You are on page 1of 15

Ang Unang Wika ni Hesus

"Ama, patawarin Mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."
(Lucas 23, 34)

Pagninilay:

Wala akong makita sa scriptures na sinabi ni Hesus na “aray, ang sakit na ng


nararamdaman ko. Those words of pain in the cross pero hindi iyon ang unang
winika ng Panginoong Hesus. Hindi lamang sa paghampas, hindi lamang sa
pagpasan ng krus, hindi lamang sa mga sugat niyang tinamo at kung manonood
tayo of this suffering of Christ in the Cross talaga namang mapapangiwi tayo.
Umaagos ang dugo ang balat ay nahahaplit at ang kanyang ulo ay tinitisok ng mga
tinik. But more than that is what happen when He was on the cross. The insults, the
mockery of the people when He was there dying. Hindi na nga ang ating
Panginoong Hesus umaray, nag excuse pa Siya. Hindi ba dapat tayo ang gumagawa
ng excuses pag tayo ang humihingi ng tawad. Father forgive our sins. Si Hesus pa
ang nagpaliwanag sa Diyos at ano ang kanyang paliwanag Lord, Ama patawarin mo
sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Hindi nga ba alam pero
pinagplanuhan nila. Many times, they tried to trap Jesus with their snares of false
accusations and fake news.

Sa Panginoong Hesus natin nakita ang matandang kasabihan na,” To ere is


human and to forgive is divine.” To forgive is indeed divine and this forgiveness is
no longer a story, a parable a life situation but you Jesus uttered those words on
the cross. Jesus who was beaten, bruised, mocked, crucified, dying uttering few
words. He was not appealing to God for himself but rather being what he himself.
Forgiving God, loving God, merciful God to the point of making excuses just to
appeal for those who were present and more likely not only for those who were
there but also for us. Para sa ating lahat.God in Jesus forgave us dahil alam ni
Hesus na hindi natin nauunawaan , hindi natin alam ang ating ginagawa. Para natin
mas maunawaan ito mas pahalagahan natin, magsisi sa ating kasalanan and at
same time be more forgiving, mas maging mapagpatawad. Patawarin mo na sya at
humingi ka rin ng tawad. Pagpapatawad ang namutawi sa ating Panginoong Hesus.

Minsan mga Kapatid, mas madali pa tayo magalit at magtanim ng sama ng


loob kaysa magpatawad lalong lalo na sa ating kaaway.

Normal lang ang magalit lalo na kapag may valid reason naman pero 'wag
mong itanim ito sa puso mo kasi sa huli ikaw ang talo. Imagine 'yong tao na kagalit
mo ay tumatawa pero ikaw nagdurusa. Kaya 'wag mong sayangin ang oras mo sa
mga sitwasyong ganito. Ito ay isa lamang sa napakarami nating kahinaan na
pwedeng masolusyonan. Isuko natin ito sa Diyos at hilingin mula sa Kanya ang
gabay para mas maging matiwasay ang ating buhay.

Loving our enemies is difficult but it came from Jesus Himself. Itinuturo niya
sa atin ang magpatawad dahil alam niya na ito ay makakabuti sa ating buhay and
there are three essential benefits. Tatlong mahalagang epekto sa pagpapatawad o
pagmamahal natin sa ating kaaway. First is blessing, kapag ang puso ay sagana sa
pag ibig saganadin ang buhos ng biyaya sa ating buhay.Sa pusong mapagpatawad
yung mga sugat nay an, yung mga lamat nay an ay nagiging pintuan upang
dumaloy ang grasya at pagpapala ng Diyos sa ating buhay.

Yung unang sumisira sa mga pagpapala ng Diyos sa buhay natin, galit. Kapag
tayo ay nagpapadala sag alit inilalayo natin ang ating sarili sa Diyos.Kesa sa pag-ibig
hindi grasya kundi disgrasya ang aanihin natin sa ating buhay. Walang umaasenso
sa pusong alipin ng galit.Kailan man hindi tayo aangat sa buhay kapag ang
kinapitan natin ay galit. Minsan mapapatanong tayo . Nagsusumikap naman tayo
pero bakit ang bigat bigat pa rin ng kalooban natin. Baka mamaya ang nilalaman ng
puso , galit atsama ng loob. Kaya nga tinuturuan tayo ng Diyos magpatawad upang
malinis ang ating mga puso at upang ang pusong ito’y maging tunay nasaluhan sa
mga pagpapala sa buhay.

