You are on page 1of 24

2

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Tungkulin Ko sa Aking Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Tungkulin Ko sa Aking Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rosalie V. Feliciano
Editor: Veronidia S. Guevarra
Tagasuri: Annalyn L. German EdD, Emmanuel V. De Mesa
Maria Eleonor D. Gavino
Tagaguhit: Kharlyn P. Banzon
Tagalapat: Mark Greg C. Binasoy
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor R. Nuesca EdD
Rolando T. Sotelo DEM
Annalyn L. German EdD
Emmanuel V. De Mesa

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Tungkulin Ko sa Aking Komunidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan, Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Tungkulin Ko sa Aking Komunidad!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan, Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Tungkulin Ko sa Aking Komunidad!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


Tuklasin aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


Pagyamanin sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip katanungan o punan ang patlang
ng pangungusap o talata upang
maproseso kung ano ang
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagang
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi sa Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaang


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anomang marka o sulat ang anomang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin
Ang araling ito ay tumatalakay sa mga tungkuling
gagampanan mo sa iyong komunidad. Ang pagganap
mo ng iyong tungkulin ay makapag-aambag sa
pagkakaroon ng maayos, maganda at maunlad na
komunidad.
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
1. naipaliliwanag na may katumbas na tungkulin ang mga
karapatang tinatamasa bilang kasapi ng komunidad;
(AP2PKK-IVe-4)
2. nagagampanan nang tama at nasusunod nang
maayos ang mga tungkulin o alituntunin na
ipinatutupad sa komunidad; at
3. napahahalagahan ang mga alituntunin na
ipinatutupad sa komunidad.

Subukin
Panuto: Pilin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. Anong salita ang tumutukoy sa mga kilos na inaasahan
at kailangan mong gawin?
a. karapatan
b. pananagutan
c. tungkulin

1
2. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang hindi
nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin?
a. Tinutulungan ni Nix ang kanyang mga kapatid sa
gawaing-bahay.
b. Nagtatapon ng balat ng sitsirya si John Paul sa
bakanteng lote na malapit sa kanilang bahay.
c. Sumasakay ako ng traysikel sa tamang sakayan.

3. Kung ikaw ay gumagamit ng pedestrian lane, anong


tungkulin ang tinutupad mo?
a. batas trapiko
b. pangangalaga sa kalikasan
c. tungkuling mag-aral na mabuti

4. May clean-up drive na gaganapin sa inyong


komunidad. Ano ang dapat mong gawin?
a. manatili sa bahay
b. sabihing hindi mo pa kayang tumulong
c. makiisa sa proyekyo batay sa iyong kakayanan

5. Sa panahon ng paglaban sa Covid-19 virus, alin ang


nararapat mong gawin?
a. magsusuot ng face mask upang hindi magmulta
b. magsusuot ng face mask sa tuwing lalabas ng
iyong tahanan
c. magsusuot ng face mask kung may pulis o tanod
na parating

2
Aralin
Tungkulin Ko sa Aking
5 Komunidad

Ang pagtupad mo sa tungkulin ang kapalit ng


tinatamasa mong mga karapatan.
Ang bawat karapatan ay may kaugnay na gawain.
Anomang kilos o gawain na inaasahan at kinakailangan
mong gawin ay tinatawag na tungkulin. Bilang kasapi ng
isang komunidad nararapat na gampanan mo ang iyong
tungkulin upang maging maayos, mapayapa at maunlad
ang iyong komunidad.

Balikan
Ang bawat isa ay may karapatan na dapat
tamasahin. Anomang kailangan na dapat magkaroon
ang isang tao ay tinatawag na karapatan. Ito ang
pamantayan ng bawat kasapi ng komunidad upang
mabuhay nang may dangal.
Karapatan mong matugunan ang mga
pangagailangan mo sa pamamagitan ng ibat-ibang
serbisyo tulad ng serbisyong pang-edukasyon,
pangkabuhayan, pangkalusugan,panseguridad
pang-ispirituwal at panlipunan.

