sorry kung nahihirapan ka–"
"Hindi lang ako, KF. Alam kong nahihirapan ka rin," mabilis niyang pagpuputol sa
akin. "Pero ang pinakamahirap ay kapag nakikita kitang ganito. Damn it, hindi ko
kaya. Baby, hindi ko pala kaya..."
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay pinagdiin ang aking mga labi.
"I'm sorry, Asher..." malungkot akong napatitig sa kanya pero nang pisilin niya ang
kamay ko ay nagpatuloy
ako.
"But I'll be okay. I promise... Isa pa, matagal tayo sa Batanes at hindi na natin
kailangang bumiyahe ng
marami doon. I'll be fine."

P 52-5
Nagpakawala siyang muli ng isang malalim na paghinga. Alam kong hindi siya
kumbinsido sa mga salita ko
dahil nakikita niya ang totoo kong kalagayan pero ito ang gusto kong gawin.
Hanggang sa dulo, gusto kong
tumulong.
"Karsyn, please? Sabi ni Asher habang tumatagal lalo kang nanghihina. Can you just
please come home?"
Napangiti ako ng mapait sa narinig.
"I'm ticking Batanes off of my bucket list tomorrow, Zyd," I said, changing the
topic. "And I can't wait to visit
the peace-loving people of Ivatan. Alam mo bang bukas ay magpapadala rin ng tulong
sila Jacob doon?"
I heard her sigh at that. Imbes na matuwa ay katahimikan ang isinagot niya sa akin.
"And I can't wait to share some of my blessings with them. I've been dreaming of
going to Batanes since
Doctor Ramirez gave me a map kung saan sila dumadayo para sa mga medical mission at
alam mo kung
gaano ko kagustong pumunta doon."
"I'm just concerned, Karsyn. Isipin mo rin ang sarili mo kahit ngayon lang."
aniyang may bahid ng sama ng
loob.
Napawi ang natitirang tuwa na bumubuhay sa aking puso. I get that she's
disappointed about my decision pero
gusto kong mas maintindihan nila ako.
"I'm always thinking about my situation but there's nothing I can do about it.
Buong buhay ko ay 'yon lang ang
nasa isip ko and I've had enough, Zyd,"
She didn't respond kaya nagpatuloy ako.
"Mas importante ang makagawa ako ng makabuluhang bagay kaysa ang ubusin ang oras sa
hospital. I'm done
with all that. I don't want my illness to be the hindrance of my mission... Zydney,
I am dying," madiin kong
pahayag. "Whether you like it or not, it will happen. Hindi lang rin naman ako. We
are all going to die and I
get your frustrations but I'm sorry, Zydney. I won't follow you this time. I'm
sorry but instead of focusing on
my illness, I want to focus on the things that matters the most. Please, Zyd?
Please understand me... Let me do
what I want to achieve. Let me have my own happiness... Kahit iyon nalang... Kahit
'yon lang bago ako
mamatay."
"Karsyn!"
"Please?" nagmamakaawa kong sabi.
Matagal bago siya nakasagot ulit. I know she is crying right now pero gaya ko ay
nagpapakatatag nalang rin
para iwasang mas bumigat pa ang usapan.
"You will not die, Karsyn," napasinghap ako ng marinig ang matinding kalungkutan sa
kanyang matigas na
boses. "Promise me you'll not die, please?"
"Zydney..."
"Lie, Karsyn. Just lie for once?"

P 52-6
Marahas akong napalunok nang gumaralgal ang kanyang boses at kahit na labag sa loob
ko, nagawa kong
magsinungaling. Kahit ayaw ko, magsisinungaling nalang rin ako para sa kanya maging
para sa sarili ko.
"I-I promise... I promise, Zydney..."
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Ano bahh?????????? Kaiyak KF?????? Naiisip ko tuloy si gina lopez kay Karsyn kahit
may sakit go lang basta makatulong

P 52-7
CHAPTER 50
7.5K 565 106
by CengCrdva

CHAPTER FIFTY
Loving Can Hurt
Our first day in Batanes was spent in the southern part of the place. Hindi natigil
sa paghawak sa aking
kamay si Asher simula nang mapunta kami sa Chawa view deck. Doon palang ay wala
nang pagsidlan ang
tuwa sa aking dibdib. It was a surreal feeling. Noon naalala kong tanging sa mga
postcards na ibinibigay ni
Doctor Ramirez ko lang nakikita ang lugar na ito pero ngayon, nasa harapan ko na.
Napapihit ako kay Asher na kasalukuyang nakayakap sa akin galing sa likuran.
"It's beautiful..." maluha-luha ko nang sambit.
" You are beautiful." sagot niyang dahilan ng pag-iinit ng aking magkabilang
pisngi.
"Asher naman."
"What?" he chuckled.
Pinigilan kong mapapikit nang haplusin niya ang aking pisngi at kalabanin ang
hanging isinasayaw ang ilang
hibla ng aking buhok.
"Isn't this the best place we've ever been to?" tanong ko.
Umiling siya.
"Lahat ng lugar best place para sa akin basta kasama kita. Kahit saan pa because
you make everything perfect
for me."
Napanguso ako at nahihiyang napayuko at umikot nalang ulit para titigan ang kabuuan
ng lugar. Ito palang ang
una naming nabibisita pero nag-uumapaw na ang tuwa sa aking puso. This is one of my
childhood dream.
Noong bata pa ako, ni hindi ko naisip na isang araw ay makakaalis pa ako sa
hospital at bahay.
My Mom was the one who's been over-protective of me. Hindi ako pwedeng umalis ng
walang kasama at
body guard noon lalo na nang mag-umpisa akong mag-aral sa normal na paaralan.
Naalala kong ilang pilit
ang ginawa ko sa kanya para lang huwag na ako i-home school dahil gusto ko ring ma-
experience ang mga
nagagawa ng mga normal na batang napapanuod ko sa TV. Eventually, it was Dad who
convinced her to let
me do what I want. Siya ang pinaka-kunsintidor sa akin sa pamilya ko at tanging
hiling lang ay ang lahat ng
kasiyahan ko and I am so lucky to have him. Tingin ko ay alam ni Daddy ang lahat ng
nararamdaman ko kaya
lahat ay oo ang tanging sagot niya sa akin kahit pa ngayon.

P 53-1
Maswerte rin ako dahil sa pagsusumikap niya ay nabigyan niya ng magandang buhay ang
aming pamilya. He
provided for our needs and wants at marami pang iba. I'm glad that God assigned him
to be my father
because I can't think of anyone who's capable of doing it. Masyado akong magastos
at kung hindi lang may
kaya ang pamilya namin ay siguro'y apat na buwan palang ako ay wala na ako rito sa
mundo. I thank God
everyday for the gift of life at habang buhay ko ring pasasalamatan si Daddy sa
lahat ng sakripisyo niya
maibigay lang ang lahat ng gusto ko.
I gasp when the wind dances with my hair kasabay ng paglapit ni Asher sa kanyang
mukha patungo sa aking
leeg.
"Are you happy?" malambing niyan bulong sa aking tenga.
Marahan akong tumango at pinisil ang kamay niyang nakapirmi sa aking tiyan.
"You don't have any idea how happy I am right now, Asher. Thank you... Thank you
for being a huge part of
my happiness."
"It's my pleasure to make my baby happy."
Hinawakan ko ng mas maayos ang kanyang kamay para iyakap sa akin ng mas mabuti.
We continued our tour in the south pero hindi namin natapos lahat dahil ayaw niya
akong mapagod ng sobra.
Bumalik kami sa Fundacion Pacita, ang aming hotel na tinutuluyan at doon na kumain
at nagpalipas ng gabi.
We resumed our tour in the South the next day. Nagsimba kami sa San Carlos Borromeo
before we headed to
Tayid lighthouse and Rakuh A Payaman. Kahit na hindi kailangan, Asher made sure
that he captured every
scene with me. Hindi siya natigil sa pagkuha sa akin ng video habang aliw na aliw
sa kagandahan ng lugar.
Kahit na madali akong mapagod, hindi ko napigilang magtatatakbo sa kulay berdeng
burol pababa at patungo
sa mga bakang nakapastol. Asher was running after me and we were laughing the whole
time.
"Asher!" natatawa akong nagpumiglas nang mahuli niya ako.
"Stop running so fast or I'm going crazy!"
Humahalakhak akong humarap sa kanya at mabilis na ikinulong ang kanyang mukhang
nakabusangot gamit ang
aking mga kamay.
"I'm sorry... Sobrang nai-excite lang ako dahil walang ganito sa Manila at mas
lalong walang ganito sa
hospital."
Dumiin ang titig niya sa akin kaya kinalma ko ang aking sarili upang maging pormal
muli ang paghinga sa
kanyang harapan. Hinawakan ko ang kanyang kamay at iginiya siya sa parte kung saan
kitang kita ang kulay
asul at kumikinang na dagat sa ibaba ng burol na aming kinaroroonan.
"This is a masterpiece, Asher..." napapapikit kong sambit dahil sa pag-ihip ng
malamig at sariwang simoy ng
hangin. "God is the perfect artist. I mean look at this beauty..."
Tanging ang pagpisil ni Asher ang naging sagot niya sa akin. Sa paglingon ko ay
nakangiti na siya at mukhang
kanina pa sa akin nakatuon.
P 53-2
"I couldn't agree more..." he murmured gently. "But I don't think this place is his
masterpiece," he paused and
smiled sweetly at me. "You are."
Muling naputol ang aking paghinga nang maramdaman ang paggalaw ng kanyang kamay
upang pagsalikupin
ang aming mga palad. Sa paghila niya sa akin palapit sa kanyang katawan ay doon na
ako napirmi.
Hindi ko na alam kung gaano kami katagal magkayakap habang pinapanuod ang
napakagandang kapaligiran.
Nang matapos at magutom ay dumaan kami sa Honesty Coffee Shop at doon kumain bago
muling magpatuloy
sa paglilibot sa kabuuan ng parteng iyon ng lugar.
"Third day, Batanes," nakangiti kong bati sa harapan ng camera.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pag-thumbs up ni Asher sa akin para
bigyan ako ng lakas pa ng
loob para ipagpatuloy ang ginagawa. Kung hindi dahil sa pangungumbinsi niya ay baka
umuwi nalang kaming
wala akong naipo-post tungkol sa perpektong lugar na ito. Asher has been so
supportive na siya na ang
kinukuhaan ko ng lakas sa maraming pagkakataon.
Ipinaliwanag ko sa harapan ng camera ang ilang detalye ng aming gagawin lalo na't
ang pangatlong araw na
ito ang araw nang pakikihalubilo namin sa mga locals. Ang mga gamit, pagkain at
ilang tulong ng mga
kaibigan ni Asher ay ngayon rin namin ipapamahagi kaya matapos iyong sabihin ay
nagpaalam na rin ako.
"Always spread kindness, positivity and love!" masaya kong pagtatapos. "This is KF,
I'll see you again
later!" Napahugot ako ng isang malalim na paghinga nang matapos ang unang video na
ginawa ko pagkatapos
ng ilang araw na pag-iwas.
We proceeded with gift giving. Ang puso ko ay muling nagkaroon ng sapat na lakas ng
makita ang mga
masasayang mukha ng mga bata, matatanda at mga nangangailangang naabutan namin ng
tulong. Hindi ko alam
kung paano nagawa ni Asher na pagdugtong-dugtungin ang mga kuhang video na maiiksi
lamang dahil kung
ako lang ay hindi ko talaga 'yon gagawin but he is really determined to do so.
"Kaya pa?"
Tumango ako at buong pusong ngumiti para sabihin sa kanyang kayang kaya ko pa at
hindi pa ako napapagod
dahil iyon naman ang totoo. Actually, simula nang gumising kanina ay ganadong
ganado na ako at hindi iyon
naubos hanggang sa sumapit na ang gabi.
Kinabukasan ay halos maluha ako ng makita ang nag-uumapaw na suporta ng lahat sa
panibagong video na
nai-post namin matapos ang pagpapahinga sa social media ng ilang araw. Ang mga tao
ay walang patid ang
tuwa nang muli kaming makita.
Asher posted a picture on his instagram and it was bombarded with comments and
likes. Iyon ang kuha
kahapon na naging photo bomber ako habang kinukuhaan niya ang lignt house pero
nagwala ang lahat sa
caption niyang, "She thinks she ruined the picture but what she didn't realized is
that she just made this
moment so perfect. Darn, look at this beauty."
Nagpipigil ng ngisi ko siyang binalingan. Nakita kong aliw na aliw siya at
siguradong dahil 'yon sa mga
comments na binabasa.
P 53-3
"Bolero ka pala talaga..."
Mabilis na kumalabog ang aking puso dahil sa agaran niyang paghinto at pagkawala ng
ngiti sa labi dahil sa
sinabi ko. Tinanggal niya ang mga paa sa nasa harapang couch at ibinaba ang
teleponong hawak para harapin
ako.
"What did you say?"
Inangat ko ang hawak kong telepono at ipinakita ang post niya. Naramdaman ko ang
pamumula ng aking
magkabilang pisngi nang ngumisi siya.
"If being honest makes me bolero then so be it."
That made me bit my lower lip! Walang humpay ang pagtutumalon ng aking puso gawa ng
kanyang mga salita
pero hindi ko na nagawa pang makipagtalo sa kanya dahil talaga namang umiikot ang
aking sikmura.
God, he really makes me happy. He gives me emotions that I didn't know I am capable
of. Noon, may idea
man ako sa pakiramdam ng kinikilig pero hindi ko in-expect na ganito iyon. Para
akong may mga langgam sa
aking sikmura na hindi naaalis hangga't hindi nakikiliti ang tiyan ko maging ang
buo kong katawan kahit sa
mga simpleng pahapyaw niya lang!
Humilig ako sa aking upuan ng maalala si Mommy. I'm sure my Mom will like him.
Maging ang mga kapatid
ko dahil bukod sa mukhang iisa ang mga hilig nila sa buhay, alam kong makikita nila
kung paano magmahal si
Asher at paano ito mag-alaga. Iyon lang naman ang concerned ni Mommy. Ang may mag-
alaga sa akin
hanggang sa dulo dahil iyon ang ginawa niya hanggang sa matapos ang buhay niya rito
sa mundo.
Habang nakatitig sa kanya ay hindi ko napigilang maging emosyonal habang iniisip
kung gaano ako kaswerteng nakilala ang isang tulad niya.
"What?" nakasalubong ang kilay niyang tanong nang mahuli akong nakatitig sa kanya.
Marahan akong umiling.
"Nothing."
Muling umangat ang gilid ng kanyang mga labi at pagkatapos ay tumayo para lapitan
ako. Huminto siya sa
aking harapan ngunit tuluyang nalaglag ang aking mga kamay nang ilahad niya ang
kanyang palad sa harap ko.
"W-What are you doing?" nalilito kong tanong habang inilalakad ang aking paningin
pabalik ulit sa mga mata
niyang napakaraming gustong ipahiwatig.
"Dance with me, baby."
Ang mga mata ko ay lumihis sa kanyang likuran. There's a stereo malapit sa TV pero
wala namang tugtog.
"Bakit?"
"Zydney told me that you've never been in a prom or something similar," iginalaw
niya ang kanyang kamay
kaya lutang ko iyong kinuha.

P 53-4
"B-But there's no music."
"Kailangan ba no'n?" masaya niyang tanong.
Napalunok ako nang maramdaman ang pagbaba ng kanyang kamay sa aking bewang kasabay
ng marahan
niyang paghapit sa akin. Pinanuod ko siyang ilagay ang aking mga kamay sa kanyang
balikat. Nang mapirmi
ang mga mata ko sa kanyang mukha ay parang may mainit na bagay na lumukob sa aking
puso. He is
gorgeous... Hindi lang sa panlabas kung hindi maging ang kanyang panloob at hinding
hindi ako mapapagod
na sabihin 'yon.
"Close your eyes and let me be our rhythm." malambing niyang bulong na buong puso
ko namang sinunod.
Nang magsimula siyang gumalaw ay nakagat kong muli ang aking labi. Ang magaan,
maingat at dahan dahan
niyang kilos ang pumuno ng kasiyahan sa aking puso. Ilang segundo lang ang lumipas
ay kusa nang nalaglag
ang aking kamay upang yakapin siya. Inilapat ko ang aking mukha sa kanyang malapad
na dibdib. Ilang beses
akong napahinga ng malalim dahil sa naisip.
I never thought that dancing without music and just listening to his heartbeat was
the most romantic thing I've
ever experience. Nalagpasan no'n ang lahat ng kilig na naramdaman ko sa lahat ng
bagay na ginawa niya para
sa akin. It feels like I'm hugging not just his physical body but his soul. Na
parang kahit simple tignan, mas
malalim ang ugnayang mayroon kami sa pagkakataong ito.
We danced slowly with the beatings of his heart. We were vulnerable pero tanging
ang aming mga kaluluwa
lang ang nag-uusap.
"Loving can hurt... Loving can hurt sometimes," awtomatiko akong napadilat nang
marinig ang kanyang
pagkanta ilang minuto ang lumipas.
Pakiramdam ko ay mababaliw na ako lalo na't nang marinig ang kanyang pagpapatuloy.
"But it's the only thing that I know," marahan kong inilayo ang aking sarili at
masaya siyang tinignan.
Oh my God... I think something inside me was lit on fire! Asher is singing! He is
singing and he is holy good
in it!
"When it gets hard, you know it can get hard sometimes. It is the only thing makes
us feel alive..." kanta niya
habang tutok na tutok sa akin ang mga matang kumikinang.
Sunod sunod ang naging paglunok ko lalo na nang marinig ang lyrics na tila maraming
gustong iparating sa
akin. Nakinig ako hanggang sa marating niya ang chorus na wala akong naisip kung
hindi, 'Wow... I can listen
to him forever...'
"So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans. Holding me closer 'til
our eyes meet," I bit my
lip when his voice soothes in the deepest part of my heart. Naluha na ako. "You
won't ever be alone, wait for
me to come home..."
Nang makita ko ang pagtikom ng kanyang bibig kasabay nang pagdalo ng kanyang mga
kamay sa aking pisngi
ay mabilis akong umiling para sabihin magpatuloy siya pero mukhang nag-aalala siya
sa akin kaya hindi na
nagawa.
P 53-5
"I'm sorry, baby... I'm not a singer but do I sound that bad?" kinakabahan niyang
tanong kaya napahagikhik
ako sa gitna ng emosyonal na pagluha.
"No. I want you to continue singing for me."
"Hindi pangit?"
"No. It's just perfect, Asher... I love your voice, baby."
Napangiti siya at ganadong nagpatuloy pero dahil pareha kaming natawa sa lakas ng
boses niyang pabirong
kinanta ang sunod na lyrics ay hindi na niya naituloy. Hinigpitan niya ang yakap sa
akin at ilang beses akong
hinalikan sa buhok. Nang harapin niya ako ay saka siya muling nagsalita.
"Alam mo bang gusto kong magmura dahil nahihiya akong gawin 'to? Pero ngayong
nakikita kong napapasaya
kita, parang gusto ko nalang magpalamon sa kahihiyan makita ko lang 'yang mga ngiti
mo. I'd die for that."
"Asher..." umaalon ang tinig kong sagot. "Hindi ko na alam kung ilang beses na
akong nagpasalamat sa'yo but
it's not enough to thank you for everything."
"You don't have to. Makasama lang kita, bawing bawi ka na sa lahat," nang makita ko
ang pagbaba ng
kanyang mukha palapit sa akin ay inihanda ko ang sarili ko sa posibleng pagwawala
lalo na't alam kong
hahalikan niya ako sa labi pero bago dumikit ang mga 'yon sa akin ay nakita kong
ngumisi siya.
"I think it's more romantic with the music on," aniya at pagkatapos ay may kinuha
sa kanyang bulsa.
Wala pang limang segundo ay tumunog na ang kantang kanyang kinakanta kanina ngunit
bago pa ako makapagkomento ay mabilis na niya akong siniil ng masuyo ngunit may
gigil na halik.
I was giggling when he kissed me at first ngunit nang lumaon at sumeryoso ang
paraan ng kanyang paghalik sa
akin ay nalunod na ako ng tuluyan.
"... When I'm away, I will remember how you kissed me. Under the lamppost back on
Sixth street. Hearing
you whisper through the phone, 'wait for me to come home.'"
Our night ended with giggles and kisses at buong gabi kaming nag-usap tungkol sa
mga simpleng bagay upang
mas kilalanin pa ang isa't-isa.
"Where are we going?" kinakabahan kong tanong kay Asher na iginigiya ako sa kung
saan. He even put a
blindfold in me!
Ito ang pang isang linggo't kalahati naming pananatili sa Batanes. Sa tagal no'n ay
marami na kaming
nakilalang mga residente ng lugar na mainit ang naging pagtanggap sa amin.
"Relax, we're almost there." aniya habang mahigpit ang pagkakahawak sa aking mga
kamay para hindi ako
matumba sa daan.
I can't see. Tanging sigurado ko lang ay nasa burol kami dahil sa pagdaplis ng
ilang damo sa aking paa.
"Wait here." ganado niya pa ring bulong na ipinirmi na ako sa isang gawi.

P 53-6
"Where are you going?"
"Just stay here and wait for my signal." aniya at tuluyan na akong iniwan.
Ang malakas na simoy ng hangin ang mas lalong nagpakaba sa akin sa bawat segundong
lumilipas na wala
akong naririnig. Marami man akong negatibong naisip pero nagtiwala nalang ako kay
Asher.
"Ready?" sigaw niya sa hindi kalayuan.
Tumango lang ako.
"Okay, you can now remove your blindfold."
Dahan dahan kong iginalaw ang aking mga kamay patungo sa piring na nasa aking mga
mata at maingat iyong
tinanggal. Nang dumilat ako at tignan kung anong nangyayari ay mabilis akong
napapitlag ng makita ang mga
batang pinapagitnaan si Asher kasabay ng paghiyaw nila nang sabay-sabay habang
hawak pa ang mga letra ng
salitang kanilang binanggit.
"Happy Seventh monthsary, Miss Right!"
Mabilis kong natutop ang aking bibig at agad na napaluha lalo na't maliban sa mga
bata ay naroon rin ang
ilang mga lokal na nakilala namin nitong mga nakaraan. There were chairs and tables
full with food and
beverages.
"I know it's been only seven months since we first met but if feels like ages
already," pinunasan ko ang aking
mga luha nang magsalita si Asher na gaya ko ay kumikinang rin ang mga mata gawa ng
sobrang kasiyahan at
emosyon.
Hinintay ko siyang makalapit muli at makabalik sa aking pwesto. He held my hand and
wipe my tears.
"It's been only seven months pero 'yung pagmamahal ko sa'yo higit pa sa panghabang
buhay, Karsyn... I can't
wait to spend the rest of my sunrises and sunsets with you. Mahal kita at mamahalin
kita hanggang sa dulo.
Ikaw lang... Ikaw lang, baby..."
Kinuha niya ang aking kamay at napapikit nang dalhin iyon sa kanyang labi upang
halikan. My sobs answered
him for me.
"D-Do you..." natigil ako sa pagpapatuloy dahil ayaw kong masira ang lahat ng
sorpresa niya dahil lang sa
sasabihin ko tungkol sa aking sitwasyon.
"Will you love me until the end?" I asked instead.
"Of course, Karsyn."
"Mahal na mahal mo talaga ako?"
Ngumiti siya at muling hinalikan ang aking kamay.
"I love you with every bit of me," dinala niya ang aking palad sa kanyang dibdib.
"Every beat of this heart.

P 53-7
Kahit saan tayo mapunta, mamahalin at mamahalin kita."
"Do you still want me to be your girlfriend even if..." I swallowed the words that
would finish my sentence
when his eyes narrowed.
Huminga ako ng malalim at hinayaan nalang ang mga luhang magsipag-laglagan sa aking
mga mata.
"Then yes, Asher. Yes, sinasagot na kita."
Nakita ko ang pagtigagal niya dahil sa narinig.
"W-What?"
Pupungas pungas akong huminto at pagkatapos ay pinisil ang kanyang kamay.
"I am yours, Mr. Right at oo, tinatanggap ko na ang pagmamahal mo."
Matagal bago siya nakasagot dahil sa pagkabigla. Ang kanyang mga mata ay hindi
makapaniwala na kung
hindi pa naghiyawan ang mga tao sa paligid namin ay hindi pa 'yon tuluyang lilinaw
sa kanyang isip.
"Y-You're mine now?!"
I nodded slowly.
"Karsyn, are you sure?!"
Humigpit ang kapit ko sa kanya. My heart dance with so much joy na sa sobra sobra
ay nahirapan akong
huminga pero nagawa pa rin siyang tanguan.
"Karsyn! Damn!" malakas niyang sigaw sabay nababaliw na hinarap ang mga bisitang
saksi ng aming
pagmamahalan. "She said yes everyone! She said yes!" hindi pa rin makapaniwalang
hiyaw niya.
Napahagikhik ako ng iwan niya ako't batiin siya ng mga Ivatan. Masaya rin akong
nakipagbatian lalo na sa
mga batang mas lalong nagpapatalon ng aking puso but it wasn't that long when I
felt my heart pounded so
hard and fast inside my rib cage. Sa sobrang lakas no'n ay nanghihina akong
napaluhod.
Pinilit ko pang tumayo habang inaalalayan ng mga batang nakapalibot sa akin pero
hindi ko na nagawa. In just
a split second, I heard Asher's voice screamed my name. I felt him touched me,
hugged me, carried me...
Sa nanlalabo kong mga mata ay nakita ko pa ang kanyang gwapong mukha na kabadong
kabado habang
natataranta akong buhat. It was chaotic. Maingay, magulo ang mga sumunod na
pangyayari pero wala akong
nagawa kung hindi ang pumikit.
I didn't think that happiness can hurt this bad. My heart hurts a lot... I-It
hurts... It hurts so much...
bulong ng aking utak bago ako tuluyang mawalan ng malay.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


P 53-8
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
@CengCrdva ansakit sa heart ah...pero gusto ko po yung ganito?? Pnpaiyak aq ng
sobra

P 53-9
CHAPTER 51
6.5K 583 67
by CengCrdva

CHAPTER FIFTY ONE


What About Me
Sinubukan kong idilat ang mabibigat kong talukap ngunit nang pasukin 'yon ng
liwanag ay mas napapikit lang
ako ng mariin. I gave myself a minute or two to do it again pero maging ang mga
mata ko ay naubusan na rin
ng lakas. Hindi ko na nabilang kung gaano ako katagal na nakapikit habang nag-iipon
ng lakas para muling
masilayan ang mundo dahil umaasa akong naroon pa rin ako.
I was greeted by a white room. Kung hindi dahil sa tumutunog na machine sa aking
gilid ay hindi ko pa
maaalala ang lahat. I just remember being so happy and that happiness leads me
here... In a CCU room.
Kumurap-kurap ako ngunit hindi naman nakagalaw kaagad. Inalala ko kung saan ako
nagkulang at kung bakit
humantong sa ganito. I am taking my medications religiously. Hindi rin naman ako
nagpapabaya sa pagkain
dahil kahit na wala akong gana ay pinipilit ko pa rin pero bakit ganito nalang
kabilis? I know my time now is
just limited but I didn't expect dying soon. Alam kong handa na ako sa lahat pero
patuloy akong nananalangin
na sana ay bigyan pa ako ng maraming oras dahil alam kong hindi pa ako tapos.
"Karsyn?" marahan kong sinundan ang pinanggalingan ng boses na 'yon. "Karsyn, are
you awake?"
Nang mapunta ang mga mata ko sa gawi ng couch na nasa gilid ay agad akong napangiti
ng makita si Zydney
kahit na ang mukha niya ay hindi maipinta sa kalungkutan.
"Zyd..."
"Oh my God!" nagmamadali niya akong dinaluhan. "Thank God you're finally awake!"
"I-I am..." masaya ngunit nanghihina ko pa ring sambit. "You're here..."
Pinutol niya ang yakap sa akin.
"I ditched my class after I received Asher's phone call last day. Sobrang nag-
aalala ako at halos himatayin na
ako sa eroplano!"
Kahit na ramdam ko pa rin ang bigat ng dibdib ko ay nagawa kong matawa.
"I'm sorry..." hinaplos ko ang kanyang kamay. "Where is he? Where is Asher?"
Naupo siya sa gilid ng kama at ipinatong ang isa pang palad sa ibabaw ng akin.
"Kakaalis lang. I don't exactly know where he's going pero baka susunduin sila
Jacob."

P 54-1
Napaawang ang aking bibig.
"Jacob?"
Tumango tango siya.
"'Yon ang sabi."
"T-They know?"
Malungkot siyang tumango.
"Asher informed everyone about what happened."
Napalunok ako ng maramdaman ang pagbara ng kung ano sa aking lalamunan. Mabilis na
kumalat ang init sa
aking puso nang maisip na pupunta silang lahat dito para lang sa akin. Though
totoong ayaw ko munang
ipaalam dahil ayaw kong pati sila ay mag-alala gaya ng pag-aalala ng mga taong
nakapaligid sa akin pero ang
makita silang muli ay nagbigay ng kasiyahan sa aking puso.
"How's Dad?"
"He is fine. He's now in Europe but he said he will visit you as soon as he flies
back to the Philippines."
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. Bukod sa pasasalamat ng aking utak sa
kadahilanang buhay
pa rin ako ay nagpapasalamat rin akong maayos ang lagay ni Daddy pagkatapos nang
nangyari sa akin.
Ilang minuto pa kaming nag-usap at sa durasyon no'n ay hindi siya natigil sa
pagkumbinsing umuwi na ako at
doon ipagpatuloy ang mas maayos na gamutan. She said that I'm lucky to stay alive
dahil minor heart attack
lang ang nangyari. I am glad that I'm stable now. Ramdam ko man ang bigat ng dibdib
ko pero medyo
kalmado na ang lahat sa aking pakiramdam. Maraming beses niyang ipinaalala na hindi
imposibleng maulit
'yon pero hindi na ako nakapagsalita dahil sa pagdating ng mga bisita.
"Karsyn..." ani Asher na halos iisang hakbang lang ang pagitan ng pinto at nang
aking kama madaluhan lang
ako at mayakap ng mahigpit.
Rinig at dama ko ang malakas na pintig ng kanyang puso nang higpitan ko ang yakap
sa kanyang katawan.
"You're awake."
"I am." I answered gladly.
Nang lumayo ako sa kanya para bigyang pansin ang kanyang mga kaibigan ay nalula na
ako dahil sa pagmimistulang birthday party ng aking kwarto sa dami ng mga lobong
ipinasok nila lalo na ni Eros. Jacob and Igo
gave me flowers. Ang iba ay prutas naman ang dala at marami pang iba.
"How are you feeling?" tanong ni Jacob matapos ang aming kumustahan.
Umayos ako ng upo sa aking kama bago siya sagutin.

P 54-2
"I'm fine. It's good to see you, Senyorito."
Napangisi siya at napailing sa sinabi kong palagi kong naririnig kay Eros.
Hinawakan niya ang aking balikat
at marahan iyong pinisil.
"Get well soon, Karsyn."
Tipid akong ngumiti.
"Get well soon for, Asher, please?"
"Jacob–"
"I need you to be okay and I know you will be okay." madiin niyang sabi na wala
akong nagawa kung hindi
ang tumango nalang.
Hindi sila umalis sa tabi ko hanggang sa umalis na ang lumiwanag sa labas. Kahit na
sinabi kong hindi na
nila ako kailangang bantayan dahil narito naman si Zydney ay nagpumilit sila. I was
laughing with them lalo
na't totoong na-miss ko rin sila. Oo nga't masaya naman kami ni Asher kung kami
lang pero mas masaya pa
rin ang makita silang lahat na buo. Sabi pa nga ni Eros, minsan nalang silang
magsama-sama dahil abala na
ang lahat sa kanya-kanyang negosyo.
"Ikaw lang talaga ang may kayang bumuo sa amin." masayang sabi ni Eros nang
malapitan ako habang ang
mga lalaki ay abala sa panunuod at pagkukulitan.
"I'm sorry kung dito pa kayo sa hospital nabuo."
"Karsyn, that's not what I mean–"
Tumawa ako.
"I know, Eros... I'm just saying na masaya akong makita kayo at masaya rin akong
nakikita kayong buo but–"
"No but's. Just say that you're happy and that's it. Masaya rin akong nakita ka
ulit kaya magpagaling ka,
okay?"
Pinagdiin ko ang aking mga labi. Hindi ko na nabilang kung ilang beses kong narinig
ang mga salitang 'yon sa
kanila maliban kay Asher na mukhang hindi pa ako kayang kausapin ulit lalo na't
narito ang kanyang mga
kaibigan.
Nang lumalim ang gabi ay saka lang nagpaalam ang lahat maging si Zydney kaya
nagkaroon kami ng oras ni
Asher na mapag-isa. Tahimik siyang tumabi sa akin at agad na hinawakan ang aking
kamay.
"How are you?" I asked.
Bukod kasi sa mukha niyang seryoso at may bahid ng kalungkutan ay ramdam ko rin ang
pagod niya.
"I'm the one who supposed to ask you that.

