You are on page 1of 2

Bata: Nanay, malapit na botohan, may napili k na bang kandidato?

Nanay: Wala pa anak, titingnan ko pa ang A1B2C3.


Bata: A1B2C3?
Nanay: Oo anak A1B2C3. Ito ang gabay sa matalinong pagbato.
Bata: Ano po yung A1?
Nanay: Agenda o A1
Unang itanong kung ano ang plano ng kandidato sa kanyang pagtakbo. Kung walang plano, mas mainam
na huwag iboto. Kung sa personal na buhay ay laging natatanong kung saan patungo, gayundin sana sa
mga pagboto. Alamin ang kongkretong nais maisakatuparan ng kandidato. Tandaan na hindi dahil
maganda ang plano ay maisasakatuparan ito. Maging mapanuri at pag-isipan ang inilalahad ng mga
kandidato. May mga pangako na makakatotohanan at kayang isakatuparan. Mayroong pangako para
lamang kumuha ng loob ng taumbayan. May pangako na matutupad kahit hindi gawan ng aksyon.
Maraming klase ng pangako, siguraduhin lamang huwag maging uto-uto.
Bata: Ano po yung B2?
Nanay: Ang B2 naman ay ang Biography at Background o B2
Luma nang paalala ito pero marami ang nakakalimot na kilalanin maigi ang buhay ng kandidato. Ang
talambuhay nila ay patunay sa kanilang mga nagawa. Kaugnay nito dapat malinaw din ang background.
Ang background ang mga tao, organisasyon, o ahensyang nakakaimpluwensya o nakapaligid sa
kandidato. Mahalaga na malaman mo kung sino ang sumusuporta upang mabatid ang mga interes nila.
May mga kandidato na pinatatakbo ng negosyante para maging dummy kapag nananalo. May mga
kandidato na boses ng mga maralitang grupo. May mga kandidato na ang agenda ay kung ano ang nais ng
kanyang partido. Kilalalanin ang kandidato. Ito ang susi sa pinag-isipang boto.
Bata: Ahh kaya pla,eh ano po yung C3?
Nanay: ang pinakahuli sa lahat ay C3 Character, Competence, at Conscience o C3
Dito kailangang alamin at pag-aaralan ang karakter o katangian ng kandidato. Suriin kung kaya niya ang
gawain sa tinatakbuhang posisyon sa pagkilatis ng kanyang kakayahan o competence. Subukin din siya sa
mga isyung kinakaharap at sipatin ang tindig sa mga kontrobersyal na isyu. Mainam na malaman ang
lahat ng ito upang maging gabay kung may kakayahan, kapasyahan, at katangian bilang tunay na pinuno.
Pag-isipan mabuti na ang pinunong ihahalal ay may paninindigang totoo. Hindi huwad o nagpapanggap.
Lalo’t hindi nagpapasabay lamang sa agos tuwing may malalaking isyung pambansa. Kung sa
paghahanap nga ng trabaho, maingat tayo sa pagtatakda ng mga kwalipikasyon, lalo’t higit dapat sa
eleksyon dahil ang ating iluluklok ay mamumuno para sa lahat.
Bata: Paano po yun nanay kapag mali yung naiboto?
Nanay: Tandaan na ito ay representasyon ng ating bansa.
Sa huli, huwag magpadala sa sinabi ng iba kung sino ang iboto. Alamin ang resulta ng survey pero huwag
magpapadikta na ito na ang huling hatol. Hindi natatapos ang halalan sa survey. Manindigan at bumoto sa
eleksyon. Dalhin sa presinto ang iyong botong wais at pinag-isipan. Ito ang iyong panimulang ambag sa
mas mahusay na bansa. Pag-isipan nang mahusay ang mga bagay na ito.
Ayon nga kay Rizal: Ang kamangmangan ay pagkaalipin; sapagkat kung ano ang isip ay ganoon ang
tao: ang taong walang sariling isip ay taong walang pagkatao; ang bulag na tagasunod sa isip ng iba ay
parang hayop na susunod-sunod sa tali.”

Ang paalalang ito ay hatid s aiyo ng Dzjp 8888

You might also like