You are on page 1of 2

Joel B.

Balajadia
Fil 604/FIL-A (Prinsipyo, Metodo, Istratihiya sa Pagtuturo sa Wika)
Gawain 2
Professor/Guro: Gracelyn Casis- Altaya, MAT

Alin sa apat na prinsipyo na tinalakay sa pag-uulat (Setyembre,


2022) ang inilalapat mo sa iyong pagtuturo ng wika? Paano mo ito aktuwal
na isinasagawa sa iyong pagkaklase?

Ang bawat guro ay may kanyang-kanyang estilo ng pagtuturo lapat ang iba’t
ibang prinsipyo ng pagpapadaloy ng aralin sa loob ng silid sapagkat laman ng bawat
silid-aralan ang mga mag-aaral na taglay din ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto.

Kung babalikan natin ang paraan ng pagtuturo noong unang panahon, kapag
ang naihandang banghay-aralin ng guro ay patungkol sa “Unang Prinsipyo – Bigyang
Priyoridad ang mga tunogTunog” na siyang maging gabay ng guro sa pagtuturo, iyan ay
posibleng mangyayari sa loob ng silid dahil ang pagpapangkat-pangkat ng mga mag-
aaral noon ay naayon talaga sa kapasidad nila. (Pangkat A, B, C, …E)

Subalit sa kasalukuyang panahon, malabo nang mangyayari ang ganitong


paraan sapagkat ang mga bata sa loob ng silid ay halo-halo o heterogenous classroom
lalo na sa maliliit na Pampublikong paaralan. Ang isang guro ay may bitbit na dalawa o
tatlong prinsipyong pinaghalo sapagkat sa loob ng silid ay mayroong hindi pa marunong
o mahina mabasa, o di kaya’y di pa marunong bumuo ng pangungusap. (Maliban na
lamang kung ang isang paaralan ay may mga espesyal na programa tulad ng SPJ,
SPFL, STEM at iba.)

Sa kasalukuyang senaryo at estado ng edukasyon ngayon, apat na prinsipyo ng


pagtuturo ay naangkop sa mababang antas tulad nang nasa elementarya. Hindi natin
maipagkakaila na malayong -malayo sa dating mga mag-aaral ang mga mag-aaral na
produkto ng pandemya.

Sa totong kalagayan ng edukasyon ngayon, malabong mangyayari ang iisa-


isahin nating ang mga mag-aaral na tutukan ang kanilang kahinaan mismo sa loob ng
60 hanggang 70 (mayroong pang 80 -ang HUMSS 11 class ko) na mga mag-aaral sa
loob ng klase.

Ganoon pa man, ginagamit namin ito nang hiwalay sa aming “Remedial Class
Program” (Literacy Program). Sa programang ito, nasusuri ang mga kahinaan ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng “Assessment Test” sa pagbasa. At batay sa resulta doon
na sila papangkatin sang -ayon sa kahinaan at kalakasan nila. Gamit mismo ang apat
na uri ng prinsipyo, gagawa ng mga kagamitang pampagturo na siya mismong
ginabayan ng banghay-aralin sa pagtuturo ng Reading Program.
Bilang guro sa Komunikasyon sa Senior High School, ang ika-apat na prinsipyo –
“Paggaya” ay nailalapat ko sa asignaturang nabanggit. Napakahalaga nito lalo na sa
pagbigkas ng salita gamit ang tamang diin. Minsan, ang maragsa ay nagging malumi,
ang mabilis nagging malumay. Mahalagang magabayan ang mga mag-aaral sapagkat
hindi tayo taal na Tagalog. Malaking bagay ang papel na ginagampanan ng “Paggaya”
lalo pa’t ang mga mag-aaral natin ay nahirati sa Hiligaynon, Bisaya at iba pang wika na
mayroon tayo.

You might also like