P 54-3
"I'm okay," ngumiti ako ng walang kasing tamis. "I promise."
He heave a sigh. Nalaglag ang mga mata niya sa aking kamay na mayroong nakakabit na
swero.
"How long will I stay here? I'm okay now at siguro bukas ay pwede na tayong umalis.
We can accompany
and tour them around Batanes," masigla kong sabi ngunit hindi siya natinag kaya
nagpatuloy lang ako. "I'm
sure they will also fall in love with the place. Zydney love light houses kaya alam
kong–"
"They will go home tomorrow." putol niya sa lahat ng sasabihin ko sabay titig sa
aking muli.
Kumunot ang aking noo at nalilitong naningkit ang mga mata.
"Uuwi na sila bukas? Why?"
Hindi siya sumagot kaagad.
"Pati ba si Zyd?" I asked again.
Hindi ko kasi naitanong 'yon kay Zyd at wala rin naman siyang nabanggit kaya
naguguluhan ako. He nodded
before answering me.
"They're not the only one who's going home tomorrow," nang ipirmi niya ang mga mata
sa akin at hindi na
iyon inalis ay parang may nakuha akong sagot na hindi ko lubos maintindihan kung
bakit.
"What do you mean by that?"
" We are going home with them tomorrow, Karsyn. This trip is finally over." pinal
niyang sabi.
"Asher... I thought we talked about this already–"
"We did." mariin niyang putol ulit sa akin.
Napaahon ako ng bahagya sa pagkakahiga dahil pakiramdam ko ay nalulunod ako sa
tindi ng mga mata niyang
seryoso at matigas na nakapukol sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang
siyang nagdedesisyon ng
ganito kaya hindi ko maintindihan. I'm so confused with his decision.
"Then why are we going home? 'Di ba may plano na tayo at hindi pa tayo tapos kaya
bakit tayo uuwi?"
"You need to get proper treatments. Hindi pwedeng hayaan nalang nating lumala 'yang
kalagayan mo at–"
"Pero napag-usapan na natin 'to," ako naman ang pumutol sa kanya. "'Di ba
nagkasundo na tayo sa plano
natin? Asher, it's just a minor heart attack and I'm fine now."
Iginalaw ko ang mga kamay ko para ipakitang ayos na ako at malakas na ulit but he's
not buying it. Gumuhit
ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi.
"It's not just a minor heart attack and you know it."
"I'm fine–"

P 54-4
"No, you're not!" he spat, naputol na ang lahat ng pagtitimpi sa akin.
Napapitlag ako hindi lang dahil sa lakas ng kanyang boses kung hindi maging sa
pagtayo niya para bigyan ng
pagkakataon ang sariling kumalma at huminga ng malayo sa akin.
"Asher..."
Mabilis niya akong hinarap at ngayon ay nakatangis na ang bagang.
"No, Karsyn! Stop pretending that you're okay because we all know that you are
not!"
Agaran ang naging pagkagat ko sa aking labi nang tumaas ang kanyang boses. Alam ko
at alam niya ring
masama iyon sa akin pero naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling ang kanyang
mga emosyon kaya
pilit ko siyang inintindi.
"I'm done watching you suffer. Oo sinabi kong kakayanin ko ang lahat para sa'yo but
not this time, Karsyn.
Hindi ko kayang ibigay sa'yo ang pagkakataong ito."
Hindi ako nagsalita. I can't argue with him dahil mukhang sa ilang oras kong
walang-malay ay doon napuno
ng sama ng loob ang kanyang puso dahil sa nangyari kaya napunta sa ganitong
desisyon.
"Do you know how hard it was to watch you almost die in my arms, huh?! You don't
have any idea how
painful it was at hindi ko na kayang hayaan kang magpatuloy sa mga gusto mong gawin
kung ikaw ang kapalit
ng lahat ng 'yon! Hindi na ngayon, Karsyn!"
Pinigilan kong maluha. I can feel his frustrations pero wala akong magawa para
tanggalin 'yon... o kahit ibsan
man lang.
I knew this will happen. Alam kong isang araw ay mangyayari ang lahat ng ito pero
hindi ko inasahang
ngayon na 'yon. We're almost finished and I know I can't stop now but what can I
do? Mukhang ang desisyon
niyang ito ay nabuo na habang nakikipag-away ako kay kamatayan.
"But we are not done yet. We still have plans. May ilang araw pa tayong natitira.
Hindi ba pwedeng
pagkatapos nalang–"
"Sabi mo mahal mo ako 'di ba?" marahas niyang putol muli sa akin. "If you really
love me then do this for
me!"
It pains me to see him like this. I hate how he begs for the things that he
deserves just because of my
happiness but I'm torn in between. I'm running out of time at sigurado akong kapag
umalis kami rito ay hindi
na ako makakabalik pa.
"Asher... Just a couple of days, please? Matatapos na tayo," pagmamakaawa ko.
"Nalibot na natin halos ang
buong Pilipinas at ito nalang ang huli. Kahit ito nalang para sa mga batang–"
"What about me?!" mapait niyang singhal. "What about what I feel, Karsyn?! Paano
ako, huh?!" punong puno
ng hinanakit niyang tanong dahilan para mabilis na nanlabo ang aking mga mata.
"For once sana ako naman, ikaw naman... Sana tayo naman!" napalunok ako ng
gumaralgal ang kanyang
P 54-5
boses.
Wala sa sariling napayuko ako. Nanghihina kong hinaplos ang aking magkabilang braso
dahil sa pagtataasan
ng mga balahibo nito.
Pumikit ako ng mariin nang maramdaman ang pagtulo ng maiinit na luha sa aking mata
ngunit wala akong
nagawa kung hindi ang ibalik sa kanya ang mga iyon nang marinig ang kanyang mga
yapak pabalik sa akin.
His eyes were hurting and pleading. Napakarami kong gustong sabihin sa kanya but
the words won't just
come out. Parang may malaking bara sa aking lalamunan na hindi ako hinahayaang
makapag-salita.
"Do it for me, please?" hinuli niya ang aking kamay.
Dama ko ang paninikip ng aking puso nang makita ang pagluha niya gaya ko. Alam kong
napaka-tapang ni
Asher at hindi basta-basta umiiyak pero ngayon... Nakita ko na namang kung gaano
siya kahina at nasasaktan
dahil sa akin. He's always weak when it comes to me and I hate to see him that way.
"I don't want to be selfish but you left me with no choice," he said hurting.
Nanginginig ang mga kamay kong umangat patungo sa kanyang mukha upang punasan ang
mga luha doon pero
mabilis niyang nahuli at nahawi ang aking kamay.
"Do it for me, Karsyn. I know it's hard for you but it's hard for me too. Damn,
It's fucking killing me
already..." nanginig ang kanyang balikat dahil sa tuluyang paglamon ng mabigat na
emosyon.
"Asher..." ilang beses akong lumunok para lang sagutin siya pero bukod sa pangalan
niya ay wala na talaga
akong masabi.
"Please have proper treatments. Please be healthy and please fight for us! Alam
kong matagal mo nang
tanggap ang sitwasyon mo pero paano ako? Baby, I can't. Hindi ko kayang hayaan kang
nahihirapan at mas
lalong hindi ko kayang mawala ka sa'kin kaya lumaban ka! Lumaban tayo hangga't may
oras pa!"
Kumawala ang mga hikbi sa aking labi.
"Ni minsan ay hindi ko inisip ang kinabukasan ko pero nang dumating ka ay wala nang
pumasok sa utak ko
kung hindi 'yon kaya lumaban ka. Fight for our future... Karsyn marami pa akong
plano para sa atin at hindi ko
'yon kayang gawin ng wala ka. Baby, I will still marry you... Tangina, kahit bukas
handa kitang pakasalan.
Kaya kitang alagaan at pasayahin habang buhay ipangako mo lang na hindi mo ako
iiwan... Ipangako mo lang
na lalaban ka at magpapagaling ay gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Lahat lahat,
KF..."
Tuluyan na akong napahagulgol. Damang dama ko ang pighati sa bawat salitang lumabas
sa kanyang mga labi.
Ramdam ko ang dahan-dahang pagpunit ng kung ano sa aking puso. I'm a dreamer simula
pa man nang magkaisip ako dahil 'yon lang ang kaya kong gawin pero ang salitang
kasal... Ni minsan ay hindi iyon sumagi sa
aking utak kaya sobrang nasasaktan akong marinig 'yon sa kanya.
I know what my future will be at matagal na akong handa doon pero ngayon, habang
nakikita siyang
nasasaktan dahil sa mga desisyon ko at pagiging bukas palad sa pagtanggap ng aking
kapalaran ay parang
gusto kong umatras. Parang napakasarap pakinggan ng maraming bukas kasama siya.
Parang gusto kong
humiling ulit sa Diyos kahit na kalabisan dahil kung tutuusin, I am not supposed to
be here but he let me
P 54-6
continue to live because he still wants me to learn so much in life. Ang apat na
buwan ay ginawa niyang
dalawampu't-isa at iyon ang akala kong pinaka-magandang regalong natanggap ko sa
buong buhay ko pero
hindi pa pala... The best gift he gave me was Asher. His love at ang lahat lahat sa
kanya na kahit kailan ay
hindi ko kayang tanggihan. Ang pagmamahal niyang gusto ko na ring gawing bisyo at
hindi na kailanman
gugustohing mawala pa kahit na alam kong isang araw ay muli kaming susubukin...
I found myself nodding at him. Sa pagyakap ni Asher sa akin ay napapikit na ako at
sa kanyang dibdib
ibinuhos ang lahat.
God... I know this is too much to ask and you know how ready I am for you but can
you give me more time
to be with him? Kahit para nalang sa kanya at hindi na sa'kin?
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
Ang sakit sobra ???? Di ko na ata kaya??????????

P 54-7
CHAPTER 52
8K 565 72
by CengCrdva

CHAPTER FIFTY TWO


Hola, It's Karsyn - Hope
"Daddy!" masaya kong hinintay si Daddy na makalapit sa akin at hagkan ako.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha nang maramdaman ko ang init ng kanyang
katawan na parang
gusto nalang pawiin ang lahat ng hirap na nararamdaman ko ngayon.
"Oh, Karsyn!" emosyonal niya na ring bulong sa akin.
"I miss you, Dad. I miss you so much."
"I miss you too, Hija..."
Sa pagkalas niya ay agad niyang pinunasan ang aking mukha. Matapos naming umalis sa
Batanes ay dito na
kami sa hospital dumiretso. Doctor Ramirez, my doctor, was glad to see me again
pero mas lamang ang
lungkot niya dahil ang pangako naming hindi na magkikita sa Hospital dahil magiging
maayos na ako habang
buhay ay hindi nangyari.
"How are you?" Dad asked while looking up and down on me. Sinisipat kung ano ang
mga nagbago sa akin.
"I'm okay. I'm happy to see you."
"Me too," pinisil niya ang aking kamay at pagkatapos ay sinulyapan si Asher na nasa
aking gilid.
"I'll leave you the two of you, Mr. Sy."
Tumayo si Daddy at muling kinamayan si Asher. I don't remember them meeting
formally pero sa hitsura nila
ngayon ay hindi na 'yon kailangan.
"Thank you, Asher. Thank you for everything."
Buong loob niyang tinanggap ang kamay ni Daddy.
"You're welcome, Sir."
Nginitian ako ni Asher at tumango naman ako bago niya kami tuluyang iwan.
Nang mapag-isa kami ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Daddy.
"I know you already planned out everything for yourself Anak but I'm glad that he
is here to help me with my
P 55-1
plans for you."
"Dad..."
Muli niyang pinisil ang aking kamay.
"I love you and I will do everything for you, Karsyn... Everything."
"I know Daddy and I'm grateful for that but I don't want to get our hopes high,"
malungkot akong ngumiti at sa
pagkakataong 'yon ay ako naman ang pumisil sa kanyang kamay.
"Doctor Ramirez said that my heart is getting weaker and if happens that I'll be
put on the list again..."
napalunok ako. "I want to give my spot to someone who really deserve–"
"You deserve it, anak." maagap niyang putol. Positibo akong napangiti. Inilagay ko
pa ang isa kong kamay sa
ibabaw ng magkahawak na naming mga palad.
"I know Daddy and so the other people who badly needs it,"
"Anak-"
"It's not that I'm giving up, I'm not. Gusto ko lang po na mas paghandaan natin
ulit 'yung matagal na nating
pinaghahandaan dahil alam naman nating lahat na mas delikado na ang kalagayan ko
ngayon. There's risk
everywhere and my chance of surviving a heart transplant is very slim. I'm not
giving up, Dad. You know I'm
a fighter but I can't do anything about my situation but to accept and prepare
myself for it... Kayo rin."
Matagal kaming nag-usap ng aking Doctor tungkol sa kalagayan ko. He's like a second
father to me dahil gaya
ng mga magulang, buong buhay rin siyang nakabantay sa akin. He proposed treatments
para sa kalagayan ko
pero sa dulo no'n ay wala siyang nakitang liwanag kung hindi ang heart transplant
na iniwasan ko munang
pag-usapan. Thinking about it feels like dying already. Gaya noon ay wala ring
nagbago sa pakiramdam ko
tungkol sa bagay n 'yon.
"Karsyn..."
"If happens that I would not make it, I still want to be cremated and placed on a
rose gold urn beside Mom,"
"Stop it."
"Daddy..."
Napayuko si Daddy at nahirapan akong titigan. I remember telling him these things
before my second heart
surgery. Maging kay Mommy noon ay 'yon ang sinabi ko at hanggang ngayon ay wala
akong gustong baguhin.
"And I want you to still live your life without me, us," napalunok siya ng muli
akong sulyapan. I smiled
sweetly at him. "I know there are no words to ease your pain but know that I lived
my life well and it's
because of you. Kung wala ka, I'm sure I'll have so many regrets in life. Masaya at
napaka-swerte ko pong
ikaw ang ibinigay ng Diyos sa akin. You are brave and strong at alam kong kakayanin
mo rin ng wala ako."
Idiniin ni Daddy ang kanyang hinlalaki at hintuturo sa mga matang lumuluha na at
dahil do'n ay natabunan

P 55-2
nang lungkot ang aking puso. Ilang beses ko na ba siyang nakitang ganito? Sa tuwing
nasa hospital kasi ako ay
palagi kaming nag-uusap ng ganito lalo na't hindi namin alam kung ano ang mga
susunod na mangyayari. We
always tell each other's parting message but this time, mukhang wala siyang
maapuhap na mga salita.
Niyakap ko siya.
"Mahal na mahal kita, Dad... Mahal na mahal ka namin nila Mommy and we're so sorry
for leaving you this
early."
"You are still here, Anak..."
"I'm still here." sagot ko naman.
"And whatever happens, alam kong lalaban ka para sa akin. Lalaban ka para kay
Daddy, hindi ba?"
Tumango ako.
"I will fight for you and everyone, Dad," ngumiti siya nang muli akong bumitiw.
"Pero gaya noon, huwag
kayong malulungkot masyado kapag natalo ako, ha? Promise me again na kung sakaling
dito na ako
matatapos, magiging maayos ka pa rin. Magagawa mo pa ring lumaban sa buhay dahil
'yon lang naman ang
hiling naming lahat para sa'yo."
Mabigat man ay nagawa niyang tumango sa akin. Daddy is the bravest person I've ever
known. Ang lahat ng
pamamaalam na mensahe ko ay maluwag niyang tinanggap gaya noon at kahit na mahirap
ay napilitan rin
siyang gawin ang ritwal na mensahe sa akin kung sakaling matapos na ang buhay ko.
Pagkatapos ng usapan namin ay si Asher naman ang kinausap niya. Sa pagbalik nila ay
dumating naman si
Zydney na gaya noon ay hindi nagpalyang dalhan ako ng mga regalo.
Asher didn't left me. Siguro ay umaalis lang ito kapag natutulog ako para mag-ayos
ng sarili. Zydney said that
he's staying in the hotel near the hospital para hindi masyadong malayo kung
sakaling kailanganin ko siya.
"Ang bango mo..." nakangisi kong sambit isang gabing magkayakap kami sa aking kama.
He chuckled and kissed my temple.
"Na miss mo lang ako." he replied.
Ako naman ang natawa.
"Nah, palagi ka namang mabango. Hindi ko lang nasasabi."
"Really?"
Lumayo ako ng bahagya para titigan ang namamangha niyang mga mata. Marahan akong
tumango.
"Lagi lagi, Mr. Right."
Umangat ang isang gilid ng kanyang labi.

P 55-3
"Kaya magpagaling ka na para mayakap kita ng mas maayos at maamoy mo pa ako ng todo
todo."
Natatawa kong pinagsalubong ang aking mga kilay.
"What's wrong with this bed?"
"I'm too big for it."
"No," muli ko siyang niyakap. "Tamang tama lang para mas makatabi kita, mas mayakap
ng ganito,"
hinigpitan ko ang yakap sa kanya at inangat ang mukha patungo sa kanyang leeg. "Mas
maamoy ng ganito...
Ang bango bango mo, Asher." paglalambing ko ngunit imbes na magsalita ay humigpit
lang rin ang sagot
niyang yakap sa akin.
Ilang beses kong narinig ang malalalim na pagbuntong hinga niya.
"Hmm? What's wrong?"
"Nothing."
"Ano nga?"
Matagal siyang nanahimik ngunit sa muling pagsiksik ko sa kanyang leeg ay narinig
ko na ang mahina niyang
pagmumura.
"Why?" nalilito akong napaatras pero natigil ako sa pagsasalita nang makita ang
pamumula ng kanyang tenga.
It looks hot na kapag hinawakan ay hindi malabong mapapaso ako.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"Uhm, bakit... Bakit namumula ka?"
Umiling siya at kinagat ang labi saka ako binitiwan at muling humugot ng ilang
malalalim na paghinga. Nang
makita ko ang pagrolyo ng kanyang adams apple sa kanyang lalamunan ay napalunok na
rin ako ng wala sa
oras. Sa pagbaling niya't paghuling muli sa aking mga mata ay nabanaag ko ang isang
emosyon na ni minsan
ay hindi ko nakita sa kanya.
"It's your fault," aniyang nagpalaglag sa aking panga. Umahon siya sa kama at
dumukwang para halikan ako
ng mabilis sa noo bago tuluyang tumayo. "I'll get some coffee. May gusto ka ba?"
Nalilito akong umiling. Ang utak ko ay naiwan sa pagresolba kung bakit ko naging
kasalanan ang pamumula
niya. Wala naman siyang lagnat. Niyakap ko lang naman siya at natural lang naman
kaming magkayakap pero
ang kaninang reaksiyon niya ay ngayon ko lang nakita.
"Alright, I'll be back in a sec."aniya at walang lingon na akong iniwang nalilito
pa rin sa nangyari.
What the heck just happened?
Zydney burst out of laughter when I told him what happened yesterday.

P 55-4
"What?!"
Patuloy siyang natawa sa hindi ko malamang dahilan. Mabuti nalang talaga at wala pa
si Asher dahil
nakakahiyang malaman niyang nagtatanong ako kung ano ang ibig sabihin ng pamumula
niya at tila pag-iwas
sa akin kagabi.
"Zydney!"
Itinaas nito ang isang kamay habang ang isa ay nasa tiyan dahil sa pagkaaliw sa
akin.
"Sorry," pinilit niyang tigilan ang ngiti para lang masagot ako ng mas maayos.
"Okay, sorry."
Itinaas ko ang isang kilay ko nang hindi niya parin sagutin ang tanong kong kanina
ko pa nasabi.
"He is turned on."
"Turned what?"
Nasapo niya ang kanyang noo.
"He's turned on, KF." pinagdiin niya ang huling salita sa nandidilat pang mga mata
na akala yata'y
makakatulong.
"Oh my God..." he exclaimed when I still didn't get it. "He is aroused by that. You
made him sexually
excited."
Napaawang ang aking bibig sa narinig.
"What?!"
Mabilis siyang tumango tango.
"And how did you know about that?"
"Karsyn, I'm almost done watching every romantic film in Netflix at doon pa lang ay
hindi ko na kailangan pa
ng experience para malaman kung ano ang naramdaman ni Asher ng sabihin mong mabango
siya habang
magkayakap kayo."
Natutop ko ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Ilang beses rin akong napalunok
ngunit hindi ko na nasundan
ang mga tanong ko nang pumasok si Asher sa aking kwarto. Palapit palang siya ay
ramdam kong ako naman
ang namumula ngayon. Hindi dahil sa sinabi ng pinsan kong arousal kung hindi dahil
sa kahihiyan!
Later that night, Zydney convinced me to tell the fans about my situation. Bukod
kasi sa marami nang
naghahanap sa amin ay may nakakita na kay Asher na pumunta rito sa hospital maging
sa mga kaibigan niya
kaya nabuo na ang haka-haka sa social media. I read comments on our last video.
Most of the comments were
positive pero marami ngang nagtatanong kung bakit hindi na ako active sa pagpo-post
doon.
"You will tell them, right"

P 55-5
I nodded slowly. Ibinalik ko ang aking telepono sa aking gilid. Nagpakawala ako ng
isang malalim na
paghinga sa ere.
Ngayong araw, Doctor Ramirez told me na kailangan ko pang manatili sa hospital
dahil masyado nang
mahina ang puso ko. Masyado rin akong pagod at hindi na nawala ang pamamaga ng
aking mga kamay, hita at
paa. It's alarming for others but it's normal for me. Sanay na ako because it's one
of the symptoms of
Congestive heart failure. Doctor Ramirez said that both of my heart's lower
chambers lose their ability to
pump blood again. As a result, blood back up in my legs, ankles and feet, causing
edema.
Pinag-isipan ko kung paano sisimulan ang pagiging totoo sa mga sumusuporta sa akin
pero hindi ako nagtagal
bago humantong sa desisyong maging malakas ang loob para na rin sa kanila dahil
habang tumatagal ay alam
kong lumalala lang ang kalagayan ko. Asher was so supportive. Na kahit alam niyang
mahirap, sinuportahan
niya ako't hindi siya nawala sa gilid ko habang sinisimulan na ang live video.
Hinintay ko lang na dumami
ang viewers bago ako magsimula.
Ang nanlalamig kong kamay ay hindi niya binitiwan kahit na sa akin lang nakatutok
ang camera. Nang makita
kong sapat na ang mga nanunuod at dumami na ang mga katanungan nila kung nasaan ako
ay nagsimula na ako.
"Hola, it's KF," buong puso akong ngumiti matapos silang batiin. Inayos ko ang
aking buhok habang
humuhugot nang sapat pang lakas. Binati ko ang mga nakita kong pangalan bago
pumunta sa pakay ko. "I'm
sorry for not being active gaya noong nagsisimula pa lamang ako. Sorry to keep you
all waiting but I'm here
to share something important," I paused when I heard him sigh heavily.
Pinisil ko ang kanyang kamay at sinabing iwan niya nalang muna ako dahil alam kong
sa kanya magiging
mahirap ang lahat. Kahit na ayaw niya, sa huli ay pumayag na rin. I resumed talking
to thousands of people
who are currently watching me. Pataas ng pataas ang dami ng viewers at pakaba naman
ako ng pakaba ngunit
ng makita ko ang isang partikular na comment doon ay muling lumakas ang aking loob.
AsherMiguelTan:
I love you, baby. You can do it.
Tinanggal ko ang lahat ng bigat sa aking dibdib at muling nakipagtitigan sa camera.
"I just want everyone to know that... Miss Right is dying... I am dying," kahit na
sobrang bigat no'n ay nagawa
kong maging positibo at huwag magpakita ng kahinaan. "Death is inevitable and it
was chasing me since I
was a kid. Tama kayo, I am currently in a hospital room," ipinakita ko ang aking
kwarto. "Chilling in my
hospital bed," pagbibiro ko saka ipinaliwanag kung paano nagsimula ang lahat.
"I was born normal but four months after being alive, my tiny little body needed a
new heart," nagpatuloy ako
sa pagku-kwento sa mga nangyari sa akin at sa unang pagkakataon, simula nang
umingay ang pangalan at
ginagawa ko ay ngayong lang natahimik ang comment box.
Bukod sa mga umiiyak at pusong emoji's ay walang ni isang nag-type doon ng kung
ano. They just want to
listen to me kaya naman nagpatuloy ako.
"Every night, we go to bed without any assurance of being alive the next morning
but we still set the alarm to
wake us up and that is hope. There is hope, of course. Lahat naman ng sitwasyon ay
mayroong pag-asa at

P 55-6
naniniwala rin ako doon pero gano'n rin sa posibilidad nang dulo para sa akin. We
are all going to die and
sometimes, hindi naiiwasan kung sino ang mauuna but you know what? It's not death
that we should be afraid
of. It's the regrets and guilt for the things that we do and didn't do. I'm not
afraid of dying. In fact I was born
ready for it. I am a fighter and twenty one years on this earth is such a blessing
for me and my family. This
gift of life enables me to learn so much even in the worst and painful moments.
Sobra sobrang regalo na 'yon
dahil kung hindi nadugtungan nang ilang beses ang buhay ko ay hindi ko rin kayo
makikilala. Hindi ko kayo
mababahagian ng paniniwala kong sana ay bumago sa ilang pananaw niyo sa buhay,"
"God's plan..." I said bago muling ibahagi ang isa sa mga paborito kong bible verse
at pangako ng Diyos. "
Jeremiah 29:11, For I know the plans I have for you, declares the LORD. Plans to
prosper you and not to
harm you, plans to give you hope and a future... And because of that, I trusted
him. If this is the end for me,
then so be it. I will accept it with open arms because knowing all of you and
sharing his words are already
enough for me. Alam kong may mga taong natuto sa akin and because of that, I
already lived the best way
possible and I don't have any regrets,"
Muli akong ngumiti.
"This is me just accepting everything and hoping for the Lord's best plan for me
and I am rejoicing. We
should all rejoice even in suffering, because it sharpens and strengthens us into a
stronger believer of Christ.
Not only that, but 1 Peter 5:10 s ays, But the God of all grace, who hath called us
unto his eternal glory by
Christ Jesus, after that ye have suffered a while, make you perfect, establish,
strengthen, settle you...
Even if we suffer in life, God lives within us and he is the only one who can offer
perfect peace and he will
give you rest. Walang permanente sa mundo and you should all learn how to let go of
the things that drags you
down physically, emotionally and spiritually,"
Pagkatapos ng sinabi ko ay dumami na ang mga katanungan nila. I answered some of
the questions ngunit nang
maramdaman kong napapagod na ako at nahahapo ay wala na akong nagawa kung hindi ang
magpaalam.
" Hope... Don't forget to hope but no matter what happened, think that it's God's
plan for you. Kahit na taliwas
sa mga hiling mo, iyon ang plano sa'yo kaya magtiwala ka. Learn to accept and be
open-minded about it.
Death may be the end of one's life here on earth but it is just the beginning of
life to the kingdom of God,"
kinuha ko ang camera at iniwan na ang huling mga salita bago magpaalam.
"This is Karsyn," ngumiti ako. "And I hope you all continue to be positive in life.
I hope everyone of you will
continue to live honoring his name. I hope and pray that you do your mission for
humanity. Help and be an
inspiration to others and learn how to live with no regrets. Live fully."
Pagkatapos na pagkatapos kong tapusin ang live ay muli na akong dinaluhan ni Asher.
He may not agreed to
some of the things that I have said pero hindi naman siya nakipagtalo. He reminded
me of my promise to him
at ipinangako ko naman 'yon sa kanya ng paulit-ulit.
I never thought that my live would blow up. Hindi ako makapaniwalang imbes na iwan
na ako ng tao dahil sa
pagiging totoo ko ay mas lalo silang dumami wala pang bente kwatro oras matapos
'yon. Maraming mga tao
ang lalong na-inspired sa pag-amin ko ng katotohanan at maraming mas humanga sa
tapang kong humarap at
magpaka-totoo sa kanila.
On the first week of that live, I was invited on a lot of TV shows local and even
international. Si Zydney ay
hindi magkandaugaga sa pagsagot sa mga katanungan nila at pagtanggi dahil hindi ko
'yon kakayanin. Nitong
P 55-7
mga nakaraan kasi ay mas lalong bumabagsak ang katawan ko na humantong sa isang
desisyon tungkol sa
heart transplant.
I was in denial. Habang ipinapaliwanag ni Dr. Ramirez kay Daddy, Asher at Zydney na
iyon nalang ang pagasa ko ay wala akong inisip kung hindi ang mga dapat kong gawin
sa nalalabing oras. Again, hearing that
word is like putting an end to my life.
"She's getting weaker each day and there's no option left but to put her on the
list again. That's our only
option."
Napaiwas ako ng tingin at napangiti ng mapait lalo na ng makita ang magkahalong
kalituhan at kalugmukan
kay Asher.
"Then put her on the list so she can have that transplant asap!" he exclaimed.
"Mr. Tan..."
"Asher."
Halos sabay sabay nilang sabi pero wala akong naisagot kahit na isang salita. I can
feel his frustrations pero
wala akong magawa para tulungan siya dahil kahit ako, wala na ring magagawa lalo
na't lumabas na ang mga
resulta ng tests na ginawa sa akin.
"I want you to understand that it's not that easy. Even if we put her on the list,
we still need to wait for a
heart. Hindi yon madaling makuha at hindi rin madaling gawin. Karsyn's body need to
be ready for it at mas
kailangan ng tripleng pag-iingat dahil ito na ang pangatlong pusong ibibigay sa
kanya."
"Then we should start right now! Gawin mo ang trabaho mo!"
"Asher," mas matigas ngunit mahinahong sambit ni Daddy. "I know what you feel Hijo,
but you need to
understand everything first. Pare-parehas lang tayong kailangang intindihin ang
sitwasyon ni Karsyn dahil
mas delikado na ito ngayon. Mahirap ang magpadalos-dalos."
"Asher, I know it seems easy but it's not." si Zyd naman.
Napapikit ako ng marinig ang sarkastikong pagtawa ni Asher.
"So what are we going to do now? just sit here and plan? We are running out of time
for fucks sake!"
"Asher!" pigil ng pinsan ko.
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga bago mag-angat ng tingin pabalik sa
kanila.
"Asher..."
Sabay sabay silang napalingon sa akin maging ang malungkot na si Dr. Ramirez.
Ipinirmi ko ang tingin kay
Asher at kahit na ramdam ko ang galit niya ay tipid ko siyang nginitian.
"Wala tayong magagawa kung hindi ang maghintay."

P 55-8
Marahas akong napalunok at natigil nang tumayo siya.
"Wait for you to die?! No Karsyn! I won't let you die–"
"I am going to die!" hindi ko napigilan ang paglakas ng aking boses para pigilan
siya, hindi na alintana kung
sino ang makakarinig. "I'm going to die whether you like it or not!" dagdag sampal
ko sa katotohanan hindi
lang sa kanya kung hindi sa kanilang lahat.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang agarang pagsilaglagan ng mga luha ni
Zydney.
"There's a risk that I'd die while waiting for the heart but there's a greater risk
while I'm on the operating
table. Walang makakapagsabi kung kailan ako mawawala at kung may pag-asa pa ako
pero ayaw kong pati
kayo ay mahirapan pa sa pagdedesisyon. It's my life and it's my decision,"
tinanggal ko ang tingin ko kay
Asher nang subukan niya akong lapitan kaya nahinto siya.
Inikot ko ang wheelchair ko patungo sa gawi ng pintuan bago iwan ang pinal na
desisyon ko.
"I will not take another heart. I'll just wait for my time at hindi niyo na
kailangan pang magtalo." pagtatapos
ko bago sila tuluyang iwan.
I didn't cry, not a single tear habang kinakausap ang may kapal sa prayer room na
naroon. I know I snapped
and I hurt them pero pagod na akong pagtalunan nila kung ano ang gagawing desisyon
sa akin. I asked for
guidance and understanding. Hiniling ko na sana kung hanggang dito nalang ako,
hindi lang ako ang
makatanggap no'n kung hindi pati silang lahat.
I didn't see Asher after that hurtful scene. Si Daddy ay nagpaalam na rin muna at
tanging natira para bantayan
ako ay si Zyd ngunit nang dumating si Asher kinagabihan ay nagpaalam na rin siya. I
didn't say any word.
Tahimik lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya pagkatapos ng
mga nabitiwan kong
salita kanina.
Kumurap-kurap ako nang makita ang paglapit niya isang oras matapos manahimik sa
couch at pag-isipan rin
ang mga nangyari.
Umayos ako ng upo upang bigyan siya ng sapat na espasyo para makaupo sa tabi ko.
"I'm sorry, Karsyn..." panimula niyang humaplos kaagad sa aking puso.
Pinagdiin ko ang aking mga labi at hinintay siyang magsalita ulit.
"I just don't know what to do after hearing what Dr. Ramirez said. Ayaw kong
marinig ang mga salitang 'yon
and I'm sorry for acting that way."
"Asher, there's no easy way to accept everything pero ayaw ko nang magtalo-talo pa
kayo."
Matapang akong nakipagtitigan sa kanyang maga malungkot na mata. His presence is
way different than
earlier. Ngayon ay mas kalmado na siya at mukhang kahit mahirap ay may nakuha na
rin sa nangyari at
natutunan sa sitwasyon ko.
"I'm sorry and I understand everything now but please... Please take the heart–"
P 55-9
"Asher–"
"Baby," mariin niyang pinisil ang aking kamay. "Please? Let's do this together.
Mag-aaral ako kung paano ka
alagaan hanggang sa dumating ang panibagong puso para sa'yo. I'll do everything
para maging maayos ang
lahat at hihintayin kita pagkatapos ng operasyon mo. Hindi kita iiwan Karsyn, so
please?"
Nakagat ko ang aking labi dahil sa muling pagbigat ng aking dibdib sa mga salitang
lumabas sa kanyang labi.
"Baby?"
"Paano kung hindi ako makalabas? Matatanggap mo ba kapag–"
"Positive lang, 'di ba? Everything will be fine. Alam kong magiging maayos ang
lahat so do it for me... Do
everything for us, baby... I am begging you..."
Napayuko siya at hirap na inangat ang kamay ko patungo sa kanyang labi upang
halikan ng ilang beses.
"Fight for us, KF..." paulit-ulit niyang pagmamakaawa na kahit hindi ako sigurado
ay tumango nalang ako.
I spent the next few days in the hospital at nagpatuloy sa ginagawang treatments
para sa paghahanda sa
ipinangako ko sa kanila pero nang dumating ang oras na kinailangan ko nang LVAD ay
doon ako nagising sa
mga kagustuhan ko.
LVAD or left ventricular assist device is a pump that used by patients who have
reached end-stage heart
failure. It's surgically implanted, a battery-operated, mechanical pump, which then
helps the left ventricle or
the main pumping chamber of the heart pump blood to the rest of the body. I've wore
this during the
preparation for my second heart surgery before pero hindi 'yon nagtagal dahil
naging mabilis ang transplant
ko pero sa pagkakataong ito ay ramdam kong matatagalan ang operasyon at ibig lang
sabihin no'n ay
mananatili rin akong matagal pa sa hospital.
Habang tumatagal ay gano'n rin ang pagkalat at paglakas ng pangalan ko sa social
media. Hindi ako natigil sa
pag-a-update sa kalagayan ko kahit nang magising ako pagkatapos ng surgery. I made
sure that everyone
knows my status. Gusto kong malaman ng lahat kung ano ang nangyayari at mangyayari
pa sa akin kaya doon
ay mas lalong dumami ang nag-imbita sa akin para sa isang live talk.
I didn't think that I would survive the first week pero nang lumakas ako sa
pangalawang linggo matapos ang
unang surgery ay doon na nabuo ang desisyon kong paunlakan ang isang talk sa
Roehampton University na
malugod namang pinayagan ni Asher at nang aking pamilya dahil nakikita nilang
lumakas na ako at iyon
talaga ang gusto kong gawin. Asher became my strength. Buo ang suporta niya at
pagiging positibo sa lahat ng
bagay gaya nang gusto kong ibahagi sa lahat kaya mas lalo akong naging determinado
sa gagawin.
Malakas ang kalabog ng puso ko ngunit alam kong normal lang iyon dahil ito ang
unang beses kong haharap
sa napakaraming college students at mga propesyunal na tao. Ilang beses akong
huminga ng malalim bago
sinimulang batiin silang lahat.
"Hello everyone, this is Karsyn Sy and some of you may know me as KF but some may
also know me as a
dying vlogger... Because I am, who knows," kahit mahirap ay buong puso akong
ngumiti upang magpatuloy.
"... Pero bago 'yon, I am also one you. Isa lang akong estudyanteng masigasig mag-
aral. I am always aiming
P 55-10
for high grades so that my parents would be proud of me," sinulyapan ko si Daddy na
ngayon ay nasa harapan
ng crowd rin at nakikinig lang. "Isa lang rin ako sa mga gaya ninyong nangarap
maging Doctor. My cousin,
Zydney," itinuro ko naman si Zyd sa tabi ni Daddy para makita ng iba. "She's the
only one who witnessed all
my struggles and hard work dahil gustong gusto ko talagang maging doctor at
pursigido ako pero siya rin ang
unang sinabihan ko na ayaw ko na iyong ipagpatuloy sa kabila ng mga paghihirap ko.
I don't know how fast
realizations hit me but it did changed me in an instant. I realized that life is
too short at marami pa akong
kakaining bigas bago ako maging isang ganap na doctor at makatulong. I felt like
it's too much for me and I
don't have that much time. Doon pumasok sa utak kong parang hindi na ako masaya or
hindi na iyon ang
ikasasaya ko in the long run. There's this strange feeling of a missing puzzle in
me. Na sa kabila ng mga
achievements ko, kulang pa rin. I am longing for something God-knows-what and that
longingness leads me
on quitting medical school in the middle of the semester. Everyone was shocked
about my decision but it was
final,"
Naglakad ako patungo sa kabilang banda ng stage. Noong una ay hindi ko alam kung
paano ako magsasalita
pero habang tumatagal ay nagiging natural nalang iyon at kusang lumalabas sa aking
bibig.
"Death is always watching me. Waiting for an opportunity to snatch me away from the
people I love but as
time goes by, ang bagay na 'yon ang nagpursigi sa aking iliko ang buhay ko. My
career even started because
of death, Mary," ramdam ko ang pagbigat ng aking puso nang sambitin ang pangalan
niya ngunit pinilit kong
magpatuloy. "Some of you may find it inappropriate na hanggang ngayon ay hindi ko
pa rin binubura ang
video na 'yon and it's not because of fame. It's because Mary is still alone and
waiting to be claimed.
Hanggang ngayon ay wala pa ring kamag-anak na nagpapakita para kunin siya at naroon
ang lahat ng detalye
sa video maging ang sa akin para kung sakaling may maghanap ay madali ko silang
makakausap. Mary made
me realize that life is too short and living the life that I feel incomplete is not
actually living. Dahil kay Mary
at sa mga taong naging bahagi nang buhay ko na madali ring ipinagkait sa amin, mas
tumatag ang paniniwala
ko at pagtanggap sa kinabukasan. I can feel that my third life has a bigger purpose
at hindi iyon ang buhay sa
loob ng hospital. My journey started with just Mr. Right... And from there,
nakakapag-bahagi na ako ng salita
ng Diyos and believe it or not, preaching and sharing his amazing works made me
happy. I found infinite joy
in his promises na gusto kong ibahagi sa lahat habang may oras pa ako and that is
one of the most important
days in my life. Una ay ang nabuhay ako at ang pangalawa ay nalaman ko kung bakit,"
Hinigpitan ko ang hawak sa mikropono at muling bumalik sa gitna.
"It wasn't that long when my condition reminded me of death, again. Naisip ko,
siguro ito na ang purpose ko
sa pangatlong buhay na ibinigay sa akin. It's to serve God and spread his goodness.
To be his instrument and I
willingly, joyfully embraced it. Hindi ko gustong maging hypocrite. Having a heart
failure isn't easy. This
smile wouldn't come out during the process–it was holy hard! I live most of my life
in the hospital getting
treatments, having surgeries that was freaking painful pero sa pagkakataong ito,
despite of my situation at
kahit mahirap ay mas pinipili kong mabuhay sa paraang gusto ko kaysa sa maghintay
nalang na huminto ang
puso ko... But you know what, I'm not here to emphasize about my illness. I'm here
to share that you can
suffer, you can be in pain, you can even be dying yet still be able to do something
great not only for yourself
but to others... That my life isn't determined about my sickness but my journey on
being humane. That this life
isn't about surviving to survive but making a difference–A huge impact about giving
and contributing
something more than I can give and more than I am capable of. That I chose to
continue to serve humanity
despite of my struggles because I believe that if you really want to make a
difference, there's nothing can stop
you. If you want to make the world a better place then start with yourself. I don't
have to wait to be healthy to
do things and make something great out of my life because there's always a way and
no illness can stop me

