You are on page 1of 7

Masusing Banghay – Aralin

sa Pagtuturo ng Filipino 7

Ikatlong Markahan/Taong 2018-2019

I – Layunin:

A. Naibubuod at nauunawaan ang kwentong tinalakay.


B. Nasasagot nang mahusay ang mga katanungan at nagagampanan ang mga
panagkatang gawain.
C. Naiuugnay at naisasabuhay ang kwento sa realidad
II – Paksang – Aralin:

Epiko: Hinilawod
Sanggunian: Pluma 7, dahon 213-216
Kagamitan: manila paper, pentel pen/marker, LED TV/powerpoint, cartolina
III – Pamamaraan:

A.Pagganyak:

PICTURES MADE PERFECT

(Ang mga mag-aaral ay ilalarawan ang bawat larawan sa pamamagitan ng


pangungusap)
Unang larawan: magandang babae
Inaasahang sagot: Siya ay isang napakagandang babae.
Ikalawang larawan: guwapo o makisig na lalaki
Inaasahang sagot: Siya ay matapang na lalaki.
Ikatlong larawan: kupido
Inaasahang sagot: Pinana ni kupido ang puso ng babaeng crush ng lalaki
Ikaapat na larawan: maraming mga babae
Inaasahang sagot: Ang mga babae ay lahat magaganda
B.Pagpapalawak ng talasalitaan:

A. Pagkilala sa Kasingkahulugan ng Salita

Panuto: Suriin at piliin mula sa kahon ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap. Isulat sa maliliit na kahon ang titik ng tamang sagot.

a. Nakatindig b. Nagsilang c. Palaso

d. Sumangguni e. Suyuin f. Nagsaing

1.Ang dalawang asawa ni Labaw Donggon ay kapwa nanganak ng mga sanggol na lalaki.
2.Ang magkapatid ay nakatayo agad kahit mga sanggol pa lang.
3.Bumalik si Baranugon sa kanilang lola para humingi ng payo tungkol sa kanilang
problema.
4.Nagpunta si Labaw Donggon sa bayan ng Handug para ligawan ang magandang dalagang
si Angoy Ginbitinan.
5.Gamit ang pana ay natalo ng magkapatid ang lalaking nagkulong sa kanilang ama.
C.Paglalahad:

Ngayon ay muli nating balikan ang mga larawan. Ano nga kaya ang
kinalaman ng mga ito sa ating tatalakaying epiko?

Ang ating tatalakayin ay isang epiko na pinamagatang:

HINILAWOD
(Epiko ng mga Bisaya)
D.Pagtalakay:

Dahil nabasa na natin kahapon ang kuwento, ating gawin ang mga sumusunod.
Panuto: Ayusin lamang natin ang tamang pagkakasunud-sunod batay sa kwentong
binasa.

Ang pag-iibigan nina Diwatang Alunsina at Datu Paubari

a.Si Alunsina ay umibig at nagpakasal sa isang mortal na si Datu Paubari, ang


pinuno ng Halawod.

b.Dahil dito ay nagalit ang mga manliligaw ni Alunsina, binalak nilang sirain ang
Halawod sa pamamagitan ng malaking pagbaha.

c.Nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol na lalaki si Alunsina.

Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon

d.Napatay ni Labaw Donggon ang halimaw kayat pumayag ang ama ni Angoy
Ginbitinan na makasal kay Labaw Donggon.

e.Muling nagtagumpay si Labaw Donggon na mapaibig ang napakagandang si


Abyang Durunuun.

f.Ang muling paghahanap niya sa asawa ng diyos ng kadiliman(Buyong


Saragnanyan), ang napakagandang babae na si Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata.

f.Nabilanggo si Labaw Donggon sa isang kulungan sa ilalim ng kanyang tahanan.

g.Ang dalawang anak ni Donggon na sina Asu Mangga at Abyang Baranugon ay


natagpuan ang kanilang ama sa loob ng isang lambat.

h.Naibalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon subalit hindi pa rin


nawala ang pagnanais magkaroon ng magandang mapapangasawa.

