You are on page 1of 21

Functions of

Language
M.A.K Halliday
Michael Alexander Kirkwood Halliday (M.A.K )

 Siya ay isang linggwistang Briton na


ipinanganak sa Inglatera.
 Pinag-aralan niya ang wika at literaturang
Tsino.
 Ang Systemic Functional Grammar ay
isang sikat namodelo ng gramatika na
gamitin at kilala sa daigdig.
INSTRUMENTAL

Instrumental ang gamit ng wika kung ginagamit ito


upang maisakatuparan ang nais na mangyari, gayundin
ay matugunanang pangangailangan sa isang tao pisikal,
emosoyonal o sosyal napangangailangan.

“Gusto ko!”
INSTRUMENTAL

Bigkas na Ginaganap sa Wikang Instrumental

 Panghihikayat
 Pagmumungkahi
 Pag-uutos o pagpilit
 Pakikiusap
 Pagpapahayag
Halimbawa:

 Ang pagpilit mo sa iyong kaibigan na


pumunta sa fan meet ni Cha Eun Woo.

 Ang paghingi mo ng kapatawaran sa iyong


kaibigan.

 Ang pagpapalabas ng patalastas o


commercial sa telebisyon.

 Ang pagmungkahi mo sa kaibigan na mag-


aral nang mabuti.
REGULATORYO

Regulatori ang gamit ng wika kung ginagamit


ito upang kontrolin o magbigay ng gabay sa
kilos oasal ng ibang tao. Ito ang mga
nagtatakda kung anoang dapat o hindi dapat
gawin ng isang tao.
REGULATORYO

Bigkas na Ginaganap sa Wikang Regulatoryo

 Pagtatakda ng mga alituntunin o rules


 Pagbibigay ng mga panuto
 Pagsang-ayon o pagtutol
 Pag-alalay sa kilos o gawa ng tao
Halimbawa:

 Signages sa kalsada
 Mga paalalang paskil sa paaralan
 Ang mga panuto sa pagsusulit
 Pagbibigay ng direksiyon sa isang foreigner
INTERAKSYUNAL

Interaksyunal ang gamit ng wika kung


ginagamit ito ng tao sa pagpanatili at
pagpapatatag ngrelasyong sosyal sa kapwa. Ang
pinakamagandang halimbawa nito ay ang
paggamit ng mga pormulang panlipunan.
INTERAKSYUNAL

Bigkas na Ginaganap sa Wikang Interaksyunal

 Pagbati
 Pagbibiro
 Pag-anyaya
 Pagpapaalam
Halimbawa:

 Pagbati ng magandang umaga


 Pagkumusta sa kaibigan
 Pagbibigay ng paanyaya o imbitasyon
sa isang okasyon
PERSONAL

Nakakapagpahayag ng sariling damdamin, emosyon o


opinyon.

Bigkas na Ginaganap sa Wikang Interaksyunal


 Pagsulat ng diary
 Pagpapahayag ng tuwa, paghanga, galit,
pagkabalisa, pagkayamot at iba pa
Halimbawa:

 Pagsulat ng journal sa high school


 Pagpost sa social media account na
nagpapahayag ng sariling pananaw o
opinion hinggil sa isang usapin
HEURISTIKO

Ang tungkuling ito ay ang pagkuha o ang


paghahanap ng impormasyon o datos upang
makakuha ng kaalaman sa iba’t-ibang bahagi ng
mundo. Ito ay ginagamit ng tao sa pagbabahagi
o pagsisiwalat ng mga impormasyong nakalap.
HEURISTIKO

Bigkas na Ginaganap sa Wikang Heuristiko


 Pagtatanong
 Pagtuklas
 Paggawa ng hypothesis
 Pag-eeskperimento
 Pag-uulat
 Pangangatuwiran
 Pagpuna
Halimbawa:

 Mga batang nagbabasa ng libro, pahayagan, magasin,


blogs, at iba pang artikulo
 Mga batang nanunuod ng telebisyon o nakikinig sa radio
 Isang mag-aaral na nagsasagawa ng interbyu o sarbey
IMAHINATIBO

 Imahinatibo ang gamit ng wika kung ginagamit ito


ng tao sa pagpapalawak ng kaniyang imahinasyon.

 Naipapahayag ito sa pamamagitan ng pagsulat ng


tula, kuwento, awit, sanaysay, nobela at iba pang
malikhaing pagsulat.
Halimbawa:

 Sumali si Danna sa isang patimpalak sa pagsulat ng tula.


 Ang klase ni Bb. Rodriguez ay sumali sa malikhaing
pagbigkas o sabayang pagbigkas.
IMPORMATIBO

 Ito ang kabaligtaran ng heuristiko.

 Ito ang pagbibigay ng impormasyon o datos sa


paraang pasulat at pasalita.
IMPORMATIBO

Bigkas na Ginaganap sa Impormatibo

 Pag-uulat ng mga pangyayari


 Paglalahad
 Paghahatid ng mensahe
 Pagpapaliwanag ng mga pangyayari ng isang tao
Halimbawa:

 Class Reporting o Pag-uulat sa Klase


 Pagbibigay ulat o pagbabalita sa radio at telebisyon
 Pagtuturo ng guro

You might also like