You are on page 1of 5

EP 11

HEKASI IV

Date: _________________

I. Layunin

Nailalarawan ang katangiang pangheograpiya ng bawat rehiyon

II. Paksang-aralin

Mga Katangiang Pangheograpiya ng Bawat Rehiyon

Sanggunian: BEC-PELC II. A 3

Batayang Aklat sa HEKASI 4

Kagamitan: mapang pisikal at politikal ng Pilipinas, flashcards, mga larawan

Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa mga katangiang pisikal ng bawat rehiyon

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balitaan

Pagbabalitaan tungkol sa mga balitang narinig sa radyo at napanood sa telebisyon.

2. Pagsasanay

Ipaayos ang mga salita sa tamang hanay.

Anyong lupa Anyong tubig

Bulkan Lambak Kapatagan talampas look

Bundok Dagat Tangway burol

Ilog Lawa Karagatan talon


3. Balik-aral

Ipaturo sa mapa ang mga rehiyon at ibigay ang mga lalawigang sakop nito.

B. Panlinang na Gawain:

1. Paghahanda

Pagpapakita ng iba’t ibang larawan na nagpapakilala sa bawat rehiyon.

Pagpapakwento tungkol dito.

2. Pagbubuo ng Suliranin

Anu-ano ang mga katangiang pangheograpiya ng bawat rehiyon.

3. Pananaliksik

Hatiin sa walong grupo ang mga mag·aaral. Bawat isang pangkat ay mananaliksik

tungkol sa pangheograpiyang katangian ng dalawang rehiyon.

4. Pangkatang Gawain

Ipasulat sa flashcards ang datos na nalikom talahanayan na katulad ng nasa ibaba.

Rehiyon Katangiang Pangheograpiya

5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa

a. Talakayin ang datos na nasa talahanayan. Pagpapakita ng mapang pisikal.

b. Itanong: Ano ang tawag sa mapang ito? Anu-anong ang ginamit sa mapa? Ano ang

ipinahihiwatig ng mga panandang ito? Ilarawan ang rehiyon?

6. Paglalagom

Itanong: Pare-pareho ba ang katangian ng mga rehiyon? Alin-aling mga rehiyon ang

magkakatulad ang mga katangian? Alin-alin ang naiiba? Alin-alin sa mga

rehiyon ang tangway? lambak? kapatagan?

 Tangway Maburol Mabundok Kapatagan Lambak


C. Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat:

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o mga batayang kalaman

tungkol sa pagksang tinalakay.

Halimbawa:

Iba’t iba ang katangiang pisikal ng bawat rehiyon. Sa pamamagitan ng mapang

pisikal, nailalarawan ang katangiang pisikal ng mga rehiyon. May mga

sagisag/pananda sa mapa na nagpapahiwatig ng tunay na anyong lupa at anyong

tubig.

2. Paglalapat:

Kumuha ng ilsang rehiyon at ilarawan sa pamamagitan ng kilos ang topograpiya

nito.

IV. Pagtataya:

Pagtambalin ang Hanay A at B. Isulat ang titik lamang.

A B

a. mabundok at maburol ang mga lalawigan dito

_______ 1. Rehiyon VIII a. bawat lalawigan ay may bundok

_______ 2. Rehiyon VII b. isang tangway

_______ 3. Rehiyon V b. matatagpuan dito ang ikatlong


pinakamalaking pulo ng
_______ 4. NCR
Pilipinas
_______ 5. Rehiyon IV
c. may talampas at lambak na taniman

d. nasa isang malawak na kapatagan

V. Kasunduan:

Gumawa ng mapa ng bawat rehiyon.

You might also like