You are on page 1of 8

7

Araling Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan
Quarter 4 - MELC 5 – Week 5
Ang Karanasan at Bahaging Ginampanan ng mga
Kababaihan Tungo sa Pagkakapantay-pantay,
Pagkakataong Pang-ekonomiya at Karapatang
Pampolitika

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Araling Panlipunan - Grade 7
Ikaapat na Markahan – Ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa
Transisyonal at Makabagong Panahon (Ika-16
hanggang Ika-20 Siglo)
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293. Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names o trademarks, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi
ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi
inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may akda ang
karapatang-aring iyon.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Elena Fillo, Ma. Imelda J. Gabasa
Paul J. Silva, Fatima T. Acebuche
Editor: Paul J. Silva, Fatima T. Acebuche
Grace V. Ojeda, Liberty Rose T. Jalandoni
Tagalapat: Floura May Z. Gorero
Tagaguhit: Eros E. Endencio
Tagapatnugot: Liberty P. Lego, EPS – Araling Panlipunan
April Rose B. Buenafe
Ramon S. Castor
Joji A. Leonida
Schools Division Quality Assurance Team:
Liberty P. Lego, EPS – Araling Panlipunan
Leila G. Valencia, EPS-LR
Jezereel Grace G. Tiron, Program Development Officer II
Bernie P. Alcedo, Librarian II
Arnold Peńas
Division of Iloilo City Management Team:
Ma. Luz M. De los Reyes, CESO V, SDS
Danny Clark Ugail, CESO VI, ASDS
Arlo L. Villalva, CID Chief
Jerry M. Lego, SGOD Chief
Leila G. Valencia, EPS-LRMDS
Liberty P. Lego, EPS – Araling Panlipunan
Regional Management Team:
Ramir B. Uytico, CESO IV, RD
Pedro T. Escobarte, Jr., CESO V, ARD
Elena P. Gonzaga, CID Chief
Donald T. Genine, EPS – LR
Mary Hazel Vivien P. Pineda, EPS – Araling Panlipunan
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Department of Education – Regional Office VI – Western Visayas
Office Address: Duran St., City Proper, Iloilo City, 5000
Telefax:
E-mail Address: region6@deped.gov.ph

2
AP 7 Ang Karanasan at Bahaging Ginampanan ng
Aralin 4: Ikaapat na Markahan mga Kababaihan Tungo sa Pagkakapantay-
Ikalimang Linggo pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya at
Karapatang Pampolitika

ALAMIN

Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan sa lipunan ay hindi naging madali para sa


mga kababaihan sa mga nakalipas na panahon. Maraming mga hamon ang kanilang hinarap
upang sila ay magkaroon ng mataas na pagkilala sa iba’t ibang larangan sa Asya.

Sa aralin na ito ay susuriin mo ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga


kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampolitika.

SUBUKIN
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at ekis (x)
naman kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Si Corazon Aquino ang unang babaing pangulo ng Pilipinas.


2. Sa kasalukuyan, ang kababaihan ay walang pantay na karapatan sa lipunan.
3. Mas lamang ang kalalakihan pagdating sa karapatang panlipunan sa Japan noong
unang panahon.
4. Sa Pilipinas, ang babae ay walang karapatang mamili ng mapapangasawa.
5. Si Aung San Suu Kyi ay pinuno ng National League for Democracy sa Burma.

BALIKAN
Panuto: Suriin ang mga larawan at punan ng angkop na titik upang mabuo ang tamang
salita. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. D_M_ _RA_Y_ 2. K_ _UN_S_O 3. K_L_Y_ _ N

TUKLASIN
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong at isulat sa sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:
1. Sino ang nasa larawan?
2. Ano sa palagay mo ang kanyang kontribusyon sa bansang Pilipinas?
3. Paano niya binago ang katayuan ng kababaihan sa ating bansa?