Second effect, “Freedom” .Anong ginawa ng ating Panginoong Diyos habang


Siya’y nakapako sa krus mas pinili niyang magpatawad. Kaya nga Siya’y tunay na
huwaran upang maging Malaya ang ating mga puso. Kaya ngakung nais natin
maging tunay na Malaya sa buhay ,piliin natin magpatawad at magmahal sa ating
kaaway dahil kapag galit ang kinapitan natin de-numero limitado ang galaw natin sa
buhay. Ni hind inga tayo makatabi at makatingin sa ating kaaway. Kahit sa loob ng
simbahan ipagtabi mo yung magkaaway hindi yan titingin sa isa’t isa. Parang silang
electric fan na kung saan saan tumitingin. Pinapaliit ng galit ang ating mundo.
Pagpapatawad ang magbibigay ng Kalayaan sa mga pusong bilanggo ng galit. Ang
mapagpatawad na puso mas nagiging malawak masnagiging magaan, mas nagiging
maganda ang pananaw natin sa buhay dahil ang lahat nakikita natin na may
puwang sa puso natin. Tunay na Kalayaan ang dulot sa atin sa pagpapatawad.

And the last effect of forgiveness is “Healing”. Kapag tayo ay patuloy na


kumakapit sa galit na yan ang sinasaktan natin ay walang iba kundi ang ating sarili.
Unforgiveness is actually self suicide upang mahilom ang ating mga sugatang puso,
we have no other choice but simply to forgive. If you want to get healed physically
and emotionally then deal with your opponent, always with mercy and charity. Dahil
kapag hindi natin dinidisiplina ang ating puso sa pag-ibig at pagpapatawad,
naninigas ang puso. Kahit ang ating katawan apektado.

Hindi madali ang magpatawad, hindi madali ang magmahal sa ating kaaway.
Kailangan natin ang grasya ng Diyos.Ilapit ito palagi sa ating Panginoon upang
turuan ang ating pusong magmahal ng totohanan sa pamamagitan ng
pagpapatawad sa ating kaaway. Wag natin hayaang sirain tayo ng galit sa ating
buhay by loving our enemies, forgiving our enemies.

"Ama, patawarin Mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."
(Lucas 23, 34)
Ang pagpapatawad ay isa sa mga pinakamahirap gawin. Napakahirap magpatawad,
lalung-lalo na kung mabigat ang kasalanan ng nagkasala sa atin. Isang halimbawa
ng mga mabibigat na bagay ay ang pagkakanulo sa iyo ng isang matalik na
kaibigan. Ang kaibigang ito ay pinagkakttiwalaan mo at talagang malapit sa iyo.
Napakasakit tanggapin na ang kaibigang mapagkakatiwalaan ang siya pang
magkakanulo sa iyo. Napakasakit ng mga kasalanang iyon, at nag-iwan pa ng mga
malalaking sugat ang iniwan sa iyong puso't damdamin. Sino ang hindi masasaktan
kapag may nagkasala sa kanya nang mabigat? Wala.

Ano ba ang nais nating gawin kapag mabigat ang kasalanan ng ating kapwa-tao sa
atin? Hindi ba, nais nating gumanti? Kapag may utang, may kabayaran. Gusto
nating maramdaman ng may kasalanan sa atin ang kasalanang ginawa niya sa atin.
Kapag napakasakit ang kasalanang ginawa laban sa atin, ang kabayaran noon ay
mas lalo pang masakit kadalasan. Humahanap tayo ng mga pagkakatong upang
gantihan natin ang nagkasala sa atin. Kaya nga, sinasabi natin, "Kapag may utang,
may kabayaran."

