You are on page 1of 24

4

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan

(ICT/Entrepreneurship)
Ikaapat na Markahan –Modyul 1
Ang Entrepreneur at
Mga Uri ng Negosyo
Edukasyon sa Pantahanan at Pangkabuhayan– Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Ang Entrepreneur at Mga Uri ng Negosyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Tagapamanihala: Bianito A. Dagatan EdD, CESO V
Pangalawang Tagapamanihala: Danilo Gudelusao
Faustino Toradio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eugene B. Arac MAEM


Emmylou P. Berenguel
Editors: Reynaldo D. Anto EdD, Grace P. Mendez PhD, Ma. Pamela Cenita PhD,
Tagasuri: Renato D. Calamba PhD, Amelita Credo, Isidora Codilla, Carlito Fuentes Jr.
Jocelyn T. Rotersos Rogelia Beltran, Luzviminda Barro, Virginia G. Gamil,
Lilibeth Carias Rosalina L. Centinales
Tagapamahala: Bianito A. Dagatan EdD, CESO V
Carmela S. Restificar PhD
Grace P. Mendez PhD
Josephine D. Eronico PhD

Department of Education – Region VII, Division of Bohol


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone Nos. (038) 412- 4938 (038) 411-2544 (038) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph
4

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikaapat na Markahan –
Modyul 1
Ang Entrepreneur at
Mga Uri ng Negosyo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan sa
Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang
Entrepreneur at Mga Uri ng Negosyo.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

MgaTala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan sa Ikaapat na Baitang
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Entrepreneur at Ang Mga Uri ng
Negosyo !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing

iii
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulatang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawainsa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo

iv
Alamin

Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Modyul na ito bilang kagamitan sa
pagaaral nitong panahon ng bagong normal. Sa kabila ng krisis na ating hinaharap sa
kasalukuyan, ang iyong pagkatuto ay dapat maipagpatuloy. Magiging kasama mo itong
modyul sa pag –aaral ng EPP sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman tungkol sa
pagiging entrepreneur at ang mga uri ng negosyo na maaari mong gawing mapagkakakitaan
at ng iyong pamilya o mga kakilala. Ang iyong kaalamang matutunan ay magiging kaakibat
sa papapaunlad ng iyong pag-aaral at maging sa antas ng iyong buhay.
Pag-aaralan sa modyul na ito ang kahulugan at kahalagahan ng entrepreneur, mga
katangian nito at mga uri ng negosyo na puwedeng gawing pagkakakitaan na makakatulong
sa pang araw araw nating buhay. Magkakaroon ka nang lubos na kaalaman sa uri ng negosyo
na puwede mong pasukin at gawing hanapbuhay lalo na sa panahon ng pandemya .
Malilinang din ang iyong kakayahan sa paghahanap ng mga bagong diskarte upang lumaki,
kumita at umunlad ang iyong negosyo.
Ang modyul na ito ay may tatlong kompetensi para sa mga gawain sa unang
modyul .
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, inaasahan sa iyo na:
* naipapaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng “ entrepreneurship”
( EPP4IE-0a-1)
*natatalakay ang mga katangian ng isang entrepreneur ( EPP4IE-0a-2)
*natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo (EPP4IE-0b-4)

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.


1. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagtuklas ng mga bagong paraan o paglikha upang
mapalawak ang isang negosyo.
a. Entrepreneurship c. ICT
b. Home Economics d. Industrial Arts
2. Ano ang tawag sa isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at
nakikipagsapalaran sa isang negosyo?
a. Entrepreneur c. Mag-aaral
b. Direktor d. Janitor

1
3. Alin sa mga sumusunod na negosyo ang nag- aayos ng mga sirang parte ng
sasakyan?
a.Vulcanizing Shop c. Restaurant Services
b. Home Carpentry d. Printing Press
4. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang entrepreneur?
a. Mayabang c. Mahiyain
b. Matapat d. Maraming kaaway
5. Anong serbisyo ang iniaalok ng isang printing press?
a. nag-aayos ng mga sirang gamit sa bahay
b. gumagawa ng mga lay-out at nag-iimprenta maging ito’y mga magasin, diyaryo,
libro at iba pang mga babasahin
c. gumagawa ng iba’t ibang uri ng kasuotang pambabae at panlalaki
d. nagtitinda ng mga lutong pagkain

Kahulugan at Kahalagahan
Aralin
ng Entrepreneurship at mga
1 Katangian ng isang
Entrepreneur
Sa araling ito ay tatalakayin at ipapaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng
entrepreneurship at natatalakay ang mga katangian ng isang entrepreneur.