3
SURIIN

Pagtataguyod sa Karapatan ng mga Kababaihan

Ayon kay Mateo (2008) sa ngayon, hindi pare-pareho ang kalagayan ng kababaihan sa Asya.
Mas higit na maganda ang kalagayan at mayroon ding kakaunti lamang ang karapatan. Hindi basta-
basta narating ng kababaihang Asyano ang kasalukuyang kalagayan nila. Nagpunyagi ang
kababaihang Asyano upang mapabuti ang kanilang kalagayan.
Mapapansin sa pangkalahatan, kulang tayo sa literatura hinggil sa papel ng kababaihan sa
kasaysayan. Sa Pilipinas halimbawa, patuloy paring binubuo ng mga historyador at peminista
(Feminist) ang kasaysayan ng kababaihan. Ang mga peminista ay mga tagapagtaguyod ng pantay na
karapatan sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ito ay dahil karamihan sa akdang pagkasaysayan ay
isinulat ng mga kalalakihan, kundi man mula sa pananaw ng lalaki. Kadalasan ding itinuturing na ang
kasaysayan ng kababaihan at kasaysayan ng kalalakihan ay pareho lamang kung kaya’t hindi na
kailangan pang bigyan ng hiwalay na pagtalakay.

Kilusang Suffragist

Ang suffragist ay mula sa salitang suffrage na nangangahulugang karapatang bumoto sa


eleksyon o reperendum at mahalal sa pamahalaan. Ang kilusang pangkababaihan, kilala rin bilang
Kilusang Suffragist, ay binubuo sa iba’t ibang bahagi ng Asya sa unang bahagi ng ika-20 siglo.
Maipagmamalaki ng mga Pilipino na ang Pilipinas ang isa sa unang bansa sa Asya na nagbigay ng
karapatang bumoto sa kababaihan noong 1937.

Japan

Ang tradisyonal na papel ng kababaihan sa Japan ay nakasalalay sa sistema kung saan lalaki
ang namamayani (tinatawag ding sistemang patriyarkal). Ayon sa tradisyon, tinuturuan ang mga
babaing sundin ang kanyang ama, asawa, at anak na lalaki. Maituturing ang mga pananaw na ito na
nakaugat sa paniniwalang Confucian na nakuha ng Japan mula sa China. Kung kaya’t ang
pagpupunyagi ng kababaihang Hapones na makamit ang karapatan sa pagboto ay isang napakalaking
hakbang para sa kanila.
Si Ichikawa Fusae naman ang peminista at pulitikong namuno sa Kilusang Suffragist sa Japan.
Nahalal siya nang limang ulit sa Parlamento habang nangangampanya para sa pagkakapantay-pantay.
Noong 1924, pinangunahan niya ang pagtatag ng Fusen Kakutoku Domei o Women’s Suffrage
League. Ito ang naging simula ng pagkakaroon nila ng karapatang mag-organisa at dumalo sa mga
pulong pulitikal na dati ay ipinagbabawal sa kanila. Noong dekada 1920, isa sa pangunahing partido
pulitikal ang sumuporta sa women’s suffrage.

Pilipinas

Malinaw na may mahalagang papel na ginampanan ang kababaihan sa lipunan bago


lumaganap ang kolonyalismo. Kababaihan ang karaniwang tumatayo bilang babaylan at katalonan o
mga lider-ispiritwal. Marami ring pribilehiyo at karapatan ang kababihan na dati-rati ay tinatamasa nila
subalit nawala na sa kanila dahil sa kolonyalismo. Kung gayon, ang pakikibaka ng kababaihan para sa
pantay na karapatan ay maaaring tingnan bilang pagbawi ng kanilang dating mataas na katayuan sa
lipunan.

Isinulong ng United Nations ang mga karapatan ng kababaihan noong idineklara nito ang
1975 bilang International Women’s Year. Dagdag dito, idineklara rin ng General Assembly ng
United Nations ang United Nations Decade for Women: Equality, Development and Peace mula
1976-1985. Sa loob ng dekadang ito, isang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women (CEDAW) ang inilabas. Nakapaloob sa dokumentong ito ang ilang
karapatan ng kababaihan:
1. Ang pagbibigay-diin o pagpapahalaga sa diwa ng pagkapantay-pantay ng kababaihan at
kalalakihan sa pamamagitan ng paglalagay nito sa Konstitusyon.
2. Ang pag-alis ng diskriminasyon sa kababaihan sa pagsasakatuparan niya ng karapatang
bumoto at mailuklok sa isang posisyong pulitikal.
3. Ang pag-alis sa diskriminasyon sa kababaihan upang makatamasa ng edukasyon.