Naranasan din ito ng Panginoong Hesukristo. Ipinagkanulo Siya ng isa sa Kanyang


mga alagad - si Hudas Iskariote. Si San Pedro Apostol, tatlong beses niyang
ipinagkaila na kilala niya o isa siya sa mga alagad ni Hesus. Iniwanan si Hesus ng
lahat ng Kanyang mga alagad (maliban na lamang kay San Juan). Ang mga taong
nagbigay-pugay kay Hesukristo noong pumasok Siya sa Jerusalem ay tumalikod sa
Kanya at hiniling kay Pilato ang Kanyang kamatayan sa Krus.

Sa halip na magtanim ng galit laban sa Kanyang mga kalaban, hiniling at


ipinagdasal ni Hesus sa Ama na patawarin ang mga tumalikod, nagkanulo, at
pumapatay sa Kanya. Bakit? Hindi ba mas maganda para kay Hesus na hilingin at
ipagdasal sa Ama ang pagparusa at paglipol sa mga taong pumapatay sa Kanya?
Oo, maaari nga Niyang ginawa iyon. Kung tutuusin, si Hesus ay walang ginawang
kasalanan. Inosente ang Panginoong Hesus. Bakit hindi hiniling ni Hesus sa Ama na
parusahan o sumpaan ang mga kalaban Niya?

Buong buhay ni Kristo, nagturo Siya tungkol sa pag-ibig at pagpapatawad. Sa


panalanging itinuro ng Panginoon, binigyang diin ng Panginoon ang pagpapatawad.
Ang Diyos ay mapagpatawad. Hindi Niya itinatanggi ang sinumang humihingi ng
kapatawaran sa Kanya. Para sa lahat ang pagpapatawad ng Diyos. Walang pinipili
ang Diyos kung sino ang dapat at hindi dapat patawarin. Lahat ay pinapatawad ng
Diyos. Walang bawal o hadlang sa pagpapatawad ng Diyos.

Isa pa nga sa mga turo ng Panginoon ay ang pag-ibig sa mga kaaway natin.
Napakahirap gawin iyon. Hindi nagbibiro ang Panginoon noong sinabi Niyang ibigin
ang kaaway natin. Mahirap ang umibig sa kaaway, lalung-lalo na kung mabigat ang
kasalanan o atraso ng ating kaaway sa atin. Hindi nga natin gusto ang ating
kaaway, kailangan pa nating ibigin. Inuutusan tayo ng Panginoon na ibigin natin
ang ating mga kaaway. Napakahirap.

Ang halimbawa ng pag-ibig sa kaaway ay ipinapakita sa atin ng Panginoong


Hesukristo na nakabayubay sa Krus. Ang unang ginawa ni Hesukristo noong Siya'y
ipinako sa Krus ay humingi Siya ng patawad mula sa Amang nasa langit para sa
mga kasalanang ginagawa ng mga kaaway Niya laban sa Kanya. Isinagawa ni Hesus
ang mga tinuro Niya tungkol sa pagpapatawad sa Krus. Nagdasal si Hesus sa Ama
upang patawarin ang mga kalaban Niya.

"Mata sa mata at ngipin sa ngipin." (An eye for an eye, a tooth for a tooth).
Binibigyang-diin ng kasabihang ito ang paghihiganti. Ito'y isang masikat at
kontrobersyal na kasabihan. Ang ibig sabihin ng kasabihang ito ay anuman ang
inutang, iyon din ang kabayaran. Pero, sinasabi ng yumaong si Martin Luther King,
Jr. na kapag ang batas na ito ay sinundan ng mga tao ngayon, wala nang mata at
ngipin ang tao ngayon. Walang kakwenta-kwenta ang paghihiganti. Kapag inisip ng
isang tao na kapag naghiganti siya, siya'y magkakaroon ng kaginahawaan,
nagkakamali siya. Mas lalo bibigat ang kanyang loob kapag naghiganti siya.
Mahirap mang tularan ang pagpapatawad ni Kristo, sikapin nating magpatawad
katulad Niya. Sabi pa nga ni Kristo, "Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama."
Anuman ang ating kasalanan, handang magpatawad ang Diyos sa ating mga
kasalanan. Walang hahadlang sa pag-ibig at awa ng Panginoon sa atin. Nawa ay
sikapin rin nating magpatawad katulad ng Diyos. Mahirap man ang ibigin at
patawarin ang ating mga kaaway, pero, kung humihingi tayo ng kapatawaran mula
sa Diyos, dapat nating patawarin ang ating kapwa-tao.

