You are on page 1of 12

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Kalagayan, Suliranin at Pagtugon
sa Isyu ng Paggawa sa Bansa
Alamin

Sa modyul na ito ay susuriin ang mga isyung pang-ekonomiya tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at
migrasyon kaakibat ang implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. Hangarin sa pag-aaral ng mga
aralin na nakapaloob sa modyul na ito na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga hamon at tugon sa mga
isyung nabanggit tungo sa pagpapabuti ng ng kalidad ng pamumuhay.

Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap:


Ang mga mag-aaral ay may pagunawa sa sanhi Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng
at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang pagsusuring papel sa mga isyung pang-
isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang
kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pamumuhay.
pambansang kaunlaran.

Mga Aralin at Sakop ng Modyul


Aralin 1 - Globalisasyon
Aralin 2 – Mga Isyu ng Paggawa
Aralin 3 - Migrasyon
Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod batay sa MELCs:
Most Essential Learning Competencies Duration
Naipapaliwanag ang kalagayan, suliranin, Week 3-4
pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa.

Balikan

Gawain 1: Sala-Isipan!
Panuto: Basahin ang mga gabay katanungan upang masagot ang sala-sisipan.

2
Tuklasin

Gawain 2: Larawan-Suri
Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang sumusunod na katanungan.

Pinagkuhanan: Bladimer,Usi. www.bladimer.blogspot.com/April 18, 2012

Pamprosesong Tanong:

1. Magbigay ng tatlong salita na maaari mong maiugnay sa larawan.

2. Sa iyong palagay, anong suliranin ang ipinapahiwatig ng nasa larawan?


Ipaliwanag ang sagot.

Suriin

Gawain 3: Balita-Suri
Panuto: Sa iyong sariling pagtataya, ano ang lebel ng epekto nsa kawalan ng trabaho sa
ating bansa? Lagyan ng (/) ang hanay ayon sa iyong pananaw tungkol dito at
ipaliwanag kung bakit.

3
Pinagkuhanan: rappler.com/newsbreak/pod-
Cast-videos-beyond-stories-labor-jobs-losses-
Pandemic.

Ang epekto ng coronavirus pandemic ay hindi nagtatapos sa mga apsyenteng napupunta sa


mga ospital. Ito ay makikita rin sa kabuhayan ng mga Pilipino. Abot 5 milyong Pilipino ang
mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic ayon sa Department of Labor and
Employment (DOLE). Ang bilang na ito ay maaaring tumaas, depende kung gaano kalakas ang
impact ng pandemic sa ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan.

Epekto ng Malala Hindi Hindi Paliwanag


Kawalan ng Gaanong Nakapi-
Trabaho sa matindi pinsala
1. Sa Iyong
pamilya
2. Sa Iyong
barangay
3. Sa inyong
bansa

4
Pagyamanin
Globalisasyon at ang Isyu ng Paggawa

Dulot ng Globalisasyon sa Paggawa


• Una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard;
• Pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan
pamilihan;
• Pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng
iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa;
• Pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa
mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na

Kakayahan na makaangkop sa Globally Standard na Paggawa


SANHI BUNGA
Ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang binuksan ang pamilihan ng bansa sa kalakalan sa
kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015 sa paggawa at mga daigdig. Isa sa pagtugon na isinagawa ng bansa ay
bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng World iangkop ang kasanayan ng lilinangin sa mga mag-aaral
Trade Organization o WTO na Pilipino.

Pagtaas ng demand para sa globally standard na paggawa na Pagsasakatuparan ng panibagong kurikulum ang
naangkop sa mga kasanayan para sa ika-21 siglo. Ito ay ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga
Media and Technology Skills, Learning and Innovation mag-aaral na tinatawag na Senior High School kung saan
Skills, Communication Skills at Life and Career Skills sasanayain ang mga mag-aaral na maging globally
(DepED, 2012) competitive.

Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment Upang makamit ang isang disente at marangal na
(DOLE, 2016) upang matiyak ang kaunlarang pang- paggawa na hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa sa
ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng bansa, inilunsad ang apat na haligi ara sa Isang Disente at
kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang Marangal na Paggawa (DOLE, 2016):
disenteng pagggwa (decent work) na naglalayong na 1. Employment Pillar (paglikha ng sustenable na trabaho,
magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa pantay, malaya at maayos na workplace),
anumang ang kasarian para sa isang disente at marangal na 2. Worker’s Rights Pillar (paglikha ng batas at
paggawa. pagpapatupad ng Karapatan ng mga manggawa)
3. Social Protection Pillar (paghikayat sa pamahalaan at
kompanya para sa paglikha ng mekanismo sa katanggap
tanggap na pasahod, proteksyon at oportunidad)
4. Social Dialogue Pillar (paglikha ng bukas na
pagpupulong ng pamahalaan, kompanya at manggagawa
sa pamamagitan ng collective bargaining unit)
Gawain 4: Basa-Suri

Panuto: Basahin ang teksto. Gumawa ng summary chart tungkol sa sanhi at bunga ng suliranin
sa paggawa na nararanasan sa inyong sariling pamayanan. Itala ang mga impormasyon sa ibaba.

Mga natuklasang sanhi ng suliranin: Mga natuklasang bunga ng suliranin

Mga Solusyong ginagawa na sa pamayanan: Mga ginagawa ng pamahalaan hinggil dito:

Magandang dulot ng globalisasyon sa paggawa: Hindi Magandang dulot ng globaliasyon sa


paggawa

5
Pagyamanin
Paksa: Kalagayan ng mga Manggawa sa iba’t ibang Sektor

Gawain 5: Mabuti o Masama?


Panuto: Batay sa teksto na nasa ibaba, sagutan ang mga sumusunod. Lagyan ng
tsek (/) ang angkop na kolumn tungkol sa kalagayan ng mga manggawa sa
iba’t- ibang sector. (+ Nakabubuti, - Nakasasama)

+ -
1. Pagbili ng mga gawang Pinoy o mga local na produkto sa Pilipinas
2. Pagkonbert ng lupang sakahan para maging subdibisyon, malls at
pabrika
3. Malayang pagpasok ng mga namumuhunang bansa sa larangan
ng enerhiya
4. Pagdami ng empleyado sa sektor ng serbisyo
5. Pagbukas ng Pilipinas sa mga dayuhang bansa

Pagyamanin

Paksa Iskemang Subcontracting, Labor, Job Only, Unemployment at


Underemployment

Iskemang Subcontracting
➢ Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa
kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o
indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa
isang takdang panahon. May dalawang umiiral na anyo ng subcontracting
ito ay ang:
➢ Ang Labor-only Contracting na kung saan ang subcontractor ay walang
sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok
niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng
kompaya;

6
Unemployment and Underemployment

➢ Isa pa sa isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa na kaugnay sa


paglaki ng unemployment at underemployment ay ang paglaki ng
bilang ng mga job-mismatch dahil sa hindi nakakasabay ang mga
college graduate sa demand na kasanayan at kakayahan na entry
requirement ng mga kompanya sa bansa.
➢ Ipinapahiwatig nito na maraming kurso sa mga Higher Education
Institutions (HEIs) at mga kolehiyo sa bansa ang hindi na tumutugon
sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda ng
mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa.
➢ Ang underemployment sa bansa ay laganap sa mahihirap na rehiyon
o sa mga rehiyon na ang pangunahing hanapbuhay ay agrikultural.
➢ Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang
patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan.

Gawain 6:K-K-P-G Tsart


Panuto: (a) Itala mo sa unang bahagi na “K” ang mga kasalukuyang kinakaharap na
isyu sa paggawa na iyong nakita sa teksto, (b) sa ikalawang bahagi naman na “K”,
ilagay kung paano ito nakaapekto sa kasalukuyang kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino. (c) Sa bahagi ng “P” naman ay ilahad ang mga programa ng
pamahalaan para bigyan solusyon ang mga isyung ito. (d) Sa panghuling hanay na
“G” naman ay magbigay ka ng iyong mungkahing solusyon sa mga kinakaharap na
isyu sa paggawa.
K K P G

Pagyamanin

Gawain 7: Imbentaryo ng mga Manggagawa


Panuto: Kompletuhin ang hinihinging impormasyon ng imbentaryo ng mga
maggagawa sa iyong tahanan o sa iyong pamilya.

