You are on page 1of 4

BAGONG BARRIO ELEMENTARY SCHOOL

Bagong Barrio, Balasing Santa Maria Bulacan

TABLE OF SPECIFICATION
Grade : 6 Subject : Araling Panlipunan
Quiz No. : 3 Quarter : First

Remembering
Percentage of

Understandin
No. of Days

Evaluating

Analyzing
Applying

Creating
Number

TOTAL
Items
Item
No. Objective

g
1 Nakikilala ang mga 5 25% 1-5 5
natatanging
kababaihan sa
panahon ng 4
Rebolusyong Filipino.
2 Naipaliliwanag ang 5 25% 6- 5
dahilan kung bakit sila 10
naturingang mga
natatanging

5 Nalalaman ang mga 5 c 11, 15 13 5


naging kaganapan 2 12,14
upang makamit ang
kalayaan ng Pilipinas.

6 Nailalahad ang mga 2 5 25% 16- 5


pangyayari sa pagbuo 20
sa Kongreso ng
Malolos.

Total 8 20 100% 20

Prepared by: NOTED:

MARK ANTHONY C. CRUZ SHERYL DC. SILVERIO


Teacher School Principal I
BAGONG BARRIO ELEMENENTARY SCHOOL
Bagong Barrio, Balasing,Santa Maria,Bulacan

THIRD SUMMATIVE TEST IN AP 6


FIRST QUARTER

Name :__________________________________ _________Grade/Section: __________


Teacher: ______________________________    Date: ____________________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang tamang sagot sa patlang.

_______1. Siya ang nag-iisang babae na namuno sa rebolusyon sa Visayas sa panahon ng


pananatili ng mga mga Espanyol at Amerikano sa bansa. Pinahanga niya hindi lamang ang
kanyang pinamumunuang pangkat na kapwa Filipino kundi maging ang mga kalaban.
A. Teresa Magbanua C. Melchora Aquino
B. Gregoria de Jesus D. Trinidad Tecson

______2. Tinagurian siyang “Joan of Arc” ng Kabisayaan dahil sa kanyang ipinamalas na husay
sa taktikang pang-militar noong panahon ng rebolusyon sa Pilipinas.
A. Marina Dizon Santiago C. Trinidad Tecson
B. Teresa Magbanua D. Melchora Aquino

______3. Siya ang kauna-unahang babae na naging kaanib sa Katipunan. Ang pagsapi niya sa
kilusan ay ginanap sa bahay ni Restituto Javier sa kalye Oroquieta, Sta. Cruz, Manila.

A. Melchora Aquino C. Marina Dizon Santiago


B. Trinidad Tecson D. Gregoria de Jesus

______4. Sumapi siya sa Katipunan sa edad na 47 at lumagda sa pamamagitan ng sariling dugo


na hindi sapilitan sa mga kababaihan noong panahon na iyon.
A. Marina Dizon Santiago C. Melchora Aquino
B. Trinidad Tecson D. Teresa Magbanua

______5. Siya ang kabiyak ng supremo ng Katipunan na aktwal na nakipaglaban sa mga


Kastilang mananakop.
A. Melchora Aquino C. Trinidad Tecson
B. Gregoria de Jesus D. Marina Dizon Santiago

______6. Bakit binansagang “Ina ng Biak-na-Bato” si Trinidad Tecson?


A. dahil siya ay ipinanganak sa San Miguel, Bulacan na kakakitaan ng Biak- na-Bato
B. dahil inaruga niya ang mga sugatang katipunero sa Kabisayaan noong panahon ng rebolusyon
C. dahil siya ang nagtago ng mga mahahalagang dokumento ng Katipunan
D. dahil binuksan niya ang kanyang tahanan para sa mga lumalabang katipunero

_______7. Paano ipinakita ni Tandang Sora ang kanyang pagtulong sa mga katipunero noong
panahon ng rebolusyon?
A. aktwal na nakipaglaban sa mga Kastila
B. naglapat ng paunang lunas sa mga sugatang katipunero
C. lihim na nagmanman sa mga kilos ng mga katipunero
D. nagturo sa mga bagong kasapi ng Katipunan tungkol sa mga alituntunin nito

______8. Bakit ginawarang brigadier general ng pamahalaang rebolusyonaryo si Trinidad


Tecson?
A. dahil napansin ng pamahalaan ang kanyang katapatan at husay
sa pakikidigma
B. dahil siya ang inatasang maging tagapag-ingat ng mga mahahalagang
dokumento ng samahan
C. dahil siya ang naging tagapagturo at tagapagsanay sa mga bagong
kasapi ng Katipunan
D. dahil siya ang pinakaunang nagpatala bilang kasapi ng samahang rebolusyonaryo

_______9. Bakit itinalagang komandante sa hilagang bahagi ng Iloilo si Teresa Magbanua?


A. dahil naging matagumpay ang kanyang pakikipaglaban sa mga Kastila sa
Iloilo
B. dahil sa Iloilo nakatira ang mag-anak ni Teresa Magbanua
C. dahil naging matagumpay ang itinatag niyang samahan ng mga
kababaihan sa Iloilo
D. dahil sa hilagang bahagi ng Iloilo nagtago ang mga tauhan ni Teresa
Magbanua

______10. Bukod sa pagiging lakambini ng Katipunan, ano pa ang ginampanang papel ni


Gregoria de Jesus sa kilusan?
A. naging tagapag-ingat ng mga mahahalagang dokumento, kagamitan
at sandata ng katipunan
B. naging kalihim ng Katipunan
C. nangasiwa sa mga proyektong pinansyal ng kilusan
D. nanguna sa mga labanan gamit ang sandatang pandigma sa Zaragoza, Nueva Ecija

______11. Anong uri ng pamahalaan ang ipinatupad ni Emilio Aguinaldo?


A. Diktaturyal
B. Demokratiko
C. Monarkiya
D. Oligarkiya

______12. Saan matatagpuan ang simbahan na pinagdausan ng Kongreso ng Malolos?


A. Baliwag, Bulacan
B. Malolos, Bulacan
C. Meycauyan, Bulacan
D. Plaridel, Bulacan

______13. Bakit hindi nagtagal ang saligang batas na ginawa sa Kongreso ng Malolos?
A. dahil hinuli at ipinakulong si Emilio Aguinaldo
B. dahil namatay si Emilio Aguinaldo
C. dahil nasunog ang kopya ng probisyon at saligang batas
D. napalitan ang saligang batas

______14. Saan naganap ang Kongreso ng Malolos?


A. Katerdral ng Malolos
B. Parokya ng Inmaculada Concepcion
C. Simbahan ng Barasoain
D. Simbahan ng Baliwag

______15. Ano ang tatlong mahahalagang sangay ng pamahalan na nakapapaloob sa Saligang


Batas ng Malolos?
A. Lehislatura, Hudisyal at Ehekutibo
B. Tagapagpaganap, Tagapagbatas at Hudikatura
C. Tagapagbatas, Tagagawa at Tagapaglinis
D. Ehekutibo, Hudikatura at Lehistura
B. Panuto: Iguhit ang (ulap) kung ang pahayag ay naganap sa panahon ng pagtatatag ng

Kongreso ng Malolos at (kidlat) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

_______ 16. Pinagtibay ang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas

________17. Lumagda ng isang kasunduan ng kapayapaan laban sa mga Amerikano

_______ 18. Naghanda ng mga taong bubuo ng saligang batas

_______ 19. Nagplano upang ibenta ang ating bansa sa mga Amerikano

_______ 20. Itinatag ang isang Komisyon ng Katarungan

You might also like