You are on page 1of 3

TEORYA NG WIKA – Mga Teoryang Kung Saan Ang Wika Ay Pinagmumulan

1. Teoryang Bow-wow
Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng
manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan, atbp.
2. Teoryang Ding-dong
Katulad ng teoryang bow-wow, ito ay galing din sa tunog na nanggagaling sa ating kalikasanan
na hinaluan ng tunog ng bagay na likha ng tao. Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat
ng bagay sa kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.
3. Teoryang Pooh-pooh
Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala
ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.
4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay
Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa mga
ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulat ng pagsayaw, pagtatanim,
atbp.
5. Teoryang Sing-song
Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas
na pinaniniwalaan ng marami.
6. Teoryang Biblikal
Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong lupa ay iisang wika at iisang
mga salita,
7. Teoryang Yoo He Yo
Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang puwersang pisikal.
8. Teoryang Ta-ta
Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang tao ay
nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.
9. Teoryang Mama
Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o ang
Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.
10. Teoryang Hey you!
Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng
pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng
takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
11. Teoryang Coo coo
Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda bilang
pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.
12. Teoryang Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao na
nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid.
13. Teoryang Hocus Pocus
Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o
relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
14. Teoryang Eureka!
Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong
tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang mga ideyang iyon, mabilis na
iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.

Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging
mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore.
Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore.
Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay
ayon sa wikang sinasalita. (Genesis Kabanata 11:1-8)

Tore ng Babel – kilala rin sa tawag na teorya ng Kalituhan, hango ito sa aklat ng Genesis na
nagsasabing noon ay may iisang wika lamang na ginagamit ang tao, iyon ang wikang Aramaic.
Pentecostes – Ito naman ay hango sa Bagong Tipan na nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya
ng Espirito Santo, natuto ang mga apostol ng mga wikang hindi nila nilalaman.

You might also like