You are on page 1of 11

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Globalisasyon: Konsepto at Anyo
Alamin
Ang modyul na ito ay inaasahang nasusuri ang mga dahilan,dimensiyon at
epekto ng globalisasyon.
Ang modyul na ito ay tungkol sa:
• Aralin 1 – Konsepto at Dahilan ng Globalisasyon
• Aralin 2 – Anyo at Epekto ng Globalisasyon

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang dahilan,dimensiyon


at epekto ng globalisasyon.

Tuklasin
Gawain1: Larawan Ko!Suriin Mo!
Panuto: Suriin ang sumusunod na simbolo.Pagkatapsos ay gawin ang mga sumusunod
na gawain sa ibaba.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano-anong kompanya ang kinatawan ng mga simbolo?

2. Sa iyong palagay, bakit sumikat ang mga produkto/serbisyong ito?

3. Ano ang kaugnayan ng mga simbolo/larawan sa globalisasyon?

Suriin
Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa
kasalukuyan ay ang globalisasyon. Mula paggising,pagpasok sa paaralan,
panonood ng telebisyon at maging sa hapag-kainan ay mababanaag ang
manipestasyong ito.
Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga
tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa
iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer, 2011).
Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng
tao ang ugnayan sa bawat isa.
May mga pangyayari at salik na naging dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon sa
ating mundo. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
• Pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan
• Pag-unlad ng mga makabagong pandaigdigang transportasyon at
komunikasyon
• Paglitaw at Paglawak ng kalakalan ng Transnational Corporations at
Multinational Corporations( TN’s at MNC’s)
• Pagdami ng foreign direct investments sa iba’t-ibang bansa
• Ang pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya

Pagyamanin
Gawain 2: Pick and Tell
Panuto: Pumili ng limang bagay na ginagamit mo sa iyong pag-aaral. Bawat isa ay
ibibigay ang sumusunod na impormasyon ukol sa mga bagay na nakuha.
a. Pangalan ng bagay
b. Kompanya (kung mayroon man)
c. Bansang Pinagmulan

Isaisip
Gawain 3: Mag-isip Ka!
Mula sa pangyayaring nabanggit,sa iyong palagay ano ang pangyayari at salik ang
lubos na nagpa-usbong sa globalisasyon?Pangatwiran.

Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng paglakas ng


globalisasyon?

Isagawa
Gawain 4: Halika at Gawin Mo!
Maglista ng mga produkto na makikita sa inyong tahanan. Pumili ng tatlo sa mga
produkto o serbisyong ito na sa iyong palagay ay makikita o ipinagbibili rin sa ibang
bansa. Isulat ang mga ito sa talahanayan sa ibaba.

PRODUKTO/SERBISYO KOMPANYA BANSANG


PINAGMULAN
1.
2.
3.

Pamprosesong Tanong
1. Ano-anong produkto at serbisyo na iyong napili ang ipinagbibili hindi
lamang sa loob ng ating bansa kundi maging sa iba pang bansa?
2. Paano kumalat ang mga produktong ito sa iba’t-ibang panig ng daigdig?
3. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga produkto/serbisyo sa
atin?Pangatwiran
Balikan

Gawain 5: Tilamsik ng Kaalaman


Panuto: Gamit ang venn diagram isulat ang iyong kaalaman tungkol sa globalisasyon.
Ilagay sa bilog ang iyong sago

-SASYON
GLOBALI

Tuklasin
Gawain 6: Hula Mo, Letra Ko!
Panuto: Ayusin ang mga pinaghalo-halong letra upang makabuo ng salita.Ilagay
ang sagot sa patlang.
1. HSORNGIOFF
2. KOMIENOKO
3. OLPTILAKI
4. TOEPKE
5. KTNEOLHOIKAL

Suriin

Aralin 2 Ang Anyo at epekto ng Globalisasyon

GLOBALISASYONG EKONOMIKO
Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga
produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paran ng palitan ng mga produkto at
serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng
pag- usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi
lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa.
Multinational at Transnational Companies
Ayon sa United Nations Commission on Transnational Corporations and
Investment,ang TNC ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng
pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa
pangangailangang lokal.
Samantala, ang MNC ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga
namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong
ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan.
Outsourcing- tumutukoy Pangunahing layunin nito na mapagaan
ang sa pagkuha ng isang kompanya ang gawain ng isang kompanya upang
mapagtuunan nila ng pansin ang sa
ng serbisyo mula sa isang
palagay nila ay higit na mahalaga.
kompanya na may kaukulang

tumutugon sa 172 prosesong pangnegosyo


Business Process
ng isang kompanya.
Outsourcing

nakatuon sa mga gawaing


Knowledge
nangangailangan ng mataas na antas
Process

Uri ng
Outsourcing
batay sa uri ng
serbisyo

Offshoring-Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula


sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad.
Nearshoring-Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa
Uri ng kompanya sa kalapit na bansa.
Outsourcing
batay sa layo o Onshoring-Tinatawag ding domestic outsourcing na
distansya ng nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang
pinagmulan ng kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng
produkto at higit na mababang gastusin sa operasyon
serbisyo

GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL


Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng globalisasyon.
Mababanaag din ito sa aspetong teknolohikal at sosyokultural ng mga bansa sa
daigdig.
Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phone ang buhay ng
maraming gumagamit nito, higit na pagbabago ang dinala ng computer at
internet sa nakararami. Ito ay nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang uri
ng serbisyo tulad ng e-mail.Sa kasalukuyan dama ng Pilipinas
ang impluwensiyang kultural ng Korean sa anyo ng pop culture dahil sa mga
sikat na pelikula,Korean novela,K-pop at iba
Kaalinsabay ng pang kauri nito.
pag-usbong ng mga social networking
sites tulad ng facebook, twitter, instagram at Myspace
Netizen ang terminong
ay ang pagbibigay kakanyahan sa mga ordinaryong
ginagamit sa mga taong
mamamayan na ipahayag ang kanilang saloobin sa
gumagamit ng social
iba’t ibang paksa o usapin. Aktibo nang nakikibahagi
networking site bilang ang mga netizen sa mga usaping lubos na
midyum o entablado ng nakakaapekto sa kanila.
pagpapahayag. Hindi na
sila maituturing na
pasibong consumer
GLOBALISASYONG POLITIKAL
Ang globalisasyong politikal na maituturing
ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging
ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
Iba-iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa globalisasyon at nananatili itong
kontrobersyal na isyu. Narito ang mga positibo at negatibong epekto nito:

Positibo Negatibo
• Pagbaba ng sahod ng mga
• Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan mangagawa
ng iba’t-ibang bansa. • Pagdami ng taong walang trabaho
• Paglago ng pandaigdigan dahil sa natutumba ang maliliit na
transaksiyon sa pananalapi Negosyo
• Pagdami ng estudyanteng • Paghihigpit ng mga patakaran sa
nakapag-aral sa ibang bansa paggawa
• Pagkakaroon ng pandaigdigang • Pagtaas ng kahirapan sa ating
pamilihan bansa
• Paglaganap ng teknolohiy • Pagsasara at pagkalugi ng lokal na
kompanya

Pagyamanin

Gawain 7: Tuklas Kaalaman

Pagyamanin ang kaalaman tungkol sa Globalisasyong Ekonomiko.Gawin ang mga


sumusunod.
1. Magsaliksik ng halimbawa ng MNC’s at TNC’s sa Pilipinas gamit ang aklat at
internet.Magbigay ng limang halimbawa.
2. Isa-isahin at ipaliwanang ang Mabuti at di- mabuting dulot ng MNC’s at TNC’s

Pamprosesong Tanong:
1. Nakatutulong ba ang mga MNC’s at TNC’s sa pag-unlad ng isang bansa?
Patunayan ang sagot.

2. Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng MNC’s at TNC’s sa ating bansa?

3. Sa Pangkabuuan, nakabubuti o nakasasama ba ang mga pagbabagong


nabanggit? Ipaliwanag ang sagot.

Isaisip
Gawain 8: Pag-isipan Mo!
Panuto:Punan ang patlang ng mga sumusunod na pangungusap.
1. Ang ay proseso ng mabilisang ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang
panig ng daigdig. (Ritzer, 2011) Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang
higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa.2. Maituturing na
isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, at hinahamon ang
pamumuhay at mga perennial institusyon na matagal nang naitatag.
Isagawa
Gawain 9: Timbangin ang kabuuang epekto ng globalisasyon
sa ating bansa. Isulat sa loob ng kahon.

Mabuti Masama

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem.Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.
1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagkuha ng isang kompanya ng
serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad?
A. Offshoring B. Onshoring C. Outsourcing D. Nearshoring

2. Ano ang kahulugan ng Globalisasyon?


A. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at
ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
B. Malawakang pagbabago sa Sistema ng pamamahala sa buong mundo.
C. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t- ibang direksyon na nararanasan sa iba’t- ibang
bahagi ng daigdig.
D. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa Sistema
ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo.
Corporations (TNC’s)
3. Alin sa mga sumusunod na uri ng outsourcing ang tumutukoy sa Nearshoring?
A. Pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa
B. Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng
serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng
higit na mababang gastusin sa operasyon
C. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil
ng mas mababang bayad
D. Paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang
pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng
pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang kita
4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa Outsourcing?
A.Pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa
B.Paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang
pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng
pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang kita
C. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil
ng mas mababang bayad
D. Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng
serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng
higit na mababang gastusin sa operasyon.
5. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga
banta na magdudulot ng kapinsalaan
C. Dahil sa globalisasyonnagkakaroon ng mabilis na palitan ng
impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

Karagdagang Gawain
Gawain: Bumuo ng concept map at ipakita ang mga konsepto at anyo ng globalisasyon .
\

You might also like