You are on page 1of 2

Old San Agustin National High School

Old San Agustin Basey, Samar

Pre-test EsP 9
2021-2022
TEST I
Name_________________________ Year/Section________________ Date__________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. Ang buhay ng tao ay panlipunan dahil?
A. Sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
B. May iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
C. May mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
D. Lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
2. Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. Kapayapaan C. Paggalang sa indibidwal na tao
B. Kabaitan D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
3. Alin ang tunay na layunin ng lipunan?
A. Kapayapaan B. Kasaganaan C. Katiwasayan D. Kabutihang panlahat
4. Ano ang kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng lahat ng tao.
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan.
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan.
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi.
5. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang
magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang pahayag ay kay;
A. Aristotle B. Bill Clinton C. John F. Kennedy D. St. Thomas Aquinas
6. Tinutukoy nito ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan at
pinamamahalaan ng estado.
A. Lipunang pang-ekonomiya B. Lipunang Pulitikal C. Lipunang Sibil D. Lipunang
Media
7. Alin sa mga sumusunod ay isang mahalagang patunay ng pag-iral ng lipunang may pulitika?
A. May umiiral na mga prinsipyo at paniniwala ng mga mamamayan
B. May pamahalaang nangunguna sa lahat ng gawain at nagsasatitik ng mga batas para sa
lipunan.
C. May mga pinuno ng pamahalaan na nagpapanatili ng katiwasayan
D. May maayos na pamahalaang nagsasaayos at nagsisiguro sa maayos na pamumuhay, may
sariling mithiing
kasabay ng kabutihang panlahat.
8. Isang anyo ng lipunan na pinaglalagakan ng mga katotohanang kailangan para sa kabutihang panlahat.
A. Simbahan B. Sibil C. Media D. Batas
9. Alin sa mga sumusunod na anyo ng lipunang sibil ang inilarawang pagsulong ng kabutihang panlahat
sa anumang kasarian?
A. walang pag-uuri B. pagiging organisado C. may isinusulong na pagpapahalaga D. bukas na
pagtatalastasan
10. Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya?
A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
B. Pagkilos para sa lamang na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng yaman ng bayan
11. Alin sa sumusunod ang maaaring ohambing ang isang lipunan?
A. Pamilya B. Barkadahan C. Organisasyon D. Magkasintahan
12. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
A. Batas B. Kabataan C. Mamamayan D. Pinuno
13. Sino ang nagsilbing halimbawa ng may puso para sa lipunan dahilsa adbokasiya niya ng pagkilala sa
tao lagpas sa kulay ng balat.
A. Malala Yuosafzai B. Martin Luther King C. Nelson Mandela D. Ninoy Aquino
14. Sa isang lipunan pampolitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?
A. mamamayan B. pangulo C. pinuno ng simbahan D. kabutihang panlahat
15. Ano ang tawag sa proseso ng hahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng
pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito?
A. Lipunang Politika B. Pamayanan C. Komunidad D. Pamilya
16. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangari ng isang
pamayanan?
A. kultura B. relihiyon C. batas D. organisasyon
17. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang palahat maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
B. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas Malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng
iba.
C. Pakikinabang sa benepisyong hatid g kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi
apara sa pagkamit
nito.
D.Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
18. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?
A. Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan C. Bayanihan at kapit-bahayan
B. Pagkakaroon ng kaalitan D. Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
19. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?
A. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman C. lahat ay iisa ang mithiin
B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari D. Likha ang lahat ng Diyos
20. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili sa bagay?
A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na
kaya naman niya
itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dahil karapatan niya iti bilang mamamayang
nagbabayad ng
buwis.
B. Hindi mabitiwan ni Sheila ang kaniyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil
mayroon itong
sentimental value sa kaniya.
C. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na nasa ibang bansa
lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
D. Lahat ng nabanggit.

TEST II
Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong: (5 puntos bawat tanong)
1. “Walang sino man ang nabubuhay para sa srili lamang”.
2. Bakit inihalintulad sa isang barkadahan ang pamayanan

JULIET V.
ADVINCULA
Subject
Teacher

You might also like