You are on page 1of 1

Nuestra Señora Dela Paz

Tibagan, Cay Pombo, Sta. Maria, Bulacan


HERMANIDAD NI DELA PAZ
__________________________________________________________________________________________

Control No.: FC -
0088
Ika – 29 ng Agosto 2022

ELCAMAR MOTORS
Sta. Maria, Bulacan

Sumainyo ang kapayapaan!

Kami po ang syang bumubuo sa samahan ng Kapistahan ng Mahal na


Birhen ng Nuestra Señora Dela Paz sa ating barrio ay syang naatasang
manguna sa pagsasaayos ng mga kasalukuyang sira o pagrepair sa pisikal na
katayuan ng ating bisita. Sakadahilanang may katagalan na ang pagkakatatag
ng ating bisita na humigit animnapu’t limang taon na (65 years) mula ng ito ay
naitatag noong 1959, ay may ilang mga parte na nito ang unti unting nasisira
kahalintulad ng bubong, kisame at bahagi ng dingding nito na unti-unti ng
humihiwalay sa pagkakabalangkas nito sanhi marahil ng katagalan at hindi
magandang pagkakabalangkas o pagkakadugtong ng extension nito.

Nang dahil po dito, ang ating pong fiesta committee sa pangunguna ng


inyong lingkod ay magsasagawa ng “Urgent Repair & Renovation Project”para
sa ating bisita. Layunin po ng proyektong ito na maagapanan ang inaasahang
malaking damage na maaaring mangyare sa pisikal na katayuan ng ating bisita.
Inaasahan po ng samahan na maisagawa ang nasabing proyekto sa lalong
madaling panahon na tinatayang matatapos bago ang pagdiriwang ng simbang
gabi sa buwan ng Disyembre.

Kaugnay po nito, kami po ay lumalapit sa inyong mabuting kalooban


upang humingi ng tulong pinansyal upang magkaroon ng kaganapan ang
proyektong ito. Anuman po ang inyong maipagkaloob ay aming pasasalamatan
at ating pagsasamasamahin upang higit na mapaganda ang kalagayan ng ating
bisita.

Marami pong salamat!

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Dakilang Lumikha at gabayan ng


Mahal na Birhen ng Nuestra Señora Dela Paz!

Lubos na gumagalang,

G. Roderick Ordonio
Hermano Mayor

You might also like