BALIKAN

Ano nga ba ang kahulugan ng Entrepreneurship?

 Ito ay nagmula sa salitang Pranses (French) na “Entreprende” na nangangahulugang


“isagawa”. Ito’y “magsagawa, mangasiwa, maghanap ng pagkakataon, o tuparin ang
pangangailangan sa pamamagitan ng pagbabago (innovation) at pagpapakilala ng mga
negosyo.
 Ang salitang Entreprende ay unang makikita sa French dictionary noong 1723.
 Ang salitang ugat ng entrepreneurship ay entrepreneur.
 Ang hulapi (suffix) na –ship ay ang nagpapahiwatig sa kondisyon at kalidad ng mga grupo ng
tao. Entrepreneur + ship
 Ang entrepreneurship ay pagpapahiwatig ng katangian ng pagiging entrepreneur.
 Ang Entrepreneurship ay ang proseso ng pagtuklas ng mga bagong paraan o paglikha upang
mapalawak ang isang negosyo. Upang maging isang matagumpay na entrepreneur mahalaga
na paunlarin mo ang iyong mga kasanayan sa pamamagitan ng edukasyon, networking at
pananaliksik.

2
 Ang isang entrepreneur ay isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at
nakikipagsapalaran sa isang negosyo.
 Ang entrepreneur at negosyante ay hindi magkapareho.
 Ang negosyante (businessman) ay isang tao na nasa komersiyo na naglalayun na
kumita ng pera.
 Ang negosyo (business) ay isang samahan (organization) kung saan na ang mga
manggagawa ay nagtutulong-tulong upang kumita ng pera.
 Ang kahulugan ng entrepreneur ay nagbabago sa bawat takbo ng panahon. Ito ay dahil
nagbabago rin ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat tao.
 Halimbawa, ngayon mayroon quarantine, mayroon mga panibagong problema na
dumating na dapat bigyan ng solusyon.

Entrepreneur Entrepreneurship Enterprise

The Person The Process The Outcome

Kagandahan sa pagiging isang Entrepreneur

● Ang mga Entrepreneur ay siyang mga boss sa isang negosyo. Sila ang mga
nagdedesisyon at nakapipili sila kung ano ang kanilang gagawin.
● Ang pagiging Entrepreneur ay nagkakaroon ng malaking posibilidad na
magkaroon ng mas malaking income kaysa maging isang empleyado lamang.
● Ang mga Entrepreneur ay tumutulong sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng
kanilang mga makabagong ideya.

Katangian ng isang entrepreneur:


- Handang makipagsapalaran
- May matatag na loob
- May tiwala sa sarili, kakayahan at pagpaplano
- Magaling gumawa ng desisyon
- Masipag sa trabaho
- Masigasig
- Marunong lumutas ng suliranin
- Napapaunlad ang pamamahala
- Nauunawaan ang pangangailangan ng mga tao
- Handang tumulong sa pamamagitan ng kanyang Negosyo
- Hindi mapagsamantala
- May kasanayan at kaalaman sa produktong ipinagbibili

3
TUKLASIN

Basahin at pag-aralan ang usapan.

Photo Credits: Scanned from DepED LM


Ano ang napansin sa usapan? Anong kaugalian ang ipinapakita ng mga nagsasalita?
Isulat ang inyong mga kasagutan sa loob ng guhit na isang telebisyon.

4
Ang mga salitang nabanggit ay ang mga nararapat na sagot ng isang batang
magalang, matulungin, totoo, marunong magpasalamat, at magbigay halaga sa nagawang
serbisyo.
Sa simpleng usapan, napansin mo ba na ang bawat negosyo ay laging gumagamit ng
mga salitang may personal touch? Dahil ang mamimili ay kailangang masiyahan sa produkto
o serbisyo, dapat mong makuha ang kanilang patuloy na pagtangkilik ng iyong negosyo
maging produkto o sebisyo man ito.

Suriin

Kahalagahan ng entrepreneur
1. Ang mga entrepreneur ay nakakapagbigay ng mga bagong hanapbuhay.
2. Ang mga entrepreneur ay nagpapakilala ng mga bagong produkto sa pamilihan.
3. Ang mga entrepreneur ay nakakadiskubre ng mga makabagong paraan na
magpahusay ng mga kasanayan.
4. Ang mga entrepreneur ay nakapaghahatid ng bagong teknolohiya, industriya, at
produkto sa pamilihan.
5. Ang entrepreneur ay nangungunang pagsamahin ang mga salik ng produksiyon
tulad ng lupa, paggawa, at puhunan upang makalikha ng produkto at serbisyo na
kailangan sa ekonomiya ng bansa.

