You are on page 1of 15

DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC

McArthur Highway, Poblacion (Sto.Rosario), Capas, 2315 Tarlac, Philippines


Tel No. (045) 4917579/Telefax (045) 9250-519
Website: dct.edu.ph/E-mail: domct_2315 @ yahoo. com.ph

Isang Masusing

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan

III
Inihanda ni: Bermudo Jhomari S. BEED-3B
Learning Area: ARALING PANLIPUNAN
Baitang: IKATLO

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan III


I. Layunin
Sa loob ng anim na pung (60) minutong talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:
A. Pangkaisipan: Naituturo ang ibat-ibang Rehiyon sa Pilipinas
B. Pandamdamin: Nalalaman ang kahalagahan ng pagtukoy sa mga bawat Rehiyon ng Pilipinas
C. Pangkasanayan: Natutukoy ang pagkakasunod-sunod ng bawat Rehiyon sa Pilipinas sa
pamamagitan ng pakikibahagi sa gawain.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Rehiyon ng Pilipinas
B. Sanggunian: https://www.zenrooms.com/blog/rehiyon-ng-pilipinas/
C. Kagamitan: USB, pisara, mga larawan, biswal aid at TV
D. Metodolohiya:
III. Pamaraan

Gawaing ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
Panalangin
“Bago tayo magsimula sa ating pag-aaral
ngayon, maaari ba tumayo lahat para tayo ay
manalangin? Sabay sabay nating basahin ang
panalangin.” (Sumasabay sa pagbasa)
“Makapangyarihang Diyos na may gawa ng
lahat pinupuri ka namin. Maraming salamat
po sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob Ninyo
sa amin. Gawin po ninyo kaming mabuting
bata. Ilayo niyo po kami sa sakit at masama, ito
lamang po aming samo’t dalangin sa pangalan
ni hesus. Amen!”

Pagbati
“Magandang umaga mga bata!” “Magandang umaga rin po, Ginoo!”
“Kumusta naman ang araw ninyo mga anak? Christian: “Mabuti naman po, Ginoo!”
Shena: “Nasasabik po ako sa ating mga
“Mabuti naman at ikaw ay nasasabik sa atin talakayan ngayon.”
gagawin ngayon”
“Masaya akong marinig iyan.”
Pagtetsek ng liban
“Maaari bang pakitignan ninyo ang inyong
mga katabi kung sila ay naririyan?”
“Mayroon bang hindi pumasok sa araw na
ito, Christian?”

“Mabuti naman at ako’y nagagalak na lahat kayo ay Christian: “Lahat po ay pumasok at walang
pumasok.” lumiban Ginoo!”
Pagsasaayos ng loob silid aralan
“ Bago tayo magsimula sa ating aralin ngayon, nais
ko munang tiyakin na ang bawat sulok niyo ay (Nag ayos ng kapaligiran)
malinis at maayos”
“Maaari na kayong umupo.”
Ngayon pwede na ba akong magsimula sa Salamat, Ginoo!
tatalakayin natin ngayon?
Opo!

Alituntunin

“Jenica, maari mo bang basahin ang atin


pamantayan sa araw na ito”?

1. MAUPO NG MAAYOS
2. MAKINIG NG MABUTI SA GURO
3. LUMAHOK SA MGA GAWAIN AT
TALAKAYAN SA KLASE
4. ITAAS ANG INYONG KAMAY
KUNG SINO ANG GUSTONG
SUMAGOT
5. AT IWASANG PAGTAWANAN
ANG SINUMANG NAGKAMALI
SA KANYANG SAGOT

“Pakatandaan ninyo gawin ito hanggang


sa matapos ang ating klase”.

Naiintindihan niyo ba, mga anak?


Opo, ginoo!
Pagbalik – Aral: Tanong ko, sagot mo!

Naalala niyo pa ba ang nakaraang aralin, Opo!


patungkol sa yaman ng pilipinas?

“Atin ngang alamin kung may natatandaan


pa kayo sa ating nakaraang aralin”.