P 55-11
from doing my mission,"
I paused when I see Daddy wiped the tears in his eyes. Nilunok ko ang lahat ng
emosyon upang magpatuloy.
"I want to teach all of you, especially those who are capable and have the means to
help to start contributing
to humanity. Though I'm not here to force you to be holy after this talk, I'm
hoping that after this, you'll learn
and realized that life is so much better when it's shared. Mas magandang
nakakapagbigay ka ng tulong at ngiti
kaysa sa ikaw ang binibigyan and you know what's the best part of helping? That you
don't have to be rich to
be able to help and reach out to people. Hindi lang sa pera ang umiikot sa mundo.
You know what's the
greatest thing you can share to others? Your time. Because no amount of money can
buy it. It's a precious gift
that we should all be grateful for and not those earthly–temporary things,"
Nagpabalik-balik ako sa stage na hindi ko akalaing mabubuo ko ang dalawampung
minutong pagsasalita at
pagbabahagi ng aking karanasan lalo na sa mga taong bukas ang puso para tunay akong
pakinggan.
In the last minute, pumirmi na akong muli sa gitna para ibigay ang mga huling
salita.
"It's crazy that I am actually thinking about my funeral," natahimik ang lahat, ang
iba ay naluluha na kaya
naman nagpatuloy ako just to lighten up the mood. "I told my father last week to
open it to the public and if
happens that you join my ceremony, gusto kong mag-usap usap kayo... I want one of
you to take a bouquet off
my coffin and throw it into the crowd to see who is next."
Naputol ang nakakabingi nilang pananahimik at napalitan ng tawanan ang buong
bulwagang iyon. Humagikhik
na rin ako at mabilis na itinaas ang kamay.
"I'm just kidding! Huwag tayong seryoso, okay? Una-unahan lang ang buhay but what I
can promise is that,
kahit na tanggap ko na ang kalagayan ko ay mananatili akong lumalaban," ipinirmi ko
ang mga mata kay Asher
na kahit isang ngiti ay hindi nagawa sa kabila ng pagbibiro ko.
"I want to fight for my family, for my friends and for my man... Mr. Asher Miguel
Vergara Tan, I want you to
know that you are one of the best thing that ever happened to me aside from my
family. I love you so much
and you will always be here," inilakad ko ang aking kamay para damhin ang aking
dibdib. "Kahit ilang puso
pa ang ipalit rito, hinding hindi ka mawawala because you are forever and always
engraved deeply in it."
Pinagdiin niya ang kanyang mga labi at sa unang pagkakataon ay nginitian ako. I
smiled back at him bago
ibaling ulit sa lahat ang aking buong atensiyon.
"Continue to live the life you want to achieve. Do it not to please the people
around you but yourself. Make a
difference now and live a life that one day you'll be so proud of because there
will never be a perfect time
for it. Matthew 6:34, Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will
worry about its own
things. Sufficient for the day is its own trouble. Just start where you are and
live in the moment! Live now!
Thank you all so much for having me here Roehampton University! Again, It's KF,
please don't forget to make
someone smile today!" masaya kong pagtatapos bago ibalik ang mikropono sa stand
nito at salubungin si
Asher sa ibaba ng entablado habang ang lahat ay hindi magkamayaw na palakpakan ako.
Isang mainit na yakap ang sumalubong sa akin na buong puso kong tinanggap.
"I love you, Karsyn... I love you so much more, baby." madamdamin niyang bulong na
sinagot ko nalang

P 55-12
gamit ang paghigpit ng aking mga yakap sa kanyang mainit na katawan.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
???? ??????????????

P 55-13
CHAPTER 53
8.9K 612 188
by CengCrdva

CHAPTER FIFTY THREE


Hola, It's KF - Love
"Thank you so much, Igo!" wala sa sariling nayakap ko pa ito matapos niyang ilapag
sa gilid ng kama ko ang
kahong laman ang mga bagay na ipinasuyo ko sa kanya.
After my talk in Roehampton, nasundan pa iyon ng isa sa Campbell at ilan pa sa
ilang pampublikong
unibersidad pero hanggang doon nalang ang lahat kahit na gustohin ko pang um-oo sa
kanila dahil hindi na
ako pinayagan ni Dr. Ramirez na umalis ng hospital. I continued my talks over the
internet na hanggang
ngayon ay nag-uumapaw pa rin ang mainit na suporta sa akin. Kahit na medyo magulo
na rin ang internet
ngayon ay nagpapasalamat akong nagagamit ko 'yon upang magpatuloy kahit na narito
ako sa hospital.
One of the things that keeps me doing what I'm doing is the people who was inspired
by my words. Marami
at dumarami ang humahanga sa tatag ko maging ni Asher dahil sa pagkakataong ito ay
hindi nalang basta
simpleng suliranin ang hinaharap namin sa aming relasyon. Na ang pagiging opisyal
namin ay mabilis na
natabunan dahil sa issue ng kalagayan ko pero gayunpaman, I'm grateful that I'm
surrounded by positive
people that brings so much joy in me.
"What are you going to do with all that?" kunot noo niyang tanong.
Ngumiti lang ako sa kanya. I could hug him again dahil sa mabilis niyang
pagresponde sa tawag ko kanina
pero pinigilan ko ang aking sarili. Asher is so lucky to have someone like him at
isa siya sa pagkakatiwalaan
ko para rito kung sakaling dito na ako magtatapos. He's an awesome friend gaya nang
sampu pang mga
kaibigan ni Mr. Right.
"You'll see." ngumiti akong muli at manghang tinignan ang box na iyon na ilang araw
ko ring hiniling.
Sandali lang kaming nag-usap ni Igo at maya maya ay nagpaalam na rin dahil talagang
dumaan lang siya para
maibigay ang mga pinabili ko na naging regalo na dahil ayaw niya namang pabayaran.
Kahit na hindi ako
nakakalabas at nakakapag-bigay ng live na speech sa iba't-ibang lugar dahil sa
pagbabawal ni Dr. Ramirez
na mapagod ako ay hindi niya naman ako pinagbawalan sa pagfi-film.
I made sure that people are updated with me and my life with Asher. Sure, hanggang
ngayon ay tama pa rin si
Zydney. People really digs everything that involves romance at mas lalo pa yata
nila kaming sinuportahan
dahil sa nangyayari.
Hirap kong idinilat ang aking mga mata isang araw pero nang maramdaman ko ang
paghigpit ng kapit ni
Asher sa aking kamay ay nagkaroon ako ng lakas para titigan siya.
"Is my baby okay, huh?" masigla at malambing niyang tanong na kahit masakit ang
buong katawan ko ay
P 56-1
nagawa kong ngumiti at tumango.
"I'm okay. Ikaw? Hindi ka na naman natulog?"
Umiling siya at hinalikan ako sa noo.
"I had to watch you the whole night. Zydney and I attended this first aid class
just in case you needed one,"
pakiramdam ko'y may humaplos sa aking puso lalo na ng ipakita ni Asher ang ilang
libro na may kaugnayan
sa kalagayan ko.
"And I had to review all of it while watching you sleep." aniya pagkatapos ay wala
nang ginawa kung hindi
ang magtanong kung ano ang mga dapat niyang gawin at kung ano pa ang dapat niyang
malaman sa sitwasyon
ko.
Nitong mga nakaraan ay nakita ko ang determinasyon niyang matutong alagaan ako gaya
nang pangako niya sa
akin at isa iyon sa dahilan kaya nagpapakatatag ako. I want to make sure I'm doing
my part. Na hindi lang siya
ang lumalaban at ako rin para sa aming dalawa.
Nang sumapit ang Sabado ay namangha ako sa mga bisitang ni minsan ay hindi ko
naisip na makikita ko pang
muli.
Ilang beses akong napalunok nang makita si Tita Isabella kasama ang asawa nitong si
Tito William na palapit
sa akin upang bigyan ako ng isang mainit na yakap.
"How are you, Hija?" malambing na sabi ng napakagandang babae na hanggang ngayon ay
hindi ko pa rin
maiwasang mamangha.
"I'm good po. Maayos lang po ako at maraming salamat po sa pagbisita ninyo."
Sumilay ang ngiti sa mapupulang labi ni Tita Isabella at marahang hinaplos ang
aking kamay.
"Good, Karsyn... Magpagaling ka at para naman makabisita ka ulit sa amin. We're so
excited to see you
again. Pasensiya ka na at ngayon lang kami nakabisita rito. William has been so
busy with work lalo na't
narito si Asher at wala siyang katulong pero suportado naming mag-asawa ang lahat
dahil alam kong
masayang masaya ang anak ko kaya sana... Sana maging maayos ka, ha?"
Marahan akong tumango.
"Opo."
Navaeh, his sister greeted me along with his baby brother na kamukhang-kamukha ni
Asher. I can see Asher
in him. Ngayon pa lang ay parang nakikita ko na kung paano ito lalaki na gaya rin
ni Asher na mayroong
mabuti at busilak na puso dahil sa kanilang mga magulang na mahusay mag-alaga at
magpalaki ng mga anak.
Napuno ang puso ko lalo na ng bumisita rin ilang minuto bago makarating ang pamilya
niya ang kanyang mga
kaibigan, si Daddy at ang buong pamilya ni Zyd. I feel like we're having a reunion
na kahit bawal akong
mapagod nang masyado ay nakiisa ako sa kanila. It wasn't that long when Asher sat
beside me. Marahan
niyang inilakad ang kanyang kamay upang hulihin ang sa'kin.

P 56-2
"My family loves you, everyone love you, baby."
Inalis ko ang tingin sa mga bisita at ibinaling sa kanya ang buong atensiyon bago
ngitian.
"Mahal na mahal ko rin kayong lahat." I answered wholeheartedly.
"Kaya lalaban ka, okay? Hanggang dulo lalaban ka dahil maraming malulungkot kapag
sumuko ka."
Masigasig akong tumango.
"I will fight, Asher."
"Good. Huwag mo akong iiwan, huh?"
Nakagat ko ang loob ng aking pisngi dahil nahirapan akong sagutin 'yon ngunit sa
huli ay muli akong tumango.
"Hinding hindi ako mawawala sa'yo." sagot ko nalang bago ihilig ang ulo sa kanyang
balikat at sabay naming
panuorin ang pamilya naming nagkakasiyahan.
"Hola, it's KF, and our vlog for today is all about love!" masaya kong sambit
habang si Asher at Daddy ay
wala pa. "I was just finished watching my first vlogs and it was funny to see how I
wanted to avoid
everything that involves romance kahit na 'yon ang una niyong nakita sa unang video
na kumalat tungkol sa
akin, romance. Honestly, simula palang noon ay talagang iniiwasan ko na 'yon pero
hindi naman lubusang
sarado ang utak ko pagdating sa pag-ibig. I'm open but I'm scared of it at the same
time. Isa rin 'yon sa
dahilan kung bakit natagalan ang pagsagot ko kay Asher kahit na wala akong
nakikitang hahadlang pa sa
aming dalawa. Asher is a great guy pero masyado akong nakulong sa takot na baka
isang araw ay masaktan
ko siya kapag dumating na ulit ako sa puntong pakikipag-agawan ng buhay kay
kamatayan, but you know
what? Asher is a living proof that love is one of the greatest gift that God has
given us. Na ang pagmamahal
sa kapwa at sarili ay masyadong matalinhaga. That love has no boundaries. Pero ano
nga ba ang
pagmamahal? In my journey, despite of being scared of it, natutunan kong hindi pala
'yon dapat kinatatakutan.
Na kapag nagmahal ka ay dapat mas maging matapang ka. I've also learned that love
is the availability of
oneself to other's. Na kapag naramdaman mo ay hindi mo dapat iwasan kung hindi ay
ibigay pa ang sarili sa
mga taong gustong magmahal sa'yo. You make yourself available to other people kahit
na napakarami mong
kinatatakutan. I've learned how to surrender in it and eventually, ang pagmamahal
ring iyon ang pumawi sa
lahat ng takot ko. Asher's love is God's love. 1 John 4:7, let us love one another,
for love comes from God.
Everyone who loves has been born of God and knows God. So do not ever be scared of
it. Love when
there's still time. Let love conquer every fear and anxieties in your heart and let
him gives your heart a rest."
I smiled sweetly at the camera na kung nakukulayan lang ng ngiti ko ang kwartong
aking kinaroroonan ay
mapupuno iyon nang samo't-saring kulay. I'm pretty sure flowers would bloom in
every corners of this room
at ang araw ay kusang papasok sa aking silid mabigyan lang ng hustisya ang
kasiyahang nararamdaman kong
gawa ng mga ngiti ko.
Pagkatapos kong mag-live ay sakto naman ang pagdating ni Asher. Kumain kami sandali
at pagkatapos ay
nagpasama sa kanya sa chapel. Kahit na tahimik lang siya sa araw-araw na panunuod
sa aking magdasal ay
hindi naman siya nagrereklamo. He is happy whenever I'm happy and praying is
something that makes me
happy because it's a way of talking to God, to spend time with him.

P 56-3
In John 15:15, Jesus says, He no longer calls us his servants, but calls us His
friends. Talking with God
develops a deeper relationship with Him. The deeper the relationship we have with
him, the more time we
want to spend with Him at ang pakikipag-usap sa kanya ay para sa akin hindi nalang
dapat gawing mandatory
kung hindi dapat ay maging habit.
Tahimik akong naupo sa tabi niya matapos ang mahabang pagluhod at pakikipag-usap sa
hari ng mga hari.
"Do God answers every prayer?"
Marahas akong napalingon kay Asher na nalilito habang nakatingala sa malaking cross
na nasa gitna nang
chapel. I know that was one of the questions that's hard to answer pero ang tanong
na 'yon ang bumuhay sa
tuwang mabilis na kumalat sa aking buong pagkatao. He sounded so confused yet
intrigue by it.
"Minsan," I answered.
Ipinirmi ko rin ang aking mga mata sa krus na nasa harapan.
"So why would you pray kung hindi rin naman pala ibibigay?"
Hinuli ko ang kamay niya at maingat iyong pinisil.
"Praying is not only asking God for the things that you want, Asher. It's a way of
building a relationship with
him. Pwedeng repentance, pwedeng to praise him o para lang kausapin siya at
kwentuhan gaya ng isang
normal na tao. You can pray to be closer to him, to ask light from darkness and it
can also change and
protects us. Sometimes, our prayers seems not being heard not because he forget
about us but because our
prayers and desires wouldn't bring goodness to us. God created us and knows
infinitely more than we know.
He knows what is best for us, and what would not be good for us. Gaya nang isang
magulang, our parents
only wants the best of the best to their children at sila ang mas nakakaalam kaya
hindi sila kailanman
magbibigay nang makakasama sa atin kahit na iyon ang tingin nating makabubuti sa
atin, gaya iyon ng Diyos.
God always knows what is best for us and he knows when is the right time for every
desires and hopes in our
heart." mahabang paliwanag ko dahilan ng ilang minuto niyang pananahimik ngunit
marami pa ring gustong
itanong.
"Does he answer prayers for non-believers?"
Sandali akong natahimik at nag-isip ng isasagot sa kanya.
"God hears everything... He hears even your thoughts before you can even say it but
he can't answer you if
you are not asking the right way."
"What's the right way?"
I'm surprised by Asher's willingness to learn pero mas masigasig akong sagutin siya
at paliwanagan.
" John 14:6, Jesus answered, 'I am the way and the truth and the life. No one comes
to the Father except
through me.' If we come in Jesus name, it means we come in his righteousness and
who we are in him not
because our prayers deserves to be heard. We can only have assurance that our
prayers will be answered if
we come in and through Jesus but there's a complex conditions for answered
prayers,"

P 56-4
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong dumoble ang kalituhan sa kanya kaya
nagpatuloy ako.
" Proverbs 15:8, The Lord detests the sacrifice of the wicked, but the prayer of
the upright pleases him.
Yes, non-believers can pray and ask him anything but to do it without a
relationship with Jesus only serves as
own righteousness and he consider it abomination. Isaiah 44:3 says, I will pour
water upon him that is
thirsty, and floods upon the dry ground. The heart must be open to the Spirit's
influence or else God's
blessing cannot be received."
He didn't answer. Nanatili lang siyang nakatingala sa krus na tila nag-iisip ng
napakalalim.
"Our God is merciful, Asher... He is touched by sincere prayers pero gaya nang sabi
ko, kahit believe's or
hindi, kapag alam niyang hindi iyon ang para sa'yo o makabubuti sa'yo ay hindi niya
'yon ibibigay. He is the
perfect God and he only wants the best for his people. Ang gusto niya lang ay
magtiwala tayo sa lahat ng mga
plano niya sa ating buhay at huwag tayong mapagod na hanapin siya."
Marahan siyang tumango tango. Nakita ko ang bahagyang pagliwanag ng kanyang mukha
na tila may nakuha sa
mga sinabi ko.
"I understand." he said.
Para akong nabunutan ng malalim na tinik sa aking dibdib dahil sa sinabi niya.
"Alam kong marami kang gustong maintindihan pa pero alam kong makukuha mo rin ang
lahat ng sagot sa
lahat ng mga tanong mo. Life will teach you everything that you need, kahit iyong
mga ayaw mong matutunan
and I want you to be ready for it. Alam kong matapang ka, Asher Miguel... And I
can't wait for the day that
you'll glorify God because we all know that you belong to his kingdom."
"You really believe that I'm that good, huh?" hindi makapaniwala niyang tanong sa
mga salitang lumabas sa
aking bibig.
I nodded slowly.
"Do you know the parable of the lost sheep?"
Umiling siya.
"Do you want to hear it?"
"Sure, baby."
Ang aking ngiti ay umabot na sa aking tenga dahil sa pagpayag niya.
" Luke 15:3-7," maingat kong panimula. " What man of you, having an hundred sheep,
if he lose one of
them, doth not leave the ninety and nine in the wilderness, and go after that which
is lost, until he find it?
And when he hath found it, he layeth it on his shoulders, rejoicing. And when he
cometh home, he calleth
together his friends and neighbours, saying unto them, Rejoice with me; for I have
found my sheep which
was lost. I say unto you, that likewise joy shall be in heaven over one sinner that
repenteth, more than
over ninety and nine just persons, which need no repentance."

P 56-5
Nang makita kong nakakunot lang ang noo niya ay nagpatuloy nalang ako.
"The parable talks about loss, searching and rejoicing. The lost sheep refers to
his people, The wilderness is
sins and he is the shepherd. Do you know why he labeled us as sheep? It's because
of all creatures, sheep is
the most senseless. It also stays in maternal groups for life and if one was lost,
It will wander on and on in
endless mazes lost and if no one will search for it, it will forever be lost. The
parable talks about redemption
and he puts forth a message that He is here on a mission, and that mission is to
save God's children. The lost,
the sinners and the helpless. Allowing them to see His helping hand so that in His
protective shelter, they
may come out from the lost path back to a safe haven."
" Matthew 18:10-14, See that you do not despise gone of these little ones. For I
tell you that in heaven
their angels always see the face of my Father who is in heaven. What do you think?
If a man has a
hundred sheep, and one of them has gone astray, does he not leave the ninety-nine
on the mountains and
go in search of the one that went astray? And if he finds it, truly, I say to you,
he rejoices over it more
than over the ninety-nine that never went astray. So it is not the will of my
Father who is in heaven that
one of these little ones should perish. The shepherd in the story had hundred sheep
yet he still managed to
spot the one that gone missing. That's why God's love was the greatest and
incomparable... Being the good
shepherd who loved and cared for all his sheep, he disregarded his own comfort and
safety. He set forth on
the quest to find his missing and lost sheep, and didn't rest until it was found.
And when he actually found it,
he picked it up on his shoulders and rejoiced gladly by inviting his friends and
neighbors and proclaiming his
happiness and content. We all are God's children, and He values each and every one
of His own and he
would never hesitate to go out of the way to bring them back to the right path. He
constantly worries, cares,
and seeks them while they are trapped in the wilderness. He created us with so much
love and His love for
us will never perish no matter what. You're maybe lost and confused by now but one
day..." muli kong pinisil
ang kanyang kamay. "I know you'll be found."
Nakita ko ang paglunok ni Asher nang bitiwan ko ang kanyang kamay at idala ang
aking palad patungo sa
kanyang kaliwang dibdib.
"Your heart was one of the greatest that I have ever witnessed, Asher. The way you
helped me and other
people are the proof that you are truly one of God's children... Alam kong hindi
madaling mabago ang
pananaw ng isang tao tungkol sa isang bagay pero masaya akong nagagawa ko ang parte
ko para
maipaliwanag ang lahat sa mga taong naliligaw. One day, you will learn everything
and hindi mo na ako
kailangang–"
"I am learning." he interjects. Kinuha niya ang kamay ko at muli iyong
ipinagsalikop sa kanya. "I am learning
at tuturuan mo pa ako kaya habang buhay kitang kakailanganin. Habang buhay,
Karsyn." pinal at madiin
niyang sabi na wala na akong naisagot pabalik.
Sa mga sumunod na araw, kapag wala akong ginagawa ay ginugugol ko ang lahat ng oras
ko sa pagfi-film.
Though I missed my life outside the hospital, tinitiis ko para lang pabutihin ang
aking sarili.
Sa halos araw-araw na dumaan ay hindi nagpalya si Asher na sorpresahin ako. One
day, gaya nang ginawa
namin sa Batanes ay muli niya akong isinayaw pero sa pagkakataong ito ay mayroon na
siyang inarkilang mga
tao upang tugtugan kami ng dalawang kanta bago ang isang dinner na siya mismo ang
gumawa.
Kumikinang ang mga mata kong nakatitig sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin
makapaniwala sa lahat
ng mga sorpresa niya ngayon. Asher is giving me life moments that I would probably
highlight. Na sa kabila
P 56-6
ng hirap at sakripisyo niya ay hindi siya tumitigil para lang mapasaya ako at
maging maayos.
"I hate hospital gowns," natatawa niyang komento sa suot niyang hospital gown para
raw couple ang damit
naming dalawa ngayon sa aming dinner.
I chuckled and stop chewing my food. Bukod kasi sa na-achieve niya ang pagpapa-cute
sa akin gamit ang
pagsusuot no'n ay talagang nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko sa lahat ng mga ginagawa
niya para sa akin.
"Happy Anniversary, baby..." malambing niyang sabi matapos punasan ang bibig at
hulihin ang aking kamay.
"Anniversary?" lito kong tanong na tinanguan niya lang at nginitian nang
pagkatamis-tamis.
"Everyday, gusto kong mag-celebrate ng anniversary natin hindi dahil pinaghahandaan
ko 'yung negatibong
bagay na pwedeng mangyari sa'yo kung hindi gusto ko lang sabihin sa'yo na mas
marami pa akong kayang
gawin kaysa rito kaya kailangan mong magpagaling."
Pinisil niyang muli ang aking palad.
"Baby, maging malusog ka lang ililibot kita sa buong mundo dahil alam kong doon ka
mas sasaya. Kahit
anong gusto mo ay gagawin ko gumaling ka lang so be healthy, okay?"
Naramdaman ko pag-iinit ng mga sulok ng aking mga mata dahil sa litanyang narinig.
Thinking about his plan
excites me. Na kahit alam kong kusa nang bumibitiw ang katawan ko nitong mga
nakaraan ay masarap pa ring
pangarapin ang mga bukas na kasama siya. How wonderful would that be.
"I will fight, Asher."
"Good," ngumiti siya at hinalikan ang isa niyang kamay bago iyon ilapat sa likod ng
kamay ko para
iparamdam ang kanyang indirect na halik. "You really need to be healthy dahil
mamahalin pa kita ng todo."
Napahagikhik ako.
"Todo?"
"Todo todo, Karsyn." nakangisi niyang sagot na nagpangisi sa akin.
Ilang beses akong napahugot ng malalalim na paghinga dahil totoong umaagos na ang
sobra-sobrang katuwaan
sa puso ko dahil sa kanya. I never thought that I would still be over the moon
simula nang mawala sila
Mommy. Akala ko noon, iyon na ang huling pagkakataong sasaya ako pero hindi pala.
Araw-araw ay marami
akong dapat ikatuwa at ipagpasalamat lalong lalo na ang lalaking nasa aking
harapan.
Sa durasyon ng dinner namin ay wala akong ginawa kung hindi ang pasalamatan ang
Diyos sa pagbibigay
niya nang isang gaya ni Asher sa akin. I am lucky at habang buhay akong magiging
ma-swerte hindi lang dahil
sa kanya kung hindi dahil sa lahat ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin
sa kabila ng hirap na
pinagdaraanan ko ngayon. They're my strength at dahil do'n ay patuloy akong
lalaban.
Naging stable at malakas ako sa mga sumunod na araw kahit na walang palya ang pag-
film ko at live para
bahagian ang mga nagmamahal sa akin. I was touched when I learned that some people
are raising funds for
me. Though hindi naman 'yon kailangan dahil sapat naman ang pera namin para sa
gamutan ko ay hindi ko na
P 56-7
rin nagawang tanggihan.
"Anything else?"
Ngumiti ako at umiling kay Zyd matapos sabihin ang mga plano ko sa tulong ng mga
tao para sa akin.I have so
many plans lalong lalo na sa malaking perang nasa pangalan ko. I'm a millionaire
bago pa ako mabuhay pero
ni minsan ay hindi talaga pumasok sa utak kong gawing prioridad ang pera. Zydney
even asked me to manage
my own assets but I refused her. I have so much more than that and money isn't
something I'm hungry for.
In my twenty one years of existence, I learned that the most important thing in
life is not how much money we
make but the process of being humane while living. I want everyone to remember me
for what I did and not
for how wealthy and privilege I am. That I live the life I am proud of, iyon ang
pinaka-importante because if
wealth is the most important thing in life, bakit hindi natin 'yon madala kapag
nilisan na natin ang mundo?
Kasi ang sagot, hindi. Ang totoong mababaon natin kapag nawala tayo sa mundo ay ang
mga matutunan nating
mabuti. Our good deeds that inspired and helped people to make their lives easier
is our true wealth. Ang
pagkakaroon ng mabuting puso at magagandang moments sa buhay ang siyang mababaon
natin.
Dalai Lama once said, our prime purpose in this life is to help others but if you
can't help them, at least don't
hurt them. Marami pa akong dapat matutunan pero sa lahat ng pinagdaanan ko, wala
akong pinagsisisihan
kahit isa. I lived the life I wanted and that is more than enough.
On the fourth week of my treatment, things went from better to worst in just a
second. I remember waking up
after a week of being comatose... Na ni hindi ko magalaw ang katawan ko dahil sobra
akong nanghihina. I
always hear them talking but I couldn't understand what they were saying. Para
akong nasa malalim na balon
na naghihintay nang sasalba sa akin. Even with my eyes closed, alam kong buhay pa
ako at umaasa pa akong
magigising kaya gano'n nalang rin ang pagbubunyi nang lahat nang tuluyan kong
maidilat ang mga mata ko.
"You look ugly when you cry, Zyd..." mga unang salitang lumabas sa labi ko nang
mayakap niya ako.
Alam kong malungkot at masaya ang lahat sa muling pagdilat ko pero hindi ko
napigilan ang sarili kong
punahin siya. Sure, my cousin was one of the prettiest girls I've ever known but I
hate seeing her cry. Hindi
'yon bagay sa kanya at hindi magiging bagay kahit kailan.
Marami siyang sinabi. Naririnig ko ang mga boses ni Daddy at Asher pero hindi ko pa
rin maintindihan. I can
see guilt and sadness in his eyes nang siya naman ang lumapit sa akin matapos akong
tignan ng aking doctor.
"God, baby... I thought I've lost you. It's my fault, I'm sorry–"
"Asher..." mahina kong sambit sa kanyang pangalan dahilan para mahinto siya.
I am tired and I felt like giving up pero hindi ko 'yon sinabi sa kanya nang
magising ako sa muling pagkakacoma. Kahit alam kong bumibigay na ang katawan ko ay
lumaban ako but not until that day when they said
that they found a heart.
I am thankful. I know I am but thinking about going through everything again is
already killing me. Alam kong
ipinangako kong hindi ako susuko pero ramdam kong sa bawat oras na lumilipas ay mas
lalo ko lang
nararamdaman ang pagod. I don't want to lose hope but I'm tired... I'm getting
tired.

P 56-8
"Paano kung pagod na ako?" nanghihina kong tanong sa kanya isang gabi nang makitang
pagod na pagod na
rin siya sa pagbabantay at hindi pagkuha ng sapat na tulog para lang sa akin.
"Karsyn..." tinanggal niya ang mask sa kanyang bibig at nilapitan ako. "You can't
give up because you already
made a promise and besides, we only have eighteen hours to prepare tapos magiging
okay ka na ulit. You'll
be okay after that heart transplant, I promised you." positibo niyang sabi kahit na
ang kanyang mga mata ay
taliwas sa kanyang boses.
Mapait akong napangiti. Imbes na ang sinabi niya ang isipin ko ay wala akong naisip
kung hindi ang mga
salitang, mami-miss ko siya... Ang lahat lahat sa kanya.
Napatuwid siya ng upo ng makita ang pagtulo ng mga luha ko matapos ang ilang
minutong pagtitig sa kanya.
"Baby... Saan masakit? Are you okay? Do you want me to call Dr. Ramirez? Wait,
I'll–"
"Asher..." pigil ko sa kanya. "I'm okay. Can you just stay with me?" I said, almost
pleading.
Mas lalo kong nabanaag ang lungkot sa kanyang mga mata ngunit pinilit pa ring
ngumiti at magpakatatag para
sa akin. Bumalik siya sa tabi ko at humilig sa kama para makipagtitigan sa akin.
Sa huling pagkakataon, muli kong ipinasada ang mga mata ko sa kanyang gwapo at
perpektong mukha. Bukod
sa pinaka-mabait, isa rin siya sa pinaka-gwapong lalaking nakita ko maliban sa mga
kapatid ko at kay Daddy.
I'm not saying this dahil pamilya ko sila pero totoo iyon. I wonder how many hours
did God created them.
They're so perfect at mas lalo silang nagiging perpekto sa mga mata ko habang
tumatagal.
"What are you thinking, huh?"
I smiled sweetly at him.
"I'm thinking and asking God how long did he created you because you seemed so
perfect. Hindi lang ang
panlabas mo ang pinagtuonan niya ng maraming oras kung hindi pati ang panloob mo...
At sobra... Sobra
sobrang mami-miss kita–"
"Karsyn, don't say that–"
"I love you so much, Asher Miguel... Mahal na mahal kita at kung mawawala man ako,
'wag mo siyang
sisisihin, ha? I want you to continue doing good even without me. Gusto kong
ipagpatuloy mo ang buhay mo
kahit na alam kong magiging mahirap. I'm sorry if–"
"Baby, please?"
Pinisil ko ang kamay niya at nagpatuloy.
"Promise me you'll look after Zydney. Alam kong mas matapang siya sa akin but she's
as fragile as me.
Kapag nawala ako, gusto ko pa ring masigurong maayos siya," hindi ko tinigilan ang
pagpisil sa kamay niya
para hindi niya ako maputol. "Si Daddy, he likes turquoise too... Sa birthday niya,
pwede mo ba siyang
bigyan nang kahit ano sa kulay na 'yon? Because that will surely remind him of me
dahil ako lang ang
nakakaalam na 'yon ang paborito niya. Make him feel my love even when I'm far
away..."