Noong tinanong ni Pedro si Hesus kung ilang beses dapat magpatawad, sinabi ni
Hesus na hindi lang pitong beses magpatawad ang isang tao, kundi 70 times 7
times. Ganyan magmahal at magpatawad ang Diyos. Hindi binibilang ng Diyos kung
ilang beses tayo nagkasala laban sa Kanya. Kahit ilang beses nagkasala tayo laban
sa Panginoon, nakahanda Siyang magpatawad. Nawa ay sikapin nating
magpatawad, katulad ng pagpapatawad sa atin ng Diyos. Hindi natin kailangang
gustuhin ang ating kaaway, pero kailangan nating ibigin at mahalin ang ating
kaaway, katulad ng pagmamahal sa atin ng Panginoon.

Bilang tao, madalas tayong nagtatanim ng galit sa ating kapwa, lalung-lalo na kapag
gumawa ng masama ang ating kapwa laban sa atin. Dahil sa bigat ng kasalanang
ginawa sa atin, tayo ay nagtatanim ng galit laban sa kanila. Habang tumatagal,
tinatanim ng ating galit ang alitan. Nahihirapan tayo sa pagpapatawad. Dahil sa
alitan, hindi na natin kayang hilumin ang mga sugat na iniwan ng kasalanang
ginawa laban sa atin.

Madalas, kapag gumawa ng masama ang ating kapwa laban sa atin, ano ang
ginagawa natin? Gumaganti. Hindi ba, dahil sa kasalanang ginawa laban sa atin,
gusto nating gumanti? Kung ano ang ginawa laban sa atin, iyon din ang kabayaran
nila. May kasabihan pa nga, "Mata sa mata at ngipin sa ngipin."
Subalit, noong si Hesus ay sinasaktan at pinapatay, taliwas ang ginawa Niya. Sa
halip na sumpain Niya ang mga tao dahil sa ginagawa nila sa Kanya, humingi ng
kapatawaran si Hesus para sa mga kaaway Niya. Kakaiba. Bakit inisip ni Hesus na
humingi ng kapatawaran para sa mga kaaway Niya? Parang mali ang ginagawa ni
Hesus. Hindi nga makatarungan ang ginagawa sa Kanya, pinapatawad pa Niya?
Parang imposibleng gawin iyon! Kalokohan!

Hindi kalokohan ang ginagawa ni Hesus sa krus. Binibigyan tayo ng halimbawa ng


Panginoong Hesus kung paanong magpatawad. Sa ministeryo ng Panginoon,
nagturo Siya tungkol sa awa at pagpapatawad. Kahit nakapako sa krus, tinuturuan
tayo ng Panginoon kung paanong magpatawad. Ipinapakita sa atin ng Panginoong
Hesukristo ang tunay na pagpapatawad, kahit nakapako sa krus.

Para sa atin, bilang tao, ang pagpapatawad ay napakahirap gawin. Ang


pagpapatawad ay isa sa mga bagay na napakahirap gawin. Pero, hindi imposible
ang pagpapatawad. May mga bagay na mahirap gawin, subalit hindi imposible.
Kahit napakahirap magpatawad, may pag-asa pang magpatawad. Hindi imposible
ang pagpapatawad.

Itinuturo sa atin ni Hesus sa wikang ito na kung paanong pinapatawad tayo ng


Diyos, dapat magpatawaran din tayo. Hindi imposible ang pagpapatawad, kahit
napakahirap gawin ito. Kung kayang patawarin ng Panginoon, kahit ang
pinakamabigat na kasalanan, kaya din nating magpatawad. Ang tunay na Kristiyano
ay maawain at mapagpatawad, katulad ng Panginoong Diyos na nagpapadama ng
awa at habag.