Sino ang may alam sa ating nakaraan na


aralin?
Christian: ako po, tanda ko ito ay tungkol sa
Mahusay! likas na yaman

“Ngayon ibinigay naman ang apat na likas


na yaman ang isang bansa” Shena: Ginoo! Ito ay mga yaman ng lupa,
yaman ng tubig, yaman ng gubat at yaman ng
Masaya ako dahil alam niyo pa pala ang
talakayan kahapon! mineral!

Ngayon, sa huling tanong bakit mahalaga


ang mga likas na yaman sa atin?
Paulyn: Malaki ang naitutulong ng yamang
likas sa pamumuhay ng mga tao sa atin sa
kadahilananang dito tayo kumukuha ng pang
araw araw na paangangailangan katulad ng
pagkain at pang hanap buhay.
“Mahusay! Tunay nga na naiintindihan
ninyo ang ating pinag-aralan kahapon.”

B. Pagganyak

“Ngayon magkakaroon tayo ng pangkatang


gawain. Makinig kayo! Kayong lahat ay
kasali sa Gawaing ito kung kaya’t
makilahok ng maayos sa mga kasamahan
ninyo at sundin ng maayos ang panuto”

Maliwanag ba?
Lahat: Opo!
“Sinong nakakaalam ng larong “Hulaan mo
sagot mo”
(Nagtataas ng kamay ang mga mag-aaral.)
“Mahusay”!
“Bago natin simulan ang ating pangkatang
gawain kailangan ko munang sabihin ang
panuto ng ating laro. Kayo ay hahatiin sa
ibat-ibang grupo pagkatapos magbibigay ako
ng mga ibat-ibang salita, ang kailangan niyo
lang gawin ay hulaan ang mga bawat salita
na binigay ko sa inyong lahat sa
pamamagitan ng pagbigkas ko ng mga ideya
patungkol sa mga ito. Magtaas lamang ng
kamay kapag tapos na itong magsagot.
Kung sino ang makakarami ng puntos, sila ang
mananalo.
“Ngayon handa na ba ang lahat?”

1. Ito ay itinuturing na pinakamaunlad


na rehiyon ng pilipinas.
Handang-handa na po ginoo!
2. Ang rehiyon na ito ay ang kabisera ng
lungsod Vigan o Ciudad National Capital Rehiyon (NCR)
Fernandina.
3. Ang rehiyon na ito ay tinagurian
bilang “Banga ng bigas ng bayan” Ilocos Sur(Rehiyon I)
4. Kung ang lokasyon ng pilipinas ay
nasa timog-silangan, ang rehiyon na
ito ay matatagpuan sa hilagang Central Luzon (Rehiyon III)
silangan ng bansa.

Cagayan Valley (Rehiyon II)


5. Ang rehiyon na ito biniyayaan ng MIMAROPA (Rehiyon IV-B)
nanggagandang likas na yaman
tulad ng mga dalampasigan, bundok,
karagatan, lagoon at marami pang
iba.
6. Sa rehiyon na ito ay matatagpuan ang
pinakamalaking lawa sa buong Calabarzon (Rehiyon IV-A)
pilipinas.
7. Dito ay ipinagmamalaki nila ang mga
nanggagandahang mga dagat o Central Visayas (Region VII)
beaches, bundok at mga waterfalls o
talon.
8. Sa pilipinas isa ito sa rehiyon na may Soccsksargen (Rehiyon XII)
pinakamayamang kultura mula sa
musika hanggang sa paghahabi.
9. Dito matatagpuan ang ilan sa Bicol Rehiyon (Rehiyon V)
magagandang dalampasigan sa
pilipinas at pinakamaganda at sikat
na bulkan sa bansa ito ay ang
“Mayon Volcano”.
10. Ang rehiyon na ito ay sagana sa
likas na yaman at mayaman din sila Zamboanga Peninsula (Rehiyon IX)
sakanilang mga kultura.

