You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

FIRST PERIODIC TEST – S.Y. 2022-2023

Pangalan: _______________________________________ Iskor:_________________


Grade Five - _________________________________ Petsa:____________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at tukuyin kung alin sa mga pagpipilian ang
pinakatamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang.

______1. Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na bagyo sa inyong


lugar. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Aalis kaagad sa inyong lugar C. Suriin muna kung totoo ang balita.
B. Ibalita kaagad ang narinig D. Maghanda kaagad sa paparating na bagyo.

______2. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang naidudulot ng laging paglalaro sa
cellphone?
A. Nabibigyan ng kasiyahan ang sarili.
B. Napapabayaan ang mga gawaing pampaaralan.
C. Napaglalaanan ng mahabang panahon ang hilig.
D. Nahahasa ang kakayahan (skills) sa games sa cellphone.

______3. Ito Ay isang channel kung saan madalian kang nakakasagap at makapgbibigay ng
impormasyon.
A. diyaryo B. Internet C. magasin D. radyo

______4. Nagkaroon sila Dianne ng biglaang pagsusulit sa asignaturang Edukasyon sa


pagpapakatao. Hindi siya handa sa pagsusulit, ano ang dapat niyang gawin?
A. Ipapasa ang sagutang papel kahit walang sagot.
B. Kokopya sa katabi para di bumagsak sa pagsusulit.
C. Sasagutin ang mga tanong sa pagsusulit sa abot ng makakaya.
D. Magbubukas ng kuwaderno ng palihim para may makuhang sagot.

______5. Paano maipapakita ang tiyaga sap ag-aaral?


A. Tapusin ang mga sinimulang Gawain gaano man ito kahirap.
B. Basahin at unawain ang mga aralin na binigay ng guro.
C. Magtanong sa guro o magulang kung nahihirapan.
D. Lahat ng nabanggit.

______6. Ano ang dapat gawin kung makarinig ng balita na may malawakang brownout sa
telebisyon man o radyo?
A. Balewalain ang balita. C. Ipagkalat agad ang balita.
B. Maniwala agad. D. Isangguni sa kinauukulan ang narinig.

______7. Naipakikita ang kawilihan sap ag-aaral kung _______________.


A. Lumiliban sa klase kapag umuulan. C. Nag-aaral kung may malaking baon lamang.
B. Pumapasok sa paaralan kung gusto
lang. D. Matiyagang
pumapasok at nakikilahok sa mga
talakayan.

______8. Sino sa mga sumusunod ang dapat tularan?


A. Si Beth na madalas lumiban sa klase. C. Si Elisa na gusting maglaro ng mobile legends
B. Si Robert na matiyagang nag-aaral at D. Si Bernie na hihikab-hikab dahil sa puyat
gumagamit ng ibang sources sa pag-aaral. kaka-Facebook.

______9. Narinig mo sa radyo ang balita na mayroong asong gala na nangangagat ng mga bat ana
nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa rabies. Paano mo ito ibabahagi?
A. Hayaan ang balita. C. Hayaan ang iba na makaalam nito.
B. Balewalain ang narinig na balita. D. Ipaalam ang balita sa punong barangay002E

______10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng positibong saloobin?


A. Pagtanggap sa isang bagay na maluwag sa kalooban.
B. Pagtanggap sa isang bagay ngunit sasama ang loob sa nangyari.
C. Hindi pagpansin sa kaibigan dahil nagtatampo ka.
D. Pagpapabili ng laruan sa magulang kahit na alam mong kapos sa badget.

______11. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapakita ng hindi magandang epekto ng pagkakalat
ng maling impormasyon
A. Nag-away ang magkaibigan.
B. Nasagot ni Rose ang mga tanong dahil updated siya.
C. Natuklasan ni Marjorie ang katotohanan dahil nagsiyasat sya.
D. Mas dumami ang kaalaman ni Sheryl dahil sa mga nabasa at narinig.

______12. Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?


A. Ang pag-aagawan ng teritoryo. C. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
B. Ang lindol na naganap sa Taiwan. D. Ang alitan ng mga pulitiko sa ating gobyerno.

