You are on page 1of 1

Worksheet 1

SMF116

Pangalan: Villaluna, Jocelle M. Petsa: 09/15/2022 Iskor: ______

Panuto:Bigyang kasagutan ang hiningi sa mga pahayag.

1. Bigyan ng sariling kahulugan ang maikling kwento/katha. (3 pangungusap lamang)

• Ang maikling kwento ay isang panitikan na nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari sa buhay
ng isang tao. Ito ay sinasabi na mababasa sa isang upuan lamang sapagkat hindi tulad ng nobela,
ang maikling kwento ay hindi ito gaanong mahaba at kaunti lamang ang bilang ng tauhan. Ito rin
ay nagbibigay ng aral sa mambabasa.

2. Talakayin ang mga salik/sangkap ng maikling kuwento.

a) Tagpuan: Ito ay tumutukoy sa pook o lugar na pinangyarihan ng kwento at oras kung kailan ito
naganap. Ito rin ay naglalarawan ng kapaligiran ng mga tauhan.

b) Tauhan: Sila ang mga gumagawa ng eksena at nagbibigay buhay sa kwento. Bagama’t kaunti
lamang ang tauhan, ay lagi naman mayroon pangunahing tauhan.

c) Banghay: Ang banghay ay ang maayos na pagkakasunod-sunod na pangyayari sa isang kwento.


Mahalaga ito upang mas kapani-paniwala ang isang kwento.

3. Ilahad ang mga mahahalagang nilalaman ng dapat taglayin ng bawat bahagi ng kuwento.

a) Panimula: Sa bahaging ito pinapaasa ng may akda ang mga mambabasa. Isinasaad din dito ang
pagpapakilala sa tauhan, pagpapahiwatig ng maaaring problem ana kahaharapin ng tauhan, ang
pagkintal sa isipan ng mga mambabasa pati na din ang paglalarawan sa tagpuan.

b) Tunggalian: Ito ang tinatawag na sanliga ng akda sapagkat ito ang nagbibigay-daan sa mga tagpo
upang maging kapana-panabik. Ito ang labanan ng mga panig o pagharap ng tauhan sa suliranin,
na minsan ay laban sa sarili, sa kapwa, o sa kapaligiran.

c) Kasukdulan: Ito ang pinakakapana-panabik na bahagi ng kwento. Dito malalaman ng


pangunahing tauhan ng kwento ang katapuran o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. Dapat
ilarawan ito ng tiyak at maayos sapagkat mawawalan ng bisa ang kasukdulan.

d) Wakas: Ito ay kinabibilangan ng dalawang uri, ang kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ay
nagpapakita ng pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukulan. Ang
katapusan naman ay ang resolusyon ng kwento, kung ito ba ay masaya o malungkot. Ngunit may
mga pagkakataon na sinasadya ng may akda na mabitin ang mambabasa upang hayaan sila ang
humatol at magpasya kung ano ba ang kahihinatnan ng kwento.

You might also like