You are on page 1of 10

5

MAPEH (HEALTH)
Ikalawang Markahan – Modyul 2 Week 3-4:
Mga Paniniwala Tungkol sa
Pagbibinata at Pagdadalaga

Locally Developed Self-Learning Material


Mga Paniniwala Tungkol sa Pagdadalaga at Pagbibinata Health 5

MAPEH (Health) – Grade 5


Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Module 2 Week 3-4: Mga Paniniwala Tungkol sa Pagdadalaga at
Pagbibinata

First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module

Writer: Mary Ann A. Aglibot, LPT


Content Editor: Saturnino D. Dumlao
Reviewer: Jose C. Tala

Management Team:
Schools Division Superintendent : Leilani Samson Cunanan, CESO V
Asst. Schools Division Superintendent : Maylene M. Minimo, EdD, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Ariel C. Lansang
Education Program Supervisor, LRMDS : Jose C. Tala, EdD
Education Program Supervisor, MAPEH : Saturnino D. Dumlao
District Supervisor, I-C : Josefina T. Macapagal
School Principal : Marites C. Calara, EdD

Printed in the Philippines by Department of Education – SDO of Olongapo City

2
Mga Paniniwala Tungkol sa Pagdadalaga at Pagbibinata Health 5

Office Address: Gordon Avenue, Asinan, Olongapo City


Contact Nos: 222-2568 / 603-0570
E-mail Address: olongapocity@deped.gov.ph

Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, ang isang tao ay


nakararanas ng mga pagbabago sa katawan. Ang mga pagbabagong ito, na
iyong natutunan sa nakaraang aralin ay normal at bahagi ng iyong paglaki at
paghahanda sa isang malaki at mahalagang gampanin mo sa buhay.
Kaakibat ng mga pagbabagong ito sa panahon ng puberty ay ang mga
paniniwalang Pilipino, at marami rito ay walang siyentipikong basehan kung
gayon ay hindi dapat paniwalaan

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nailalarawan ang mga maling paniniwala tungkol sa puberty


2. Nasusuri ang mga isyu ayon sa pagkakaroon ng medical at siyentipikong
batayan (H5GCD-Icd-3; H5GCD-Iab-4)

MGA PANINIWALA TUNGKOL SA PAGDADALAGA AT PAGBIBINATA

(Sanggunian: Masigla at Malusog na Katawan at Isipan pp. 156-159)

Mga Paniniwala Tungkol sa Pagkakaroon ng Regla

1. Bawal maligo ang isang babae sa panahon ng kabuwanan o pagreregla


o Maling Paniniwala
 mayroong masamang maidudulot sa pag-iisip
 ang babaeng naligo sa kanyang kabuwanan ay mababaliw
o Siyentipikong paliwanag
 Walang nakikitang koneksyon ang pagligo sa panahon ng
kabuwana at pagkabaliw ng babae
 Ang pagligo araw-araw lalo na sa panahon ng kabuwanan
ay mainam—malilinis ang katawan at magiging maganda
ang pakiramdam
 Madalas na hugasan ang ari upang matanggal ang
malansang amoy at maiwasan ang pagdami ng mikrobyo
na magiging sanhi ng impeksyon

3
Mga Paniniwala Tungkol sa Pagdadalaga at Pagbibinata Health 5

2. Bawal magbuhat ang isang babae ng mabibigat na bagay o kaya ay


magtrabaho ng mabibigat na gawain sa panahon ng kabuwanan
o Maling Paniniwala
 Sinasabi na kapag nagbuhat nang mabigat, mapipigil ang
paglabas ng dugo na makasasama sa kalusugan
o Siyentipikong Paliwanag
 Ang pagbubuhat ng bagay ay isang uri ng ehersisyo na
nakatutulong maibsan ang kirot na dulot ng
dysmenorrhea.

3. Bawal makilahok sa mga gawain na pampalakasan o isports at ehersisyo


ang isang babae sa panahon ng kabuwanan
o Maling Paniniwala
 Makapagdudulot ang paglahok sa mga gawaing
pampalakasan ng pagpapatagal ng pagreregla at mas
maraming dugo ang lalabas sa katawan
o Siyentipikong Paliwanag
 Ayon sa pag-aaral, ang pagsali sa gawaing pampalakasan
at pag-eehersisyo ay nakapagdudulot ng magandang
pakiramdam sa katawan
 Endorphins
- Inilalabas ng katawan sa panahong sktibo ang tao sa
mga pisikal na gawain
- Natural na painkiller ng katawan na pumipigil o
pumapatay sa sakit na nararamdaman

4. Bawal sa isang babae sa panahon ng kabuwanan na kumain ng kahit na


anong uri ng maasim at maalat na pagkain
o Maling Paniniwala
 Ang pagkain ng ganitong uri ng pagkain ay
nakapagpapatigil ng daloy ng dugo na magiging dahilan ng
hindi paglabas ng mga dumi sa katawan
o Siyentipikong Paliwanag
 Ang mga maasim na prutas ay mayaman sa bitamina C na
nakatutulong sa katawan