______13. Maraming kumakalat na fake news sa panahon ngayon. Alin sa mga sumusunod na
sitwasyon ang dapat mong gayahin?
A. Tingnan kung alin ang maraming likes at shares at iyon ang paniwalaan.
B. Ibahagi ang bawat balitang nababasa upang makatulong sa pagpapakalat nito.
C. Balewalain lahat ng nababasasa social media para masigurong hindi makakapagkalat
ng fake news.
D. Suriin at tiyakin ang mga nababasa sa social media kung talagang nagtataglay ng
katotohanan bago ito paniwalaan,

______14. Nagpost sa social media ng paninira tungkol sa kaklase mo ang matalik mong kaibigan.
Alam mong hindi ito totoo. Ginawa lamang iyon ng kaibigan mo dahil galit siya sa
inyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Ila-like ko ito bilang suporta sa kaibigan ko.
B. Irereport ko ang kaibigan ko para ma-block siya sa social media.
C. Sasabihan ko ang kaklase ko na huwag na lang pansinin ang post ng kaibigan ko.
D. Kakausapin ko ang kaibigan ko at sasabihan ko na mali ang ginawa niya at hindi dapat
mag-post ng kasinungalingan sa social media.

______15. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting naidudulot ng mga pagkukunan ng
impormasyon tulad ng internet, telebisyon, at radyo?
A. Nagagamit sa pagsasaliksik C. Napapadali ang pagkalat ng mga impormasyon.
B. Napapadali ang komunikasyon. D. Nakakakita ng mga bagay na di-angkop sa mga bata.

______16. Ito ay tumutukoy sa pagtanggap sa mga bagay nang maluwag o may pagtitimpi.
A. Kayahan B. Pagkakaisa C. Pagkamahinahon D. Pagtutulungan

______17. Nagpost ka sa social media ng hinaing tungkol sa hindi magandang pamamalakad sa


inyong Student Organization. Kinausap ka ng pangulo at sinabihan na makasasama ito sa
imahe ng organisasyon. Sinabihan ka niya na burahin ang iyong post. Ano ang gagawin
mo?
A. Tatanggi dahil katotohanan lamang ang laman ng iyong post at Karapatan mong
ipahayag ang iyong saloobin.
B. Babaguhin lamang ang setting ng post para hindi Mabasa ng pangulo ang iyong post.
C. Papayag na burahin ito dahil baka pag-initan ka ng organisasyon.
D. Papaya ngunit hihingi ng kapalit na pera para burahin ang post.

______18. Ito ay isang napakahalagang bagay na iyong nabasa o napakinggan, alinman sa


pahayagan, social media, telebisyon, o radyo.
A. Impormasyon C. Pinagmulan
B. Mahalagang detalye D. Pagwawakas

______19. May mga nakukuha tayong balita araw-araw. Ano ang dapat mong gawin upang
paniwalaan ang iyong nabasa o napakinggan?
A. Isalamin B. Isapuso C. Isipin D. Tanggapin

______20. Alin sa mga sumusunod ang huli mong dapat na isaalang-alang sa balitang
napakinggan, patalastas na nabasa at narinig. Mga programang napanood sa telebisyon at
mga post sa social media at internet?
A. Ibahagi B. Katotohanan C. Nilalaman D. Pinagmulan

______21. Napanood ni Celine sa telebisyon na mawawalan ng tubig sa kanilang lugar. Ibinahagi


rin ito ng kaniyang kapitbahay ngunit nagmamadali siyang umalis kaya hindi niya ito
inaksyunan. Ano ang hindi tama sa sitwasyong ito?
A. Binalewala ni Celine ang balitang napanood at narinig.
B. Pinahalagahan ni Celine ang balita.
C. Nagmamadaling umalis si Celine.
D. Iniwan ni Celine ang kausap.

______22. Ito ay tumutukoy sa sama-samang paggawa ng mga tao upang mapadali at mapabilis
ang gawain
A. Kakayahan B. Matiyaga C.Pagkamahinahon D. Pagtutulungan

______23. Hindi lahat ng impormasyon ay napakikinggan. Mayroon ding hindi mabuting dulot ang
mga ito gaya ng ________________.
A. Pagdami ng puwedeng maibahagi sa iba. C. Paglawak at paglalim ng pagkakaunawa.
B. Pagkatuto sa mga kaalamang nakuha. D. Pagkalito sa dami at iba-ibang balitang nasasagap.