“Pagbati para sa grupong may


pinakamaraming tamang sagot!”

“Bigyan natin sila ng magarbong


palakpakan”

C. Paglalahad
“Dumako naman tayo sa ating talakayan
ngayong araw. Ngunit bago ang lahat
may katanungan muna ako sa ating
ginawa kanina.”

Paano ninyo nakuha ang mga sagot ng Jenica: “Nalaman po namin ang pangalan ng
bawat salitang pinakita ko sa inyo?
mga salita o rehiyon kanina sa pamamagitan
ng ideyang inilahad niyo sa amin.”

Paulyn: Dahil pamilyar napo sa amin ang mga


“Magaling! Maliban sa sinabi ni Jenica,
ibat-ibang lugar sa ating bansa.
ano pa kaya? May nais ka bang sabihin
Paulyn?”

Tumpak! Malalaman natin ang bawat


sagot sa pamamagitan ng mga kanya
kanyang katangian ng isang rehiyon.
“Sa tingin ninyo, ano kaya ang
tatalakayin natin ngayon? At saan kaya
Christian: “Sa tingin ko po ito ay patungkol sa
ito patungkol?”
mga Rehiyon ng Pilipinas.”
D. Pagtalakay sa nilalaman

Ang pag aaralin natin ngayon sa araw na


ito ay patungkol sa mga rehiyon na
Christine: Satingin ko po ay nasa labing
matatagpuan sa pilipinas, Sa tingin niyo
ilang rehiyon mayroon ang ating bansa? pito(17)

Tumpak! Ngayon handa na ba kayong


malaman ang mga kinabibilangan na Lahat: opo!
rehiyon sa pilipinas

(Magpapakita ng larawan)

Para sa inyong lahat anong napapansin


niyo sa larawan ipinakita ko? Christian: ang larawan ay nagpapakita ng mga
ibat-ibang rehiyon sa ating bansa.
Magaling! Sa katunayan ang pilipinas ay
binubuo ng labing pitong rehiyon at ito
ay nagtataglay ng ibat-ibang mga
katangian at ito ang aalamin natin sa
araw na ito.

Jenica, pwede mo bang basahin kung


ano ang na sa telebisyon

(Nagbabasa)
May tatlong pangunahing pangkat ang
Paulyn: Ito po ay ang mga Luzon, Visayas at
ating bansa, satingin ninyo ano ang mga
ito? Mindanao.

Tama!

“Ngayon dumako na tayo sa mga


rehiyon ng pilipinas”.

Ang una ay ang NCR o mas kilala sa


tawag na “National Capital Region.”
- Ang NCR ang itinuturing pinaka
maunlad sa rehiyon ng pilipnas sapagkat
narito ang kabisera ng bansa at sentro ng
pamahalaan, edukasyon, komersyo at
kalakalan sa bansa.

Ano nga ulit ang tawag sa NCR? Christine: National Capital Region

Magaling!

Ngayon mapunta naman tayo sa CAR


o mas kilala sa tawag na “Cordillera
Administrative Region”.
- Sa rehiyon ay mayroong malamig na
klima dahil ang lokasyon at mga lugar
dito ay mga bulubundukin, kung kaya’t
paborito itong pasyalan ng mga turista.

Ang susunod ay ang Rehiyon I o


“Ilocos Region”
- Ilocos galing sa salitang “looc” o
dalampasigang patag at mababa na
tinitirahan ng mga katutubo dito at
matatagpuan ito sa hilagang kanluran ng
Luzon.

Ang pangalawang rehiyon naman ay


ang Cagayan Valley
- Ang rehiyon na ito ay matatagpuan sa
hilagang silangan ng bansa. Mainit din
klima sa rehiyon na ito maliban sa mga
lugar na malapit sa bulubundukin. Ang
isa sa mga probinisya neto ay kilala sa
daanan ng bagyo sa pilipinas.