5
Karagdagang Impormasyon sa Katangian ng Entrepreneurship
Sa pangangasiwa ng negosyo, kailangang may kasanayan at kaalaman sa produktong
ipinagbili. Ang pagtitinda ay maaaring simulan sa maliit na puhunan. Ang maliit na tindahan
ay maliit din ang nakaukol na pamamalakad. Kung malugi ka man ay maliit din ang epekto
nito. Ang pagtitipid ay isa ring katangiang dapat taglayin. Kasama nito ang paggamit ng ilaw
at tubig. Kailangang magtipid at magkaroon ng malasakit sa tindahan.

May ibat ibang uri ng tindahan na pamahalaan ng ibat ibang uri na entrepreneur.
1. Tindahang semi-permanent – pagtitinda sa bangketa. Inililigpit ang mga paninda
para ilagay sa isang bodega.

2. Tindahang di-permanent o gumagala – naglalako ng paninda sa iba’t ibang lugar


gaya ng magsosorbetes, magpuputo, magtataho, at magpi-fishball.

3. Tindahang permanente – nakaperme sa isang lugar lang

Mga Gawain Kaugnay sa Pangangasiwa ng Tindahan:


Magiging madali ang pangangasiwa ng tindahan bilang entrepreneur kung
susundin ang sumusunod na gabay:
1. Linisin ang loob at labas ng tindahan, gayundin ang eskaparate, garapon at iba pang
lalagyan.
2. Ayusin ang paninda ayon sa uri nan g madaling Makita at makuha kapag may
bumibili.
3. Tiyaking malinaw ang pagkakasulat ng presyo sa paninda.
4. Kung pagkaing luto ang itinitinda, lagyan ng takip upang hindi dapuan ng langaw at
malagyan ng alikabok.
5. Mgbigay ng tamang sukli at pagkukuwenta ng binilhan.
6. Maging matapat sa pakikipag-usap sa mamimili at ipamalas ang maayos na serbisyo.

Pagtatala ng mga Paninda:


Para umasenso ang negosyo, kailangan ng maingat, at maayos na pagtatala ukol dito.
Ang mga talaang dapat isagawa ay ang sumusunod:
a. Talaan ng pagbibili. Makikita sa talaang ito ang mga panindang mabilis na nabibili o
nauubos.
b. Talaan ng mga binibiling paninda. Ito ay talaan ng mga panindang napamili at mga
panindang lagging binibili.
c. Talaan ng mga panindang di nabibili. Nalalaman ditto ang mga panindang nakaimbak
at hindi mabili.

6
Pagtitinda ng mga Produkto:
Ang mga produkto ninyo ay maaaring mapagbili sa mga kaibigan, kamag-aral, guro,
kapitbahay at magulang. Ang kasanayan at kaalaman ay malilinang tungo sa wastong
paraan ng pagtitinda.
Ang mga produktong nagawa ay maaaring ilagay sa estante nang madaling Makita ng
mga nais bumili. Gumawa ng patalastas ukol sa produktong nais ipagbili. Ang salaping
kinita ay magagamit sa pangangailangan sa paaralan. Ang nalinang na karanasan sa
pagtitinda ay makakatulong sa kakayahan kung nais magnegosyo.

Pagyamanin

Panuto: Punan ang dayagram ng mga kahalagahan ng isang entrepreneur. Isulat sa kuwaderno
para sa iyong sipi at sa papel para ipasa sa guro.

Kahalagahan ng
entrepreneur

Isaisip

Pumili ng dalawa sa mga nabanggit na mga katangian ng isang entrepreneur at


ipaliwanag ang kahalagahan ng nasabing katangian upang magtagumpay ang isang negosyo.

Isagawa

7
Punan ang patlang ng tamang salita sa kahulugan ng “entrepreneur”.

Ang salitang ________________ ay hango sa salitang French na


_________________ na nangangahulugang “____________”. Ang isang
_____________ ay isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at
nakikipagsapalaran sa isang negosyo.