P 56-9
"No."
"Asher..."
"You will be fine and it's your job to look after them kaya ikaw ang mangakong ikaw
ang gagawa no'n!
Tutulungan lang kita pero ikaw ang gagawa no'n!" giit niya.
"I will fight at gagawin ko 'yon but just in case... Just in case this will be the
end for me, I want you to listen
and promise me these things,"
Umikot ng ilang beses ang bagay sa kanyang lalamunan kasabay ng kanyang pagyuko
pero hindi ako
nagpahawa sa lungkot na kanyang nararamdaman.
"Promise me you'll be fine?"
"I can't promise you that."
"Asher?"
Ako naman ang napalunok nang ibalik niya ang titig na ngayon ay matalim na.
"Promising you that I'll be fine without you is something I can't do. Handa akong
ipangako sa'yo ang lahat ng
bagay at kasiyahan pero ang ipagpatuloy ng maayos ang buhay na wala ka?" he sighed
heavily. "I can't
fucking do that. Your end will be my end because you're the only one that I'm
living for, Karsyn. Ikaw ang
nagbigay ng deskripsiyon sa buhay ko and living this life without you is fucking
useless. Ayaw kong mabuhay
ng wala ka! Damn it, hindi ko kaya!"
Huminga ako ng malalim at marahang tumango bilang pag-intindi sa opinyon at
damdamin niya.
"Mahal na mahal na mahal kita, Asher... You will always and forever be my Mr. Right
at mamahalin kita
hanggang dulo."
"Baby..." dalawang kamay niyang hinawakan ang sa akin at ilang beses iyong
hinalikan. "Don't fucking say it
like you're about to go... Don't say it because I will never forgive you."
I swallowed the bile in my throat because of his words. Ang mabigat na mga salitang
iyon ay mabilis na
gumuhit ng malalim sa aking puso.
"F-For dying?" nauutal kong tanong.
"No! For making me fall deeply in love with you and leaving me when I'm not even
getting started of giving
my all to you! I will never forgive you kaya ipangako mong lalaban ka hanggang
dulo! Ipangako mong
magiging maayos ka at magiging maayos tayong dalawa!"
Muling bumuhos ang mga masasaganang luha sa aking mata. Oh God, I love him so much
that it hurts leaving
him. Kung noon ay wala akong kinatatakutan sa pagpanaw, dahil tanggap na 'yon ng
pamilya ko, ngayon
naman ay muli kong nararamdaman ang takot dahil alam kong sa pagkakataong ito ay
marami na ang
posibilidad ng mga taong mahihirapan sa pagkawala ko.

P 56-10
I promised him. I promised him that I will give a holy good fight but everything
crumbles down just an hour
before my surgery.
"Karsyn! No! Hang in there!" natataranta at humahagulgol na sigaw ni Zydney habang
patakbong lumalabas ng
aking kwarto.
We were just talking about what we will be doing kapag naging successful ang
operation ko. She said na
kaaalis lang rin ni Asher pagdating niya at excited na raw itong makita akong
maayos sa pagbalik. Sinabi
niya rin sa akin ang mga bagay na sinabi ni Asher kagabi. Sinabi niyang lumaban ako
at binigyan niya rin ako
ng lakas ng loob para ihanda ang sarili sa gagawin mamaya pero bigla ko nalang
naramdaman ang mabilis at
malakas na pagdiin ng aking puso sa loob ng aking dibdib dahilan para mahirapan
akong makahagap ng
hangin.
In just a split second, I felt like my heart is not even pumping anymore and I
started to feel numb. I heard
Zydney's voice screaming something while the doctors are running towards me. Sa
nanlalabo kong mga mata
ay nakita ko ang malaking marka ng sakit at kawalan ng pag-asa sa kanyang mukha
habang isinasalba ako ng
mga ito. I am still conscious but I can't just breathe properly. Para akong
nalulunod na kahit marunong akong
lumangoy, kusa akong tinatangay ng malakas at mabilis na alon upang pasukuin ako sa
aking laban.
Things were going fast and every second was crucial. I can feel my world is
spinning slowly na habang
dinadala ako patungo sa operating room ay wala akong naisip kung hindi si Daddy na
halos kararating lang
rin at hindi na ako binitiwan hanggang sa makapasok kami sa loob. Habang nakikita
ko siyang lumalayo ay
gusto kong sumigaw na mahal ko siya... I love him so much and I thank him for
everything... Just in case I
wouldn't see him after this. Oh God! It hurts! It hurts so much...
"Karsyn?"
"Karsyn?"
"Karsyn?"
I've heard my name being called by Doctor Ramirez pagkatapos ng ilang minutong
mabilis na pag-inog ng
mundo ko. Sa nanghihina kong kabuuan ay nagawa kong dumilat.
"Don't give up on us, Anak, okay? I will do everything to save you again and I want
you to do your part!"
Mabagal akong napakurap-kurap at hindi na nagawang sumagot nang maramdaman ko ang
anesthetic mask na
inilagay sa aking bibig.
"Let's count backwards again, Karsyn... Pakikinggan kita."
I couldn't... Ang tanging nagbibilang nalang sa pagkakataong ito ay ang utak ko. I
can feel the anesthesia
kicking in pero pinipilit kong panatilihing dilat ang aking mga mata.
Asher... I'm sorry I couldn't wait for you.
Daddy, I'm sorry I didn't even say how much I love you kung ito na ang huli.
And Zyd... I'm sorry for making you cry hanggang sa dulo.
P 56-11
Habang sumusuko ang mga mata ko at ang buo kong katawan sa gamot ay wala akong
inisip kung hindi ang
sakit, ang sarap at ang saya nang buhay na nalasap ko sa mundong ito. Sa tuluyang
pagpikit ng aking mga mata
ay bumalandra sa akin ang mga mukha nang taong minahal ko at mamahalin ko hanggang
sa aking huling
hininga...
It hurts... It hurts so much but my lips still manage to curve a smile.... Just in
case... Just in case, this will be
my last.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
shux nakakaiyak!!!! no please dont die ?????????? Noooo ??????

P 56-12
AMVT - FIRST
8.1K 518 48
by CengCrdva

Asher Miguel Vergara Tan - First


Mr. Right
"Just done with this stupid shopping for Navaeh." iritado kong sagot kay Jacob sa
kabilang linya matapos
niyang tumawag.
Mas lalo akong nairita nang marinig ang nakakalokong tawa niya. We will have a
party later and I just
checked in in the hotel pero dahil sa pangungulit ng kapatid ko ay wala akong
nagawa kung hindi ang bilhin
ang mga pinapabili niyang Korean products sa boring na mall na 'to. I don't do
malls kung maaari and I really
hate shopping but I can't say no to my baby sister.
"Good for you! So ano? Ilang babae ang bumuntot sa'yo ngayon?"
Ako naman ang natawa.
"That's a stupid question," dumiretso ako ng lakad kahit na ang lahat ng mga
nakakasalubong kong babae ay
halos huminto pa sa paglalakad matitigan lang ako.
This is why I hate living in the urban area. Simula nang mapirmi ako sa Batangas ay
doon na nabuo ang puso
ko. Though living in the city was fun, iba pa rin kapag presko at hindi puro usok
ang nakikita mo sa arawaraw. Besides, wala ring mga babae roon na kung bumuntot ng
bumuntot sa akin ay parang gusto na akong
papakin.
"You know girls always follows me."
"And you enjoy it so much, huh?"
"Shut up. I don't."
"Still loyal to Meg?"
"I'm a one woman man. You know that." giit ko.
Nginitian ko ang sumaludong security guard sa akin na palagi kaming binabati noong
nasa college pa lamang
kami kapag napipilt nila akong tumambay rito.
"Even if there's a rumor that she cheated on you?"
"Meg is not capable of cheating. Relationships may not always be rainbows and shit
but we're working on
it."

P 57-1
Lumabas ako ng mall, patungo sa parking lot sa kabilang building pero hindi ko pa
rin ibinababa ang aking
telepono. Whenever I'm outside and alone, I always needed to talk to someone over
the phone para lang hindi
ko mapansin ang ibang bagay na nasa aking harapan. I hate talking to random people.
Kahit nga tignan lang
nila ako nang matagal gaya nalang ng babaeng nasa gilid kong ramdam kong kanina pa
ako sinusundan ay
naiirita na ako.
"Fine."
"What are you up to? Are you going to meet us later?" tanong ko.
"I'll update you. Medyo busy ako ngayon."
Muli akong natawa nang maalala ang nai-kwento ni Eros sa akin nitong nakaraan
tungkol sa babaeng
nagugustuhan ni Jacob.
"Is it the same girl that Eros is talking about?"
"Don't listen to that fool."
"Right, huh? Then come with us later and I'll listen to you instead."
"I'll call you." he answered.
Marami pa kaming napag-usapan ni Jacob at ayaw ko ring mawala siya sa kabilang
linya habang hindi pa ako
nakakasakay ng kotse ko pero ang mabilis kong paglalakad at pagsasalita ay dahan
dahang bumagal nang
makita ko ang isang babaeng masayang masayang nagku-kwento habang hawak ang kanyang
camera na parang
may kausap ito. I want to think that she's crazy for talking endlessly but I found
myself saying goodbye to my
cousin just to watch her from a distance.
Wala man sa plano kong maglakad patungo sa kanya pero ang mga paa ko ay tila may
sariling pag-iisip na
gusto nalang siyang sundan para hindi makawala sa aking mga mata. I've never been
this amazed because of a
woman. Ni wala akong pakialam sa detalye ng kahit anong bagay at tao pero ang utak
ko ay tila
nagsusumigaw na magpatuloy sa ginagawa para lang makita kung gaano siya pa kaganda
sa malapitan.
Even in a distance, I could smell her sweet perfume. Iyong bangong parang bagong
bukas na mga talulot ng
puting rosas na dahan dahang namumukadkad at nagpapasikat sa sinag ng haring araw.
Even in a distance, I can feel her soft and pearl–like skin... Kahit na malayo ay
tila isa siyang babasaging
bagay na hindi dapat hinahawakan at pinapakialaman dahil mabilis mabasag. Her
beauty is delicate and very
innocent. Parang gusto kong matawa sa sarili ko habang napapatitig sa kanyang
mapulang labi na patuloy na
nagsasalita.
I can't hear what she was saying but I would love to hear her voice. Siguro, para
iyong musika na masarap
pakinggan at hindi tigilan kahit kailan. I swallowed hard when I see her smile.
Kahit nasa isang gilid ako
para hindi ko siya ma-distract at tanging side view ng kanyang inosente't magandang
mukha ang nasisilayan
ko ay hindi ko na rin napigilan ang mapangiti.
I never thought I would admire someone na kakakita ko palang. Damn, kahit nga
matagal na kami ni Megan ay
hindi ko naalalang naging ganito ako sa kanya. There's this strange feeling inside
me na ayaw siyang tantanan
P 57-2
kahit na nakikipag-away na ang aking utak sa aking pakiramdam.
Pasimple pa akong naglakad ngunit nababaliw akong napatago nang makita siyang
tumitingin sa paligid. I've
never planned to be a stalker today at kahit kailan kaya hindi ko siya bibigyan
nang pagkakataon na 'yon ang
maging unang ekspresyon sa akin!
Wala sa sariling napahugot ako ng isang malalim na paghinga nang muli akong tumago
sa gilid ng matatayog
na halaman para lang hindi niya ako makita. I must be crazy for stalking a stranger
pero hindi ko magawang
lumiko!
I can hear a voice in my head saying that city life and people in it aren't that
bad. It's not fucking bad!
Muli akong umalis sa pagtatago para sundan siyang muli ngunit ang lahat ng tuwa at
paghanga ko sa kanyang
kainosentehan habang tumatawid ito sa crosswalk ay mabilis na napawi nang makita
ang isang van na mabilis
habang palapit sa katapat niyang lane ngunit bago pa ako makagalaw ay nangyari na
ang isang aksidente.
I felt my heart pounding rapidly inside my chest ngunit lalo iyong kumalampag nang
makita ang babaeng
tulala at nakatayo lang sa pinangyarihan nang salpukan, duguan. Hindi galing sa
kanya kung hindi sa babaeng
buntis na nahagip ng rumaragasang sasakyan.
Though everything felt spinning slowly, mabilis naman ang naging paggalaw ng aking
mga paa patungo sa
kanya. Hindi ko na inintindi ang mga bagay na pinamili ko para sa aking kapatid
mailayo lang ang babaeng
'yon sa ilan pang kapahamakan!
Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng katawan ko
sa kalsada habang
yakap ang babaeng sinubukan kong iligtas. I didn't even blink kahit pa sunod-sunod
na ang pagsasalpukan ng
mga sasakyan malapit sa aming dalawa. Hindi ko na 'yon inisip at tanging inintindi
nalang ang babaeng
ikinulong ko sa aking katawan upang protektahan sa kahit na anong panganib.
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya ng maramdaman ang kanyang panginginig. Hindi ko
siya binitiwan hangga't
hindi humuhupa ang pagsasalpukan ng mga metal sa kabilang gilid namin. That was a
close call at
nagpapasalamat akong namangha ako sa kanya dahil kung hindi ay baka wala na rin
siya ngayon.
My mind curses when I see the pregnant lady lying on his chest, probably dead.
Ilang beses akong napalunok
habang nakatitig doon kasabay ng mabilis na panlulumo ng aking kabuuan.
She will not survive that. Kahit siguro may pulse pa ang babaeng 'yon o heartbeat
ay hindi na siya mabubuhay
dahil sa lakas ng impact. Her head was partially decapitated. Basag ang mukha and
the road was painted
with her blood as well as the lady I'm with.
"I'm sorry..." marahang kong sambit at hindi na napigilan pang yakapin siya nang
mas mahigpit.
Napapikit lang ako ng maramdaman ko ang pagsuko niya at maya maya'y pagbaon na rin
ng mukha at sarili sa
akin.
"Are you okay?" Bulong ko sa kanya pero hindi ito sumasagot.
I know she's still probably in a state of shock but I want to make sure that she is
fine.
P 57-3
"Hey..." marahan ko siyang inilayo sa akin. "Hey, you are fine... We are fine. It's
okay..." pag-aalo ko at
maingat nang umahon nang masigurong wala nang sasakyan pang makakasakit sa amin.
The people inside the mall flocks outside just to see what happened.
"Look at me and tell me that you are fine..." dagdag ko pagkatapos ay madiing
pinisil ang kanyang mga
kamay.
I still didn't get an answer kaya ako na mismo ang naghanap ng lamat sa kanyang
katawan kung sakaling
nasaktan siya sa pagbagsak namin kanina pero maya maya ay natigilan ako ng makita
ang nag-uunahang
paglalaglagan ng malulusog na luha sa kanyang mga mata. I gently cupped her face
and wiped her tears away.
Oh damn... This beauty doesn't deserve to shed even a single tear. Alam kong may
karapatang siyang umiyak
dahil sa nangyari pero hindi ko mapigilan ang maawa sa kanya. She's too fucking
innocent at tama akong
walang wala ang pagkamangha ko sa kanya sa malayuan kaysa sa ngayon. Pakiramdam
ko'y sasabog na ang
utak ko sa mga naiisip pero bago pa mangyari ay dumating na ang mga rescuers.
"Let's go to the-"
"I-I'm fine. I'm fine..." sinubukan niyang bawiin ang aking kamay sa akin pero
hindi ko siya binitiwan.
"You are still in shock and I need you to sit for a bit-"
"No!" she screamed. "My camera! I-I need my camera!"
"No-"
"Please! I need it!" nagmamakaawa niyang sagot na muling humaplos sa puso kong
hindi ko alam kung bakit
ganito nalang kalambot sa kanya.
I found myself searching for her camera kahit na labag 'yon sa moralidad ko.
Imagine, I was just enjoying my
time in the city tapos mai-involve ako sa ganito! It was a mess, literally!
Ipinilig ko ang aking ulo nang makita ang bagay na ilang minutong hinanap. I can't
fucking believe that I'm
doing this shit for someone I don't even know. Sa kabila ng mga reklamo ko ay
nagpatuloy ako.
Gusto ko na sanang bumalik sa tabi niya pero nang makita ako ng mga pulis ay
naharang ako para magbigay
ng statement. Mabuti na ring nangyari 'yon dahil sa pagbalik ko ay nakita kong mas
kalmado na ito.
"Thank you... T-Thank you for saving me." she said matapos kong ibigay ang kanyang
camera.
"You are welcome."
"So... Did the pregnant woman..."
"She did not make it," I answered kahit na hindi pa tapos ang kanyang tanong.
"I'm sorry..." I added.

P 57-4
"Me too." Bigo niyang bulong .
"Mabuti naman at hindi ka umalis. The police will be right here any moment."
Sa pagsabi ko no'n ay mabilis siyang naging alerto na hindi ko napigilang malito sa
kanya lalo na nang umalis
siya sa tabi ko't nagmamadaling tumayo!
"Where are you going?"
I'm afraid she'll run away at maaksidente ulit dahil kahit na medyo kalmado na siya
ay alam kong hindi pa rin
madaling tanggapin ang lahat. Humigpit ang kapit ko sa kanya lalo na nang makita
ang muli niyang pagpapanic pero naintindihan ko 'yon nang maisip na natatakot
siyang makulong at hindi sa ibang bagay.
My instinct was right. She is really innocent na parang ilang taong nakulong sa
isang lugar at hindi pa
nakakapag-explore sa mundo. I'm amazed by that pero dahil do'n ay mas lalong hindi
ko siya pinakawalan.
Mabuti na lang at maayos at kalmado ang mga pulis na nakipag-usap sa kanya. Hindi
ko siya iniwan while
doing the process at hindi ko rin siya hinayaang umalis sa paningin ko nang gano'n
nalang. I wanted to make
sure that she is okay and will be okay.
Kahit nakakatanga, nagawa kong mamili ng damit na nakita ko para sa kanya. I pulled
this bee sweatshirt and
bought it para may pamalit siya habang nililinis niya ang sarili sa isang cafe.
Why bee? Bee happy? Shit. I'm weird... so weird.
"I don't know your size but I think this will fit you." sabi ko sabay galaw ng
paper bag para kunin niya ang
bagay.
Hindi ko man alam ang dapat kong gawin pero gaya kanina, ang mga paa ko ay may
sariling utak na kusang
gumagawa nang dahilan para gawin ko ang mga bagay na ni minsan ay hindi ko
naisipang gawin sa kahit
kanino maliban sa kapatid ko. I never did shopping for my girlfriend. Maski ang
samahan ito ay ni minsan
hindi ko nagawa kaya ang bilhan ng damit ang isang babaeng hindi ko alam ni
pangalan ay totoong kabaliwan
para sa akin.
"B-Binilhan mo ako ng damit?" she asked curiously and surprised.
"Yeah, you can wear it if you like unless you still want to wear your bloody
shirt."
Nang kunin niya ay naghintay naman ako. I'm done changing mine at sa ngayon ay wala
na akong gusto pang
gawin kung hindi ang masigurong ligtas na siya at wala nang mangyayaring masama sa
kanya.
Kahit na nawi-weirduhan na rin ako sa sarili ko ay hindi ko na rin napigilang
ihatid siya. Nagpapasalamat
nalang talaga akong hindi na madadagdagan ang pagkabaliw ko kung sakaling sa
probinsiya pa siya nakatira
at nagprisinta akong ihatid siya patungo doon. I'm glad that she's living in the
village where the Delaney's are
kaya hindi na rin ako nahirapan.
It's really weird having someone inside my car except for Megan but I felt like I'm
just doing the right thing.
Nang matapat kami sa kanilang bahay ay nagpaalam na rin ako. I don't want to stay
longer dahil baka kapag
tumagal pa ako rito ay mapagpasyahan ko nang bumili ng bahay sa tabi ng bahay nila.

P 57-5
"Thank you, Asher..."
Ngumiti ako at tumango.
"Don't worry about it."
"No... I mean, you saved my life and thanking you is not enough," nanatili lang
akong nakatitig sa kanya.
"Babawi ako... I'll pray for you. Kung ayaw mo ng coffee, ipagpi-pray nalang kita."
I want to burst out of laughter pero dahil seryoso ang mga matang 'yon at ang boses
anghel na 'yon ay tumango
tango nalang ako. Pray? Who the hell believes in prayer?
Marami pa siyang sinabing ikinatuwa ko pero gaya nang sabi ko, wala na akong
planong magtagal pa.
"See you around, Karsyn." I said. "And be careful next time you'll pass a
crosswalk."
"Salamat sa paghatid at sa lahat. Mag-iingat ka."
Pagkasabi niya no'n ay iniharurot ko na rin ang aking sasakyan palayo.
"Is she pretty?" kuryosong tanong ni Eros kinagabihan nang sabihin ko sa kanila ang
mga nangyari kanina.
We're in a bar gaya nang napag-usapan at gaya rin nang inaasahan ko, wala si Jacob.
Ang sabi ni Eros ay
huwag na raw naming kulitin dahil talagang tinamaan ng malakas ang isang 'yon.
"Of course she is! Bro, hindi ba nga sabi niya sinundan niya? Since when did Asher
followed someone eh
sanay 'yang siya ang sinusundan ng mga babae!" natatawang singit ni Igo pero bago
pa ako nakapagsalita ay
sumingit na si Trystan.
"So are you moving on now or what?"
Mabilis kong kinuha ang aking alak at tinungga iyon. Parang gusto kong sapakin si
Trys dahil sa pagiging KJ
nito. I was happy the whole day kahit na mabigat ang mga nangyari pero nang maalala
ko si Megan at ang
magulong relasyon namin ngayon ay parang sumakit kaagad ang ulo ko.
"We're still trying to fix things."
"Do you really believe she's innocent?" Lance spat. "Bro, that guy was known for
being a fucker. Hindi ba
gano'n ang balita na ang lahat ng nakakasama no'n ay hindi pwedeng hindi niya
natitikman! And the cheating
rumors wasn't just rumors. There were evidence that Meg and that fucker spent time
in Maldives!"
Iritado kong inagaw ang alak ni Eros at walang sabing tinungga iyon. Sa pagbaba ng
baso ay muli ko iyong
sinalinan, pinuno at ininom nang sagad. Sa gilid ng aking mga maya ay nakita ko ang
pagsiko ng pinsan ko kay
Lance pero imbes na magpadala sa init ng ulo at siya ang singhalan, nanahimik ako.
For fucks sake! Can they just shut up about Megan? Pwede bang magpakasaya na muna
kami ngayon at
iwasan ang mga issue'ng makakapag-painit ng ulo ko?
Mukha namang naintindihan nila ang pananahimik ko kaya wala nang nagsalita pa
tungkol doon. I have so

P 57-6
many questions for Megan but she keeps on avoiding me. Parang noong isang araw na
pinuntahan ko sa bahay
nila pero wala raw ito sabi ng mga kasambahay. Ilang beses ko na rin siyang
tinawagan but she's not
answering her phone. Kung tutuusin, pwede na akong maging single ulit dahil iyon na
ang indikasyon na wala
na kami. We're in a relationship pero ang pag-iwas sa karelasyon ay hindi na
relasyon pero dahil gusto kong
malinawan ay pinipilit kong ayusin.
Kahit naman kasi magulo na kami ngayon, naging masaya rin naman ako sa kanya. I
spent years with her at
wala akong tinignang iba kahit pa nagkalat ang mga babaeng may " mas" sa kanya.
I don't know. I maybe look like these guys I'm with but my parents always keep on
telling me to be one
woman man, lalong lalo na si Mommy. Tama nga naman, hindi mo kailangan ng maraming
babae para punan
ang lahat ng kakulangan mo bilang lalaki. If happens that you fall out of love, mas
mabuting tapusin muna
bago lumipat sa iba. It's not my nature to flirt with girls too kaya nga minsan ako
'yung ibinubugaw nila para
naman raw maranasan kong magloko. They never succeeded.
I spent the next week calling Megan. Gusto ko lang malaman kung totoo iyon at kung
oo, wala na akong
magagawa kung hindi ang tapusin. I just want to know everything. I don't care if
that guy fucked her. Hindi na
kawalan sa akin 'yon. Ang sa'kin lang ay malaman ko ang totoo.
Ako:
Meg, can we talk now please?
Ako:
Call me.
Ilang linggo ang lumipas na gano'n na kahit sa Batangas ay umaasa pa rin akong
sagutin niya ako hanggang sa
magising ako isang araw sa tawag niya. I was so happy to see her name on my screen
but at the same time,
kinabahan rin ako kung saan patungo ang usapan naming ito.
"Hey!"
"Where are you?"
"Home, ikaw? Are we going to talk–"
"No! I don't want to talk to you anymore, Asher! Kahit kailan ay hindi na ako
makikipag-usap sa'yo lalong
lalo na ngayon dahil sa babae mo! Magsama kayong dalawa!"
"What?!"
"Mr. Right! Damn you!"
Pakiramdam ko'y nagkabuhol-buhol ang lahat ng ugat sa utak ko at wala na akong
naisip kung hindi ang mga
sinabi niya. Hindi ko maintindihan at para akong gagong nagmakaawa sa kanyang
makipagkita sa akin kahit
na ilang beses niya akong ipinagtabuyan. It was two days after that talk nang
malaman ko ang totoong dahilan
kung saan nagmula ang galit niya pero hindi ko muna 'yon inintindi. Nag-drive ako
pabalik nang Manila para
kausapin ng personal at magpaliwanag kay Megan pero ang sabi ay lumipad na ito
patungong ibang bansa.
P 57-7
Doon nagsimula ang galit ko hindi lang para sa aking sarili kung hindi sa lahat ng
mga nangyayari partikular
sa babaeng 'yon! Never in my wildest dream that I'll be an instant celebrity. Noon
ngang hindi pa kumakalat
ang video ay naiirita na ako kapag may mga nagpapa-cute sa akin, ano pa kaya
ngayong kahit saan ako
magpunta ay mayroon nang nakabuntot!
"Damn it!" malakas kong hiyaw matapos isara ang pintuan at muntik nang sagasaan
iyong mga babaeng
nakaharang sa kotse ko habang tinatawag akong Mr. Right.
What the fuck was that for! Bakit ako nadamay sa kagaguhang 'yon?!
Eros:
You're a celebrity.
Anito sa group chat namin.
Igo:
She is damn pretty. Kahit medyo shocked sa video, maganda. No wonder why Asher
followed her.
Trystan:
I say no to Megan. Hayaan mo na 'yan, Bro.
Jacob:
I don't know what to say but dude, marami nang naghahanap sa'yo. Sikat ka na nga.
Ate Berna keep on asking
me about you. Kailan ka raw bibisita?
I sighed heavily at that. Kahit na dumami pa ang positibo at katuwaan nila sa chat
ay wala akong naisagot.
Malayo sa tuwang nadarama nila ang nararamdaman ko. I'm pissed off! At kung noon ay
gusto ko pang makita
ang babaeng 'yon, ngayon ay hinding hindi na!
Sa mga sumunod na araw ay pati ang mga kaibigan ko nakiki-Mr. Right na rin. They
even sent the girl's video
pero hindi ko pinanuod. Isang beses ay nag-left na ako sa chat pero in-add ulit ako
ng mga gago.
Kung noon ay malaya ako sa Batangas sa mga kuryoso sa akin, hindi na ngayon.
Pagkatapos mag-viral ng
kabaliwang video na 'yon ay maging ang mga kapit-bahay namin ay hindi na ako
tinantanan! They want to
know what happened and all pero wala akong isinagot. Kulang na nga lang ay
magkulong ako para maiwasan
silang lahat.
Habang lumilipas ang oras ay mas lalong tumataas ang kairitahan ko sa lahat at
galit para naman sa babaeng
sumira ng lahat sa buhay ko! I hate her so much!
I asked every employee of my family na kung may maghanap sa akin ay sabihing wala
ako at hindi na ako
makikita pa kahit kailan. My parents were so supportive of me kahit na hindi nila
alam ang issue pero si
Navaeh ang panay ang kulit sa aking kitain ang babaeng 'yon!
"No!"

P 57-8
"Kuya, please?! What if she's your Miss–"
"There's no such thing, Navaeh! Walang soulmates! Walang destiny! Walang Miss Right
at hindi ako si Mr.
Right!"
Nakita ko ang pagtikom ng bibig ng kapatid ko kasabay nang pagbalandra nang lungkot
sa kanyang mukha
kaya bahagya akong nahimasmasan. Napabuga ako ng isang malalim na paghinga at
pagkatapos ay iginiya
siya sa couch upang ipaliwanag ang lahat na wala akong balak at walang balak na
makipagkita sa babaeng
'yon. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya pa rin binubura ang video gayong
pwede ko siyang kasuhan
do'n! Pasalamat nalang talaga siya at mas marami akong prioridad sa buhay at hindi
ko na ugaling harapin pa
ang mga walang kwentang bagay na isang araw ay malalaos rin.
"I see Miss Right outside." bungad ni Eros sa akin isang araw habang nakangising
parang asong nauulol.
Madali akong nag-iwas nang tingin at napailing. Again, hindi na nawala ang
pagbuntong hinga ko nang
malalalim.
"Hindi mo ba siya lalabasin?"
Aniyang nauupo sa harapan ng aking lamesa.
"Tell her to get the fuck away from me. Wala akong panahon sa kanya at kinamumuhian
ko siya."
He chuckled. Umayos siya nang upo at itinapik ang mga daliri sa aking lamesa para
matigil ako sa
ginagawang trabaho at mapabaling sa kanya.
"She's prettier in person."
"So?"
"And looks harmless. Not like your fans in Campbell."
"So?" I asked again, Eros is weird and I could punch him kapag nainis ako ng todo
sa kanya.
"So man up and meet her."
"No way. Sabihin mo wala ako at hindi na babalik pa kahit kailan kaya huwag na
siyang umasa. Itaboy mo."
Muli siyang natawa. Taliwas sa pagka-badtrip ko ang kasiyahan ng loko. Palibhasa,
ngayon lang nila ako
napagti-tripan ng ganito kaya nilulubos lubos na ng mga mokong!
Sa pag-alis niya kinahapunan matapos kaming mag-usap tungkol sa business na balak
gawin ay natahimik na
ang buhay ko. Kahit paano, napagaan ng trabaho ang pakiramdam ko ngayon. I've never
been this busy pero
dahil marami akong gustong atupagin kaysa sa mga walang kwentang bagay ay puspusan
ako sa ginagawa. I
can't wait to help my parents on their business. Mabuti na nga lang at maaga akong
namulat sa negosyo kaya
hindi lumaon ay 'yon na rin talaga ang ginusto kong tapusin at pag-aralan.
Matapos 'yon ay nagpahinga na ako. I've been working so hard these past few days at
sobrang napapagod rin
ako ngunit ilang minuto pa lamang na nakakapikit ang aking mga mata ay narinig ko
na ang pambubulabog ng

P 57-9
isa sa mga kasambahay naming si Ate Jolina na sa lahat ay pinaka-close ko.
"Sir Asher!" malakas at matinis niyang sigaw na sinabayan pa ng yugyog sa balikat
ko kaya madaling
nagising ang natutulog kong kaluluwa.
"Sir Asher! Kailangan niyo na pong gumising at nagagalit na sina Ma'am Isabella!"
"What is it?!" kinusot ko ang aking mga mata at pilit na inangat ang katawan sa
kama.
"Ay basta bumaba na raw kayo dahil magiging tatay na kayo!"
"What?!" pakiramdam ko'y nilayuan ako ng kaluluwa kong pagod pa sa sandaling
pagkakaidlip dahil sa
narinig.
Mabilis siyang nagkibit ng balikat.
"'Yung nabuntis niyo nasa ibaba at kausap nila Sir! Hay naku, sinasabi kong mag
condom ka palagi, eh! "
Nagmamadali akong tumayo para mapigilan siyang iwan ako.
"Ano kamo?!"
Hinawi niya ang kamay ko at tinapik ako sa balikat.
"Ilang beses ko nang sinabing mag-iingat ka, 'di ba? Hindi ka nag-ingat kaya
nakabuntis ka. Congrats, tatay ka
na."
"Anong pinagsasasabi mo, Ate Jol?!"
"Ah basta! Tatay ka na! Bumaba ka na at baka madamay pa ako sa galit ng mga
magulang mo. Sumunod ka na
at harapin mo lahat ng ginawa mo."
Naniningkit ang mga mata ko hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Hindi ko
alam kung nananaginip
lang ba ako o ano pero sa pagpihit ko pabalik sa kama ay naisip kong totoo ngang
gising na ako... Pero sino
'yon?!
You gotta be kidding me! Malakas na bulong ng aking utak nang matanaw ang isang
babaeng alam kong
kanina pa nasa labas gaya nang sabi ni Eros sa akin kanina! Sinasabi ko na nga ba!
Gusto ko na sana siyang sigawan at palayasin pero natigil ang lahat dahil sa
paglapit ng kapatid kong excited
itong makita! Ugh, kids these days!
My sister explained what happened at kung sino ang babaeng 'yon. Kahit na hindi
nabawasan ang iritasyon ko
sa kanya, medyo gumaan na rin kahit paano ang aking dibdib dahil nakita kong
nabunutan nang tinik sa dibdib
si Mommy na kanina ay halos patayin na ako sa galit dahil sa pagsisinungaling nito.
"Why are you here?" matalim kong tanong nang iwan na kami ng lahat upang makapag-
usap.
"I... I don't know."

