You are on page 1of 3

MGA ALITUNTUNIN NG MABABANG PAARALAN NG PAGLAUM

Panimula:
Ang DepEd Order No.65,s.2020 ay nagbibigay pahintulot sa paaralan na ipagpatuloy ang pagsusuot
ng uniporme ng mga mag-aaral upang maiwasan ang panibagong gastusin. Dahil ditto, ipapatupad ang
alituntuning ito ng Mababang Paaralan ng Paglaum ang pag-suot ng tamang uniporme na inirekomenda ng
kagawaran ng edukasyon.
I.Pangkat A
Lahat ng mag-aaral ay kailangang magsuot ng nasabing uniporme sa loob ng paaralan at silid aralan
sa lahat ng oras.
Mahigpit na ipinatutupad ang mga sumusunod:
1. Lahat ng mag-aaral ay kailangang maging magalang sa lahat ng oras at taglayin ang mabuting
kaasalan.
2. Lahat ng mag-aaral ay kailangang makiisa sa pag-awit ng pambansang awit at pagwawagayway ng
bandila tuwing lunes at kailangang makiisa sa pagbaba ng watawat tuwing biyernes ng hapon.
3. Lahat ng mag-aaral na lalaki ay kailangang may maikling buhok( gupit estudyante),ipinagbabawal
din ang pagsuot ng sombrero sa loob ng paaralan.
4. Ipinagbabawal sa lahat ng mga mag-aaral ang pagpapakulay ng buhok.
5. Ipinagbabawal ang paglilipstik lalaki man o babae.
6. Ipinagbabawal ang pagsuot ng hikaw sa kalalakihan at maraming hikaw sa kababaihan.
7. Ipinagbabawal ang pag-iingay sa loob ng silid aralan,pasilyo,balkonahe,at sa mga lugar na
pinagdadausan ng klase.
8. Ipinagbabawal ang pagdudura sa sahig,pasilyo at iba pa.
9. ipinagbabawal sa lahat ng mga mag-aaral ang palakad-lakad sa loob ng paaralan sa oras na may klase
maliban sa oras ng recess.
10. Ipinagbabawal ang pagpunta sa ibang silid aralan kung oras ng klase.
11. Ang mga mag-aaral ay dapat manatili sa loob ng school o kubo kung sakaling walang klase.
12. Ipinagbabawal sa lahat ng mga mag-aaral ang pag-pasok sa loob ng paaralan tuwing sabado at lingo,
maliban na lang kung may pahintulot ang Punong Guro.
13. Kinakailangang ingatan ng mga mag-aaral ang Student Handbook.Ito ay kailangang dalhin at ipakita
sa panahon ng enrollment. Sa sandaling ito ay mawala, ang mag-aaral ay magbabayad ng kaukulang
halaga para sa panibagong sipi o kopya.
II. Pangkat B
Ang mga sumusunod na pagkakamali o gawa ay basehan ng parusa depende sa bigat ng
pagkakamali; pagpapagawa ng sinumpaang salaysay,pagpapalipat(exxlusion),at pagtitiwalag (expulsion) sa
paaralan.
1. Pagliban( DepEd Order No. 8,s.2015) at pagkahuli sa klase nang walang mabigat na dahilan at
cutting classes (number times committed).
2. Pangungopya at pagnanakaw.
3. Paglapastangan sa mga guro, at sa mga may katungkulan,kinatawan at mga mag-aaral tulad ng
pagmumura,panununtok,pananaksak at iba pa.
4. Nakakasisirang pagsusulat o paninira sa mga kagamitang pampaaralan tulad ng mga upuan,
mesa,bintana,mga aklat,mga kasangkapang panlaboratoryo at iba pang gamit na pag-aari ng
paaralan.
5. Panlalait(verbal),pananakit (physical) pagsasalita ng nakakasakit sa damdamin (emotional) na
nakakaapekto sa kaisipan o sikolohikal na aspeto ng mag-aaral
(Bullying RA 10627)

6. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagmumura,masasamang komento na nagdudulot ng paninirang puri


sa kapwa mag-aaral at school personnel.
7. Pananakit at pangingikil.
8. Pakikipag-away na magbubunga ng pananakit.
9. Pamamalo/pananakit sa iba’t-ibang paraan sa loob at labas ng paaralan.
10. Pagbabanta sa mga estudyante, at mga miyembro ng paaralan na may awtoridad.
11. Pamumuno at pakikiisa sa mga gawaing magbibigay daan sa pagkabalam.
12. Paghuhuwad ng pirma/lagda sa mga dokumentong pampaaralan tulad ng Enrollment
Form,Clearance,Excuse Slip at Promissory Letter at iba pa.
13. Gambling o pagsusugal.
14. Pagsisigaw at pagsasalita ng malalaswa sa loob at labas ng silid-aralan,pasilyo,balkonahe,at lugar
pahingahan (parke o liwasan).
15. Pagkalat ng basura sa loob at labas ng silid-araaln,pasilyo at parke at paninira ng halaman.
KAPARUSAHAN
Ang mga sumusunod na kaparusahan ay ipapataw sa mga mag-aaral sa mga pagkakamaling nagawa.
Ang bigat ng parusa ay batay sa nagawang pagkakamali:
First offense/unang paglabag-pagpapagawa ng sinumpaang Salaysay o Affidavit na pirmado ng Punong
Guro.
Second Offense/ikalawang paglabag- pagpapalipat ng paaralan.
Third Offense/ikatlong Paglabag- Pagtitiwalag
KASUNDUAN/PANGAKO
A. Para sa Mag-aaral:
Sa sandaling mapatunayan na ako ay lumabag sa alinmang nabanggit ay sumasang-ayon
akong tatanggap ng alinmang parusa ayon sa bigat ng aking nagawang pagkakamali.

_________________________________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

B. Para sa Magulang:
Nauunawaan ko ang buong nilalaman ng mga alituntunin at sumasang-ayon ako sa mga ito at
kung lumabag ang aking anak ay kusang-loob kong susundin ang pasya ng paaralan.

___________________________________________
Pangalan at lagda ng Magulang

__________________
Petsa

You might also like