You are on page 1of 3

 For the Holy Catholic Church, for Francis our pope, Dennis our bishop, and for all

bishops, and priests we pray to the Lord:


Lord Hear Our Prayer

 For all the leaders, that they would work together to promote the good of all, we pray
to the Lord:
Lord Hear Our Prayer

 For our school community: that we would continue to form the minds and hearts of all
students, allowing them to grow in faith and intellect, we pray to the Lord:
Lord Hear Our Prayer

 For our graduates: that they would excel in everything they do, and that they would
carry the love of Christ with them always, we pray to the Lord:
Lord Hear Our Prayer

 In thanksgiving for those who have helped our graduates achieve excellence: for all the
parents, relatives, teachers, school staff, clergy, and community members, we pray to
the Lord:
Lord Hear Our Prayer

 For all those who have died, and those who are ill in body, mind and spirit be comforted
by the healing power of God, we pray to the Lord:
Lord Hear Our Prayer

 For our own needs and intentions, that we now recall in our hearts, we pray to the Lord:
Lord Hear Our Prayer

Pari: Bilang isang sambayanan na humihingi sa patnubay at habag ng Diyos sa pamamagitan


ng Banal na Espiritu, halina at sama-sama tayo manalangin.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!

 Para sa mga namumuno sa Simbahan, upang mapangunahan nila ang Bayan


ng Diyos sa pagtitiwala sa Kanyang katapatan sa Kanyang mga pangako,
manalangin tayo sa Panginoon!
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!
 Para sa mga namumuno sa ating bansa, upang mag-ibayo ang kanilang
pagtitiwala sa Diyos sa kabila ng mga hirap na dulot na ating kinakaharap at
upang matulungan ang ating mga mamamayang makaahon, manalangin tayo
sa Panginoon!
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!
 Para sa ating minamahal na paaralan, Colegio de Santiago Apostol, upang
patuloy nitong mahubog ang puso at isipan ng ating mga mag-aaral na
nakatuon sa turo ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon!
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!
 Para sa mga minamahal nating mag-aaral, upang sila ay patuloy na
magtagumpay sa kanilang minimithi sa buhay sa ikapagkakamit ng kanilang
mga pangarap, manalangin tayo sa Panginon!
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!
 Para sa mga taong nagiging instrumento sa ikatatagumpay ng ating mga mag-
aaral, sa lahat ng mga magulang, guro, at bumubuo ng ating paaralan,
manalangin tayo sa Panginoon!
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!
 Para sa mga taong tumulong sa kanilang mga kapatid na nangangailangan sa
panahong ito, upang puspusin sila ng Diyos ng ligaya at katiwasayan sa
buhay, manalangin tayo sa Panginoon!
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!
 Para sa mga taong nanghihina ang tiwala sa kabaitan ng Poong Maykapal,
upang maramdaman nila ang mahiwagang paggalaw ng Diyos sa kanilang
buhay at sa gitna ng kanilang mga suliranin, manalangin tayo sa Panginoon!
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!
 Para sa ating lahat na nagkakatipon sa pagdiriwang na ito, upang matuto
tayong pahalagahan at pagyamanin ang mga biyayang natatanggap natin sa
Diyos, manalangin tayo sa Panginoon!
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!
Pari: Ama naming Makapangyarihan, sa aming sama-samang paglapit sa Iyo, nawa’y igawad
Mo sa amin na Iyong bayan ang paggabay at karunungan na nagmumula sa Banal na
Espiritu, Ikaw na naghahari, kasama ni Hesukristong aming Panginoon, magpasawalang
hanggan.

Bayan: Amen.

You might also like