You are on page 1of 1

“Minsan Lang Maging Bata”

Sa asul na karagatan sa ilalim ng asul na kalangitan. Ang paghampas ng alon na


ka’y bilis, nag aalimpuyos na laot na nangangahulugan ng ligalig at malawak na espasyong
tumutudya sa kaliitan ng ating mundo. Iba-iba ang kahulugan ng dagat para sa iba’t ibang tao.
Iba’t iba rin ang karanasan nating galing sa paglangoy, pakikipaglaro at pag tawid dito. Kanya
kanya rin tayo ng takot, saya, pagkamangha, pagkabighani at pag-aatubili kapag narinig ang
salitang dagat.
May mga tao na sumasamba sa araw, mayroon ding pirming kaulayaw ang mga bituin sa
langit, may mga nakikipagtiyap sa buwan at mayroon din namang nakikipaghabulan sa mga
bagyo. Higit na marami ang mga taong iniaalay ang kanilang panahon sa pakikipag-tuos sa dagat
– may lumalangoy ng malayo, may sumisisid ng malalim at may sumasakay sa mga alon nito.
Mayroong tahimik lamang na nagmamasid sa tanawin at kontento nang matamaan ang mga
pisngi, niyong hanging-dagat.
Ngunit naisip ko na sa bawat pag alon nito ay kahalintulad din ng pag-agos ng ating
buhay. Nagsimula sa pagkabata na ngayon ay isang ganap na dalaga. Mas napahalagahan ko ang
mga ala-ala nung ako ay bata pa kesa sa mga materyales na aking dinadala. Kung ako’y tumanda
na at nabigyan ng pagkakataon ibalik ang nakaraan, hihilingin kong bumalik ang sigla at
lumakas ulit ang aking mga mahal na magulang. Maranasan kong muli ang buhay na walang
prinoproblema tulad ng isang munting bata.

You might also like