You are on page 1of 6

Paaralan Sta.

Cruz Elementary School Baitang 5


Grades 1 to 12
Daily Lesson Guro MICHELLE R. CABOT Asignatura EPP 5
Plan
Petsa/ Oras November, 2021 2:40-3:30 Markahan Ikalawa

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay nasusuri ang mga iba’t ibang mga gawaing
pangkabuhayan batay sa heograpiya at mga oportunidad at hamong
kaakibat nito tungo sa likas kayang pag-unlad.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang


hanapbuhay at gawaing pangkabuhayan na nakatutulong sa
pagkakakilanlang Pilipino at likas kayang pag-unlad ng bansa.

C. Kasanayan sa Pagkatuto Nakakalahok sa mga gawaing lumilinang sa pangangalaga at.nagsusulong


ng likas kayang pag-unlad (sustainable development) ng mga likas yaman
ng bansa. AP4LKE-IIe-6

II.NILALAMAN Kahalagahan at pangangaga ng likas yaman ng bansa.

III.KAGAMITAN PANTURO Gabay Pangkurikulum sa Araling Panlipunan 4

A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng Patnubay ng Guro, pahina 82-86


Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitan ng mag-aaral, pahina 171-176
Kagamitang Pangmag-
aaral

c. Integrasyon MAPEH. Filipino


Pangangalaga sa kapaligiran at likas yaman ng bansa
d. Pagpapahalaga

d. Karagdagang Larawan, Tsart, Kagamitan ng mag-aaral,


Kagamitan mula sa
Laptop, TV, Powerpoint Presentation, video
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo

IV.PAMAMARAAN

A. Balitaan Magbalitaan tayo!


Balitaan tungkol sa mga kasalukuyang pangyayari.

B. Balik Aral sa mga unang Panuto: Itaas ang larawan ng basket kung oportunidad at kung hamon
natutuhan naman itaas ang timba sa mga sumusunod.
1.mga sakuna sa dagat
2.pagkakaroon ng mga modernong kagamitan tulad ng underwater sonars
at radars
3. makabagong teknolohiya sa pagsasaka
4. bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani
5. suliranin sa irigasyon

C. Paghahabi sa layunin ng Sino sa inyo ang mahilig making ng mga awitin?Narinig niyo na ba ang awit
aralin (Pagganyak) tungkol sa “Kapaligiran” ng Asin,kung hindi pa halina’t pakinggan at manood
ng

video ng awit. ( Magpapakita ang guro ng video ng awit)


Mga tanong:
1. Ano ang ibig iparating sa atin ang awitin?
2. Sa pagmamasid mo sa ating paligid masasabi mo bang makatotohanan
ang mensahe ng awit?
3. Ibigay ang inyong opinion sa awitin na “hindi na masama ang pag-unlad
kung hindi nakakasira ng kalikasan”

D. Pag- uugnay ng mga Matapos makinig at manood tingnan naman natin ang larawan.ano
halimbawa sa bagong aralin ang nakikita o napapansin ninyo sa larawan?
(Presentation)

PUNONG UMIIYAK
Mga tanong:
1. Bakit kaya siya umiiyak?
2. Sa palagay ninyo bakit kaya siya nasasaktan/
3. Sino ang dapat sisihin sa ganitong pangyayari?
4. Ano ba ang ginawa ng tao sa mga puno?
5. Ano ang maling ginawa ng mga tao sa ating likas na yaman? Base sa
narinig,napanood sa awit at nakita sa larawan, ang mga gawain sa
pagpapa unlad ng ekonomiya ng bansa upang tugunan ang
pangangailangan ng tao ay nagdudulot din ng pagkasira ng mga likas na
yaman o unti-unting nawawala at nasisira ang kalikasan.
E. Pagtatalakay ng bagong ANA/KWL
konsepto at paglalahad ng Alam Nais malaman Alam na -Pagkasira ng Ano ang likas kayang
bagong kasanayan No.1 pag-unlad
(Modeling) Likas na yaman at kahalagahan nito?
-Nasisira ang kalikasan

Sa araling ito ,inaasahan na masasabi mo ang kahulugan at kahalagahan


ng likas kayang pag-unlad ( sustainable development) ,makakalahok ka sa
mga gawaing lumilinang sa pangangalaga at nagsusulong ng likas kayang
pag-unlad ng mga likas na yaman ng bansa at maipadarama mo ang
pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing
may kinalaman sa likas kayang pag-unlad.
“ LIKAS KAYANG PAG-UNLAD:
SUSTAINABLE DEVELOPMENT”
( Bashin sa aklat /Powerpoint presentation ) Ano ang likas
kayang pag-unlad?
Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng PSSD?
Bakit mahalagang maisakatuparan ang likas kayang pag-unlad?

