You are on page 1of 6

PANIMULANG PAGSUSULIT (PRE-TEST)

Araling Panlipunan 7 – Araling Asyano

Pangalan: ___________________________________________________ Pangkat: ____________ Iskor: __________

MARAMING PAGPIPILIAN

Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang imaginary line na humahati sa mundo sa hilaga at timog hating-globo na matatagpuan sa zero degree latitude.
a. ekwador b. guhit latitud c. guhit longhitud d. prime meridian
2. “Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.” Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay sa pangungusap na ito?
a. Matatagpuan sa Asya ang lahat ng uri ng anyong-lupa at tubig ng daigdig.
b. Ang Asya ay binubuo ng 1/3 ng kabuuang kalupaan sa mundo.
c. Nasa Asya ang pinakamataas na bundok at ang pinakamababang lugar sa mundo.
d. Maraming bansa ang matatagpuan sa Asya.
3. Napapaligiran ang Asya ng iba’t ibang anyong tubig na napagkukunan ng mga likas na yaman tulad ng pagkain, perlas at
halamang dagat. Ilan sa mga ito ay ang ilog Mekong, Irrawaddy at Cagayan. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang mga ito?
a. Silangang Asya b. Hilagang Asya c. Timog Silangang Asya d. Kanlurang Asya
4. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig, tulad ng mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog
ng Tigris at Euphrates sa Iraq, Indus sa India, at Huang Ho sa Chiana ay ilan lamang sa mga gumanap ng malaking tungkulin sa
kasaysayan ng Asya. Ano ang naging mahalagang gampanin ng mga ito?
a. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko na mahalaga sa kalakalan
b. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa daigdig
c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng buhay dahil sa pagbabaha
d. Maraming mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Asya ang naganap rito
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangian pisikal ng kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ang Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa, tangway, kapuluan, bundok, kapatagan,
talampas, disyerto, at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyonsa pamumuhay ng mga
Asyano
6. Bakit tinawag na Farther India at Little China ang Timog-Silangang Asya?
a. Dahil ang mga naninirahan dito ay mga Hindu at Tsino c. Dahil dito matatagpuan ang mga bansang India at China
b. Dahil napagitnaan ito ng India at China d. Dahil sa impluwensiya ng China at India sa kultura ng rehiyong ito.
7. Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-region, ang Mainland South East Asia at
insular South East Asia. Ano-anong mga bansa ang napabilang sa mainland South East Asia?
a. Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia
b. Philippines, Thailand, Indonesia, Malaysia
c. Myanmar, Vietnam, Singapore, Pilipinas
d. Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor
8. Ang grassland ay isang uri ng vegetation cover. Alin sa mga sumusunod na uri ng grassland ang may
mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.
a. prairie b. steppe c. savanna d. tundra
9. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi”?
a. Ang wika ay may iba’t ibang layunin. c. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
b. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao. d. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi
10. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang vegetation cover sa Asya?
a. Dahilan nito ang pagkakaiba-iba ng mga anyong lupa ng mga lugar sa Asya
b. Dahil ito sa pagkakaroon ng iba’t ibang paniniwala at kultura ng mga Asyano
c. Dulot ito ng iba-ibang klima na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng Asya
d. Dulot ito ng malawak na lupain na nasasakupan ng Asya
11. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan. Ano ang tawag sa pagpapangkat
na ito?
a. etniko b. nomad c. katutubo d. etnolingguwistiko
12. Tinatayang 2% ng kabuuang reserba ng daigdig sa langis ay nasa Hilagang Asya. Ano ang maaaring maging epekto nito sa
rehiyon?
a. bibilis ang pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon kapag nagamit nang wasto ang deposito ng langis
b. bibilis ang paglaki ng populasyon sa mga bansa sa rehiyon
c. magkakaroon ng pagpapago sa pamahalaan ng mga bansa sa rehiyon
d. tataas ang halaga ng mga bilihin sa rehiyon
13. Ito ay tumutukoy sa dami ng naninirahan sa bawat kilometro kuwadrado ng isang lugar o bansa.
a. Population growth b. Population Density d. Population Control d. Life expectancy
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?
a. Introduksyonng mga bagong species na hindi likas sa partikular na lugar o rehiyon
b. Patuloy na pagtaas ng populasyon ng mga bansa sa Asya
c. Pagkakalbo at pagkasira ng mga kagubatan
d. Walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman sa kapaligiran
15. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na suliraning pangkapaligiran?
a. Pag-unlad ng mga industriya c. Pagkasira ng kagubatan
b. Pagkawala ng biodiversity d. Pagkakaroon ng mga polusyon
16. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at
ang likas na pinagkukunan?
a. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
b. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
c. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.
d. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.
17. Ang mga bansa sa kontinente sa Asya ay nakararanas ng samu’t saring suliraning pangkapaligiran. Ano ang tawag sa pagkaubos
at pagkawala ng mga punongkahoy sa gubat?
a. Siltation b. Salinization c. Deforestation d. Desertification
18. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?
a. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.
b. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang -yaman ng mga bansa.
c. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
d. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.
19. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
a.paninirahan sa malapit at maunlad na pamayanan
b.mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
c.pamumuhay na nakagawian at pinauunlad ng maraming pangkat ng tao
d.pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
20. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan ?
a. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas at pagsusulat
b. Pamahalaan,relihiyon sining, arkitektura at pagsusulat
c organisado at sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring panlipunan, sining, arkitektura at pagsusulat
d. Pamahalaan, relihiyon, kultura at tradisyon, populasyon at estado
21. Ano sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuturing na pinakamatanda at pinaka unang
kabihasnan sa buong daigdig.
a. Matatagpuan ito sa Mesopotamia sa lambak Tigris at Euphrates noong 3500-300 BC na unang nahubog na pamayanan
b.Dahil dito natatag ang mga pamayanan at imperyo
c. Sa Mesopotamia natatagpuan ang pinaka unang kabihasnan sa daigdig
d. Ito ang naging tagpuan ng ibat ibang pangkat ng sinaunang tao
22. Ito ang Sistema ng pagsulat na nalinang ng mga Sumerian.
a. cuneiform b. calligraphy c. hieroglyphics d. pictogram
23. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa mga pilosopiyang nagmula sa Tsina?
a. confucianismo b. budismo c. legalismo d. taoismo
24. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na Son of Heaven o Anak ng Langit ang kanilang Emperador, ano ang iyong
pagkaunawa sa kahulugan ng konseptong ito ?
a. Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at tinalaga siya ng Diyos
b. Namumuno siya dahil pinili siya ng mga mamamayan na anak ng Diyos
c. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan.
d. Namumuno ang emperador batay sa mga kautusan na itinakda.
25. Bakit naging mahalaga ang Calligraphy o sistema ng pagsulat sa mga Tsino?
a. Dahil ito ang mahalagang ambag ng kabihasnang Shang
b. Dahil ito ang pinagbatayan ng kanilang pamumuhay
c. Dahil ito ang nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino sa kabila ng ibat ibang wika
d. Dahil ito ang nagsilbing simbulo ng karakter ng mga Tsino
26. Ang Caste System sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan na may ibat ibang antas ang mga tao. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapatunay tungkol sa Caste system?
a. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat
b. Ang Sudras ang pinaka mataas na uri sa lipunan
c. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kanyang antas sa lipunan at karapatan
d. May matataas na pinuno na bahagi din ng Sudras
27. Bakit maituturing ang imperyong Gupta bilang Golden Age o Ginintuang Panahon sa kasaysayan ng India?
a. Mahuhusay ang mga naging pinuno sa imperyong ito na nagresulta sa kaunlaran
b. Nagkaroon ng mapayapa at masaganang pamumuhay sa Timog Asya sa panahong ito
c. Napaunlad ang agham at teknolohiya sa panahong ito na nagresulta sa napakaraming pamana nito
d. Natamo ng imperyo ang mahabang panahon ng kapayapaan mula sa maga mananalakay sa panahong ito
28. Bilang pinuno, ano ang ginawang pagbabago ni Asoka sa pamumuno sa imperyong Maurya?
a. Binigyang-diin niya ang katahimikan at kapayapaan nang makita niya ang di kabutihan ng digmaan
b. Pinaigting niya ang kampanyang military upang mas mapalawak pa ang impreyong nasasakupan
c. Pinagbuti niya ang serbisyo ng pamahalaan sa mga pinamumunuan nito
d. Pinatatag niya ang ugnayang panlabas upang mapaunlad ang pakikipagkalakalan
29. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng tao ang sumalakay sa India na kinilalang matatangkad,mapuputi, malakas
kumain at uminom ng alak?
a. Dravidian b. Indo-Aryan c. Kushan d. Monggol
30. Ano ang mahalagang bahaging ginampanan ng mga pinunong kababaihan sa Asya?
a. Pinataas nila ang kita ng bansa sa kanilang pamumuno
b. Pinalawak nila ang mga kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang panunungkulan.
c. Itinaguyod at pinanatili nila ang Asyanong pagpapahalaga sa kanilang pamumuno sa ibat ibang
pamamaraan.
d. Binigyan nila ng mataas na kapangyarihan ang mga kababaihan na kanilang ka partido.
31. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga
Ingles?
a. passive resistance c. pagbabago ng pamahalaan
b. armadong pakikipaglaban d. pagtatayo ng mga partido political
32. Naghangad din ng kaniyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito upang matamo ang kaniyang hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga kanluranin c. Binoykot ang mga produktong Ingles
b. Itinatag ang Indian National Congress d. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan

Nagtayo ng mga kompanyang


pangkalakalan ang mga bansang
kanluranin upang higit na mapadali
ang
kanilang pag-aangkat ng mga
produkto. Ano ang tawag sa kompanya
ng pangkalakalan itinatag ng mga
British
upang mapalawak ang kanilang
imperyo.?
A. British East India Company
C .British West India Company
B. British North India Company
D. British North India Company
15. Ang India ay naghangad ng
kalayaan. Ano ang pamamaraan ang
ginagawa nito upang makamit ang
kanilang hangarin.?
A. Nakipag alyansa sa mga
kanluranin C.Tinulungan ang mga
Ingles sa panahon ng digmaan
B. Itinatag ang Indian National
Congress D.Lahat ng Nabangit
33. Nagtayo ng mga kompanyang pangkalakalan ang mga bansang kanluranin upang higit na mapadali ang kanilang pag-
aangkat ng mga produkto. Ano ang tawag sa kompanya ng pangkalakalan itinatag ng mga British upang mapalawak ang kanilang
imperyo.?
a. British East India Company b .British West India Company c. British North India Company d. British North India Company

Alin sa mga sumusunod ang naging


epekto ng kolonyalismo sa pananakop
ng mga Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya?.
A. Pinakinabangan ng mga
kanluranin ang mga likas na yaman ng
bansang nasakop tulad na
lamang ng mga hilaw na sangkap
B. Nagtatag ng isang pamahalaan o
sentralisadong pamahalaan.
C. Pagkakaroon ng paghahalo ng
lahi ng mga katutubo at maging ang
kaugalian tulad sa pagkain at
istilo ng pamumuhay
D. Lahat ng nabanggit
34. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng kolonyalismo sa pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya?
a. Pinakinabangan ng mga kanluranin ang mga likas na yaman ng bansang nasakop tulad ng mga hilaw na sangkap
b. Nagtatag ng isang pamahalaan o sentralisadong pamahalaan.
c. Pagkakaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo at maging ang kaugalian tulad sa pagkain at istilo ng pamumuhay
d. Lahat ng nabanggit
35. Anong bansa sa Asya ang nagpatupad ng Open Door Policy?
a. India b. China c. Japan d. Pilipinas
36. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa mga bansang nanggalugad at nanakop sa unang yugto ng
imperyalismo at kolonyalismo sa Asya?
a. England b. Portugal c. Spain d. United States
37. Ano ang naging gampanin ni Marco Polo sa pagsisimula ng unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo sa Asya?
a. Nagbigay-daan ang kanyang paglalakbay upang mamulat ang kaalaman ng mga Europeo hinggil sa Asya
b. Nahikayat niya ang mga Europeo na magtungo sa Asya dahil sa paglimbag ng aklat ukol sa kanyang karanasan
c. Naimbento niya ang mga instrument na mahalaga sa paglalakbay ng mga mandaragat patungong Asya
d. Nanguna siya sa paghahanap ng mga alternatibong ruta patungong Asya
38. Sa unang yugto ng imperyalismo at koloniyalismo sa Asya, karamihan ng mga bansa sa Timog at Timog-Silangang
Asya ay napasakamay ng mga Europeo, ngunit bigo itong masakop ang Kanlurang Asya. Ano ang dahilan kung bakit
hindi agad na nasakop ng mga Europeo ang Kanlurang Asya?
a. Hawak ng imperyong Ottoman sa pamumuno ng mga Turkong muslim ang mga bansa rito
b. Hindi ito agad na nagalugad dahil sa kawalan ng malayang ruta o daanan patungo rito
c. Malakas ang pwersang militar ng mga bansa sa nasabing rehiyon
d. Nahirapan sa paglalakbay ang mga Europeo patungo sa rehiyong ito dahil sa katangian ng kapaligiran nito
39. Noong 1857 ay sumiklab ang rebelyong Sepoy sa India laban sa pamahalaang British. Ano kaya ang pangunahing
dahilan ng pagsiklab ng rebelyong ito?
a. pagbabawal ng suttee o sati c. pagtatangi ng lahi o racial discrimination
b. pagpapataw ng buwis sa mga lupain d. pag-impluwensiya sa pananampalataya o relihiyon