NANG HULING WIKA


– Mr. Jondave Angeles

Iglesia Evangelica Metodista En Las Islas Filipinas

“Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”
(Lucas 23:34)

Pagpapatawad, tugon sa sa mga namamanglaw.

Sa panahon kung saan ang impormasyon ay abot kamay ng marami lalo na sa


kalunsuran, na sa isang pindot lang ay maaari nang makasagap ng iba’t ibang
balita. Halo-halong “sources” ng mga napapakinggan at nababasa, mga
napapanood at nasasagap. Ang kinakaharap natin ngayon ay sa kabila ng lahat ng
ito, hindi na halos natin ma-classify ang totoo at hindi. Dumarami na rin ang mga
kababayan natin na naniniwala sa mga “Fake News” na kadalasan ay nagiging
basehan na rin ng kanilang “Katotohanan”. May mga inosente rin na dahil sa
kakulangan ng tamang kaalaman at impormasyon ay nagiging bahagi upang isadlak
ang iba sa mabibigat na kalagayan at kapahamakan.

Sa mga katagang “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang
kanilang ginagawa” ay nagpapakita ng “intercession” ng Panginoong Hesus sa mga
nagsakdal at nagpataw ng kaparusahan sa kanya at sa Panginoon. Mahihinuha natin
na alam ni Hesus na hindi lubos na nauunawaan ng mga taong ito ang kanilang
mga ginagawa. Sa kabila ng mga pasakit na kanyang naranasan, pinili niya pa ring
ipadama at maging tulay ng kapatawaran sa kanilang mga namamanglaw sa
kadiliman.
Sa panahon ng pandemyang ito at ibat-ibang kaguluhan sa ating bansa, patuloy
tayong manalangin para iba na nangangailangan ng kaliwanagan ng katotohanan,
na sa kabila ng kanilang mga kamalian, ay ilapit natin sila sa Diyos na
makasumpong ng kaliwanagan. Tayo rin na minsa’y nakakaranas ng mga ganitong
kalagayan ay makasumpong din ng kapatawaran at habag ng Diyos.

“Darkness cannot drive out darkness; only light can do that. Hate cannot drive out
hate; only love can do that”.

– Martin Luther King, Jr.

Panalangin:

Panginoon, tulungan niyo po kaming matuto na magpatawad, kung papaanong


kami ay iyong pinatatawad. Maipadama nawa namin sa iba, na sa kabila ng aming
kahirapan at kahit na kami ay nakakaranas ng mga kasakitan at pighati, pipiliin pa
rin naming na magmahal at ilapit ang mga nagkakasala sa amin. Gayundin, dalangin
namin na patawarin niyo din po kami kung kami ang nakagagawa ng mga
pagkakasala. Purihin ang Diyos na Buhay!

Unang Wika: "Ama patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang
ginagawa"

Picture

Narinig natin si Hesus na tumatawag sa Kaniyang Ama, sambit niya ang katagang
"pagpapatawad" habang Siya ay nagdudusa sa Krus. Ang Krus ay simbolo ng
dakilang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan. Ito rin naman ay sumisimbolo sa
ating kaligtasan. Si Hesus ay naghirap at namatay sa Krus upang tubusin ang
kasalanan ng sanlibutan. Alam natin na walang kasalanan si Hesus upang siya ay
parusahan ngunit tinanggap niya ang lahat ng pasakit at hirap at tiniis niya ang
hirap at pagyuyurak sa Kanyang katauhan Ngunit sa kabila nito siya ang nanguna
upang ihingi tayo ng tawad sa Diyos Ama.

Ang pagpapatawad ay isang simpleng salita ngunit kay lalim ng kahulugan. Isang
salita na madaling sambitin ngunit kay hirap pangatawanan. Isang salita na
makapangyarihan na nakapagdudulot ng kaligtasan.

