You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara I District
Poblacion Sur, Sta. Barbara, Pangasinan
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

Pangalan: ___________________________________________________________________Iskor: ___________


I. PANUTO: Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
____1. Ito ay ang paggamit ng isipan upang alamin ang katotohanan.
A. pagsusuri B. pagtatanong C. paniniwala D. pagpanig
____2. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng pagiging mapanuri, MALIBAN sa _____
A. masusing pagbabasa B. pagtitiwala agad
C. pagtatanong sa marunong D. pagti-tsek ng source
____3. Tama ang iyong pagiging mapanuri kung _____
A. naniniwala ka lang kung maganda ang balita
B. humahanap ka ng iba pang mga impormasyon
C. ginagamit mong panakot ang maling impormasyon
D. hindi mo pinakikialaman ang balita dahil bata ka pa
____4. Sinabi ni Homer kay Mercy na nabasa nito sa internet na may sasabog daw na bulkan sa
susunod na linggo. Mapanuri si Mercy kung _____
A. tatanungin niya si Homer ng iba pang detalye
B. magbabasa ng impormasyon sa iba pang source
C. manonood/magbabasa ng balita sa TV/diyaryo
D. lahat ng nabanggit
____5. Nanalo ka raw ng malaking halaga ayon sa ipinadalang text sa cellphone. Pinayuhan
kang tumawag upang ibigay ang lugar ng iyong tirahan. Mapanuri ka kung _____
A. ibibigay mo ito B. iti-text mo ito
C. papatawagan mo sa nanay mo D. aalamin mo muna kung totoo
______6. Ang hindi magandang dulot ng mga impormasyong natatanggap ay _____
A. pagkakaiba-iba ng mga pinaniniwalaan
B. hindi pagkakaunawaan o pag-aaway
C. pag-aalala o takot sa mga tao
D. lahat ng nabanggit
______7. Ang sitwasyong nagpapakita ng hindi magandang epekto ng impormasyon ay _____
A. mas dumami ang kaalaman ni Jose dahil sa mga nabasa
B. natuklasan ni Kurt ang katotohan dahil nagsiyasat siya
C. nag-away ang magkaibigan dahil magkaiba ang alam nila
D. nasasagot ni Rose ang mga tanong dahil updated siya