40. Bakit masasabi na ang rebolusyong industriyal ay isa sa mga pangunahing salik na nagbigay-daan sa pagsisismula ng
ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo sa Asya?
a. Dahil dito lumitaw ang kaisipan na pasanin ng mga Kanluranin ang mga Asyano
b. Nais ng mga Europeo na maging makapangyarihan kaysa sa kanilang mga karibal na bansa
c. Nangailangan ang mga Kanluranin na palaguin ang kanilang kapital o puhunan
d. Nangailangan ang mga kanluranin ng mapagkukunan ng mga hilaw na materyales
41. Ano ang tawag sa isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop upang makamit ng likas na yaman ng mga
sinakop para sa sariling interes?
a. Kolonyalismo b. Imperyalismo c. Nasyonalismo d.Totalitaryanismo
42. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang mga Kanluranin sa pananakop sa Kanlurang Asya sa unang yugto ng
imperyalismo?
a. Dahil hindi pa tapos ang mga kanluranin na manakop ng mga bansa sa Timog Asya.
b. Dahil nasa ilalim pa ito ng pamamahala o paghahari ng mga Turkong Ottoman
c. Dahil maliit lamang ang likas na yaman na mapapakinabangan sa rehiyon.
d. Dahil napakalawak ng disyerto sa buong rehiyon
43. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang kanilang
pagtutol at paglaban sa mga British?
a. Armadong pakikipaglaban c. Pagtatayo ng partido politikal
b. Pagbabago ng pamahalaan d. Passive resistance o non-violence
44. Mahalaga ba ang nasyonalismo sa pagsusulong ng kalayaan ng isang Kolonyang bansa.?
a. Opo, dahil ang pagmamahal sa bansa ang naging inspirasyon upang isulong ang panawagan at kilusan para sa kalayaan
ng isang kolonyang bansa.
b. Hindi po, dahil hindi naman kailangan ang kalayaan hanggat maganda at maunlad ang pamamahala ng mananakop sa
kaniyang kolonya?
c. Hindi po, dahil ang kalayaan ay kusa lamang ibibigay ng bansang mananakop kapag pagod na itong pamahalaan ang
kanyang kolonya.
d. Opo, dahil ang nasyonalismo ay kabaligtaran ng Kolonyalismo at Imperyalismo.
45. Ano ang pangunahing nagtulak sa mga bansang kanluranin na magtungo at sakupin ang mga bansa sa Kanlurang Asya
pagkatapos nitong makalaya sa kamay ng mga Turkong Ottoman?
a. Dahil sa pagnanais na, mapalawak at mapalakas ang kanilang imperyo
b. Upang ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo sa mga bansa sa rehiyon
c. Dahil sa natuklasan o nadiskubreng mayaman sa reserba ng langis.
d. Upang bawiin ang banal na lugar ng Jerusalem sa Israel.
46. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa ekonomiya ng
mga bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-19 siglo?
a. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo
b. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawanan upang pamunuan ang nasakop na bansa
c. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakan
d. Nagpalabas ng mga batas upang mapasunod ang mga katutubong Asyano
47. Ito ay isa sa mga layunin ng mga Espanyol sa pananakop na ginamit upang mas mapadali ang kanilang pananakop
sa mga katutubo.
a. labananan sa pagitan ng mamamayan c. pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo
b. pagtatanim d. panginginabang sa mga pangunahing produkto
48. Ang mga sumusunod na bansa ay napapabilang sa Timog-Silangang Asya, maliban sa __________.
a. China b. Myanmar c. Pilipinas d. Vietnam.
49. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Pagkamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
b. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
c. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
d. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany, Austria-Hungary, Russia at Ottoman
