WIKA

You might also like

You are on page 1of 2

Panuto: Gumawa ng isang artikulo na nagpapatibay sa pahayag na ang wIka ay

maituturing na isang Agham at Sining.

Sabi nga nila, ang wika ang nagsisilbing kaluluwa ng ating lipunan na
nagbibigay buhay dito. Ito rin ang nagbubuklod sa atin na magkaisa at
magkaunawaan. Kaya sa pamamagitan ng wika, tayo ay nakikilala sa buong
mundo bilang mga Pilipino sapagkat ito ay susi sa ating pagkakakilanlan.
Subalit, maituturing din natin ang wika na isang agham at sining. Kamangha-mangha
ang ipinapakitang ningning ng ating wika sapagkat ito ay nagsisilbing agham upang
tayo ay matuto at magkaroon ng bagong kaalaman. Ito rin ay isang sining dahil sa
taglay nitong magbigay kulay sa buhay ng bawat indibidwal.

Maituturing ang wika na isang agham sapagkat nagbibigay ito sa atin ng mga
proseso upang matamo nating mga Pilipino ang kaalaman sa pamamagitan ng ating
mga pamamaraan na matuto at mag-aral gamit ang wika. Nagsimula tayo bilang
mga sanggol ng lipunan na kung saan ay natututo tayong magsalita gamit ang wika.
Sa ating paglaki, patuloy tayong natutong magsalita ng mga bagong salita at
magsulat dahil sa kakanyahan at kapangyarihan ng wika na magbigay sa atin ng
kaalaman at abilidad. Natatamo natin ang kaalamang sumasapat sa ating intelektwal
na tunguhin. Ito rin ang tulay upang tayo ay magkaintindihan at magpahayag ng
ating mga saloobin. Tayo ay mga siyentista na nagpapakadalubhasa na matuto mula
sa’ting wika. Ang wika bilang isang agham ang nag-uudyok sa ating mga tao na
ipamalas natin ang kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at
mensaheng pinakikinggan at binabasa para sa kapakinabangang pansarili at
pangkapwa. Kaya sa patuloy na pagkatuto natin ng wika, tayo ay mabilis na
makaangkop sa mga pagbabagong nagaganap sa ating mundo.

Hindi rin nakapagtataka na ang wika ay isang sining na nagbibigay kulay sa


dugo ng bawat mamamayan at ginagawa nitong makabuluhan ang buhay na ating
ginagampanan. Kung ang isang tao ay walang kinikilalang wika, siya ay
maihahalintulad sa isang pintor na hindi binigyang kulay at hindi tinapos ang
nasimulang obra maestra. Ito ay magsisilbing walang saysay dahil kinalimutan nito
ang salitang tagumpay. Ang wika ang daan patungong tagumpay. Binubuhay din ng
wika ang kultura ng isang bansa dahil inilalarawan at ibinibigay nito ang kahulugan
sa mga kaisipan, saloobin, at damdamin ng isang kultura. Ito rin ang nagsisilbing
instrumento ng pagpapahayag ng opinyon, ideya, pananaw at lohika. Kapag wala
ang mga aspetong ito, hindi maaaring magkaroon ng isang kultura. Itinatatak din ng
wika sa puso’t mamamayan na may kakayahan silang mapaunlad ang kanilang sarili
sapagkat nagagamit natin ang Filipino sa makabuluhang pakikipagtalastasan sa
paraang pasalita at pasulat at sa ibang masisining na paraan ng paglabas ng
kanilang mga talent at abilidad.

Tunay ngang maituturing ang wika na isang agham at sining. Agham, dahil
nagsisilbi itong pugad ng kaalaman na humuhulma sa mga maliliit na mayang tulad
natin. Sining, dahil ito ang nagbibigay kulay sa ating dugo, ang kaluluwa ng ating
kultura at ang pundasyon sa maunlad na bansa.

You might also like