Madalas sa ating buhay, nahihirapan tayong magpatawad. Sinasabi natin na ang


ginawa ng taong nagkasala sa atin ay walang kapatawaran. Masaklap pa kung
minsan ay nasasabi natin na sana mamatay na iyang taong iyan, sana magkasakit,
sana malugi ang negosyo, sana... sana... sana. Kung minsan naman ay
nagpapatawad tayo ngunit laging may hinihintay na kapalit.... papatawarin kita
kung ililibre mo ako sa jolibee, papatawarin kita kung luluhod ka sa aking harapan
at magmakaawa, papatawarin kita kung babayaran mo ako. Ito ba ang uri ng
pagpapatawad na nais ni Kristo na igawad natin sa ating kapwa.

Sa unang huling wika ni Hesus makikita natin na ipinanalangin niya sa Diyos Ama na
patawarin ang mga taong nang alipusta, nagpahirap, at ang mga taong hindi
naniniwala sa kayang mga turo. Ipinanalangin ni Hesus hindi lamang isang tao,
dalawa o tatlo kungdi ang lahat ng mga tao.
Ganito rin naman ang nais ni Hesus na gawin natin kapag tayo ay nahihirapang
magpatawad- ipanalangin sa Diyos Ama. Ang Diyos ay mahabagin at maawain sa
mga taong nagpapakumbaba at nagsisisi. Dapat nating alalahanin ang unang huling
wika, " Diyos ko, patawarin mo sila", tayo ay pinatawad ni Kristo sa gitna ng
paghihirap. Kung kaya't dapat din tayong matutong magpatawad gaya ng
pagpapatawad ni Hesukristo na nakapako sa Krus. Dapat nating patawarin ang mga
taong nagkasala sa atin.... hindi na dapat paglipasan pa ng panahon ang
pagpapatawad bagkus dapat tayong matutong magpatawad kahit sariwa pa ang
sugat na ito sa ating mga puso. Ang pagpapatawad ay walang hanggan..... dapat
tayong matutong magpatawad hanggang sa huling sandali ng ating buhay. Ito ang
ipinakita ni Hesus sa Krus. Natunghayan natin ang mga turo ni Hesus na ang
mensahe ay pagpapatawad at ito ay kanyang isinabuhay hanggang sa huling
sandali ng Kanyang buhay. Tayo, bilang alagad ng Diyos, ay dapat ding
magsabuhay ng turo ni Hesus. Hindi lamang tayo dapat magpatawad sa salita
bagkus tayo ay magpatawad ng buong puso at ng buong kaluluwa.

Mga kapatid ko kay Kristo, wala ng sasakit pa sa pinagdaanan ni Kristo. Walang


dahilan para sabihin natin na hindi ko kayang patawarin ang taong nagkasala sa
atin. Sa mga sandaling ito idalangin natin sa Diyos Ama na hipuin ang ating mga
puso, palambutin ang ating mga puso na nahihirapang magpatawad at hindi
marunong magpatawad. Ipanalangin natin ang mga taong nakasamaan natin ng
loob, at nagbigay pasakit sa ating buhay. Ang Diyos ay mahabagin at maawain sa
mga taong nagpapakumbaba at nagsisisi.

Tayo ay ipinapanalangin ni Hesus magpahanggang sa ngayon sa Diyos Ama na tayo


ay patawarin sa ating mga pagkakasala. Sa kabila ng ating paulit-ulit na
pagkakasala, ang Diyos ay nananatiling mahabagin lalo na sa mga taong tunay na
nagsisisi. Ang tanong mga kapatid, "Tinatanggap mo ba ang pagpapatawad ni
Hesus sa iyong buhay?" o binabalewala mo lamang ang pagpapatawad ni Hesus at
Diyos Ama?

Ikalawang Wika: "Sinasabi ko sa iyo: ngayon din ay isasama kita sa aking paraiso"

Picture

Nasaksihan natin ang pag-uusap ni Hesus at ng dalawa pang kasama niyang ipinako
sa krus,

Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya:

"Hindi ba ikaw ang Mesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami." Ngunit

pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, "Wala ka na bang takot sa Diyos?


Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na tayo'y parusahan nang
ganito dahil sa

ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.

"At sinabi pa nito, "Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.

Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso."