_____8. Upang hindi maging biktima ng maling impormasyon, kailangan mong maging _____
A. mapamaraan B. mapaniwalain C. mapagduda D. mapanuri
_____9. Ang mga impormasyong makukuha sa diyaryo, magasin, telebisyon, pelikula at internet
ay magdudulot ng ______
A. mabuti B. di-mabuti C. saya D. A at B
_____10. Ang mga sumusunod ay mabuting dulot ng mga impormasyon, MALIBAN sa _____
A. pagkakaroon ng bago at karagdagang mga kaalaman
B. paglawak at paglalim ng pagkaunawa
C. pagkalito dahil sa dami at iba-iba
D. pagkakabatid sa katotohanan
_____11. Ano ang mabuting naidudulot ng pagkakaroon ng positibong pag-iisip?
A. hindi sumusuko sa mga problemang kinahaharap.
B. nawawalan ng pag-asa.
C. mabilis malungkot at magalit sa mga sitwasyon.
D. lahat ng nabanggit.
______12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong kaisipan?
A. Iniiwasan ni John na tumulong sa mga gawaing bahay dahil alam niyang mapapagod
siya dito
B. Umiiyak si Antonio tuwing sinasabihan siya ng nanay niya na magsanay sa
pagbabasa.
C. Iniiwan ni Kimberly ang kanyang aralin sa tuwing nahihirapan siyan intindihin ito.
D. Humahanap ng iba pang source si Lanie upang intindihin ang mga aralin na siya ay
nahihirapan.
______13. Pinapapalitan ng kamag-aral mo ng mas mataas na iskor ang iwinasto mong
pagsusulit niya. Ano ang iyong gagawin?
A. Gagawin ko ang ipinagagawa niya para makatulong ako sa kaniya.
B. Hindi ko ito gagawin dahil mas tataas ang iskor niya kaysa sa akin.
C. Hindi ko ito gagawin at sasabihin ko sa guro ang ipinagagawa niya sa akin.
D. Hindi na lang siya papansinin
______14. Lumiban ka dahil may pinuntahan kayo ng iyong pamilya. Kinabukasan, tinanong ka
ng guro kung magaling ka na dahil ang alam niya ay lumiban ka dahil ikaw ay
nagkasakit. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipapaliwanag ko ang tunay na dahilan ng aking pagliban.
B. Sasabihin kong magaling na ako at magpapasalamat ako sa pangungumusta niya.
C. Tatawagan ko ang aking magulang at hahayaan ko na sila ang magpaliwanag sa aking
guro.
D. Hindi na lang ako iimik
______15. Nakalimutan mong magdala ng mga gamit para sa iyong proyekto sa Araling
Panlipunan. Tinanong ng guro kung sino ang hindi nakapagdala ng mga gamit.
Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabihin ko sa aking guro na hindi ako nakapagdala ng mga gamit.
B. Sasabihin ko sa aking guro na nakapagdala na ako ng mga gamit ngunit nawala ang
mga ito.
C. Hihiram na lamang ako sa aking kamag-aral ng mga gamit.
D. Hindi na lang ako gagawa ng proyekto sa Araling Panlipunan
_____16. Ito ay kasingkahulugan ng kabatiran o karunungan. Nakukuha ang mga ito sa
pamamagitan ng pag-aaral o pagkakaroon ng karanasan.
A. kaalaman B. talento C. aral D. kapangyarihan
_____17. Ayon sa sinabi ni Francis Bacon, “Knowledge is _____.”
A. dream B. power C. life D. everything
_____18. Ang mga sumusunod ay maaari mong gawin upang maipakita ang positibong saloobin
sa pag-aaral, MALIBAN sa _____
A. pagdadamot ng impormasyon o kaalaman sa iba
B. paglalaan ng tiyak at sapat na oras sa pag-aaral
C. pagkakaroon ng kawilihang gawin ang mga gawain
D. pagiging matiyaga sa mga aralin kahit na nahihirapan
_____19. Madalas ipinagpapaliban ni Cindy ang pag-aaral kaya nakaklimutan na niyang tapusin.
Ang gawaing ito ay _____
A. tama B. okay lang C. mali D. kahanga-hanga
_____20. Ang pagiging masipag at matiyaga sa pag-aaral ay magdadala sa katuparan ng iyong __
A. pagtatapos B. pagyaman C. hiling D. pangarap
_____21. Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon at pagkilos ng wasto o tama kahit
walang nakatingin ay pagiging _____
A. matapat B. mabait C. masinop D. masipag
_____22. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng katapatan, MALIBAN sa _____
A. pagbabasa ng lahat ng nakapaloob sa mga aralin
B. paggawa ng mga gawain at hindi ito ipinagagawa sa iba
C. hindi pakikiisa ka sa mga pangkatang gawain at proyekto
D. pagtupad ng ipinangako o sinabing gagawin na mag-aaral
_____23. Naipakikita mo ang pagiging matapat sa pag-aaral kung _____
A. kinokopya mo lang ang sagot sa gawa ng iba
B. ipinagagawa mo ang lahat sa mga kapatid
C. nagsisikap kang matuto kahit nahihirapan
D. hinahayaan na lamang na hindi mag-aral
_____24. Naatasan si Gerry na maging lider ng pangkatang gawain kasama ang kamag-aaral na
kapitbahay niya. Ipinaubaya na lamang niya sa mga ito ang paggawa. Ang ginawa niya ay
A. tama B. mali C. okay lang D. maayos
______25. Ang dapat mong gawin sa prinsipyo o kasabihang “Honesty is the Best Policy” ay _____
A. kabisaduhin B. saulohin C. isapuso at isakilos D. tingnan at basahin
______26. Ito ay ang pagsasabi ng iyong totoong naiisip at nararamdaman.
A. pagpapahayag ng saloobin B. pakikipag-away sa iba
C. pagrereklamo sa iba D. pagiging madaldal
_____27. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng tamang pagpapahayag ng saloobin, MALIBAN
sa
A. pag-isipan munang mabuti ang sasabihin
B. alamin muna ang katotohanan bago magsalita
C. maging magalang sa kausap at ipakita ang respeto
D. maging marahas sa pananalita upang hindi makasakit
_____28. Kapag ikaw ay tatanggap ng puna mula sa iba, dapat na _____
A. gamitin ang puna upang makapagbago
B. ipakita ang paggalang sa kausap
C. magpasalamat sa puna o payo
D. lahat ng nabanggit
_____29. Nagalit si Kim ng bigyan ng payo ni Arianne na iwasan ang pagsasalita ng masama o
pagmumura. Ang ginawa ni Kim ay _____
A. tama B. mali C. okay lang D. maayos
_____30. Pinakamahalaga sa pagpapahayag ng saloobin ang maging _____
A. tapat at totoo B. mapanakit C. mapagkunwari D. malihim at tahimik
_____31. Ang pagsasabi ng _____ ay pagsasama ng maluwat.
A. maganda B. tapat C. mali D. biro
_____32. Ang sumusunod ay kasingkahulugan ng katotohanan, MALIBAN sa ____
A. totoo B. tama C. wasto D. kasinungalingan
_____33. Nakita mong itinago ni Jester ang tsinelas ng kapatid mo. Nang hinahanap na ito ay
sinabi mong hindi mo alam. Ang ginawa mo ay ____
A. tama, upang maiwasan ang away o gulo
B. tama, upang hindi mapahamak si Jester
C. mali, dahil hindi ka nagsabi ng totoo
D. mali,dahil dapat inako mo ang kasalanan
_____34. Kung hindi ka magsasabi ng totoo, maaaring _____
A. mas lumala ang suliranin
B. hindi magbago ang kapwa
C. maulit pa ang pagkakamali
D. lahat ng nabanggit
_____35. Kung nakagawa ka ng kasalanan subalit alam mong maparurusahan ka, pipiliin mong
A. magsinungaling na lang
B. isumbong ang ibang tao
C. manahimik at itago ito
D. umamin at humingi ng tawad
II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang Tama kung nagpapakita
ito ng tamang gawain at Mali kung hindi.

