You are on page 1of 7

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

PANITIKAN
(WEEK 8)

✓ INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga pangunahing akdang pampanitikan sa Pilipinas. Sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ng iba’t ibang rehiyon malalaman ang nakatagong
kultura ng sinaunang panahon na maiuugnay sa kasalukuyan

TUNGKOL SAAN ANG UNIT NA ITO?


9. Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan

✓ INAASAHANG BUNGA SA UNIT NA ITO


Sa pagtatapos ng pag-aaral sa Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang magtatamo ng mga sumusunod:

Kognitibo Natutukoy ang Panitikang Filipino noon at hanggang sa kasalukuyan at naihahambing ang paglago at
paglinang ng mga akda ayon sa pagtalakay ng mga manunulat sa bawat panahon.
Naipapakita sa pamamagitan ng mga akdang Filipino ang magagandang kaugalian ng mga Pilipino
Apektibo
noon na maaaring makabuluhan pa sa kasalukuyan.
Psychomotor Nakapaglalahad ng iba’t ibang anyo ng akdang pampanitikan na sasalamin sa ating pagiging Pilipino.

✓ PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano sa palagay mo ang magiging kalagayan ng panitikan ng pilipinas sa panahong ito?


______________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

2. Magkakaroon parin kaya ng mga bansang mananakop sa Pilipinas matapos ibalik ang pangakong
Kalayaan?
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
✓ MGA ARALIN SA PAGKATUTO
PANITIKAN SA PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN

✓ KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga Amerikano ay natupad noong 1945. Nagdiwang
ang mga Pilipino at ang mga namundok na gerilya nang may higit na tatlong taon ay kasa-kasama na ng mga hukbong
mapagpalaya ng mga Amerikano.
Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat dito isinauli ang Kalayaan. Ibinaba
sa tagdan ng bandilang amerikano at mag-isang winagayway ang bandilang Pilipino. Nawala ang tanikala, Nawala ang
gapos. Sa unang pagkakataon ay nagging Malaya sa turing ang mga Pilipino.
Tulad ng sinaunang may katuwaang biglang mag-iisa, naging napakabigat para sa mga Pilipino ang naging labi ng
digmaan. Marahil, kung hindi nagkadigma, naging maganda sana kaagad ang pagsasarili ng Pilipinas.
Maraming mabigat na suliranin ang iniwan ng digmaan sa nagsasariling Pilipinas. Ang ekonomiya ng bansa ay
humantong sa kababaan.
May mga salaping ipinamudmod sa mga gerilya bilang gantimpala ng kagitingan at pagkamakabayan, subalit
walang pag-uukol ng pansing ginawa sa kabuhayang bansa. Walanag puhunang ibinigay sa mga pangunahing Gawain tulad
ng pagsasaka, pangingisda, pag-aalaga ng hayop, at pagtatatag ng mga pabrika o pagawaan. Sa madaling salita, walang
naging balangkas sa ekonomiya ng bansa bago ito pinalaya.
Ang Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) na binubuo ng pangkat ng mga gerilyang may pagkiling sa
komunismo, ay isa pang pamana ng digmaan na naging malaking sagabal sa pambansang kaunlarang pang-ekonomiko.
Maraming bayan sa gitnang Luzon noong 1950 ang may “tagong pamahalaan ng huk” na nakapaniningil ng buwis,
nakapagpapakalat ng mga kautusan, nakapagpapataw ng parusa laban sa sariling paglilitis. Maraming mga naging
tiwangwang na bukirin sa mga bayang nalaganapan ng mga huk. Ngunit ang pakikipaglaban ng mga Huk ay naging daan ng
maraming pagbabago para sa mabuting pamumuhay ng mga mamamayan. Nakakilala ng kahit bahagyang katarungan ng
mga dukha.