P 57-10
My emotions are playing tricks on me. Alam kong galit ako pero habang tumatagal ang
pagtitig ko sa
inosenteng mukhang iyon ay para akong nahihimasmasan. Gayunpaman, mas pinili kong
magalit dahil totoong
may kasalanan ito sa akin. I won't let myself be deceive with her beauty. Hindi na.
"I just want to thank you again for saving my life. Alam kong hindi mo naman na
siguro kailangan 'yon but I
still want to do it anyway-"
"Really? Or you're just doing it now for fame?" I spat.
Nakita ko ang gulat sa kanya at agad dumipensa.
"H-Hindi!"
"Do you have any idea how you made my life so fucking messy right now?"
Napaawang ang kanyang bibig sa sinabi ko. I am so fucking mad at her pero hindi ko
magawang hilahin siya
at kaladkarin palayo!
"I don't ask for your gratitude, KF or Karsyn. Ginulo mo 'yung tahimik kong buhay.
Now I can't even go to the
mall without people taking pictures of me and shit."
"I-I'm sorry."
"Sige nga sabihin mo ngayon, ano ba talagang plano mo? Tell me what do you want
para matigil na lahat ng
kabaliwang ito."
I want to be clear kung ano talaga ang motibo niya sa akin at ipinaliwanag niyang
nagkakamali ako sa
pagkakaintindi pero ang utak ko ay tila sarado na sa lahat ng kanyang mga
paliwanag.
"Come on, tell me what you want? Gusto mo bang tulungan kitang sabihin sa mga
followers mo na nagkita na
tayo at magiging tayo na? That we will live happily ever after?"
She look offended and hurt by that at doon nakaramdam ako ng kaunting pagka-guilty
but I can't stop myself
from being angry. Gusto ko pa rin siyang bulyawan dahil sa lahat ng ginawa niyang
gulo sa buhay ko at
relasyon ko kay Megan!
"No. Kung sana finollow mo rin ako, malalaman mong wala 'yan sa plano ko. I'm sorry
for making your life
miserable, Asher. Hindi ko ginusto lahat at kung akala mong may inaasahan ako
sa'yo, nagkakamali ka,"
I didn't buy it.
"But thank you... Thank you pa rin sa pagsalba mo sa buhay ko. Nagkamali ako ng
pagkakakilala sa'yo. Hindi
ka pala mabait at perpekto gaya ng akala ko pero wala naman na iyong silbi. Ayaw ko
na rin namang
makipag-kaibigan sa'yo o kahit ano kaya salamat nalang talaga."
Sa huling mga salitang iyon bago niya ako tuluyan iwan ay para na rin niya akong
sinampal ng malakas. Alam
kong medyo sumobra ako sa mga sinabi ko pero anong magagawa ko kung talagang galit
na galit pa rin ako sa
kanya hanggang ngayon? She ruined everything for me and I will hate her just as
much as she probably hates
me now.
P 57-11
Kinabukasan ay nakita ko pa siya pero ang pagkamuhi ko sa kanya ay hindi naalis
kahit pa mukhang nasaktan
ko siya sa mga nasabi ko kagabi.
I left the group when Zake shared all of that girl's video. Hindi ako nakinig sa
mga paliwanag nila kahit na
nang magkita-kita na kami para sa huli naming bakasyon bago tuluyang makulong sa
trabaho.
Sa unang araw ay napagpasyahan naming igugol muna ang mga 'yon sa kabilang resort.
Doon rin kasi ang
magiging venue ng car racing namin kaya doon kami napirmi. It was one of those days
na nakakapaglibang na
rin ako pero ang lahat ng kasayahang iyon ay muling napawi ng makita ulit ang
babaeng 'yon at dito ma mismo
sa resort namin!
"What the hell?" nahinto ako sa paglalaro at ang lahat nang atensiyon ng mga
kaibigan ko ay agad nabaling sa
babaeng 'yon na gulat na gulat ring makita akong muli. Or is it really? O talagang
sadya niya ito at umaarte na
naman?
"Hey, it's you again!"
"Seriously, Eros?"
I know may naging interaksiyon sila pero mas malalim ang koneksiyon niya sa akin at
lahat dapat nang
kinaiiritahan ko ay kaiiritahan rin niya! Gano'n ang pagkakaibigan! Kapag kaaway
nang isa, dapat kaaway mo
rin!
"Oh, shit... She's the girl on the video." si Jacob na nagulat na rin sa
napagtanto.
"Right, Seth." Sambit naman ng isa pang talipandas kong kaibigan pero bago pa sila
ma-amazed ng sobra rito
ay muli na naman akong nagpadala sa init ng ulo ko.
"Really? Hanggang dito talaga nakasunod ka?!" I asked sarcastically.
Nababaliwan na ako. Ibang klase ang stalking skills ng babaeng ito. Sa kabila nang
maamong mukhang hindi
makabasag pinggan ay talagang may taglay itong masamang determinasyon! May gustong
maabot sa buhay!
I'm amazed by that!
"What? Pipi ka na rin ngayon?" mapanuya kong tanong nang hindi siya sumagot.
"Tinanong na kita kagabi kung anong gusto mo para doon palang matapos na at hindi
mo na ako sundan-"
"Hindi kita sinusundan ang kapal mo!" malakas niyang sigaw na tila naubos na ang
pagtitimpi sa akin!
Pero bakit parang kasalanan ko? Siya itong sunod nang sunod 'di ba? At dapat lang
akong magalit pero siya
pa itong galit! Aba!
Nairita ako sa kantiyawan ng mga kaibigan kong talipandas! Nagpatuloy ang sagutan
namin pero ako naman
ang tuluyang napipi sa mga huling salitang iniwan niya.
"Wala sa utak kong isuko ang virginity ko sa'yo! Hinding hindi ko kailanman naisip
na magpabuntis! Hindi
kailanman lalo na sa'yo! Manyakis!" aniya at nagmamadali kaming iniwan!

P 57-12
Para akong binuhusan nang nagyeyelong tubig sa katawan dahil sa narinig. Naghiyawan
ang mga kaibigan ko
at hindi na nawala ang pang-aasar nilang lahat sa akin.
She's a virgin...
Iyon ang salitang hindi nagpatulog sa akin. Why do I feel bad for taunting her?
Bakit parang ako talaga ang
may kasalanan ng lahat at totoong inosente siya sa ginagawa? Na tanging ang totoong
gusto lang niya ay
magpasalamat ulit sa akin sa pangalawang pagkakataon gaya nang pangako niya kapag
nagkita kami ulit.
Wait, no. Hindi ako dapat magpaloko sa babaeng 'yon. I don't know her at wala rin
naman yata akong balak
na kilalanin siya.
Kung paanong nangyaring mabilis na naging magaan ang loob ng mga kaibigan ko sa
kanya na ni minsan ay
hindi naman nangyari ay hindi ko na alam. Nakita ko nalang ang sarili kong palagi
nang nakikita ang babaeng
'yon na umabot pang isang araw na kasama ito ni Jacob sa car racing namin. I was
mad at them because the
rules were clear noon pa man. Wala ni sino man ang pu-pwedeng makasama ang driver
sa loob nang kotse
dahil bukod sa panggulo lang 'yon, delikado pa.
Sa huli, wala na rin akong nagawa kung hindi pumayag lalo na't naiirita akong
makitang kasama niya ang mga
kaibigan ko. They don't know the girl pero kung makipag-usap sila rito ay parang
mas matagal na nila itong
kaibigan kaysa sa akin.
Iritado akong sumakay sa sasakyan ko at minaniobra ito habang naghihintay nang
hudyat na simula na ng race
namin. I'm always keen on winning a race pero mas lalo akong determinado ngayon.
Hindi ako natatalo at
wala akong balak na matalo sa araw na ito lalo na't mabigat ang deal ngayon.
Kapag natalo ko sila, matitigil na ang kahibangan nang lahat sa Mr. Right bullshit
na 'yan. I'm nobody's Mr.
Right. Inipon ko ang lahat nang galit ko para doon matuon ang determinasyon kong
manalong muli pero nang
makita ko rin kung gaano kabilis at pursigido ang sasakyan ni Igo thinking na may
kasama ito sa loob ay para
akong tupang naduwag!
I found myself slowing down para paunahin na sila at hindi na makipag-karera lalo
na't delikado ang isang
parte nang daan na ang ilalim ay bangin at kung gigitgitin nila ako, baka magkaroon
pa nang disgrasya! Kung
si Igo lang sana ang tao sa sasakyang 'yon, hindi ako magdadalawang isip na ihulog
pa siya sa bangin manalo
lang pero iba ngayon. May kasama siyang iba.
Hinihingal kong sinapak ang manibela nang tuluyang mahinto ang sasakyan ko. I can
feel my head burning
with so much anger sa isiping dahil lang sa babaeng 'yon, pati ang titulong ito at
pride ko ay nagawa kong
bitiwan maging maayos lang ang race na ito!
I was cursing the whole time habang pabalik sa nakararami. Nakita ko kaagad ang
mabilis na pagtatayuan ng
mga lalaking naiwan nang matanaw ang humaharurot kong sasakyan dala pa rin ng galit
sa sarili. I'm now a
loser!
Matalim ang naging titig ko sa nalilito nilang mga mata nang bumaba ako sa halos
umusok kong sasakyan
dahil sa tulin.
"What happened?" nag-aalalang tanong ni Jacob pero hindi ko siya sinagot nang
mahagip ko ang pasimpleng
apiran ni Eros at Trystan habang nagyoyosi ang huli.

P 57-13
"I lost, okay? Magbunyi na kayo dahil ngayon lang 'to." inis kong sagot sabay alis
sa harapan niya.
Sumandal ako sa trunk nang sasakyan bago nagbukas nang sigarilyo para maibsan ang
init ng ulo ko at para
hindi rin iyon maibunton sa kanila. I'm on my second stick nang makabalik ang
dalawa na tinapos pa talaga
ang race bago bumalik o baka naglampungan muna. Ibinuga ko sa ere ang usok ng aking
sigarilyo. Akala ko
doon na matatapos ang pagtitimpi ko pero umpisa palang pala.
"Sorry." dama ko ang pagsakal ng mga salitang iyon sa aking leeg habang sinasabi.
Ni minsan, kahit ako ang mali ay hindi ako nanghingi ng tawad. I hate asking for
forgiveness. Mas mabuti
pang magkalimutan nalang kaysa ang pilitan akong mag-sorry pero dahil may deal
kami, wala akong nagawa
kung hindi ang panindigan iyon. Gano'n ang totoong business man, kailangan may
paninindigan sa mga salita.
"That's not how you ask for forgiveness, Asher."
Choosy ang babaeng ito.
"I just said sorry. Iyon lang naman ang deal 'di ba? Wala namang sinabing with
feelings."
Hindi ko pinakinggan ang mga litanya niya pero tumiklop ako nang marinig ang huling
parte nang kanyang
deal.
"Luhod." matigas at malamig niyang utos sa akin na ikinagulat rin nang lahat pero
gaya nang napag-usapan,
wala akong karapatang tumanggi kaya kahit labag sa loob ko ay ginawa ko.
"Do you want me to beg for your forgiveness now?" naiinip at gigil kong tanong
habang nakaluhod na.
Naghalukipkip siya at pinagmasdan ako. Parang gustong sumabog ng utak ko dahil sa
kanya. I can't believe
that I'm doing this because of a stupid car race na pinili ko namang magpatalo.
Walang sense at point. Ako
ang nagbigay kung alam niya lang.
"What language and emotion do you prefer Karsyn para matapos na 'to?" sarkastiko
kong tanong na nababagot
na sa kabaliwan niya.
Handa naman sana akong manghingi ng tawad sa paraang gusto niya para matapos na rin
ang lahat pero
natigagal ako sa sunod na narinig.
"Fix my shoelace." she demanded.
Napaawang ang bibig ko pero hindi na nagawang magsalita. Inayos ko nalang ang
sintas ng kanyang sapatos
nang igalaw niya 'yon sa harapan ko.
"Thanks," aniya nang matapos ako. Kunot noo ko siyang tinignan, nalilito pa rin.
"About that, huwag mo ng
alalahanin Asher dahil kahit na hindi ka na humingi ng tawad ay pinapatawad na
kita. Not because you
deserve it but because that's what God requires. At kung akala mo kasing sama mo
ako, nagkakamali ka.
Hindi lahat ng bagay na ginagawa ko ay tungkol sa'yo dahil malinaw naman na
nagkamali ako sa
pagkakakilala sa lalaking sumagip sa akin. Mali ang lahat pero huwag kang mag-
alala, I will still delete the
video. Thank you nalang ulit sa pagligtas mo sa akin noon." napalunok ako sa haba
nang litanya niya bago
umatras pero hindi pa pala tapos.
P 57-14
"And... You should also thank yourself for saving me because if you didn't, you'll
never experience how to be
this low dahil masyado kang matigas at mataas Asher Miguel. Sana minsan matutunan
mo ring
magpakumbaba dahil maiksi lang ang buhay... At hindi magandang mamatay kang
arogante."
I should be mad about her assumptions of me pero wala akong nagawa kung hindi ang
dahan dahang umahon
at panuorin siyang lumapit sa mga kaibigan ko. Tinapik ako ni Jacob na nakangiti at
naiiling nalang sa
nangyari.
"When karma hits you hard, huh?"
"Piss off." inalis ko ang kamay niya sa katawan ko at muling nagsindi ng panibagong
yosi.
Inalok ko siya pero gaya nang mabait at walang bisyo, muli niya akong tinanggihan.
Nagpaiwan kami ni Ivan
at tinapos ang ilan pang yosi. I'm glad na mukhang sa lahat ay may kakampi pa rin
ako kahit paano.
"I like her." komento niya habang sinasabayan ako sa paninigarilyo.
"Eh 'di ligawan mo." pabalang kong sagot na nagpatawa sa kanya kahit hindi naman
ako nagjo-joke.
"Bagay nga kayong dalawa. Yin and Yang na kapag ipinagdikit, magiging balanse ang
lahat."
I chuckled at that.
"At kailan mo pa natutunan ang salitang yin at yang? Hindi ka naman si Naruto."
Inilingan niya lang ako.
"Admit it. Totoo ang mga sinabi ni Karsyn at iyon rin ang nakita ko sa'yo nitong
mga nakaraan. You were so
hard on that girl na wala naman akong nakikitang mali sa ginawa niya. You guys have
chemistry kaya 'yon rin
ang kinagat ng mga tao. I'm sorry but I believe her kaya sa ngayon, pag-isipan mo
lahat ng ugaling ipinapakita
mo sa kanya. She's too innocent and you don't want to hurt that kind of girl."
Inalis ko ang tingin sa kanya at inubos na ang sigarilyong hawak.
"Think about it, Asher."
Muli, nanahimik nalang ako hanggang sa makabalik kami sa resort.
Akala ko si Ivan lang ang may opinyon ngunit nang gabing iyon, nang malaman naming
totoo pala talaga ang
lahat nang panloloko sa akin ni Megan dahil sa ginawa nilang imbestigasyon na hindi
ko naman hiniling ay
para akong natauhan.
"Hindi mo kailangang magalit kay Karsyn dahil totoong nagloko naman pala talaga si
Megan." ani Eros
habang nasa hapag kami.
"I knew it." si Gerald.
"Karsyn is a blessing in disguise, Bro," singit naman ni Jacob. "Hindi mo
kailangang magalit sa kanya at
dapat mag-sorry ka sa lahat ng nagawa mo. I get that you're upset because she
ruined your privacy but she

P 57-15
doesn't deserve your anger. Dapat ay kay Megan ka magalit at hindi sa kanya. Dahil
kay Karsyn, hindi mo na
kailangan pang habulin ang babaeng 'yon."
I take Jacob's words seriously. Sa lahat kasi, sa palagay ko ay ang sa kanya ang
palaging malalim at may mas
sense.
Buong gabi kong pinagnilayan ang lahat ng mga opinyon nila. Doon ko na rin
napagpasyahang putulin ang
lahat ng ugnayang mayroon kami ni Megan. Hindi ko na rin kailangan nang paliwanag
niya dahil sapat na ang
mga litrato nilang naghahalikan para sabihing tapos na ang lahat ng pinagsamahan
namin.
I found myself following my friends advice. Hindi na ako nagdalawang-isip na
hanapin si Karsyn para
humingi nang tawad. The girl in the reception gave me her room number pero halos
isang oras na akong
nakatayo rito ay hindi ko pa rin magawang katukin siya.
I don't know what to say to her. Magso-sorry na ba ako agad? Pero baka magduda siya
sa intensiyon ko kahit
na gusto ko talagang maging malinis sa kanya dahil nagkamali ako at nagpadala sa
galit.
Pakiramdam ko'y may bumagsak na mabigat sa aking puso nang bumukas ang pintuan
kasabay nang paglabas
ng isang babaeng may hawak na camerang gaya ko ay natigil rin sa ginagawa.
"A-Asher?" natataranta niyang itinago ang hawak na camera pero tumagal pa iyon ng
ilang segundong
nakatutok sa akin.
"W-What are you doing here?"
Maraming mga salitang tumatakbo sa utak ko pero dalawang salita lang ang naunang
lumabas doon.
"I'm sorry..." I said softly.
Nang makabawi ako at maisip ko kung gaano ako kasama sa kanya ay saka lang ako
nagpatuloy.
"I'm sorry for being stupid, Karsyn. You're right, life is too short to be arrogant
but I'm not that bad..."
huminto ako sa pagsasalita para humakbang palapit sa kanya.
"I know you're confused but I'm confused as hell too. Because first of all, I hate
apologizing to people and
second of all," sinulyapan ko ang pintuang nasa likuran niya. "Sobrang awkward
nito. Ni minsan hindi ko
nagawang tumayo sa tapat ng kwarto ng isang babae ng halos isang oras habang pinag-
iisipan kung itutuloy pa
ba ang gagawing paghingi ng tawad. I'm creepy and confused as fuck, Karsyn."
Nakita ko ang kalituhan sa kanyang mukha kahit na kabado pa rin at tila hindi ako
maintindihan.
"I-I already forgave you, Asher. Totoong pinatawad na kita kanina." sagot niya pero
hindi doon natapos ang
paghingi ko nang tawad.
Tama ang unang assumption ko sa kanya noong unang beses kaming magkita. She's as
innocent an angel.
Though hindi ako naniniwala sa mga anghel, ang depinisyon ng mga iyon ang ngayo'y
tingin ko kay Karsyn.
She's too innocent to get angry at kaya simula ngayon, hindi na ako magagalit sa
kanya. I will redeem myself
to her. Papatunayan kong sinsero ako at totoong gusto kong maging maayos kami dahil
iyon ang totoo.

P 57-16
"Let me make it up to you." I said almost pleading dahil ngayon ay determinado na
akong makabawi at
maipakilala ang totoong Asher Miguel sa kanya... And maybe, her Mr.Right.
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
huhu bat never namention sina eros at asher sa story nina jas at trys ?? Hahaha

P 57-17
AMVT - SECOND
6.4K 433 27
by CengCrdva

Asher Miguel Vergara Tan - Second


It's Now Or Never
Marami akong nalaman at natutunan sa unang gabing pormal naming pag-uusap na wala
akong galit o
negatibong nararamdaman para sa kanya. Kung noon ay nawi-weirduhan ako sa bansag ng
mga tao sa aking
Mr. Right, ngayon naman ay para akong baliw na kuryosong malaman kung bakit 'yon.
I didn't realize that I'm enjoying her company. Kahit na natatangahan akong
naniniwala siya sa maraming
bagay, nagawa kong makinig at huwag siyang kontrahin. Marami mang taliwas sa
paniniwala ko ay nagawa
kong intindihin ang lahat sa kanya. Nagawa kong mas purihin siya gaya noong una ko
siyang nakita.
Habang nagsasalita ang mga inosenteng labing iyon ay umuulit sa utak ko ang unang
beses na nasilayan ko ang
mga 'yon. Kung gaano ako namangha at nabighani sa kanya. Sa tuwing sumasagi sa utak
ko ang mga ngiti niya
bago ang aksidente ay parang may kung anong baliw sa loob ng dibdib kong nagpipigil
sa aking makahinga...
At hanggang ngayon... Parang gano'n pa rin... Kung nagbago man ang tingin ko, mas
lalo lang sumidhi ang
lahat kumpara noong una.
She's so damn beautiful. Ibang iba sa lahat ng ganda ng mga babaeng nakasalamuha ko
noon. I feel like I've
been looking for this kind of beauty in the wrong place at nakita ko siya sa hindi
inaasahang pagkakataon.
Serendipity... Though her personality contradicts mine, hindi ko inasahang naging
magaan ang pakikitungo ko
sa kanya... At mas lalong hindi ko inasahan ang tuwa sa puso ko habang
pinagmamasdan ang kagandahang
ibang iba sa lahat na alam kong ngayon palang ay hinding hindi ko na pagsasawaan.
Nang matapos ang gabing 'yon ay hindi ako pinatulog nang konsensiya ko. How did I
slept this past few days
hating that girl? Parang gusto kong pagalitan ang sarili ko. Maybe she's right.
Baka nga naging arogante rin
talaga ako pero ipinapangako kong hinding hindi na 'yon mauulit pa.
"Follow the Moskva and down to Gorky Park. Listening to the wind of change..."
madamdaming kanta naman
ni Lance na ikinatawa ng lahat.
They're teasing me again. Ewan ko na rin sa sarili ko. Simula kagabi, parang may
nagtutulak sa aking maging
kalmado at maging mabait. Gaya nalang ngayon. It's our rule na kapag kami lang ang
magkakasama, hindi
kami pwedeng mag-imbita nang kung sino lang lalo na kung babaeng wala namang
koneksiyon sa amin but I
found myself being okay with Karsyn joining us.
"Natauhan ka ba sa pagluhod mo kahapon o sa pagkatalo?" sarkastikong tanong ni Igo
na inilinga ko lang at
hindi na pinatulan.
Kung sa ibang pagkakataon, baka nasakal ko siya at naitakwil but not now. Lalo na't
narito si Karsyn sa
iisang lamesa pero ang lahat nang pagpipigil kong pumatol ay mabilis na naputol
nang magmurahan sa
P 58-1
harapan nito si Ivan at Amos. Oo ng at sanay na kami sa ganitong usapan at minsa'y
pikunan pero hindi ko
napigilang mairita habang nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagkailang ni
Karsyn sa pag-aaway
nang dalawa.
"T-That's not nice." nahihiya ngunit desidido niyang pagpuputol sa mga ito.
Tahimik kong kinuha ang kape sa harapan ko bago ibaling ang atensiyon sa kanya.
Nagpipigil lang ako pero
kung ako lang ay baka kanina pa ako may nasaktan.
"I-I mean," I saw her swallowed the bile in her throat.
Halatang kabado pero hindi na nagpatumpik-tumpik pa at buong tapang na kaming
tinitigan bago magsalitang
muli.
" E-Ephesians 4:29, Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such
as is good for building
up, as fits the occasion, that it may give grace to those who hear... H-Hindi ba
mas magandang makarinig
ng maayos na usapan kaysa sa ganyang nagmumurahan kayo? I-I'm sorry but it's really
not nice to hear bad
words early in the morning..." aniyang dahilan nang muling pagsimsim ko sa hawak na
mainit na kape.
Nagsitanguan ang lahat habang namamangha sa mga sinabi niya. Natigil naman si Ivan
at Amos lalo na't
itinaas pa ni Eros ang kanyang hintuturo sa ere para isenyas sa dalawa ang may
kahulugang, "Lagot kayo."
Hindi ko na rin natiis na ilabas ang pagkairita ko lalo na nang makitang nahiya ito
sa pagpapangaral sa mga
kaibigan kong walang modo.
"You don't have to feel sorry for lecturing them. They're both ass..." ibinitin ko
ang sasabihin na murang iyon
at hindi nalang itinuloy ang salita. Naka-tangis ang panga kong tinitigan ang
dalawang nagsasagutan kanina.
"Act your age, both of you. May kasama kayong babae and you should always think
twice before saying
something that describes your filthy personality. Hindi na kayo mga bata."
Hindi ko na tinapos ang pagkain ko. Tumayo na ako at iniwan sila dahil kung hindi
ako iiwas ay baka
sumabog ako. I texted Eros after the incident at siya ang nagsabing naging maayos
naman daw ang pagtatapos
ng usapan at kainan nang lahat.
Sa mga sumunod na araw ay doon ko napatunayan kung gaano kaganda ang loob at
hangarin ni Karsyn. Na
totoong simula't sapul ay hindi niya gustong sumikat at sundan ako para lang sundin
ang mga udyok nang tao
para sa aming dalawa. I've witnessed how pure her heart is. Na hindi lang sa
panlabas na anyo siya inosente
kung hindi pati sa panloob.
Hindi nagtagal ay palagi na namin siyang nakakasama. Kung noon ay ginagawa nila ang
lahat para ibugaw
ako, ngayon naman ay talagang gusto lang nilang makasama si Karsyn kahit na walang
paalam sa akin. They
really like her. I don't know. Kung si Gerald pa nga ang magdi-describe, ang aura
raw nito ang kanilang
naming lahat para maging mabait kami.
It wasn't that long when I found myself binging on her vlogs. Ang iba ay sini-save
ko na sa aking telepono
para kapag hindi ako abala ay may panunuorin ako. Masyado akong nalulula sa dami ng
mga taong
sumusuporta sa kanya at pati na rin sa akin kahit na hindi naman gano'n ang
relasyon namin. Though I'm
honestly smitten with her at kung minsan ay hindi ko na rin mapigilan ang sarili
kong magparamdam nang

P 58-2
paghanga ay hindi ko naman pina-planong gawin ang mga gusto nang lahat ng mga tao
para sa amin. I have my
own decisions at kung doon papunta ang lahat ng paghanga at nararamdaman ko sa
kanya, then so be it. Ayaw
kong magmadali at ayaw ko rin naman siyang madaliin. Sa ngayon ay masaya ako.
Masayang masayang
nakikita siyang masaya sa ginagawa.
Kung gaano kabilis ang paglipas ng mga araw ay gano'n rin kabilis ang pagbuo at
pagtagpi-tagpi ng
nararamdaman ko para sa kanya. My heart would skip a beat whenever I see her. Para
akong baliw na
kinakabahan ngunit abot langit ang tuwa sa tuwing nakikita siya. It's not just a
simple attraction. Mabilis at
walang preno ang nararamdaman kong pagkagusto sa kanya kaya gano'n nalang ang
pagkalugmok ko nang
isang araw ay kinailangan na nitong umusad para sa panibagong misyong hindi ako
kasali.
"Aalis ka na talaga?" pinigilan kong magmukhang sobrang lungkot nang boses ko sa
tanong na 'yon.
Pakiramdam ko'y may sumasapak sa dibdib ko sa isiping bukas, sa muling pagdilat ng
mga ko ay hindi ko na
ulit makikita ang babaeng mabilis na pinapakialaman ang puso't-isip ko.
"Oo."
Pasimple kong nilunok ang lahat ng emosyong gustong lumabas pero sa huli ay nagawa
ko na ring bitiwan ang
lahat... Siya... Kahit para akong sinasaksak nang paulit-ulit.
"Well then... See you around, Karsyn," sabi ko nalang bago tipid na ngumiti.
Ngumiti rin siya at tumango pero humigpit ang kapit ko sa pinto ng kanyang sasakyan
nang subukan niya iyong
isara. Damn it, why can't I just let go?
Nang bumaba ang tingin niya sa aking kamay ay doon lang ako nahimasmasan.
Napabuntong hinga ako at
pinilit na kalmahin ang sarili gamit ang pagdiin sa mga labi.
"Mag-iingat ka." rinig ko ang pagwawala nang mga boses sa aking utak habang
lumalayo sa pinto.
Isang ngiti nalang ang iniwan niya at doon... Habang lumalayo ang sasakyang iyon ay
parang kasabay na rin
nitong binaon ang kaluluwa ko't puso. Ilang mahihinang mura ang pinakawalan ko,
sapat para gisingin ang
sarili sa pagkalugmok at sapat para ako lang ang tanging makarinig.
Simula nang araw na 'yon ay hindi na ako napakali. Iniiwasan ko lang sabihin ang
totoong pangungulila ko
kay Karsyn dahil simula no'n ay panay na rin ang tukso nila sa akin lalo na sa
tuwing nahuhuli nila akong
tulala.
"Hindi lang pala si Senyorito ang tinamaan ng malupit eh! Ito rin palang si Mr.
Right." natatawang kantiyaw
ni Igo na hindi ko inintindi dahil ang totoo... Talagang si Karsyn nalang ang
naging laman nang utak ko at siya
ang dahilan nang lahat kung bakit hindi na ako halos makapag-trabaho.
I don't know how fast I've transitioned from being broken to happy. Basta ang alam
ko, gusto ko ang
pakiramdam na masaya. Sa ilang linggo ay hindi ako makapaniwalang nakalimutan ko
ang lahat ng issue
tungkol kay Megan dahil kay Karsyn pero isa lang ang sigurado ko. She's not a
rebound and she will never
be. Maayos man ang naging relasyon namin ni Megan pero ang naramdaman ko rito noon
at ang
nararamdaman ko para kay Karsyn ngayon ay nasa magkabilang dimensiyon.
P 58-3
Kung noon ay gusto ko lang nang makakasama, ngayon ay parang marami na akong
naiisip sa ilang bukas na
darating... Which never happened to me. Ni minsan ay wala akong binalak sa
kinabukasan ko at wala rin
akong plano kung hindi ang sundin ang lahat ng utos ng mga magulang ko pero ngayon,
bukod sa mga
responsibilidad ay may nag-uudyok na sa aking gumising ng maaga at isipin siya.
Isipin ang masaya at mas
maraming bukas na siya ang kasama.
"Dude, hindi na 'yan tinatanong! Tignan mo nga at mukhang gusto na talagang tapusin
lahat ng trabaho ngayon
para lang makawala na't masundan si Karsyn!" ani Lance na nagpahinto sa akin sa mga
itinitipa ko sa aking
laptop.
Pakiramdam ko ay may umilaw na lampara sa utak ko dahil sa mga sinabi niya. Nang
ibaling ko ang tingin sa
kanya ay bahagya siyang natawa.
"I'm in Asher. She's currently in Masbate and I've never been there kaya kung
kailangan mo ng kasama,
pwede ako." boluntaryo nitong pahayag na nagpatuwid sa akin nang upo kasabay nang
paglakad nang tingin sa
ilan pang mga lalaki sa tabi nito.
"Fine. I'm in at ako na rin ang bahala sa private jet." tamad ngunit excited na
ring sabat ni Trystan na
sinabayan na nang pagsang-ayon nang lahat kaya para akong na-recharge at inisang
araw lang ang paggawa ng
lahat ng mga kailangan ni Daddy sa akin.
Malakas ang pagkalampag nang puso ko nang matanaw ang babaeng laman ng isip maging
ng mga panaginip
ko. I can't help but to bit the inside of my cheek just to stop myself from smiling
so much! Fuck... This is so
fucking weird...
Ilang beses akong napalunok nang makapasok na sila kung nasaan kami. Hindi natigil
ang pagbulong ko sa ere
na sana ay titigan niya ako and when she did, wala akong nagawa kung hindi ang
ngumiti nang napakalawak
gaya nang paglawak nang tuwa sa kabuuan ko.
"There they are!" masayang hiyaw ni Lance.
"There she is." Ivan corrected sabay tapik sa akin.
Walang humpay ang pagmumura nang utak ko hanggang sa makalapit ang dalawang babaeng
nalilito't
nagtatanong kung bakit narito kami ngayon. Binigyan ko ang sarili ko ng
pagkakataong kumalma habang
hinahayaan ang mga kaibigan kong batiin si Karsyn at ang kasama nitong napag-alaman
kong pinsan niya.
Nang matapos sila ay tumayo na ako kahit pa pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko
sa loob ng aking
dibdib.
"Hi." I greeted sweetly.
"H-Hi." nahihiya niyang sagot pabalik.
Damn, it... I missed this angel. Hindi ko alam kung paano siya haharapin at
kakausapin nang hindi siya
niyayakap nang mahigpit! Sa ngayon kasi ay iyon nalang ang tanging gusto kong
gawin. Ang yakapin siya at
sabihin kung gaano ako kasayang makita siya ulit.
"We followed you here." ani Igo na pumutol sa lahat nang kabaliwan sa utak ko.

P 58-4
I'm glad he did that dahil baka kung hindi ay nahila ko na si Karsyn at naikulong
sa aking mga bisig!
"Someone wants to see you, KF. Mukhang nami-miss ka ng sobra kaya hindi na
napigilang sundan ka."
makahulugan nitong dagdag.
Nanatiling tikom ang aking bibig kahit pa gustong gusto nang kumawala ng mga
emosyon ko't hilahin nalang
siya palayo sa lahat. Kung pwede nga lang na gumawa nang mundong kami lang ang
naroon, baka noon
palang ay ginawa ko na para walang istorbo sa aming dalawa.
"I-Is that true?" maingat at nahihiya niyang tanong sa akin matapos maudyukan ng
mga kaibigan ko.
Hindi na ako nagsinungaling.
"Sinundan kita..." napaawang ang bibig niya pero bago pa makasagot ay nagsalita na
akong muli. "At totoo
ring na miss kita, Karsyn."
Ang maputi niyang pisngi ay mabilis na namula dahil sa sinabi ko. Doon ako
napangiti. I've made her blush
and I felt like it's an achievement. Ayaw ko mang magmadali sa mga nangyayari pero
pakiramdam ko ay
dapat na akong kumilos. Pakiramdam ko, mamamatay ako kapag hindi siya naging
sa'kin. Hindi ko alam kung
bakit ganito nalang ang nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan.
Iba rin pala talaga ang epekto ng love at first sight. It's so weird that I'm
thinking and considering these things
pero walang ibang eksplanasyon ang lahat ng nangyari sa akin at sa nararamdaman ko
para sa kanya kung
hindi iyon. Iyong unang tingin ko palang sa kanya, pakiramdam ko siya na.
"Do you want to see the sunrise with me?" I asked to cut her off.
It's so out of my comfort zone to be nice with other girls pero madaling nawala ang
pagkulong ko sa sarili ko
dahil kay Karsyn. Dama kong kahit ano ay kaya kong baguhin at putulin para sa
kanya. Gano'n ako kadeterminadong mas mapalapit kami sa isa't-isa.
Lumawak ang ngiti ko nang tumango siya maya maya.
Iyon ang naging plano naming dalawa. Maayos na ang lahat at excited na rin ako sa
gagawin pero dahil
nagkatuwaan at nalasing ang mga kasama ko sa city ay hindi ko nagawang iwan kaagad
ang mga ito. Nawalan
ako nang pag-asa lalo na't pinagbawalan na rin akong umuwi dahil delikado ang daan
pabalik sa resort. Ang
sabi nang bartender na nakausap ko kanina ay marami raw mga rebeldeng nanghaharang
sa daan kaya hindi na
nila ina-advice na bumalik akong madilim pa.
I didn't. Kahit delikado ay pinilit kong pumuslit para lang tuparin ang pangako kay
Karsyn. Mas gugustuhin ko
pang maharang ako nang masasamang tao sa daan kaysa ang paghintayin ito.
I was driving so fast at wala nang pakialam kung magigising ang mahihimbing na
tulog ng mga tao sa bawat
tahanang nadaraanan ko. I'm glad that Jacob is not that drunk at siya rin ang nag-
udyok sa aking gawin kung
ano ang gusto kong gawin kaya nagpapasalamat ako sa kanya.
Tinakbo ko simula pagbaba ng kotse hanggang sa daan patungo sa dalampasigan kung
saan ang usapan namin
ni Karsyn para lang makaabot pero ang lahat ng pagmamadali ko ay kusang bumagal
nang matanaw si Karsyn
na kasalukuyang naghihintay na sa paglabas nang araw. Ilang beses kong sinubukang
tawirin ang espasyong
P 58-5
namamagitan sa amin pero ang mga paa ko ay gusto pa akong bigyan ng pagkakataong
suriin ang kanyang
kabuuan na sa huli'y pinagbigyan ko.
Sa bawat sayaw nang kanyang kulay puting damit at buhok ay kasabay rin ng mas pag-
uumapaw ng paghanga
ko sa kanya.
"Where were you all these time, Karsyn? Bakit ngayon lang kita nakilala?" mahinang
bulong ng utak ko.
Nang makita ko ang paghaplos niya sa kanyang magkabilang braso nang lumakas ang
ihip ng hangin ay doon
na ako tahimik na nakapaglakad palapit sa kanya. Nang makalapit ay marahan kong
inilagay sa kanyang
balikat ang aking coat na tinanggal ko kanina.
"Am I late?" I asked.
Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito at sorpresa dahil ngayon ay nasa harapan niya
ako. Pinigilan kong
matawa ng makita ang hindi mapatid niyang pagkabaliw. Kahit ako, hindi ko rin
akalaing makakaabot pa ako.
"I'm sorry, Karsyn..." I apologized.
Maagap siyang umiling. "K-Kakauwi niyo lang?"
Tumango ako at sinabi ang lahat ng mga nangyari. I'm happy to know that she's happy
to see me. Para akong
uod na nilagyan ng asin dahil sa narinig. Parang ang lahat ng puyat ko sa party at
pagmamaneho nang ilang
oras ay agad na napawi dahil sa mga sinabi niya.
Sabay naming pinanuod ang paglabas nang araw habang magkahawak ang aming kamay.
Paulit-ulit sa utak ko
ang mga katagang, 'I will never trade this moments for anything'...
Siya at ako habang magkahawak ang mga kamay at tahimik na pinapakinggan ang bulong
ng damdamin sa
isa't-isa ay isa mga pangarap kong gawin. It's weird to say it this early but I'm
determined to make her happy.
Hindi dahil gusto ko lang bumawi sa lahat ng pagiging malupit ko sa kanya noon kung
hindi dahil iyon ang
deserve niya. She deserve all the love and happiness in the world.
"I really don't like waking up this early but I'm willing to sacrifice an hour of
sleep just to witness this beauty
with you," hindi siya nakapagsalita lalo na nang pisilin ko ang kanyang palad na
hawak ko sabay ngiti ng
pagkatamis-tamis, "Will you spend more of your sunrise with me, Karsyn?"
Matagal siya bago nakasagot at sa bawat segundong lumipas na nanatili lang siyang
nakatitig sa akin ay
parang pinipiga ang puso ko. I want her to answer me right away because waiting for
her response feels like
killing me.
"O-Okay lang naman... Yes."
Kaya nang marinig ko 'yon ay agad na kumawala ang malalim kong buntong hinga pero
dahil ayaw kong
maging weird sa harapan niya ay mabilis kong inayos muli ang sarili sa kanyang
harapan. Ang kagustuhan
kong yakapin siya ay muli kong pinigilan dahil ayaw kong mabastusan siya sa akin o
ano. Instead of hugging
her, ini-akbay ko nalang ang isa kong kamay sa kanya. Mabuti nalang at hindi naman
siya nagreklamo kaya
doon ay nakuntento na ako.