______24. Paano nakatutulong ang pagbibigay ng ideya sa iba?


A. Nakakatulong ito sa ikatatagumpay ng gawain. C. Ito ay nagpapakita ng pakikiisa sa pangkat
B. Ito ay nagpapakita ng malasakit sa kapuwa. D. Lahat ng nabanggit.

______25. Bakit mahalaga na nagkakaisa ang mga miyembro ng isang pangkat?


A. Ito ay nagpapakita ng katapatan sa paggawa ng gawaing pampaaralan.
B. Nagkakaroon ng balakid sa ikatatagumpay ng proyekto.
C. Hindi natatamo ang layunin ng pangkat.
D. Lahat ng nabanggit.

______26. Kung nakabasa ka ng isang balita sa social media site, ano ang pinakauna mong
gagawin kung may epekto ito sa sarili at sa iba?
A. Hindi ko paniniawalaan. C. I-share agad ito para mabasa rin ng iba.
B. Hindi ko nalang papansinin. D. Aalamin ko
muna kung legal ba ang site na
pinanggalingan ng balita.

______27. Gawain na naglalayon ng iisang puso, iisang damdamin at iisang mithiin.


A. Kakayahan B. Matiyaga C. Pagkakaisa D. Pagkamahinahon

______28. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang kaisipan?


A. Si Melody na hindi agad naniniwala o nagpapadala sa naririnig, nababasa o nakikita.
B. Si Arianne na hindi nagpapadalos-dalos na ibalita sa iba ang impormasyon.
C. Si Kenneth na tinitiyak muna kung tama ang mga impormasyon at may batayan.
D. Lahat ng nabanggit.

______29. Pagkatapos ng online class ni Joanna, naikuwento niya sa kanyang tatay Luis na may
kaklase siyang nagsasabi ng masamang salita na nabasa nila sa isang website. Ano ang
maaaring gawin ng kanyang tatay Luis sa pagkakataong ito?
A. Hindi na lamang niya papansinin ang kuwento ni Joana.
B. Pagagalitan ang anak at sasabihing huwag gayahin.
C. Papayuhan ang anak nang Mabuti at tamang gawin.
D. Pagtatawanan ni tatay Luis ang narinig sa anak.

______30. Katangiang nagpapakita ng mga kaya mong gawin at mga bagay kung saan ka
magaling.
A. Kakayahan B. Matiyaga C. Pagkakaisa D. Pagkamahinahon

______31. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng mabuting paggawa sap ag-
aaral?
A. Tamad sa pag-aaral C. Walang pakialam sap ag-aaral
B. Sunus-sunuran sa kaklase D. Matapat sa tungkulin sa pag-aaral

______32. Ang mga sumusunod ay maaari mong gawin upang maipakita ang positibong saloobin
sa pag-aaral maliban sa __________________________________.
A. Pagdadamot ng impormaston o kaalaman sa iba.
B. Paglalaan ng tiyak at sapat na oras sa pag-aaral.
C. Pagiging matiyaga sa mga aralin na nahihirapan.
D. Pagkakaroon ng kawilihang gawin ang mga Gawain.

______33. Kakayahan ng isang tao na maghintay habang nasa ilalim ng mahirap na kalagayan.
A. Kakayahan B. Matiyaga C. Pagkakaisa D. Pagkamahinahon
______34. Bakit kailangan ng tao ang pagkakaisa?
A. Upang hindi makamit ang layunin
B. Upang mapabigat ang gawain
C. Upang maipabatid ang pagmamalasakit sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit

______35. Alin sa pangungusap ang nagpapakita ng pagkukusang loob?


A. Nanatili si Joana sa kanyang pagkakaupo at hindi na nakisama sa pangkat.
B. Nakibahagi si Charles sa grupo at itinuro ang kanyang ideya.
C. Kailanman ay hindi nakibahagi si Mariz sa gawain.
D. Hindi nakibahagi sa gawain.

______36. Ano ang kahulugan ng “No man is an island”?


A. Walang sinuman ang nabubuhay mag-isa
B. Puwede kang mabuhay mag-isa
C. Walang pakialam sa kapuwa
D. Walang pakikisama.

