You are on page 1of 1

Talento ng Llanerano Kahit Kailanma’y di Maibabaon

Sining o Arts, madalas na makita o matunghayan sa social media, karaniwang ginagawa sa


libreng oras o kaya nama’y para ipasa sa guro sa subject ng Mapeh kasama sa mga kailangan upang
makapagtapos sa . Kahit ano man ang rason, hindi natin maitataggi ang halaga nito sa ating mga buhay,
minsan pa nga ito’y isa sa dahilan ng ating mga magagandang mgs ala-ala.
Tiyak nga na napaka halaga ng Sining sa pamumuhay natin bilang isang indibidwal. Nakakubli
nating mga dadami’y tila ba’y ating nailalabas gamit ang instrumentong ito, maaaring sa paraan ng
pagpipinta, pagkanta, pagsayaw, pagguhit, paglililok, potograpiya at marami pang iba
Mga iba’t ibang patimpalak sa pagdiriwa’y siyang nilahukan, mula iba’t ibang mga kabataan sa
buong bayan ng Llanera, nakipagtagisan ng galing sa larangan ng Sining at Agham, mga talento na
ipinamalas, tatak ng ating pag-asa.
Sa larangan ng pagpipinta, labingdalawang kabataan ang nagpakitang gilas. Apat ang nagwagi
ngunit hindi matatawaran ang kanilang kahusayan sa ipinaking mga pinta. Gaya ng bituin na kumikinang
sa kalangitan, ang mga obra na inihandog nila Brian Angelo Arocena (unang patimpalak), Olmey Grospe
(pangalawang patimpalak), Jay Matias (pangatlong patimpalak), ningning nito’y tumatagos sa puso.
Kamandag na ganda’y siya namang dahilan upang puso ng karamiha’y mabingwit, People's Choice
Award na nakamit ni Jan Allen Manuel.
Maliban sa patimpalak, dumako naman tayo sa pagguhit, artwork na orihinal ay kaniyang nilikha
gamit lamang ang masining na pagsabog ng tinta. Ang talentong ito’y ipinakita ni Ginoong Laicram
Balbin. Pagsasayaw namang binigyang buhay ng ilan nating kakababayan. Mapa-modern man ito na
hiphop o kaya nama’y tradisyonal na folk dance, bigay todo sa hatawan na siyang inspirasyon sa ating
mga kabataan.
Ngayon nama’y ating kilalanin ang isang kabataan na siyang hinahangan ng marami. Sa taglay
nitong talento sa paglikha, sa larangan ng arts and crafts ito’y magbabahagi ng kaalaman, gamit lamang
ang karton at ilang mga materyales, sina Bumble Bee at Gushion kanyang naisabuhay. Mula sa paarala ng
Llanera National High School, siya’y walang iba kundi si Kuya John Paul Poselero.
Sa larangan ng sining, mga Llanero’y tiyak na di magpapahuli. Angkin nitong kakayahan, di
maikukumpara sa iba sapagkat ang kanilang obra’y galing sa puso at puno ng pagmamahal, na siyang
handog sa bayan na ating pinagmulan. Tulad ng bayan tayo’y minsan nang hindi naging malaya, ngunit
kailangan lang nating ng tamang instrumento upang makalaya sa ating sariling mga damdamin gayana
lamang ng kabayanihan ni Heneral Mariano Llanera na kailanma’y hinding hindi maibabaon ng
makabago nating mundo.

You might also like