Pangalan Pangkat
Tirahan
Mekaniks: Punan ng tamang impormasyon ang hinihingi sa bawat hanay

7
A. Bilang ng mga Manggagawa sa Pamilya o Tirahan

Pangalan Relasyon Edad Edukasyon Natapos hanapbuhay Status:Regular


na kurso Kontraktuwal

1.
2.
3.
4.

B.Benepisyong Natatanggap

SSS Iba pang benepisyo

PhilHealth
C. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho,anong
hanapbuhay ang nais mong pasukan?

Isaisip
Ngayong natapos mo na ang mga babasahin tungkol sa mga Isyu ng Paggawa,
subukan mo namang gawin ang susunod na gawain.

Gawain 8: Ulat M-P-S


• Kompletuhin mo ang impormasyon na hinihingi sa kasunod na diagram tungkol
sa kampanya para sa isang marangal na trabaho.
• Itala mo sa “M” ang uri ng manggagawa sa iba’t ibang sektor ng paggawa na
humaharap sa iba’t ibang suliranin sa paggawa at itala sa kasunod na kahon ang
kanilang isyung kinakaharap.
• Sa “P” naman itala ang pillar o haligi para sa isang disente at marangal na
paggawa na kung saan hindi nabibigyan ng pansin at itala sa kasunod na kahon
ang nagpapatunay dito.
• Samantalang, sa “S” naman itala mo iyong suhestiyon upang matugunan ang
suliranin sa paggawa na iyong itinala sa unang bahagi ng diagram at itala mo sa
kasunod ang isang maikling pamamaraan sa pagpapatupad ng iyong suhestiyon.

Ulat M-P-S

S
8
Isagawa
Magaling! Tunay ngang naunawaan mo ang mga suliranin at isyung kinakaharap ng
ating Paggawa sa Bansa. Tignan naman natin ngayon kung paano mo gagamitin ang
kaalaman mo tungkol sa ating paksa sa iyong pang- araw- araw na buhay.
Gawain 9: Alam ko na!
Panuto: Basahin at sagutin ang tanong.

Paano mo mas
mapapahalagahan
ang mga
mangagawa ng
iba’t-ibang sector
sa ating bansa?

Tayahin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel
ang wastong sagot.
1. Isa sa mga haligi para sa isang disente at marangal na paggawa na naglalayong
palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas sa paggawa at matapat na
pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
a. Employment Pillar
b. Worker’s Right Pillar
c. Social Protection Pillar
d. Social Dialogue Pillar

9
2. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay
lumukontrata ng isang ahensiya o subcontractor upang gawin ang isang
trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
a. Labor-Only Contracting
b. Job Contracting
c. Iskemang Subcontracting
d. Job Mismatch

3. Isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang


kanilang kinikita o tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang
pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
a. Mura at Flexible Labor
b. Labor-Only Contracting
c. Iskemang Subcontracting
d. Job Mismatch

4. Alin ang hindi epekto ng kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa


a. Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at benepisyo na ayon sa
batas na tinatamasa ng mga regular na manggagawa
b. Naiiwasan ng mga kapitalista ang pagbabayad ng separation
pay,SSS,Philhealth at ibapa
c. Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining
Agreement {CBA} dahil hindi sila kasama sa bargaining unit
d. Maaari din silang bumuo o sumali sa Unyon dahil walang katiyakan o
pansamantala lang kanilang security of tenure
5. Tinitiyak nito ang paglikha ng sustenableng trabaho, malaya at pantay na
oportunidad sa paggawa at maayos na workplace para sa mga manggagawa
a. Employment Pillar
b. Worker’s Right Pillar
c. Social Protection Pillar
d. Social Dialogue Pillar

10
Karagdagang Gawain
Gawain 10: Labor Discussion Web Organizer

Panuto: Kompletuhin ang nilalaman ng discussion web organizer,isulat ang mga isyu sa
paggawa na nararanasan ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan.

Isyu ng
Paggawa
PROS CONS

Mga karapatan ng mga Mangagawa

11

You might also like