You are on page 1of 3

Angelita Consuegra June 28, 2022

BSHM

Filipino 2

GAWAIN 1

Ang istoryang pinamagatan na “Regalo sa Guro” ay tungkol sa isang maikling pagkwento

ng isang ina sa kanyang anak. Nalungkot ang batang si Ben dahil siya lang ang hindi

makakapagbigay ng regalo sa kanyang guro na pinakamamahal nya. Imbes na pangaralan sya ng

kanyang ina, ay ikinuwentuhan siya ng isang istorya galing sa isang manunulat na si Pablo

Cuasay. Tungkol ito sa isang batang si Nestor na tila namromroblema dahil palapit na ang pasko

at wala siyang maibigay na regalo sa kanyang guro na si Bb. Mirasol. Mahirap lamang ang

kanilang pamilya kaya naman ay hindi sapat ang kanilang pera upang makapagregalo katulad sa

kanyang mga kaklase. Upang maiba sa kanyang mga kaklase, sinulatan nya ng liham na galing sa

kanyang puso si Bb. Mirasol. Laking tuwa ng kanyang guro sa isinulat nyang mga pangako sa

liham at ito'y kanyang pinaramdam kay Nestor. Umuwing masaya si Nestor dahil nagustuhan ng

guro nya ang kanyang gawa.

Ang tema ng istoryang ito ay, "Ang pinakaimportanteng mga bagay sa mundo ay hindi

nabibili, ito ay galing sa puso". Ito ay isang mabuting aral na dapat matutunan habang bata pa

dahil ito ay makakatulong sa pag iisip ng iba na dapat bongga lagi ang bigay upang magustuhan

o matanggap ng taong gusto nila. Hindi lahat ng salapi ay kumikinang, minsan ito ay isang liham,
isang aksyon o pananalita. Ang kuwento na ito ay isang halimbawa ng isang malikhaing istorya.

Ang nag ulat nitong kwento ay may nais ipahayag, magparamdam ng kaniyang nais iparamdam

at naglikha gamit ang kaniyang imahinasyon upang mailahad ang kanyang opinyon.

GAWAIN 2

Mga Nanalong Pulitiko Noong Nakaraang Eleksyon

Isang makasaysayan na eleksyon ang naganap noong ika-9 ng Mayo, 2022. Inasahan na

ito ng karamihan ngunit hindi matanggap ng sambayanan. Si Bongbong Marcos ay ang nagwagi

ng posisyon bilang pagkapangulo at si Sarah Duterte naman ang nagtagumpay bilang bise

presidente. Dalawa silang anak ng mga nakaraang presidente na pinakakilala bilang mga

diktador, walang pakialam sa karapatang pantao at sa korapsyon. Ang sabi ng mga bumoto sa

kanila ay dapat hindi isisi ang mga kamalian ng kanilang mga ama sa kanila dahil hindi ito

namamana, ngunit alam natin na hindi nila makukuha ang kanilang mga posisyon kung hindi

dahil sa impluwensya ng kanilang pamilya. Ang naimana ni Marcos Jr. ay ang utang ng kanyang

pamilya sa Pilipinas na nangangahulugan ng 2.3 bilyones. Madaming nagsasabi na nanalo si

Marcos Jr. at si Sarah Duterte dahil sa kanilang tagline na "UNITY", ngunit ang kanilang partido

ang nagkakalat ng kanilang lagim sa social media upang mawatak ang pagkakaugnayan ng mga

Pilipino.
Hindi lamang ang mga matatanda ang naging aktibo sa eleksyon ngayong taon, pati mga

mag aaral na nasa legal na edad ay nagparehistro upang makaboto para sa gusto nilang

kandidato. Naging parang isang kompetisyon ang dami ng mga tao sa ibat-ibang rally o

pagsasama upang mabigyang pansin ang pag susuporta nila. Madaming mga estudyante ang

lumahok sa mga pagtitipon na ito dahil sila ay namulat sa kahirapan ng bansa.

Madami ang umasa sa pagkapanalo ng nakaraang bise presidente na si Leni Robredo,

dahil sa kaniyang mga nagawa para sa munting mga tao, at sa kanyang pagiging aktibo sa

pagbawas ng kahirapan at korapsyon sa Pilipinas. Ito ang kinabukasan na ninais ng mga bata

para sa kanilang kinabukasan ngunit lahat ng ito ay nabawi sakanila. Hindi natin masisisi ang

galit, hinagpis at hindi pagkakaintindi ng mga tao ukol sa pagkapanalo ng Unity Team. Ang nais

kong sabihin sa nilikha kong reaksyon-papel na para sa Pilipinas, naway hindi magsisi ang

sambayanan sa napili nilang tagapagligtas ng bansa nila.

You might also like