✓ ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN NG PANAHONG ITO


Tila naging mapanghangad sa makukuhang gantimpala ang mga manunulat ng panahong ito sapagkat bago pa
sumulat ng anumang akda ay inaalam muna kung aling pahayagan kaya ang magbabayad dito ng malaking halaga. Isa sa
naging kapansin-pansing pangyayari sa panitikang Pilipino sa panahong ito ay ang pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral
sa larangan ng panulat.
Naging Ulirang Manunulat na Amerikano sa Mahusay na Teknisismo.
• Ernest Hemingway
• William Saroyan
• John Steinbeck
Ang mga manunulat sa estilo ng taatlong maanunulat na Amerikanong nabanggit ang nagbigay ng diwang
mapanghimagsik at kapangahasan sa panitikang Tagalog at Ingles.

✓ ANG BAGONG PANITIKAN SA TAGALOG NG PANAHONG ITO


Muling sumigla ang panitik ng mga Pilipino nang panahong ito. Ang halos naging paksa ng mga akda ay patungkol
sa kalupitan ng mga Hapones, ang kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones, at kabayanihan ng
mga gerilya at iba pa.
Nabuksang muli ang mga palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin tulad ng Liwayway, Bulaklak, Ilang-ilang,
Sinag tala, atbp. Nagkaroon ng “laman” at hindi salita’t tugma lamang ang mga tulang tagalog. Nagtataglay na nang mabuti-
buting tauhan, mga pangyayaring batay sa katotohanan at mga paksaing may kahulugan ang mga maikling kuwento. May
mga nobela ring namamalasak subalit binabasa ng mga tao bilang libangan lamang. Ang pagkagiliw ng mga tao sa pakikinig
sa bigkasan ng tula ay higit kaysa rati at pinagdadayo ng pulu-pulutong na mga tao ang pakikinig sa sinumang mambibigkas.
Mga Aklat na Nalimbag Sa Panahong Ito:
• Mga Piling Katha (1947-48) ni Alejandro Abadilla
• Mga Maikling Kwentong Tagalog (1886-1948) ni Teodoro Agoncillo
• Ako’y Isang Tinig (1952) – Katipunan ng mga tula at sanaysay ni Genoveva Edroza Matute
• Mga Piling Sanaysay (1952) ni Alejandro Abadilla
• Maikling Katha ng Dalawampong Pangunahing Autor (1962) nina A.G. Abadilla at Ponciano B.P. Pineda
• Parnasong Tagalog (1964) Katipunan ng mga piling tula mula kina Huseng Sisiw at Balagtas na tinipon ni
A.G. Abadilla
• Sining at Pamamaraan ng Pag-aaral ng Panitikan (1965) ni Rufino Alejandro, inihanda niya ang aklat na ito
bilang panturo sa pamumuno o pagpapahalaga sa tula, dula, maikling kwento at nobela
• Manlilikha, Mga Piling Tula (1961-1967) ni Rogelio G. Mangahas
• Mga Piling Akda ng Kadipan (Kapisanang Aklat ng Diwa at Panitik) (1965) ni Efren Abueg
• Makata (1967) ito ang kauna-unahang tulung-tulong na pagsasaaklat ng mga tula ng may 16 na makata sa
wikang Pilipino
• Pitong Dula (1968) ni Dionisio Salasar
• Manunulat: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) ni Efren Abueg. Sa aklat na ito naipakita ni Abueg na
“Posible ang pambansang integrasyon ng mga kalinangang etniko sa ating bayan.”
• Mga Aklat ni Rizal Sa panahong ito lumabas ang maraming aklat tungkol kay Rizal. Ang batas na nag-
aatas na pandaragdag ng pag-aaral sa buhay ni Rizal ay nakatulong nang malaki sa sigla ng ating mga
manunulat na makasulat ng aklat tungkol kay Rizal. Kabilang ay ang mga sumusunod:
o Nang Musmos pa si Rizal
o Ulirang Mag-aaral si Rizal
o Ang Buhay at mga Akda ni Rizal ni Ben C. Ungson
o Rizal, ang Bayani at Guro nina Domingo Landicho atbp
o Gabay sa Pag-aaral ng Noli
o Gabay sa Pag-aaral ng Fili Isinulat ni Diosdado Capino Isinulat nina Efren Abueg atbp

