You are on page 1of 1

SINCERLY D.

REVELLAME
PRES. JOSE P. LAUREL NATIONAL HIGH SCHOOL
NEWS WRITING- FILIPINO

DepEd, ipinakilala ang‘E-Saliksik’ portal


Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang pagpapakilala sa
Edukasyon-Saliksik (E-Saliksik) Research Portal upang bigyan ng
kahalagahan ang pananaliksik sa paggawa ng mga patakaran sa loob ng
gobyerno,
Nilagdaan ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones ang DepEd
Memoramdum 014 s.2022, Abril 4, 2022, na naglalayon na ang research
portal na binuo at idinisenyo ay magiging sentrong imbakan para sa
pananaliksik sa edukasyon sa departamento.

Ayon sa D.O. 014 s.2022, ang paglulunsad ng E-Saliksik, ang


bagong research portal ng DepEd, ay nagbibigay sa mga mananaliksik sa
buong Pilipinas ng oportunidad upang matuto at makapag ganyak sa iba
na gumawa rin ng isang pananaliksik.

Bukod dito, ipinakilala rin ng DepEd ang plataporma upang gawing


mas madaling ma-akses ang pananaliksik sa edukasyon at hikayatin ang
pagsasagawa at paggamit ng pananaliksik mula sa paaralan hanggang sa
pambansang antas sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman.

“We encourage our research managers across governance levels to


populate the portal, this portal with quality education research,” pananapos
ni Briones sa isang panayam sa pahayagang Balita ngayon.

You might also like