Bago tayo magpatuloy sa susunod na


rehiyon, ano nga ulit rehiyon II? Jenica: Cagayan Valley po

Mahusay!
Dumako naman tayo sa Rehiyon III o
mas kilala sa tawag na “Central
Luzon”
-Malawak ang kapatagan sa rehiyong ito
dahil pinatataba ng mga ilog at dam
kaya naman mainam ang magtanim ng
palay rito. Dito rin nagmula ang
malaking produksiyon ng bigas sa
bansa.

Susunod ay ang Rehiyon IV-A o


CALABARZON
- Dito matatagpuan ang pinakamalaking
lawa sa buong pilipinas.Sagana sa likas
na yaman ang Rehiyon IV-A at
mabundok at maraming dalampasigan sa
rehiyong ito kaya sikat itong
destinasyon para sa mga bakasyunista.

Ulit, dito matatagpuan ang


pinakamalaking lawa sa pilipinas

Pumunta naman tayo sa Rehiyon IV-


B o MIMAROPA
- Ito ay isa sa mga rehiyon ng pilipinas
na biniyayaan ng mga nanggagandang
likas na yaman tulad ng mga
dalampasigan, bundok, karagatan at
marami pang iba.

Ang pang lima ay ang Rehiyon V o


Bicol Region
- Dito matatagpuan ang iilan sa mga
magagandang dalampasigan sa pilipinas
at pinaka maganda at sikat na bulkan sa
bansa na “Mayon Volcano”.

Ang pang anim naman ay ang


Rehiyon IV o “Western Visayas”
- Ito ay mas kilala sa tawag na “Rehiyon
ng Asukal”dahil dito ang may
pinakamalaking produksiyon ng asukal
sa bansa.

Anong produkto nga ulit ang kilala sa Shena: Asukal po


Western Visayas?

Magaling!
Mapunta naman tayo sa Rehiyon VII
o Central Visayas
-Ipinagmamalaki ng rehiyon na ito ang
mga nanggagandahan nitong mga
beaches, bundok at waterfalls. Kung ung
iba kilala dahil sa mga produkto nila
dito mas marami ang mga tourist spot sa
Central Visayas.

Susunod ay ang Rehiyon VIII o


Eastern Visayas
- Ilang bahagi ng lugar na to ay mga
bulubundukin. Dahil sa lokasyon nito sa
pilipinas ay madalas itong daanan ng
bagyo.

Ang pang siyam naman ay ang


Rehiyon IX o Zamboanga Peninsula
- Sa lokasyon ng pilipinas sa mapa,
makikita ang rehiyon na ito sa
bandang Timog-Kanluran. Sagana rin
ang likas na yaman dito at mayaman
din ang kultura nila.

Susunod ay ang Rehiyon X o


Northern Mindanao
- Dahil sa lokasyon ng pilipinas
tagalog ng Northern Mindanao,
malamig ang klima rito at madalas
umuulan.

Mapunta naman tayo sa Rehiyon


XI o Davao Region
- Masagana ang lupang taniman,
kabundukan, kagubatan at karagatan
sa rehiyong ito. Dahil sa ganda ng
lokasyon nito pagsasaka ang
pangunahin nilang kabuhayan.

Ngayon dumako na tayo sa


Rehiyon XII o SOCCSKARGEN
- Ang Soccksargen ang
pinakamayang kultura mula musika
hanggang sa paghahabi. Dahilan ito
para maging isang sikat na atraksiyon
sa bansa.

Anong kultura nga ulit mayaman ang


rehiyon ng Soccksargen? Anthony: Musika po

Tama!
Ang susunod naman ay ang
Rehiyon XIII o Caraga
- Kilala ang Caraga dahil sa angkin
nitong magagandang beach at lagoon.
Mula Agusan hanggang Siargao,
maraming turista ang nahuhumaling sa
ganda kaya naman binansagan itong
absolute lokasyon ng pilipinas.

Ang pang huli ay ang BARMM o


mas kilala sa tawag na “Bangsamoro
Autonomous Region in Muslim
Mindanao
- Dito sa lokasyong ito matatagpuan
ang pinakamalaking komunidad ng
mga Muslim.