Tayahin

Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik T kung Tama at titik M naman
kung Mali. Isulat ang sagot sa kwaderno.
______1. Ang isang negosyo ay dapat walang personal touch , basta nasisilbihan ang mga
namimili.
______2. Lahat ng mamimili ay dapat komportable at nasisiyahan sa serbisyo.
______3. Ang salitang entrepreneurship ay nagmula sa salitang Espanyol na “Entreprende” na
nangangahulugang “ isagawa.

______4. Ang mga entrepreneur ay nakapaghahatid ng lumang teknolohiya, industriya,


at produkto sa pamilihan.
______5. Ang mga Entrepreneur ay tumutulong sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan
ng
kanilang mga makabagong ideya.

Karagdagang Gawain
Panuto: Lagyan ng √ kung ang katangian ay dapat taglay ng isang entrepreneur at
X naman kung hindi dapat.

_____1. Magalang _____6. Magaling gumawa ng desisyon


_____2. Mahiyain _____7. Mayabang
_____3. Matapang _____8. Walang malasakit sa kapwa
_____4. Maraming kaaway _____9. Matatag ang loob
_____5. May tiwala sa sarili _____10. Matapobre

8
Aralin

2 Iba’t Ibang Uri ng Negosyo

Sa araling ito ay tatalakayin ang mga uri ng negosyo na makikita natin sa ating
paligid.

BALIKAN
Natatandaan mo pa ba ang kahulugan at kahalagan ng entrepreneurship? Naaalala mo
pa ba ang mga katangian ng isang entrepreneur? Ang sumusunod na pagsasanay ay iyong
gawin upang malaman natin kung may natutunan ka ba sa nakaraang aralin.
Isulat ang kung tama ang isinasaad ng pahayag at naman kung mali.
_____1. Ang salitang entrepreneur ay nagmula sa salitang Italyano na entreprende.
_____2. Ang kahulugan ng entrepreneur ay nagbabago sa bawat takbo ng panahon. Ito ay
dahil
nagbabago rin ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat tao.
_____3. Talaan ng mga binibiling paninda ay tumutukoy sa talaan ng mga panindang
napamili at mga panindang laging binibili.
____4. Ang entrepreneur ay nangungunang pagsamahin ang mga salik ng produksiyon tulad
ng lupa, paggawa, at puhunan upang makalikha ng produkto at serbisyo na kailangan
sa ekonomiya ng bansa.
____5. Ang Entrepreneurship ay ang proseso ng pagtuklas ng mga bagong paraan o paglikha
upang mapalawak ang isang negosyo. Upang maging isang matagumpay na
entrepreneur mahalaga na paunlarin mo ang iyong mga kasanayan sa pamamagitan ng
edukasyon, networking at pananaliksik.

TUKLASIN
Sa ating araw-araw na pamumuhay maraming nagsulputan na mga uri ng
negosyo na nagbigay sa atin ng ibat ibang uri ng serbisyo at produkto upang matugunan ang
ating mga pangangailangan. Kung aalamin mo sa inyong pamayanan, maiisa-isa mo ba ang
mga negosyong nakapaligid sa iyo?
Sa araling ito ay tatalakayin natin ang mga uri ng negosyo sa ating
pamayanan at aalamin natin ang mga pakinabang nito sa bawat indibidwal at maging sa
buong lipunan.

9
Suriin

Iba’t Ibang Uri ng Negosyo

a. Vulcanizing Shop - nag-aayos ng mga sirang parte ng sasakyan


b. Home Carpentry- nag-aayos ng mga sirang gamit sa bahay.
c. Tailoring and Dressmaking Shop-gumagawa ng iba’t ibang uri ng kasuotang
pambabae at panlalaki
d. Shoes and Bag Company- gumagawa ng iba’t ibang uri ng sapatos at mga bag.
e. Printing Press- gumagawa ng mga lay-out at nag-iimprenta maging ito’y mga
magasin, diyaryo, libro at iba pang mga babasahin.
f. School Bus Services- sumusundo at naghahatid ng mga bata sa eskwelahan.
g. Restaurant and Catering Services- nagtitinda ng mga lutong pagkain. Naghahatid
ng mga pagkain kung may mga order sa ibat ibang uri ng okasyon.