3
Panuto: (KRUSIGRAMA) Basahin ang talaan ng mga salita
sa kolum na pahalang at pababa upang matukoy ang
ibat’ibang serbisyo na tutugon sa iyong karapatan.
Isulat sa sagutang papel.

Pahalang
2. mga palengke
3.makapag-aral at matuto anoman ang edad

Pababa
1. romoronda ang mga tanod
4. libreng gamot, bakuna at
konsultasyon
5. mga street sweeper at
tagakolekta ng basura
4
Tuklasin

Tungkulin Ko, Gagampanan Ko


May kaugnay na tungkuling dapat gampanan ang
bawat karapatang iyong tinatamasa.

Ako ay isang Halina’t tukuyin


batang Filipino ang mga
na may tungkulin tungkulin sa
sa ating ating
komunidad. komunidad.

5
Pagsunod sa Batas
Trapiko
Sa pedestrian lane
ako tumatawid.

Pangangalaga sa
kalikasan
Ang manirahan sa
.
maayos na
komunidad ay aking
karapatan, kaya
tungkulin kong
magtapon ng basura
sa tamang lalagyan.

Pagtulong sa mga
nangangailangan
Ang naipon kong
pera ay pinambili
ko ng kaunting
relief goods para sa
mga kapitbahay sa
panahon ng
pandemya.
.

6
Paggalang sa mga
tuntunin sa publiko

NO TRESPASSING
May karatulang No
Trespassing, kaya
hindi ako dapat
papasok dito.

Panuto: Aling larawan ang nagpapakita ng pagtupad sa


tungkulin? Isulat sa sagutang papel ang kaugnay na
bilang nito.

7
3

8
Suriin
Ang bawat karapatan ay mayroong katumbas na
tungkuling dapat gampanan ng bawat isa upang
maging maayos, payapa at maunlad ang kanyang
komunidad.
Narito ang mga katungkulang dapat mong tuparin:
1. pagtupad sa batas trapiko
2.pagtulong sa mga nangangailangan
3. pangangalaga sa kalikasan
4. paggalang sa mga tuntuning pampubliko

Pagyamanin
Panuto: Kopyahin ang katulad na tatsulok sa isang malinis
na papel. Mag-isip ng isang karapatan at sumulat ng
dalawang tungkulin na maaari mong gawin sa
karapatang iyong napili.

karapatan

9
Isaisip

Gawain A
Binibigkas mo tuwing flag ceremony ang “Panatang
Makabayan”. Nagsisilbi itong paalala sa mga gawain at
tungkuling dapat mong gampanan.

Panuto: Isulat mo sa isang malinis na papel ang mga


tungkuling binanggit sa “Panatang Makabayan”.

Gawain B
Panuto: Sumulat ng isang pledge o pangako na
naglalahad ng iyong mga gagawin sa pagtupad mo
ng mga tungkulin sa iyong komunidad.

Ang Aking Pangako

10
Isagawa
Panuto: Kopyahin ang organizer sa isang papel. Isulat
ang sumusunod na mga sitwasyon na kaugnay sa
tungkulin.
a. Nakiisa ako sa programang Share and Care ng
aming barangay.
b. Naglalakad ako sa daan at ipinamulsa ko muna ang
wrapper ng kending kinain ko.
c. Naglalaro kayo ng kapatid mo ng basketbol.
Napalakas ang tira mo at pumasok ang bola sa
bakanteng lote. May nakasulat na No Trespassing
kaya humihingi ka ng pahintulot sa katiwala upang
makuha ito.
d. Sinisiguro kong kulay pula ang traffic light para sa
sasakyan bago ako tumawid.