P 58-6
Kung sabagay, makita ko lang naman siya ay kuntento na ako, ano pa kaya itong hawak
at malapit siya sa
akin? I'm the luckiest.
Tinuruan ko siyang mag-volleyball pero ang akala kong magiging mahirap ay mali ako.
Kahit kasi marunong
akong maglaro ay hindi naman ako sanay nang nagtuturo but she's a fast learner.
Hindi kailangan nang matagal
na ensayo dahil natural siyang magaling.
Ang araw na 'yon ang naging daan para mas makilala ko pa siya. Marami akong nalaman
sa kanya lalong lalo
na sa kanyang pamilya na ikinalungkot ko rin.
Bukod sa pagiging malapit ko kay Karsyn, naging malapit rin ako sa pinsan nitong si
Zydney. Gaya ni KF,
mabait rin ito at hindi mahirap pakisamahan. Siya ang palaging nag-a-update sa akin
kung nasaan na sila ni
Karsyn at siya rin ang nagsabing kailangan niyang umuwi at mag-iisa ito sa ginagawa
nito dahil kailangan
siya ng pamilya niya.
Though gusto kong huwag nang iwan si Karsyn, kinailangan naman naming asikasuhin
ang ilang trabahong
naiwan habang sila ay nagpatuloy ngunit nang malaman kong muli itong mag-iisa ay
hindi na ako
nagpatumpik-tumpik pang sundan ito. I'm happy that my friends were so supportive of
me. Maging sila ay
naging fan na namin ni Karsyn at ayaw na kaming makitang magkahiwalay.
Ako:
Are you still awake?
Chat ko habang nasa labas ng hotel na kanyang tinutuluyan. Zydney told me that
she's now in Manila at hindi
ito tumitigil sa pagti-text hangga't hindi nasisigurong sinundan ko nga ang kanyang
pinsan.
Miss Right:
Yes. Maaga pa.
Ako:
Good. Kumain ka na?
I asked.
Kahit hindi ko pa siya nakikita ay napupuno nang muli ng excitement ang puso ko.
Hindi ko man alam kung
anong magiging reaksiyon nila Mommy sa gagawin ko pero ito ang gusto ko at wala rin
naman silang
magagawa.
Noong gabing sinabi ni Zydney na kailangan ng pinsan niya ng kasama ay nangako
kaagad ako sa kanya.
Walang dalawang pag-iisip kong sinabing ako ang sasama sa pinsan niya at hindi na
niya kailangang magalala dahil walang mangyayaring masama rito.
Miss Right:
Not yet.

P 58-7
Ako:
Do you want to eat?
Miss Right:
Bukas na siguro. Ikaw? Kumain ka na?'
Ako:
Not yet. Matutulog ka na ba?
Miss Right:
Kapag inantok. Why?
Ako:
Nothing. Just hoping that you'll meet me outside?
Miss Right:
What?
Ako:
We're waiting for you at the restaurant across the hotel. Come meet us.
I chuckled when I almost heard her voice with that chat. Alam kong muli siyang
maso-sorpresa at iyon naman
ang goal ko bukod sa alagaan, protektahan at samahan siya sa lahat. I can't contain
the happiness in me when I
saw her again pero mas lalong napuno ng katuwaan ang laman ng dibdib ko nang
makitang masaya rin siyang
makita akong muli.
The guys were happy to see her too. Medyo nilaglag na naman ako pero ayos lang.
Wala na akong gusto pang
itago sa kanya dahil totoo namang gusto ko siya at hindi ako komportableng wala
siya sa paningin ko.
We accompanied her. Kung lubos ang paghanga ko sa kanya dahil sa kabutihan niya at
kagandahan, mas lalo
iyong napunta sa sukdulan nang mapanuod ko ng personal kung gaano siya ka-dedicated
na tumulong sa mga
taong nangangailangan. Na kahit alam kong napapagod na rin siya sa ilang araw
naming paglilibot ay hindi
niya ininda dahil aniya'y mas masaya siyang nakakatulong at nakakapag-pasaya.
Pakiramdam ko ay mas lalong nahulog ang loob ko sa kanya at ayaw kong huminto o
maski prumeno man
lang. I've fully accepted that I already fallen for her at patuloy na nahuhulog sa
bawat segundong lumilipas.
Na kahit ang pagiging masama nang bunganga at lahat ng bisyo ay nagawa kong iwasan
para lang maging
komportable siyang kasama ako. Damn, I am willing to give up everything just for
her to be mine... Kahit ano
at kahit gaano kahirap ay gagawin ko para lang sa kanya.
"I don't wanna get drunk." I said when one night over a bonfire.

P 58-8
Naliligo ang mga kaibigan namin sa dagat samantalang ako ay bumalik naman para
makasama siya.
"Bakit naman? Hindi naman malayo ang uuwian natin?" nilingon niya ang daan pabalik
sa resort.
"I just don't want to get drunk. Baka hindi ka maniwala."
Naibaba niya ang hawak na orange juice. Pumirmi ang mga mata ko sa kanyang mga
matang kumikislap dahil
sa apoy na nagsisilbing liwanag sa paligid namin.
"S-Saan?"
I pursed my lips and look at her with so much adoration. Dama ko ang kaba niya
ngunit mas dama ko ang
sa'kin pero hindi ko naisip na huminto. Wala nang magpapahinto sa akin sa pag-amin
nang kung ano talaga
ang nararamdaman para sa kanya.
"I want to be sober when I say this to you..." maingat kong sambit,
pinapakiramdaman ang sarili pati na rin
siya. "I like you, Karsyn... I like you so much that these simple words aren't
enough to describe what I feel
for you. I want to cuss, I want to shout... baby, I want you..."
"Asher... I-I... Don't know what to say..."
Ngumiti ako at pagkatapos ay muling pinisil ang kamay niya.
"Then don't say anything," muli, gaya ng mga ginagawa ko nitong nakaraan ay
ipinagsalikop ko ng mas
maayos ang aming mga kamay. "I just want you to know what I feel. Wala akong
hinihinging sagot, kuntento
na akong makasama ka... You don't have any idea how empty I am when I'm not with
you. I don't know...
Hindi ko na rin alam. This is the first time it happened to me. Too bad, I didn't
have a camera to record it."
tuloy-tuloy kong pag-amin.
Kahit na wala siyang naging sagot, nakuntento ako dahil kahit na may nag-uudyok sa
aking madaliin ang lahat
ay gusto ko pa rin siyang bigyan ng sapat na oras. Gusto kong pag-isipan niya ng
mabuti dahil kapag ako na
ang napili niya, hindi na siya kailanman makakawala pa. I will be with her until
the end of time and after... If
that's possible.
"Man! Are you sure?" malawak ang pagkakangiting tanong ni Lance nang makapag-usap
usap kaming lahat.
"Liligawan mo na talaga?" si Zake.
"Tinamaan ng mas malupit!" hiyaw naman ni Eros pero sinagot ko sila gamit ang isang
tango.
I'm glad that they're so happy for me kahit na wala pang kasiguruhan ang lahat kay
Karsyn. Kahit kasi ramdam
kong masaya rin siya sa akin ay marami pa siyang gustong gawin sa buhay.
Naiintindihan ko at handa akong
maghintay sa kanya dahil magiging worth it ang lahat kapag napa-oo ko na siya.
Ni minsan ay wala pa akong bagay na hindi nakuha nang mabilisan pero pagdating kay
Karsyn, gusto kong
dahan dahanin at siguraduhin ang lahat. Mas maganda rin naman ang pinaghihirapan
lalo na kung si Karsyn
ang dahilan because she's always worth the wait.
"Pwede ba akong manligaw?" malakas kong sigaw habang nasa itaas ng cliff.
P 58-9
"Say yes or I'll jump here!" dagdag ko.
Alam kong kakabahan si Karsyn sa gagawin ko pero wala na akong maisip na iba pang
paraan. I feel like it's
now or never.
"Asher, no!"
"No?!" parang choir na sabay sabay na bulalas ng mga lalaking katabi niya na
umalingawngaw pa sa
kapaligiran!
Napalunok ako at napakapit sa sanga nang kahoy na nasa aking gilid. Did she just
said no?
"No?!" sigaw ko na ambang tatalon na dahil sa pagkabigo pero ang lahat ng
pagkabasag ng puso ko ay muling
nabuo nang magsalita siya ulit.
"No! Yes! I mean yes! Sige na, just please don't kill yourself!" nanginginig ang
boses niyang sigaw pabalik.
I'm so stupid for making her nervous pero ito nalang ang naiisip kong paraan.
"Yes?!" muli ay nababaliw na ring tanong nang lahat sa kanya maging ang tour guide
namin.
Natahimik si Karsyn habang pinapasadahan ng tingin ang lahat.
"I didn't hear it, Karsyn! Yes or no?!" I shouted.
"Yes, Asher! Yes!"
Muling kumawala sa aking bibig ang isang malalim na buntong hinga pero bago pa ako
mag-back out sa
pagtalon ay umatras na ako't walang ano ano'y bumwelo para tumalon sa ibaba ng
falls.
"Asher!"
Rinig kong sigaw niya habang pabulusok ako sa ibaba ng falls pero wala akong
naramdaman kung hindi ang
nag-uumapaw na kasiyahan. Sa sobrang saya ko ay kinailangan ko talagang tumalon
doon para
mahimasmasan!
She said yes! Hindi pa man lubusang kami pero iyon na ang simula! Alam kong iyon
na!
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
P 58-10
Jusko Asher!!! Nahimasmasan ka naman ba? ?? This Story made me realize a lot of
things.. Thank you author ???? waiting for the update ????

P 58-11
AMVT THIRD
6.1K 437 26
by CengCrdva

Asher Miguel Vergara Tan - Third


The Bachelor's Vices
"Asher!" masaya kong hinuli ang kanyang katawan nang maabutan ko.
Lumakas ang hiyawan nang mga batang nakapaligid sa aming dalawa ni Karsyn dahil sa
sabi nilang kasweetan naming dalawa. Ang iba ay pumapalakpak pa!
"Got you..." mahina kong bulong nang tuluyang mayakap ang kanyang katawan at
mailapit sa akin.
Hindi natigil ang mahihinang hagikhik ni Karsyn habang sumusuko sa yakap ko. Nang
iikot ko siya paharap
sa'kin ay muling naghiyawan ang mga bata sa orphanage dahilan nang pamumula ng
kanyang magkabilang
pisngi.
"I will always have you..." sambit kong nagpayuko sa kanya pero hindi ko hinayaang
makawala siya sa mga
mata ko.
Marahan kong inilapat ang aking kamay sa kanyang baba para iangat ang kanyang baba
para maibalik ang titig
sa akin.
"Baby..." malambing kong dagdag kaya nahihiya na niyang nakagat ang kanyang pang-
ibabang labi.
"Hawak mo na ako." mahina niyang sagot.
Tumawa ako at hinigpitan ang yakap sa kanya.
"At ayaw na kitang pakawalan."
"Paano tayo maglalaro kung hindi mo ako bibitiwan?" inosente niyang tanong.
"Then hindi na tayo maglalaro. Karsyn, hindi kita paglalaruan." seryoso kong sabi.
Hindi ko inasahang ilalagay niya ang mga kamay sa kanyang mukha para takpan 'yon.
She's blushing so much!
"Uy! Kuya Asher at Ate Karsyn! Bagay na bagay po kayo!" anang isang bata.
"Kinikilig na po si Ate laro na po tayo!"
Napahalakhak na ako nang ibaon ni Karsyn ang namumulang mukhang tinatakpan sa aking
dibdib.
We're playing games with the kids. Ito na ang naging buhay naming dalawa simula
nang magpasya akong
P 59-1
samahan siya sa kanyang paglalakbay. Kahit na nakakapagod ang ginagawa naming pag-
sadya sa mga
malalayong lugar para lang makapagbigay ng tulong ay hindi ko nagawang magreklamo.
Kung masaya si
Karsyn na nakakatulong, mas masaya naman akong nakikita siyang masaya. Ang lahat
nang pagod ko ay
nawawala sa bawat ngiti niya at kahit kailan ay hindi ko magagawang huminto.
Ako ang naging cameraman, chaperone at driver niya. Handa akong magpaalila para sa
mga kasiyahan niya at
hinding hindi ako kailanman magrereklamo.
Hindi ko inasahang mas iingay ang pangalan naming dalawa sa social media. Hindi ko
na nga rin alam kung
bakit ang dami nilang sumusuporta sa amin at tinatawag kaming perfect couple gayong
wala pa namang
opisyal na label ang relasyon namin bukod sa pagiging magkaibigan.
Nilingon ko si Karsyn na ngayon ay karga ang isang batang bagong dating sa bahay
ampunang aming
pinuntahan. She's so good with kids and even older people. Mayroon siyang charm na
magaan at kahit kailan
ay hindi mo matatanggihan kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit hanggang
ngayon ay patuloy akong
nahuhulog sa kanya... That's my dream girl right there...
"Yes, Mr. Right?" natatawa niyang tanong nang mapansin akong nakatitig lang sa
kanya habang nilalaro ang
baby.
"Nothing."
"Eh, bakit po titig na titig ka?" kinuha niya ang kamay ng baby ay ikinaway sa
akin.
Lumawak ang ngiti ko't parang may kung anong humaplos sa aking puso. I don't really
like kids pero habang
pinapanuod ko siyang may kargang bata at nakikipaglaro pa sa iba ay parang gusto ko
nalang ampunin lahat
ng mga bata rito... Pero syempre, kasama si Karsyn.
"Hmm?" tanong niya ulit nang hindi na ako sumagot.
Tumayo ako at lumapit sa kanya sabay lahad ng kamay para kunin ang batang lalaking
karga-karga niya.
"Hi, baby boy..." magiliw kong bati rito.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Karsyn kaya
binalingan ko siya.
"Wala," pinisil ko ang kamay ng bata at pinalipat-lipat ang tingin sa kanilang
dalawa. "Naisip ko lang..."
"Na?" tanong niya nang tumagal ako't tuluyang ibinitin ang sasabihin.
I smiled and held her hand. Marahan kaming naglakad para daluhan ang iba pang
naroon.
"Naisip ko lang na ang sarap mo sigurong uwian..."
Napakurap-kurap siya't nalilitong nahinto sa paglalakad dahil sa sinabi ko kaya
nagsalita ulit ako.
"You're so good with kids and I can see that you'll be a great mother and wife
someday..."
Inayos ko ang kamay ko sa kanyang kamay. Muli, nakita kong namula na naman ang
magandang mukhang iyon.

P 59-2
"I love kids," she answered, nagpatuloy na rin sa paglalakad kahit na ramdam ko pa
rin ang matinding kaba
niya. "Ikaw rin naman, Asher. Magaling ka ring mag-alaga."
"Oo naman... At handa akong alagaan ka habang buhay..."
Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay niya sa kamay ko pero hindi na nagsalita.
Magsasalita pa sana ako
pero nang yumakap sa akin ang batang yakag ko ay hindi ko na nagawa. Nang lingunin
ako ni Karsyn na nasa
gano'ng ayos ay isang matamis na ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi.
"Pagod na 'tong si baby,"
Tumango siya.
"Eh 'yung baby ko? Pagod na ba?"
Maagap siyang umiling.
"Hindi. Ayos lang ako."
"Good." I pulled her closer to us.
Tinanggal niya ang kamay sa aking palad at ikinawit iyon sa braso ko sabay hilig
doon. Tahimik kaming
bumalik sa loob ng orphanage para ilapag ang batang hawak ko sa kwarto nito at
balikan naman ang
nakararami upang makipaglaro pa.
I admire her more and more... Na wala na akong nakikitang iba kung hindi siya at
wala nang iba gusto pang
makita. Marami kaming napagdaanan at habang tumatagal ay mas lalo siyang dinudumog
nang tao kaya mas
lalo akong naging alerto sa tuwing kasama siya. Dumating ang oras na ako ang umayos
ng lahat ng kailangan
niya para sa ilang meet and greet mapagbigyan lang ang mga taong nagmamahal sa
kanya.
We've been so busy that sometimes hindi na kami nakakapag-usap nang tungkol sa amin
pero wala iyong kaso
sa akin. Sabi ko nga, ang kasiyahan niya ang prioridad ko. Hangga't masaya siya ay
hindi ako mapapagod.
Sa kada lugar na aming napupuntahan ay marami akong natutunan sa kanya. Marami
akong nalaman tungkol sa
mga paniniwala niya na minsan ay parang gusto ko na ring maniwala. Gano'n talaga
siguro, lahat ng ginagawa
nang babaeng gusto mo, matatanggap at mauunawaan mo. Bukod sa pagiging perpekto
niya sa paningin ko,
gustong gusto ko rin iyong mga sandaling nakakapag-bahagi siya at nakaka-inspire ng
mga tao gamit ang mga
salita galing sa mga paniniwala niya.
Though I didn't believe in God, I'm ready to listen to what she has to say.
Makikinig ako at magiging bukas
para sa kanya.
"Can you smile a little more?" hiling ko dahil kahit ako ay nakukulangan sa ganda
niya ngayon kahit na naguumapaw na 'yon.
"I can do that." iginiya ko siya sa isang spot kung saan kita ang matatayog na puno
ng niyog at ang kulay asul
na dagat sa hindi kalayuan.
Huminga si Karsyn ng malalim at ngumiti ng pagkatamis-tamis lalo na ng makabilang
akong tatlo.
P 59-3
I snapped a photo pero gaya kanina ay gano'n pa rin ang reaksiyon ko. Parang may
kulang talaga.
"Bukas nalang siguro ulit kung walang maganda." aniyang kukunin na sana ang camera
pero inangat ko 'yon.
Marahan kong hinawakan ang kamay niya. Hindi sumusuko sa huling aktibidad namin
ngayong araw.
"One last time."
May pagdadalawang-isip niya akong tinitigan pero sa huli ay hindi na rin
nagpapigil.
Hindi ko binitiwan ang kamay niya. Inayos niya ang pagkakahawak sa aking habang
nakatingin sa dagat at
hinahayaan siyang kunan ang kamay naming magkahawak.
"Now, I want you to turn around and smile after I count 'till three, ready?"
Tumango ito.
"Okay. One, two, three..." sa pagharap niya ay agad akong nagsalita ulit. "I love
you..."
Nang makita ko ang agarang pagkalat ng kulay sa kanyang mukha kasabay ng nahihiyang
ngiti ay nagsimula na
akong kumuha nang mga litrato. It was perfect. She is perfect.
"Asher!" sinubukan niyang bawiin ang camera ngunit madali ko siyang naikulong sa
aking bisig.
"I got it, Karsyn. We're done, nakuha ko na." bulong ko habang hinahayaan ang
sariling huminga nang
maluwag.
"D-Do you really need to do that?"
"Do what?"
"T-That... That lie..."
My lips curved the sweetest smile as I pulled her closer to me.
"I love you..." pag-uulit ko sa totoong nararamdaman para sa kanya.
It took me awhile bago sabihin 'yon dahil gusto kong masiguro kung iyon nga ang
nararamdaman ko at hindi
lang basta paghanga pero kusa nang lumalabas ang aking mga emosyong nakalaan para
lang sa kanya.
"And that's not a lie. Siguro nga masyadong mabilis pero sigurado ako sa
nararamdaman ko at hindi ako
nagsisinungaling, Karsyn. Hindi ako kailanman magsisinungaling sa'yo... Mahal kita.
Mahal na kita."
madamdamin kong pag-amin pero wala siyang ginawa kung hindi ang mabigla at
mapatitig lang sa aking mga
mata.
"Do I need to say it back?" she asked innocently.
"No," umiling ako. "Gusto kong sasabihin mo lang 'yon sa'kin kapag gano'n na rin
ang nararamdaman mo. I
don't want you to say the words that I wanted to hear because that would be unfair
to the both of us at ayaw

P 59-4
kong maging unfair lalo na sa'yo. For now, just let me love you. Just let me fall
even harder..." marahan kong
sabi.
Hindi na siya nagsalita. Maya maya ay marahan kong ibinaba ang mukha ko para sana
halikan siya pero sa
pagpikit niya ay para akong natauhan at agad na inilihis ang aking direksiyon
patungo sa kanyang noo. This is
not the right time... Not now.
"Baby, you make me fall hard. Ngayon palang ay hulog na hulog na pala ako. Hulog na
hulog na sa'yo,
Karsyn..." maingat kong dagdag na nagpadilat sa kanyang mga matang gusto nang
maluha dahil sa narinig.
Marahan kong inangat ang aking kamay sa kanyang pisngi at dahan dahan iyong
hinaplos. Ngumiti ako.
"Hayaan mo lang akong mahulog sa'yo, baby... Hayaan mo lang ako dahil gagawin ko
ang lahat para sa huli,
saluhin mo ako. I will make you fall in love with me. I promise you that."
Muli siyang napapikit at walang ano ano'y niyakap na ako. Wala sa sariling nakagat
ko ang aking labi nang
maramdaman ang init ng kanyang katawan matapos akong yakapin ng mahigpit. Hindi ako
nagreklamo kahit na
ilang minuto kaming tumagal sa ganoong pwesto. I couldn't even say a word. Damn it,
I would love to spend
the rest of my life hugging her, loving her and giving my all to her...
Kinuha ko ang camera at itinutok sa kanya para kunan siyang nag-i-speech matapos
ang pamimigay namin sa
isang eskwelahan isang hapon. Habang hawak 'yon ay hindi ko mapigilang matulala
rito. She's so natural.
Ang lahat ng mga salitang lumalabas sa kanyang mga labi ay galing mismo sa puso na
talagang pilit na
tumatagos sa lahat ng mga nakakarinig.
"My baby is busy," inikot ko ang camera sa akin at ngumiti nang makatutok na ito sa
mukha ko. "Busy ka
ngayon tapos ako, nandito lang hinihintay kang matapos." ibinalik ko ang tingin kay
Karsyn na patuloy pa ring
nagbibigay ng makabuluhang mensaheng iiiwan sa mga estudyante.
"I admire you so much, Karsyn..." sabi ko sa camera habang nakatulala sa kanya.
"I've never wanted
something or someone in my life like I wanted you. I don't know. Basta ang alam ko
lang gusto kita. Gustong
gusto kita at ikaw lang ang gugustuhin ko," sinulyapan ko ang camera at
nakipagtitigan doon. "I love you and
this heart only beats for you, baby..." inikot ko pabalik sa kanya ang camera na
sakto namang pagtatapos ng
kanyang speech.
Nagpalakpakan ang lahat ngunit sa pagtatapos ng ingay ay muli kong ibinulong sa
aking hawak kung gaano ko
siya kamahal at mamahalin pa habang buhay.
Akala ko wala nang hangganan ang saya sa puso ko at sa aming dalawa. Habang
tumatagal, kahit na hindi
niya pa sabihin ang opisyal niyang sagot ay palagay na akong doon rin kami patungo.
Naging maayos ang
lahat sa amin ngunit ang lahat ng sayang 'yon ay madaling naupos dahil sa pagdating
ni Megan.
"Good evening everyone," nakangisi niyang bati sa lahat.
Mabilis na kumalat sa kabuuan ko ang galit. Nanlamig kaagad ang mga kamay ko lalo
pa't malakas ang loob
nitong magpakita sa akin pagkatapos niya akong gaguhin. I want to protect Karsyn.
Gusto ko siyang itago at
ilayo rito pero huli na ang lahat.

P 59-5
"Relax, Asher Miguel. Hindi naman mahaba ang sasabihin ko," ang lahat ng atensiyon
ay tuluyan nang
napunta sa kanya. Maski bulong ay wala akong narinig.
"Actually, kaya ako narito ay may isa lang naman akong gustong itanong partikular
sa'yo."
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Karsyn. I know Megan will do something to hurt
her at hindi ko
mapipigilan ang babae pero mas nasasaktan akong hindi ko maisasalba si Karsyn sa
pagkakataong ito dahil
ako mismo ang naglagay sa kanya sa sitwasyon.
Unti-unti kong naramdaman ang pagkabasag ng puso ko nang maramdaman ang paggalaw ni
Karsyn sa
kanyang kamay paalis sa akin ngunit hindi ko hinayaang tuluyan siyang makawala.
Kung siguro'y pumapatol lang ako sa babae ay kinaladkad ko na si Megan palayo sa
amin pero bigo ako.
Hindi ko magawang manakit at mas lalong ayaw kong masaktan si Karsyn pero huling
huli na ako upang
protektahan siya.
"Oh, sorry. You're Karsyn, right?" may kasarkastikuhan niyang sabi sa babaeng hawak
ko. "By the way I'm
Megan. Megan Perales Pascual, Asher's long time girlfriend." nakangisi nitong sabi
sabay lapit, hawak sa
kamay ni Karsyn at hawi nito sa akin dahilan para mabitiwan ko siya ng tuluyan.
Matindi ang naging pagtangis ng bagang ko, nagpipigil sa pagsabog sa galit.
"What are you doing here?" matigas at malakas na tanong ko kay Megan.
"Oh, baby! Hindi ba dapat ako ang magtanong sa'yo niyan? Why are you here? At bakit
may kasama kang
iba?"
Pakiramdam ko'y nagkakabuhol-buhol ang katinuan ko't hindi malabong masasaktan
talaga siya pag
nagpatuloy ang kabaliwan niyang ito! Hindi ko siya inintindi pero nang sulyapan ko
si Karsyn ay tuluyan nang
bumagsak ang puso ko lalo na ng makita ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga
mata.
"Karsyn–"
"It's okay, Asher," putol niya sa mga sasabihin ko habang pilit na ngumingiti kahit
pa nanginginig na ang mga
labi.
She's trying to be strong pero masyado siyang mahina sa mga mata ko. Nanghihina
dahil sa mga nagawa ko.
"It's okay." ulit niya sabay atras ulit.
"Karsyn, let me explain–"
"Oh, please, Asher!" punong puno nang kasarkastikuhang sabi ni Megan habang
nakangisi at tinititigan ito
gamit ang mga matang tanging awa at pandidiri lang ang nakapaloob.
"Shut up, Megan!" I spat pero hindi nagpapigil ang huli.
"His plan was successful, tama ako?" matalim niyang inilakad ang kanyang mapanuring
mga mata simula sa
ulo nito hanggang sa paa at pabalik ulit at paulit-ulit.

P 59-6
"Sa hitsura mo, mukhang in love ka na sa boyfriend ko. Hindi na ako nagtataka.
Lahat naman ng babae ay
baliw na baliw sa kanya kaya kung pati ikaw naloko niya, naaawa ako sa'yo."
"Shut up, Megan!" muli kong sigaw dala ang mas pagpupuyos dahil kapag hindi pa siya
tumahimik ay
talagang hindi malabong masasaktan ko na siya!
"He just used you to get revenge Karsyn at naniwala ka naman! You ruined his life!
You made everything in
him public and you know how he hates it! Ikaw ang may kasalanan kaya nasira ang
buhay niya at ito ang ganti
niya!"
"Megan–" sa galit ay hindi ko na napigilang hawakan ito pero hindi rin ito
nagpapigil.
"He makes you fall in love with him just to get even! Ang tanga tanga mo't naniwala
ka!" pinilit niyang
makawala sa akin ngunit hinigit ko siya palayo kay Karsyn.
"Ang tatanga niyong naniwala sa lahat ng paandar ni Mr. Right gayong ang lalaking
gusto niyo para sa
babaeng 'yan ay matagal nang nakatali sa iba!"
Marahas ko siyang hinatak patabi at hinarap si KF.
"Karsyn–" humakbang ako para lapitan siya pero doon na nito nagawang tuluyang
lumayo.
Maagap ang mga paa kong sinundan ito hanggang sa makalayo sa nakararami pero
nakasunod rin sa akin si
Megan.
"Asher, where do you think you're going?!" tanong niya sabay hawak sa kamay ko.
Kahit na madilim sa parteng ito ay malinaw sa akin ang nag-aapoy kong galit para sa
kanya. Mabuti't walang
sumunod sa amin at makakakita kung sakaling hindi ko na mapigilan ang sarili ko at
tuluyan nang magdilim
ang paningin ko sa kanya.
"Far fucking away from you!" galit na galit kong singhal pero gaya nang una, hindi
niya pa rin hinayaang
makawala ako.
"You can't just run away from me!"
"I can and I will, Megan!"
"No! Ako ang girlfriend mo at dito ka sa tabi ko!" giit niya.
Nababaliw akong natawa at pagkatapos ay marahas na hinawi ang nakakadiring kamay
niyang nakahawak sa
akin.
"Anong karapatan mong manggulo, Megan?! Anong karapatan mong pasukin ulit ang buhay
ko ngayong ikaw
'tong nang-iwan at tumapos sa'tin?! Gago ka ba?!"
Ang determinasyon niya ay bahagyang nabawasan dahil talagang sukdulan na ang
pagkamuhing
nararamdaman ko para sa kanya.

P 59-7
"A-Asher–"
"I don't want to hear anything from you, Megan! Simula nang piliin mo 'yung gagong
lalaking 'yon, tinapos mo
na ang lahat sa atin kaya huwag kang umaktong ikaw ang biktima rito!"
Tinalikuran ko na siya at handa nang sundang muli si Karsyn pero hinawakan niya
ulit ako.
"Asher hindi pa tayo tapos–"
Sa huling pagkakataon ay tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso at hindi na
napigilang itulak siya
mailayo lang sa akin. Kung pupwede nga lang na burahin siya sa mundo sa
pagkakataong ito ay ginawa ko na!
"Tapos na tapos na tayo, Megan! Wala ka ng babalikan at huwag na huwag ka ng
manggugulo dahil kahit
anong gawin mo, hinding hindi na ako babalik sa'yo! Mahal ko si Karsyn at siya lang
ang gusto kong
makasama! Hindi ikaw at hindi magiging ikaw kahit kailan! Pinagsisisihan kong
nakilala kita Megan! Umalis
ka na at huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin o kay Karsyn kahit kailan! You're
fucking dead to me!"
mabigat at malinaw kong pagtatapos.
Kahit na nakita ko ang pagluha niya ay hindi ako nagsisi at hindi rin nagdalawang
isip na iwan siya para
sundan si Karsyn. Tinakbo ko ang daan patungo sa parking lot. Mabuti nalang at
malalaki ang hakbang ko
kaya kahit paano ay nahabol ko pa siya pero huli na.
"Karsyn, open the door! Let me explain everything, please?!"
Pakiramdam ko'y hinati sa dalawa ang puso ko't tinapak-tapakan ng makita ang
pagyuko niya sa manibela
para doon iiyak ang lahat. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock na iyon.
"Karsyn, please? Listen to me..."
Malungkot siyang umiling sabay bigay ng buhay sa makina.
"No! No! Karsyn!"
Lumakas ang pagsapak ko sa bintana para lang awatin siya sa pag-alis pero hindi
siya nagpapigil. Naninikip
ang dibdib ko habang tumatakbo para habulin siya pero matulin ang kanyang
pagmamaneho.
Sa sobrang bilis ay wala akong nagawa kung hindi ang huminto, mapamura at sisihin
ang sarili sa lahat ng
mga nangyari. I called my friends at lahat ng tao sa resort para makahiram ako ng
sasakyan at masundan siya
pero tumagal iyon ng halos isang oras bago ako napagbigyan.
Binaybay ko ang madilim na daan para lang sundan si Karsyn pero ilang oras na ay
wala akong nakita. Hindi
ko alam kung saan siya pumunta at nasaan siya. I was cursing the whole time. Hindi
ko mapapatawad ang
sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. I will blame myself over and over
again hanggang sa
mamatay ako.
"Come on..." umaasa kong sambit habang tinatawagan siya pero hindi ito sumagot.
Wala ako sa huwisyo nang gabing iyon. Pagod man pero hindi ako tumigil sa
paghahanap sa kanya. Nagpasya
lang akong bumalik sa resort ng lumiwanag na ang kapaligiran pero kahit na gano'n
ay hindi rin ako
P 59-8
nakatulog.
Tulala akong naghihintay ng tawag o kahit na anong text niya. Ang mga kaibigan ko
ay walang humpay ang
pagtawag sa akin para lang alamin ang sitwasyon pero wala akong maibigay. I'm so
stupid for not telling her
about Megan. Para sa akin ay wala na iyon at hindi na kailanman madudugtungan pero
sana nasabi ko. It's my
fault. Kasalanan ko ang lahat kung bakit siya nasasaktan ngayon at umiiyak.
Fuck... Baby, where are you? Pagod kong tinitigan ang aking telepono, umaasang
tutunog iyon dahil sa text
niya pero sumakit nalang ang ulo ko ay wala pa ring paramdam si Karsyn maski isa.
I didn't lie, Karsyn... Mahal kita at ikaw lang ang gusto ko pero patawarin mo ako
kung nasaktan kita.
I'm sorry for not telling you everything... I'm so sorry.
Hindi ko namalayang nakaidlip na ako pero muling nabuhay ang diwa ko dahil sa sunod
sunod na texts na
dumating. Nagmamadali ko iyong binuksan, umaasa na si Karsyn iyon pero mali ako.
Zydney:
Who the heck are you para lokohin ang pinsan ko?! Walang hiya ka Asher! Hinding
hindi kita mapapatawad
kapag may nangyaring masama kay Karsyn!
I groaned at that. Mabilis rin ang pagkalat nang galit ng lahat sa akin sa social
media. Hindi nagkandaugaga si
Amos sa pagsi-send ng mga link na kuha ng mga dumalo kagabi na kasalukuyang nagti-
trending na.
Hindi ko iyon inintindi. Ang gusto ko lang ay mahanap si KF at makapagpaliwag pero
bago ko pa magawa ay
nakaharap ko na si Zydney kasama ang ilang tauhan nang resort para samahan ito.
Napaatras ako nang dire-diretso itong pumasok sa loob ng kwarto na kahit gusto
akong saktan ay minabuting
gawin nalang ang pakay.
"Ito lang ba lahat ng gamit niya?"
"Oo," sinundan ko siya. "Where is she?"
Hindi siya sumagot. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata na parang nahawa
ang langit kaya pati iyon
ay umiiyak na rin.
"Zyd–"
"Stop, Asher! Simula ngayon, kalimutan mo nang magkakilala tayo!"
"Zydney, it's not what you think–"
"Oh really?!" sarkastiko siyang tumawa at hinarap ako. "Asher, wala ka nang
karapatang makita si Karsyn
kaya huwag na huwag mo na siyang guguluhin kahit kailan," binalingan niya ang
dalawang lalaking may bitbit
nang lahat ng gamit ni Karsyn at sinenyasan ang mga ito.
"Tara na."

