dokumentaryo na nagtatalakay o kaya'y nagpapakita ng buhay ng mga mahihirap
Ang layunin ng documentary ay
para ipakita na ang iba ay nangunguha na sab asura upang may makain sila.
Ang tono ng dokumentaryo ay
seryoso dahil nagpapakita ito ng kahirapan sa pamumuhay ng ilang tao. Pamantayan sa Pagsusuri ng Dokumantaryong Pantelebisyon
“Pagpag for Sale”
Arnold Clavio, Boy Ignacio, Amy Ignacio, Aileen Ignacio,
Domeng Villanueva Jeffrey Flores, Rebecca, Tagapagpanayam, Romeo Halocon, Eloisa Donor
Kahirapan ng mga Tao
Ang “Pagpag for Sale”ay isang pelikula na nagtatalakay
o kaya'y nagpapakita ng buhay ng mga mahihirap na nasa slum area lalo na yung malapit sa dump site ng basura. Ang pagpag ay yung mga pagkain na itinapon na ng ibang tao, na pag nakuha ng mga tao sa slum area at kung ito'y di pa naman sira o panis, ito'y kakainin pa nila. Tinawag itong pagpag kasi anumang pagkain na makuha nila sa basurahan ay ipapagpag muna nila para maalis ang dumi at ang mga maggots o kaya'y uod dito, at kung sakali naman na ang pagkain nilang nakuha sa basurahan ay panis na, ito'y dadalhin pa rin nila sa kanilang bahay para hugasan at pagkatapos ay piprituhin muli o kaya'y lulutuin or iinitin muli para kanilang makain, minsan ang mga ito'y kanilang ibinibenta rin, kaya ito'y pinamagatang "Pagpag for Sale".
Ang mensahe ay dapat tayo
magpasalamat sa mga pagkain na kinakain dahil ang ibang tao ay naghahanap pa sa basurahan upang may makain.