E. Ebalwasyon:
Pangkatang Gawain:

Pangkat A: Gamit ang iyong laptop, gumawa ng sariling tatlong mga kasabihan na
may paksang kaugnay sa epikong ating tinalakay. Pumili ng magandang Font at wastong Font
size.

Pangkat B: Gamit ang iyong cellphone. Mag log in kayo sa inyong facebook
account, pagkatapos ay maghanap kayo ng mga post tungkol sa “hugot pag-ibig”.
(Kailangang makuha ang pangalan ng nag post, petsa o oras, isulat sa isang long bond paper)

Pangkat C: Sa pamamagitan ng “WORDLE” na papamagatan ninyong


“PAMILYA KO!”. Itala lahat ang mga salitang patungkol sa isang pamilya. Isulat sa manila
paper.

Pangkat D: Gamit ang dalawang estratehiya:

Venn Diagram: Paksa: Babae at Lalaki sa ngalan ng Pag-ibig

Character Mapping: Labaw Donggon

E. Paglalahat:

Sa palagay ninyo? Ang kuwento bang nabasa ay posibleng nangyayari sa


panahon ngayon? Nangyayari ba sa realidad?

F. Paglalapat:

Ano kaya ang dahilan kung bakit may mga taong hindi nakukuntento sa iisang
asawa o magkasintahan? Sa inyong murang edad, ano ang inyong napapansin na
dahilan?

IV – Kasunduan:
Bukas ay magdala ng bond paper. Gagawa tayo ng isang tula na may paksang:

“ANG PAMILYA KO”


Pangalan: _______________________________ Pangkat:______________________
ACTIVITY SHEET

Gawain 1

Panuto: Suriin at piliin mula sa kahon ang kasingkahulugan ng salitang may


salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa maliliit na kahon ang titik ng tamang
sagot.

a. Nakatindig b. Nagsilang c. Palaso

d. Sumangguni e. Suyuin f. Nagsaing

1.Ang dalawang asawa ni Labaw Donggon ay kapwa nanganak ng mga


sanggol na lalaki.

2.Ang magkapatid ay nakatayo agad kahit mga sanggol pa lang.

3.Bumalik si Baranugon sa kanilang lola para humingi ng payo tungkol sa


kanilang problema.

4.Nagpunta si Labaw Donggon sa bayan ng Handug para ligawan ang


magandang dalagang si Angoy Ginbitinan.

5.Gamit ang pana ay natalo ng magkapatid ang lalaking nagkulong sa


kanilang ama.
Pangalan:________________________________ Pangkat:_____________________

Gawain 2

Panuto: Ayusin lamang natin ang tamang pagkakasunud-sunod batay sa kwentong


binasa.

a. Ang pag-iibigan nina Diwatang Alunsina at Datu Paubari

a.Si Alunsina ay umibig at nagpakasal sa isang mortal na si Datu Paubari, ang


pinuno ng Halawod.

b.Dahil dito ay nagalit ang mga manliligaw ni Alunsina, binalak nilang sirain ang
Halawod sa pamamagitan ng malaking pagbaha.

c.Nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol na lalaki si Alunsina.

b. Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon

d.Napatay ni Labaw Donggon ang halimaw kayat pumayag ang ama ni Angoy
Ginbitinan na makasal kay Labaw Donggon.

e.Muling nagtagumpay si Labaw Donggon na mapaibig ang napakagandang si


Abyang Durunuun.

f.Ang muling paghahanap niya sa asawa ng diyos ng kadiliman(Buyong


Saragnanyan), ang napakagandang babae na si Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata.

f.Nabilanggo si Labaw Donggon sa isang kulungan sa ilalim ng kanyang tahanan.

g.Ang dalawang anak ni Donggon na sina Asu Mangga at Abyang Baranugon ay


natagpuan ang kanilang ama sa loob ng isang lambat.

h.Naibalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon subalit hindi pa rin


nawala ang pagnanais magkaroon ng magandang mapapangasawa.

You might also like