P 59-9
"Zyd..." hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan siya para magmakaawa pero
hindi natinag ang galit
nito para sa akin.
"Don't touch me, Asher! Wala ka nang maloloko." aniya sabay talikod sa akin.
Nagmadali akong sundan siya maging ang kanyang sinasakyan pero umabot na nang isang
oras ay
nagpapaikot-ikot lang ito sa iisang lugar, sinusubukan sigurong iligaw ako kaya
hinayaan ko siya. Binigyan ko
siya nang sapat na distansiya nang sa gano'n ay akalain niyang wala na ako bago
siya sundan.
Kahit mabigat ang laman ng dibdib ko ay hindi ako naduwag na pasukin ang resort
kung saan pumasok ang
sinasakyan ni Zyd. I know that Karsyn is in there at kung ipagtatabuyan man niya
ako, wala na akong
magagawa. Basta ang sa'kin lang, gusto kong magpaliwanag dahil totoo ang lahat ng
ipinakita't ipinaramdam
ko sa kanya. I love her... With all my heart.
Akala ko magiging madali na kapag nakita ko na ulit si Karsyn pero mas lalo palang
mahirap lalo na't
ramdam kong hanggang sa pagkakataong iyon ay nasasaktan ko pa rin siya. Na kahit
gusto kong magpaliwanag
at linisin ang pangalan ko ay hindi pa iyon ang tamang panahon.
"Hindi ako galit sa'yo. Pinipilit kitang intindihin, gusto kitang intindihin dahil
alam mong hindi ko naman
kayang magtanim ng galit sa'yo at kahit kanino pero sana huwag muna... Please?" ang
boses niyang punong
puno nang pagmamakaawa ang nagpaintindi sa akin pero bago pa ako umalis ay iniwan
ko ang mga salitang
totoo sa puso ko.
"I never lied, Karsyn... My feeling for you were genuine at gusto kong malaman mo
'yon. Mahal kita at handa
akong gawin ang lahat para lang mapatunayan 'yon sa'yo." sabi ko bago tuluyang
bitiwan ang lahat... Sa
ngayon... Para sa kanya.
Gano'n ang ginawa ko. Ako ang nag-asikaso ng mga kakailanganin nila paalis ng
Siargao. Hindi ako nag-text
o tumawag man lang dahil gusto kong maging maayos siya. Kahit na hirap na hirap na
akong panuorin siya sa
malayo ay nagtiis ako.
Sa lahat, ang nararamdaman at kapakanan niya lang naman ang gusto kong unahin.
Magtitiis ako dahil
kasalanan ko pero hindi ako titigil hangga't hindi naipapaliwanag ang lahat.
Though hindi kami nag-uusap, masaya akong makita na ipinagtatanggol niya ako sa
lahat ng mga taong
maraming sinasabing masasakit na salita sa akin. Tinanggap ko ang lahat ng mga
salita nila dahil kahit na
hindi totoo, wala naman akong magagawa. People will believe what they want to
believe pero ang pinakamahalaga para sa akin ay maging maayos ulit kami ni Karsyn
at hindi ang mga opinyon nila.
Sa loob ng ilang araw na hindi ako nakakalapit sa kanya, naroon lang ako at
binabantayan siya. Nagmistula
akong long range bodyguard nila nang kanyang pinsan. Gusto ko mang lapitan siya at
putulin nalang ang lahat
ay nagtiis pa rin ako pero hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko. Ang lahat ng
pagtitiis ay hindi ko na
nagawa dahil hindi na ako makatulog nang hindi naiisip ang kalagayan niya. Kung ano
na ba ang
nararamdaman niya. Kung nasasaktan ko pa rin ba siya. I need to do something kung
gano'n dahil totoong
wala akong itinago sa kanya at siya lang ang mahal ko kaya hindi niya 'yon dapat
maramdaman.
I'm glad that when she saw me that day, hindi na siya nagdalawang-isip na kausapin
rin ako.

P 59-10
"I'm sorry kung hindi ko nabanggit ang tungkol kay Megan..." sinimulan kong i-
kwento sa kanya ang lahat ng
katotohanan at nararamdaman kong espesyal para sa kanya.
"I believe you," iyon ang isa sa mga salitang habang buhay kong ipagpapasalamat.
"And I forgive you,
Asher."
Marahas akong napalunok at nawalan sandali nang sunod na sasabihin pero nagawa ko
pa ring magpatuloy at
magpasalamat sa kanya.
"Thank you, Karsyn," lumayo ako at ikinulong ang kanyang maliit na mukha sa aking
palad bago siya titigan
sa masuyong paraan. "I will do anything just to prove that my love for you is real.
Hindi kita bibigyan ng
dahilan para makaramdam ng lungkot dahil mahal kita. Totoong mahal kita and I mean
it when I say that I will
never lie to you. You're the best thing that ever happened to me at hayaan mo akong
mahalin ka. Hayaan mong
patunayan ko sa'yo ang lahat dahil ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko,"
ibinaba ko ang kamay
para kunin ang aking palad bago igiya sa aking kaliwang dibdib. "This heart beats
for you, only you and let
me prove that, baby..."
Matapos naming magkaayos ay si Zydney naman ang kinausap ko.
"I'm sorry."
Narinig ko ang malalim niyang buntong hinga.
"Wala na akong magagawa. Napatawad ka na ni Karsyn." may galit pa ring sabi niya.
"I understand where you're coming from pero totoo ang lahat ng sinabi ko sa kanya.
Matagal na kaming wala
ni Megan at hindi ko na gusto pang balikan 'yon dahil si Karsyn na ang gusto ko. I
love your cousin so much,
Zyd... Mahal na mahal ko at gagawin ko ang lahat para patunayan 'yan sa'yo at sa
lahat ng tao."
Walang naisagot sa akin si Zydney kung hindi ang makahulugang titig. Sa huli, kahit
na mukhang hindi pa rin
siya kumbinsido ay nagkaunawaan rin naman kami.
After that talk, I uploaded a public apology for everyone. Sa lahat ng mga nasaktan
ko at lalong lalo na sa
babaeng mahal ko kahit na hindi naman niya ako inobligang gawin. This is our first
step in moving forward.
Wala akong pakialam kung mas kamuhian ako ng lahat basta ang mahalaga ay maayos na
ulit kami at
nakapagpaliwanag na ako sa kanya at sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito ay wala
ng makakahadlang pa
sa amin. Wala na...
~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
P 59-11
Booklat : Ceng Crdva
PS.maghintay ako Just thinking about the next line of "Wala Na" parang nadudurog
puso ko ??

P 59-12
AMVT - LAST
6.5K 483 84
by CengCrdva

Asher Miguel Vergara Tan - Last


The Bachelor's Vices
They say love is sweeter the second time around. Ayaw ko mang maniwala pero tingin
ko ay mas tumatag nga
kami ni Karsyn kahit na hindi pa man opisyal ang aming relasyon.
I saved all her videos on my phone. Imbes na trabaho ang atupagin kahit sa malayo
ay tuluyan ko nang
kinalimutan ang lahat para kay Karsyn. My mom would always ask me kung kailan ako
uuwi pero gaya ng
mga una kong sagot na hindi ko alam ay iyon pa rin ang sinasabi ko sa kanya
hanggang ngayon.
Kung planado na nila ang buhay ko, mas nananaig ang plano kong alagaan at samahan
si KF. Ako ang muling
naiwan sa tabi niya ng bumalik si Zydney sa Manila. I always keep in touch with her
though. Kung ano ang
mga ginagawa at gagawin namin ni Karsyn ay sinasabi ko sa kanya. Hindi nalalayo si
Zydney kay Karsyn.
She's also beautiful inside and out. Mas matapang nga lang at mas kayang magalit
kumpara sa huli. Iyon na rin
siguro ang dahilan kung bakit madali rin kaming naging malapit. Bukod sa mabait,
masayang kasama ay
gustong gusto niya rin ako para sa kanyang pinsan.
"Life is short and it's fast. Sa buhay natin walang reply button, rewind or stop
kaya make the most of it."
sambit ni Karsyn pagkatapos ay sinenyasan ako na itutok ang camera pataas sa
matatayog na punong
nakapaligid sa amin para tapusin ang munting clip na isisingit sa vlog mamaya.
Gusto kong matuwa dahil positibo naman ang mga sinabi niya pero hindi ko magawa.
Pakiramdam ko ay
umuulit sa utak ko ang lahat ng mga speech at vlogs kung saan palagi niyang
sinasabing maiksi ang buhay.
Napalunok ako ng maisip ang pag-uulit sa utak ko nang napag-usapan namin tungkol sa
kanyang pamilya at
kung bakit nawala ang mga ito.
Hindi ko napigilang mag-alala at magtanong.
"You always talk about how life short is." naguguluhan kong sabi pero hindi nagbago
ang ekspresyon sa
mala-anghel niyang mukha.
"And?"
"Bakit? Mali ba ako?"
Umiling ako. Muli siyang ngumiti at ipinaliwanag ang lahat ng nangyari sa kanyang
pamilya.
"Do you..."
"Do I have cancer?" matapang niyang pagtatapos ng salita para sa akin.

P 60-1
Pinigilan kong mapalunok. Parang gusto kong bawiin ang tanong ko dahil kapag
isinagot niya ang hindi ko
inaasahan ay alam kong hindi ko kakayanin. Hinigpitan ko ang kapit sa kanyang
kamay, sinasabing huwag
niyang sabihin ang ayaw kong marinig, nagmamakaawa.
"Tell me... Be honest with me, baby..."
"D-Do you think I'm dying?" malungkot niyang sambit.
I can almost hear my thoughts screaming pero naging pormal pa rin ako sa kanyang
tabi.
"Do you think I have it?"
Para akong mababaliw sa tanong na 'yon. Kahit na gusto ko nalang tigilan ang usapan
namin ay hindi ko
naman magawa.
"Baby..."
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay marahang umiling.
"I don't have cancer, Asher," aniya dahilan para makabulong ako nang pasasalamat
para sa Diyos na
pinaniniwalaan niya. "I don't have it. Kami ni Daddy... Pero tama ka, parte 'yon
nang lahat ng ito. I realized
so much when they were taken away form us. Some part of me was guilty for not
expressing how much I love
them. Nagkulang ako doon lalo na sa mga kapatid ko. God, I was so young..."
Inalo ko siya nang lumalim ang emosyon niya gawa ng pagbabalik tanaw sa nakaraan.
Hindi ko siya iniwan at
ipinaramdam kong hinding hindi ko siya iiwan kahit na kailan because that is what
I'm willing to do...
Habang buhay.
Marami pa kaming napag-usapan ngunit ang planong tanging pag-i-enjoy sa lugar ay
mabilis na nabaliktad ng
may maabutan kaming nalulunod. Karsyn rescued immediately. Walang pakialam kung ano
ang sasabihin ng
mga taong nakapaligid sa walang malay na lalaki.
I witnessed how great her determination is. Hindi lang sa pagtulong ngunit lalong
lalo na sa pagsalba sa lahat
ng mga nangangailangan. Oo nga at suportado ko siya sa lahat pero hindi ko
mapigilang makaramdam ng
inggit ng makita ko ang pagyuko niya't walang arteng pag-gawad ng mouth to mouth
resuscitation rito.
Mali mang isipin 'yon sa gitna nang peligro pero habang pinapanuod siya ay
nagpatuloy ang utak ko sa
pagbulong na sana ako nalang ang nalunod. Sana ako nalang ang nasa peligro ngayon
para sana ang labi ko
rin ang nilalapatan ng mga labing iyon ngayon at hindi ang sa estranghero.
I've never felt this jealous all my life. Kahit nga noong issue palang ang
panloloko ni Megan ay hindi ko
naramdaman ang sidhi ng damdaming ito... Ngayon lang. Fuck.
"I'm sorry... I just can't help myself but be jealous..." pag-amin ko matapos
siyang mapaiyak sa muling pagaalala sa akin.
Naiinis ako sa lalaking 'yon pero may naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko
mapigilang makaramdam ng
negatibong emosyon kahit na ginawa lang naman niya iyon dahil gusto niya itong
iligtas at wala ng iba.

P 60-2
"What do you mean?"
I didn't answered.
"Asher..."
"I'm stupid, okay? Forget about it."
"You're jealous of what?"
Pumikit ako ng lumipat siya sa harap ko.
"Asher Miguel Vergara Tan, magagalit na talaga ako sa'yo."
Wala akong nagawa kung hindi ang dumilat ulit.
"I'm being selfish, Karsyn. Inaamin ko pero hanggang ngayon, kahit na wala naman
sa'yo ang ginawa mo
kanina ay hindi pa rin mawala sa utak ko."
"A-Anong ginawa ko? May nagawa akong nagpalungkot sa'yo?"
"Asher, isa..."
"Dalawa," aniya sabay hawak ko kamay niya. "Wala nga." hinaplos ko 'yon.
"What happened to no more lies? You're lying now, Mr. Tan."
Dahil alam kong hindi maayos ang problema ko sa pagtatago ay nagawa ko na ring
sabihin sa huli kung bakit
ko nagawa iyon at kung bakit ako nagkakaganito.
"You kissed that guy. I know hindi naman 'yon ang intention mo pero 'yon lang ang
nasa isip ko simula nang
dumikit 'yang mga labi mo sa kanya. I know you are just saving his life but I can't
stop thinking that he stole
your first kiss. I shouldn't hate myself right now for being jealous because you
just save him from death but
that's what I feel. I'm fucking jealous right now. Kahit masama ay iniisip kong
sana ako nalang ang nalunod
para halikan mo rin ako at napaka-selfish no'n pero hindi ko makalimutan–"
Natigil ako kasabay ng panlalaki ng aking mga mata ng sunod kong maramdaman ang
labi niyang buong puso
niyang inilapat sa akin para lang patahimikin ako. Kung sa ibang pagkakataon ay
hindi ko hahayaang maging
tuod ako o estatwa habang nakalapat ang malambot na mga labing iyon na matagal kong
pinangarap. Kung sa
ibang pagkakataon ay hahawakan ko ang kanyang katawan at marahang gagalaw para
iparamdam sa kanya
kung gaano ako nagseselos at kung paano ako naaapektuhan ng ginawa niya pero sa
lahat ng gusto kong gawin
ay wala akong nagawa.
Bukod sa paghigpit ng kamay ko sa kanyang bewang ay wala ng galaw na ipinakita ang
katawan ko... She
kissed me... She kissed me! Holy fuck!
"You are my first kiss," giit at paglilinaw niya habang nakatitig sa mga mata kong
namumungay. "Ikaw ang
totoong first kiss ko Asher Miguel... Walang iba..."

P 60-3
Hindi ako naka-imik. Hindi na ako nakapagsalita at parang ayaw ko na ring magsalita
hanggang sa makabalik
kami sa resort. I don't know what to say to her at baka kapag sinubukan ko ay
mahalikan ko siya ulit...
Mahalikan at hindi na tigilan.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay saka lang ako napamura ng malakas at hindi
mapakaling naglakadlakad at gusto pang magtatatalon sa tuwa! Damn it! Para akong
batang binigyan sa matagal ng gusto! Damn...
Nababaliw kong nakagat ang labi ko! Ang labing hinalikan ng babaeng mahal na mahal
ko.
I kissed her. I finally kissed, Karsyn! Kahit na gustong gusto kong isampal sa
pagmumukha ng mga kaibigan
ko ang nangyari sa amin ni Karsyn ay ayaw ko namang maging kiss and tell. What
happened and what will
happen between us will stay private. Ayaw kong mamigay ng impormasyon. Ang mahalaga
ay nahalikan ko
siya. Mali, hinalikan niya ako. Muli akong napangisi.
Mapayapa akong nakatulog matapos 'yon at ilang oras ko pang pangungulit sa kanya
pero ang tuwang pumoprotekta sa puso ko ay bahagyang sinubok kinabukasan dahil sa
mga lalaking armadong iyon na inaanyayahan
kami sa kung saang impyerno. It turns out that the guy she saved was a governor's
son at ngayon ay
iniimbitahan kaming kumain sa lugar ng mga ito.
Gusto ko sanang sabihing kaya kong pakainin si Karsyn ng kung anong gusto niya at
hindi na 'yon kailangan
pero dahil nakita kong gusto nitong paunlakan ang imbitasyon ay wala na rin akong
nagawa.
Hindi ko alam kung bakit malayo palang kami ay naiirita na ako. Ilang beses niya
akong tinatanong kung ayos
lang ba ako kaya ilang beses rin akong nagsinungaling. Naiisip ko palang ang mukha
ng lalaking 'yon ay
naaalibadbaran na ako. Pilit kong kinalma ang sarili ko para lang maging maayos ang
hapunang iyon pero
hindi ko napigilan ang sarili kong punahin ang anak ng gobernador dahil sa walang
humpay niyang
pagpapapansin kay Karsyn.
"Magkaibang magkaiba tayo. If you want a cheap ass lady, you can easily get one.
Gaya ng sabi mo hindi ka
sanay na maghintay kaya hindi na ako magtataka kung ang lahat ng mga babaeng
dumaraan sa buhay mo ay
pang madalian lang. Karsyn is a queen and she is always worth the wait. Dapat
pinaghihirapan. You should
earn her dahil lahat ng pinaghihirapan ay panghabang-buhay."
Nakita ko ang pagkamangha ng kapamilya nito at ang pagkahilaw ng kanyang mukha.
Kung siguro'y nasa ibang
lugar lang kami ay nasaktan ko na siya. Kanina pa ako naiinis at naiirita rito lalo
na sa mga simple niyang
galaw para hawakan si Karsyn. Hindi na ako nakapagpigil ng malingat lang ako
sandali ay parang linta na
naman itong nakadikit. Hindi talaga nadadala!
"Wala akong pakialam kung balawarte mo 'to pero isa pang hawak mo hahawakan ko na
'yang leeg mo." may
pagbabanta kong sabi pero lumakas lang ang tawa ni Ansel sabay taas ng mga kamay.
Mabuti nalang at hindi na ako nito pinatulan dahil kapag nagkataon ay hindi ako
magdadalawang isip na
saktan siya kahit pa sa pamamahay niya. I'm so pissed at him. Masyadong malandi ang
hilatsa ng lalaking
iyon at hindi marunong pumirmi sa isang tabi.
Naging malawak ang inis ko na pati si Karsyn ay hindi na rin nakaligtas.
Ako:

P 60-4
You're trained to be a surgeon right?
Ako:
Then wash your hands like you're about to operate someone. I hate flirty germs.
My Baby:
Pagod na ako eh. Bukas nalang ako maghuhugas ng kamay.
I groaned at that. Iritado akong tumayo at inis na sinipa ang sofa. Sa pagkairita
ko ay hindi ako napakali.
Kung pupwede nga lang na sugurin ko siya't ako na mismo ang maghuhugas no'n ay
gagawin ko pero nagawa
ko pa ring kumalma kahit inis na inis na ako sa mas pang-iinis pa yata ni Karsyn.
Gigil ko siyang tinawagan.
"H-Hello?" kinakabahan nitong bungad matapos iyong sagutin.
"Wash your hands, Karsyn! Hugasan mo bago ako maasar!"
"I'm tired. Wala namang germs ang kamay ko."
"Meron! Wash it before I go fucking crazy!"
"Why are you cursing?"
"Because you're pissing me off!"
"H-How did I piss you off?"
Napabuntong hinga ako. Can she just wash her hands for pete's sake?!
"Baby, please?" pagmamakaawa ko kasabay ng pagbagal ng hangin mula sa aking bibig,
kinakalma pa rin ang
sarili. "Just wash your hands for me, please?"
Natahimik lang ako ng sabihin niyang ginawa na niya. I expected a fine day after
that but everything went
wild when she pranked me. Para akong aatakihin sa puso habang ipino-proseso sa utak
ang mga ginawa
niyang pagpapanggap na makikipag-date sa ugok na 'yon!
No freaking way! Oo nga at handa akong magbigay para sa kasiyahan niya pero masama
iyon sa loob ko.
Hindi ko kayang ipagkatiwala si Karsyn sa iba dahil alam ko kung gaano siya ka-
inosente't hindi bagay sa
malupit na mundo.
Nagpatuloy ang prank wars sa pagitan namin na mas naging patok sa lahat ng taong
sumusuporta sa aming
dalawa. Ang katuwaang iyon ang nagiging pang-himagas namin sa lahat ng pagod sa
araw-araw na paglilibot
at pagtulong sa mga nangangailangan.
Marami pa kaming plano at mas naging masigla naman si Karsyn lalo pa't bumalik si
Zyd para samahan kami
pero hinayaan ko siyang magpahinga't palitan ni Zydney isang araw sa usapan naming
manunuod ng sunrise.

P 60-5
Wala na akong nagawa.
"Sorry, late na ba?" nakangiting bati ni Zydney sa akin.
Umiling ako. "You're just right on time." sagot ko naman sa kanya at inayos ang
telang nakalatag para upuan
niya.
"Sorry. Pagod raw si Karsyn at gusto pang matulog."
"I understand. Wala na rin kasing pahinga 'yon. Ayaw magpahinga. She really wants
to help people that
sometimes she forget about herself."
Tipid siyang ngumiti.
"That sounds like her."
Sinuklian ko ang ngiti niya.
"Thank you for making her safe, Asher." maya maya'y sabi niya matapos ang ilang
minutong pananahimik.
"It's my pleasure, Zyd."
"Masaya ako para sa inyong dalawa. Sana huwag kang magsawang alagaan at protektahan
si Karsyn."
Ibinaling ko sa kanya ang buo kong atensiyon.
"I will never get tired of protecting and loving her, Zyd. Pangako."
Tumango tango siya at muling ngumiti sabay baling sa pwesto kung saan lalabas ang
haring araw.
"It's my first time to watch the sunrise." she murmured.
"Really?"
"Yup. Do you like watching it?"
Umiling ako.
"Not without her..." I paused when I realized that my words was a bit off. "But I'm
happy that you're here."
She nodded again, nakangiti pa rin.
"You really love her, do you?"
"So much." mabilis kong sagot.
"Ma-swerte kayo sa isa't-isa at wala na akong hihilingin pa kung hindi ang
kasiyahan niyong dalawa ni
Karsyn."
Lumawak ang ngiti ko.

P 60-6
"Thank you for that pero paano mo namang nasabing ma-swerte? Karsyn told me that
you've never been in a
relationship. How can you tell if people are lucky to have each other?"
Nag-iwas siya ng tingin.
"She's right. Wala pa akong karanasan sa pagmamahal pero alam ko kung paano
kumilatis ng tao at nakikita
ko sa'yo na lubos ang pagmamahal mo para sa pinsan ko at siya..." natigil siya sa
pagsasalita at agad na
tinakpan ang bibig dahil sa pagkadulas.
"Siya?"
She chuckled. "Nothing."
"Mahal na mahal na rin ba ako ng pinsan mo?" natatawa kong tanong pero sa loob-loob
ko ay gusto ko na
siyang pigain para lang masagot niya ang katanungan ko.
"I don't know. Ask her." pag-iwas niya.
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong sumagot dahil sa pagdating ng araw. Tahimik
kaming nanuod. How
I wish Karsyn is with me right now. Oo nga at hindi naman ako nagre-reklamong si
Zyd ang kasama ko dahil
masaya naman siyang kausap pero iba pa rin si Karsyn. Mahal na mahal ko lang
talaga.
Natapos ng maayos ang panunuod namin pero may iba akong naramdaman kay Karsyn sa
paglipas ng araw. I
feel like she was pushing me away para mapalapit sa pinsan niya. Ilang beses kong
kinontra ang lahat ng
negatibong namamayagpag sa utak ko pero hindi ko maiwasan lalo na't damang dama
kong umiiwas siya at
pilit na inilalapit sa akin si Zydney sa paraang alam niya namang imposible.
Hinayaan ko siya dahil pinaniwalaan ko pa ring mali lang ako pero ang lahat ng iyon
ay napatotohanan isang
gabi nang magpa-book ito ng dinner date para sa amin ng kanyang pinsan. Again, I
let everything pass even if
I wanted to tell her that what she was doing is useless but I remained silent.
Naghintay ako ng tamang timing
para sabihin 'yon.
"I think your cousin is great," pormal kong sagot ng itanong niya ang hinihintay
kong pagkakataon para
amining alam ko kung ano ang mga ginagawa niya. "But you don't have be our
matchmaker, Karsyn."
Napaawang ang kanyang bibig sa narinig. Kitang kita ko ang hiyang namutawi sa
kanyang mukha kaya
nagpatuloy ako.
"You don't have to push me away, baby... Dahil kahit anong gawin mo, ikaw lang ang
gusto ko. Ikaw lang ang
mahal ko na kahit ipilit mo ako sa iba, hinding hindi na magbabago ang nararamdaman
ko para sa'yo. Ikaw
lang, Karsyn... Kung hindi rin lang ikaw, ayaw ko ng magmahal pa."
Imbes na sumagot ay lumapit nalang siya sa akin. Maagap kong sinalubong kanyang
katawan upang yakapin
rin ng mahigpit. I gently kissed her forehead, marking her with my love.
"Don't you ever push me away Karsyn dahil anong gawin mo, ikaw lang ang gustong
mahalin ng puso ko at
wala ng iba. You're the only reason why this heart is still beating and I want you
to always remember that."
humigpit ang yakap niya sa akin at hindi na sumagot.

P 60-7
Tipid akong napangiti at muli siyang hinalikan sa noo.
I didn't sleep that night. Buong gabi ko siyang binantayan at pinanuod habang ang
kanyang mala-anghel na
mukha ay tila idinuduyan ng isang mapayapang panaginip. Marahan kong itinukod ang
aking siko upang mas
matitigan siya. I restrain myself from touching her. Hinayaan ko ang sarili kong
sauluhin ang lahat at kahit ang
maliliit na detalye sa kanyang mukha. Kahit na marami na kaming napagdaan ay hindi
bakas rito ang pagod sa
ginagawa.
Wala sa sariling napalunok ako ng diretsong malaglag ang mga mata ko sa kanyang
labi na hindi na nagawang
ipinta ang kanyang ilong sa aking utak dahil sa pagkibot ng ngayo'y tinititigan.
Her pink lips made me
swallowed hard again. Napakumo ako para pigilan ang sariling halikan iyon at
gisingin siya.
"What are you doing to me, baby?" nahihibang kong tanong sa napakagandang babaeng
mahimbing na
natutulog sa aking harapan.
Umangat ang kamay ko at marahang hinaplos ang kanyang pisngi gamit ang likod ng
aking palad.
"I freaking love you, Karsyn Sy... I don't know how did you make me fall this hard
but it's happening... Kaya
pag-isipan mong mabuti kung ako na rin ba 'yung tingin mong para sa'yo dahil oras
na sinagot mo ako, hinding
hindi ka na makakawala. You'll always and forever be mine, KF... Sa'kin lang." wala
sa sariling napailing
ako matapos ang litanyang iyon.
I must be crazy but I'm willing to do crazy things just for her. Damn, I'm crazily
in love with her! I found
myself lowering down my face and kissing her forehead again. Napangiti ako ng
tumagal ang aking labi sa
kanyang noo at maya maya'y naramdaman kong muli ang kanyang yakap.
Damn it, who wouldn't smile at that?
Kinabukasan ay nagpatuloy kami. I am always over the moon whenever I'm with her.
Walang araw na hindi
niya ako napapasaya pero siguro nga totoo iyong kasabihang kapag masaya ka,
darating ang puntong
babawiin iyon sa'yo at iyon ang nangyari ng araw na 'yon.
"I have something to tell you." she said in a serious tone.
Hindi ko naiwasang kabahan ngunit pinilit kong maging masaya sa kanyang harapan.
Nang makita ko ang
lungkot sa kanyang mga mata ay madaling napawi ang mga ngiti ko.
"What is it? You're making me nervous."
Matagal siya bago nakasagot. I don't know what is happening. Nagkabuhol-buhol ang
utak ko sa pag-iisip
kung mayroon ba akong nagawang mali at kailangang maging ganito ka-seryoso ang
usapan namin ngunit ng
magsimula siya ay sandali napanatag ang loob ko. Sandali... Dahil pakiramdam ko'y
mabilis na nalaglag at
nabasag ang bagay sa aking dibdib ng sabihin niya ang mga salitang kinatatakutan
ko.
"Death is always running towards us, Asher... And now, it's chasing me,"
"W-What do you mean by that?" I asked in a shaky voice.
"This time, malapit na niya akong abutan... This time, I'm sure he'll succeed. I am
dying, Asher. I am finally
P 60-8
dying and I'm sorry..." aniya kasabay ng tuluyang pagtulo ng masasaganang luha sa
kanyang mga mata.
Pinigilan kong mapapikit at takpan ang mga tenga ko dahil sa lakas ng kalampag ng
aking pusong walang
habas na nagwawala sa loob ng aking dibdib! I stared at her for I don't know how
long because that's the only
thing I can do. Dama ko ang panghihina ng katawan ko, ng utak ko, ng buong pagkatao
ko habang pinoproseso
ang lahat ng kanyang mga sinabi.
"I'm sorry–"
"You said you didn't have it? Sabi mo wala kang cancer?" nanatili ang pag-alon ng
boses ko sa aking
lalamunan pero wala na akong pakialam sa kahinaang iyon.
"Pangako natin na hindi tayo magsisinungaling, 'di ba? There's no lie may come
between us, remember? Pero
bakit mo nagawa? Why did you lie to me?"
My stupid heart is pounding so hard inside my ribcage and it fucking hurts!
"I did not lie–"
"Then what is this? Anong sinasabi mong mamamatay ka, huh?!" hindi ko napigilan ang
pagtaas ng boses ko.
She's not serious! No! She can't be serious!
"I did not lie, Asher... I'm being honest when I told you that I didn't have cancer
because that's the truth. Wala
akong cancer."
"Then why do you have to say that you are dying?!"
"Because I am, Asher. I am dying..." giit niya.
Ayaw kong maniwala. Takot akong maniwala pero nang makita ko ang mahabang marka sa
katotohanang
sinabi niyang nasa gitna ng kanyang dibdib ay parang gumuho na ang mundo ko.
"DCM," nanginig ang boses niya ng sambitin 'yon. "I was diagnosed with dilated
cardiomyopathy four
months after I was born due to complications. It's a set of heart muscle disease
that makes it difficult for my
heart to deliver blood to my body and can lead to heart failure. I was so young
when death tried to win over
me the first time..."
Naramdaman ko ang pagbagal ng aking paghinga. Nagpatuloy si Karsyn sa pagsasalita
pero ang utak ko ay
wala ng maintindihan. No. This can't be true. Hindi. She's just lying! She's just
lying!
"Where's the camera?" I spat.
Ilang beses kong tinanong sa kanya ang bagay na 'yon pero tanging pag-iling lang
ang kanyang isinagot.
"Where's the fucking camera, Karsyn?!" mas malakas kong sigaw na hindi na alam ang
ginagawa.
Putangina! Anong kagaguhan 'to?! Mahigpit na sumara ang mga kamao ko. Pakiramdam ko
ay mababaliw ako
kapag hindi niya inilabas ang tanginang camera na 'yon! Halos baliktarin ko ang
buong kwarto mahanap lang