Ngayon may tanong ako sa inyong


lahat bakit natin kailangan pag aralin
ang bawat rehiyon sa ating bansa?
Anthony: Para po malaman natin ang bawat
lokasyon ng rehiyon, makita natin ang bawat
kultura at kagandahan ng bawat rehiyon at
matandaan natin ang bawat rehiyon mayroon sa
atin.
“Napakahusay! Tama ang ideya ni
Anthony.”

Lahat ng mga napakinggan at


nalaman ninyo sa bawat rehiyon ng
pilipinas ay tunay ngang mahalaga
sa bawat sa atin.

E. Paglinang ng kabihasaan
- Ang pilipinas ay binubuo ng tatlong
pangunahing pangkat at ito ay ang mga uzon,
visayas at mindanao.
Ano nga ulit ang tatlong pangkat na bumubuo
sa pilipinas? Anthony: Ito po ay ang mga Luzon, Visayas at
Mindanao
Tumpak! Ngayon ilang kapuluan ang
bumubuo sa bansang pilipinas? Jenica: ito po ay binubuo ng mahigit 7107
malalaki at maliliit na mga pulo.
Mahusay! Satingin niyo ilang rehiyon ang
mayroon ang ating bansang pilipinas? Christian: Para po sa akin, ang pilipinas ay
mayroong labing pitong rehiyon.
Napakahusay, Ginoo! Ibigay nga ang bawat
rehiyon sa bansang pilipinas. Mula umpisa
hanggang sa dulo.
Pang huli, magbigay naman kayo ng mga ibat- (Sumagot ang lahat)
ibang katangian o kultura ang isang rehiyon.

F. Paglalapat
“Ngayon ay magkakaroon tayo ng anim na
grupo sa klasing ito. Sapagkat magkakaroon
ulit tayo ng pangkatang gawain. Gagawin niyo
lamang ang naatasan sa inyong lahat.
Naiintindihan ba?

“Ngunit bago ang lahat laging tandaan na


kapag gumagawa tayo ng pangkatang gawain
ay kailangan natin sumunod sa bawat
patakaran”

“Ang una ay gawin ito ng tahimik, ikalawa


makilahok ng maayos sa kagrupo at pangatlo
sundin ng maayos ang panutong binigay sa
inyo ng guro.”
- At ito naman ang batayan natin sa
pagwawasto natin sa pangkatang gawain
ngayon.
15 10 5
Nakamit ang Bahagyang Hindi nakamit
inaasahan sa nakamit ang ang inaasahan
gawain. inaasahan sa sa gawain.
gawain.
May kaayusan May isa o May tatlo o
at pagkakaisa dalawang higit pang
ang bawat isa hindi nakikiisa hindi nakikiisa
o grupo. o tumutulong o tumutulong
sa grupo. sa grupo.
Natapos sa Natapos ng Natapos ng
itinakdang tatlo o apat na lima o higit
oras. minute sa pang minuto
pagtapos ng sa pagtapos ng
itinakdang itinakdang
oras. oras.

(Ipinapamahagi na ang aktibidad sa bawat


grupo.)

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga rehiyon


ayon sa mga pagkakasunod ng mga ito. Isulat
ang sagot sa sagutang papel o ½ length wise.
Mga sagot:
 National Capital Region
National Capital Region (NCR)
 Cagayan valley
 Central Luzon Cordillera Administrative Region (CAR)
 Calabarzon Region I (Ilocos Region)
 Cordillera Administrative Region Region II (Cagayan Valley)
 Westen Visayas
 Bicol Rehiyon Region III (Central Luzon)
 Davao Rehiyon Region IV-A (CALABARZON)
 Ilocos region
 MIMAROPA Region IV-B (MIMAROPA)
 Eastern Visayas Region V (Bicol Region)
 Soccsksargen
Region VI (Western Visayas)
 Bangsamoro Autonomous Region in
Muslim Region VII (Central Visayas)
 Central Visayas Region VIII (Eastern Visayas)
 Zamboanga Peninsula
 Northern Mindanao Region IX (Zamboanga Peninsula)
 Caraga Region X (Northern Mindanao)
Region XI (Davao Region)
Region XII (Soccsksargen)
Region XIII (Caraga)
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim

“Pagbati sa lahat ng grupo!” Mindanao (BARMM)

G. Pagtataya
“Para sa inyong karagdagang aktibidad, kayo
ay kumuha ng papel at isulat ninyo ang inyong
mga pangalan at baitang. Basahin ng mabuti
ang panuto at sagutan ng maayos ang
aktibidad. Isulat lamang ang sagot. May
limang minuto kayo para tapusin ito.”

Panuto: Isulat sa patlang ang ibig sabihin ng


bawat akronim ng mga relihiyon.
1) CAR-
2) NCR-
3) BARMM-
4) CALABARZON-
5) MIMAROPA-

“Tapos na ang inyong limang minuto. Ipasa 6) SOCCSKARGEN-


niyo na ang inyong mga papel.”

H. Paglalahat
“Ngayon naman magkakaroon ulit tayo ng
gawain upang masuri ko kung tunay nga na
naiintindihan ninyo ang atin talakayin kanina.”
“Handa na ba ang lahat?”
Lahat: Handa na po, ginoo!

Mga pangalan ng Rehiyon sa Pilipinas

Panuto: Itambal ang pangalan ng rehiyon


sa kanan sa bilang ng rehiyon sa kaliwa.
Isulat lamang ang titik sa patlang.

“Kailangan ko ng labing apat na gustong


sumagot sa harapan.”

“Mahusay mga bata! Para sa Pang-huling


Christine: Una, kailangan po natin itong aralin
katanungan, bakit natin kailangan pag aralin
ang bawat rehiyon ng bansa natin at bakit dahil katulad nga po sinabi niyo kanina ay ibat-
mahalaga ang pagkakaroon ng rehiyon ang
ibang kultura at katangian ang dapat natin
isang bansa?”
malaman patungkol sa mga rehiyon ng bansa.
Pangalawa mahalagang magkaroon ng rehiyon
ang isang bansa dahil dito natin matutunghayan
ang pagkakaiba natin bilang tao, lugar at mga
“Siyang tunay! Napakahusay na sagot! iba pa.
Mahalaga ang pagkakaroon ng iba't ibang
rehiyon, upang ating matukoy ang
kinalalagyan nang isang lugar at upang
malaman natin kung saann originated ang mga
produkto na ating tinatangkilik, mahalaga din
ito marahil ito ang nagiging daan upang
magkaiba ang ating mga kultura at
mapaghiwalay tayo sa mga lugar na higit na
nakauunlad o mas nakakabababa sa atin,
ngunit ang dapat nating tandaan na kahit
magkakahiwalay tayo ng rehiyon ay
pareparehas parin tayong mga Pilipino Lahat: wala na po!
“Wala na bang katanungan?”
IV. Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin saang pulo (LUZON, VISAYAS at MINDANAO) matatagpuan ang mga
sumusunod na Rehiyon:

A. Central Luzon
B. Eastern Visayas
C. CALABARZON
D. SOCCSKARGEN
E. Ilocos Region
F. MIMAROPA
G. Davao Region
H. Bicol Region
1. Central Visayas
J. Zamboanga Peninsula
K. Cagayan Valley
L. CARAGA
M. Northern Mindanao
N. Eastern Visayas

LUZON VISAYAS MINDANAO

V. Takdang-Aralin

- Isulat sa kwaderno ang lahat ng Rehiyon sa Pilipinas at bigyan ito ng mga kahulugan base sa
pinag-aralan natin ngayong araw na ito

Inihanda ni:

Bermudo, Jhomari S.

BEED 3B

Ipinasa kay:

Gng. Maricel Yumul

You might also like