You are on page 1of 1

Gabay Patungong Kinabukasan

Ang ating mga pangarap ang siyang nagbibigay satin ng determinasyon upang ipagpatuloy ang
landas na tinatahak patungo sa tagumpay. Marahil sa daanan ay maraming mga hadlang patungo sa
destinasiyon na ating sinasamsam, ito’y hindi sapat na dahilan upang itigil na ang iyong paglalakbay. Sa
halip na sumuko, gawin itong gabay na siyang tutulong sa iyo upang ang mga desisyong iyong mapipili
ay tiyak na tama.

Hindi man madali ang bawat hakbang sa pagkamit ng ating kagustuhang mithiin, ang dulo
naman nito’y siyak na di natin pagsisisihan. Bawat dugo at pawis na bunga ng pagsusumikap, ang
minimithing nating kinabukasan ay siyang makukuha. Gaya ng payo ng ating mga magulang, ang iyong
pagsisikap ay tiyak na magbubunga. Huwag lamang panghinaan ng loob kundi mga pangarap ay biglang
magalaho.

“Ang problema ay hindi hadlang sa pag-abot ng iyong pangarap, ito ay gabay lamang upang
magpursiging lumaban at magpatuloy sa pagsisikap”, ang anak nitong tagumpay at pagkabigo, parehas
lamang na nagtuturo ng leksiyon na magagamit natin sa upang maitama an gating pagkakamali at maabot
ang matamis na minimithi. Marahil ang ila’y sobra na pasakit pero sa huli nito ay ang ating mga pangarap
na kumakaway at may sinasabi, “Halika na’t ako’y iyong abutin, ako ay naghihitay sa iyong pagdating.
Huwag kang susuko sa gitna ng iyong paglalakbay, Samahan mo ng panalangin ang iyong pagtyatyaga, sa
huli tayo rin ay magkikita.”

“Tulad ng mga bituin na kumikinang sa gabi, tayo lamang ay magniningnig sa gitna ng dilim.
Tulad ng mga problema na ating bitbit, sa halip na ito’y ikamuhi ay maging gabay satin”. Gaya nga ng
nabanggit sa tula, ang ating landas na tinatahak ay hindi lamang puro sarap, ito’y puno ng hadlang na
maaaring magpatigil sa ating paghakbang ngunit walang pagsubok na di natin kayang tahakin, dahil ito’y
tulad lamang ng isang pagsusulit, maraming pagpipilian at karamiha’y mali, ngunit pag-isipang mabuti,
ang solusyong nandiyan lamang sa tabi.

You might also like