______37. Napagtanto ni Gemma na sobra ang ibinigay na sukli ng tindera sa grocery


store na kaniyang binilhan. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Umuwi kaagad sa bahay pagkatapos bumili.
B. Pagalitan ang tindera dahil nagkamali ito.
C. Ibalik ang sobrang sukli sa tindera.
D. Ilagay sa bulsa ang sobrang sukli.

______38. Isang opisyal ng barangay si Mang Mario. Ginagampanan niya nang maayos at
matapat ang kaniyang mga tungkulin sa kanilang barangay. Ano ang ipinakikita ni Mang
Mario?
A. Katapatan sa guro C. Katapatan sa paaralan
B. Katapatan sa pamilya D. Katapatan sa pamayanan

______39. Kailan makikita ang katapatan sa sarili?


A. Magagalit kapag pinupuna ng kaklase.
B. Aangkinin ang gawa ng iba para purihin ng guro
C. Maniniwalang palaging tama ang kaniyang ginagawa.
D. Tatanggapin nang maluwag sa loob ang maliit na marka at pag-iigihin ang pag-aaral sa
susunod.

______40. Pinuri ng Science teacher si Jane dahil nakakuha siya ng pinakamataas na marka sa
pagsusulit. Pinalakpakan siya ng buong klase at pinuri ang nagawa. Mayamaya lang ay
dahan-dahan siyang tumayo at pumunta sa gitna. Inamin niya na siya ay nagkodigo. Anong
katangian ang ipinakita ni Jane sa kaniyang pag-amin sa kasalanan?
A. Pagpapakumbaba B. Pagkamatapat C. Pagkamasunurin D. Pagkamabait

TAMA O MALI: Isulat ang TAMA kung ang diwang isinasaad ay naaayon at maganda ang layunin
para sa iyo at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

__________41. Dapat aminin ang pagkakamali kahit alam mo na pagtatawanan ka ng ibang tao.
__________42. Hindi dapat isinasauli ang bagay na hiniram mo.
__________43. Tama lang na angkinin ang papuri sa isang proyektong mahusay na ginawa ng iba.
__________44. Dapat na isauli sa “Lost and Found” ang bagay na napulot mo.
__________45. Dinaragdagan ang presyo ng pambili ng gamit sa paaralan.
__________46. Nangongopya sa oras ng pagsusulit dahil hindi nakapag- aral.
__________47. Ginagamit ang gadget ng kasama sa bahay habang wala ang may-ari
__________48. Humihiram ng gamit ng iba at ibinabalik agad ito.
__________49. Nagsisinungaling upang hindi mapagalitan
__________50.Nangungutang sa mga kamag-aral dahil may gustong bilhin na gamit.

Inihanda nina: Itinama at sinuri nina

G. Christopher B. Urbino, MT I Gng. Dinah E. Tagarino, MT II


Gng. Jessie Mae N. Buco, T II G. Roman F. Corpuz, MT I

Answer Key in ESP 5 Answer Key in ESP 5


FIRST QUARTER FIRST QUARTER

1. C 1. C
2. B 2. B
3. B 3. B
4. C 4. C
5. D 5. D
6. D 6. D
7. D 7. D
8. B 8. B
9. D 9. D
10. A 10. A
11. A 11. A
12. C 12. C
13. D 13. D
14. D 14. D
15. D 15. D
16. C 16. C
17. A 17. A
18. A 18. A
19. C 19. C
20. A 20. A
21. A 21. A
22. D 22. D
23. D 23. D
24. D 24. D
25. A 25. A
26. D 26. D
27. C 27. C
28. D 28. D
29. C 29. C
30. A 30. A
31. D 31. D
32. A 32. A
33. B 33. B
34. C 34. C
35. B 35. B
36. A 36. A
37. C 37. C
38. D 38. D
39. D 39. D
40. B 40. B
41. TAMA 41. TAMA
42. MALI 42. MALI
43. MALI 43. MALI
44. TAMA 44. TAMA
45. MALI 45. MALI
46. MALI 46. MALI
47. MALI 47. MALI
48. TAMA 48. TAMA
49. MALI 49. MALI
50. MALI 50. MALI

You might also like