4
Mga Paniniwala Tungkol sa Pagdadalaga at Pagbibinata Health 5

 Ang pagbabawas namn ng pagkain ng maalat ay mainam


dahil sa masamang epekto ng sobrang pagkain nito sa
katawan
 Mabuting panghugas o pampahid ng mukha ng babae ang unang regla
o Maling Paniniwala
 Ang pagpahid nito ay mainam upang makabawas o
makatanggal ng mga tigyawat
o Siyentipikong Paniniwala
 Ang mukha ng isang nagbibinata o nagdadalaga ay normal
na nagiging pawisin dahil sa pagiging aktibo ng sweat at oil
glands
 Ang tamang paglinis ng mukha ay ang paggamit ng tubig at
sabon na hindi matapang at pagdampi ng malinis na
tuwalya

Mga Paniniwala Tungkol sa Pagdadalaga

 Ang pagpapatuli ay nakapagpapabilis ng pagtangkad


o Maling Paniniwala
 Ang pagpapaliban ng pagpapatuli ay nangangahulugang
hindi pagtangkad at paglaki ng isang lalaki
o Siyentipikong Paliwanag
 Inaakala ng karamihang Pilipino na ang pagappatuli ang
dailan ng mabilis na pagtangkad dahil sabay ang
pagpapatuli ay ginagawa sa panahon ng pagbibinata
 Ang pagbibinata at hindi pagpapatuli ang dahilan ng
pagtangkad
 Nagpapatuli ang isang lalaki upang maiwasan ang
impeksyon
 Kapag nakita ng babae ang ari ng bagong tuli na lalaki, ito ay
mamamaga at mas matagal gumaling
o Maling Paniniwala
 mahigpit na ipinagbabawal na makita ng babae ang ari ng
bagong tuli dahil ito ay mangangamatis at tatagal gumaling
o Siyentipikong Paliwanag
 Hindi maiiwasang maimpeksyon ang ari ng bagong tuli dahil
ito ay sariwang sugat

5
Mga Paniniwala Tungkol sa Pagdadalaga at Pagbibinata Health 5

 Dapat hugasan ito ng maligamgam na tubig araw-araw,


panatilihing tuyo, palitan ng gasa upang maiwasan ang
impeksyon
 Inuman ng gamut na inireseta ng doktor—anti-inflammatory/
antibiotics
 Ang pagkakaroon ng nocturnal emission o wet dream ay may kinalaman
sa pag-iisip ng tungkol sa sekswal na kaisipan
o Maling Paniniwala
 Ang nocturnal emission ay makasalanan at dapat pigilan o
ipahinto
o Siyentipikong Paliwanag
 Ang nocturnal emission o wet dream ay isang natural na
pangyayari sa isang nagbibinata
 Normal sa isang nagbibinata at hindi dapat ikatakot o
ikahiya

PAGSASANAY A

Panuto: Isulat ang MP kung ang pahayag na isinasaad ng pangunugsap sa


bawat bilang ay isang maling paniniwala tungkol sa pagdadalaga o
pagbibinata ng isang tao, at SP naman kung ito ay siyentipikong paliwanag.

_____1. Ang pagsali sa volleyball habang nakakaranas ng buwang dalaw ay


makakapagpatagal ng pagreregla at mas maraming dugo ang lalabas sa
katawan.

_____2. Binilinan ni Aling Cely si Lourina na huwag kumain ng maaasim na


pagkain dahil mayroon siyang regla.

_____3. Pinaalalahanan ni Mang Ado si John na wala siyang dapat katakutan sa


nararanasang nocturnal emission o wet dream.

_____4. Ang pagligo araw-araw lalo na kapag nireregla ang isang


nagdadalaga ay nakatutulong upang malinis ang kaniyang katawan.

_____5. Laging pinagsasabihan ni Aling Maria si Densia na huwag magbubuhat


kapag may buwanang dalaw sapagkat mapipigil daw ang paglabas ng
kaniyang regla.

6
Mga Paniniwala Tungkol sa Pagdadalaga at Pagbibinata Health 5

_____6. Ang tamang paglilinis ng mukha ay ang paggamit ng tubig at sabon na


hindi matapang at pagdampi ng malinis na tuwalya.

_____7. Hindi naniwala si Nigel sa sabi ng kaniyang kalaro na huwag ipakita ang
kaniyang bagong tuling ari sa ina. Sa halip, tinulungan pa siya ng ina na linisin
ito kasabay ang pag-inom antibiotic na inireseta ng doktor sa kaniya.

_____8. Ang pagbubuhat ng mga bagay ay isang uri ng ehersisyo na


nakatutulong maibsan ang kirot na dulot ng dysmenorrhea.

_____9. Hindi naliligo si Riana kapag mayroon siyang buwanang dalaw sa takot
na baka siya ay mabaliw.

_____10. Pinapahid ni Aling Mayang ang menarche ni Jezah sa mukha niya


upang matanggal o mabawasan daw ang tigyawat ng nagdadalagang si
Jezah.

