You are on page 1of 3

Paglalahad ng Aralin sa Pamamagitan ng Tula at Tugma

Likas sa mga bata at kabataan ang pagiging mahiligin sa tugma at tula. Dahil sak
kawiwili-wiling karanasan ng mga bata sa pagbigkas ng tugma o tula, nagiging kawili-wili rin at
mabilis ang pagkatut ng talasalitaan at balangka na pinag-aaralan.

MUNGKAHING BANGHAY NG PAGTUTURO.

I. Mga Layunin
A. Naipaliliwanag ang kaibahan ng gamit ng may sa mayroon.
B. Nababasa nang may pagkaunawa ang tugma
II. Paksang Aralin:
Wastong gamit ng may at mayroon
III. Pamaraan
A. Pagpapakilala sa bagong talasalitaan at balangkas. (Magpakita ng tunay o dili kaya’y
larawang-guhit ng basket na may mga gulay.)
Mga bata, ako ay namitas May patola po sa basket
Ng gulay sa bakuran. Narito May hinog na kamatis.
Sa basket ang mga gulay. May mga sitaw po sa basket.
Sabihin ninyo kung anu-ano Mayroon ding hilaw na
kamatis.
ang mayroon sa basket. Mayroon pong okra
B. Paglalahad ng tugma
Kayo ba’y may maluwag na bakuran? opo
May mga tanim ba kayo? May taming po kaming sili
Anu-ano ang mga ito? Mayroon din po kaming tanim na
upo.
Sa aming bakuran naman ay ganito:
(Bibigkasin ng guro ang tugma na lunsaran ng balangkas)
SA AMING BAKURAN
Sa aming bakuran kayo ay magmasid
Iba’t ibang gulay ay nasa paligid,
May mga patolang sa balag naglawit
May saganang sitaw sa tulos ng siit
Mayroon din kaming petsay at mustasa
Mayroon pang sili at may kalabasa:
May muradong talong, kamatis na pula
Ang aming bakuran, aong pagkaganda
C. Pagtatanong upang subukin ang pang-unawa sa tugma
Anu-anong mga gulay ang naroon sa bakuran? May patola po.
May saganang sitaw
Mayroon ding petsay.
May murang talong.
Ano ang mayroon sa balaga? May mga patola
Ano ang mayroon sa tulos ng siit? May saganang sitaw sa tulos
ng siit.
Ano pa ang mayroon sa bakuran? Mayroon pang sili.
D. Pagbasa ng guro sa tugma
E. Pagbasa ng mga mag-aaral sa tugma
1. Pangkatang pagbasa
2. Isahang pagbasa
F. Paglalapat ng himig
(Maaaring ipaawit ang tugma sa himig ng “Leron Leron Sinta”, “Paru-parung bukid”,
“Atin Cu Pung Singsing.”)
G. Pagsasanay sa bagong natutuhang balangkas
(Magpakita ng mesa na may mga bagay-bagay na nasa ibabaw.) Itanong kung ano
ang mayroon sa mesa.
Isulat ang may at mayroon sa puwang.
1. _____________lapis sa mesa
2. _____________mga aklat din.
3. _____________pang plorera
4. _____________ding kahon.
5. _____________bag bas a mesa?
6. Oo, ____________nga.
Inihanda ni:
Patricia Luz A. Lipata

You might also like