You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

UNIBERSIDAD NG SILANGANING PILIPINAS


Pamantasang Bayan, Hilagang Samar
Catarman

FILIPINO 808
TRANSLATION TECHNIQUES

Pangalan: _______________________________________ Kurso: ___________________

Maikling Pagsusulit
A. 1-5 Isulat kung Tama o Mali ang bawat pangungusap.
__________1. Unang nagkaanyo ang pagsasaling-wika sa Pilipinas noong panahon ng pananakop
ng mga Kastila, kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristyanismo.
__________2. Ang Goodwill Bookstore ay nagpasalin sa Fiipino ng mga popular na kwentong-
bayan
na nasusulat sa iba't ibang katutubong wika ng ating bansa.
__________3.Kung pagsasaling-wika ang pag-uusapan, ang maituturing na nangunguna at siyang
kinikilala sa larangang ito ay ang National Book Store.
__________4.Ang pagsasaling-wika ay may mahalagang papel sa konsolidasyon at kaunlaran ng
Pilipinas.
__________5.Hindi na kailangang isalin pa ang mga materyales na nasusulat sa wikang Ingles
sapagkat marunong naman ang mga Pilipino ng wikang ito.

B. Pagpapaliwanag
6. Ang tinatawag na “pambansang panitikan” ay masasabi bang panitikan lamang ng mga
tagalog? Bakit? Ipaliwanag ang papel na ginagampanan ng pagsasaling-wika sa pagbuo ng
isang “pambansang panitikan.” (5puntos)
7. Sa bawat yugto ng pagsasaling-wika sa Pilipinas, ibigay at ipaliwanag ang naging tuon ng
pagsasalin, at ang wika na ginamit bilang midyum o instrument ng pagsasalin. (10 puntos)

 Unang yugto ng kasiglahan

 Ikalawang yugto ng kasiglahan

 Ikatlong yugto ng kasiglahan

 Ikaapat na yugto ng kasiglahan

You might also like