You are on page 1of 14

TEORYANG

HUMANISMO

BSED ENGLISH 3B
Ipinakita ni: Sessylu AmazonaTalavera
NILALAMAN NG PRESENTASYON:
PINAGMULAN NG HUMANISMO
KAILAN AT SAAN ITO NAGSIMULA
KAHULUGAN NG HUMANISMO
SIMULAIN
HUMANISTA
SENTRO NG HUMANISMO
PAGSUSURI
PAGSUSURI SA PANANAW NG HUMANISMO
HUMANISMO-
HUMANISTAS
"BIRTUD NG TAO"
"VIRTUE" SA INGLES
NANGANGAHULUGANG PAGIGING TAO
PAGIGING MALAKAS AT MATATAG HINDI
LAMANG SA KILOS KUNDI PATI NA RIN SA
PAGPAPASYANG GAWIN AYON SA TAMANG
KATWIRAN
2 URI NG BIRTUD: MORAL AT INTELEKTWAL
KAILAN NAGSIMULA ANG
TEORYANG HUMANISMO?
Ito ay sumibol noong panahon ng Muling Pagsilang o
Renaissance sa Italya noong ika-14 dantaon(A.D.)
Renaissance- inilalarawan ito bilang kilusang intelektwal
na nagtatangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang
kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-
aaral sa panitikan at kultura ng nasabing mga
sibilisasyon
Ito ay umusbong sa Italya sapagkat dito nagmula ang
kadakilaan ng unang Rome, may mga unibersidad din
dito na nagtaguyod at nagpanatiling buhay sa kulturang
klasikal, teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng mga
Griyego at Romano. Narito din ang mga maharlikang
angkan na mahuhusay sa sining at pag-aaral.
HUMANISMO
Ang humanismo ay isang sistemang pangkaisipan
na nakatuon sa TAO
at kaniyang mga pagpapahalaga sa kasanayan,
interes, dangal at kakayahan sa sariling pag- unlad.

SIMULAIN NG HUMANISMO:
1. Pangunahing paksa ng panitikan at sining ay ang tao,
ang kanyang mga saloobin at damdamin.
2. Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga
natatanging talino, kakayahan at kalikasan ng tao.
3. Itinaguyod ang relihiyong nagtuturo ng moralidad na
nagtatakda kung ano ang maling asal at pagpapahalaga.
4. Binibigyang-pansin ng mga manunulat ang mga
problemang nadarama o nararanasan sa kasalukuyan
kaysa mga darating ng panahon.
HUMANISTA
naniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng
bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob
sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng
saloobin at kalayaan sa pagpapasya

para sa kanila ang edukasyon ang dapat


magmulat sa makasining na kakayahan ng isang
indibidwal

naniniwala sila na ang edukasyon ang gabay


upang maunawaan ang buhay ng tao

"MAN IS THE MEASURE


OF ALL THINGS."

PROTAGORAS
ANG TAO ANG SENTRO NG
DAIGDIG, ANG SUKATAN NG LAHAT
NG BAGAY AT ANG PANGINOON
ANG KANYANG KAPALARAN.

ANG TAO ANG MAY KASALANAN NG LAHAT AT


DAHIL ANG LAHAT AY KAGAGAWAN NG TAO,
ANG TAO RIN ANG GAGAWA NG PARAAN AT
SOLUSYON SA MGA GINAWA NIYA
SENTRO NG HUMANISMO:
DIGNIDAD, PAGPAPAHALAGA SA SARILI AT
KAPWA

Ang teoryang humanismo ay pananaw na


nakasentro sa tao sa halip na sa Diyos.
Sa pilisopiya, ito ay atityud na nagbibigay
diin sa DIGNIDAD at KAHALAGAHAN ng
tao at kanyang PAGPAPAHALAGA SA
KAPWA.
Pinaniniwalaang ang tao ay nilikhang
RASYUNAL.
HALINA'T MAGSURI:
SI PINKAW
BILANG TAO: Isang taong may panindigan
na kahit siya'y naghihirap binuhay niya ang 3 anak sa
sariling kakayaan. Hindi humihingi ng tulong kahit kanino o umaasa sa gobyerno. Nabubuhay sa
kung ano ang nandiyan at di na humihingi ng kung ano ang wala. Ang mahalaga sa kanya
magkasama sila ng kanyang anak. Kahit na dumating sa punto na kailangang-kailangan niya ng
pera para ipagamot ang anak, di niya magawang pumayag sa gusto ng Intsek.
DAMDAMIN: Dahil sa pagmamahal sa mga anak, lahat ay pinagtiisan. Namamasura, kahit marumi
ang basura ngunit dahil dito namuhay sila ng malinis. Kung gaano karumi ng basura, ganun naman
kalinis ng budhi at pamumuhay nilang mag-ina. Ngunit sa panahon na kailangan nila ng tulong,
wala ni isa man lamang na tumulong. Masakit damhin na satulad ni Pinkaw na matulungin sa
kapwa, kahit na mahirap siya marunong siyang maawa sa mga pulubi. Nagbibigay siya ng pera sa
kanila...pero nang siya;y nangangailangan walang nagtulong sa kanya. Namatay ang 3 anak na
siyang nagbibigay ng dahilan upang siya'y maging masaya at maging makabuluhan ang buhay.
SALOOBIN: Sa pagkawala ng mga anak, nawala rin ang makulay na buhay sa kabila ng
kahirapang tinatahak. Ang 3 anghel na nagbibigay lakas at inspirasyon sa kanya, wala na. Ito ang
naging dahilan kung bakit nawala siya sa sarili, namuhay sa lansangan at walang sinasambit kundi
ang pagmamahal sa anak. Masakit para sa isang ina ang mawalan ng anak. Ngunit sa kabila ng
pinagdaanan niya nagawa pa siyang paglaruan sa kalye ng mga taong matino ang isip. Tao may
puso ngunit di maintindihan ang nararamdaman ng iba.
SA PAGSUSURI NG PANITIKAN AYON SA PANANAW
NA HUMANISTIKO, MAINAM NA TINGNAN ANG
SUMUSUNOD:

Pagkatao (kakayahan, kalakasan,


talento, damdamin, saloobin at pag-
uugali)
Tema ng kwento
Mga pagpapahalagang pantao:
moral at etikal ba?
Mga bagay na nakaiimpluwensya sa
pagkatao ng tauhan; at
Pamamaraan ng pagbibigay
solusyon sa problema.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like