Pagsunod sa Batas Trapiko Pagtulong sa


nangangailangan

Pangangalaga sa kalikasan Paggalang sa tuntuning


pampubliko

11
Tayahin
Panuto: Piliin ang letra ng tungkuling tumutugon sa bawat
sitwasyon.
a. Pagtupad sa Batas Trapiko
b. Pagtulong sa mga nangangailangan
c. Pangagalaga sa kalikasan
d. Paggalang sa mga tuntuning pampubliko

1. Ibinigay ni Joy ang kanyang lumang bag sa


nasunugang bata.
2. Sa pedestrian lane dumadaan ang tatay ko kung
tumatawid.
3. Ang mga gamit sa museo ng munisipyo ay hindi ko
ginagalaw.
4. Naghihintay ako ng dyip sa tamang sakayan.
5. Sa panahon ng quarantine, nagkaroon ng paligsahan
sa aming barangay na may temang - Gulayan sa
Barangay.
6. Dahil ako ay bata, hindi ako lumalabas ng aming
tahanan sa panahon ng Modified Enhanced
Community Quarantine(MECQ).
7. Nagbigay ako ng isang daang piso para sa Bayanihan
Project sa aming barangay.
8. Tumutulong ako sa aking nanay sa paghihiwa-hiwalay
ng mga basura sa aming bakuran.
9. Ang tatay ko ay hindi lumalabas sa gabi lalung-lalo na
kung may ipinatutupad na curfew.
10. Walang makitang malapit na basurahan ang ate ko
kaya’t inilagay muna niya ito sa kanyang bag.

12
Karagdagang Gawain
Panuto: Gumuhit ng masayang mukha ( ) kung
natutupad mo ang mga tungkulin at malungkot na
mukha ( ) kung hindi mo pa natutupad.

Tungkulin
1. Tumatawid ako sa tamang tawiran.
2. Naglilinis ako ng aming kapaligiran.
3. Tumutulong ako sa pagtatanim sa aming
bakuran.
4. Sumusunod ako sa ipinatutupad na
curfew.
5. Hinihintay ko ang berdeng ilaw sa traffic
light bago tumawid.
6. Sumusuporta ako sa Clean and Green
campaign ng aming lungsod.
7. Inihihiwalay ko ang basurang nabubulok
sa di-nabubulok.
8. Handa akong magdonate sa mga biktima
ng kalamidad ng mga damit na di ko na
sinusuot.
9. Sinisikap kong sundin ang mga
ipinatutupad ng Department of Health sa
panahon ng Covid-19 gaya ng tamang
paghuhugas ng kamay.
10. Hindi ko sinisira ang mga gamit sa Sports
Complex ng aming lungsod.

13
14
Subukin Balikan
1.c
2.b
3.a
4.c
5.b
Pagyamanin Isaisip
Tuklasin
May ibat-ibang kasagutan A. 1. diringgin ang payo ng
1. b ang mga mag-aaral magulang
2. a 2.susundin ang tuntunin ng
3. d paaralan
4. d 3.naglilingkod, nag-aaral at
5. c nagdarasal ng buong
6. d katapatan
B. Ang Aking Pangako
May ibat- ibang kasagutan
ang mga mag-aaral
Isagawa Karagdagang Gawain
Tayahin
May ibat-ibang kasagutan
1. b
ang mga mag-aaral
2. a
3. d
4. d
5. c
6. d
7. b
8. c
9. d
10. c
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Cruz, Gloria M. et.al. 2013. Araling Panlipunan 2 Kagamitan ng
Mag-Aaral, Vibal Publishing House, Inc.

Gomez, Ma. Arsenia C. et.al. 2015. Tuklas Lahi 2, Brilliant Creations


Publishing, Inc. Bonanza Plaza 2, Block 1, Lot 6, Hilltop
Subdivision Greater Lagro, Novaliches, Quezon City, pp.191-
208

Laggui, Charito N. et.al. 2015 Araling Panlipunan 2 – Pagsusuri,


IBON Foundation Inc, IBON Center,114 Timog Avenue,
Quezon City, pp 206-211

Varon, Diana Nem 2020. Kamalayang Panlipunan,Abiva


Publishing House, Inc., Abiva Bldg., 851 G. Araneta Ave.,
1113 Quezon City, pp 326-335

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like