You are on page 1of 2

06/10/19

Banghay Aralin sa ESP 8

Sections: Andromeda: 8:40-9:40


Centaurus-9:50-10:50

I. Layunin: Nasusuri ang pag iral ng pamahalaan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang


pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood. (Esp8PB-Ia-1.2
II. Paksa at Nilalaman
A. Paksa: Ang Pamilya bilang ugat ng pakikipag kapwa
Sub-topic: * Ang Panilya bilang natural na institusyon
B. Sanggunian: Edukasyon sa pagpakatao pp.1-28
C. Kagamitan: Modyul, graph, board, chalk, larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
- Pagdarasal
- Pagkuha ng Liban
- Balik Aral
* Ano ang Pamilya?

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagganyak
Bakit ititnuturing na natural na institusyon ang pamilya?
2. Diskasyon
Ayon kay Pierangelo Alejo ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan
na nabuo sa pamamagita ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae ng walang pag iimbot, puro at
romantikong pagmamahal-kapwa nangakong magsama hanggang wakas ng kanilang buhay,
magtutulungan sap ag aruga at pagtaguyod ng edukasyon ng kanilang mga anak.
Ititnuturing na institusyon ang pamilya dahil:
 Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao(community of persons) na kung saan maayos na
paraan ng pag iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.
 Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang
magpakasal at magsama ng habang buhay.
 Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan, Ito ang pundasyon ng
lipunan at payuloy nasumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay.
 Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
 Ang pamilya ang una at hindi mapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first
and irreplaceable school of social life.)
 May panlipunan at pamolitikal na gampanin ang pamilya.
06/10/19

 Mahalagang misyong ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting


pagpapasiya ay paghubog ng pamamalantaya.

3. Paglalahat
Balikan ang nagawang diskusyon at sukatin ang kanilang nalalaman.
4. Paglalapat
Tayahin ang Iyong pag unawa
1. Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya?
2. Ano-ano ang mga gampanin na dapat ikasatuparan ng magulang bilang isang guro ng
tahanan?
IV. Pagtataya
Paghinuha ng batayang konsepto
1. Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya?
2. Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan?
3. Paano napatibay ng kasal ang isanag pamilya?

V. Takdang Aralin
Basahin ang pahina 29-32 sa aklat na ESP 8

Remarks:
Prepared by:

Nina M. Perido
Teacher I
Checked by:

MARGARITA V. TAPAYAN
Principal I

You might also like