You are on page 1of 6

Movies

TV Shows

Music

Speeches

Gaming

Education

Beauty

Sports

Technology

Science

Health

Travel

Transportation

Career & Work

Hobbies

Animals

Home & Garden

Holidays

Relationships

Parenting

Food

Culture
Finance

Business

Legal

Arts

Ang Kwento ng Gamu Gamo ni Jose Rizal

HomeAnnotationsEditors

Tip: Highlight text to annotate itX

Ang ina ni Rizal ang unang nagturo sa kanya ng pagbasa. Kung sila ay inaabot ng gabi at si Rizal ay pagod
na sa pag- aaral ng pagbasa, si Ginang Rizal naman ang bumabasa at ang anak ang nakikinig. Isang gabi
silang dalawa na lamang ang naiwang gising sa kanilang bahay. Sa kanilang pagbasa ay wala nang ilaw na
may sindi maliban sa osang tinghoy. Si Rizal ay nag-aantok at pagod na sa pagbasa ng librong kangyang
pinag-aaralan. Kaya ang Ina naman ang bumasa at si Rizal ay naking nalamang.

Hindi rin nagtagal at ang bata ay napagod sa pakikinig. Siya ay nalibang ng mabuti sa mga gamugamo na
naglalaro sa ilaw. Minsan, si Rizal ay naghikab at napansin ng ina na hindi na ito nakikinig. Huminto ito
ng pagbasa at saka nagwika. "Ngayon ay babasahin ko sa iyo ang isang marikit na kwento. Makinig kang
mabuti". Nang marinig ni Rizal ang salitang "kwento," nadilat ang kanyang mga mata at tumingin sa Ina.
Dagling nawala ang kanyang antok.

Pinagmasdan niya ang kanyang ina habang binubuksang isa'isa ang mga dahon ng libro sa paghanap ng
kwentong babasahin. Mayamaya'y nagsimula ang Ina ng pagbasa.

Mayroon daw dalawang ga gamugamo, isang matanda at isang bata. Maibigin silang maglaro sa tabi ng
ilaw na kandila. Isang gabi ang batang gamugamo ay lumipad nang lubhang malapit sa ningas ng kandila.
"Mag-ingat ka!" ang tawag ng matandang gamugamo. "Baka masunog ang pakpak mo ay hindi ka na
makalipad."

"Hindi ako natatakot," ang mayabang na sagot ng batang gamugamo. At nagpatuloy siya ng palipad sa
paligid-ligid ng magandang ningas. Minsan, sa kanyang paglipad ay nadikit sa ningas ang kanyang pakpak
at siya ay nalaglag sa mesa.

"Sinabi ko na nga ba sa iyo," ang sabi ng matandang gamugamo. "Ngayon ay hindi ka na makalilipad na
muli. Samantalang nakikinig si Rizal sa kwento nalilibang naman siya sa maliliit na gamugamong
naglalaro sa kanilang ilaw. Napansin nya ang malaking hangad ng maliliit na kulisap na makalapit sa ilaw
sa paghanap ng liwanag kahit mapanganib. At nang masunog ang pakpak at malaglag sa mesa ang
batang gamugamo sa kwento ay siya ring pagkasunog ng pakpak at pagkalaglag ng isang tunay na
gamugamo sa langis ng tinghoy.
Dahil sa pagkalibang sa mga gamugamo hindi na niya napansing tapos na sa pagbasa ang kanyang ina.
Isa mahalagang bagay ang kanyang natutuhan. Isang dakilang aral ang kanyang nakuha sa mga
gamugamo. Ang maliit na kulisap pala ay marunong ding magbigay ng pangaral na tulad ng kanyang ina.
At ang mga gamugamo pala ay hindi natatakot mamatay sa paghanap ng liwanag.

Nang sila ay matutulog na nang gabing iyan, sinabi ni Rizal sa kanyang ina, "Huwag mong paparisan ang
ginawa ng batang gamugamo. Makikinig ka sa pangaral upang ikaw ay hindi mapahamak."

Ang pangyayaring ito at namalagi sa alaala ni Rizal hanggang siya ay tumanda. At sa wakas ay nakita
nating siya ay nagpakamatay sa paghanap ng ilaw at liwanag para sa kanyang bayan.

Pinagmulan: Online Health Wellness

Activity

Sort

Marjz annotated1+ month ago

Ningas ng kandila, and ibig sabihin ay sindi o ilaw ng kandila.

Permalink Edit Editors Share

Marjz annotated1+ month ago

Marikit, ang ibang ibig sabihin ay maganda at kapupulutan ng aral.

Permalink Edit Editors Share

Marjz annotated1+ month ago

Kung ihahambing ang pangungusap na ito sa buhay ni Jose Rizal, siya ay isang kulisap na naghahanap
liwanag kahit ito ay mapanganib. Kaya siya ay umalis at nag-aral sa ibang bansa. Siya ay nagtungo sa
Espanya, Pransiya at sa Alemanya.

Permalink Edit Editors Share

Marjz annotated1+ month ago


Ang mga gamugamo at si Jose Rizal

Mga Kwentong Sinauna, Ating Sariwaing Muli: Ang Mga Gamugamo at Si Jose Rizal

onlinehealthwellness.blogspot.com

Permalink Edit Editors Share

Marjz annotated1+ month ago

Nang bumalik si Rizal sa Pilipinas mula sa Espanya, siya ay pinaratangan ng paghihimagsik. Siya ay nilitis
at hinatulan ng kamatayan. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa Bagumbayan na ngayon ay
Luneta.

Permalink Edit Editors Share

Marjz created this page1+ month ago

Hello world. It's a new page!

Marjz edited1+ month ago

Ang Kwento ng Gamu Gamo ni Jose Rizal

English

Worldwide
About Copyright Privacy Terms © 2022 Readable

Ang Tsinelas ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang
sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag
nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat.
Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka
ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa
paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng
karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas.
Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa
sa kahoy ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina
na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa
dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala
ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang
paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

You might also like