50. Ito ang pangyayari kung saan napilitang sumuko ang Japan sa United States noong Agosto 6, 1945.
a. Matatapos bagsakan ng bomba atomika ang Nagasaki c. Pagbagsak ng bomba sa Hiroshima
b. Pag-agaw sa Manchuria d. Dahil sa paglakas ng Nasyonalismo
51. Ang _________ ay ang bansang sinalakay ng Japan matapos ang paglusob sa Pearl Harbor.
a. Hong Kong b. Korea c. Pilipinas d. Thailand
52. Ang petsa kung kailan nagsimula at natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
a. Setyembre 1,1939 hanggang Setyembre 2, 1945 c. Setyembre 12,1993 hanggang Setyembre 22,1954
b. Setyembre 1,1993 hanggang Setyembre 2,1954 d. Setyembre 21,1939 hanggang Setyembre 22,1945
53. Alin sa mga sumusunod ang hindi maiibilang sa mga pangunahing salik sa pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
a. Pag-aalyansa ng mga bansa sa Europe c. Pag-iral ng kompetisyon sa pagitan ng mga bansa
b. Pag-iral ng cold war sa pagitan ng United States at Russia d. Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand
54. Sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang labanan ay nakasentro lamang sa Europe dahil sa alitan ng mga
bansang Kanluranin. Paano nadawit at naapektuhan ang Asya sa digmaang ito?
a. Boluntaryong lumahok ang mga bansang Asyano sa digmaan upang protektahan ang mga interes nito
b. Karamihan sa mga bansang Asyano ay sakop at kontrolado ng mga bansang Kanluranin na kalahok sa digmaan
c. Nakipag-alyansa ang mga bansang Asyano sa mga bansang Kanluranin
d. Tumulong ang mga bansang Asyano sa pakikipagdigma ng bansang Kanluranin ng sumakop sa kanila
55. Bakit maituturing ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang pinakamahalagang kaganapan para sa
mga bansang Asyano?
a. Lumaya at nakapagsarili ang mga bansang Asyano matapos biyan ng awtonomiya ng mga Kanluranin
b. Nalinang ng mga Asyano ang pakakaisa at pambansang kamalayan o nasyonalismo
c. Napaunlad ng mga bansang Asyano ang kanilang ekonomiya dahil sa pagkatuklas ng reserba ng langis
d. Natamo ng mga bansang Asyano ang tahimik at mapayapang pamumuhay sa pagtatapos ng digmaan
56. Matapos sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga Jews mula sa iba’t ibang panig ng daigdig ay
umuwi sa Palestine upang makaligtas sa karahasan ng mga German Nazi. Ano ang tawag sa kaganapang ito?
a. Balfour Declaration b. Holocaust c. Mandate System d. Zionism
57. Naging matagumpay ba ang Balfour Declaration sa paglutas ng sigalot sa pagitan ng mga Jews at Arabeng Palestino
sa Kanlurang Asya?
a. Hindi, dahil hindi kinilala ng mga Jews at Arabo ang nabanggit na deklarasyon ng mga Kanluranin
b. Hindi, dahil napaigting lamang nito ang tensyon sa pagitan ng mga Jews at Arabo na nagresulta sa digmaan
c. Oo, dahil matagumpay na naitatag ng mga Jews ang bansang Israel bilang nagsasariling bansa
d. Oo, dahil pinaubaya ng mga Arabeng Palestino ang lupain nito sa Palestine sa mga Jews
58. Sino sa mga sumusunod na Nasyonalista sa Asya ang natatanging gumamit ng non-violence o mapayapang paraan sa
pakikipaglaban para sa kalayaan?
a. Ayatollah Khomeini b. Ibn Saud c. Mohandas Gandhi d. Mustafa Kemal Ataturk
59. Ang nasyonalistang ito ay nanguna sa pagtataguyod at pagtatatag ng bansa Saudi Arabia matapos niyang malipol at
mapagbuklod-buklod ang teritoro nito. Siya ay si _____________.
a. Ayatollah Khomeini b. Ibn Saud c. Mohammed Ali Jinnah d. Mohandas Gandhi
60. Anong uri ng pamahalaan ang naaangkop sa isang bansa na mayroong lipunan na nakasentro sa pananampalataya sa
Diyos at sumusunod sa mga lider na kumakatawan sa Diyos? a. Demokrasya b. Diktadurya c. Teokrasya d. Totalitaryanismo

You might also like