You are on page 1of 8

5

MAPEH (HEALTH)
Ikalawang Markahan – Modyul 6 Week 10:
Kasarian at Seksuwalidad

Locally Developed Self-Learning Material


Kasarian at Seksuwalidad Health 5

MAPEH (Health) – Grade 5


Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Module 6 Week 10: Kasarian at Seksuwalidad

First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module

Writer: Mary Ann A. Aglibot, LPT


Content Editor: Saturnino D. Dumlao
Reviewer: Jose C. Tala (whoever reviewed)

Management Team:
Schools Division Superintendent : Leilani Samson Cunanan, CESO V
Asst. Schools Division Superintendent : Maylene M. Minimo, EdD, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Ariel C. Lansang
Education Program Supervisor, LRMDS : Jose C. Tala, EdD
Education Program Supervisor, MAPEH : Saturnino D. Dumlao
District Supervisor, I-C : Josefina T. Macapagal
School Principal : Marites C. Calara, EdD
Printed in the Philippines by Department of Education – SDO of Olongapo City
Office Address: Gordon Avenue, Asinan, Olongapo City
Contact Nos: 222-2568 / 603-0570
E-mail Address: olongapocity@deped.gov.ph

2
Kasarian at Seksuwalidad Health 5

Sa ating lipunan, napakaraming puwersa ang nakaiimpluwensiya sa mga


pananaw at paniniwala ng mga tao hinggil sa kasarian at seksuwalidad. Ang
pamilya, kultura at tradisyon, paniniwalang espiritwal at relihiyon, moralidad at
maging ang lipunan ay ilan sa mga impluwensiyang ito. Mahalaga sa isang
mag-aaral na katulad mong nasa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata ang
maunawaan ang mga isyung may kinalaman sa kasarian at seksuwalidad.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natatalakay ang pagkakaiba ng kasarian at seksuwalidad (H5GD-lj-12)


2. Natutukoy ang mga salik na nakaiimpluwensiya gender identity at gender
roles (H5GD-lj-13)
3. Natatalakay kung paano palakasin ng pamilya, media, relihiyon,
paaralan at lipunan ang gender roles. (H5GD-lj-13)
4. Nakapagbibigay ng halimbawa kung paano nagbabago ang gender
roles (H5GD-Lj-14)

KASARIAN AT SEKSUWALIDAD

(Sanggunian: Masigla at Malusog na Katawan at Isipan pp. 174-178)

SEX O KASARIAN

- Tumutukoy sa katayuang biyolohikal o kasarian ng tao katulad ng babae,


lalaki, at intersex.
- Intersex: salitang ginagamit upang tukuyin ang isang tao na hindi
malaman kung ang kaniyang kasarian ay lalaki ba o babae hanggang
sa dumating ang panahon ng puberty upang malaman kung anong
katangiang pangkasarian ang mas nakalalamang.

Mga Indikasyong nakapagsasabi na ang isang tao ay Lalaki o Babae:

 Sex Chromosome
o Malasinulid na bahagi ng DNA na nagdadala ng katangian ng
isang tao.
o 23 pares ng chromosome at ang dalawang sex chromosome.

3
Kasarian at Seksuwalidad Health 5

o dalawang X chromosomes sa babae; isang X at Y chromosome


para sa lalaki

Ang sex chromosome ang nagsasabi kung ang tao na nasa sinapupunan
pa lamang ng ina ay magiging lalaki o babae. Lalaki ang nagdidikta ng
kasarian ng magiging sanggol sa sinapupunan ng babae sa panahon ng
pagbubuntis.

 Gonad
o Glandula ng reproduksyon
o Gonad ng lalaki: may dalawang testis na kapwa gumagawa ng
sperm cells
o Gonad ng babae: may dalawang obaryo na naglalabas ng
hinog na itlog

Ang pagsasama ng itlog at sperm ang simula ng isang bagong buhay sa


loob ng sinapupunan ng babae.

 Reproductive Organ
o Mahahalagang bahagi ng katawan upang mapanatili at
pagpatuloy ang salinlahi

Kapwa lalaki at babae ay binubuo ng organ na nagiging daan upang


ang itlog ng babae at sperm ng lalaki ay magtagpo sa loob ng katawan ng
babae. Ang panloob na bahagi naman ng babae ang magiging kanlungan ng
sanggol sa bahay-bata sa loob ng siyam na buwan.

GENDER

- Kasarian ng tao batay sa saloobin, damdamin at kaugalian batay sa


isang kultura at paniniwala na iniuugnay sa kasariang biyolohikal ng tao
- Gender-normative: ugali na sumasang-ayon at katanggap-tanggap sa
paniniwala at kultura ng isang grupo, oamayanan o lipunan
- Gender-nonconformity: hindi katanggap-tanggap

-Mga Paniniwala at Gawain ng gender-normative-

1. Ang ama ang dapat masunod at magbigay ng huling desisyon sa


tahanan o solusyon sa suliraning pampamilya. Siya rin ang nararapat
magtrabaho upang may panustos sa pamilya.