Bilang isang mag-aaral,paano ka makalalahok sa gawaing lumilinang


at nagsusulong ng likas kayang pag-unlad ng mga likas na yaman ng
bansa

F. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng PANGKATANG GAWAIN
bagong kasanayan No. 2 Pangkat 1: H-CHART
(Guided Practice) Isulat ang kahulugan at kahalagahan ng likas kayang pag-unlad.

Pangkat 2: KKK Kontrata ng Katapatan sa Kalikasan

Ako, bilang isang matapat at makakalikasang mamamayan ng Pilipinas, ay


buong katapatang sumusumpa na lalahukan ang sumusunod na gawain.na
nagsusulong ng likaskayang pag-unlad:
___________________________________________________________
G. Paglinang sa Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at
Kabihasaan tungo sa MALI kung hindi wasto ang nakasaad.
Formative
Assessment ____1. Ang pagsulong at pag-unlad ay mithiin ng bawat bansa.
(Independent Practice) ____2. Higit na pinagpala ang ating bansa dahil mayaman tayo sa mga likas
na yaman.
____3. Noong 1970, natukoy ng United Nations Conference on Human
Environment ang posibleng ugnayan ng kalikasan at kaunlaran.
____4. Ang Nagkakaisang Bansa ay binuo ng Pandaigdigang Komisyon
sa Kalikasan at Kaunlaran.
____5. Ang kahulugan ng WCED ay World Commission on Environment
and Development.

H. Paglalapat ng aralin sa May mga gamit sa ating bahay na hindi na kailangan tulad ng bote ng
pang araw-araw na buhay softdrinks at fruit juice at mga lata ,tansan at mga straw.Ito ay mga bagay
(Application/ Valuing) na patapon o basura na.
Ano ang gagawin mo sa mga basurang ito.?
Itatapon mo na lang ba o meron ka pang ibang magagawa sa mga patapong

bagay para mapakinabangang muli?


Paano ka makatutulong para mapangalagaan at maisulong ang likas
kayang pag-unlad?

I. Paglalahat ng Aralin Ang likas kayang pag-unlad(sustainable development) ay pagtugon


(Generalization) sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsaalang-
alang sa kakayahan at abilidad ng susunod na henerasyon na
makamit din ang kanilang pangangailangan.

J. Pagtataya ng Aralin Lagyan ng puso( ) angbilang kung ginagawa mo at malungkot na


mukha ( )kung hindi mo ginagawa.
1. Tinatapon ko sa tamang tapunan ang aking mga basura dahil alam
kong ang basurang itinapon ko kung saan- saan ay babalik din sa akin.
2. Nakikiisa ako sa mga programa laban sa walang habas na pagputol
ng mga puno.
3.Ipinagbibigay alam ko sa kinauukulan ang bilang ng plaka ng sasakyang
nagbubuga ng maitimna usok na nagdudulot ng polusyon sa hangin. 4. Lagi
kong tinitingnan kung nakasarang maige ang gripo na tubig kung hindi ito
ginagamit.
5.Nakikinig ako ng husto sa aking guro kapag tinatalakay ang mga
aralin tungkol sa kalikasan.

K. Karagdagang gawain Iguhit sa isang malinis na putting papel ang nais mong nakita sa ating
kalikasan o sa inyong lugar sa panahong ito.Ipakita sa inyong iginuhit na
ikaw ay nakikilahok sa mga gawaing lumilinang sa pangangalaga at
pagsulong ng likas kayang pag-unlad.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag- aaral na


nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag
aaral na
nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation.

E. Alin sa mga istratehiya ng __Kolaborasyon


pagtuturo ang nakatulong __Pangkatang Gawain
nang lubos? Paano ito
nakatulong? __ANA / KWL
__H-CHART
__KKK Kontrata ng Katapatan at Kalikasan

__E- Game
__ I-search
__Decision Chart
__Discussion
__Realia/ totong mga bagay
---Awit ng Kapaligiran
Bakit?
___ Kumpletong kagamitang panturo
___ Pagkakaroon ng materyales
___ Kasabikang matuto ng mag-aaral
___ Kooperasyon ng mga bata sa mga gawain

F. Anong suliranin ang aking ___Mangalap ng mga batang tuturuan sa panahon ng


naranasan na nasolusyunan pandemya. ___Kakulangan sa Kahandaan ng mga bata lalo na
sa tulong ng aking
sa pagbabasa. ___Kakulangan ng guro sa kaalaman ng
punungguro at superbisor?
makabagong teknolohiya

G. Anong kagamitang panturo ___Pagpapanuod ng video presentation


ang aking nadibuho na nais ___Paggamit ng aklat
kong
ibahagi sa mga kapwa ko __pakikinig sa awit na may kaugnayan sa aralin
guro? __Paggamit ng iba’t ibang istratehiya /kagamitan sa
pagkatuto ___ Ang pagkatutong Task Based
___Instraksyunal na material
Prepared by:

MICHELLE R. CABOT
MT - I

Noted:

Dr. Flora D. Cahapay


Principal IV

You might also like