You are on page 1of 6

Unang Araw

9
I. Layunin

Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto

II. A. Paksang Aralin


Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Napakinggang Kwento

B. Sanggunian
F5PN-III-4

C. Mga kagamitan
Kwento, tsart

III. Pamamaraan

1. Balik-aral
Sino ang makapagbibigay ng nakalipas nating aralin?

2. Pagsasanay
Babasahin ng guro ang isang kwento habang nakikinig ang mga bata..
Ipasagot ang mga tanong ukol dito.

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Sino sa inyo ang makakapagkwento ng sariling karanasan?

B. Paglalahad
Ilalahad ng guro ang isang kwento. Ipabasa ito sa isang mag-
aral .
.
C. Pagtalakay
Talakayin ang karanasan sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga tanong.

D. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain.
Pangkat 1- sa paaralan
Pangkat 2- sa simbahan
Pangkat 3- sa pasyalan
Pangkat 4- sa sasakyan

E. Paglalahat
Ano ang inyong natutuhan sa ating pinag-aralan ngayon?

F. Paglalapat
.Bumuo ng isang usapan ayon sa inyong karanasan. Iparinig ito
sa klase.

IV. Pagtataya

Pakinggan ang babasahin ng guro at iugnay ang inyong sariling karanasan


ayon sa inyong narinig. Isulat ito sa isang buong papel.

V. Takdang Aralin
Magbasa ng isang kwento na may kaugnayan sa inyong sariling karanasan.

Ikalawang Araw

10 I. Layunin

Naisasalaysay ang mga pangyayaring naobserbahan sa paligid.


II. A. Paksang Aralin
Pagsasalaysay ng mga Pangyayaring Naobserbahan sa Paligid.

B. Sanggunian
F5PS-IIdf-3.1

C. Mga kagamitan
Mga larawan

III. Pamamaraan

1. Balik-aral
Ano ang nakalipas nating aralin?

2. Pagsasanay

Tumawag ng isang mag-aaral upang magsalaysay ng mga


pangyayari na naobserbahan n’ya sa kanyang paligid.

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Itanong: Sino sa inyo ang makapagsasalaysay ng mga pangyayaring
naobserbahan ninyo sa inyong paligid?

B. Paglalahad
Ipabasa sa mga bata ang awit na” Kapaligiran” sa Basahin Mo.

C. Pagtalakay
Talakayin ang awit sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong.

D. Pagpapayamang Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima (5) at hayaan silang
magsalaysay ukol sa mga pangyayari na naobserbahan nila sa
kanilang paligid.

E. Paglalahat
Maraming mga bagay ang naoobserbahan natin sa ating
kapaligiran .At lahat tayo ay may kakayahan na unawain at
isalaysay ang mga ito.

F. Paglalapat
Ipagawa sa mga bata ang Gawain sa Sulatin Mo.
Sitwasyon.

IV. Pagtataya

Tingnan at suriin ang mga nasa larawan at isalaysay ang mga pangyayari
na inyong naobserbahan.

V. Takdang Aralin

Magmasid sa inyong kapaligiran at isulat kung ano ang inyong


naobserbahan sa araw na ito.

Ikatlong Araw

I. Layunin
3
Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng mga hayop na exotic.

II. A. Paksang Aralin


Paggamit ng Pang-uri sa paglalarawan ng mga hayop na exotic

B. Sanggunian
F5WG-III-4.4
Pag-unlad Sa Wika at Pagbasa p.107

C. Mga kagamitan
Mga larawan,tsart,metacards

III. Pamamaraan

4. Balik-aral
Pagbabalik-aral sa nakalipas na aralin

5. Pagsasanay

Hayaang magbigay ng iba’t-ibang uri ng hayop ang mga bata at


ipalarawan ito sa kanila.

6. Mga Gawain
A. Pagganyak
Itanong: Sino sa inyo ang nakapunta na sa Manila Zoo?
Anu-ano ang mga hayop na makikita natin dito?

B. Paglalahad
Ipakita sa mga bata ang mga larawan ng iba’t-ibang uri ng
hayop.Ipalarawan ang mga ito.

C. Pagtalakay
Anong uri ng pananalita ang ating ginamit sa paglalarawan
sa mga hayop?

D. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain. Bumuo ng 5 grupo pumili ng isang
exotic na hayop at ilarawan ito gamit ang pang-uri.

E. Paglalahat
Anong uri ng pang-uri ang ginagamit natin sa
paglalarawan?

F. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain sa Isulat Mo.

VI. Pagtataya

Ilarawan ang mga sumusunod na exotic na hayop gamit ang pang-uri.

VII. Takdang Aralin

Magbigay ng 5 halimbawa ng exotic na hayop at ilarawan ang ga ito


gamit ang pang-uri.

You might also like