You are on page 1of 1

Panalangin para sa aking

Pamilya
Panginoon, maraming salamat po sa pagkakataong kami po
ay magkakasama ngayon ng aking pamilya. Sa mga biyayang
ipinag kaloob Niyo po sa amin sa araw-araw. Patawarin Niyo po
kami sa mga pagkakasalang nagawa po namin. Nawa'y kami po'y
inyong gabayan at huwag pababayaang magapi ng pandemyang
aming nararanasan ngayon. Sana po ay mangingibabaw ang aming
pagmamahalan at pag-uunawaan sa bawat isa. Hinihiling ko rin po
na bigyan Niyo po kami ng malusog at malakas na pangangatawan
sa araw-araw upang malayo po kami sa anumang karamdaman.
Panginoon mahal na mahal ko po ang aking pamilya at sila'y
napakahalaga sa akin, hindi man po kami perpekto at may
pagkukulang sa isa't isa ngunit ako'y nagpapasalamat na sila ang
aking naging pamilya. Sana rin po magwakas na ang pandemyang
aming ikinakaharap sa ngayon upang makabalik na po kami sa dati
naming nakasanayan. Kayo na po ang bahala sa amin Panginoon,
kung wala po kayo, wala po kaming magagawa. Ito po'y aking
hinihiling sa ngalan ni Hesus, aming tagapagligtas Amen.

You might also like