PAGSASANAY B

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungnusap sa bawat bilang. Piliin


at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang paniniwalang “ang pagpapatuli ay nakapagpapabilis ng


pagtangkad” ay mayroong kaakibat na siyentipikong paliwanag. Alin sa
mga sumusunod ang paliwanag sa paniniwalang ito?

a. Ang pag-eehersisyo ay nakatutulong upang maibsan ang kirot na


dulot ng dysmenorrhea
b. Ang pagbibinata at hindi ang pagpapatuli ang nakapagdudulot
ng mabilis na pagtangkad ng isang lalaki. Ang pagpapatuli ay
isinasagawa upang maiwasan ang impeksyon.
c. Ang tamang paglilinis ng mukha ay ang paggamit ng malinis na
tubig at sabon pati na rin ang pagdampi ng malinis na tuwalya.
d. Ang nocturnal emission ay normal sa isang lalaki at walang dapat
ikatakot.

2. Bakit mainam na iwasan ang pagkain ng mga maaalat na pagkain lalo


na kapag mayroong buwanang dalaw ang isang babaeng nagdadalaga?

a. Dahil sa masamang epekto ng sobrang pagkain nito sa katawan.

7
Mga Paniniwala Tungkol sa Pagdadalaga at Pagbibinata Health 5

b. Dahil maaaring mamaga o mangamatis ang ari na


nakapagpapatagal ng paggaling nito.
c. Dahil ito ay isang makasalanang gawain at dapat ipahinto.
d. Dahil maaaring mabaliw ang isang babae kapag kumain ito ng
maalat na pagkain kung nireregla.
3. Kapag ang katawan ay naging aktibo sa pisikal na gawain, anong
natural na painkiller ang inilalabas nito?
a. Adrenaline
b. Endorphin
c. Serotonin
d. Leptin

4. Naniniwala si Kate na ang pagligo kahit mayroong buwanang dalaw ay


mainam na gawain para sa katulad niyang nagdadalaga. Ano ang
siyentipikong paliwanag sa paniniwalang mayroon ang dalaga?
a. Naliligo si Kate upang hindi siya mabaliw.
b. Naliligo si Kate upang mas mapabilis ang kaniyang pagtangkad.
c. Naliligo si Kate upang malinis ang kaniyang katawan at maging
maganda ang kaniyang pakiramdam.
d. Naliligo si Kate upang makakuha siya ng bitamina C sa tubig mula
sa shower.

5. Isang mainam na ehersisyo para sa mga nagdadalagang may


buwanang dalaw ang pagbubuhat sapagkat naiibsan ang kirot na dulot
ng?
a. Loose Bowel Movement
b. Headache
c. Nausea
d. Dysmenorrhea

6. Sa papaaanong paraan gagaling at maiiwasan ang impeksyon ng ari ng


isang lalaki pagkatapos niyang magpatuli?
a. Hugasan ng maligamgam na tubig araw-araw.
b. Panatilihing tuyo
c. Uminom ng antibiotics na inireseta ng doktor.
d. Lahat ng nabanggit

8
Mga Paniniwala Tungkol sa Pagdadalaga at Pagbibinata Health 5

7. Ang pagkain ng maaasim na pagkain tulad ng citrus fruits ay


nakatutulong sa pagpapanatili ng magandang kalusugan lalo na kapag
may buwanang dalaw sapagkat ito ay mayaman sa anong bitamina?
a. Bitamina C
b. Bitamina X
c. Bitamina Y
d. Bitamina Z

8. Ang nocturnal emission ay isang makasalanang gawain at dapat pigilan


o ipahinto. Anong uri ng pahayag ang pangungusap?
a. Maling paniniwala
b. Siyentipikong paliwanag
c. Maling paniniwala at siyentipikong paliliwanang
d. Wala sa nabanggit

9. Bakit sinasabi sa pag-aaral na ang pagsali sa gawaing pampalakasan at


pag-eehersisyo kapag may buwanang dalaw ang isang nagdadalaga
ay nakapagdudulot ng magandang pakiramdam sa katawan?
a. Ito ay isang normal na pangyayari sa nagbibinata.
b. Ang katawan ay nakapaglalabas ng endorphin na pumipigil o
pumapatay sa sakit ng katawan.
c. Dahil ang pag-eehersisyo ay nakatutulong upang hindi mabaliw.
d. Ang pagsali sa gawaing pampalakasan ay nakatutulong upang
mabilis na tumangkad ang nagdadalaga.

10. Anong glands ang nagiging aktibo sa isang taong dumadaan sa proseso
ng pagdadalaga o pagbibinata na nagiging dahilan kaya nagiging
pawisin at malangis ang kaniyang mukha?
a. Pituitary gland
b. Endocrine glands
c. Sweat at oil glands
d. Thyroid gland

9
10
Susi sa Pagwawasto Susi sa Pagwawasto
PAGSASANAY B PAGSASANAY A
1. B 1. MP
2. A 2. MP
3. B 3. SP
4. C 4. SP
5. D 5. MP
6. D 6. SP
7. A 7. SP
8. A 8. SP
9. B 9. MP
10. C 10. MP
Health 5 Mga Paniniwala Tungkol sa Pagdadalaga at Pagbibinata

You might also like