Ang ikalawang wika ni Hesus ay sumasagisag sa katiyakan ng ating kaligtasan.


Isang katiyakan

para sa mga taong nagtitika at nagsisisi sa mga kasalanang kanyang ginawa na si


Hesus ang daan

patungo sa paraiso. Nakita natin ang pananampalataya ng isang taong nag-aagaw


buhay sa krus.
Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay nanalig siya kay Hesus na sa
kabila ng kasalanan

na kanyang ginawa ay mapapatawad ito ng ating Panginoong Hesukristo. At dahil


sa pananampalatayang ito,

isang pangako ang binitawan ni Hesus- "ngayon din ay isasama kita sa paraiso."

Mga ginigiliw kong kapatid sino ba sa inyo ang handa ng mamatay sa mga
sandaling ito. Tanungin

natin ang ating mga sarili handa na ba talaga tayong mamatay para kay Kristo.
Handa na ba nating

harapin ang kamatayan? Wala pa naman siguro ang nais mamatay sa mga
sandaling ito. Lahat tayo

ay takot kay kamatayan. Lahat tayo ay nangangamba sa ating buhay. Hindi natin
alam kung kailan,

saan, at papaano tayo mamamatay. Ngunit mga kapatid ang kamatayan ay parte ng
ating buhay dito

sa daigdig. Kung kaya nga kailangan nating maging handa. Kailangan nating
magsisi at talikdan ang ating

mga kasalanan at manalig sa Diyos na may akda ng buhay.

Ang kamatayan ay isang bagay na di natin matatakasan sa ating buhay. Batid natin
ito subalit pilit nating

pinagwawalang bahala sa ating mga buhay. Nabubuhay tayo sa araw-araw na para


bang mabubuhay tayo

ng panghabang buhay na para bang sa daigdig lamang nakatuon ang ating


atensiyon at pagdating ng takdang
oras ay doon tayo naliligalig at napupuno ng pangamba kung saan ba tayo
paparoon pagkatapos ng ating buhay

dito sa daigdig. Ito ang katotohanan ng ating buhay, kalimitan ay hinihintay pa


natin ang nalalapit na oras ng

kamatayan at doon tayo nagbabago, at doon din naman tayo natututong manalig
at humingi ng kapatawaran

sa Diyos. Sa mga oras na iyon tayo natututong magsisi. Hihintayin pa ba natin ang
sandaling yaon?

Marami sa atin ang takot at di lubusang maunawaan ang kahulugan ng kamatayan.


Ang kamatayan ay

hindi dapat katakutan. Ang kamatayan ay ang pagkakaroon ng panibagong buhay,


isang buhay na

kalugod-lugod, isang buhay na matiwasay, at isang buhay na ganap. Hindi ba sinabi


ni Hesus, "Ako ang

muling pagkabuhay at ang buhay. Ang nananalig sa akin, kahit mamatay ay muling
mabubuhay; at

sinumang nabubuhay at nananalig sa akin ay hindi mamamatay kailanman."

Sa pamamagitan ng kamatayan nabunyag ang misteryo ng muling pagkabuhay. Sa


pamamagitan ng

kamatayan, tayo ay nailigtas ni Hesus. Sa pamamagitan ng kamatayan, tayo ay


nagkaroon ng

panibagong buhay.
Ang unang wika ay nagpapahayag ng pagpapatawad at ang ikalawang wika naman
ay sumasagisag

sa taong pinatawad ng ating Panginoong Hesukristo. Ito ang misteryo ng ikalawang


wika at ito rin

naman ang misteryo ng ating buhay. Katotohanan na ang Diyos ay mahabagin at


maawain sa mga

taong nananampataya sa Kanya. Ito ang buhay sa likod ng paghihirap at kamatayan


ay isang buhay

na ganap at kasiya-siya.

Ipanalangin natin kay Hesus na tayo ay akayin Niya sa Kanyang paraiso. At atin din
namang

panghawakan ang pangako ng ikalawang wika: "Tunay kong sinasabi sa iyo: sa


araw na ito ay

makakasama kita sa Aking paraiso."

You might also like