Photo credit: flickrphotos Photo credit: ELR Printers Photo credit Hi-tech vulcanizing shop

Photo credit: JF Tailoring Photo Credit:Catering by Cielito Photo Credit: GL Glass Services

10
Pagyamanin

Tukuyin ang uri ng negosyo na dapat puntahan ayon sa mga sumusunod na pangangailangan.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
___ 1. Pagpapagupit ng buhok A. Hawk’s Gasoline Station
___ 2. Pagbibili ng asukal at kape B. Jenny’s Beauty Parlor

C. Mang Greg’s Car Shop


___ 3. Paghahanap ng masarap na
D. Ineng’s Sari-sari Store
makakainan
E. Wenny’s Restaurant
___4. Pagpapaayos ng sasakyan

___5. Pagpapalagay ng gasoline.

Isaisip
Sa inyong sariling isipan, sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang inyong
sagot sa inyong papel.

1. Anong uri ng negosyo ang patok sa inyong pamayanan? Bakit kaya?


2. Aling uri ng negosyo ang hindi patok sa inyong lugar ?Bakit naman?
3. Dapat bang magsagawa ng survey bago magtayo ng negosyo? Bakit?

Isagawa

11
Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik T kung Tama at titik M naman kung
Mali. Isulat ang sagot sa kwaderno.
_____1. Ang Home Carpentry ay nagtitinda ng mga lutong pagkain. Naghahatid ng mga
pagkain kung may mga order sa ibat ibang uri ng okasyon.
_____2. Naghahatid ng mga pagkain kung may mga order sa ibat ibang uri ng okasyon ang
Restaurant at Catering Services.
_____3. Ang nag-aayos ng mga sirang parte ng sasakyan ay ang vulcanizing shop.
_____4. Ang School Bus Services ay sumusundo at naghahatid ng mga bata sa eskwelahan.
_____5. Printing Press naman ang gumagawa ng mga lay-out at nag-iimprenta maging ito’y
mga magasin, diyaryo, libro at iba pang mga babasahin.

Tayahin

Tukuyin ang uri ng negosyo na inilalarawan sa ibaba. Isulat ang inyong


sagot sa patlang bago ang bilang.
____________1. Ito ang mga negosyong sumusundo at naghahatid ng mga bata sa
eskwelahan.
____________2. Nag-aayos ng mga sirang parte ng sasakyan.
____________3. Nagtitinda ng mga lutong pagkain. Naghahatid ng mga pagkain kung
may mga order sa ibat ibang uri ng okasyon.
____________4. Gumagawa ng iba’t ibang uri ng kasuotang pambabae at panlalaki
____________5. Gumagawa ng mga lay-out at nag-iimprenta maging ito’y mga
magasin, diyaryo, libro at iba pang mga babasahin.

Karagdagang Gawain
Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataon na makapagtayo ng isang negosyo
sa darating na panahon, anong uri ng negosyo ang iyong itatayo at bakit? Maaari mong
ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ng inyong napupusuang negosyo sa loob ng kahon at
ilahad mo dito ang dahilan kung bakit iyan ang iyong napili.

12
_________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. A
2. A
3. A
4. B
5. B
Aralin 1

Isaisip
Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang kanilang mga ideyang
ipinahayag. Tigdadalawang puntos ang ibibigay sa bawat bilang.

13
Isagawa Tayahin
1. Entrepreneurship 1. M
2. Entreprende 2. T
3. Isagawa 3. M
4. Entrepreneur 4. M
5. T

Aralin 2
Pagyamanin Isaisip
1. B Magkaiba ang sagot ng
2. D mag-aaral. Tanggapin ang
3. E mga ito ayon sa
4. C pagkakalahad ng kanyang
5. A mga ideya.Bigyan ng 5
puntos bawat tanong .

Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain


1.T 1. School Bus Services Bigyan ng 10 puntos ang
2.T 2. Vulcanizing Shop nagawa ng mag-aaral. 5
3.T 3. Restaurant at puntos ay manggagaling sa
4.T Catering Services larawang iginuhit at 5
5.T 4. Tailoring and puntos din sa paglalahad ng
Dressmaking Shop kanyang mga ideya.
5. Printing Press

14
Sanggunian
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 KM, pp.5-14, pp.28-29

EPP 4 I-Plan Quarter 4 Week 1 at 2 Day 1-5

https://tinyurl.com/y3j4f5fb
https://tinyurl.com/y5behjw6
https://tinyurl.com/yyfju2bq
https://tinyurl.com/y2t5dnzm
https://tinyurl.com/y5gy43lu
https://tinyurl.com/yyxgzq9a

15
16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bohol Division


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone: (038) 412 – 4938 (038) 411 – 2544 (038) 501 – 7550
Telefax: (038) 501 – 7550
E-mailAddress: deped.bohol@deped.gov.ph

17

You might also like