4
4. Ang pag-alis sa diskriminasyon sa kababaihan upang makapaghanapbuhay.
5. Ang pag-alis sa diskriminasyon sa kababaihan sa larangan ng kalusugan.
Ang pagbabawal sa kababaihang bumoto dahil sa kanyang kasarian ay isang paglabag sa
karapatang pulitikal ng kababaihan. Ang pagtatakda ng mababang bilang ng mga babaing maaaring
pumasok sa kolehiyo ng medisina sa ilang pamantasan ay isang paglabag sa karapatan ng
kababaihang makatamasa ng edukasyon. Ang hindi pagtanggap sa mga babaing may-asawa sa mga
pabrika dahil sa magbabayad ang kompanya ng maternity leave sa oras na manganak ang babae ay
isang paglabag sa karapatan ng kababaihang magtrabaho. Ang pagkait sa kababaihan ng maternity
leave upang magpalakas at maalagaan ang bagong silang niyang anak ay isang paglabag din sa
karapatang pangkalusugan ng kababaihan.

Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya

Ayon naman kay Blando (2014), ang ika-16 hanggang 20 siglo ay nagsilbing
oportunidad sa mga kababaihan para mapalawak ang kanilang papel sa lipunan at
maitaguyod nang may mataas na paggalang at pagkilala. Narito ang ilan sa mga kababaihan
sa Silangan at Timog Silangang Asya na gumawa ng kanilang pangalan at bunsod ng kanilang
naiambag. Kilalanin ang ilan sa kanila.

Japan- si Mitsu Tanaka ang nanguna sa bansang Japan at nagtatag ng Garrupo Tatakan
Onuatachi (Fighting Women Group) at layong tutulan ang abortion at itaguyod ang mga
karapatan ng babae.

Pilipinas- sa bansang Pilipinas, si Corazon Aquino ang unang babaing pangulo ng bansa
at kinikilala bilang Ina ng Demokrasya.

Burma- si Aung San Suu Kyi ang pinuno ng National League for Democracy at Nobel
Peace Laureate

Indonesia- si Megawati Sukarnoputri unang babaing pangulo ng Indonesia

Mapupuna na maraming kababaihan na ang tumanyag sa iba’t ibang larangan maliban sa mga
nabanggit. Isa itong malaking tagumpay ng mga babae sa rehiyon na minsan sa kasaysayan ay itinuring
na di gaanong mahalaga. Ipinaloob na din ng iba’t ibang bansa sa kanilang saligang batas ang mga
karapatan ng babae na layuning maitaguyod ito para sa kanilang kapakanan. Hindi rin matatawaran
ang malaking partisipasyon ng mga babae sa pag-akyat ng ekonomiya ng kanilang bansa. Sa Pilipinas
ang grupong Gabriela ay kilala sa pakikipaglaban sa karapatan ng mga babae. Isa ito sa party list ng
Kongreso ng Pilipinas.

PAGYAMANIN
Panuto: Kopyahin ang tsart sa sagutang papel at punan ng tamang sagot batay sa binasang
teksto.
Bansa Mga Kababaihan Ambag
1. Japan 1. 1.
2. Pilipinas 2. 2.
3. Burma 3. 3.
4. Indonesia 4. 4.

ISAISIP
May mga kababaihan na may malaking naiambag sa kanilang bansa sa larangan ng
pulitika, panlipunan, ekonomiya at edukasyon. Ang karapatang makapagboto ay isang
napakalaking tagumpay na kanilang nakamtan sa kanilang pakikibaka sa pagkakapantay-
pantay sa lipunan.

