You are on page 1of 1

VIOLENCE AGAINST WOMAN AND CHILDREN

Ang karahasan sa tahanan at iba pang uri ng pang-aabuso ay


isang taglay ng pag-uugali upang maisailalim ang pamilya,
miyembro ng sambahayan, o kasintahan.

Isa sa bawat tatlong kababaihan ang sumasailalim sa


karahasan laban sa kababaihan. Kadalasan, ang pinsalang ito
ay nararanasan ng isang matalik na magkapareha. Ang
karahasan at pang-aabuso na ito ay may epekto hindi lamang
sa mga kababaihan, kundi pati na rin sa kani kanilang pamilya
at komunidad. Ang mga kababaihang sumailalim sa
infanticide, child prostitution, at sapilitang maagang pag-
aasawa ay halimbawa nalamang ng mga paglabag sa
karapatang pantao.

Itinakda ng World Health Organization (WHO) ang karahasan


laban sa kababaihan bilang isang pampublikong
suliranin.Tinuturing na ang sanhi ng karahasang ito ay
nagmumula sa mataas na pagtingin ng mga kalalakihan sa
kanilang sarili kaysa sa mga babae na siyang nagdudulot ng
hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian.

Araw-araw ay nagsusumikap ang ating Pamahalaan upang


suportahan ang mga pandaigdigang kilusan, halimbawa
nalamang nito ay ang kampanyang Me too, Time’s up at ang
feminismo sa mga kabataan ay siya ring ipinalalaganap. Dahil
sa kanilang katanyagan sa industriya, ang mga kilusang ito ay
humuhubog ng pansin sa mga karapatan ng kababaihan at
kababaihan sa buong mundo. Kaya’t bilang isang mabuting
mamamayan, nararapat na ating bigyan pansin, ang mga
ganitong uri ng Paksa, upang sumiklab ng pag babago tungo sa
ikabubuting ng mga Kababaihan, ng ating mga Anak at ng
ating Bansa.
National Emergency Hotline: 911

Aleng Pulis Hotline: 0919 777 7377

PNP Women and Children Protection Center

24/7 AVAWCD Office: (02) 8532-6690

Email address: wcpc_pnp@yahoo.com / wcpc_vawcd@yahoo.com / avawcd.wcpc@pnp.gov.ph

You might also like