____________36. Sa katapusan pa naman ipapasa ang aming proyekto sa EsP kaya hindi ko na
muna ito gagawin. Uunahin kong mag level-up sa laro sa cellphone ko.
____________37. Hindi muna ako manonood ng K-drama ngayong gabi. Kailangan kong mag-aral
para sa mga pagsusulit.
____________38. Nakipagtalakayan si Aiza sa kamag-aral na si Emily gamit ang cellphone. Pinag-
usapan nila ang tungkol sa mga aralin.
___________39. Tinatapos ko muna ang aking mga aralin at gawaing bahay bago ako maglaro.

____________40. Ipinauubaya ko sa aking kapatid ang paggawa ng pangkatang proyekto namin


upang maayos ang ipapasa naming sa aming guro.
____________41. Tinatanggap nang may katatagan ng loob ang puna ng iba.
____________42. Nagrereklamo kapag hindi inaaprubahan ng lider ang iyong opinyon.
____________43. Malugod na tinatanggap ang isang pasya para sa kabutihan ng lahat nang
may katatagan ng loob.
____________44. Pinakikinggan ang payo ng iyong mga magulang na mag-aral nang mabuti
at huwag lumiban sa klase.
____________45. Ipinipilit ang iyong gusto kahit alam mong hindi kayang bilhin ng magulang mo.

III. Panuto: Isulat ang iyong mabisang kaisipan, tamang pagpapasya at magandang
saloobin sa mga sumusunod na sitwasyon o gawain.

46. Tama ba hindi mo susundin ang utos ng Nanay mo na maglinis ng bahay pag ikaw ay
naglalaro ng video games? Ano ang gagawin mo?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

47. Kabilang ka sa grupong inatasan na gumawa ng proyekto tungkol sa kabutihang naidudulot


ng pagtutulungan sa komunidad. Bilang kasapi nito, ano ang iyong gagawin?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

48. Malapit na ang pagsusulit, ano ang nararapat mong gawin upang maipasa mo ang lahat ng
asignatura at makakuha ka ng magandang marka?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

49. Nag-away ang dalawa mong kaklase. Si Niko na matalik mong kaibigan ang nagsimula ng
gulo. Bilang kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

50. Bilang pagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral, sumulat ng dalawang


pangungusap kung paano mo itio magagawa.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Inihanda nina:

ERNA P. ROMERO

LORIELYN B. LOREZCO

MAMERTO S. VENTURA, JR.

Address: Poblacion Sur, Sta. Barbara, Pangasinan Document Code: P1SBA1-FR-019


Email: dso.stabarbara1@gmail.com Page No.: Page 1 of 1
Effectivity Date: 01-23-2020

You might also like