5
ISAGAWA
Panuto: Pag-aralan ang mga isyu na kinakaharap ng mga kababaihan sa kasalukuyan na
nakatala sa loob ng kahon. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay dapat o di- dapat at ipaliwanag ang
iyong naging sagot.

Isyung Pangkababaihan Dapat Di-dapat Paliwanag


1. pakikilahok ng babae sa politika
2. may oportunidad na makapagtrabaho
sa ano mang uri ng hanapbuhay na ninanais
3. pagsulong ng mga batas na nangangalaga sa
karapatan ng kababaihan sa aspetong
pangkalusugan

TAYAHIN
Panuto: Suriing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Maraming kababaihan ang nagtagumpay sa larangan ng pulitika. Sino ang
pinakaunang babaing naging pangulo ng Pilipinas?
A. Corazon Aquino C. Aung San Suu Kyi
B. Mitsu Tanaka D. Megawati Sukarnoputri
2. Nagkaroon ng iba’t ibang samahan ang kababaihan sa Silangan at Timog-Silangang
Asya. Alin sa mga sumusunod na samahan ang tumututol sa abortion?
A. United Nations
B. Garrupo Tatakan Onuatachi
C. National League for Democracy
D. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
3. Isa sa mga karapatang ipinaglalaban ng mga kababaihan sa bansang Japan ang
karapatan na bumoto. Ano ang tawag sa karapatang bumoto sa eleksyon o
reperendum at mahalal sa pamahalaan?
A. Suffragist C. Elect
B. Parlamento D. Suffrage
4. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women (CEDAW)?
A. upang maging tanyag ang kababaihan sa buong mundo
B. upang mawala ang takot ng kababaihan sa kalalakihan
C. upang magkaroon ng pantay na karapatan ang kababaihan sa lipunan
D. upang magkaroon ng proyekto ang United Nations para sa kababaihan
5. Paano iginiit ng kababaihang lider ang kanilang mga karapatan sa larangan ng pulitika
sa Asya?
A. naging tanyag ang kanilang pangalan
B. nabigo ang kanilang pamumuno sa kanilang bansa
C. sila ay mga naging magaling na pinuno sa kani-kanilang mga bansa
D. sila ay namuno sa pag-alsa laban sa mga kalalakihang pinuno ng kanilang bansa

6
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Maghanap ng larawan ng isang tanyag na babae na iyong hinahangaan mula sa
Silangan o Timog-Silangan Asya na may malaking naitulong sa kalagayan ng mga
kababaihan. Idikit ang larawan sa short size bond paper at sumulat ng sanaysay na binubuo
ng limang (5) pangungusap kung bakit siya ang iyong napili.

Rubriks ng Gawain
puntos sa
Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos bawat
pamantayan
Nilalaman may limang ay tatlong may isang
pangungusap na pangungusap na pangungusap na
angkop sa gawain angkop sa gawain angkop ang
gawain
Organisasyon napaka- organisado at hindi organisado
ng mga ideya organisado at malinaw ang ideya at hindi malinaw
napakalinaw ng ang ideya
ideya
Gamit tumpak ang may kaunting mali marami ang mali
istruktura ng mga sa istruktura ng sa istruktura ng
pangungusap at mga pangungusap mga
gamit ng mga at gamit ng mga pangungusap at
salita salita gamit ng mga
salita
Kabuuang puntos

MGA SANGGUNIAN sa ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 4

MGA SANGGUNIAN sa ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 4

Sanggunian mula sa aklat:


Mateo, Grace Estela C., et. al. (2008). Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. Vibal Publishing
House, Inc.
Mateo, Grace Estela C., et. al. (2008). Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Manwal ng Guro
sa Araling Panlipunan. Vibal Publishing House, Inc.
Blando, Rosemarie C., et. al. (2014). Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.
Eduresources Publishing, Inc.
Samson, Maria Carmelita B., et al. (2017). Kayamanan: Araling Asyano. Rex Printing
Company Inc.
Project EASE Araling Panlipunan VIII

Sanggunian ng mga larawan


Mga iginuhit na larawan
Endencio Eros E. (2021)

7
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like