You are on page 1of 2

Jannah S.

Mangune BSBA-FM 1A

PELIKULTURA

HENERAL LUNA

Noong 1898 gumuho ang pamumuno ng Kastila sa Pilipinas.


Ibinenta nila ang Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang 20
milyon upang hindi nila harapin ang kahihiyan. Agosto 1898
nagkunwaring naglaban ang America at Spain upang lokohin
ang mga Pilipino. Isinuko ng Espanya ang Intramuros kay Maj.
Gen. Wesley Meritt ng wala man lang galos.

Ang mga gabinete ay nagpulong upang pag-usapan ang


tungkol sa pagpasok ng Amerika sa Pilipinas. Karamihan sa
kanila ay naniniwala sa mabuting intensyon ng mga ito gaya ni
Pedro Paterno habang si Heneral Antonio Luna at Heneral Jose
Alejandrino ay tumatanggi at mas nais na lumaban imbis na
maniwala sa matatamis na salita ng mga ito.

Bumagsak sa kamay ng mga Amerikano ang Maynila


pagkatapos nilang lusubin ang San Juan, Pako, Pandakan at
iba pang karatig na lugar. Nang mabalitaan ito ni Pres.
Aguinaldo ay ipinasa na nya sa kamay ni Henral Luna ang
labanan.

Nagsimula ang labanan at natatalo na ang hukbo ni Heneral


Luna kaya nagpadala sya ng mensahe kay Kapitan Janolino sa
Kawit, Cavite na agapan ang kaliwang hanay at dapat walang
makalusot na kalaban ngunit hindi sila sumunod dahil
sinasabi nyang walang mensahe galing sa presidente na
natanggap.

Hindi natiis ni Heneral Luna na patuloy na dumami ang


namamatay na kasama kaya sya ay sumugod gamit ang kanyang
kabayo upang mas mapalapit sa pwesto ng kalaban. Sumunod
ang mga kasama nya at kalaunan ay umatras ang mga
Amerikano na pinangungunahan ni Gen. Arthur MacArthur, Jr.
Nag-usap ang kampo ng America tungkol sa susunod na gagawin at sinasabing si Heneral
Luna ay isang harang sa kanilang plano kung kaya’t balak nilang unahin sya bago si
President Aguinaldo para mas madaling mapatumba ang militar. Nalaman nilang gusto
makipag-usap ng mga lider kaya ginamit nila ang pagiging “businessminded” ng mga ito
para maisagawa ang plano nila.

Naggawa ng plano sina Heneral Luna tungkol sa magiging huling


laban. Upang maisagawa ang unang hakbang ay kinakailangan
nila ng 2000 tao. Humingi ng tatlong araw si Heneral Luna upang
matupad ito.

Ginamit ni Heneral Luna ang Artikulo Uno ng kanilang patakaran na nagsasabing “ang hindi sumunod sa
utos ng punong heneral ng digmaan ay tatanggalan ng ranggo at
ipapapatay ng walang paglilitis sa husgado militar” upang
mapasunod at makakuha ng tauhan. Apat na libong tao ang
nakuha ni Heneral Luna at binansagan syang Heneral Artikulo
Uno.

Sina Heneral Tomas Mascardo, Pedro Paterno, Felipe


Buencamino, President Emilio Aguinaldo, at Apolinario Mabini
ay nagpulong at gumawa ng masamang balak kay Heneral Luna.
Nag padala ng telegrama si Aguinaldo kay Heneral Luna na
nagsasabing pumunta sya sa Cabanatuan para pamunuan nya
ang gagawing bagong gabinete

Pagkadating nila Heneral Luna ay wala duon ang presidente.


Siya ay pinatay ng mga tauhan ni President Aguinaldo pati na
rin ang mga tauhan nya na sina Col. Paco Roman, Maj. Manuel
Bernal, Capt. Eduardo Rusca, Capt. Jose Bernal, at iba pa. Hindi
naisulong ang plano ni Heneral Luna at pumunta si Aguinaldo
sa norte na iminungkahi ni Luna sa kanya.

You might also like