✓ ANG MULING PAGSIGLA NG PANITIKAN SA INGLES


Maraming pahayagang Ingles ang lumabas tulad ng: a. Philippines Free Press, b. Morning Sun nina Sergio
Osmeña, Sr., c. Daily News nina Ramon Roses, d. Philippines Herald ng mga Soriano, e. Chronicle ng mga Lopez at ang
Bulletin ni Menzi.
Mga Mamahaling Aklat na Inilimbag ng mga manunulat sa Ingles:
• Heart of the Islands (1974) ni Manuel Viray – Itoy kalipunan ng mga tula
• Phil. Cross-Section (1950) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros – Ito’y kalipunan ng mga tula at
tuluyan
• Prose and Poems (1952) ni Nick Joaquin
• Phil. Writing (1953) ni T.D. Agcaoli
• Phil. Harvest (1953) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros
• Horizons East (1967) nina Artemio Patacsil at Silverio Baltazar.

✓ ANG TIMPALAK - PALANCA


Isa ring nakapagpasigla sa ating mga manunulat na Pilipino ang pagkakalunsad ng Timpalac – Palanca o Palanca
Memorial Awards for Literature na pinamunuan ni Ginoong Carlos Palanca, Sr. noong 1950. Magpahanggang ngayon ay
patuloy pa rin sa pagbibigay ng gantimpala ang timpalac na ito bagamat ang tumatag ay yumao na. Ang larangang
pinagkakalooban dito ay ang maikling kwento, dula at tula.
Mga nagwagi sa Unang Taon ng Timpalak:
• Unang gantimpala – “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza
• Ikalawang Gantimpala – “Mabangis na Kamay… Maamong Kamay” ni Pedro S. Dandan
• Ikatlong Gantimpala – “Planeta, Buwan at mga Bituin” ni Elpidio P. Kapulong

✓ DULANG UNANG NAGKAMIT NG GANTIMPALA SA TIMPALAK - PALANCA


Sinimulan noon (1953-1954) ng Timpalak-Palanca ang pagpili sa pinakamahusay na dula – at ang nagwagi ng
unang gantimpala ay ang Hulyo 4, 1954 A.D. ni Dionisio Salazar. Ang dulang ito ay naglalahad ng pagsasagawa ng isang
panganib at madugong misyon ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) na ibagsak ang pamahalaang Pilipino noong
Panahon ni Pangulong Magsaysay.

✓ TULANG UNANG NAGKAMIT NG GANTIMPALA SA TIMPALAK-PALANCA


Ang pagsisimula naman ng Timpalak-Palnca sa pagpili ng pinakamahusay na tula ay ginawa noong 1963-1964. At
ang nagkamit ng unang gantimpala ay “Ang Alamat ng Pasig” ni Fernando B. Monleon.
✓ GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa
paksang tinalakay.

Pagnilayan at Unawain
Gawain 1: ANO SA PALAGAY MO?
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Kailan natupad ang pangakong pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas?


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

2. Kailan isinauli ng mga Amerikano ang Kalayaan ng mga Pilipino?


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

3. Anu-ano ang mga nagging balakid ng Pilipinas sa kaniyang pagsasarili?


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

4. Sinu-sino ang mga bumubuo ng Hukbalahap? Anong mahalagang bagay ang nagawa ng mga
ito sa mga mamamayan?
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

5. Talakayin ang kalagayan ng panitikang Pilipino ng panahong ito?


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

6. Sinu-sino ang mga naging ulirang manunulat na amerikano nang panahong ito? Bakit?
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

7. Bumanggit ng ilang aklat na nalimbag nang panahong ito at turan din ang may akda.
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

8. Ano naman ang nagging kalagayan ng panitikang Ingles nang Panahong ito?
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

9. Magbigay ng ilang pahayag tungkol sa Timpalak-Palanca.


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

10. Saan natutungkol ang dulang Hulyo 4, 1954 A.D. ni Dionisio Salazar?
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
✓ PAGBUBUOD/PAGLALAHAT
a. Buod
PANITIKAN SA PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN

✓ KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Noong 1945
- Natupad ang pangakong pagbabalik ng mga Amerikano
Ika-4 ng Hulyo, 1946
- Isinauli ang Kalayaan
Ang ekonomiya ng bansa ay humantong sa kababaan.
Mas binigyang pansin ang mga gerilya kaysa kabuhayang pambansa.
Nagtatag ng HUKBALAHAP
Maraming bayan sa gitnang Luzon noong 1950 ang may “tagong pamahalaan ng mga huk” na:
- nakapaniningil ng buwis
- nakapagpapakalat ng mga kautusan
- nakapagpapataw ng parusa laban sa sariling paglilitis

✓ ANG TIMPALAK - PALANCA


Mga nagwagi sa Unang Taon ng Timpalak:
• Unang gantimpala – “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza
• Ikalawang Gantimpala – “Mabangis na Kamay… Maamong Kamay” ni Pedro S. Dandan
• Ikatlong Gantimpala – “Planeta, Buwan at mga Bituin” ni Elpidio P. Kapulong

b. Konklusyon at Repleksyon

ISIP, DAMDAMIN at ASAL


Batay sa paksang tinalakay, sagutan ang mga sumusunod:
(15 puntos)

Ano ang Ano ang iyong Ano ang aral na


natutunan? naramdaman? napulot?
✓ PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Turan ang mga sumusunod:
(10 puntos)
_____________ 1. Binubuo ng mga gerilyang may pagkiling sa Komunista.
_____________ 2. Kahulugan ng Hukbalahap
_____________ 3. Kahulugan ng HMB
_____________ 4. Aklat na Efren Abueg na nagpapahayag ng pagkakaroon ng posibleng
pambansang integrasyon ng mga kalinangang etniko sa ating bayan.
_____________ 5. Ang akdang kauna-unahang nagkamit ng unang gantimpala sa larangan ng
kuwento sa Timpalak-Palanca.
_____________ 6. Dulang unang nagkamit ng gantimpala sa Timpalak-Palanca.
_____________ 7. May-akda ng sagot sa bilang 6.
_____________ 8. Tulang unang nagkamit ng gantimpala sa Timpalak-Palanca.
_____________ 9. May akda ng sagot sa bilang 8.
_____________ 10. Kahulugan ng Kadipan.

II. Panuto: Pagtapat-tapatin. Isulat ang titik bilang sagot. (10 puntos)

HANAY A HANAY B
____ 1. Ako’y Isang Tinig a. Pedro S. Dandan
____ 2. Mga Piling Katha b. Teodoro Agoncillo
____ 3. Mabangis na kamay - Maamong kamay c. Genoveva E. Matute
____ 4. Paneta, Buwan at mga Bituin d. Rogelio Mangahas
____ 5. Maikling Kwentong Tagalog e. Alejandro Abadilla
____ 6. Manlilikha, Mga Piling Tula f. Elpidio Kapulong
____ 7. Sining at Pamamaraan ng Pag-aaral ng Panitikan g. Domingo Landicho
____ 8. Ang Buhay ng mga Akda ni Rizal h. Ben Ungson
____ 9. Ulirang Mag-aaral si Rizal i. Diosdado Capino
____ 10. Rizal, Ang Bayani at Guro j. Rufino Alejandro

✓ TAKDANG ARALIN / MGA BABASAHIN:


Magsaliksik at pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Aktibismo.

SANGGUNIAN:

❖ Espina, L.et.al. 2014. Literatura ng Iba’t ibang Rehiyon ng Pilipinas Ikalawang Edisyon. Maynila:Minshapers Co., Inc.
❖ Aguilar, R., 2014. Panitikan ng Pilipinas. Makati City:Grandwater Publication
❖ Panganiban, et.al. 1998. Panitikan ng Pilipinas. REX Bookstore, Inc.
❖ https://www.slideshare.net/PinkyRoseTapayan/ang-panitikan-sa-panahon-ng-isinauling-kalayaan

You might also like