You are on page 1of 1

Basehan ng Kaligayahan

May iba’t iba tayong paraan upang makaranas ng kasiyahan sa ating mga buhay, ang iba’y sa
pamamaraan ng pagkakaroon ng maraming pera, ang ila’y dahil sa mga kagamitang kanilang nakukuha,
ngunit ang karamiha’y dahil sa pamilya’t kaibigang na nabibigay ng liwanag sa madilim nating mga
buhay. Subalit papaano kung ang isa sa instrumentong ating gamit upang makita ang mundong ating
kinakaharap ay mawala sa ating mga kakayahan.
Gaya ng kasabihang, “Ang mga mata ang bintana sa ating kaluluwa”, ito ang siyang nagpapakita
ng totoo nating nararamdaman at siya ring gumagabay sa ating paglalakbay. Subalit sa ibang mga taong
hindi ito taglay, ito’y hindi nagiging hadlang sa pagkamit nila sa kanilang mga kagustuhan.
Marahil tayo’y nasanay sa karaniwang pagsasaya, gamit ang ating mga mata upang makita ang
ngiti sa kanilang mga mukha. Ngunit sa ilan ay hindi na ito kailangan pa, ang diwa ng kanilang
kaligayaha’y nagsisimula sa kanilang mga bahay. Sa ating pamilya at ating mga kaibigan na tanggap tayo,
anuman ang anyo nating pisikal.
Isang magandang halimbawa nito’y ang kababayan nating si Marx Melencio. Sa loob ng labing
anim na taong nawalan siya ng kakayahang makakita. Sa halip na ito’y magmukmok, ginamit niya ito na
dahilan upang lumago at tumulong sa kapwa nitong mga bulag gamit ang inembento niyang salamin na
nakakatulong na magbigay ng kakayahan sa kanilang makakita. Sa tulong, suporta at pagmamahal na
kaniyang nakuha sa kaniyang mahal sa buhay, ito’y kanyang naisabuhay.
Kung ating titignan, ang mata ay napakalaki ng gampanin sa ating mga buhay ngunit hindi ibig
sabihin nito’y ang mga wala nang kakayahan pang makakita’y di narin makakaranas ng kaligayahan na
ating natatamasa, bagkus ito’y ginagawa lang nila sa ibang pamamaraan gaya na lamang ng ginawa ni
Marx na siya mismo ang nagbigay ng kaligayahan at pag-asa sa kapwa nitong mga bulag upang muling
makakita ang ng kulay, ganda at saya ng mundo.
Hindi naman batayan ang pagkakakita sa mundo upang matawag itong kaligayahan, kundi ang
dangal at pagmamahal na iyong naibibigay sa ating mga kapwa ang siyang mas matimbang. Kaya’t sa
mga bulag na ating mga nakakasama, itrato sila ng tama at ating igalang, dahil ang mundo kanilang
nakikita’y kakaiba sa mundong ating ginagalawan.

You might also like