You are on page 1of 8

IKA-15 NA LINGGO SA

KARANIWANG
PANAHON
PSALTER: LINGGO 3/
PUTI
PAGGUNITA KAY SAN
BUENAVENTURA
UNANG PAGBASA: Isaias 38:1-6, 21-22, 7-8
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Noong mga araw na iyon, nagkasakit nang malubha si
Ezequias, kaya siya’y dinalaw ni Isaias na anak ni Amoz. Sinabi
niya sa hari ang utos na ito ng Panginoon: “Ipatawag mo ang
iyong sambahayan at gawin mo na ang iyong mga huling
habilin, sapagkat hindi ka na gagaling.” Pagkarinig nito,
humarap siya sa dingding at nanalangin! “O Panginoon, alam
mo kung paano ako namuhay sa iyong harapan. Naglingkod
ako sa iyo nang tapat at ang ginawa ko’y pawang nakalulugod
sa iyong paningin.” Pagkatapos, nanangis siya nang malakas.
Nagsalita uli ang Panginoon kay Isaias. Wika sa kanya,
“Sabihin mo kay Ezequias ang sinasabi ng Panginoon, ang
Diyos ng iyong ninunong si David: ‘Nakita ko ang iyong
pagluha at narinig ko ang iyong dalangin; kaya labinlimang
taon ka pang mabubuhay. Hindi lamang iyon, ikaw at ang
lungsod na ito’y hindi maaano, pagkat ipagtatanggol ko kayo
laban sa hari ng Asiria.’” Si Isaias ay nagpakuha ng pantapal na
igos para sa bukol ni Ezequias; gumaling naman ito. At
itinanong ni Ezequias, “Ano ang magiging palatandaan na
ako’y maaari nang umakyat sa Templo?”. “Ito ang
palatandaang ibibigay sa iyo ng Panginoon para patunayang
tutupdin niya ang kanyang pangako. Ang anino sa orasan sa
palasyo ni Haring Acaz ay pababalikin niya ng sampung guhit.”
At gayun nga ang nangyari.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16

Buhay ko’y ‘yong iniligtas,


pag-iral ko’y walang wakas.

Minsa’y nasabi kong


sa katanghalian ng buhay, ako ay papanaw!
Sa daigdig ng patay
ako masasadlak, upang manatili roong walang hanggan.

Buhay ko’y ‘yong iniligtas,


pag-iral ko’y walang wakas.

At nasabi ko ring di na makikita


ang Panginoon at sinumang nabubuhay.

Buhay ko’y ‘yong iniligtas,


pag-iral ko’y walang wakas.
Katulad ng toldang tirahan ng pastol,
inalis sa akin ang aking tahanan.
Ang abang buhay ko’y
pinuputol mo na tulad ng tela sa isang habihan.

Buhay ko’y ‘yong iniligtas,


pag-iral ko’y walang wakas.

O Poon,
ang mga nilikha ay nabubuhay dahilan sa iyo,
ako’y pagalingin at ang aking lakas sana’y ibalik mo.

Buhay ko’y ‘yong iniligtas,


pag-iral ko’y walang wakas.
Ikalawang pagbasa : 1 Mga Taga-Corinto 1:18-25
Pagbasa mula sa sulat ni apostol san Pablo sa mga taga
corinto.
Ang mensahe tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan
para sa mga taong naliligaw ng landas, ngunit ito'y kapangyarihan ng
Diyos para sa ating mga naliligtas. Sapagkat nasusulat, “Sisirain ko ang
karunungan ng marurunong at gagawin kong walang saysay ang
katalinuhan ng matatalino.” Ano ngayon ang kabuluhan ng
marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, ng mahuhusay na
debatista sa kapanahunang ito? Ipinapakita ng Diyos na ang
karunungan ng sanlibutang ito ay pawang kahangalan lamang.
Sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya pinahintulutang
siya'y makilala ng tao sa pamamagitan ng kanilang karunungan. Sa
halip, minarapat niyang iligtas ang mga nagpapasakop sa kanya sa
pamamagitan ng Magandang Balita na aming ipinapangaral, na sa
tingin ng iba'y isang kahangalan. Ang mga Judio'y humihingi ng himala
bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griyego.
Ngunit ang ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na
para sa mga Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang
kahangalan. Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging
Griyego, si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos.
Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang
higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng
Diyos ay kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao.
Ang salita ng Diyos.
MABUTING BALITA
Mateo 12, 1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si


Hesus sa triguhan. Nagutom ang kasama niyang mga alagad kaya’t
nangitil sila ng uhay at kinain ang mga butil. Nang makita ito ng mga
Pariseo, sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga
alagad. Bawal iyan kung Araw ng Pamamahinga.” Sumagot si Hesus,
“Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at
ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain
ng tinapay na handog sa Diyos at pinakain din niya ang kanyang mga
kasama. Labag sa Kautusan na kanin nila ang tinapay na iyon sapagkat
ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon. Hindi
pa ba ninyo nababasa sa Kautusan ni Moises na tuwing Araw ng
Pamamahinga, lumalabag sa batas tungkol sa araw na ito ang mga
saserdote sa templo, gayunma’y hindi nila ipinagkakasala iyon?
Sinasabi ko sa inyo, naririto ang isang higit na dakila kaysa templo.
Hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala kung alam ninyo ang
kahulugan ng mga salitang ito, ‘Habag ang ibig ko, hindi hain.’
Sapagkat ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan
ng Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


PANALANGIN NG BAYAN

Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon


Biyernes

Manalangin tayo sa pamamagitan ni Kristo at sambahin natin ang


Amang nasa Langit sa ating pananampalataya, pag-ibig, at
mahabaging awa.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Panginoon ng awa, basbasan Mo kami.

Ang mga Kristiyano saanman nawa’y hindi maging mga taong ang
kilos ay legalismo at panlabas lamang kundi maging mga taong may
puso na ginagawa ang nararapat bilang mga anak ng Diyos,
manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansa sa mundo nawa’y matutong gumalang at tumulong sa


isa’t isa at hindi maggamitan lamang kundi makipag-ugnayan ayon sa
katarungan at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ayon sa udyok ng habag ni Kristo, nawa’y hindi natin hatulan ang mga
nagkakamali kundi bigyan pa sila ng bagong pagkakataon, manalangin
tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y tumanggap ng tulong


mula sa mga taong may kakayahan at pamamaraan na pagaanin ang
kanilang pinapasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mamahinga sa kalipunan ng mga banal sa


piling ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, huwag mo kaming hingan ng anumang sakripisyo


maliban sa tunay na pagbabalik-loob, tapat na pananampalataya, at
paglilingkod na may pagmamahal. Bigyan mo kami ng lakas at dumito
ka sa amin ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

You might also like