P 60-9
iyon at mapatunayang nagsisinungaling siya. I'm willing to forgive her sabihin niya
lang na prank lang ang
lahat ng 'to!
"Asher–"
"Where is it?!"
"Asher, please? There's no camera."
Hindi ako nagpapigil sa kanya. Nang wala akong makita ay tuluyan na akong sumabog.
Malakas kong sinapak
ang pinto ng cabinet na 'yon na agad nasira dahil sa tindi ng kamao ko. I didn't
stop punching the closet until I
felt my hands are numb and bleeding. Hindi ko namalayang tumutulo na rin pala ang
mga luha sa mata ko
kasabay ng pagpunit at pagpira-piraso ng puso ko. Pinilit kong huminga ng malalim
ng maubusan ng hangin
ang aking baga dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko inintindi ang dumudugo kong mga kamao. Kung hindi lang dahil sa sagabal
kong mga luha ay hindi
ako titigil.
"K-Karsyn... Please tell it's just a prank. Please tell me you're just lying..."
namamaos kong pagmamakaawa
sa kanya ngunit imbes na 'yon ang gawin ay nakita kong muli siyang umiiling.
Sa pagkakataong 'yon ay wala na akong naisip kung hindi ang katotohanang
isinasampal sa harapan ko. Hindi
ko alam kung paano ako napunta sa isang bar para lumaklak ng ilang bote ng alak na
ilang buwan kong
iniwasan para sa kanya.
Naikumo ko ang naka-benda kong kamay. I was about to make a scene pero idinaan ko
nalang ang lahat sa
pag-inom ng alak. Gusto kong maging manhid nalang rin gaya ng kamay ko ang puso
ko... O pati ang kaluluwa
ko kung posible kasi tangina... Putangina talaga hindi ko kaya! Hindi ko kakayanin!
Kung paanong hindi ko alam kung paano ako napadpad sa bar, gano'n rin ang pagbalik
ko kay Karsyn. She
was sleeping when I came back. Kahit na umiikot na ang mundo ko ay hindi ko
nagawang tantanan ang
binaong isa pang bote ng alak. 'Yon nga lang, this stupid drink couldn't even take
away an inch of pain.
Walang silbi ang gago.
"Asher, what are you doing?" pagod kong ibinaling ang aking paningin sa babaeng
dahilan ng saya at mga
kalungkutan ko... Dahilan ng buhay ko.
"I never thought that I'd drink again," nakatiim-bagang kong sagot. "My vices are
my best friend, Karsyn.
Noon, wala akong pakialam kung mamatay ako dahil sa mga bisyo ko dahil 'yon ang
kasiyahan ko. All of this
gave me endless happiness..."
Ibinalik ko ang titig sa kanya matapos iyong ipirmi sa boteng hawak ko.
"I remember having a dare with my friends. Sinabi ko sa kanilang titigilan ko lang
ang lahat ng bisyo ko
kapag nakakita na ako ng tunay na pagmamahal. Sinabi kong gagawin ko ang lahat para
lang sa pagmamahal
na 'yon at hinding hindi ako gagawa ng kahit anong ikasisira ng lahat," sandali
akong napapikit kasabay ng
mas pag-igting ng aking panga.
"I stopped all of it when you came, Karsyn... Hindi ko alam kung bakit umpisa
palang desidido na akong
P 60-10
huminto kahit na wala pa naman akong pinanghahawakan sa relasyon natin. Kahit hindi
tayo, gusto kong
magpakatino. Gusto kong tanggalin ang lahat dahil ikaw... Ikaw na ang gusto kong
maging bisyo."
"Asher..."
"Dahil ikaw ang pagmamahal na alam kong panghabang-buhay. Ikaw ang hinihintay ko.
Ikaw ang bumago
sa'kin at handang handa akong magpakatino para sa'yo, para sa ating dalawa pero
paano ko 'yon gagawin
kung mawawala ka? Paano pa ako magpapakatino kung iiwan mo ako? Ano pang silbi ko
kung iiwan mo rin
pala ako?"
"That's not true," sagot niya matapos akong igiya sa kanyang tabi. "Hindi ako
mawawala kailanman sa'yo,
Asher... I'll always and forever be in your heart at gusto ko, kung sakaling
darating ang araw na pisikal mo na
akong hindi makikita, gusto kong ipagpatuloy mo pa rin ang lahat ng nasimulan mo. I
want you to continue
doing good in life. Gusto kong magmahal ka–"
"What's next, Karsyn? What's our plan?" I cut her off.
Sinabi niya ang lahat ng mga plano niyang hindi ko inakalang may kakayahan pang
dagdagan ang pagkawasak
ng puso ko. Pero sa huli ay hindi ako pumayag sa lahat ng mga sinabi niya. Kahit
anong gawin niya, hinding
hindi niya ako mapapaalis sa buhay niya.
"Leaving you was never an option," giit ko. "Leaving you will be the hardest part
of this journey and that is
something I can't do. Hinding hindi kita iiwan, Karsyn. Hinding hindi lalo na
ngayong alam kong mahal mo
ako. Mahal na mahal mo rin ako."
"Asher–"
"Ipagpapatuloy natin 'to. Sasamahan kita hanggang dulo dahil naniniwala akong mali
ka. Naniniwala akong
maraming paraan para hindi ka mawala sa akin. You can't die and leave me. Hindi ka
pwedeng mawala dahil
hindi ko kakayanin," sabi ko habang nilalabanan na rin ang mga luha sa aking mga
mata.
We had an agreement. Kahit na maayos ang usapan namin ay hindi ako huminto sa
pagpayag lang sa mga
kagustuhan niya. I searched every details about her condition. Nang hindi matanggap
ng utak ko ang mga
posibilidad ng nabasa ay tinawagan ko ang ilang doctor na aking kilala pero mas
lalo akong nanlumo nang
kumpirmahin nila ang mga sinabi ni Karsyn.
I've been sleepless because of that. Hindi ako tumitigil sa pakikipag-usap sa mga
propesyunal tungkol sa
kanyang kalagayan pero kahit na ilang beses ko na siyang kinumbinsing bumalik at
magpagamot sa Manila ay
hindi niya ako sinunod. Habang nagpapatuloy siya sa kanyang misyon ay hindi ko
maiwasang maisip na
napaka-unfair ng buhay.
Why does this God allows the death of the people who believes in him? Bakit
kailangan niyang pahirapan
ang mga ito at hindi ang mga taong hindi naniniwala sa kanya gaya ko?
Napayuko ako at napapikit ng muli kong maramdaman ang nakakaliyong lungkot na
mabilis kumalat sa aking
puso.
"You don't have any idea how happy I am right now, Asher. Thank you... Thank you
for being a huge part of
P 60-11
my happiness." napangiti ako ng marinig sa kanya ang mga salitang iyon.
Pinili kong huwag isipin ang mahirap naming sitwasyon. Pinili kong ibigay ang lahat
ng mga kasiyahan ni
Karsyn dahil isa iyon sa misyon ko. We are now in Batanes and I can't wait to
finish this journey with her...
Sa ngayon.
Kahit na hirap na siyang pangakuan ako dahil naniniwala siyang malapit na ang
hangganan ng buhay niya ay
napilit ko pa rin siyang mangakong magpapagamot at lalaban para sa aming dalawa.
I'm willing to take the
last risk kahit na dama kong mas humihina siya sa paglipas ng araw. Naging mas
maalaga ako pero hindi
sapat ang lahat ng pag-aalala ko sa kanya.
Hindi ko akalaing ang araw na dapat ay magiging kasiyahan ko ay naging mitsa ng
lahat ng takot sa aking
puso.
Pakiramdam ko'y kasabay ng pagbagsak niya sa damuhan ang pagbagsak ng lahat sa
akin. Habang binubuhat
siya at inilalayo roon ay hindi natigil ang pagkalampag ng puso ko. The doctor said
that it was just a minor
heart attack but Karsyn is still lucky to survive it knowing what her condition
was.
Simula ng araw na 'yon ay ako na mismo ang nagdesisyon para sa aming dalawa. I
didn't let her charm change
my mind. Buo na ang loob ko at sa pagkakataong iyon ay gusto ko nang maging
makasarili.
Zydney was very thankful when we landed back in Manila. Sabi niya'y hindi siya
makapaniwalang
nakumbinsi ko ang kanyang pinsan at buong puso siyang nagpapasalamat sa akin. Ang
totoo, ginawa ko lang
naman iyon para kay Karsyn at handa akong gawin pa ang lahat maisalba lang siya.
Nag-aral ako kung paano ko pa siya aalagaan pero dumating sa puntong nakita kong
nahihirapan na siya.
Alam kong hirap na hirap na si Karsyn pero lumalaban pa rin para sa mga pangako
niya sa'kin at sa lahat ng
mga taong patuloy na nakasubaybay at dinadamayan kaming dalawa.
I let her continue her vlogs. Bukod kasi sa akin at sa mga taong malapit rito ay
isa rin ang gawaing 'yon sa
nagpapalakas sa kanya. I supported her even when there are times that I can't even
look at her because I know
that she's lying in front of the camera. Ni minsan ay hindi ko nakitang ininda niya
ang sakit. Taliwas doon ang
ginagawa niya. Ipinapakita niya sa mga taong wala lang ang sakit na 'yon at kayang
kaya niya kahit na minsan
ay alam kong gusto niya nalang ring sumuko.
I was wrong when I thought that she is weak because clearly, she's not. Isa siya sa
pinaka-matatag na babaeng
nakilala ko sa tanang buhay ko at dahil doon ay nagawa ko ring magpakatatag lalo na
ng ilang araw siyang
ma-comatose. I thought I lost her but she's a fighter. She came back for me and I
know that she will do it
again because she promised me.
"Are you done filming?" nakangiti kong tanong ng maabutan ko siya.
Ibinaba niya ang camera at matamis akong nginitian. Ibinigay ko naman sa kanya ang
dala kong mga bulaklak.
"Yep. These are beautiful, Asher. Thank you."
Tumango ako at tumabi sa kanya ngunit bago magsalita ay ginawaran ko muna siya ng
halik sa kamay na
mayroon nakakabit na swero.
P 60-12
"How are you feeling today?" tanong ko habang hinahaplos ang malambot na kamay
niyang 'yon.
She smiled sweetly at me. Kahit na malaki ang ipinayat niya at halata sa mukha ang
mga hirap na
pinagdaraanan ay nananatili siyang maganda sa paningin ko. She's still the most
beautiful girl that I've ever
met at hindi na 'yon magbabago kahit kailan.
"I'm good. Ikaw? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?"
Umiling ako.
"Importante ba 'yon?"
"Of course, Asher! You still need to rest–"
"Paano kung sa pagtulog ko kailanganin mo ako? I can't let you go through that
again," pinisil ko ang kanyang
kamay. "I can't, baby..."
"But I'm okay now. Kapag inaantok ka, pwede rin naman kitang bantayan."
Napangiti ako at pagkatapos ay marahan siyang hinigit palapit sa akin. Mahigpit
ngunit may pag-iingat ko
siyang niyakap.
"You don't need to worry about me, okay? Basta ayos ka, ayos lang rin ako."
"But that's unfair."
"I'm okay. I don't need sleep anyway," bahagya ko siyang nilayo matapos halikang
muli sa buhok. "Ikaw ang
kailangan ko at hindi ang tulog kaya huwag mo na akong isipin, okay? Focus on
making yourself better. 'Yon
lang ang gusto ko."
She pursed her lips and nods at me.
"I love you, Asher Miguel." aniyang mabilis na tumagos sa aking puso.
Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay at salitan iyong hinalikan.
"I love you so much more, Karsyn. Mas mahal kita."
"Talaga? Kahit na pinahihirapan kita?"
Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
"Kahit kailan hindi ko naramdamang nahihirapan ako sa'yo. Mahal kita at
ipagpapatuloy natin 'to sa hirap at
ginhawa."
Nang makita kong mabilis na nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata ay madali
kong ikinulong ang
kanyang pisngi sa aking magkabilang kamay.
"Nothings gonna change my love for you, Karsyn... Not even DCM. Mamahalin kita
habang buhay dahil iyon

P 60-13
ang bisyo ko. Ikaw ang bisyo kong hindi ko kailanman titigilan..." madaling nasalo
ng mga daliri ko ang
pagtulo ng mga luha niya.
"Why are you crying, huh? Ayaw mo bang maging bisyo kita?" pagbibiro ko.
Pupungas-pungas siyang umiling.
"Thank you for loving me, Asher."
"No, Karsyn. Thank you... Thank you for saving me from my old self... Thank you for
teaching me how to
love, to be truly happy and contented. Marami akong natutunan sa'yo at marami pa
akong gustong matutunan
kaya huwag mo akong iiwan, huh?"
Mabilis siyang tumango at muli akong niyakap.
Nakita ko kung paano sumigla si Karsyn sa mga sumunod na araw. Kahit na labag sa
loob niya ang tanggapin
ang pusong dudugtong sa kanyang buhay ay nagawa niyang pumayag para sa aming lahat.
Kahit na alam kong
malaki ang panganib sa magiging operasyon ay iyon nalang ang tanging pag-asa namin.
We gambled with
death but I'll make sure that we will still win this time.
"Where are you going?" tanong ni Zyd ng kunin ko ang mga gamit ko.
Masaya ko siyang nginitian.
"I need to prepare something for Karsyn," sinulyapan ko ang relo sa aking braso. "I
still have twenty one
hours to prepare for a lifetime with her."
Kumunot ang noo niya kaya naman hindi na ako nagtagal sa muling pagsasalita.
"Pagkatapos ng operasyon, pakakasalan ko si Karsyn." kinuha ko sa aking bulsa ang
isang box na laman ang
sing sing na ilang linggo ko nang nabili pero hindi ipinapaalam sa kanya.
Agad na naluha si Zydney at nayakap ako. Sisinghap singhap siya ng bumitiw sa akin.
"Tell me you're not kidding please!" she exclaimed.
Natatawa kong hinawakan ang kamay niya at iginiya palayo kay Karsyn na kasalukuyang
nagpapahinga. Nang
mapunta kami sa gawi ng pinto ay ibinigay ko sa kanya ang box na hawak ko. Sa
pagbukas niya ng lalagyan
ay agad siyang napasinghap.
"This is beautiful, Asher..." hindi makapaniwala niyang sambit.
"For my beautiful, baby." proud kong sabi.
"I'm truly happy for the both of you. Let's just pray that everything will be fine
before and after her
operation."
Tumango lang ako. Ibinalik ko sa aking bulsa ang bagay saka nagpaalam sa kanya.

P 60-14
Sinabi ko ang lahat ng aking plano sa mga kaibigan ko. Maging sila, hindi
magkandaugaga sa mga hiling ko
para kay Karsyn pero dahil mahal rin nila ito ay buong puso nila iyong ginawa.
Ako:
Kapag nakalabas na siya sa hospital, hihingin ko na ang kamay niya. Kapag um-oo
siya, hindi ko na
patatagalin. I will marry her right away kaya maghanda na kayo.
Eros:
I'm damn ready! Fuck! I can't wait!
Jacob:
Damn, bro! I'll support you all the way!
Ako:
Thank you.
Lance:
Nagpaalam ka na ba sa ama? Kay Mr. Sy ka muna mag-propose!
Ako:
I will do that. Basta, maghanda na kayo!
They congratulated me. Kung gaano ako kasaya ay gano'n rin sila para sa akin.
Napailing ako ng may sumagi
sa utak ko. Siguro kung ibang babae ito ay baka kinidnap na nila ako at binugbog
magising lang ako sa
kabaliwan ko pero hindi. They love Karsyn as much as I do and they are more than
willing to help me with
what I need, for her to be mine forever.
Mabilis na lumipas ang oras. Babalik na sana ako sa hospital pero tumagal ako sa
pagpili ng perpektong
regalo sa kanya. I ended up buying a gold rolex. It's a reminder of my timeless
love for her. Na kahit huminto
ang lahat ng orasan sa mundo ay hinding hindi hihinto ang puso kong mahalin siya.
I had dinner with my family after that. Doon ko sinabi ang lahat ng plano ko pero
gaya ng mga kaibigan ko,
buo ang naging suporta nila lalo na si Mommy. Aniya, kung saan ako masaya,
susuportahan niya ako. Napuno
ng purong kasiyahan ang puso ko.
I was driving back to the hospital with the gifts I bought her. Alam kong walang
halaga kay Karsyn ang mga
materyal na regalong ito but I still want to spoil her. I want to make her realized
that I have so much more to
give. Lahat ng meron ako ay handa kong ibigay sa kanya para sa kasiyahan niya... I
have so much more to
offer at nagsisimula palang ako.
Natigil ang panaka-nakang tambol ko sa manibela ng tumunog ang aking telepono.
Kumunot ang noo ko
habang inaabot iyon pero nang makita ko ang pangalan ni Zydney sa screen ay parang
may kung anong
sumabog sa puso ko dahilan para magwala na naman ito.

P 60-15
Hindi ko pa man alam kung ano ang sasabihin niya pero natatakot na akong sagutin
'yon. Ilang beses akong
napalunok. Binagalan ko ang takbo ng sasakyan at tuluyang inihinto sa tabi bago
sagutin ang kanyang tawag.
"H-Hello?"
"Asher..."
~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva


Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Booklat : Ceng Crdva
I learn a lot of this story author thank you thank you so much for making this
story wonderful, and I'm super duper proud of you author ! God
blessed you author ! Thank you so much lab you! I learn a lot of this story author
thank you thank you so much for making this story wonderful,
and I'm super duper proud of you author ! God blessed you author ! Thank you so
much ab you!

P 60-16
EPILOGUE
6.5K 586 370
by CengCrdva

EPILOGUE
Hola, It's KF - Faith
"Hi everyone it's Karsyn again and welcome to another vlog! Katatapos ko lang
uminom ng gamot and I'm
now fine. Malakas na ako kaya naman nakakapag-vlog na ulit! Today, I want to share
something to all of you.
These past few days was the hardest days of my life and you witnessed what I've
been through. Siguro
masasabi kong kung wala akong paniniwala, baka noon pa ako nawala. Baka bumitiw na
ako but I'm glad that
I had faith in me at iyon rin ang gusto kong ibahagi sainyo ngayong araw. Faith..."
Napangiti ako ng makita si Karsyn na masiglang kinakausap ang camera. Her hair was
tied in a bun and she
puts a little make up to be more presentable to everyone. Ang sabi niya, gusto
niyang maging maganda naman
kahit paano kapag nag-vlog siya ulit kahit na ilang beses kong sinabi na walang
kinalaman ang make-up sa
pag ganda niya dahil natural na siyang maganda at wala nang silbi ang make-up. She
always blushed
whenever I tell her that.
Nagpatuloy ako sa panunuod sa kanya.
"In my journey, hindi ko inisip na mabubuhay pa ako. Noon, ikini-kwento lang ni
Mommy kung gaano sila kaswerte at nakakasama pa nila ako. I wasn't given another
life and another to just waste it. I was given this life
because I have a purpose and I'm now living it. Mahirap man at hindi madaling
isipin kung ano but this new
life taught me everything that I needed, and more. I want to tell you a story about
this woman in the bible who
needs healing. Mark 5:24–34, There was a woman who had had a discharge of blood for
twelve years and
who had suffered much under many physicians, had spent all that she had and was no
better but rather
grew worse. She had heard the reports about Jesus and came up behind him in the
crowd and touched his
garment. For she said, "If I touch even his garments, I will be made well." And
immediately the flow of
blood dried up, and she felt in her body that she was healed of her disease. Jesus,
perceiving in himself
that power had gone out from him, immediately turned about in the crowd and said,
"Who touched my
garments?" His disciples said to him, "You see the crowd pressing around you, and
yet you say, 'Who
touched me?' " He looked around to see who had done it. But the woman, knowing what
had happened to
her, came in fear and trembling and fell down before him and told him the whole
truth. He said to her,
"Daughter, your faith has made you well. Go in peace, and be healed of your
disease."
"In the story, you can see how pure the woman's faith was. Na kahit mahirap ang
mahawakan si Jesus ay
nakipagsiksikan siya at hindi tumigil dahil naniniwala siyang kahit katiting lamang
ng damit nito ang
mahawakan niya ay gagaling siya. And her faith healed her. You see, Jesus is
walking in the middle of the
crowd and everyone is bumping him yet he still noticed that someone had touched
him. Someone draw the
miracle out of him because they believed in him. Faith really plays an important
role in our life because it's
one of the key to touch Jesus. The crowd represents your struggles, your anxieties
and the negativity of the
world that wants you to stop going after him and the lady represents us. When you
believe, when you expect

P 61-1
things to change and when you keep saying to yourself that your breakthrough is
coming, your faith can stop
him from walking and activates his miracle on you. I know that life here on earth
is hard at kung minsan ay
marami tayong dahilan para huwag maniwala pero gusto kong sabihin sa inyong huwag
kayong huminto. Don't
stop believing in him. Don't let your emotions and the negativity talk you out of
what God has in store for you
because I believe that you will not be alive if there was no something amazing in
your future. Just like the
lady in the story, she reached out to Jesus and touched him with so much faith and
that is what God wants us
to have. He wants us to believe, trust and touch him with faith. 1 Corinthians
13:13, So now faith, hope, and
love abide, these three; but the greatest of these is love. Always have hope and
faith but most importantly,
love."
Napalunok ako nang sumilay muli ang matamis na arko sa malalambot na labing iyon
habang patuloy sa
pagbabahagi ng mga salita.
"Don't forget to make someone smile today! This is KF and see you on my next vlog–"
Madiin kong pinatay ang aking telepono. Hindi ko na napigilan ang muling pagtulo ng
mga luha sa aking mga
mata lalo pa't sa pagpikit ko ay tanging ang anghel na 'yon lamang ang laman ng
madilim kong mundo...
Karsyn didn't make it.
Inangat ko ang hawak kong panibagong bote ng alak, iniiwasang titigan ang bagay na
iyon sa mausoleum na
kinaroroonan ko.
Nilagok ko ng tuloy tuloy ang laman ng boteng iyon na kahit gumuguhit ito sa aking
lalamunan at nagaalburoto na ang sikmura ko ay hindi ako tumigil.
My baby left me... And she left me without even saying good bye. Napapikit ako at
muling inalala ang lahat
ng mga nangyari matapos ang tawag ni Zydney.
Hinawi ko ang lahat ng mga taong nakakasalubong ko mapuntahan lang kinaroroonan ni
Karsyn.
Pakiramdam ko ay humihiwalay na ang katinuan ko sa aking pagkatao. Kahit na ramdam
ko ang malamig
na sahig ng hospital na 'yon ay pakiramdam ko'y lumulutang ako. Pakiramdam ko, isa
akong dahon na
tinatangay ng malakas na hangin at walang direksiyon. For once, I feel like I was
lost...
"Asher!" unang tumayo si Mr. Sy sumunod si Zydney na hindi na matigil sa pag-iyak
nang madaanan ko
sila sa hallway ng hospital malapit sa OR.
"Where is she?" akmang aalis na ako para hanapin siya pero madali nila akong
napigilan.
"Asher–"
"Where is she? Please tell me." pumiglas ako.
"Asher, it's too late. Ginawa ng mga doctor ang lahat ng kaya nilang gawin pero
hindi pa man
nauumpisahan ang operasyon ay bumigay na si–"
"Tell me where the fuck she is, Zydney!" malakas at umaalingawngaw kong putol sa
kanya.
Hindi ako naniniwala. Hangga't hindi ko nakikita si Karsyn ay hindi ako maniniwala.
Mali sila. Hindi
P 61-2
totoo ang lahat! Nagkakamali lang sila!
"Asher, hijo, kumalma ka." umatras ako ng makita ang paglapit sa akin ng kanyang
ama na kahit
nagpapakatatag ay alam kong durog na durog na rin ngayon.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila. Kahit na ramdam ko ang panginginig ng
katawan ko ay pinilit
kong pumunta sa operating room. Sakto namang kalalabas lang doon ng kanyang doctor
pero hindi ko
hinintay ang mga salita niya. Patakbo kong pilit na binuksan ang mabigat na pintuan
at naabutan ang
isang lalaking nakakulay asul na hospital gown na akmang tatakpan na ang babaeng
natutulog sa
harapan niya.
"What the fuck are you doing?!" kumaripas ako ng takbo palapit rito upang pigilan
siya sa gagawin.
Malakas ko siyang tinulak palayo kay Karsyn.
"Baby, I'm here! Karsyn wake up!" niyugyog ko ang kanyang katawan at tinapik ang
kanyang pisngi.
Nanginig ang kamay ko ng maramdaman ang kanyang katawan. She's starting to get
cold... Goddamn it!
"No no no no! Baby, wake up! Please wake up!" nilakasan ko ang pagyugyog sa kanyang
katawan na
kahit alam pumapasok na sa utak kong totoo nga ang mga sinasabi nila ay ayaw ko pa
ring maniwala.
Pinigilan ko ang maluha dahil alam kong kapag lumuha ako ay hindi ko na 'yon
kailanman mapipigilan!
"Baby, I'm here and I have a lot of gifts for you... Gising na." pagmamakaawa ko.
She didn't.
"Karsyn naman! Gumising ka na parang awa mo na! Karsyn!" mas malakas kong sabi
habang sumisikip
na ng sobra ang aking dibdib.
Inangat ko siya sa kama at agad na niyakap ng mahigpit pero kahit anong gawin ko ay
hindi ito nagbigay
ng kahit na anong tanda ng buhay.
"Asher, tama na–"
"Get the fuck away from me!" hiyaw ko ng maramdaman ang pagsidatingan ng ilan pang
empleyado ng
hospital para pigilan ako pero sa pagkakataong iyon ay imposible ang ginagawa nila.
"Karsyn! Please wake up! I'm finally here! Gumising ka na! Nandito na 'ko!" paulit-
ulit kong sabi ngunit
ng wala pa rin ay doon na mabilis na nagsilaglagan ang mga luha sa mata ko.
Ibinalik ko siya at inayos sa kama at pagkatapos ay walang ano-ano'y idiniin ang
mga kamay ko sa
kanyang dibdib. I know I'm doing it correctly dahil ito ang napag-aralan kong
tamang pagsalba noong
binabantayan ko siya.
"Come on! Wake up! You can't just leave me! You promised me! You promised me! Sabi
mo hindi mo ako
iiwan kaya gumising ka! Panindigan mo lahat ng mga pangako mo! Tangina naman
Karsyn!" malakas
kong sigaw sa gumagaralgal at nanghihinang boses habang patuloy ang pag diin ng mga
kamay sa

P 61-3
kanyang dibdib.
Lumakas ang ingay sa loob ng silid kasabay ng pagdami ng mga kamay na pumipigil sa
akin sa ginagawa
pero bigo sila. Ang ilang mga gamit sa loob ng lugar ay nagkalat sa sahig dahil sa
pagwawala ko habang
pilit nilang hinahawakan at inaalis rito.
Damang dama kong pinupunit ang puso ko. I can't breathe but I don't want to stop. I
know I can still save
her! I know I can!
Nang mapadpad ang mga mata ko sa kanyang doctor ay mabilis ko itong dinuro!
"Save her! You promised that you'll save her no matter what kaya gawin mo! Putang
ina gawin mo!"
sigaw ko rito na ngayon ay umiiyak na rin at walang magawa kung hindi ang panuorin
lang akong
naghihinagpis.
"Wala kang kwenta! Pare-parehas kayong walang kwenta!" pagpapatuloy ko habang pilit
na pumipiglas
sa mga taong nakahawak sa'kin.
"Bitiwan niyo ko! Let me be with her! She's still alive! Buhay pa si Karsyn kaya
bitiwan niyo 'ko!" I
couldn't control myself anymore.
I remember punching every guy who touched me. Dahil sa lakas ko ay wala na silang
nagawa kung hindi
ang hayaan akong bumalik at yakapin ang walang buhay na si Karsyn.
"Baby..." hindi ko nakilala ang namamaos na boses na lumabas sa aking mga labi.
"Mr. Right is already here... Please wake up..." pagod na pagod ko nang sabi
pagkatapos ng matagal na
kumosyon.
"Karsyn naman... Hindi ko kaya.... Hindi ko kakayanin kaya please... Gumising ka."
Tanging ang mga hikbi ko at nang ilang naroon ang bumubuhay sa tahimik na silid.
Pagod kong inilapag
ang katawan niya pabalik sa kama at ibinaon ang aking mukha sa kanyang leeg habang
doon ibinubuhos
ang lahat ng pighating nararamdaman. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. I
kissed her hair, her
cheeks and even her lips... Humigpit ang yakap ko nang maramdaman ang panghihina ng
aking mga
tuhod.
"Maniniwala na ako..." nanginginig ang aking tinig ngunit hindi iyon naging dahilan
para huminto ako.
"Paniniwalaan at gagawin ko ang lahat ng gusto mo bumalik ka lang. Please, baby...
Bumalik ka na
sa'kin. Parang awa mo na hindi ko kaya. You can't die. You can't leave me... Baby,
you just cant so
please... Gising na..." pagmamakaawa ko sa gitna ng paghagulgol.
"We're still ticking all the things you wrote on your bucket list. Ililibot pa kita
sa buong mundo. Marami
pa tayong pupuntahan, tutulungan... Pakakasalan pa kita..." mariin kong kinagat ang
labi ko pero
talagang nag-uumalpas doon ang aking mga hagulgol.
Mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya pero gaya kanina, wala. Wala na talaga. Wala
na si Karsyn.
She's dead... And she died without me.

P 61-4
Marahas kong inilapag ang naubos na alak at muling nagbukas ng isa. Sinindihan ko
rin ang sigarilyong
hawak ko at walang ano-anong hinithit iyon.
"Ang daya mo..." mahina at nakatulala sa kawalan kong bulong. "Ang daya daya mo,
baby...." I said bitterly.
Mas mapait pa sa alak na nilalagok ko.
It's been a week since she left us pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob
na dalawin siya.
Pagkatapos ng nangyari sa hospital ay hindi na ako nagpakita. I was in denial.
Hindi ako naniniwalang wala
na siya kaya lumayo ako. I didn't visit her wake. Nanatili akong nakakulong sa
kwarto at umaasang hindi na
rin magising gaya niya. I asked the God of the Gods to take me nang sa gayon ay
makasama ko si Karsyn but
he didn't. Maybe Karsyn was right, hindi nakikinig 'yon sa mga taong hindi
naniniwala. Napangiti ako ng
mapait at nagpatuloy sa paghithit buga sa sigarilyong hawak ko.
I continued puffing the cigarette on my left hand and drinking the alcohol on my
right. Nang maubos ang isang
stick at mabalik ang atensiyon ko sa aking telepono ay pagod ko iyong kinuha at
pinindot para panuorin ang
huling video na naka-post sa kanyang channel matapos itong mailagak sa lugar na
'to.
"Hola, it's KF..." nakangiti ngunit seryoso niyang bungad sa video na 'yon. Ibang
iba sa lahat ng mga videos
niya.
Matagal bago siya nakapagsalita ulit. Ilang beses siyang humugot ng malalim na
paghinga upang kumuha ng
lakas sa mga susunod na sasabihin. My heart ached more when her smile widened.
Baby, bumalik ka na... Pagod na akong wala ka... Pagod na pagod na.
"By the time you're watching this, I'm on my way up to heaven..." napapikit ako sa
narinig pero hindi ko
nagawang patayin ang video. "And I want to thank all of you for supporting me until
the end. Thank you so
much for making my last life worth living. Kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging
makabuluhan ang huling
buhay kong ito. You helped me do things that I never imagine I'm capable of doing.
Utang ko sa inyo ang
lakas, inspirasyon at tapang sa pagharap sa lahat ng ito kaya maraming maraming
salamat..." mabagal niyang
sambit sa mga huling salita.
Sa pagdilat ko ay sakto ang muli niyang pag ngiti sa camera.
"Thank you for being a part of the life that I'm so proud of. This is not a good
bye video. I may not be here on
earth physically but know that I'm always up there guiding all of you from the
kingdom of God," humithit ulit
ako at uminom ng alak.
"By the time you're watching this I'm already healed. I'm healthy and I'm in a
place where we can only find
the perfect love. Huwag kayong malulungkot dahil malulungkot rin ako. I want you to
be happy because I'm
with the Lord and there's no place I'd rather be than in his kingdom,"
"To those who are depressed and thinking about ending their life, I want you to
take a step back and
contemplate... I want you to think of me... The kids who only have a limited time
on earth because of
incurable sickness. The people who needed surgeries after surgeries just to
survive. Think of the people who
wants to live and experience the goodness of life but didn't get a chance to do it.
Isipin mo kung gaano ka kaswerte dahil hanggang ngayon ay binibigyan ka pa rin ng
Diyos ng pagkakataong baguhin ang lahat ng ayaw
mo sa buhay mo. God is still giving you a chance to be the best that you can be and
all you need to do is to

P 61-5
take that chance, renew yourself and have faith in him.
"One of the things that I've learned in this journey is to not focus on the
negativity because that will only lead
to a negative life. Learn how to take care of yourself more than you take care of
other people. Fill your hearts
with good things so you can never be empty. I know life is hard but hang in there.
You can do it. Remember
that nothing in this world is permanent and what you're experiencing right now is
just a phase that one day
you'll get through. Don't waste the precious gift of life just because of a painful
experience and think of what
you'll be missing if you decide to end your journey now. I know you're tired. I
know you've been fighting
with your own demons and you're losing sometimes. I know right now you'd rather
leave than live and even
though I'm not standing in your shoes, even though I don't know you, and even
though I have no right at all, I'm
asking you to choose life. I'm asking you to stay and just keep going even if life
keeps knocking you down.
Don't ever blame yourself. It's not your fault you feel this way. You know, life
can really be awful and
sometimes nothing about it feels fair but there will still moments that are so
wonderful you'll be so glad you
stayed. You're going to be okay. I promise there are so many wonderful things
waiting for you and sometimes
they happen just minutes away from when you feel at your lowest. Think of your
goal. Think of what you'll be
missed when you choose to leave... Your loved ones. The people who values you...
Your dreams... You, in
the future,"
Muli siyang ngumiti.
"I want you to close your eyes and imagine yourself in a place where you are being
surrounded by the people
you love. Imagine that stage that you'll dominate when you finally get that
diploma. Imagine running your own
company. Imagine meeting your soul mate and sitting beside his/her while watching
your little kids playing in
front of you. Imagine growing old with that person and feeling all the love in the
world... And Imagine being
the best, healed and loved version of yourself because that will be you someday...
I may not know what
exactly you're going through but trust me... One day, you will live a life you
always dreamed of living no
matter how messy things look today," positibo siyang nakipagtitigan sa camera sa
huling pagkakataon bago
muling nagpatuloy habang buong pusong nakangiti.
"Just keep going... Seek first the kingdom of God. Trust, have faith and live for
him. Live for us... Live for
me,"
Isinandal ko ang aking katawan sa malamig na pader at tinapos ang sigarilyong
hawak.
"Don't forget to check on your loved ones today. Don't forget to make them feel
valued and loved. Extend the
goodness of your heart and always be sensitive to others. Remember, we are all
given just a limited time on
earth so make the most out of it. Love when you can, help when you feel the need to
and always choose the
goodness of life so that this world will become a better place,"
Kinuha niya ang camera at mabagal na pumikit bago sambitin ang mga huling salita.
"Once again this is KF... And I'm now officially signing off." masaya niyang
pagtatapos bago patayin ang
camera.
Pakiramdam ko'y nabingi ako sa katahimikan ng mawala ang boses niya. Pinilit kong
ibaling ang aking mga
mata pabalik sa salamin kung saan naroon ang kulay rose gold na urn na kanyang
kinalalagyan katabi ng
kanyang ina at mga kapatid.

P 61-6
It was dated September 8... Pumikit ako ng mariin ngunit matapang na dumilat ulit
para titigan ang pangalan
niyang nakaukit sa makinis na salamin.
Karsyn Faith Rivas Sy...
Inihilig ko ang aking ulo sa dingding na aking sinasandalan at pagkatapos ay
inangat ang hawak kong alak.
Patuloy kong nilunod ang sarili ko sa bisyong alam kong hinding hindi ko na
matatakasan. Ang bisyong
tanging alam ko at ang bisyong habang buhay ko nang sasamahan... Because my only
vice, my baby, and my
everything already left me... and no amount of everything will bring her back to
life. Nobody can ever bring
her back to me.
Mapait akong napangiti at pagod na inangat ang bote ng alak na iniinom ko para
ipantay sa gawi ng babaeng
iniwan na ako.
"Cheers, baby... Cheers..." I said bitterly followed by my unending tears.
??????????????????????
CENG CRDVA
©? 2019

Tweet all your reactions with the hashtag #TBVFaith


??
Sana panaginip na lang 'to ni Asher. Jusko Bakit? Ang sakit! Heartbreaking!

P 61-7
NOTES
6.3K 435 224
by CengCrdva

Thank you for staying with me in this amazing journey. I hope you learned a lot
from Karsyn and Asher gaya
ko dahil sobrang dami kong natutunan. Their story is something that has been on my
mind for a long time and
it took me a while to finish it because I'm also in denial of what will be the
ending but here we are! You are
still reading this and I'm so proud of you! Thank you so much!
Tonight, I'm asking you to share this story to everyone and help me make a
difference through KF's teachings.
Sabi nga, let's make this world a better place!
Keep going and don't be afraid to seek for you own purpose ;
??
"And we know that in all things God works for the good of those who love him, who
have been called
according to his purpose."
- Romans 8:28
D Can't wait po ??

P 62-1
The Bachelor's Vices Book 2
1.4K 172 43
by CengCrdva

Hi again!
Sa mga hindi pa nakakaalam, I will write the second book of The Bachelor's Vices
after I finish my novel
entitled The Next Night (Ito po ay ang unang book sa collaboration series na
gagawin namin ni Miss Belle
Felize of precious hearts romances).
Sa mga hindi pa ulit nakakaalam, I already published the second book of Asher. You
can add it on your
library para kapag nag-update na ako ay sabay sabay niyo akong awayin! Lol!
Anyway, I am not asking you to read the second book pero para sa mga marurupok and
open-minded, feel
free. Mabuhay tayong lahat! Don't forget to make someone smile today! Spread the
love and may God bless
us all!

??

Love,
Ceng
I always waiting for the ud. God Bless author. Asher and Zyndey ????. Miss ko na si
karsyn

P 63-1

You might also like