4
Kasarian at Seksuwalidad Health 5

2. Ang lalaki ang dapat gumawa ng mga mabibigat na gawain


samantalang ang mga kababaihan ang dapat gumagawa ng mga
gawaing-bahay kagaya ng pagluluto, paglalaba, pamamalantsa.
3. Hindi dapat nakikialam sa problema at away pamilya ang mga
kapitbahay at ibang tao dahil lalaki ang nagreresolba nito sa nais niyang
paraan

-Mga Paniniwala at Gawain ng gender-nonconformity-

1. Isang kahihiyan sa pamilya ang magkaroon ng bakla o lesbinanang


anak.
2. Ang babaeng may asawa at may ibang karelasyon ay hindi katanggap-
tanggap at nilalapastangan ang kaniyang asawa at pamilya.
3. Hindi tanggap ng karamihan na magkaroon ng babaeng tsuper ng bus,
jeep at taxi dahil hindi sila kasing husay ng mga lalaking tsuper.
4. Hindi nararapat na magsuot ng pambabae ang isang lalaki at ang isang
babae ng panlalaking kasuotan.
5. Ang babae ay nararapat na sundin ang iniutos ng asawa, anuman ito.
Dapat siyang magsilbi at maglingkod sa kaniyang asawa.

Mga Salik na Nakaapekto sa Pagpili ng Gender Identity

 Pamilya
o Dito unang makikita at mararanasan ang mga gender roles ng
bawat kasarian
o Dito tinuturo ang gawaing pambabae at panlalaki
 Relihiyon
o Binabatay sa turo ng simbahan ang nararapat na gender identity
at mga gawaing angkop sa pisikal na kasarian
o Bukod sa Kristiyano, maimpluwensiya rin ang turo ng Islam—bawal
ang paglihis ng kasarian na inaatang ng Maykapal sa isang tao.
 Paaralan
o Pangalawang tahanan ng bata
o Dito ipinagkakatiwala ng mga magulang at tagapag-alaga ang
pagtuturo ng bagong kaalaman, kasanayan, at saloobin ng anak
o Malakas ang impluwensiya ng paaralan sa pagbibigay at
pagsasalin ng mga paniniwala, opinyon at magiging
pagkakakilanlan ng isang bata sa kaniyang sarili sa hinaharap

5
Kasarian at Seksuwalidad Health 5

 Media
o Kabilang dito ang mga pahayagan, radyo, telebisyon, prlikula,
teleserye, bulletin board, Internet at iba pang pinagkukunang
impormasyon ng tao
o Napakalakas ng impluwensiya ng media sa kaalaman at
pagpapahalaga ng tao.
 Lipunan
o Malakas ang impluensiya ng lipunan sa pagpili ng ninanais na
kasarian ng isang tao
o Matatalik na kaibigan, kamag-aral, kapitbahay at kasama sa
trabaho

PAGSASANAY A

Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang hinihinging salita ng bawat
bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
____________1. ( N, R, A, V, I, T, O, M,E): ugaling sumasang-ayon at katanggap-
tanggap sa lipunan
____________2. (E, I, M, A, D): kasama rito ang mga pajhayagan, radyo at iba
pang pinagkukunang impormasyon ng tao
____________3. (G, N, D, O ,A): glandula ng reproduksyon ng tao
____________4. (S, T, E, S, I,T): glandula ng reproduksyon ng lalaki
____________5. (K, S, R, I, A, N, A, A): katayuang biyolohikal ng isang tao
____________6. (O,O,B,R,Y,A): glandula ng reproduksyon ng babae
____________7. (N, C, O, N, F, R, I, Y, T, O, N, O, M): ugaling hingi katanggap-
tanggap sa lipunan
____________8. (A, L, P, I, M, Y, A): dito unang nakikita at nararanasan ang mga
gender roles ng bawat kasapi
____________9. (Y, A, S, I, M) : bilang ng buwan ang sanggol ay mananatili sa
sinapupunan ng babae.
____________10. (S,E,R,P,M): ginagawa ng glandulang reproduksyon ng lalaki

6
Kasarian at Seksuwalidad Health 5

PAGSASANAY B
Panuto: Tignan sa hanay B ang mga pahayag na aangkop sa mga salita sa
hanay A. isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A B
_____1. Paaralan A. Sa paniniwalang gender-normative, siya
ang dapat masunod sa pamilya.
_____2. Relihiyon B. Pares ng chromosomes sa katawan ng tao
_____3. XY C. Sa oaniniwalang gender-nonconformity,
siya ang dapat sumunod sa utos ng asawa
_____4. Babae D. Dito ipinagkakatiwala ng magulang ang
kanilang mga anak
_____5. Ama E. Dito unang tinuturo ang gawaing
pambabae at gawaing panlalaki
_____6. Gender F. Kasama rsa salik na ito ang turo ng Islam
na bawal lumihis sa kasariang inaatang ng
Maykapal
_____7. Reproductive organ G. Ito ang dahilan kung bakit napapanatili
ang pagpapatuloy ng salinlahi
_____8. 23 H. Ito ang kasarian ng tao batay sa saloobin,
damdamin, at kaugalian
_____9. XX I. Chromosomes ng babae
_____10. Pamilya J. Chromosomes ng lalaki

7
8
PAGSASANAY B PAGSASANAY A
1. D 1. NORMATIVE
2. F 2. MEDIA
3. J 3. GONAD
4. C 4. TESTIS
5. KASARIAN
5. A
6. OBARYO
6. H
7. NONCONFORMITY
7. G
8. PAMILYA
8. B 9. SIYAM
9. I 10. SPERM
10. E
SUSI SA PAGWAWASTO
Health 5 Kasarian at Seksuwalidad

You might also like